[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]
[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]
ANG KATIPUNAN
ALIWAN NA MAY DALAUANG BAHAGUI
TUGMA NA SINULAT NI
Gabriel Beato Francisco
Nangyari sa pulo nang Lusong nang taong 1896
ICATLONG CASULATAN
MAYNILA
Limbagan nang: "La Democracia," Villalobos, 5 Quiapo.
1899.
Lumabas nang minsan sa Teatro Oriental
Ang may-ari ay natatahan sa daang S. Fernando, ika 16 na bahay,
Binundoc at sa ika 4 na bahay, nayon nang San, Roque,
Sampalok.
Ang aliwang ito ay nalathala na sa pamahayagang
ANG KAPATID NANG BAYAN.
Talaan ng Nilalaman
UNANG BAHAGUI
Ang butod ng digmaan ay bundok: sa paanan nito ay pamumutihan
nang cahoy na lanca sa may mga buñga at bañgin na
sagana sa baguing na cun tatanauin sa ibaba ay may
lansañgan. Pagcahaui nang telon ay aauitin ang CANTO
NACIONAL FILIPINO.
|
Música.
Ina naming Filipinas
sa sandaigdiga'y hayag,
ang cayaman at dilag
ualang sucat macatulad.
Iyo namang caanacan
lahing sadya cung sa tapang,
di natatacot mamatay
at marunong magsangalang.
Caya cayo lilo't
tacsil
na castilang sinuñgaling,
dapat bayaran sa amin
inyong mga pag alipin.
Lalo ang mga sucaban
na fraileng tampalasan,
ñgayon ay capanahunang
magbayad sa mga utang.
|
Pag-hinto nang-auit ay muling magsisitaban nang copa at saca
paguiguitna ang calahatan.
Hablado.
Josefo, Lusino, Kalingtong, Tomasa, Idéng at ilang
mangluluas ng gulay, na umaauit hangang tumatacbo.
UNANG DIGMA
Sila rin
JOSEFO.—Hali ... mga ale!...
LUSINO.—Dalí ... mamang cuán!...
KALINT.—Magsihimpil cayo! ... (
ang katipunan ay naguupuan
sa lilim
ng isang cahoy, at ng tauagan ang mga mangluluas ay
nagtindigan
)
—cami'y balitaan! ... ¿mayroong sundalo cayong
nadaanan nacasabay
caya ó caya'y nasundan?...
TOMASA.—Uala po!... (
gulat.
)
JOSEFO.—Uala! (
uurong at bubunutin ang sundang
).
TOMASA.—(
gulat
)—Uala po!...
JOSEFO.—(
magara
)—Uala baga sa boong paglacad
cayong naquiquita.
(
hahakbang
...)
TOMASA.—Uala po!...
IDENG.—Uala po!... (
gulat na gulat
)
JOSEFO.—!Maguing sa Barrancá at mga pilipil na daanan
nila!...
TOMASA.—Uala po!...
IDENG.—Uala po!... (
gulat na gulat
)
JOSEFO.—(
paiquit
)—Cun gayo'y caiñgat
yaong mga lilo, tacsil,
buhong, sucab dito sa pisao co at mahabang tabac.
TOMASA.—¡Ina co!
JOSEFO.—Icao ay inanó at na paina!...
LUSINO.—-Magsilacad cayo at huag mañgamba at hindi
aanhin naming
magcasama at ang madaana'y pauang mag-aadya.
TOMASA.—Cun gayo'y salamat!...
IDENG.—Cami po'y paalam!...
LUSINO.—Dios ang mag-in~gat sa boong lansañgan.
(
Lalayo ng caunti
)
JOSEFO.—Catoto! ... catoto! ... sabihing maghintay at tayo'y
humiñgi
ng canin at ulam.
LUSING.—Mga aling cuan! ... mañgag hintay
cayo!...
KALINT.—Duluguí....
LUSINO. (
lalapit
)—Ibabá ... sunong na bilao at
cami'y iuanan ng
itso't tabaco na sucat macain sa tahanang cubo.
TOMASA. (
Ibababa
)—Cayo po'y cumuha
KALINT.—Iuan na ang lahat.
LUSINO.—Huag baga naman at cahabag-habag
(
sa cay Tomasa
)
—Ito'y quilala co na maraming anac
(
sa cay Ideng
)
—Si comare naman ay may amang bulag.
JOSEFO. (
Cucuha sa bilao
)—Maraming salamat! ...
salamat sa
inyo!...
TOMASA.—Cami'y lalacad na.
KALINT.—Mañgag tuling cayo.
(
Muling lalacad ang mga manglalacó.
)
ICALAUANG DIGMA
Josefo at Lusino.
JOSEFO.—Hindi nauucol cañgino mang tauo balamin ang
duk-hang may laco
sa ulo.
LUSINO—¡Ano ang gagauin! ... tayo nama'y uala
ualang maibili at ualang masila
uala naman tayong sucat na magaua
sa mga mayamang lubhang masagana.
Caya ang marapat ating
pagtiimin
bagang at panigbi na nagcacadiin
ang gauang masama na masamang gauin
ay ipaquibilang sa gauang magaling.
Yamang na rito na sa galás
at gulod
na guinagalaan mailap na hayop
ang ating catauang sa palad ay capus
at hindi na mulat sa gubat at bundoc.
At cun tayo naman ay
magpapabaya
sa lagay na yari na caaba-aba
ating tatamuhin sa guinala-gala
lasapin ang dalo'y malamig na luha.
At sa abang anyo di co
acalain
matuyo ang damó na lagui sa lilim
uala namang inot, usala namang cusim
at ualang masabing nag gauad hilahil.
Liban sa nangyaring aco ay
natacot
sa unós ng bagyong nacaquiquilabot
caya sumaisip na bago macurot
pailanlang muna sa patoc ng bundoc.
At cung naacalang tutubo sa
cutad
ang binhi ni ama sa punlang sincamas
daco aabutin ang pagcabagabag
at di sasapitin ang ganitong hirap.
Ñgayon co dinamdam ang
saquit ng bato
cun tumitimo na sa talampacan co
ñgayon na danasan pagtulog sa cubo
at ñgayon lumacás ang aquing pagtacbó.
JOSEFO.—Aco caya naman dito ay sumapit
dahil sa hicayat ng isang caibig
ang mga tinuran ay napacatamis
at macahihibo sa pusong tahimic.
Aco na ñga sana'y di maniniuala
sa mga tinuran at isinalita.
LUSINO.—¿Baquin ca na tañgay ng dagta ng
lanca?
JOSEFO.—Dahil sa mabañgo ang buñga sa
lupa,
Na dili umano pilit magbubuig
dito sa Maynila puno ng lansones
cahiman bumaba hangang himpapauid
hindi tutulutan ng nunuñgong lañgit.
Na ang ibubuñga maluoy sa
uica
malunot sa sabi't mahulog sa lupa
caya mag tatamo ng mga biyaya
ang baua't maglinang sa mga tumana.
At saca ñga ñgayon
uala cahit isa
ang mayroon pusil at may escopeta
ualang cigarrillo, uala namang cuarta
at ang cabuhaya'y lanta pa sa lanta.
Caya ang marapat ¡oh piling
catoto....
tayo ay sumagui sa may Ermitaño
ó cun dili naman at loloobin mo
tayo ay pumaroon sa Byac-na-bató.
(
Muling magdadaan ang mga mangluluas ng gulay.
)
ICATLONG DIGMA
Lusino, Josefo, Kalingtong, Tomasa, Ideng at ilang maggugulay
gaya rin nang una.
LUSINO.—¡Tigni ... mga mamá!...
JOSEFO.—Masdi ... mga ali!...
ang napadaluhong sa pagca lalaqui
cung mayroon muk-hang ipagcacapuri
sa Dios, sa patria at tauong marami.
Caya ang marapat mga mamang
cuan
ang itapong tiñgin cami'y balitaan
ng inyong naguita sa buong lansañgan
mula sa cay Cubau at ibang daanan.
TOMASA.—Uala pong balitang sucat na masabi
liban na sa tugué na na ipagbili
ng higuit at labis sa halagang dati
sa daan, sa bayan at hangang palenque.
LUSINO.—¡Ali! ... hindi yaon ang ibig na turan ng
aquing catotong
cadugtong nang buhay.
TOMASA.—¿At ano pong bagay?
LUSINO.—Cami'y balitaan, tuncol sa sundalong inyong na
daanan.
TOMASA.—Mayroon po
LUSINO.—¿May sundalo ñga po baga?
TOMASA.—¡Siya ñga po! at na sa Baranca
nañgag-uupuan ang magcacasama
at na sa cay Cubau ... ang canyo't bandera.
LUSINO.—Cun gayon catoto ay atin munang lisan
ang puno ng lanca't masayang batisan
ng upang tamuhin ang pagtatagumpay
sa bala ng mauser at iba pang bagay.
JOSEFO.—Cun siyang magaling....
KALINT.—Abata catoto!.... at narito na daw civil at sundalo
may
canyon, bandera pimpiang at bombillo.
LUSINO.—¿Ano ang pasiya?
JOSEFO.—Magcubli na tayo sa gulod at galas mga
cagubatan
LUSINO.—Ng upang madaquip ating macupohan duag na cazador at
civil na
hunghang.
IKAAPAT NA DIGMA
Saca ang pinunong matapang sa patay.
JOSEFO.—Tanaui! ... tanaui't di pa gumiguití
puñgapong sa gubat at viga sa lati
ang mga sundalo'y nagcaguiriguiri
ng pagtatacbuhan sa lunga'y pag oui.
¡Sinong mag-acalang ang tayog
ng labong
tumuñgo sa lupa ng uala pang dahon!...
¿baquin caya baga biglang nalingatong
lahat ng casador ng ualang dagundong?
KALINT.—Marahil ang supot na pinag lalagyan
ng bala't pólvorang ipinamamayan
ay punó ng abó't ualang ilalaban
sa ating sundalo at bayaning cawal.
JOSEFO.—¡Di cung macaharap at tayo'y maquita
marahil ang tacbo ay laong lalo na
at ang masaguiang tauo, cahoy, vaca
mamatay sa ihet at sa pagtataua!...
¡Hindi co masabi na sa
pagcaduag
sa macacalaban na uala pang armas
ó sa catacutan na baca mautas
ang hiniñgang tan~gan nacacauag-cuag!...
Sa pagcat ang guilas na ating
quilala
sa mga castila na magcacasama
higuit sa bayani at lubhang bihasa
sa paquiquidigma at paquiquibaca.
At saca ñga ñgayon ganito ang tacot
sa mga calaban na na sa tugatog.
KALINT.—Caya ang marapat ihiñgi cay Santos
ng bala at pólvora ang búroc ng itlog.
LUSINO.—¿Baquin caya baga ninasang mag tago
sa bañgin at gubat ng higuit sa pugo.