WeRead Powered by ReaderPub
Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit cover

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

Chapter 46: CAPÍTULO 29.
Open in WeRead

Explore more books like this:

About This Book

A practical medical manual compiles concise chapters describing causes, symptoms, and treatments for a wide assortment of illnesses and injuries. It offers step-by-step guidance for fevers, respiratory and digestive disorders, skin conditions, wounds and fractures, toxic bites, and urinary and reproductive complaints, plus advice for pediatric ailments and childbirth-related problems. Remedies and procedures range from topical applications and bleeding control to internal medicines and dietary or environmental measures. The organization favors rapid consultation, emphasizing observable signs, immediate actions, and recovery care.


CAPÍTULO 22.

Ang saquit na pang̃iqui, na nagmamacalauang arao na pinang̃ang̃alan nang castilang tercianas; at ang nagmamacaitlong arao na pinang̃ang̃anlan nang castilang cuartanas.

207. Itong saquit na pang̃iqui ay marahil dumaan doon sa mang̃a baybay nang dagat, ó ilog na malaqui, ó doon sa may mang̃a tubig na tahan na hindi ungmaanod. Cun minsan itong saquit ay dala nang pagcain nang bung̃a nang cahoy na hindi pa hinog, ó dala nang lamig nang gabi.

208. Bagaybagay ang pang̃iqui. Mayroong maysaquit na nang̃ing̃iqui arao-arao, na ang lagnat sa isang arao ay malaqui, at ang sa quinabucasan ay munti-munti; ang tauag nang castila dito,i, terciana doble, mayroong nang̃ing̃iquing touing icalauang arao; na yaon ang pinang̃ang̃anlan nang castila tercianas; mayroon namang ibang pang̃iqui na ang pagdaa,i, touing icatlong arao, na ang pag-itan ay dalauang arao, na cun turan nang castila ay cuartanas. Mayroong iba, na sungmisipot touing icalimang arao, ó sa icapito; datapoua bihirang-bihira naman yaon gayon.

209. Ang lalagnatin nitong lagnat na ganito, ay natatamlay muna, hungmihicab, at saca nang̃ing̃iqui. Namumutla ang mang̃a dulo nang camay at paa: ibig niyang sumuca ó sungmusuca ng̃a cun minsan. Ang pulso ay madalas, mahina,t, munti. Malaqui ang pagcauhao nang lalagnatin. Pagca nacaraan ang isa, ó dalauang oras, ó tatlo, ó apat caya, ang guinao ay sinusundan nang lagnat na malaqui. Ang boong cataua,i, naiinitan; lungmalacas, at lungmalaqui naman totoo pati at nauuhao pa mandin ang maysaquit; ang ulo niya ay masaquit na totoo pati nang caniyang mang̃a catauan. Pagca yaong lagnat na yao,i, nalauong ga apat, ó lima, ó anim na oras, ang maysaquit ay pinapauisan tuloy sa boong catauan, gungmagaling ang pagcaramdam niya, nacacatulog siya, at pagcaguising ay uala nang lagnat, napapagod siya lamang. Ang ihi nang maysaquit sa catapusan nang lagnat, ay mapulapula, na nagcacalatac na tila ladrillong binayo; cun minsan ang ihi anaqui mayroong bula sa ibabao, ó balat na manipis.

210. Ang pag-uli nang lagnat sa icalaua, ó sa icatlong arao, cun minsan ay hindi doon sa datihang oras cundi maaga sa roon ó huli caya.

211. Mayroong isa pang cailang̃ang tandaan nang mang̃a mangagamot, na mayroong pang̃iqui na sa mang̃a unang arao, tila hindi pang̃iqui, cundi anaqui ang lagnat na pinang̃ang̃alang buloc, na sinaysay co na sa capítulo 20, at cun malauong ilang arao, yaong lagnat na tila buloc, ay ungmuuli sa pang̃iqui, na ang pagdaan ay touing icatlong arao, at ang pag-itan isang arao. Ang gayong lagnat ay mangyayaring gamutin para nang lagnat na buloc; datapoua sa párrafo 218 isusulat co ang totoong bagay na gamot sa lagnat na ito.

212. Ang pang̃ing̃iqui na nagmamacaitlong arao (na dalauang arao ang pag-itan) ay malacas lumaban sa mang̃a gamot sa roon sa nagmamacalauang arao ang pagcalagnat.

213. Ang nang̃ing̃iqui hindi ma-aano, cun macailan lamang lagnatin; datapoua cun nalauon ang pang̃iqui, ay totoong sama; at hungmihina ang catauan, nagugulo ang sicmura, at cun minsan yaon ang pinagmumulan nang ictericia, hidropesía, hica, ó nang lagnat na lauon.

214. Ang gamot sa nang̃ing̃iqui ay ang pinang̃ang̃anlang quina, na yao,i, balat nang cahoy. Dito sa Filipinas na-aari ang balat nang dita, sapagca isa rin ang cabagsican nito,t, noon, baga man hindi quina ang dita. Basahin mo ang número 14 sa dacong catapusan nitong libro.

215. Cun hindi malaqui ang pang̃iqui, at hindi rin totoong nahihirapan ang maysaquit at siya,i, nacacacain, at nacacatulog, ang gagauin doo,i, ilalagay lamang sa husay nang maysaquit na magaling-galing capítulo 5, at siya na yaon.

216. Ng̃uni cun baga nalagnat na ang maysaquit nang macaanim ó macapito, at ungmuuli rin ang lagnat, at hindi siyang cusang nauauala, ay magaling sa lahat ang pasuca sa bilin sa número 35, at saca quinabucasan ay painumin nang bilin sa número 14, na caniyang uubusin, bago abutin nang oras nang caniyang pagcalagnat. Ang catapusang bahagui nang dita ay iinuming dalauang oras lamang, bago sumipot ang lagnat. Pagca ininom nang maysaquit ang quina (dita) ay lagnatin man siya di man lagnatin, ay paiinuming uli nang ganoong caraming dita sa arao na pag-itan nang lagnat; at yaon ang totoong icauauala nang lagnat. Saca itinutuloy ang pag-inom nang dita sa anim na arao, ga calahati lamang ang timbang nang sinabi co ng̃ayon; at ito,i, caniyang iinumin doon sa mang̃a oras na yaon na na-aalamang siya,i, malalagnat disin.

217. Cun ang lagnat ay malaquing totoo pati nang saquit nang ulo; cun ang muc-ha,i, mapula, at ang pulso,i, matigas at puno, at bucod dito nag-uubo ang maysaquit, ó cun ang pulso ay matigas din nang mauauala ang lagnat, at ang dila,i, tuyo, ay cailang̃ang sangrahan ang maysaquit, at paiinumin nang marami noong bilin sa número 3. Pagca guinamot nang gayon ang maysaquit, ay ooui siya caalamalam sa calagayang sinabi co sa itaas sa párrafo 215. Saca paiinumin (sa isang arao cun lumiban ang lagnat) nang timbang tatlong bahagui ó isang salapi nang bilin sa número 24, na timbang saicapat ang isang inom. Saca pinababayaang lagnatin ang maysaquit nang maquiilan; at cundi siyang cusang mauauala ang lagnat ay big-yan nang dita, para nang turo sa párrafo 216. Cun baga lumiban man ang lagnat, ang maysaquit ay nananab-ang nang pagcain, at hindi macatulog nang mahimbing ó sungmasaquit ang bay-auang, ó ang tuhod bago painumin nang dita ay pupurgahin muna nang bilin sa número 21 ó 23.

218. Doon sa parrafo 211 ang uica co, na cun minsan ang lagnat na pang̃iqui sa mang̃a unang arao ay hindi naquiquilala na yao,i, pang̃iqui cundi tila catulad nang lagnat nang apdo ó buloc, nasaysay na sa capítulo 20. Ang gamot dito ay iba-iba lamang nang caunti sa guinagaua doon sa lagnat na buloc. Ang maysaquit ay paiinumin nang marami nang turo sa número 3; at cun siya,i, nalagnat nang dalaua ó tatlong arao cun baga nahahalatang marumi ang sicmura dahil sapagca ibig niyang sumucang parati, ó siya,i, sungmusuca ng̃a, ó mapait na totoo ang bibig, ay big-yan nang bilin sa número 34 ó 35; at cun hindi rin nauauala yaong capaitan nang bibig, at ang pagca ibig niyang sumuca, ay purgahing maquiilan nang bilin sa número 24 ó número 21 man, cun malacas ang may catauan. Saca binibig-yan nang dita para nang turo sa parrafo 216. Itong pag-gamot na ito,i, sucat na roon; datapoua magaling din, pag nacaraan ang ualong arao, di man linagnat ang tauo, ang painumin siya nang dita timbang tatlong bahagui arao-arao, na itutuloy hangang lumalo ang ualong̃ arao; at cun ang lagnat ay nagmamacaitlong arao, ay lalo pang cailang̃ang gauin ito.

219. Cun ang maysaquit ay nagpamula na nang pag-inom nang dita, ay hindi sucat purgahin, at uuli ang lagnat.

220. Sa lagnat na pang̃iqui na nagmamacatlong arao, ay hindi bagay ang pagsasangra. Dalauang oras bago lagnatin ang maysaquit, ay paiinuming maminsan minsan (ga macaapat sa isang oras) nang isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na dinoonan nang caunting pulot, at palacarin tuloy sa bahay ang maysaquit. Cun gayon, pati pang̃iqui, pati lagnat, ay hindi lubhang malaqui. Yaon ding painom ay gagamitin nang maysaquit hangan macalalo ang guinao nang pang̃iqui; at cun nalalagnat na ay yaon din ang caniyang iinumin cun ibig, ó cun aayao siya noon, ang sa número 2 ay magaling inumin niya. Pagca nacaraan ang lagnat, ay pinapahiran nang damit ang pauis nang maysaquit.

221. Cun minsan ang quina (gayon din ang dita) ay nacacapagpailaguin sa maysaquit; at cun ganoon ay hindi macacauala nang lagnat. Caya ang mabuti dito ay purgahin muna ang maysaquit nang timbang saicapat sa ruibarbo, ó nang cañafistula número 81, bago big-yang uli nang dita.

222. Mayroon pang ibang mang̃a bagay na maigagamot sa lagnat na pang̃iqui. Datapoua ang maiguing totoo sa lahat ay ang naituro co na dito sa capítulong ito. Uica naman ni P. Clain na ang pag-inom nang isang tagayang tubig na pinaglagaan nang ugat nang apasotis sa oras nang pagsipot nang guinao nang pang̃iqui, at saca cun magcumot tuloy ang maysaquit ay nacacauala nang pang̃iqui, cun gauing macalaua ó macaitlo. Magaling pa sa rito ang isang gamot na itinuro at ipinahayag nang hari sa España sa caniyang mang̃a vasallos, na yao,i gayon. Ang timbang isang salaping café (café) na isasang̃ag muna sa apoy bago bayuhin nang maliliit, ilalaga sa dalauang tazang tubig hangan sa maiga at matira lamang ang calahati. Saca sasalain, at ang tubig na pinaglagaan noong café ay huhulugan nang gata nang dayap, yaon bagang macucuha sa tatlo ó apat na dayap. Hahaluin capoua at ipaiinom sa maysaquit cun umaga bago cumain. Mayroong isa pang gamot na totoong buti na yao,i, gayon. Ang anim ó ualong bulaclac nang isang cahoy na munti na pinang̃ang̃anlan sa Mainila rosas caballero at sa Batang̃an flores ay hulugan mo nang dalauang tagayang tubig na mainit na totoo; doonan pa nang azucar; at ang maysaquit ay pinaiinom nang isa nang isang taza noon dalauang oras bago lagnatin, at gagaling siya; datapoua mainit cun inumin.

223. Yaong mang̃a tauo, na lauong panahon ó ilang bouang nang̃ing̃iqui na sila, at hindi guinamot nang paanyo, ay big-yan pagdacang minsan nang bilin sa número 34, ó sa 35, at saca painumin nang sa número 38 sa dalaua ó tatlong arao. Pagca yari na ito, ay painumin nang dita para nang turo sa parrafo 216.

224. Cailang̃ang maalaman nang mang̃a mangagamot na cun minsan mayroong tauo, na hindi man siya lagnatin ay dinaraanan din nang pagsaquit nang alin mang casangcapan nang catauan, na itong pagsaquit na ito ay hindi sungmasala sa caugaliang oras, cundi ang pag-uli ay husay, sa macatouid touing icalauang arao, ó arao-arao para nang saquit na pang̃iqui. Ang gamot na totoo sa ganoong saquit ay yaon ding dita párrafo 216.

Nota. Bucod dito sa mang̃a bagay na lagnat na ito na sinaysay co sa mang̃a capítulo 19, 20, 21 at sa 22, ay mayroong isa pang bagay na lagnat na tinatauag; lagnat na daua; sapagca ang maysaquit ay sinisibulan nang maraming butil na catulad nang daua; itong ganitong lagnat ay aquing sasaysayin sa capítulo 59.


CAPÍTULO 23.

Ang saquit na pinang̃ang̃anlang erisipela, na cun turan nang tagalog ay culebra.

225. Ang saquit na erisipela, ó culebra ay cun minsan munting saquit lamang, na lungmilitao sa balat nang catauan nang tauo, at milimit sa muc-ha, ó sa paa. Ung-muunat ang balat, at namumula; at cun idinidiin nang daliri, ay nauauala ang pamumula. Ang damdam nang maysaquit, na yaong lugar na sinisibulan nang culebra ay mainit na totoo, na yaon ang di icatulog niya; ang saquit ay lungmalaqui sa dalaua ó tatlong arao pa. Saca hindi nag-iiba hangang sa lumalo ang isa ó dalauang arao; ungmuunti tuloy at may nalalaglag sa balat na masaquit na tila calisquis, at nauauala ang saquit.

226. Ng̃uni cun minsan ang saquit ay malaqui pa sa sinabi co ng̃ayon. Ang may cataua,i, guiniguinao muna nang malaqui; sungmusunod sa guinao ang isang malaquing init at ang saquit nang ulo, at hang gang di lumitao ang culebra, ay parating ibig sumuca ang maysaquit. Pagca sibol nang culebra na yao,i, sa icalaua ó sa icatlong arao, ay ungmuunti ang lagnat at hindi na ibig sumuca ang maysaquit. Datapoua hindi nauaualang parati nang lagnat na munti, at nanab-ang siya nang pagcain, hangang di tumahan ang paglaqui nang culebra. Cun ang muc-ha,i sinisibulan noon, ay sungmasaquit ang ulo, namamaga ang bubong nang mata, ang mata,i, piquit, at hindi mapalagay ang maysaquit. Cun minsan ang saquit ay ungmaalis sa isang pisng̃i, at lumilipat sa cabilang pisng̃i, at napapacalat sa noo, sa liig at sa batoc; cun gayon ay malalauon ang saquit. Cun malaqui ang saquit, ay parating mayroong lagnat; sira ang bait nang maysaquit, at cun hindi paanyo ang pag-gamot doo,i, namamatay cun minsan, lalo pa cun matanda ang may catauan. Ang pagsibol nang culebra sa liig, cun minsan ay pinagmumul-an nang garrotillo; cun sa paa sumibol ang boong paa ay namamaga pati nang hita. Cun malaqui ang sungmisibol na culebra, yaong casangcapang masaquit ay sinisibulan nang tila lintog, ó pantog na munti, na puno nang tubig na malinao, na ang camuc-ha ay napaso yaong lugar na yaon, at ang tauag nang tagalog dito,i, culebrang tubig. Itong mang̃a lintog ay nang̃atutuyo at nang̃alalaglag na parang calisquis; cun minsan yaong pinacatubig na nasisilid sa lintog, ay malagquit, na dahil doo,i, nag-cacalang̃ib na macapal ang casangcapang nasactan. Ang calauonan nang culebra ay ualo, sangpuo, ó labingdalauang arao; at cun nauauala na ay pinapauisan nang malaqui ang maysaquit; itong pagpauis ay hindi dungmaraan cundi sa catapusan nang saquit.

227. Ang culebra ay marahil magbago nang lugar. Cun sa utac nang ulo ó sa dibdib mapatung̃o ay namamatay agad ang maysaquit; at cun sa liig maparoon, ay garrotillo ang icamamatay niya.

228. Ang pinacabutil ó lintog nang saquit na culebra, ay bihirang nagnanana, at cun baga magnana ay maguiguing sugat.

229. Ang dahilan nitong saquit ay ang apdo, na napapasama sa dugo, na hindi lungmalabas na para nang dati sa pagpauis nang tauo.

230. Cun ang saquit ay munti, para nang sinaysay co sa párrafo 225, ilalagay lamang sa husay (capítulo 4) ang maysaquit, at paiinoming parati nang tubig na marami na pinaglaan nang bulaclac nang alagao, na dinoonan, nang timbang isang salaping salitre sa iinuming maghapo,t, magdamag. Houag pacanin siya nang carne ó itlog; masama ang alac doon; ang mang̃a gulay at ang mang̃a hinog na bung̃a nang cahoy ay macacain niya. Ito,i, magaling gauin sapagca nag-iilaguin ang maysaquit nang malimit-limit, dungmarami ang ihi, at ang pagtaib nang catauan. Ang lugar na masaquit ay mabuting pasuin nang ilang paso nang caunting papel sangley na linulon, ó nang laman nang bung̃a nang boboy. Ito,i, gamot tagalog.

231. Datapoua cun malaquing saquit yaon, cun malaqui naman ang lagnat, at ang pulso,i, malacas at matigas, ay cailang̃ang sangrahan nang caunti ang maysaquit, at cun hindi rin ungmuunti ang lagnat ay sasangrahang minsan pa, ó macalaua caya. Saca ilalagay sa husay capítulo 4; at sinusumpit na parati hangang bumaba ang lagnat; pinaiinom naman nang bilin sa número 3, at pag munti na ang lagnat ay pinupurga ang quinuculebra nang bilin sa número 23, ó binibig-yan touing umaga nang ilang inom na bilin sa número 24. Itong pagpurga ay totoong cailang̃an sa quinuculebra, nang mangyaring macuha ang apdo, na ungmiinit at naiipon sa catauan. Cun humaba ang saquit, at ang may catauan ay nananab-ang nang pagcain, at ang bibig ay mapait, ay cailang̃ang painumin nang alinman doon sa dalauang painom na itinuturo sa número 34 ó 35, cun baga munti na ang lagnat; sapagca itong mang̃a pasuca,i, lalo pang maigui sa purga doon sa gayong lagay nang maysaquit. Datapoua cun ang culebra ay nadoroon sa ulo, ay magaling pa sa pasuca ang purga. Bagay rin dito ang bañusang macalaua arao-arao hangang tuhod na malahining̃ang tubig, cun ang saquit ay tungmatahan sa ulo; at cun mahirap ang calagayan nang maysaquit, ay totoong buti lag-yan nang parapit sa talampacan número 36. Cun baga nang mapurga ó mapasuca na ang quinuculebra, ay hindi rin ungmuunti ang lagnat ay painumin touing icalauang oras ó malimit sa rito, nang isang cuchara nang bilin sa número 10. Cun talagang mauauala na ang saquit na culebra, sapagca,t pinapauisan na ang may catauan, ay bibig-yan nang tubig na may salitre, na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao para nang turo co sa párrafo 230, na sinundan nito at ituloy itong pag-inom sa ilang arao, nang siya,i, mapauisan pa mandin.

232. Yaong lugar nang catauan nang maysaquit, na sinisibulan nang culebra, ay budburan nang harinang isinang̃ag sa cauali ó palioc; maigui pa sa harina yaong tila bulac nang bung̃a nang boboy na siya ang itinataquip doon; cun munti ang saquit ay siya na yaon. Datapoua cun malaqui ang saquit, ang isang basahang babad sa malacucong tubig, na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao; ay yaon ang totoong daling nacacaguinhaua sa maysaquit. Magaling ding budburan nang color na mapula, na guinagamit nang mang̃a pintor; datapoua ang lalong madali sa lahat, ay tudluquin nang carayom yaon mang̃a lintog ó butil nang culebra sa dacong ilalim nang butil, at ang tubig na lungmalabas, ay pahiran nang isang tuyong damit. Ang mang̃a tapal na may taba ay hindi sucat gamitin dito sa saquit na ito.

233. Cun ang culebra, ay ungmuurong at pungmapasoc sa loob nang ulo, ó sa lalamunan, ó sa baga, ó sa loob nang catauan nang tauo, ay cailang̃ang sangrahan ang maysaquit; saca lalag-yan nang parapit sa mang̃a binti número 36; at parating paiinumin nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na dinoonan nang caonting salitre para nang turo sa párrafo 230.


CAPÍTULO 24.

Ang saquit na galis na pinang̃ang̃alang sarna nang castila.

234. Dito sa lupa nang Filipinas ay naquiquilala nang lahat na tauo ang galis. Ang pinangagaling̃an nitong saquit na ito ay ang pagcain nang mang̃a cun ano-ano, ang pagcain namang parati nang mang̃a ma-aalat, pati nang bung̃a nang cahoy na hindi cahinugan, at ang malibag na damit. Mayroon namang tauo, na caya guinagalis, ay siya,i, nalalinan noon.

235. Ang gamot sa guinagalis ay gayon. Houag pacanin nang mang̃a ma-aalat at maasim, pati nang may taba, ó nang mang̃a maiinit para nang pimienta, chile, clavo, luya, etc. Painumin arao-arao nang tubig na pinaglagaan nang bilin sa número 26, ga tatlong taza carami maghapon. Sa icapat ó icalimang arao ay purgahin nang bilin sa número 21. Pag nacalalo ang pitong arao, ay pupurgahin uli, at bago pacanin ang maysaquit cun umaga, at bago siya humiga nang gab-i ay papahiran nang ungüentong bilin sa número 52 ang lugar na sinisibulan nang galis. Touing icatlo ó icaapat na arao ay pinapahirang uli hangang sa macaapat; at caalamalam pagca yari na ito ay mauauala ang galis; datapoua cun baga ungmuuli ay capupurgahin pa ang guinagalis noon ding bilin sa número 21, bago ituloy ang pagpapahid sa mang̃a galis na para nang dati. Ang damit nang maysaquit ay cailang̃ang paltang parati nang ibang malinis. Magaling sa saquit na ito ang pagpambo ó paliligong parati sa mang̃a ilog, at uminom nang café arao-arao.

236. Cun baga caya guinagalis ang tauo ay gaua nang siya,i, nalalinan noong saquit na yaon, at ang galis ay bagong-bago pa, ay hindi cailang̃ang purgahin muna. Datapoua cun lauon nang panahong pinabayaang hindi guinamot ang galis ay gagamutin para nang sabi co sa itaas sa párrafo 235, na sinusundan nito.

237. Cun ualang mantica, ó cun ualang sal amoniaco at dahil doon hindi mo magaua ang ungüentong bilin sa número 52, na-aari ang turo sa número 44. Tandaang magaling nang mang̃a mangagamot na itong saquit na galis ay hindi sucat gamutin pagcaraca cundi unahin ang purga, at saca isunod doon ang ibang sinabi co sa párrafo 235.


CAPÍTULO 25.

Ang saquit na buni sa uicang castila empeines ó herpes.

238. Ang tauong binubuni, cun ibig niyang mauala ang caniyang saquit ay humambo siya muna arao-arao; saca siya,i, uminom touing arao nang cremor número 24 timbang saicapat na isasama sa tubig na pinaglagaan nang chicoria (dilang usa); ó cun ang buni ay masama,t, malacas lumaban sa gamot ang iinumin ay ang bilin sa número 71. Ito,i, gagauin nang labingdalauang arao calauon. Saca ang maysaquit ay magsangra at magpurga nang bilin sa número 21. Quinabucasan bago siya cumain, ó bago humiga, ay pahiran ang ibang mang̃a buni nang ungüentong bilin sa número 45 ó 52. Dito sa saquit na ito,i, masama ang malibag na damit, at ang di pagpambo nang malimit-limit. Hindi sucat pahirang minsanan ang lahat na buni; at masama sa may catauan ang biglang mauala ang caniyang saquit; caya mabuting pabayaang lumalo muna ang ualong arao man lamang; at magpurga uli ang binubuni. Yaong buning masama ang color, na lungmalaban sa gamot, ay maigui cayurin muna nang isang caputol na pingang basag, ó nang isang cuchillo, bago cuscusin nang bauang at aguio, na cucunin sa bubung̃an nang cusina; ito,i, gamot na marahil gauin nang tagalog, at totoong buti.


CAPÍTULO 26.

Ang gamot, sa mancha sa muc-ha at sa mang̃a pilat.

239. Mayroong tauong nilalabasan nang mang̃a mancha sa muc-ha, di man siya nagcacasaquit, at nang mauala yao,i, basain ang muc-ha na maquiilan maghapon nang sucang matapang, na pinaglagaan nang ugat nang calabasang puti. Magaling namang lahiran nang gata nang salagsalag ó pacupis (pepinillo de San Gregorio) na binabayo muna,t, pinipiga; at ang gata ay sinasamahan nang caonting pulot. Itong gata nang salagsalag ó pacupis na may calahoc na pulot ay siya rin ang iguinagamot sa mang̃a pilat, nang houag magbalang̃an ang color nang catauan. Ito,i, turo ni Clain. Datapoua,t, ang dahilan nang mang̃a mancha sa muc-ha ó sa catauan ay saquit na namamahay sa loob.


CAPÍTULO 27.

Ang gagauin sa sinisibulan nang anomang bagay na sibol.

240. Bagaybagay ang sungmisibol na masama sa catauan nang tauo, sa macatouid; ang pigsa, ang baga, ang tiboc, ang taguihauat, ang cancro, at ang iba pa na may canicaniyang pang̃alan. Cun inaacalang may sisibol sa catauan, agad agad ay pacacactan sa linta yaong lugar na masaquit na namamaga na, ó palibot doon sa talagang sisibulan. Cun ualang linta, ay na-aari ang cadlitan muna bago tanducan, ó tacluban nang ventosa, na ito,i, hindi gagauing miminsan lamang, cundi maquiilan. Pagca gayon ang gaua, yaong talagang sisibol ay hindi na tungmutuloy cun minsan, at tumuloy man, ay gungmagaan ang saquit dahilan sa pagcuha nang dugo. Pag nacunan nang dugo ang maysaquit, at inaacalang masama ang sisibol, ay pupurgahin cun marumi ang dila nang bilin sa número 21, at susumpitin arao-arao na ualang liban nang bilin sa número 5. Bucod dito ay houag ipatiquim sa maysaquit ang sabao, ang alac, ang mang̃a mahanghang, ang carne, ang itlog, ang isda at ang baboy. Ang caniyang cacanin lamang ay ang tinapay na durog, na isinama sa tubig na mainit, ó linugao cun ibig niya. Ang caniyang iinuming parati ay ang bilin sa número 2. Cun ang sibol ay nacaputoc na, ay itinutuloy ring guinagaua itong lahat na turo co ng̃ayon, pati nang pagcuha nang dugo na gagauin doong palibot sa sibol. Saca guinagamot ang sibol para nang sasabihin co sa párrafong isusunod co dito. Cun minsan ay cailang̃ang sangrahan ang talagang sisibulan nang anomang masama, at lalo pa cun nalalagnat ang may catauan, ó cun hindi siya patuluguin noong masaquit, ó cun malaquing totoo ang pamamaga noong lugar na sinisibulan. Datapoua cun minsan ang mang̃a linta na idinoroong palibot sa sibol ay siya na. Cun nacaputoc ang sibol, ay houag nang sangrahan ang maysaquit.

Ang gamot sa pigsa, sa uicang castila,i, divieso.

241. Ang pigsa,i, sibol na matigas na mapula pula, masaquit at mainit na mayroong ugat na isa, at ga catulad nang isang bung̃ang munti nang piña.

242. Ang pigsa cun iisa lamang ay hindi lubhang macahihirap sa tauo, at cun minsan siyang cusang nauauala pag nacaputoc. Datapoua cun mahirap ang damdam nang pinipigsa, ó cun ang pigsa,i, marami susundin muna ang bilin doon sa párrafo 240; at nang lumambot ang pigsa, ay tatapalan nang tinapay na ng̃inuya, ó nang tinapay na dinurog na minasa sa caunting gatas nang anomang hayop. Cun ualang tinapay, ay matatapalan ang pigsa nang pataning binayo. Pag nacaputoc na ang pigsa, at ang pinacaugat ay nacuha na, ay nauauala ang saquit; datapoua cun baga may natitira pang matigas doon sa sinisibulan nang pigsa, ay tapalang uli nang tinapay na dinurog, na pinataca,t, minasa sa gatas. Ito rin ang gamot sa sibol, na cun tauaguin nang tagalog ay pigsang daga.

Ang gamot sa taguihauat, na cun turan nang castila ay carbunco.

243. Ang taguihauat ay isang bagay na sibol na matigas, mapula pula, mainit, mahapdi at masaquit, na may ugat din para nang pigsa; datapoua ang taguihauat mayroon sa ibabao na tila lang̃ib, at ang pigsa,i, ualang gayon.

244. Ang gagauin sa sinisibulan nang taguihauat ay ang turo sa párrafo 240. Saca cun macaputoc, ay tapalan nang isang cabiac na lasonang inihao sa apoy, na mainit cun itapal. Ang uica naman ni Rivera, na ang totoong galing sa sibol na yao,i, ang palaca sa ilog, yaon bagang palacang tungmatahan sa tubig na ungmaanod; saca pinipisa ang ulo, at pinapatay, bago bia-quin at itapal sa sibol; touing icalauang oras ay pinapaltan nang ibang palacang bago; at sa loob nang isang arao ay gungmagaling ang maysaquit, at ang ugat nang sibol ay madadala tuloy nang palaca. At cun mayroon pang natitirang ugat ay mag-ihao ca nang isa ó dalauang palaca sa horno ó sa palioc; saca bayuhin mo at itapal sa sibol, at mabababao.

Nota. Cun minsan pinang̃ang̃anlan din nang tagalog na taguihauat ang cancro na sasaysain co ng̃ayon.

Ang gamot sa escirro at sa cancro, na cun sumibol sa suso nang babayi ay tinatauag nang castilang zaratán; pati nang gagauin sa nasisira ang caniyang ilong.

245. Ang escirro ay isang bagay na bucol, na matigas, na hindi rin masaquit, na casing̃ color at casing init nang ibang balat, na anaqui hindi carugtong nang ibang laman, cundi tila nabubucod; datapoua cun quibuin nang camay, hindi ungmuuga para nang mang̃a lobanillo. Ang escirro cun minsan ay sungmasama cun malauon, at naguiguing cancro. Caya naquiquilalang maguiguing cancro na ang escirro, sapagca ungmiinit at cungmacati ang lugar na quinadoroonan nang bucol, na dahil doo,i, ibig camutin nang maysaquit. Ang bucol ay lungmalaqui, at nagbabago nang hichura, at bucod doon ay sungmasaquit na maminsan minsan, at cun malauon ay parati na. Ang mang̃a ugat na nadoroong palibot sa escirro ay namamaga at nang̃ing̃itim. Cun malapit nang magsugat ang cancro, ay lalong masaquit; at cun nacapagsugat na ang lumalabas doo,i, totoong baho; ang sugat ay gumagapang at cun minsan mayroong ugat na na-aabot at lungmalabas ang dugo. Ang marahil sibulan noon ay ang mang̃a matabang tauo, at ang mang̃a dalagang matanda. Cun minsan dala nang capanglauan ó nang pagca galit nang may catauan, ó nang pagcain nang maraming bauang ó mang̃a bagay na maliuag matunao sa sicmura.

246. Ang gamot sa escirro, ay gayon. Gagauin pagcaraca ang mang̃a bilin sa párrafo 240; datapoua cun minsan ay masamang cunan nang dugo; at cun baga hindi nauauala ang pamamaga, ay tapalan nang bilin sa número 60. Ang maysaquit ay mabuti palonoquin arao-arao nang bilin sa número 57. Cun ang escirro ay sungmamá at naguing cancro na, magsugat man di man magsugat, ay yaon din ang gagauin, sa macatouid ang tapal número 60, at ang bilin sa número 57. Ang sibol sa suso nang babayi na ang pang̃ala,i, zaratán ay gagamutin para nang turo sa párrafo 489.

Nota 1. Ang tagalog na tauo ay marahil sibulan sa licod nang isang bagay na sibol na ang pang̃alan nila doo,i, cancro ó grano maldito. Sa aquing acala yaon ay hindi totoong cancro; at ang gamot doo,i, ang bilin sa párrafo 240. Nacabubunot sa gayong sibol (ani P. Clain) ang pinacatalbos nang maguei (maguí) na babayuhin munang maigui bago itapal. Magaling din sa gayong sugat (ani P. Santa María) ang dahon nang tang̃antang̃an ó ling̃angsina (higuerilla del infierno) na babayuhin muna bago itapal sa sibol. Pagca nacaputoc na ang sibol ay hinuhugasan at linilinisan ang sugat nang gata nang lantin. Ang uica nang iba, na totoong magaling na gamot sa gayong sibol ang ugat nang calaboa, na binabayo muna,t, pinapatacang sabay nang caunting lang̃is nang niyog at siya ang itinatapal doon.

Nota 2. Pag nagsusugat at nasisira ang ilong nang tauo, cun minsan gagaling siya pag ininom nang mahabang panahon ang bilin sa número 57. Datapoua,t, magpupurga naman siya nang malimit-limit bilin sa número 21.

Ang gamot sa tiboc, na cun turan nang castila,i, panadizo, ó panarizo.

247. Ang tinatauag nang tagalog na tiboc ay sungmisibol sa mang̃a dulo nang daliri, at totoong sungmasaquit. Itong ganitong sibol ay hindi sucat hamaquing pabayaan, sapagca cun minsan ay nabubuloc at nasisira pati nang buto nang daliri, cundi gamutin pagcaraca. Cun minsan ay namamaga ang boong camay hangang itaas.

248. Ang gagauin sa sinisibulan nang gayon, ay ang mang̃a bilin sa párrafo 240. Cun malaqui ang lagnat pati nang pamamaga nang camay, ay sangrahan ang maysaquit minsan ó maquiilan, ayon sa calaquihan nang caniyang saquit; at sapagca itong sibol ay masama, ay cailang̃ang ibabad nang ibabad na pagcaraca sa tubig na mainit (houag sa malacuco lamang) ang daliring sungmasaquit; at pagca guinaua itong pagbababad na ito sa unang arao nang pagsaquit nang daliri, ay cun minsan hindi na tungmutuloy ang sibol cundi nauauala. Gayon din mabuti itapat na parati ang casangcapang masaquit sa sing̃ao nang cungmuculong tubig Magaling ding tapalan nang bulaclac nang camantigui na babayuhin muna na may caunting asin. Datapoua cun hindi guinamot na tambing nang gayon, at tungmutuloy ang sibol, ay babasaing parati ang daliri nang gatas na pinaglagaan nang bulaclac nang culutan, ó tapalan nang tinapay na durog na linahucan nang gatas; ang totoong buti doon naman ay ang levadura nang trigo, nang madaling magnana ang sibol. Ng̃uni itong mang̃a ganitong tapal ay hindi dapat ilagay, cundi maualauala muna ang pamamaga nang sibol, at cun talagang magnanana na.

249. Cun inaacalang may nana na ang sibol, ay hiuain pagcaraca, at houag palauonin doon ang nana; saca guinagamot ang daliri nang ungüentong bilin sa número 66. Cun minsan ang mang̃a casangcapang sinisibulan nang tiboc, ay linalabasan nang laman, na lungmalaqui,t, lungmalabis sa rati; at itong labis na laman ay mauauala cun budburan mo nang caunting tauas na sinunog. Cun baga nabubuloc ang buto ang daliring sinibulan nang tiboc, ay maiguing hiuain ang laman nang maraming hiua sa lugar na naquiquilalang nabubuloc, at basaing parati nang tubig na pinaglagaan nang dita (quina) na sinasamahan nang espíritu de azufre, na bibilhin sa Maynila, na yaon din ang turo sa número 10, na ualang calahoc anoman; ang maysaquit ay paiinumin din nang dita número 14, timbang saicapat touing icalauang oras. Cun hindi rin nauauala ang pagcabuloc nang daliri, ay ipaputol sa marunong ang casangcapang nasasactan, pag naquiquitang tungmahan na ang pagcabuloc, at hindi na lungmalaqui, sapagca masamang putulin hangang may nabubuloc pa.

Ang gamot sa baga, na cun turan nang castila,i, apostema.

250. Ang pinang̃ang̃anlang baga nang tagalog ay isang sibol na mapula pula cun bago, masaquit, mainit at ga tungmitiboc. Ang butas cun pumutoc ay isa, cun minsan; cun minsan ay marami.

251. Ang gagauin agad sa sinisibulan nang baga, ay ang lahat na bilin sa párrafo 240. Saca gagauin ang mang̃a turo sa número 248, na yaon din ang iguinagamot sa tiboc.

252. Datapoua cun ang sibol, ay nagnanana na, ay hindi cailang̃ang tapalan nang mang̃a dahon nang mang̃a damo, cundi ang magaling doo,i, hiuain agad ayon sa sasabihin co ng̃ayon sa párrafong isusunod dito.

253. Cun ang baga,i, may nana, na caya naalamang may nana, sapagca cun hipuin ang sibol, ay ga nag-aalon-alon ang nana sa ilalim, at gungmagala doon sa loob, at hindi masaquit na para nang dati ang sibol, cun ganoon ang gagauin, ay hihiuain ang sibol sa dacong ilalim nang macaanod ang nana; at houag tumahan doon; datapoua cun minsan ay siyang cusang pumuputoc pag natapalan nang mang̃a bilin sa itaas sa párrafo 248. Pag nacaputoc na ang sibol, ay masamang palabasing minsanan ang maraming totoong nana, at ang maysaquit ay manghihinang totoo, maliliyo, at mamamatay tuloy cun minsan. Ang calaquihan nang hiua,i, ibinabagay sa calaquihan nang baga, at masama naman ang totoong unting hiua maca magtago sa ilalim ang nana, at mababahao ang sibol, na hindi maiguing pagcabahao, at cun gayon ay isa pang cailang̃ang hiuain, cun malauon-lauon.

254. Ang butas nang sibol, ay doroonan nang micha nang hilas, na gayon ang pag-gaua. Ang isang caputol na munti nang lienzong luma ay naninitnit, at ang pinagnitnitan ay guinagauang parang cigarillong munti, na yao,i, ang tinuturang micha; ang micha,i, ibinababad sa pulot poquiotan, ó cun ualang pulot, na sa pula nang itlog; bago isoot sa butas nang sibol. Ang ibabao nang sibol ay tapalan nang isang lienzong malaqui pa sa sibol, na may dalaua ó tatlong suson. Ang sibol ay minsan lamang gamutin arao-arao, at touing gagamutin ay papaltan ang micha nang ibang bago, at susumpitin ang butas nang sibol nang tubig na pinaglagaan nang dahon nang hagonoy, at macabuhay: ang isusumpit sa sibol ay sumpit na cauayan, cun ualang iba. Cun baga may roon pang naquiquitang matigas doon sa baga, na hindi pa lungmalambot, ay tapalan nang mang̃a nacacalambot, na yao,i, ang gatas at ang iba, na itinuro co sa párrafo 248.

255. Cun malinis na at munti ang butas nang sibol, ay bahaui,t, papagcalang̃ibin tuloy nang hilas nang lienzo na idoroon sa butas.

256. Maalaman nang mang̃a mangagamot, na bucod dito sa mang̃a itinuro co ng̃ayon ay mayroon pang ibang mang̃a bagay na maigagamot sa saquit na ito; at ang magaling sa lahat ay ang ungüento nang hagunoy, ó ang sa lantin (llantén) para nang turo sa número 62. Cun ang sa lantin ang gagauin ay pinipili ang may malapad na dahon, at limang litid, na doon naquiquita sa tangcay pag nalagot. Alin man doon sa dalauang ungüentong yaon, ay nagagamit sa sinisibulan nang baga, na mula sa bagong pagsibol hangang sa mabahao. Datapoua lalong mabuti sa mang̃a ungüentong ito ang sundin ang mang̃a itinuro co dito sa capítulong ito.

357. Cun ang baga,i, nadoroon sa loob nang catauan doon sa pinang̃ang̃anlang baga, ay gagauin ang mang̃a bilin sa capítulo 6 nitong librong ito.


CAPÍTULO 28.

Ang gamot sa bicat sa uicang castila,i, lamparónes ó escrófulas.

258. Ang pinang̃ang̃anlang bicat ay sungmisibol sa liig ó sa quiliquili; cun minsan hindi doon lamang, cundi sa dibdib at sa lahat na casucasuan nang catauan nang tauo. Cun minsan namamaga ang isang labi nang bibig at ang ilong. Itong mang̃a bucol na pinang̃ang̃anlang bicat, ay matigas, hindi mainit, hindi masaquit, at tila louag doon sa quinadoroonan, sapagca cun ugain ng̃ daliri ay ga sungmusunod. Cun ang binibicat ay bata, ay hindi maliuag gamutin; datapoua cun matanda ay malauon bago mauala ang bicat.

259. Ang gamot sa may bicat ay gayon; ang maysaquit ay pupurgahin macalaua touing bouan ng̃ bilin sa número 21. Datapoua cun minsan nacacasama ang purga. Papambo siyang parati sa tubig na hindi totoong lamig, at houag doon sa mg̃a ilog na may malalim na lunas, na dahil doo,i, hindi inaarauan ang tubig. Cacain siyang parati nang dalandang hinog; lalacad siya arao-arao, ó sasacay sa cabayo; houag cumain siya nang marami cun gab-i. Cun babayi ang maysaquit, ay houag magsaquit humabi, ó manahi, ó magdugtong nang abaca, at totoong sama yaon. Houag namang cumain ang maysaquit nang isda, at masama sa ganitong saquit. Cun siya,i, malapit sa dagat ay uminom touing umaga nang isang vasong tubig sa dagat din, na yao,i, isang pinacapurga; at cun malayo siya sa dagat, ang tubig na dinoonan nang asin ay na-aari. Houag siyang cacain nang mang̃a cun anoano. Magaling naman sa saquit na bicat ang pag-inom nang tubig na cun bumucal sa lupa ay mainit na, para nang sa bayan nang Los Baños. Magaling naman ang pagpambo doon sa tubig na yaon.

260. Ang ganitong pag-aalaga sa catauan cun minsan ay macacauala cun malauon ng̃ bicat; datapoua bihirang nangyayari yaon. Ang ibang mang̃a bagay na nabibilin sa ibang mang̃a libro, ay hindi nacacauala noong saquit na yaon. Cun bayuhin mo ang damo na pinang̃ang̃anlang malatinta ó tintatintahan ó tinatinaan at itapal sa bicat, ay mauauala. Yaong damong yaon ay guinagamit sa pag-gaua nang alac sa bigas, nang tumapang ang levadura. Ang tapal ay papaltang macalaua arao-arao. Ito,i, turo ni P. Santa Maria. Datapoua cun ang maysaquit hindi gungmagaling, ay magpagamot siya sa marunong na médico.

Ang gamot sa lungmalagui ang liig, na, ang tauag nang castila sa gayong saquit ay papera.

261. Sa provincia nang Batang̃an doon sa mang̃a bayang malayo sa dagat, ay malimit itong saquit, nang pamamaga nang liig, at marahil dumaan itong saquit sa mang̃a babayi. Itong saquit ay hindi maliuag gamutin cun bago; datapoua cun lauon ay hindi na maari.

262. Ang gagauin nang may ganitong saquit ay houag siyang cumain nang marami cun gab-i; houag pumambo sa ilog na ang mang̃a lunas ay malalim; at ang mang̃a ganoong tubig, sapagca hindi inaarauan ay malamig, at cun sana sa bung̃a nang cahoy, ay mang̃a hilao. Datapoua cun ualang ibang mapambohan ay macacapambo rin doon ang tauo, houag lamang tumahan doon nang malauong; sapagca ang pagtahan nang malauon sa mang̃a gayong tubig ay yaon ang pinagmul-an nang pamamaga nang liig. Ang tubig nang mang̃a ilog na hindi inaarauan ay masama namang inumin; datapoua cun ualang ibang maigban, at capilitang iinumin ang sa gayong ilog, ay mabuti doonan ang tubig nang caunting asin ga calahating taza carami sa isang tapayan. Bucod dito ang liig ay tatapalan nang dahon nang tabaco at macabuhay, na babayuhin muna; itong tapal, ay hindi inaalis sa liig, cundi parating naroon arao at gab-i; macalaua lamang maghapon inaalis, nang mapahiran ang pauis; saca isinasaoli at dinoroonan nang bigquis na hindi louag hindi maigting. Cun bago ang saquit, ay caalam-alam mauauala pagca gauin yaon. Ang maysaquit ay papambo arao-arao, ó macalaua man lamang touing lingo. Datapoua cun yaong gamot na yao,i, hindi nacauauala nang saquit, pag guinaua sa dalaua ó tatlong bouan, ay pahiran ang liig touing icapat na arao nang caunting ungüento nang mercurio ayon sa turo sa número 28. Saca tatacpan ang liig nang isang bigquis na hindi louag hindi maigting. Cun baga naglilintog, ó sinising̃auan ang lugar na pinapahiran, itinatahan muna ang pagpapahid nang mercurio. Saca pumambo nang malimit ang maysaquit, at pagca nauala na yaong mang̃a lintog, ay magpahid siya uli para nang dati. Ang liig na lungmalaqui, at ang mang̃a bucol na sungmisibol doon ay masamang hipoi,t, lamasin nang camay, at lungmalaqui pa mandin. Mayroong isa pang pamamaga nang liig sa taguiliran, na ang tauag doo,i, bayiqui; ang gamot doo,i, naituro co na sa párrafo 78.

Ang gamot sa mang̃a bucol na malambot na hindi masaquit, na tinuturang lobanillos nang castila.

263. Bucod doon sa mang̃a bucol na sinabi co sa mang̃a párrafong natalicdan, ay mayroong isa pang bagay na hindi matigas para nang mang̃a bicat, at hindi rin masaquit, na ang pang̃alan nang castila doo,i, lobanillos. Nagsisisibol sa ulo, sa mang̃a camay, sa tuhod, at sa ibang mang̃a lugar nang catauan.

264. Ang gamot dito,i, gayon: ang isang malapad na tinga ay itapal doon nang mahabang panahon. Magaling din ang ungüento nang hagunoy ó lantin na bilin sa número 62 Ng̃uni itong mang̃a ganitong bucol hindi nacacaano, at cun minsan masamang gamutin.

Ang gamot sa butlig ó culugo sa uicang castila,i, berrugas; at ang gamot sa bosouang, na ang tauag nang castila doo,i, clavos.

265. Maraming bagay ang naigagamot sa butlig at sa bosouang. Ang lalong magaling ay cayurin muna nang sundang ang culugo ó ang busouang, at tapalan nang ungüentong bilin sa número 66, na arao arao papalitan nang ibang bago. Cun baga matatalian ang butlig, ay maigui talian sa puno nang isang buhoc ó sutla nang matuyo at malaglag.


CAPÍTULO 29.

Ang gamot sa sinising̃auan ang bibig, na ang tauag nang tagalog doo,i, laso ó tola, ó daputac, sa uicang castila,i, aftas.

266. Ang pinang̃ang̃anlang aftas,ay sing̃ao nang bibig, na marahil dumaan sa mang̃a sangol; at ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit nang gayon ay dinarapulac, ó linalaso ó tinutula. Yaong saquit na yao,i, mang̃a butil na mumunti, mapuputi, ó ga madilao dilao, na naguiguing sugat na mabibilog, na sungmisibol sa loob nang bibig, sa lalamunan at sa ilalim nang lalamunan; cun minsan naman ay tungmutuloy at ungmaabot hangang sa baga, at sa mang̃a bituca Dinaraanan naman cun minsan noong saquit na yaon ang mang̃a matatandang tauo.

267. Itong sing̃ao sa bibig cun minsan di man gamutin, ay nauauala; datapoua cun minsan ay nalalagnat, napupuyat at nananab-ang nang pagcain ang nagcacasaquit nang gayon. Ang mang̃a sangol ay sungmisigao, at aayo sumuso dahil sila,i, nasasactan nang gatas cun dungmaraan sa bibig.

268. Cun baga malaqui ang lagnat, pati nang pagsaquit nang bibig, at mahirap ang paglon-oc ay sasangrahan sa camay ang maysaquit. Ang ipacacain doo,i, ang linugao. Paiinumin naman nang malimit nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na dinoonan nang cauntin salitre, ga timbang saicapat sa sampuong tazang tubig Macaapat maghapon, ay paiinumin nang bilin sa número 61, timbang calahating saicaulo ang isang inom, na isasama sa isang cuchara noon ding tubig na pinaglagaan nang alagao. Touing icatlong arao ay pupurgahin ang maysaquit cun matanda nang bilin sa número 58; ó cun aayao siya noon, ay ang sa número 63 siya ang ipupurga sa caniya. Bucod dito ang mang̃a sugat ay babasaing maminsan-minsan nang isang caputol na lienzong ibinabad sa gata nang siempreviva, ang lienzo ay tinatalian sa dulo nang patpat. Magaling dito sa saquit na ito (ani P. Santa María) ang tubig ó dagta na tungmutulo sa ouay na pinang̃ang̃anlang talula, na yaon ang ibabasa doon sa mang̃a sugat ó sa sing̃ao nang bibig nang mang̃a bata, at bihira ang hindi gungmagaling. Cun minsan ang iquinapagcacasaquit nang mang̃a sangol nang gayong saquit ay ang gatas nang nagpapasuso doon. Caya cailang̃ang usisain cun yaon cayang nagpapasuso ay guinagalis, ó binubuni, ó cun mabaho ang hining̃a, ó cun masama ang damdam nang caniyang sicmura; at uala man siyang saquit ay mabuti painumin nang bilin sa número 2, ó nang tubig na dinoonan nang caunting suca ó gata nang dayap; ó nang mang̃a cajelada ó limonada número 33.

269. Cun baga hindi sangol cundi matanda na ang sinising̃auan sa bibig, ang pag-gamot doo,i, para nang pag-gamot sa mang̃a sangol, na itinuro co sa párrafo 268 na sinundan nito. Datapoua ang ipupurga doon ay ang bilin sa número 23, at ang ipagmumumog ay ang bilin sa número 19.

270. Cun tila maitim yaong sungmising̃ao sa bibig, at yao,i, casama nang ibang saquit, ó lagnat na malaqui, lalo na cun mahirap ang pacaramdan nang may saquit na parating nagsisin-oc, at dungmoroal, at hindi lumagay, ay painumin arao-arao nang timbang saicapat ó cahati nang bilin sa número 14; at ang caniyang ipagmumumog ay ang turo sa número 76. At pag nauala na ang sing̃ao sa bibig, cun ang maysaquit hindi nag-iilaguin nang malacas ay purgahin nang bilin sa número 23, at painumin naman nang bilin sa número 12, ó sa número 13, at ito rin ang caniyang ipagmumumog. Cun totoong hindi macalonoc ang maysaquit dahilan sa sing̃ao nang bibig, ay ang gatas na tinutubigan ay isama sa ibinabaños, at sa isinusumpit sa caniya.


CAPÍTULO 30.

Ang gagauin sa nahulog sa mataas ó sa pinalo, ó sa naipit, ó sa nahulog sa cabayo ó sinicaran.

371. Ang mang̃a pasa sa catauan gaua nang pagcahulog sa cabayo o sa mataas na lugar, ó dahil sapagca ang may catauan ay pinalo, ó naipit, ay yaong dugong nadoroon sa casangcapang nasactan, na na-bobobo,t, napapacalat sa ilalim, sapagca napupunit ang pinaca alulod, ó ugat na dinaraanang parati nang dugo, at yaon cun minsan ang biglang pagcamatay nang may catauan. Caya marami ang biglang nang̃amatay dahilan sa sila,i sinapoc sa sicmura, na yao,i, ang iquinaputoc nang pali sa loob.

272. Ang magaling sa mang̃a pása ay ang mang̃a basahang babad sa suca, na dinoroonan nang dalauang gayong tubig na malacuco, cun baga matapang ang suca. Cun mayroong sugat, ay hindi bagay doon ang suca, cundi ang dahon nang pandacaqui, na babayuhin munang maigui bago itapal doon. Magaling pa sa pandacaqui ang dahon nang hagunoy sa binayo. Na-aari naman ang sa número 68. Masama sa ganoong saquit ang alac, ang aguardiente at ang mang̃a tapal na dinoroonan nang taba, sapagca yaong mang̃a yaon ay nacacalapot sa dugo. Ang maysaquit ay paiinuming agad nang bilin sa número 1, na yao,i, magaling pa sa sapang, atsa ibang datihan ipinaiinom nang mangagamot sa ganoong saquit; datapoua cailang̃ang lahucan nang salitre, timbang saicapat sa apat na taza. Itong ganitong painom ay itinutuloy hangang sa gumaling ang maysaquit. Ang mang̃a pasa ay hindi sucat hiuain, sapagca cun gauin ang mang̃a turo sa itaas, ay siyang cusang mauauala. Ang maigui namang gauin nang tauong masipag mag-alaga sa caniyang catauan ay gayon. Cun siya,i, pinalo, ó tinamaan nang bato, ó nahulugan nang anomang mabig-at, ó sinicaran nang cabayo, at uala siyang magamit na gamot doon sa oras na yaon, pagcaraca siya,i, umihi ang caniyang ihing mainit ay ibabasa nang ibabasa sa lugar na nasactan; at cun minsan pati saquit ay mauauala pagca guinauang tambing yaon.

273. Datapoua cun mahirap ang lagay nang maysaquit sapagca siya,i, pinalo nang malacas ó malalim ang quinahulugan, at malaqui ang tagupac, ó malaquing bato ang tungmama sa caniyang catauan, ó sinicaran nang hayop nang malacas at dahil doon ay hindi nacaalam tauo pagcaraca, ó siya,i, nalauon lauong tila patay, ó linabasan nang dugo sa ilong, ó sa taing̃a, ang gagauin doon, ay sangrahang madali; ang maysaquit ay masamang quibui,t, ugain, at mabububo pa mandin ang dugo, at cun mabig-at ang caniyang ulo, ó siquip ang dibdib, ó cun namamaga ang tiyan, ang cahulugan noon ay may nabubong dugo sa ulo sa dibdib ó sa tiyan. Cun totoong cailang̃an ang pagsasangra, nang magyaring cunan nang maraming dugo; saca gagauin ang mang̃a bilin sa párrafo 272 na sinundan nito; bucod dito magaling sumpitin arao-arao ang bilin sa número 5 ó 6 Cun ang saquit ay nadoroon sa dibdib, ó sa tiyan, ó sa bay-auang, ó sa ibang lagar na masama, ay houag pacanin ang maysaquit nang anoman, cundi painuming parati nang tubig na pinaglagaan nang palay, ó linugao lamang. Ang boong catauan nang maysaquit ay mabuti doonan ng̃ damit na babad sa tubig na sinucaan; at cun baga ang saquit ay nadoroon sa ulo, ay houag basain nang suca, cundi nang alac sa misa na tinubigan. Pag nacaraan ang ilang arao, ay magaling purgahin ang maysaquit nang bilin sa número 11 ó 23, ó 32, ó 49. Cun minsan ang maysaquit ay magaling-galing sa mang̃a unang arao nang masangrahan. Saca cun nacalalo ang ilang arao, ay sungmasama uli ang pagcaramdam, at ang pulso,i, tungmitigas; cun gayo,i, cailang̃ang sangrahang uli. Cun ang nasactan ay tauong matanda na, cun siya,i, malacas pa, at marugo, ay cailang̃ang sangrahan, nang macunan ng̃ ga timbang tatlo, ó apat na pisong dugo. Ang ipaiinom doo,i, ang bilin sa párrafo 272. Cun ualang marunong sumangra, ay ipacagat sa linta ang piling nang lugar na nasactan. Itong pagcuha nang dugo ay totoong capilitang gauin agad dito sa saquit na ito; at pagca nacunan na nang dugo ang maysaquit, ay caalam-alam totoong daling guminhaua ang caniyang pagcaramdam. Maraming tauo ang sinibulan sa loob nang catauan, at nang̃amatay nang biglang pagca matay dahil sa pinabayaan ang saquit, at hindi tambing guinamot.


CAPÍTULO 31.

Ang gamot sa masaquit ang camay ó paa, dahil sa narapilos ang may catauan ó cun nagcasala ang caniyang pagdampot nang anoman, na ang tauag nang castila doo,i, relajación ó recaldura; at ang gamot naman sa may lungmingsad na buto: ang tauag nang castila doo,i, dis locación ó luxación.

Nota. Cun minsan dahil sa narapilos ang tauo, ó dahil sa siya,i, nahulog, ó binatac ang caniyang paa ó camay, ay sungmasaquit yaong mang̃a casangcapang yaon; at caya gayon, sapagca napacabanat ó napacaunat ang litid. Cun minsan namamaga naman ang casangcapang nasactan. Ang gamot doon ay gayon. Ibababad pagdaca ang paa ó camay na nasactan sa malamig na tubig. Saca cumuha ca nang dalauang puti nang itlog (houag ang pula) at ihulog mo sa pingan ó planchang estaño. Ng̃ayon ang isang caputol na tauas iyong icuscos nang icuscos sa pingang estaño na may puti nang itlog; pagca malapot na ang puti nang itlog; ay yari na ang ungüento. Maglatag ca nang caunti noon sa isang damit, at itapal mo sa masaquit, na yao,i, gagauin mong macalaua maghapon. Itong mabuting gamot ay turo ni Rozier. Hindi ma-aari ang pingang tinga, cundi ang estaño yaon bagang inahihinang sa hojas de lata. Caya magaling ang maghanda ca nang isang plancha noon, at itago mo sa bahay.

274. Ang mang̃a dulo nang buto nang tauo ay mabilog ó masubong na sungmusoot, at pungmipihit sa hucay na mabilog din at malucong; at cun ang mabilog na dulo nang buto, ay ungmaalis doon sa hucay na dating quinasosootan, ang pang̃alan sa ganoon ay lungmingsad ang buto. Cun gayon ay cailang̃ang isaoli agad ang buto doon sa caniyang lugar, sapagca cun pinabayaan nang malauong panahon ay hindi na maisaoli, at ang hucay na talagang pipihitan noon, ay nagcacalaman, at caya hindi na maaring sumoot doon.

275. Pag nasaoli na ang buto sa caniyang lugar, ay cailang̃ang tapalang parati ang casangcapang nasactan cun namamaga pa nang damit na babad sa tubig at suca; at pagca nauala na ang pamamaga ay samahan nang caunting aguardiente. Saca bibigquisang maigui, at houag quiquibuin nang mahabang panahon. Na-aari rin ang puti nang itlog at ang inciensong binayo na hinahalo capoua, at itinatapal sa masaquit.

276. Bago isauli ang buto sa caniyang lugar cun baga lauon nang lungmilingsad, ay namamaga yaong casang̃capang nasactan, ay sasangrahan ang maysaquit bago tapalan nang tinapay na durog at suca, na ito,i, gagauing ilang arao, bago atuhin ang pagsasauli nang buto sa caniyang lugar. Ang pag-gaua nito,i, hindi lubhang maliuag, babayi man ang umato. Binabatac lamang nang dalaua catauo ang dalauang casangcapang pagtatamaan, at saca ang isang tauo ay caniyang pinatatama ang dulo nang buto sa caniyang susuutan; cun minsan ay hindi cailang̃an ang tatlo catauo, at na-aari ang isa, cun maalam alam humipo,t, tuming̃in. Cun baga hindi lamang lungmilingsad ang buto cundi nabali pa, ay gagamutin muna ang pagcalingsad, bago gamutin ang pagcabali. Ang gaua nang tagalog sa ganitong saquit ay ipinahihilot sa marunong ang casangcapang lungmingsad; datapoua maliuag gumaling sa ganoong paraan, cun yao,i, lungmingsad na totoo.

Ang gagauin cun lungmingsad ang sihang.

277. Ang maysaquit ay pinalulucloc sa sahig nang bahay, at ang gungmagamot sa caniya,i, lungmalagay na tindig sa licod nang maysaquit; ipinapasoc sa bibig nang maysaquit sa ibabao nang bag-ang ang dalauang hinlalaqui nang camay, at ang ibang mang̃a daliri inilalagay sa ilalim ng̃ sihang; pagca gayon na ang taya nang dalauang camay nang gungmagamot, ay idiniriin ang sihang na pailalim, at sa dacong licod ng̃ maysaquit, hangan sa sungmoot sa lugar niya. Saca tapalan nang turo sa párrafo 275.

Ang gagauin sa lungmilingsad ang cayang liig.

278. Cung lungmingsad ang liig nang tauo, ay mamamatay pagcaraca, cundi gamuting madali; caya ang gagauin doo,i, pahihigain nang patihaya sa sahig, at ang mangagamot ay lulucloc doon din sa sahig sa ulunan nang maysaquit; saca hahauacan nang caniyang dalauang camay ang ulo nang maysaquit, at pagcaraca caniyang babataquin, at pipihitin nang caunti nang mangyaring tumama sa datihang quinasusuutan. Saca tapalan nang bilin sa párrafo 275.

Ang gagauin cun lungmingsad sa dacong quiliquili ang isang bias nang camay,

279. Cun minsan ang isang bias nang camay, yaon bagang buto na nangagaling sa balicat na patuloy sa sico, ay ungmaalis doon sa dating quinadoroonan. Ang gagauin cun gayon, ay tatalian ang camay sa ibabao nang sico, at hihilahin nang dalaua catauo ang magcabilang dulo nang tali; ang maysaquit ay pinalulucloc sa lupa, ó sa sahig nang bahay. Saca ang gagamot doo,i, cucuha nang isang servilleta, ó paño man; na pararaanin sa ilalim nang camay nang maysaquit, at ang dalauang dulo nang paño ay bubuhulan. Ang gagamot sa maysaquit, ay isusuot ang caniyang ulo hangan liig sa loob nang paño, at cun hungmihila yaong dalaua catauo, ang mangagamot ay itinataas na magpilit ang caniyang ulo; at cun gayo,i, madadala niya tuloy paitaas ang camay nang maysaquit, at saca itinutulac niya nang camay ang dulo nang butong lungmingsad, at pinatatama sa caniyang hucay sa dacong balicat. Cun ang maysaquit ay bata ó babaying mahina, ang isa catauo lamang ay macacapagpaanyo nang butong lungmingsad; hinihila lamang nang caniyang isang camay yaong butong sala, at ipina-aanyo tuloy noong isang camay. Magaling naman (ani D. Martín Martinez) palucluquin ang maysaquit sa isang luclucang mababa, parang latoc sa halimbaua; pag-gayon na ang taya nang maysaquit, ay tatalian sa ibabao nang sico nang isang malapad at matibay na tali yaong caniyang camay na sala sa isang baytang nang isang hagdan; saca inaalis ang luclucan, at pag pinatalon ang catauan nang maysaquit, ay magsasaoli ang buto sa caniyang lugar. Saca tatapalan nang bilin sa párrafo 275.

Ang gagauin pag lungmingsad ang camay sa sico, ó sa galang-galang̃an, ó ang mang̃a daliri nang camay, ó cun lungmingsad ang paa doon sa tuhod.

280. Cun ang camay ay lungmilingsad at ungmaalis doon sa caniyang quinasosootan sa sico ó sa galang-galang̃an, ó cun lungmilingsad ang paa doon sa tuhod, ó cun nagcacasala ang mang̃a daliri nang paa ó camay, ang guinagaua doon, ay hinihila lamang, bago patamain sa lugar ang butong nagcasala; saca tinatapalan nang bilin sa párrafo 275.

Ang gagauin cun lungmingsad ang buto nang hita.

381 Cung ang buto nang hita ay lungmilingsad sa dacong pig-yi at ang paglabas nang buto ay sa licod nang may catauan, ay ungmiicli ang paa, at hungmaharap nang caunti sa loob; datapoua cun ang paglingsad nang buto ay sa harap, ang paa ay hungmahaba, ang tuhod ay cungmiquiling, at ang paa ay hungmaharap sa dacong labas.

282. Cun ang buto nang hita,i, lungmingsad sa licod nang may catauan, ay cailang̃ang parapain ang maysaquit, at talian ang hita sa dacong ibabao nang tuhod nang isang malapad at matibay na tali. Saca hihilahin ang mang̃a tauong catulong sa magcabilang dulo nang tali, at ang mangagamot ay caniyang patatamain ang dulo nang buto sa caniyang lugar. Datapoua cun baga ang paglingsad nang buto nang hita ay sa harap nang may catauan, ay pahigain nang patihaya ang maysaquit, saca hihilahin nang malacas ang buto at isasaoli sa caniyang totoong quinalalag-yan. Saca tapalan nang bilin sa párrafo 275.


CAPÍTULO 32.

Ang gagauin sa tauo na may butong nabali, at sa nabasag ang ulo.

282. Cun mayroong tauong nabalian nang buto, cun baga may pagcalingsad din ang buto, ay itong paglingsad ang gagamutin muna, para nang turo sa capítulo 31, bago gamutin ang pagcabali nang buto; at ang gagauin ng̃a sa nabalian, ay gayon. Ang maysaquit ay ilagay sa husay (capítulo 4); datapoua cun siya,i, bihasang cumain nang marami, ay mapacacain din nang caunti Bucod dito ay cailang̃ang sangrahan ang maysaquit, at inuuling guinagaua quinabucasan ang pagsasangra, cun baga malaqui ang lagnat. Ang nabalian nang malaquing buto ay pinahihiga muna nang dalauang lingo lamang. Saca macababang̃on na siya; datapoua caniyang dahandahanin ang pagbang̃on. Ang casangcapang nabalian ay hindi sucat ilagay nang patouid cundi balubaluctot nang caunti. Magaling naman ang may lubid na natatali sa bubung̃an nang silid nang maysaquit sa caniyang tapat, nang siya,i, cumapit sa lubid cun ibig cumibo. Ang catreng quinahihig-an nang maysaquit ay binutasan nang houag bumang̃on cun mananabi.

284. Ang butong nabali ay hinuhusay, at ipina-aanyo nang isang marunong humipo at tinutouid na magaling. Saca doroonan ng̃ dalauang caputol na balat na cordobán man, ang isa sa ilalim at yaong isa sa ibabao, na ibinababad muna sa tubig nang lumambot, bago talian nang labingdalaua ó labing-ualong panaling maicli, na paraparang may caniya nang buhol. Sa ilalim nang balat ay linalag-yan ang casangcapang nasactan nang damit na babad sa tubig na sinucaan, at saca babasain ding parati nang mahabang panahon noon ding tubig na sinucaan yaon ding damit na yaon, hangan sa gumaling ang maysaquit. Cun gumaling na ang maysaquit at ang buto,i, naghinang na, cun baga hindi rin nauauala ang pagsaquit nang buto,i, tapalan nang inciensong binayo na lalahocan nang puti nang itlog. Cun baga tadyang ang nabali, ang pag-gamot doo,i, para nang sa ibang mang̃a butong nababali; houag lamang pahigain ang maysaquit; at cun ang ulo ang nabasag at ualang sugat, ay gayon din ang pag-gamot, houag lamang basain nang suca, cundi nang alac sa misa na tinubigan; basahin mo at sundin ang turo sa párrafo 273. Ang gaua nang tagalog pagca mayroong butong nabalian, ay ipinahihilot sa marunong, datapoua yao,i, totoong sama, sapagca ang butong talagang maghihinang na, nababali uli bagcus pag quiniquibo.


CAPÍTULO 33.

Ang gamot sa natinic, ó nasubol ó sa tinamaan nang pana, ó nabaril.

285. Ang gagauin sa natinic, ó nasubol, ó sa tinamaan nang pana, ó sa tauong nabaril ay gayon. Bubunutin pagcaraca, at hahang̃uin sa catauan ang tinic, ó ang tatal, ó ang pana, ó ang bala na nababaon sa laman. Pag nabunot na yaon, ay tapalan ang casangcapang nasactan nang basahang babad sa malacucong tubig. Datapoua cun malalim ang pagcabaon nang tinic ó pana sa laman, at hindi mabunot, ó mabunot man ang iba ay mayroon pang natitira doon, ay mabuting hiuain nang caunti, cun baga hindi pa totoong namamaga ang casangcapang na nasactan, sapagca cun malaqui ang pamamaga ay masamang hiuain; at ang gagauin cun hindi mahiua, ay tatapat na parati sa sing̃ao nang mainit na tubig ang lugar na nasactan, saca tapalan nang tinapay na durog na may casamang gatas at lang̃is na bago nang niyog ó lana man; cun ualang tinapay at gatas, ay na-aari ang ugat nang dilao at ang lang̃is nang niyog na babayuhin capoua, bago itapal doon. Cun ualang dilao, ay magagamit ang romero. Datapoua cun yaong lugar na napasucan nang tinic ó tatal ay nagnanana, cailang̃ang hiuaing madali at saca gamuting para nang turo sa mang̃a párrafo 253 at 254. Cun baga bala ang nacasugat ay gagauin ito ring mang̃a turo sa párrafong ito. Cun baga ang nacasugat ay panang may camandag, ay painumin ang maysaquit na madali nang pasuca nang salag salag, ó pacupis (pepinillo de san Gregorio) número 34 ó 35; ó pacanin nang bauang; ó cun ualang iba ay na-aaring ipainom doon ang dumi nang tauo, na isasama sa caunting tubig, nang sumuca. Saca hihiuain ang sugat; bubunutin ang pana cun nadoroon, at huhugasan ang sugat nang tubig na may asin, at tacluban nang ventosa Mabuti basahin mo ang capítulo 35.