WeRead Powered by ReaderPub
Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit cover

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

Chapter 53: CAPÍTULO 36.
Open in WeRead

Explore more books like this:

About This Book

A practical medical manual compiles concise chapters describing causes, symptoms, and treatments for a wide assortment of illnesses and injuries. It offers step-by-step guidance for fevers, respiratory and digestive disorders, skin conditions, wounds and fractures, toxic bites, and urinary and reproductive complaints, plus advice for pediatric ailments and childbirth-related problems. Remedies and procedures range from topical applications and bleeding control to internal medicines and dietary or environmental measures. The organization favors rapid consultation, emphasizing observable signs, immediate actions, and recovery care.

CAPÍTULO 34.

Ang gamot sa napaso nang baga ó pólvora, ó sa nabanlian nang anomang mainit.

286. Cun hindi malaquing lugar nang catauan ang napaso, at hindi naglintog, sucat na roon ang tapalan nang damit na babad sa malamig na tubig; yao,i, gagauing parati. Cun mayroong dagta nang aroma, (goma de aroma) ay lahucan nang pula nang itlog, at ilahid doon nang houag maglintog. Ang madali at ang ualang liuag sa lahat na gamot, maglintog man ang laman, ay ito. Ang isang itlog nang manuc ay hinahalong maigui sa pingan; sinasamahan nang dalauang cucharang lang̃is na bago nang niyog ó lana man; hinahalo pang magaling capoua, at itinatapal. Ng̃uni ang magaling sa lahat na gamot ay ang lang̃is nang cacao, na gayon ang pag-gaua. Ang isang gatang na cacao, iyong isang̃ag, bago dicdiquin mo nang maliit. Saca ihulog mo sa palioc na may tubig, at ilagay mo sa mahinang apoy. Hahaluin mong parati nang patpat ang cacao, at yaong lang̃is na lungmulutang sa ibabao nang tubig, iyong ipunin nang isang pacpac nang manoc at ihulog mo sa taza. Ilapit mo sa apoy ang taza nang maiga ang tubig na casama nang lang̃is, at pag naiga na ang lang̃is na natitira ay itago mo sa garrafa. Itong lang̃is nang cacao siya ang mabuting ilahid sa lugar na napaso, ó nabanlian nang anomang mainit na tubig. Magaling din ang bumayo ca nang uling nang langca, at doonan mo nang lana bago itapal, at mauauala pati pilat. Cun baga pólvora ang nacapaso, ay mabuti lahiran ang napaso nang dugo nang manoc na munti, at saca tacpan nang damit; ang gatas nang babayi ay maigui ring ibasa doong parati; ganoon din ang maputing gabi cun calusin, at samahan nang lana, at itapal sa masaquit, ay nacaguiguinhaua sa may catauan. Na-aari namang tapalan nang camatis na hiniua, na pinapaltang maminsan-minsan, nang mahang̃inan ang lugar na masaquit. Ang isa pang totoong buting itaquip sa gayong sugat, ay yaong tila bulac nang bung̃a nang boboi.

287. Datapoua cun ang lugar na napaso ay malaqui, at ang pamamaga ay totoong laqui naman, ang cailang̃ang gauin (ani Tissot) ay sangrahan ang maysaquit, minsan ó maquiilan yaon sa caniyang calagayan.

288. Ang maysaquit ay ilagay sa husay (capítulo 4). Houag ipaiinom sa caniya cundi ang bilin sa número 2 at 4; bucod dito ay susumpitin arao-arao.


CAPÍTULO 35.

Ang gamot sa tauong naguitguitan ó nagalusan, at sa nasugatan, pati sa nahiua ó sa tinaga nang ibang tauo.

Nota. Ang mabuti sa nagalusang tauo,i, ang laman nang bung̃a nang boboy yaon bagang tila bulac, na itataquip na magaling doon sa lugar na masaquit. Maigui rin ang abo nang papel sangley sa sinunog. Gayon din ang gamot sa nagasgasan ó naguitguitan nang lubid ó nang ibang bagay, na yao,i, rozadura cun tauaguin nang castila.

289. Cun mayroong tauong sinugatan, ó tinaga ó inulos nang sundang, ó cun siya,i, nahiua, cun baga ang sugat ay munti at hindi lubhang maraming dugo ang lungmalabas, ay maghanda cang madali nang hilas nang lienzong luma, at ilatag mo sa sugat at houag mong idiriing lubha. Saca sa ibabao nang hilas ay doonan mo nang isang caputol na lienzong babad sa lana, ó lang̃is na bago nang niyog, bigquisan mo nang hindi louag at hindi maigting, at houag mong quiquibuin yaon sa isang arao at isang gab-i. Saca cun tatatapin ang sugat, ay aalisin ang hilas na hindi totoong naniniquit doon, sapagca ang hilas na totoong cungmacapit sa sugat, ay hindi cailang̃ang ugcain; doonan lamang nang iba pang bago at sucat. Ito lamang gauang itong itinuro co ng̃ayon ay nacabababao sa maraming sugat, at hindi nagnanana; at cun baga nagnanana, ay tapalan nang caunting ungüentong madilao número 46. Cun baga ang sugat ay totoong unti, ay siya na roon ang anlalaua; ng̃uni cun malalim ang sugat at munti ang butas ay cailang̃ang lac-han nang caunti ang butas bago gamutin.

290. Cun ang sugat ay malaqui, caalamalam mamamaga muna, bago magnacnac; ang maysaquit ay lalagnatin, at cun minsan ay tila masisirasira ang bait. Ang magaling gauin pagca gayon ang lagay nang nasugatan, ay ang hilas muna ang itapal sa sugat, at sa ibabao lag-yan nang tinapay na durog na dinoroonan nang gatas at caunting lana nang houag maniquit ang tinapay, at yao,i, ang ilalagay sa ibabao nang hilas bago bigquisan para nang dati; na-aari naman ang tinapay lamang at ang tubig na ualang iba, datapoua cailang̃ang paltan macaapat maghapon.

291. Bucod dito ang may sugat, cun nalalagnat ay sasangrahan, cun baga hindi linabasan nang maraming dugo ang sugat; saca ilagay sa husay (capítulo 4), at susumpitin touing arao na ualang liban. Ang isa namang cailang̃an sa ganoong maysaquit na ang sugat ay malaqui, ó cun nadoroon sa masamang lugar (sa dibdib baga, sa tiyan, ó sa bay-auang,) ay houag pacanin nang anoman, cundi tubig na pinaglagaan nang palay ó basabasa; gayon din totoong sama sa nasugatan ang pag-gaua nang mahalay, at caalamalam mamamatay.

292. Cun baga ang sugat ay nadoroon sa ulo, ay hindi magaling doon ang lang̃is, ó lana cundi ang hilas muna, at saca ang isang tapal ng̃ betonicang binayo (cabling), ó cun ualang cabling, ay ibabad sa mainit na alac sa misa ang lienzong idoroon sa ibabao nang hilas; saca sundin ang bilin sa párrafo 291.

293. Cun mayroong naputol na ugat ca malaqui, at malacas lumahoy ang dugo, ay maigui roon ang agárico de roble número 67; at sapagca dito sa Filipinas ualang agárico, ay na-aari ang colatcolat número 67, yaon bagang tila cabuting matigas na sungmisibol sa mang̃a cahoy, sa alibangbang baga; ang unang balat nang colatcolat ay itinatapon, ang ibang natitira ay babayuhin, ó bubugbuguin nang cahoy nang lumambot, at yaon ang itinatapal sa sugat; saca doroonan sa ibabao nang maraming hilas, at isang lienzo, at bibigquisan tuloy. Cun hindi rin ungmaampat ang dugo, at ang sugat ay nadoroon sa camay ó paa, ay cailang̃ang bigquisan ang casangcapang nasactan sa itaas nang sugat nang isang bigquis na ang lapad ay tatlong daliri man lamang, na pinipitpit nang isang caputol na cahoy nang umigting; houag lamang pacalulubhain, at maca mabuloc ang laman; maminsan-minsan ay lolouagan ang bigquis.

294. Cun baga ang sugat ay nadoroon sa tiyan at hindi lungmalabas ang bituca ay gagamutin ang may catauan para nang turo sa capítulong ito; datapoua cun malalim ang sugat at ang bituca ay lungmalabas, uusisaing maigui cun nabutas ang bituca, at cun baga nabutas, na caya na-aalaman sapagca linalabasan nang dumi doon din sa butas, ay houag anomanahin cun munti ang sugat; datapoua cun malaqui, ay tatahiin nang sangpouong bilong abaca na pinagquitan nang houag lumabas ang dumi, at ang dulo nang itinahing abaca, ay pababayaang lumauit sa labas nang tiyan nang mahila cun malauon, at pagca siyang cusang sumunod sa camay nang humihila. Bucod dito ang bituca ay cailang̃ang hugasan muna at linisin nang alac na pinaglagaan nang romero, bago ipasoc uli sa tiyan nang marahan-dahan; saca tinatahi pati nang sugat nang tiyan para nang sinabi cong una, at pagca yari na yaon, ay guinagamot ang sugat para nang turo sa capítulong ito.

295. Yaong mang̃a paraan nang pag-gamot sa mang̃a sugat na sinaysay co sa capítulong ito ay sucat na sa anomang sugat; datapoua mayroon pang ibang mang̃a bagay na magaling ding maalaman ng̃ mg̃a mangagamot, maca cailang̃ang gamitin nila cun ualang iba. Ang romerong ng̃inoya, ay mabuti doon sa sugat; ang mang̃a dahon nang hagonoy ay totoong buting bayuhin munang maigui, at patacan nang caonting lana, ó bagong lang̃is nang niyog; saca balutin sa dahon nang saguing; at ibaon sa mainit na abo, bago itapal sa sugat at tuloy gagaling, cun gauin mong macalaua, malaqui man ang sugat. Maigui rin ang ugat nang baliti na babayuhin bago itapal. Ang isa pa manding magaling, ay gayon; ang isang caputol na cahoy nang molauin ay iyong lagariin, at ang quinain nang lagari iyong ibudbud doon sa sugat. Ang tuyong tai nang cabayo ay maigui rin sa sugat, pag hindi malaqui.


CAPÍTULO 36.

Ang gamot sa sugat na lauon, na hindi mabahao.

296. Ang mg̃a sugat na lauon ay hindi sucat bahauin pagcaraca, ani Tissot, sapagca marami ang namamatay nang biglang pagcamatay dahil doon. Ang mang̃a sugat na lauon ay gaua cun minsan nang palo, ó nang bucol ó sibol na hindi guinamot ng̃ paanyo. Cun minsan naman dala ng̃ escorbuto ó dala nang pagcabuloc nang catauan. Cun ang escorbuto ó ang ibang dahilan ang pinagmul-an ng̃ sugat na lauon ay cailang̃ang alisin muna yaong isang saquit bago gamutin ang sugat. Ang pagbahao noong mang̃a sugat na yaon ay hindi lubhang maliuag; datapoua houag bauahin pagcaraca nang mangagamot, cundi paraanin muna sa ibang lugar nang catauan nang maysaquit yaong masamang lungmalabas na parati sa sugat Caya ang unang gagauin sa tauong may saquit na lauon, ay purgahin touing icalauang lingo nang bilin sa número 21; itong ganitong purga ay itutuloy nang malauon, at pag pinurga nang macaitlo man lamang ang maysaquit, ay gamutin na ang sugat para ng̃ sasabihin co ng̃ayon sa mg̃a párrafong isusunod dito Ang lungmalabas sa mang̃a sugat ay hindi nana, cundi anaqui tubig na maputi-puti, malabnao-labnao, at totoong baho na cun mapasayad sa ibang mg̃a laman, ay nagpapalintog cun minsan. Pag nabahao na ang sugat, ay itinutuloy ang pagpurga sa may catauan na maminsan-minsan. Yaong tauong may sugat na ibig madaling gumaling, ay cailang̃an ang houag siyang cumain nang mang̃a maalat, ó mang̃a mahanghang, ó mainit ó maraming carne, at houag tumiquim siya nang isda at alac. Cun ang sugat ay nadoroon sa paa, ay masama sa may catauan ang lumacad na parati, ang magpahang̃in ang yumapac sa basá, at ang mahang̃inan ang caniyang sugat. Ang isa pang magaling na totoo sa may sugat na lauon, ay lag-yan nang fuente sa paa, ó camay bago bahauin ang sugat.

297. Cun minsan ang mang̃a tabi nang sugat ay totoong tigas na cailang̃ang hiuain muna, bago gamutin; datapoua cun hindi matigas ang mang̃a tabi nang sugat ay tapalan pagdaca nang bilin sa número 69, at sa ibabao lag-yan nang ilang lienzong babad sa turo sa número 70 na macaitlong papaltan touing arao; at sa número 69 ay macalaua lamang. Datapoua cun minsan ay hindi cailang̃an itong ganitong gamot sapagca maraming sugat na lauon ay nababahao cun pahigain ang maysaquit, at latagan nang hilas ang sugat, at doonan pa sa ibabao nang hilas nang isang tapal na tinapay na durog, bulaclac nang alagao at tubig. Bucod dito touing guinagamot, ay cailang̃ang linisin ang sugat at hugasang maigui nang tubig na malacuco na pinaglagaan nang caunting romero, ó nang dahon nang macabuhay ó ling̃angsina ó hagunoy; ito,i, gagauin bago tapalan.

298. Cun hindi mo ibig gamitin ang bilin sa número 69, at sa número 70, ay na-aari ang mang̃a sasabihin co ng̃ayon sa mang̃a párrafong isusunod co dito, na yao,i, pauang aral ni P. Clain.

299. Ang mang̃a sugat na ang mang̃a tabi ay matigas, ay mabuti tapalan nang apog na sinubhan; saca linisin at hugasan nang tubig na pinaglagaan nang romero, ó rosas, bago doonan uli nang apog. Ito,i, paparatihing gagauin. Ang laman na lungmalabis sa mang̃a tabi, cun budburan nang polvos nang puno nang coles na sinunog, ay mauauala cun minsan. Itong dalauang gamot tila hindi magaling.

300. Doon sa mang̃a masasamang sugat na lungmalapad at lungmalaqui; ay maiguing itapal ang dahon nang lanting na binayo. Nang mamatay ang mang̃a ood sa mang̃a sugat, ay bumayo ca nang payangpayang, samahan mo nang apog at dahon sariua nang tabaco na pauang binabayo bago itapal. Totoong galing naman sa mang̃a gayong sugat ang hugasang parati nang tubig na pinaglagaan nang hagunoy, bago tapalan ng̃ dahon din nang hagunoy na binayo. Ang dahon nang tang̃antang̃an ó ling̃angsina ay totoong galing sa gayong sugat; inilalaga muna ang dahon, at yaon ang ihuhugas na parati sa sugat, bago tapalan noon ding dahong binayo. Ang pinang̃ang̃anlang macabuhay, pag inilaga rin ang dahon, at ang tubig ay ihugas na parati sa sugat, at saca tapalan noong ding dahong binayo, ay na nacagagaling naman.

301. Cun baga nagsusugat ang punong catauan nang lalaqui ó babayi, ay guinagamot muna ang may catauan para nang turo sa párrafo 296, bago lahiran ang mang̃a sugat nang apdo nang bacang lalaqui. Maigui ring tapalan nang dahon nang culit na babayuhin muna. Ito,i, turo ni P. Clain. Ng̃uni cun bago yaong mang̃a sugat ay dala nang pag-gaua nang mahalay ay cailang̃ang tumanong sa marunong, nang siya,i, gamutin nang ungüento nang mercurio núm. 28.


CAPÍTULO 37.

Ang gamot sa linuluslusan, na ang tauag nang castila sa ganoong saquit ay hernia ó quebradura.

302. Mayroong tauo, na pagca pang̃anac sa caniya ay linuluslusan na; datapoua ang caramihan ay caya linuluslusan, ay gaua nang pagsigao noong bata pa sila, ó dahil sa pag-uubo ó sa pagsuca. Cun matanda na ang tauo, ang pagbuhat nang mang̃a mabibigat ay yaon ang ugaling pinangagaling̃an nang saquit na yaon. Ang lalaqui ay marahil luslusan sa babayi.

303. Itong saquit ay bagay-bagay; datapoua ang aquin lamang sasaysayin dito ay ang pagpanaog ó ang pagluslus nang bituca sa pinaca supot nang bayag nang lalaqui, ó sa ilalim nang-punong catauan nang babayi. Cun ang bituca, ó ang linoob nang catauan ay tungmatalon, at naparoroon sa mang̃a lugar na yaon; ang tauag sa nagcacasaquit nang gayon ay linuluslusan.

304. Sa alin mang tauong linuluslusan, bata man matanda man, ang pag-gamot ay iisa rin. Datapoua ang mang̃a bata ay madaling gamutin, at bihira ang hindi gungmagaling, alagaan lamang nang tali, ó bigquis yaong lugar na pinaroroonan nang bituca. Yaong tali ó bigquis na inilalagay doon, ay mayroong sadhiyang pagcatabas, na hindi maliuag isipin nang alin mang marunong dunong, sapagca ibinabagay sa lugar na quinadoroonan nang saquit. Ang bigquis ay mayroong apat na dulo; ang dalauang nangagaling sa licod, ay binubuhulan sa ilalim nang pusod; at ang dalauang dulo nang tali na nagmumula sa harap ay ipinapatung̃o sa bay-auang, at doon tinatalian. Bucod dito sa guitna nang taling yao,i, mayroong isang tila unang munti ó dalaua caya, na taga pagdiin nang bituca nang houag macalabas uli. Datapoua bago ilagay ang tali doon, ay cailang̃ang pacausisaing maigui, cun mayroon pang natitirang bituca sa labas, at cun baga hindi napasoot ang lahat sa loob, ay masamang doonan nang tali ang maysaquit. Cun minsan ay hindi maipasoc ang bituca, sapagca ang saquit ay lauon na, at maraming bituca ang lungmalabas. Cun gayon ay cailang̃ang igaua ng̃ capaanyoan ang maysaquit at lag-yan din nang tali na ualang unan.

305. Nang mapasauli ang bituca nang batang linuluslusan, ay pinahihiga muna nang patihaya; dinoroonan nang damit sa ilalim nang pig-yi, nang tumaas. Pagca yari nito,i, cun baga hindi pungmapasoc na cusa ang bituca, ay tinutulung̃an nang camay na marahan dahan, bago lag-yan nang taling itinuro sa párrafo 304; hindi magcacasiya ang isang tali lamang; cailang̃an ang dalaua; at bago ilagay ang ipapalit sa maruming pinapaltan, ay cailang̃ang tingnan cun nadoroon caya sa loob ang lahat na bituca. Cun ibig mo, ay matatapalan ang bata nang ling̃angsina na idinadarang muna sa apoy nang madaling gumaling, saca dinoroonan nang tali Cun baga matandang tauo ang linuluslusan, cun bago pa ang saquit, ay hindi rin maliuag mauala; datapoua cun lauon, ay hindi na ma-aari. Ang gagauin doon ay gayon: pinahihiga ang maysaquit nang patihaya, pinatataas ang tuhod nang sumayad ang talampacan nang paa doon sa hihig-an. Saca ipinapasoc sa loob ang bitucang lungmalabas; itong pagpasoc nang bituca cun minsa,i, ualang liuag; cun minsan ay hindi sungmusunod, cundi marunong humipo ang mangagamot sapagca cailang̃ang iriin nang camay na catulong ang mang̃a daliri, at pinipilit pumasoc sa loob ang mang̃a bituca. Datapoua cun mahirap ang calagayan nang maysaquit, at hindi sungmusunod ang bituca, ay cailang̃ang sangrahan muna ang may catauan. Saca susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan na linalahucan nang isang cucharang mantica at calahating cucharang asin; pagca sinumpit ang maysaquit, ay tatapalan muna nang malauon-lauong oras, nang mang̃a basahang babad sa túbig na mainit, bago atuhin ang pagsasauli nang mang̃a bituca.

306. Cun minsan ang bituca ay pungmapasoc na cusa, pag tinapalang ilang arao ang maysaquit nang dahon nang tabacong sariua na ibinababad sa mainit na alac. Magaling naman ang dumi nang baca, na pinatutuyo tuyo muna sa cauali, at sabay pinapatacang parati nang caunting lang̃is, bago itapal sa masaquit. Cun hindi rin pungmapasoc ang bituca, ay sumpitin nang malauon ang maysaquit nang usoc nang tabaco para nang turo sa párrafo 457, at siya ang lalong matapang na gamot doon.


CAPÍTULO 38.

Ang gagauin sa lungmalabas ang tumbong, at sa babaying lungmalabas ang punong catauan.

307. Cun mayroong tauo, na lungmalabas ang caniyang tumbong ó pouit, ay pinararapa muna at pinatataas ang pig-yi; saca ang mangagamot ay babasain nang lana ang caniyang mang̃a daliri, at ang tumbong ay caniyang ipapasoc sa loob na marahan dahan; pagca napasaoli na sa loob, ay tapalan nang basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang balat nang granada, ó duhat ó camachiles, bago talian nang isang tali na may apat na dulo. Cun aayao ca noong ganoong paraan, ay tapalan ang pouit nang incienso, sahing at polvos nang sinunog na sung̃ay nang usa, at papasoc ang tumbong. Maigui rin ang mag-ihao ca sa apoy nang isang dahon ó palapa nang (maguimaguei) at pag malamig na, itapal mo roon, gagaling ang maysaquit. Cun minsan ang paglabas nang tumbong ay dala nang pag-iilaguin, na siya ang totoong cailang̃ang gamutin.

308. Cun lungmalabas ang punong catauan nang babayi, ay pahihigain nang tihaya. Dinoroonan nang damit sa ilalim nang pig-yi nang tumaas; binabasang parati nang mainit-init na alac ang caniyang punong catauan; saca ipinapasoc nang camay sa loob na marahan dahan, bago doonan nang tali na may apat na dulo. Magaling naman ang pinacadahon ng̃ magui (maguei) na inihao muna; baga itapal doon para ng̃ turo sa párrafo 307 na sinundan nito.


CAPÍTULO 39.

Ang gagauin cun macati ang punong catauan nang lalagui ó nang babayi, pati sa lalaqui, cun ungmuurong ang caniyang punong catauan, at sa namamaga ang bayag ó ungmiihi nang nana.

309. Cun mayroong lalaqui na ungmuurong ang caniyang punong catauan, ay painumin noong picatubig, na nangagaling sa saguing na pinang̃ang̃anlang botohan bago bumung̃a. Na-aari rin ang tubig sa saguing na pinang̃ang̃anlang abaca. Gayon din ang ugat nang pandacaquing itim, cun cayurin muna, at inumin ang quinayod sa caunting alac sa misa ó tubig, ay magaling din. Cun ang punong catauan nang lalaqui ó nang babayi ay mabuting basain nang basain nang tubig na pinagbabaran nang caputol na sang̃a nang macabuhay na mapait, at cun hindi nauauala ang saquit ay mabuti lonoquin nang may catauan ang píldoras ó pelotillas nang talamponay ayon sa turo sa número 57.

Nota. Cun mayroong lalaquing ungmiihi nang nana ó cun namamaga ang bayag, ang mabuti doo,i, painuming parati nang tubig na pinaglagaan nang colotan. Magaling din ang magsumpit siya nang malimit, at magpurga nang bilin sa número 23, na yao,i, gagauin touing lingo. Saca iinumin niya ang bilin sa número 22, hangan sa siya,i, gumaling. Cun baga caya ungmiihi nang nana ang maysaquit dahil sa siya,i, mayroong bato sa pantog ay magaling uminom siya nang café touing umaga; at sundin ang mang̃a turo sa capítulo 46. Ang pagcati nang punong catauan pati nang pag-ihi nang nana, ay dala cun minsan ng pag-gaua nang mahalay. Cun gayon ay cailang̃ang tumanong sa marunong, nang gamutin ang may catauan ng̃ paanyo, at nang pahiran ang caniyang paa nang unggüento nang mercurio número 28, ayon sa uica co sa párrafo 301.


CAPÍTULO 40.

Ang gagauin sa mang̃a batang ipinang̃ang̃anac na ualang butas ang puit, ó may sara ang taing̃a ó ang punong catauan, ó cun mayroong pinacatali sa ilalim nang dila.

310. Cun mayroong batang ipinang̃ang̃anac at ualang butas ang pouit, ay bubutasang marahan dahan nang isang lancetang matilos. Gayon din ang gagauin cun hindi macaihi ang bata, lalaqui ma,t, babayi man, dahil sapagca ualang butas. Ang batang babayi na may sara ang caniyang punong catauan, ay binubutasan din nang lanceta, bago sootan doon sa lugar na yaon nang isang caputol na tingang mabilog at maicli, na may dalauang pinacataying̃a, nang matalian sa bayauang nang bata; at houag aalisin muna hangang di mabahao ang sugat at nang houag madaiti uli ang mg̃a tabi nang butas. Cun baga may sara ó nagdaraiti ang dalauang pinacalabi nang punong catauan nang batang babayi, ay hinihiua rin ng̃ lancetang matalim mula sa itaas hangang ilalim, bago doonan nang caputol na tingang mabilog na may butas na patuloy sa guitna, at saca tinalian sa bayauang para nang uica co nang una. Cun ang taying̃a,i, mayroon isang tila balat na nacatataquip doo,i, binubutasan din nang lanceta, houag lamang palalimin ang paghiua.

Ang mang̃a bata, na hindi macapag-uica nang malinao, sapagca doon sa ilalim nang dila mayroong isang pinacatali, pagca gayon ay guinugupit ang tali ng̃ gunting na munti. Datapoua houag puputulin ang mg̃a ugat na malalaqui, na nadoroon sa piling. Cun malacas lumahoy ang dugo, ay pinapagmumumog ang bata nang tubig na sinucaan na dinoroonan nang ilang butil na salitre, na cailang̃an ihanda muna. Maigui ring basain ang lugar na linalabasan nang dugo nang caonting aguardiente, na ang sa icatlong babagui ay suca. Maminsan-minsan ay pararaanan ng̃ isang daliri ang ilalim nang dila nang houag magcapit uli yaong mg̃a guinupit. Itong lahat ay pauang aral ni D. Martín Martinez.


CAPÍTULO 41.

Ang gagauin sa quiniquilmos na ang tauag nang castila sa gayong saquit ay almorranas; na yao,i, pamamaga nang puit nang tauo.

311. Doon sa pouit nang tauo, mayroong anaqui bucolbucol namumunti, na cun minsan ay namamaga doon sa loob, na hindi naquiquita cundi sa oras nang pananabi. Cun namamaga ng̃a yaong mang̃a casangcapan nang pouit nang tauo, ang pang̃alan sa pagcacasaquit nang gayon, ay quilmosin. Cun minsan naman mayroong lungmalabas na dugo na yao,i, touing bouan ó touing icatlong lingo; itong paglabas nang dugo doon ay magaling sa may catauan, at hindi sucat paual-in; sapagca hindi maca-aano sa caniya. Ang lalaqui marahil quilmosin sa babayi.

312. Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito ay ang maraming dugo, ang pamamanglao, ang malaquing pagtaba nang may catauan, ang pagsacay na parati sa cabayo, at ang pagliban nang ugaling pananabi, ó cun ang inaiilaguin nang may catauan ay matigas. Ang mang̃a babaying buntis ay marahil daanan nitong ganitong saquit.

313. Cun namamaga lamang ang pouit, at ualang dugong lungmabas at ang may cataua,i, madilao dilao at caniyang muc-ha, at sala ang pananabi niya, ay gagamutin para nang turo sa párrafo 437. Datapoua cun ang saquit ay malaqui-laqui, at marugo ang may catauan, ay cailangang sangrahan; paiinumin nang bilin sa número 1 ó 2; paiinumin din nang bilin sa número 20, na macaapat maghapon, susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan lamang; at houag damihan ang isusumpit. Ang pouit na namamaga ay tatapalang parati nang biling sa número 9, ó nang sa número 65. Magaling ding tapalang parati ang pouit na namamaga ng̃ bulac na babad sa gata nang niyog. Ang dahon nang romero, cun ilaga muna sa alac sa misa at itapal doong mainit, ay nacaguiguinhaua rin sa maysaquit. Mabuti ring tapalan nang dahon nang talampunay.

314. Sinabi co na sa párrafo 311, na cun minsan ang pouit ay linalabasan nang dugo, na cundi marami, ay hindi macacaano sa maysaquit. Datapoua cun napaparami ang dugo, ó totoong limit nang paglabas, ay sundin ang turo sa párrafo 316.


CAPÍTULO 42.

Ang gagauin sa binabaling̃oyng̃oy.

315. Mayroong tauong linalabasan ng̃ dugo sa ilong na yaon ang pinang̃ang̃anlang binabaling̃oyng̃oy, at cun hindi maraming dugo ang lungmalabas ay mabuting pabayaan; datapoua cun minsan pag talagang tatahanan ang paglabas ng̃ dugo, ay dinaraanan nang pagcalio ang maysaquit, at ang magaling doon cun gayon, ay ang suca na ipa-aamoy sa caniya; cun minsan naman ang maysaquit ay lungmulubha pa mandin; ang dugo,i, hindi tungmatahan nang paglabas; ang pulso,i, ay tila nang̃ing̃inig, namamatay ang color nang muc-ha at labi, at ibig sumuca ang maysaquit. Pagca gayon ay cailang̃ang ampatin ang dugo, para nang sasabihin co ng̃ayon sa párrafong isusunod dito.

316. Ang maysaquit ay doroonan nang maigting (mahigpit) na tali sa bias nang camay, sa ibabao nang sico, pati sa paa sa ibabao nang tuhod. Babañusan nang malauon ang paa at ang camay nang tubig na malacuco, sapagca ang tubig na malacuco ay nagpapalouag sa mang̃a dinaraanan nang dugo, at palibhasa,i, lungmolouag ay malaquing lugar ang mapapaaronan ng̃ dugo sa paa at sa camay. Cun ang tubig ay malamig ay masama, at magsisiquip bagcus ang mang̃a ugat na dinaraanan nang dugo. Cun mainit ang tubig ay masama rin, sapagca yao,i, nacacapagpalacad nang matulin sa dugo; caya bagay doon ang malacuco. Pag naampat na ang dugo ay palolouaguin ng̃ caunti ang mg̃a tali houag lamang minsanan, ó alisin na ang isa, at bayaan doon ang iba hangan di macaraan ang isa ó dalauang oras. Cun mayroong salitre ay ang isang dampot nang dalauang daliri at ang isang cucharang suca, ay isama sa isang tazang tubig, at ipaiinom sa binabaling̃ong̃oy; ito,i, gagauin touing calahating oras. Bihirang maysaquit ang hindi gunggmaling, ani Buchan, pagca ibabad, ó basain nang basain nang malamig na tubig ang caniyang punong catauan. Magaling naman ang isang sigarrong hilas; itong pinaca cigarro ay ibabad mo sa aguardiente na ang sa icatlong bahagui ay suca, at isoot mo sa ilong ng̃ maysaquit, at paabutin mong magaling sa itaas. Totoong igui dito naman ang matigas na colatcolat, ó yaong tila cabuti número 67, na sungmisibol sa alibangbang, ó sa palsahing̃in ó sa ibang cahoy; ang unang balat sa ibabao ay inaalis nang sundang; ang icalaua,i, quinacayod, at ang pinaca cigaroong hilas, ay pinagugulong doon sa pinagcayoran nang colatcolat, nang maniquit sa hilas at saca isinosoot sa ilong; at houag ogcain doon maampat man ang dugo, cundi pabayan doon; at siyang cusang malalaglag, pag nacalalo ang ilang arao. Ang binabaling̃oyng̃oy ay hindi sucat quibuin ang caniyang catauan, at cun siya,i, malimit magcasaquit nang gayon, masamang cumain ng̃ marami cun gabi; hindi sucat uminom nang alac, ó cumain nang mang̃a mahahanghang ó maiinit. Bagay sa caniya ang pag-inom nang malimit nang bilin sa número 2, ó nang timbang sa icaualong salitre touing hapon. Masama namang tacpan nang damit ang caniyang ulo, at cun siya,i, nahihiga masama ang mababang unan.


CAPÍTULO 43.

Ang gamot sa lungmulura nang dugo.

317. Cun ang dugong inilulura nang may catauan nangagaling sa baga, ang color nang dugo ay mapulang mariquit, at may bula cun minsan; tila may sungmisintac sa loob nang dibdib, ang paghing̃a ay mahirap hirap, at cun minsan may ubo pa. Cun maraming dugo ang inilulura nang maysaquit ay cailang̃ang gamutin agad.

318. Itong paglura nang dugo, cun minsan ay dala nang caramihang dugo nang may catauan, ó sapagca mahina, ó sala caya ang ibang casangcapan nang dibdib. Ang pagtacbo nang matulin, ang pag-inom nang alac, ang paghabi, ang pagsigao ó ang pagcacanta, ay parapara cun minsan yaon ang pinangagaling̃an noong saquit na yaon. Gayon din ang pag-urong nang panahon sa mang̃a babayi, ó ang pagtahan sa totoong init, ó ang lauong pag-uubo, cun minsan ay sinusundan nang paglura nang dugo.

319. Ang gagauin sa nagcacasaquit nang gayon ay untian ang caniyang cain; houag painumin nang alac: painuming parati nang bilin sa número 2; bagay sa maysaquit ang pagcain nang bung̃a nang sampaloc, ó nang ibang mang̃a bung̃ang hinog nang cahoy. Cun maraming dugo ang inilulura nang maysaquit ay cailang̃an doonan nang tali sa ilalim nang tuhod at sa ibabao nang mang̃a sico. Ang isa pang totoong galing dito ay bañusan nang malacucong tubig hangan tuhod. Magaling din ang painumin ang maysaquit, na macalaua maghapon, nang isang tagayang tubig na hinulugan nang dalauang cucharang jarabe nang suca ó nang verdolagas (olas man). Datapoua cun baga ang maysaquit ay mataba at magaling ang catauan, ó cun totoong init nang caniyang pagcaramdam, ó nalalagnat caya, ay sasangrahan muna minsan ó maquiilan sa camay, bago gauin ang ibang mang̃a turo co sa párrafong ito. Ang lungmulura nang dugo,i, masamang humiga; masama naman sa caniya ang pagsigao, at ang siya,i, cumibo. Bucod dito hangan hindi gumaling na totoo, ay masama sa caniya ang paghabi, ang pananahi, at ang pagdurugtong nang abacá.

Nota Ang lungmulura nang dugo, ay magaling uminom nang catauan nang pacpac lauin na ilalaga sa tubig ga isang dacot carami. Yaong damo ay sungmisibol sa catauan nang cauong. Itong gamot totoong buti.


CAPÍTULO 44.

Ang gamot sa sungmusuca nang dugo.

320. Ang pagsuca nang dugo ay masamang saquit, sapagca bucod doon sa dugong isinusuca, ay mayroong ibang dugo, na napapahulog sa mang̃a bituca, at yaon ang iquinapag-iilaguin nang may catauan nang masamang pag-iilaguin.

321. Ang gagauin sa ganitong saquit, ay ang mang̃a tali sa paa,t, camay, at ang baños sa malacucong tubig hangan tuhod. Saca sumpiting parati ang may catauan. Ang caniyang cacanin ay caunti; ang tubig na malamig ay totoong bagay doon, at lalo pa cun lahucan nang suca, ó nang caunting espíritu de azufre, na bilin sa número 10. Pag napatahan ang dugo, ay cailang̃ang purgahin maminsan-minsan ang maysaquit nang purgang mahina, para nang turo sa número 32. Cun babayi ang sungmusuca ng̃ dugo dahilan sa inurung̃an nang panahon, ay sangrahan muna, bago gauin ang ibang mang̃a bilin co dito sa párrafong ito.


CAPÍTULO 45.

Ang gagauin sa ungmiihi nang dugo.

322. Cun ang inaiihi nang tauo, ay tunay na dugo, at cun patuloy na hindi mahirap iihi, ay yaong dugong yaon, ay sa manga bato nangagaling. Datapoua cun ang dugo ay caunti, maitim-itim at masaquit iihi, at saca mainit at masama ang pagcaramdam nang may catauan sa tiyan, ay yaong dugong lungmalabas ay nangagaling sa pantog. Ang pag-ihi nang dugo cun minsan ay dala nang pag-urong nang panahon sa mang̃a babayi, ó gaua nang pagsacay sa cabayo, ó sa pagcahulog sa mataas, ó sa pagbuhat nang mabig-at, ó sapagca mayroong bato sa pantog, ó cun minsan gaua naman nang mang̃a purgang matapang ó mang̃a parapit caya. Datapoua mayroong pag-ihi ng̃ dugo, na yao,i, dala nang caramihang dugo nang may catauan, na cun hindi maraming totoo ang inaihing dugo, ay hindi masama yaon sa caniya; cun minsan doon sa dugong inaiihi mayroong casamang nana.

323. Ang gamot sa saquit na ito ay gayon. Cun baga matabang totoo ang may catauan, ay sasangrahan, susumpitin nang malimit, at pupurgahin nang mang̃a mahihinang purga, para nang maná, ruibarbo, crémor tártaro: ó cun uala yaon, ang sa número 32 ay magaling din. Cun ang maysaquit ay nanlalatang totoo nang caiihi nang dugo, ay painuming macaitlo maghapon ng̃ bilin sa número 40.

324. Cun ang pag-ihi nang dugo ay casama nang bulutong ó nang mang̃a lagnat na malaqui, ang lagnat ó ang bulutong ay guinagamot muna para nang turo sa mang̃a capítulong nacaraan, at ang pag-ihi nang dugo ay siyang cusang mauauala.

325. Cun ang dugo,i, may casamang nana, at nahahalatang may sugat doon sa mang̃a bato ó sa pantog, ang maigui roon ay maglaga sa isang tagayang tubig nang dahon nang saga (oruzuz) at ugat nang colotan; doonan yaong tubig nang timbang cahating goma (dagta) nang dalandan ó goma nang lucban, at nang timbang isang saicapat na salitre, at ang maysaquit ay paiinuming maminsan-minsan nang isang taza noong tubig na yaon. Maigui roon naman ang suero nang gatas, cun hindi pa maasim; ng̃uni,t, iinumin nang malauong panahon.


CAPÍTULO 46.

Ang gamot sa mayroong bato sa pantog, pati sa tauong binabalisaosao, ó sa mahirap umihi.

326. Caya nahahalatang may bato sa pantog ang may catauan, sapagca cun umihi, ay sungmasaquit ang dinaraanan nang ihi, na patuloy ang pagsaquit hangan sa dulo nang punong catauan. Ang isa pa roon ay macati yaong casangcapang yaon, na dahil doo,i, parating quinacamot, at pinipisil nang may catauan; ang pos-on ay mabigat, at cun malaqui ang batong nadoroon sa loob, ay bahag-ya na macaihi ang maysaquit, at cun umihi ay patac patac.

327. Ang bagay dito sa binabalisaosao ay ang pagsasangra sa maysaquit, lalo pa cun ang saquit ay bago, at mataba ang may catauan; gayon din mabuti pacapitan sa linta ang pouitan nang maysaquit. Saca susumpitin nang malimit; babasaing parati ang bayauang at ang punong catauan nang tubig na malacuco, ó nang tubig na pinaglagaan nang culutan, ó nang tubig na ang sa icatlong bahagui ay gatas. Ang iinuming parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang timbang tatlong pisong catauan nang maiz na sariua ó tuyo man sa apat na botellang tubig hangan sa maiga ang isang botella. Gayon din ang tubig na pinaglagaan nang hagunoy ay totoong buti, ó ang tubig na pinaglagaan nang talbos nang cahel. Mabuti rin ang pag-inom touing umaga nang café, ayon sa turo ni Linneo Maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang ugat at dahon nang salay ó tanglad.

328. Sa ungmiihi nang buhang̃in ó bato, magaling naman ang tubig nang apog na bago sa cabebe número 79; hinahalo ang apog at ang tubig, at pag malinao na ay isinasaling marahan dahan sa ibang sisidlan, ay yaong tubig na yaon ang iinuming parati nang maysaquit, ga pito ó ualong taza sa isang arao. Mabuti rin ang maputing sabón castila timbang piso arao-arao, na tinutunao muna sa tubig na inaiinit sa apoy; pag tunao na ang sabon at malamig na ang tubig, ay uubusin nang maysaquit sa isang arao yaong lahat na tubig na pinagtunauan nang sabón. Cun hindi matiis nang caniyang sicmura ang ganoong caraming sabón, ay houag uminom pagcaraca nang marami hangang hindi namimihasa pa. Cun ualang bato sa pantog cundi binabalisaosao lamang, ó mahirap umihi ang maysaquit, ay gagauin lamang ang lahat na bilin sa párrafo 327. Ang isa pang gamot na totoong galing ay gayon. Ang timbang tatlong bahagui, ó ang timbang piso caya nang ugat nang damong pinang̃ang̃anlang sansaosansauan (at sa Batang̃an calacalamayan) ay ilalaga sa dalauang botellang tubig, at cun mayroong sal amoniaco dinoroonan nang timbang isang butil na palay noon. Cun ualang sal amoniaco ay bayaan. Pagca laga nang malauon-lauon at malamig na ay sasalain, at ang maysaquit ay binibig-yang macaapat maghapon nang isang taza. Itong damo,i, quilala nang mang̃a bata, sapagca ang dahon ay canilang pinipirot sa tubig; at ang gatas noon ay lungmalapot sa arauan parang calamay. Ang catauan noon ay gang̃a tingting nang ualis, at namumulupot sa cahoy. Ang bulaclac ay totoong unti at ualang color. Ang ibang puno ay bungmubung̃a, at ang iba,i, hindi. Cun mahinog ang bung̃a ay mapula, at mayroong isang boto sa loob. Marahil maquita sa mang̃a bayabasan. Itong gamot ay magaling pati sa ungmiihi nang nana; houag lamang lag-yan nang sal amoniaco. Magaling namang totoo sa quinagat nang ahas, pati sa masiquip ang dibdib, nang siya,i, lumura nang maloualhati.


CAPÍTULO 47.

Ang gamot sa ungmiihing parati di man cusa nang caniyang loob.

329. Ang mang̃a sangol, ang mang̃a matatanda, at ang mang̃a babaying buntis, lalo pa ang nahirapan sa pang̃ang̃anac, ay marahil daanan nitong ganitong saquit. Cun baga nagcacasaquit ang tauo nang ganoon, sapagca nagambol, at lungmubay ang dinaraanan nang ihi ay ualang magauang gamot doon.

330. Datapoua cun ang inaiihi nang maysaquit ay marami pa sa caniyang iniinom, cun ang ihi ay catulad ng̃ iniinom, at mainit ang pagcaramdam nang may catauan, at nalalagnat-lagnat nang caonti, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, ó sa número 38 Magaling din cun minsan ang painumin ang maysaquit nang tubig nang apog sa cabebe número 79 na pinagbabaran nang balat nang camachiles, ó balat nang bayabas, ayon sa turo ni Buchan. Maigui rito naman ang dita número 14, timbang tatlong bahagui arao-arao, na isinasama sa alac at ipaiinom sa maysaquit. Magaling sa caniya ang pagcain nang yuro, hipon at mang̃a talaba.


CAPÍTULO 48.

Ang gamot sa hindi nananabi.

331. Masama sa saquit na ito ang paglocloc na parati, ang pagdaramit nang marami, ang pagtahan sa hihig-an ang malauon, at ang pag-iisip na parati nang mang̃a maliliuag.

332. Ang hindi manabi para nang dati, ay magaling cumain nang lutong bung̃a nang̃ cahoy; bagay naman sa caniya ang mantica, ang pulot, ang azúcar, ang suero, at ang gatas; cun itong mang̃a bagay na ito ay hindi macauala noong saquit na yao,i, magaling uminom ang maysaquit nang caunting ruibarbo, na macaitlo touing lingo. Maigui roon naman ang tubig na dinoonan nang gata nang cahel, na ualang azúcar, na yao,i, sa umagang umaga,i, iinumin; magalin din ang pagcain nang cahel cun umaga. Ang tubig na pinaglagaan nang ugat nang hagunoy ay mabuti naman doon sa hindi manabi. Cun ang maysaquit nahihirapan nang pananabi dahil sa matigas ang dumi ay magaling sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang lantin (llantén) timbang piso.


CAPÍTULO 49.

Ang gamot sa sinising̃auan, ó sa namumula ang mata.

333. Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito ay ang hang̃ing malamig na casama nang ulan, ang pagbasa, ang pagting̃in nang malauon sa maputi, ang pagcapuyat, ang pagsulat, ang pananahi, ang pagdurugtong nang abacá cun gab-i, ang biglang pag-urong nang pauis, ang pag-inom nang alac na marami, ang mahabang pag-ulan, ang calimitan nang pag-gaua nang mahalay, at ang pagtahan sa mang̃a mababang lupa. Cun minsan ay sungmusunod yaong saquit sa bulutong at sa ticdas.

334. Ang nagcacasaquit nang gayon ay hindi macating̃in sa liuanag; ang mata ay masaquit na totoo at namumula; ang pulso ay madalas at matigas, at cun minsan nalalagnat ang may catauan.

335. Ang maysaquit ilalagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing nasa capítulo 5. Cailang̃an namang sangrahan, lalo pa cun magaling ang catauan ó cun mayroong maraming dugo; cun ualang maraming dugo, ay cailang̃ang purgahin nang bilin sa número 24, ó sa número 32. Ang iinumin niyang parati ay ang turo sa número 1 ó 2 Maigui ring bañusan nang malacucong tubig hangan tuhod, at cun mahirap ang pagcaramdam niya ay ahitin ang ulo touing lingo. Cun hindi rin nauauala ang saquit nang mata, ay lag-yan ang maysaquit nang parapit número 36 sa batoc ó sa licod nang taying̃a, at pabayaang sumago nang ilang lingo. Cun ang saquit nang mata ay malaqui, ay tapalan cun gabi nang tinapay na durog at gatas na pinatacan nang caunting lana, at cun umaga,i, hugasan ng̃ gatas na malacucong tinubigan. Pagca nauala na ang saquit, cun minsan ang mata ay hindi pa gungmagaling na totoo; cun gayo,i, maigui hugasan cun umaga at cun gabi nang tubig na sinucaan. Ang tauong malimit magcasaquit nang gayon, ay mabuti magfuente sa isa ó sa dalauang camay. Ang isa pang gamot nang taga África sa mang̃a sarisaring saquit nang mata, ay tinatapalan cun gabi nang atay na hilao nang sisiu.


CAPÍTULO 50.

Ang gamot sa may colaba, ó sa, may bilig sa mata

336. Cun mayroong tauong may colaba ó bilig sa mata, ang isang capiraso na azúcar piedra ay bayuhin mo nang maliit, at ibudbod mo sa matang maminsan minsan; ó bumunot ca nang pacpac ó plumang mura nang sisiu na maputi, at ang dugong nadoroon sa dulo nang pluma ay iyong pigain at ilahid sa colaba nang mata. Maigui rin patacan ang mata nang dagta nang dahon nang pandacaqui. Ang gata nang aligbang̃on ay mabuti naman doon. Itong láhat ay aral ni P. Clain; datapoua hindi co na-aalaman cun macagagaling yaon. Dapat atohing gauin ang píldoras número 57; ó cun ibig mo ay basain ang mata nang alac sa misang pinagbabaran ng̃ cataua,t, dahon nang argémone, yaon bagang damong itinuturo co sa párrafo 338.


CAPÍTULO 51.

Ang gamot sa hindi macaquita, magaling man ang caniyang mata, na ang tauag nang castila doo,i, gota serena.

337. Mayroong tauo, na cun tingnan ang caniyang mata, ay anaqui para nang mata nang ibang tauo, datapoua,i, hindi siya macacaquita; cun baga caya hindi siya macaquita, ay sapagca nalubay, ó ga namatay ang cabagsican nang litid nang mata, ay ualang magauang gamot doon. Datapoua cun dala nang masamang sing̃ao nang catauan, ay cailang̃ang sangrahan muna ang may catauan cun maraming dugo siya, ó cun bata pa. Bucod dito ay palonoquin ang maysaquit arao-arao nang dalaua ó tatlong píldoras ó pelotilla na bilin sa numero 43; saca doonan nang parapit número 36 sa batoc ó sa licod nang taying̃a, na pababayaang sumago doon nang malauong panahon, at cun minsan macacaquita na ang maysaquit.


CAPÍTULO 52.

Ang gamot sa may sugat sa suloc nang mata, ó sa liran.

338. Ang gagauin sa may sugat sa suloc nang mata ay ang mang̃a turo sa capítulo 49. Ang sugat nang mata ay maiguing lahiran nang tubig na pinagtunauan nang laman nang bung̃a nang aroma na linahucan nang caunting asin. Mabuti rin doon ang sucang pinagbabaran nang caputol na tanso, para nang mang̃a cuartang malinis. Magui ring lahiran nang dagta nang argémone na yao,i, damong sungmisibol sa mang̃a patio nang simbahan nang Maalat pati sa Tondo; ang bulaclac noon ay malaqui,t, madilao; ang catauan pati nang bung̃a sampon nang dahon ay matinic; ang dagta noon ay madilao. Ito,i, turo ni Linneo.