WeRead Powered by ReaderPub
Ang Katipunan cover

Ang Katipunan

Chapter 55: ICAPITONG DIGMA
Open in WeRead

About This Book

A two-part stage drama staged in rural settings blends songs, stage directions, and dialogue to depict a band of insurgents and their encounters with villagers and patrolling soldiers. Scenes alternate between communal moments of song and everyday labor and tense discussions about arms, tactics, and movement through hills and groves. Characters debate courage, sacrifice, and the costs of resistance while preparing ambushes, seeking shelter, and sharing scant provisions. The play emphasizes communal solidarity, patriotic feeling, and the hardships of guerrilla life through episodic encounters and vivid landscape detail.

taua
) caya di lumapit

sa inyong mag ina na na sa pañganib

dahil cay Cundendeng sininta ng labis

at di mailayó sa caniyang titig.


Caya ñga cagabi siya ang casama

at doon nañgubli sa puno ng manga

at pagcacamulat ng canilang mata

ang unang ininom ay gatas ng vaca.


DÁMASA.—Tunay ñguni baga ang iyong sinaysay


DORAY.—¡Aba! oo! ... aba! at sa catunayan

hindi naquihamoc ng nag puputucan,

cami ni Kalintong ay pinabayaan.


Caya ng maubos ang aming municion

aming hinahanap laguing liniliñgon

yaong si Cundende ang cacandong-candong

pagcat umi-iñget at luluñgoy-luñgoy.




ICALIMANG DIGMA

Sila rin.



KALINT.—(
Papasoc ng papatacbo
) ¡inyo ñgang tanauin mga casi't ibig

at tila caauay itong nagbabalic.


DORAY.—¡Jesús co!


DÁMASA.—Jesus co! anong masasapit naming mag-iina? ... ¡mataas na

lañgit!...


DORAY.—¡Huag cang maiñgay!—¡huag cang cumibo!... ¡aquing tanauin!

... (
tutuntong sa isang bato
).


DÁMASA.—(
Magugulat
)—¡Cami'y mag tatago sa gubat, sa bañgin at sa

dacong hulo ng bañgin ñgang itong maraeng lagulo!


DORAY.—¡Halica at hindi! ... at ang na sa una

ang iyong Lusino at ilang casama

na pauang may pasang pusil at sandata

at ang iba naman bitbit ay muhara.


DÁMASA.—Salamat cun gayon.




ICAANIM NA DIGMA

Papasoc si Lusino at si Beteng ay naca mambisa.



JOSEFO.—(
sa cay Lusino
)—¡Catoto't caibigan!

mula sa malayo'y aquing natanauan

sinta mong asaua ay na hintacutan

sa mga sacuna at ating pagdatal.


LUSINO.—¿Cung matalos caya ang ating na sapit sa sumaguing unos ay

hindi mahapis?


JOSEFO.—Marahil malunos at sucat maamis ang puso't panimdim na calong

ng dibdib.


LUSINO.—¡Cung gayo'y ilihim! ... ¡huag isalita ang boong nangyari sa

lilim ng lanca.




ICAPITONG DIGMA

Si Dámasa'y dudulog cay Lusino at cay Kalingtong



DÁMASA.—¡Catoto at casi! ... ¡batis ng biyaya

¡aco ay haguisan ng ilang balita!...


Ng tungcol sa digma na nacalingatong

sa parang at bundoc at loob ng nayon

na dili umano cayo'y nañga gahol

at nañgahirapan ... caya nag si urong.


Sa bulaos, sapa at ibang cublihan

ng usang mailap na tubo sa parang

caya may nagtago sa gubat-gubatan

at lubhang pañganib nasapit ng buhay.


LUSINO.—Cung yao'y totoo! ñguni ng magalit

ang lahat ng cawal ay muling nag balic

at saca hinabol ang mga balauis

hangang sa S. Juan sila'y inihatid.


At sa catunayan ay aquing nacuha

reló ng capitan, at sable ni Peña

gayon ang patupat, mariquit na pipa

saca ang bursigueng macapal ang suela.


BETENG.—Lahat mong sinabi'y ualang cabuluhan

sa aquing na cuha na sadyang mainam

tigni at mambisa ang na sa catauan

puno ng galletas ibang cabuhayan.


Ang lahat ng bulsa na paliguid-liguid

sa aquing catauan ay siguic na siguic

tignan at may lata, tinapay, matamis

at may medalla pang sa dibdib pang sabit.


Bucod pa ang pipa, itso't cigarillo

tabacong
Insular
at anis del mono

bucod ang salapi at papel de Banco

bucod ang peseta't bucod ang mamiso.


DÁMASA.—Cung gayon catoto aco'y balatuhan

ng mabibili sa pabañgo,t, suclay

saca sa banquete postiso,t, pamaypay.


BETENG.—Ayaw aco, ayaw!


DÁMASA.—Aco'y iyong bigyan.


BETENG.—Ayaw aco, ayaw!


LUSINO.—Bigyan na


KALINT.—Bigyan na


BETENG.—Bigyan co ng ano


LUSINO.—Bigyan mo ng cuarta


BETENG.—Ayaw! ayaw! ayaw aco


LUSINO.—Ayaw ca ñga ba


BETENG.—Aba at nagalit ... toma!


DÁMASA.—Ayaw co na.


(
Uulit-ulitin ang toma at ayaw co na
)



ICAWALONG DIGMA

Pagpasoc ang mga voluntario sa Casino at si Tomás ang mañguñguna sa caramihan ng mga bahay na na sa itaas.



RICO.—Tomás! (
Hindi madidiñgig
)


PEÑA.—Tomás! (
Sasagot mula sa malayo
)


TOMÁS.—Señor! (
saca lalapit
)


PEÑA.—¿Cañginong tahanan camalig na yaon at malaquing bahay na na sa

caliua at na sa sa canan?


TOMÁS.—Sa cay Juan Haring quilala ng tanan.


Isa'y alilisan malaquing camalig

dalawa ay bañgan ng palay at guilic

caya ñga sagana ang mga himacaic

at di magugutom cahit ang masapit.


Abutin ng buan, bumilang ng taon

at gumala-gala sa bañgin at burol.


PEÑA.—Cung gayo'y sunuguin ... sulsulan ng apuy

ng ualang siluñga't di macapag pulong.

At ualang macain sa bundoc at parang

ang mga himacsic lilong katipunan.


RICO.—Hayo na ... suluñgi!


TOMÁS.—Cung gayon ang saysay sa isang pósporo sunog na ñgang tunay

(
bubunutin ang pósporo at saca lalacad
)


RICO.—Maghintay ca! Tomás! at cami'y sasama baca ca mapatay ay di na

maquita ang iyong urilat at bacas ng paa.


TOMÁS.—Di po na gulubat ng sa gayong lamang.


RICO.—Di ca natatacot sa mga caauay na pauang may guloc at sucsoc ng

sundang.


TOMÁS.—Capag sa castila ay mahihiualay.


Aco'y matatacot sa magcacapatid

noong katipunan na pauang balauis

na uala ñgang gaua sa parang at buquid

cung hindi mag nacaw at mag-umit-umit.


Dañgan at ang culay tunay na tagalog

di maicaila at dito sumipot

tatalicdan co na't itulad sa hayop

tanang cababayan na pauang balacyot.


Caya ñga po aco'y nagcacamit hiya

tauaguing tagalog, tubo sa Maynila.


RICO.—Cun gayon ay ¡Bravo! (
tatapiquin
)


PEÑA.—(
tatapiquin
)—Uala cang camuc-ha!


RICO.—¡Bravo! ¡bravo!


PEÑA.—¡Bravo! ito ñga ang bata


RICO.—Cun gayo'y abatá at ating sunuguin bahay at camalig ng lilo at

tacsil.


(
Yayao ang mga voluntario sa caliua at susunuguin ang mga bahay na na
tatanao; siya namang pagpasoc ni Juan Hari, ni hermana Goria, ni
tininteng Isiong at ilang capit bahay
)




ICASIYAM NA DIGMA

Samantalang sinusunog.



JUAN.—Ang aquing tahana'y inacyat pinanhic

ng mga sucabang mahiguit sa ganid.


Quinuha sa caban cuartang naiipon

ang guinto'y sa pitac noong aparador

ang papel de Banco ay sa isang cahon

at ang mga pilac sa lalagyang baul.


At saca sinunog damit na pangbahay

hinacot ang bigas na na sa bigasan

ang bañga'y inabó, at sa alilisan

hinacot ang pilon ng mga asucal.


Saca ang calabaw, buo't mga guya

sa buquid at parang nag laboy, nag-gala

hinuli, inacay at ang boong nasa

iowi sa bayan, dalhin sa Maynila.


ISIONG.—Sa aquin mang bahay ualang itinira ang mga alictiyang dusing

ng corona.


GORIA.—Di magcacagayon cun ang nañguñguna na tenienteng Tomás...

(
aagauin ang pagsasalita
)


JUAN.—¡Sucat na! ¡sucat na!...


Siya ang nag-wicang bahay co'y sunuguin

abuhin ang bañga't calabaw'y lipulin

cadugtong pag-wica ng lilo at tacsil

lahat ng lalaqui huli't patayin.


Caya ñga nag tago lalaqui sa bahay

cumubli sa galás at gubat-gubatan

ng hindi abutin ng mga sucaban

na sadyang humanap ng icabubuhay.


GORIA.—Sa bahay co naman guinanang pagpanhic

aquing mga carmen na na sa sa liig

dinurog, linuray, pinagpunit-punit

gayon ang estampang sa dinding nag sabit.


Saca ng macuha ang aquing postiso

sa pinit ng silid, maliit na cuarto

guinuso't guiniic saca ibinató

sa dapugang calan na punó ng abó.


Sa pag hahalucay sa pitak ng mesa

blanquete co naman ang siyang nacuha

at inahilamus sa mukha at taiñga

at di co malaman ang naguing figura.




ICASAMPUONG DIGMA

Papasoc ng papatakbo at matatanaw na inilalacad na ang mga anwang.



URBANO.—May apat na puo calabaw na acay si tiniente Tomás ang na sa

unahan.


GORIA.—Ayun ñga ang mga ... (
Ituturo
)


JUAN.—(
Ituturo din
)—At nag tatauanan dahil sa marami canilang na

nacaw.


ISIONG.—At may naaancás na maraming saco

ng palay at bigás, darác, ipá't abó

at ang madaanang guya, bulabó't aso

ay inaacay din at itinatacbo.

(
Ang un~ga ng m~ga calabaw ay maririn~gig
)


JUAN.—Ang lahat ng bagay ating matitiis

sa pagcat linoob ng nunuñgong lañgit

subali capagca Dios ang nagsulit

na magbubunga na mabuig na lansones.


Tanda't mag-aani sa nayon at bayan

ang magcacapatid nitong katipunan

saca magsisisi ang lahat ng hunghang

gaya niyang lilong ating cababayan.


At pacaasahang ualang pagbubula

itong sasabihin sa bató itaga

yamang di nasupil ng mga castila

ang bugsong nagdaan na camunsing baha.


Di na maa-auat ang baha ng dugo

hangang sa umapaw sa luasan at hulo

at ang kalayaan na nasa ng puso

di na masusupil sa caniyang paglago.


Caya cun ang aquing bañga't alilisan

inabó't sinunog ng mga sucaban

at ang pag aari sa loob ng bahay

quinuha, guinagá at canilang sinamsam.


Hindi isasama niyaring aquing loob

at di dadalawin camunsi man lungcot

at cahit inacay ang lahat ng hayop

at quinacain pa ñga ang itlog ng manoc.


Ñguni ang puso co'y walang pagpalagyan