ICALIMANG DIGMA
Josefo, Lusino at Kalintong
JOSEFO.—Dahil sa balita na biglang lumago sa pitak ng dibdib
at na
abang puso.
LUSINO.—Ang magaling nito tayo ay gumaua
muog na mataas, matibay na cuta
sa tabi ng daan at piling ng langca
ng may pañgublihan ating mga digma.
Ng hindi mañganib sa tunog
ng canyon
añgil ng mauser, siclab ng remington
sadyang pagtibayin at sa mga burol
ay may daang lihim na di manunuynoy.
JOSEFO.—Maiguing acala.
LUSINO.—Caya ang magaling
barreta at pala ñgayon din ay cunin
sa
Real batería
, at, ang unang hucayin
ang baybaying yaon. (
ituturo
)
JOSEFO.—Dito ipapaling
Pagcat may lusutang bañgin at batisan
sa luasan at hulo, sa caliua,t, canan
at may mga cahoy na lubhang malabay
na macalililim at may tatanauan.
Caya ang mainam ay mayroong
isa
sa cahoy na ito na may larga-vista
ng upang mamalas at caniyang maquita
lahat ng darating na macacabaca.
Ang tatanod dito ay cung bababa
man
ay pahahalili sa isang matapang
na di natatacot sa mga asuang
diwata at tictic, nuno,t, mangcuculam.
LUSINO.—Cun gayon catoto iyong ipag-utos sa mga bataang ganap
na
sumunod.
ICAANIM NA DIGMA
Sila rin, si Tibó at ang cawal.
JOSEFO.—¿Nañgasaan cayo?
TIBÓ.—Cami po'y lincod sa lahat ng bagay na
maipag-utos
JOSEFO.—Ang tactac at punque, pala at barreta
ay inyong caunin na magcacasama
tuloy na ilaquip ang palihoc at caua
ng may paglutuan itong ating tropa.
TIBÓ.—Sa lilim nang atas cami,i, uma ayos
(
aalis
)
KALINT.—Cahimanauari, sa inyong pag sunod sa utos ng puno
cayo,i, mga
tampoc at ang mga butse'y humiguet sa manoc.
IKAPITONG DIGMA
Lusino, Kalingtong, Tibó at ang cawal.
TIBÓ.—Nañgagsidating po ang pinag-utusan.
LUSINO.—Ang burol na yaon ang siyang tayuan ng muog at
cutang
macasasangalang sa hocbo at digma ng lahat ng caual.
JOSEFO.—Sumulong na cayo,t humucay ng balon,
gumaua ng lapát, tumaga ng cahoy,
magsalá ng patpat, ang bato'y ubunton
ng hindi masira sa bala ng caniyon.
Subu'i! datapua!...
(
lalabnutin ang buhoc
)—¡ualang
magagaua!...
¡huag sasayañgin ang ating adhica!...
¡huag acsayahin pagod sa acalá
ng macapagtayo ng muog at cuta!...
¿Cun ang itutulo ng pauis sa
hucay
ng sancá sa cuta ay maipagpantay
ng bundoc at burol na matataniman
ng café, abacá at ibang halaman?
¿Di caya mag-ani ng maraming
pilac
mahitic na puri't masaganang hiyas
at sa haharapi'y ating mamamalas
ang buig ng tua sa sañga ng galac?
O cun dili caya'y ating
ipagtanim
sa buquid, tumana at mga caiñgin
ng palay at tubó, úbe, gabe,t ságuing
sa taong susunod daming aanihin.
At sa haharapin, isang
piquit-mata
ay may titibaing puno ng abacá
may buñga ang café't ang puno ng manga
ay hitic na hitic ang lahat ng sañga.
Subali sa cuta mataas na
muog
pagod, camatayan siyang mapupulot
at ang pita't dadalhin ng culog
sa galás at parang, gulod at tugatog.
Ñguni! ñguni!
ñguni! (labnot din ang buhok)
ito ang magaling
higuit sa halaman ating aanihin
walang pañginoong aalinsunurin
at ualang castilang sucat umalipin.
ICAWALONG DIGMA
Josefo, Lusino, Kalintong, saca si Tibó at ang cawal
JOSEFO.—Maa gaano caya ang taas at capal ng cutang na tayo sa
may
calunuran.
LUSINO.—Acó ay tatauag sa nañgag huhucay ng
upang mataho,t, ating
maalaman (
Hihipan ang silbato lilitao si Tibó
)
TIBÓ.—¡May ipag-uutos!
JOSEFO.—¿Naglagay ng pinit
na sucat lusutan ang hañgin at inet
cun baga sumagui ang mga balauis
sa maog at cuta at mga belenes?
TIBÓ.—Opo!...
JOSEFO.—¿Mayroon gaano ang capal at taas ng cuta sa
may calunuran?
TIBÓ.—Higui't tatlong vara't ang mga cauayan ay may
isang metro ang
baon sa hucay.
JOSEFO.—Cun gayo'y hauanan ang dacong itaas at saca patayin
ang
maquitang landas.
LUSINO.—Ng upang mádali caunin ang lahat na na aamulan
sa punong
bayabas.
KALINT.—¡Sulong na! ... maglicsi! ... haluan ng
tacbo.
TIBÓ.—¡Cayo'y aquing lisan!...
KALINT.—Lumacad na cayo!...
ICASIYAM NA DIGMA
Sila rin.
JOSEFO.—Capag na ibañgon ang lahat ng ito
may catatagan na ang mga sundalo.
At di magagahis cahit
pag-ubusan
ng maraming tucso na ating calaban
at di mapapasoc saan man magdaan
ang mga castilang tunay na caauay.
Liban cung magahol sa tinga't
pólvora
at sa ... cani't ulam cung nag babaca na
subali sa tapang na aquing naquita
itac ay catimbang ng mauser nila.
At cun dili baga pauang
magagaling
ang mga sundalo at bataan natin
ang guloc at pisao na tañging patalim
di maisusuro sa bala ng mauser.
Sa pagca't maicli't
macaaabot
sa caya ng mixtong malacas sa culog
matulin sa quidlat at cung macatuhog
ang pambugang mansa'y caquilaquilabot.
Subali ang mixtong aquing
isinaysay
at ang licsi, lacas, dahas, catapañgan
capag sinarili at pinanghauacan
pilit magagahis ng macacaauay.
Caya ang marapat sa pagcat uala
na
tayong gagamiti't gagauing sandata
liban sa itiric ang dalauang mata
sa nunuñgong lañgit at daquilang gloria.
At sa Dios Ama at Divino
Verbo
sa Vírgen Santísima at lahat ng santo
ating idalañgin ang lahat ng ito
cahimanauari tayo ay manalo.
LUSINO.—Ang mauiuica co at maisasaysay
sa iyo catoto't piling caibigan
hangang masagunson bala ng calaban
mga bata natin padapain lamang.
Saca cung lumalo putoc na
sagunson
isibasib nila tabac na pang-lulong
hangang sa tumachó yaong mga buhong
huag ititiguil ang tagang palacol.
JOSEFO.—Gayon ñga ang gaua! ... caya cung uariin
ng aquing pasiya, puso at panimdim
mga buhay nilang catulad ng atin
iniaalay na sa mga patalim.
At sa camatayan na
lilibot-libot
sa bundoc, sa bayan at mga alaboc
na di tumitiquil sa mga pagdampot
sa buhay ng tauo na guising at tulog.
LUSINO.—Ang sa aquin naman na pagcacamasid
sa mga caauay:—¡cun ano ang bilis
ng bala ng mauser, gayon din ang inet
ng gato't pag ilas sa lauac ng buquid!
KALINT.—¡Tunay caya baga lahat ng sinaysay
ng mga catoto't aquing caibigan
¡marahil ay hindi! ... ¡pauang cabambanan
at ang ibang turing ay capalaluan!...
ICASAMPUNG DIGMA
Sila rin, saca si Tibó at ang cawal.
TIBÓ.—Inyo pong dalauin ang cuta at muog na lubhang
mainam ang
pagcacaayos.
JOSEFO.—¿Tunay?
TIBÓ.—Tanauin mo po at macalulugod ang taas at capal,
catulad ng
gulod.
JOSEFO.—Cung gayon ay bigyan ng hitso't tabaco
ang lahat ng cawal na doo'y dumaló
dalhan pa ng alac na na sa sa frasco
Jerez, Manzanilla at anis del mono.
(
Ipagcacaloob sa cawal ang lahat ng itó
)
TIBÓ.—Salamat! salamat!
KAWAL.—Mabuhay! mabuhay! ang ating pañgulo at bunying
general!...
KALINT.—Hayo sumulong na! ang pagsusunuran ang inyong
gagauin
magpacailan man.
JOSEFO.—Yamang na bañgon na ang muog at cuta
ng magcacapatid na aba at duc-ha
sa awa ng Dios at Poong daquila
na dunong tumiñgi't paham cumaliñga.
Tayo namang lahat magtica't
manalig
sa lahat ng santos at mga angeles
ng upang abutin ang pita at nais
sa dacong ibayo ng mga pañganib.
LUSINO.—Ang lalong mabuti tayo ay maghalal
isang pintacasing madadalañginan
sa lahat ng oras at sa paglalaban
ay iadya nauá sa mga caauay.
JOSEFO.—Cung gayon ang dapat ang ibunyi natin
angel ng príncipeng San Miguel Arcangel
ang siyang ihayag sa puso't panimdin
at siyang daiñgan saan man pumaling.
Sa pagcat ang tapang ng principeng
bunyi
sa lañgit at lupa ay di nagsagabi
at sa paglilincod sa Hari ng hari
palalong si Luzbel ay inalugami.
Sa hirap, sa hapis at sa
caabaan
at pinagpagdusa caloloua,t, catauan
sa alab ng apuy at sa casanaan
punong sinusunod noong mga hunghang.
Na mga demonio.
KALINT.—¡Mabuti!...
LUSINO.—¡Magaling!...
KALINT.—Maigueng pasiya ... at sa anting-anting na aquing
iniñgat ...
na aayon mandin!... ang magandang atas dapat nating sundin.
JOSEFO.—Cun ang pasiya co ang paaayunan
si Chito ang ating suutan't gayacan
sa pagcat ang sabi at uica sa tanan
siya'y may daluping pinanghahauacan.
Na cun ga totoo ating
masusuboc
sa paquiquibaca at paquiquihamoc
sa loob at labas ng alin mang muog.
CHITO.—Sa bundoc, sa bayan, sa lupa't sa dagat
cun sa aquing galíng sila'y magugulat
sa hacbang, sa uacsí, sa acma't pagdilat
ng dalauang mata ... ! yao na ang quidlat.
Na aquing dalupi at ang
anting-anting
cun siyang umiral ay lalong magaling
dahil sa itaas, boong pañgonorio
ay malalaro cong catulad ng hañgin.
KALINT.—Marahil totoo,t may catotohanan ang mga sinabi
nitong
caibigan.
LUSINO.—Ng ating masuboc ñgayon din suutan saca
paliparing tulad ng
asuang.
ICALABING-ISANG DIGMA
Sila rin.
JOSEFO.—¡Hayo na! ñgayon din! ... Icao ay
magsuot