galit sa nagnacaw na mga sucaban
caya ñga ... caya ñga ... ang subali lamang
ang canilang samá ay baka tañgisan.
O caya'y magsisi araw cung
dumating
ng pagpaparusa sa lahat ng tacsil
sa pagcat di taus sa puso't panimdim
ang guinaua nila na nacalalaguim.
Laman ng catauan higuit sa
quinurot
at di mangyayaring malibing sa limot
baca ang masapit matimbang sa hayop
ang canilang buhay na iimbog-imbog.
ISIONG.—Sa aquin mga bulo dapat mag alala
si Rico't si Tomás capua palamara
pagca't ang panaho'y di maquiquita
cun saan hihimpil at saan hahanga.
URBANO.—Gayon din sa aquing guya at bisiro na hinila nila sa
tahanang
cubo.
GORIA.—Gayon din sa aquing blanquete'y postiso na sinunog
nila at
guinauang abó.
JUAN.—Caya ang marapat huag ng habulin
lahat ng ninacaw guinagá sa atin
itac na mahaba ang siyang alamin
ng upang idiglay canilang quinain.
URBANO.—Cung gayon ang uica ¡abata casuyo!
atin ng idamay dalisay na dugó
sa mga himacsic na sadyang nag bubo
ng yaman at buhay na pamimintuho.
Sa nasang maalis sa
caalipinan
at hañgad tamuhin yaong kalayaan
na atas ng Dios sa tauong sinoman
at cahit cañgino na caniyang quinapal.