WeRead Powered by ReaderPub
Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit cover

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

Chapter 81: CAPÍTULO 64.
Open in WeRead

Explore more books like this:

About This Book

A practical medical manual compiles concise chapters describing causes, symptoms, and treatments for a wide assortment of illnesses and injuries. It offers step-by-step guidance for fevers, respiratory and digestive disorders, skin conditions, wounds and fractures, toxic bites, and urinary and reproductive complaints, plus advice for pediatric ailments and childbirth-related problems. Remedies and procedures range from topical applications and bleeding control to internal medicines and dietary or environmental measures. The organization favors rapid consultation, emphasizing observable signs, immediate actions, and recovery care.


CAPÍTULO 53.

Ang gamot sa masaquit ang taying̃a.

339. Cun baga masaquit ang taying̃a, ay mabuti patacan nang gata nang lasona, na may calahoc na gatas nang babayi; mabuti rin ang gata nang calabasa. Cun baga caya lamang sungmasaquit ang taying̃a, sapagca nalamigan, ay magluto ca ng̃ isang daga sa alac, hangan sa matunao, salain mo yaong alac, at maminsan-minsan mong patacan ang taying̃ang masaquit noong ding alac na mainit-init, at mauauala ang saquit.

340. Cun namamaga ang taying̃a ay maglaga ca ng̃ balat nang granada sa ihi nang tauo na may ilang arao na ang ihi, at yao,i, ibasa mo sa taying̃a at mamamatay ang mang̃a ood, cun baga mayroon; cun ibig mo ang gata nang romerong binayo ay isa rin. Itong lahat ay uica ni Clain. Datapoua mayroong isa pang gamot na totoong buti, na yao,i, gayon. Magihao ca sa apoy nang isa ó dalauang dahon nang sorosoro na ang tauag sa Maynila doo,i, lengua de perro, at ang gata noon iyong isoot sa taying̃a nang isang pacpac na munti nang sisiu. Yaon ay gagauin mong macalaua ó macaitlo maghapon.

341. Cun hindi macaring̃ig ang may catauan ay magaling doon sa taying̃a ang gata nang coles na may casamang alac sa misa. Maigui rin sootan ang taying̃a nang caunting bulac na ibinabad, sa alac na pinagtunauan nang ga dalauang butil na almizcle; bucod dito ang ulo ay tatacpan nang paño, at masamang mahang̃inan. Ang uica ni P. Santa Maria, ay totoong galing sa masaquit na taying̃a ang patacan nang taba nang buaya, at cun minsan mauauala ang pagca bing̃i. Na-aari rin ang taba nang baboy. Mabuti doon naman sa hindi macaring̃ig ang gata nang yerbabuena. Ang uica nang iba, ay magaling din ang gata nang ruda.

Nota. Cun minsan ang taying̃a caya masaquit; ay may erisipela (culebra) sa loob. Cun gayon ay gagamutin para nang turo sa capítulo 23.


CAPÍTULO 54.

Ang gamot sa inuurung̃an nang pauis, galis, buni, ó cun nauauala ang talagang bubucol, ó sisibol sa catauan; at hindi tungmutuloy.

342. Ang tauong binubuni, ó pinapauisan ó guinagalis na dati, na biglang nauaual-an noong mang̃a saquit na yaon, ó cun baga siya,i, binubulutong ó tiniticdas, ó quinuculebra, ó cun tinutubuan nang anomang masama, at hindi tungmoloy, cundi lungmulubog at napaiilalim, cun minsan siya,i, maguiguing ético, ó hihicain, ó daraanan caya nang hindi macahing̃a, ó nang ibang saquit na masama. Cun ang may catauan ay naghihirap dahil sapagca nauala yaong pinaca sing̃ao nang catauan; ay mabuti ang siya,i, magdamit nang maramirami ó magbalabal. Saca uminom siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na dinoroonan nang caunting nitro, ó salitre, at macalaua maghapon caniyang cacanin ang timbang cahati nang bilin sa número 42; bucod dito ay magpupurga siyang parati. Cucuscusin nang tuyong damit ang caniyang mang̃a paa hangang tuhod, at babañusan naman cun umaga at cun gab-i nang malacucong tubig. Ang caniyang iinuming parati ay ang bilin sa número 71 ó ang sa 75. Houag siyang cumain, cundi gatas nang baca, ó cambing, ó calabao. Cun malubha ang maysaquit ay parapitan sa batoc, ó sa guitna nang dalauang balicat, ó sa mang̃a bias nang mang̃a camay, ó sa mang̃a paa; saan man doon ay na-aari; cun baga galis ang lungmubog ay maigui igaua nang capaanyoan ang maysaquit, nang mangyaring siya,i, malalinan uli nang galis.


CAPÍTULO 55.

Ang gamot sa namamaga ang boong catauan na ang tauag nang castila doo,i, hidropesía.

343. Cun namamaga ang boong catauan nang tauo, ó hindi man ang boong catauan, cun hinihipo nang camay ang laman ay malata at malamig; at cun idiniriin nang daliri, ay bungmabaon sa laman ang daliri, at nagcacahucay doon, na hindi nauauala pagcaraca; caya gayon ay sapagca ang pinaca tubig na dating calahoc nang dugo, ay bungmubucod at napapatahan sa ilalim nang balat nang catauan.

344. Ang unang namamaga ay ang paa at hita, at hungmahalili ang boong catauan; sa bay-auang mayroong isang tila bucol; ang balat ay ga maguintab, namumutla, at lungmalamig, at hindi lubhang nacacaramdam; ang paghing̃a ay mahirap, at lalo pa cun gab-i, ó cun bagong nacacain; ang maysaquit nag-uubo; hindi pinapauisan; ang pulso ay munti, malalim, madalas at gulo; ang ihi ay hindi luto, at hindi rin marami; ang inaiilaguin ay hindi rin luto, at may dugo pa cun minsan; ang maysaquit ay mahina; nauuhao na parati, at hindi macacain; ang dila cun minsan; ay tuyo. Cun malalauon-lauon, ay nalalagnat dahilan sa tubig na nabubuloc sa mang̃a laman, at pagca gayon ang caniyang hining̃a ang lauay at ang ihi ay mabaho. Maraming dahilan ang iquinapagcacasaquit nang tauo noong gayong saquit. Cun minsan yaong saquit ay minamana; cun minsan dala nang pag-inom nang alac na matapang, ó dala nang pagpupurga ó pagsasangra nang totoong limit, ó nang pag-inom nang tubig na malamig pag ang tauo,i, nainitan, ó galing sa malaquing gaua; cun minsan dala nang pagtahan sa mababang lugar ó nang pagcain nang mang̃a ualang sustancia. Nagcacasaquit din nang ganitong saquit ang matamaring cumibo, ang hinica, ang nang̃iqui, ang nag-ilaguin nang malacas, at ang inurung̃an nang galis, buni, ó nang sa bouan bouan cun baga babayi. Caya ang pag-gamot doo,i, maliuag; datapoua cun minsan ay gagaling ang maysaquit cun talaga siyang gagaling capag sundin niya ang mang̃a ituturo co ng̃ayon.

345. Ang maysaquit ay tatahan sa lugar na mainit at sa ualang maraming ilog ó laua. Cun hindi na-aari sa caniya yaon ay maglagay siya nang bagahan doon sa silid na tinatahanan niya ó magbago muna nang bayan; mag-ing̃at siya sa calamigan nang gab-i, ang caniyang cacanin ay tinapay na matigas ó ihao sa baga; ang carne at ang isda na caniyang cacanin ay ihao rin sa baga, at maigui sucaan, ó doonan nang gata nang dayap. Ang maysaquit ay hindi sucat uminom nang tubig, magmumumog siya lamang ó iinom nang caunti; magaling din ang alac sa misa na hindi maitim, na pinagbabaran nang ajenjos. Mabuti rin, ani Buchan, ang pag-inom cun umaga,t, cun gab-i nang isang cucharang bot-o nang mostaza na hindi bayo na ihuhulog sa isang tazang tubig na pinaglagaan nang luya. Bucod dito ang maysaquit ay lalacad na parati, ó sasacay sa cabayo, maigui ring cuscusing parati ang caniyang catauan nang basahang tuyo at mainit; ang damit na gagamitin nang maysaquit ay ang tinina nang azul, na pasasayaring maigui sa catauan, at masama ang louag.

346. Touing umaga paiinumin ang maysaquit nang isang cuchara nang bilin sa número 72. Itong gamot na ito,i, itinutuloy hangang mauala ang pamamaga nang catauan. Ang ungmiinom noon ay ungmiihi nang marami, at yaon ang nacacauala nang pamamaga. Cun hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, painumin man noong turo co ng̃ayon, ay damidamihan yaon ding painom na bilin sa número 72; at cun baga ungmuunti-unti na ang pamamaga, ay bigquisang maigui ang catauan, at painumin ang maysaquit nang timbang dalauang piso nang bilin sa número 74, isang oras bago cumain, cun tanghali at cun gab-i. Itong dalauang gamot na ito; ang bilin baga sa número 72, at sa 74, ay itinutuloy, hangang sa gumaling ang maysaquit.

347. Ang mang̃a purga at mang̃a papauis ay nacacagaling din sa nagcacasaquit noong saquit na yaon. Datapoua sapagca cun minsan nacacasama bagcus, caya magaling sa lahat ang mang̃a itinuro co sa mang̃a párrafo 345 at sa 346. Maigui rin (ani Buchan) carlitan ang paa nang maysaquit hangan sa binti, houag lamang palaliman ang carlit, bago basain nang alac, ó aguardiente ang lugar na quinarlitan.

348. Mayroong isa pang pamamaga nang catauan, na hungmahalili sa lagnat na pang̃iqui na lauon; at ang bagay doon ay yaon ding mang̃a sinabi co sa párrafo 345 at sa 346. Cun ang paa lamang ang namamaga susundin ang mang̃a turo sa párrafo 352 at 353.

Nota. Uica nang isang marunong na tauo, na si D. Mariano Lagasca ang ng̃alan, na sa saquit na pamamaga nang boong catauan, pati sa pamamaga nang tiyan (bilbil), at sa pamamaga nang mang̃a paa, na totoong galing nang lang̃is sa castila, ó aceite de olivas ayon sa hatol nang maraming mabantog na médico. Binabasa nang lang̃is ang camay, at linalahiran nang malauon lauon ang boong catauan nang maysaquit, na yao,i, gagauing macalaua ó macaitlo arao-arao. Cun ang tiyan ang namamaga,i, siya lamang ang linalahiran; at cun ang paa lamang ang namamaga, ay gayon din siya lamang ang lalamasin nang lang̃is, at ang lacad nang camay ay paitaas. Itong gamot ay nacagaling sa marami; lalo pa cun ang saquit hindi pa nalalauon. Hindi co ma-aalaman cun ang lang̃is sa niyog ó ang sa ling̃a ó ang sa ling̃ansina ay macacagaling naman Datapoua cun mayroong sungmisibol na anomang bagay sa paang namamaga,i, houag lahiran nang lang̃is.


CAPÍTULO 56.

Ang gamot sa namamaga ang tiyan, na yaon ang pinang̃ang̃anlang belbel ó berbén.

349. Cun minsan mayroong naiipong tubig sa tiyan nang tauo, na yaon ang dahilang iquinapamamaga noon, at ang pang̃alan sa saquit na yao,i, bilbil. Ang tubig ay gungmagala at nagbabago nang lugar, cun ang may catauan ay nagbabago naman nang lagay; ang pulso ay munti, madalas at matigas tigas; caunti ang inaiihi nang maysaquit; nauuhao siyang parati, yungmayayat, at ang paghing̃a ay mahirap; ang maysaquit ay nanhihina pa mandin cun malauon, nag-uubo siya, at may lagnat na caunti. Ang pinagmumul-an nitong saquit ay yaong mang̃a sinabi co sa párrafo 344.

350. Cun ang saquit ay bago pa, cun minsan gagaling ang may catauan, painumin lamang nang biling sa número 8, ó sa número 72, ayon sa turo co sa párrafo 346. Cun hindi rin ungmuunti ang pamamaga nang tiyan, pag nacacaraan ang ilang arao, at hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, ay painumin nang bilin sa número 71, at touing arao bago cumain cun umaga, ay paiinumin din nang timbang saicapat nang bilin sa número 24; cun gab-i bago humiga ay paiinumin uli noon ding painom sa número 24. Cun nacalalo ang isang anim na arao, ay bibig-yan nang purgang turo sa número 73. Datapoua cun ang maysaquit ay hindi gung-magaling-galing, ang ipupurga doo,i, ang sa número 21; cun nacaraan ang anim na arao, ay capupurgahing uli; susundin naman ang lahat na sinabi co sa párrafo 345. Cun baga nacalabas na ang mang̃a tubig sa tiyan, at nauala ang pamamaga, ay painumin arao-arao ang maysaquit nang alac na itinuro co sa número 74, ga isang taza carami, nang lumacas ang sicmura, at ang mang̃a bituca.

351. Cun hindi rin nauauala ang pamamaga nang tiyan, ay tutudluquin nang carayom nang isang marunong na médico, ga apat na daliri sa ilalim nang pusod, at houag sa guitna, cundi sa dacong taguiliran. Yaong carayom na yao,i, mayroong sadiyang sootan, na ang magcabila ay butas, at casabay rin nang carayom, cun ibaon sa laman. Cun inaalis ang carayom, ay natitira doon sa tiyan ang pinaca bahay na quinasosootan nang carayom; at palibhasa,i, may butas ang magcabila, ay doon lungmalabas ang tubig parang sa alolod. Ang tubig ay palalabasing minsan, datapoua marahan dahan, nang houag malio ang maysaquit; at nang mapalabas na maigui ang tubig, ay binibigquisan ang tiyan nang mang̃a malalapad na bigquis, na cun bago,i, louag, at cun lungmabas na ang tubig, ay higpithigpitang marahan dahan. Saca painumin ang maysaquit nang bilin sa número 74, at susundin ang mang̃a turo sa párrafo 345. Cun baga namamagang uli ang tiyan, ay catudloquin pa nang marunong sa ilalim nang unang tudloc. Basahin mo ang nota nang párrafo 348.


CAPÍTULO 57.

Ang gamot sa namamaga ang mang̃a paa.

352. Ang pamamaga nang paa ay marahil humalili sa lagnat na pang̃iqui, sa saquit na hica, sa culebra, sa pag-iilaguin nang malacas, sa mang̃a lagnat na ualang hibas, sa cabuntisan, at sa pag-urong nang sa bouan sa mang̃a babayi.

353. Itong pamamaga nang paa, ay nauauala siyang cusa cun malauon, capag nacuha ang totoong saquit na pinangali-ng̃an noong pamamagang yaon. Datapoua cun ang may catauan ay lauon nang ualang saquit, at hindi mauala ang pamamaga nang paa, ay maigui ang siya,i, lumacad na parati. Cuscusin ang paa nang isang basahang tuyo,t, mainit, at bigquisan nang damit na maigting-igting. Mabuti rin libutin ang paa nang gaboc na tuyo na mainit init, na may casamang asin; houag siyang uminom nang maraming tubig; uminom siya ng̃ caunting alac. Cun umaga,t, cun hapon, ay paiunumin ang maysaquit nang bilin sa número 20, timbang saicaualo, na tutunauin sa isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Cun masama ang sicmura, ay painumin arao-arao nang timbang saicapat nang bilin sa número 14; at cun hindi naniniya yao,i, big-yan nang dalaua ó tatlong cuchara maghapon nang turo sa número 8. Basahin mo ang nota nang párrafo 348.

354. Mayroong tauo na cailan man ay namamaga ang caniyang paa. Ang gayong maysaquit ay masamang gamutin at caalamalam lulubha.

355. Cun minsan ang mang̃a paang namamaga, ay pungmuputoc cun malauon at nagsusugat, na hindi masama yaon; datapoua sapagca ang ganoong sugat ay malauon bago mabahao, at cun minsa,i, nabubuloc, ang maigui ay tacpan nang damit ang paa, nang houag mahang̃inan; tatapalan naman nang bilin sa número 64. Ang maysaquit ay ilalagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5, at houag palacarin. Maminsan minsan ay pupurgahin nang bilin sa número 21, at arao-arao paiinumin nang bilin sa número 14, timbang saicapat.


CAPÍTULO 58.

Ang gamot sa nabiquig ó sa naloogan, nang anomang bagay sa lalamunan, na hindi macatuloy sa ilalim.

356. Cun ang tauo,i, mayroong linon-oc na anomang bagay, na hindi macatuloy sa sicmura, cundi napatahan sa lalamunan, ang maigui ay itulac na pailalim, cun ang nadoroon ay tinapay, carne, gulay, bung̃a nang cahoy, ó botó nang mang̃a bung̃a. Cun ang nadoroon ay tinic at nasisilip nang mata, ay mabuti hang̃uin nang sipit na cauayan. Itong sipit ay doroonan nang munting sangcal na tataliang maigui; at pag ang sipit ay pinaabot na sa tinic, ay hihilahin nang camay ang sangcal, nang maipit ang tinic. Totoong buti naman ang isang cauad na tanso, na ang isang dulo ay baluctutin nang caunti parang binuit; yaong isang cabilang dulo ay binabaluctot din nang mahauacang maigui sa camay ang pagca baluctot nang magcabilang dulo ay patatamain capoua sa isang taguiliran, nang maalaman ang calagayan nang cauad cun nadoroon sa lalamunan. Itong ganitong cauad ay ipapasoc sa lalamunan nang palapad at pag nacalalo na sa tinic, ay pipihitin nang caunti nang macuha,t, masungquit yaong nacacahirap sa maysaquit.

357. Cun hindi rin nacucuha yaong nadoroon sa lalamunan nang maysaquit, ay mabuting sumpiting bigla sa lalamunan nang isang sumpit na munti; sapagca cun minsan ay mag-uubo ang may catauan, at lalabas ang nacabibiquig sa caniya. Maigui ring painumin ng̃ pasuca número 34, ó número 35; cun baga hindi naniniya yao,i, sumpitin nang usoc nang tabaco párrafo 457. Cun minsan cailang̃ang sangrahan ang maysaquit, lalo pa cun hindi siya macahing̃a nang maloualhati. Mabuti namang pucpuquin nang camay ang licod pagca inato na ang ibang mang̃a paraan at hindi macucuha ang nadoroon sa lalamunan.

358. Cun ang napatahan sa lalamunan ay carayom, paco, mang̃a bot-ong matilos, ó singsing, ó caputol na pingan, ay aatuhin muna ang paghang̃o noon, ayon sa turo co sa párrafo 356 at sa 357, at cun hindi mangyaring macuha, ay itutulac nang pailalim niyong cauad na baluctot, na itinuro co sa párrafo 356, ó pucpuquin nang camay ang licod nang maysaquit.


CAPÍTULO 59.

Ang lagnat na daua na may casamang pauis na tinuturan nang castilang calentura miliar sudatoria.

359. Ang nagcacasaquit nang ganitong saquit, ay nalalagnat cun gab-i, ang camay ay quinig at mainit ang palad; pag-guising nang may catauan ay may pauis na malaqui, at totoo siyang nanghihina; masaquit ang ulo, mahirap ang paghing̃a, hungma-halinghing, at nauuhao siya; macati ang balat nang catauan; ang caniyang dila ay maputi, ang caniyang pulso ay madalas, puno at matigas; cun babayi ang maysaquit cun minsan inuurung̃an siya nang gatas. Sa icatlo ó sa icapat na arao ay lungmalaqui ang lagnat; nasisira sira ang bait nang maysaquit, at linalabasan tuloy ang caniyang catauan nang maraming butil na ang camuc-ha ay butil nang daua; cun minsan ang lungmalabas na mang̃a manchang mapula, na anaqui ay culebra. Cun malauon na ang saquit, mayroong lungmalabas na mang̃a manchang mapulang mapula, para nang quinagat nang pulgas, cun minsan naman sinisibulan sa liig, sa dibdib, at sa tiyan nang mang̃a butil na puno nang tubig, na yao,i, masama. Ang maysaquit ay namamatay cun minsan sa icapat, ó icalimang arao. Masama sa saquit na ito ang mang̃a bagay na mainit. Ang maysaquit ilalagay sa husay (capítulo 4.) Sasangrahang maquiilan hangang umunti ang lagnat at lumambot ang pulso; datapoua, ang uica ni Buchan, na hindi magaling dito ang pagsasangra. Susumpiting macaapat arao-arao; touing calahating oras ay paiinumin nang isang vasong suero, na huhulugan nang polvos na bilin sa número 24, natimbang isang salapi ang uubusin niya maghapon. Cun magaling-galing na ang maysaquit, at cun ang maysaquit hindi babaying nang̃anac, ay paiinumin nang bilin sa número 34; at ang turo sa número 32 ay iinumin niya touing arao. Cun baga ang maysaquit ay babaying nang̃anac, ay pupurgahin nang mahinang purga. Cun gayon ang pag-gamot sa maysaquit, ay bihira ang di gungmagaling. Itong saquit na ito ay marahil dumaan sa mang̃a babaying nang̃ang̃anac, gaua nang mang̃a luya, mang̃a tubig na mainit, apoy ó alac na guinagamit nang tagalog. Cun minsan sungmusunod sa bulutong, at sa ticdas, ó sa mang̃a lagnat. Cun minsan dinaraanan nitong saquit ang mang̃a matamaring cumibo, ang mapanglauin, at ang inuurung̃an nang galis, buni, pauis, ó nang sa panahon cun baga babayi ang maysaquit.


CAPÍTULO 60.

Ang mang̃a saquit nang sicmura,t, tiyan na doon nauucol ang pinang̃ang̃anlang cólico ahito, at ang iba pa.

360. Bagaybagay ang cólico ó ang saquit nang sicmura,t, tiyan, na paraparang sasaysayin co sa mang̃a párrafong isusunod dito. Datapoua sapagca cun minsang hindi maquilala pagcaraca nang hindi marunong na médico cun anong bagay na cólico ang tungmama sa maysaquit, caya ng̃a yata, nang houag macamatay sa tauong caauaaua ang mang̃a pag gamot, ay itong tatlong bagay na ituturo co ng̃ayon, ay siya ang maiguing gauin doon, sapagca hindi masama sa anomang bagay na cólico. Susumpitin ang maysaquit na maquiilan arao-arao. Paiinumin nang maraming tubig na malacuco, ó nang tubig na malacuco rin na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Doon sa tiyan nang mang̃a basahang babad sa malacucong tubig. Houag painumin nang alac ó triaca, ó nang ibang mang̃a maiinit. Datapoua capag naquiquilala ang totoong saquit nang may catauan, at cun anong bagay na cólico ang nacacahirap sa caniya, ay gagamutin para nang turo sa mang̃a párrafong ihahalili dito.

Ang gamot sa saquit na malaqui nang sicmura,t, tian, na may casamang lagnat na malaqui, na yaon ang tinuturan nang castilang cólico inflamatorio.

361. Itong saquit na ito,i, dala nang pamamaga nang sicmura ó nang bituca dahilan sa cainitan nang dugo. Ang tiyan ay sungmasaquit muna nang malaqui, at cun malauon ay lalo pa manding sungmasaquit; ang pulso ay madalas at matigas. Ang maysaquit ay dungmaraying, na mainit na totoo ang caniyang tiyan; cun minsan ang inaiilaguin niya ay malabnao, cun minsan hindi manabi; at cun baga bucod dito siya,i, sungmusuca pa, ay mapang̃anib ang caniyang buhay. Ang muc-ha,i, pungmupula; ang tiyan ay namamaga, at salang hipoin, ay sungmisigao ang may catauan; bucod dito ay nauuhao na parati. Ang saquit ay ungmaabot cun minsan hangan bayauang; caunti ang inaiihi nang maysaquit at cun umihi, ay mainit ang caniyang pagcaramdam. Hindi siya macatulog, cun minsan may pagcasira ang ulo. Cun hindi gamutin agad ang maysaquit, ay hindi lubhang dungmaraying cun malauon, na yao,i, masama. Ang pulso ay hindi catigasan; datapoua,t, madalas sa dati. Namumutla ang maysaquit, at nanlalata; ang boong catauan niya,i, lungmalamig, hindi lamang ang tiyan; saca sinusubaan, at namamatay tuloy. Cun minsan bago mamatay ay nag-iilaguin nang totoong baho dalang̃ pagca buloc nang mang̃a bituca. Cun ang saquit ay naroroon sa sicmura anomang canin ó inumin ng̃ maysaquit ay isinusuca niya; hindi siya mapalagay; nasisira ang bait, at sa loob nang ilang arao ay namamatay. Itong cólico ay dala cun minsan nang cainitan nang dugo. Caya marahil magcasaquit nang gayon ang nahirapang totoo nang pag-gaua nang mabig-at na gaua; ang nainitan nang malaqui, ang cungmacain nang mang̃a mainit ó mang̃a bung̃a nang cahoy na hindi magulang, at ang ungmiinom nang tubang maasim. Cun minsan naman ay dala nang masamang pag-gamot sa ibang bagay na cólico.

362. Ang gamot sa ganitong saquit ay gayon: ang maysaquit ay sasangraha,t, cucunan nang maraming dugo sa camay, cun minsan ay cailang̃ang sangrahan uli sa loob nang dalauang oras. Touing icalauang oras din, mag-ilaguin man ang maysaquit at di man, ay susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan na dinoonan nang lana ó lang̃is nang niyog. Painumin nang maraming tubig na malacuco na pinaglagaan nang culutan ó palay. Ang pasuca at ang purgang matapang capoua masama sa caniya. Sa tiyan ay lalag-yan nang mang̃a basahang babad sa malacucong tubig, at pagca tuyo ay doroonan nang iba. Cun hindi nauauala ang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, ang maysaquit papambohan sa tubig na mainit-init. Ang uica ni Buchan, na totoong buting parapitan ang lugar na masaquit. Pag nauala na ang cólico, pati nang lagnat, at nacacatulog tulog na ang may cataua,i, purgahin nang isang mahinang pamurga, para nang maná timbang dalauang piso, na may casamang sal de Epsom timbang saicapat, na yaong dalauang bagay ay tutunauin sa isang vasong suero. Cun baga mahina ang maysaquit, ay sucat na sa caniya ang maná lamang. Cun ualang maná ay pumili nang isang mahinang purga doon sa mang̃a bilin sa número 82. Cun baga magaling man ang may catauan, may natitira pang caunting masaquit sa tiyan ó sa sicmura, ay hindi sucat hamaquing pabayaan, at caalamalam ay sisibulan nang bucol sa loob; caya ang gagauin doo,i, itutuloy yaon ding mang̃a turo cong gamot sa párrafong ito, hangang sa uala nang maramdamang ano man ang maysaquit.

363. Cun minsan dahil sa pamamaga nang sicmura ó tiyan, ay sinisibulan doon ang may catauan nang masama. Caya nahahalatang may sungmisibol sa sicmura ó sa bituca, sapagca parating mayroon doong caunting masaquit; ang may catauan ay nananab-ang nang pagcain pinagquiquilabutan siya nang guinao nang malimit, at hindi siya lungmalacas. Ang bagay dito ay ang mang̃a painom na itinuro co sa párrafo 362 na sinusundan nito. Cun pungmuputoc ang sibol, ang maysaquit ay nalilio doon sa oras na yaon, at naramdaman niyang may nauaualang mabigat doon sa loob. Cun ang nana,i, napapabobo sa loob nang bituca, ay lungmalabas na casama ng̃ inailaguin, at ang maysaquit ay dungmoroual na parati; ang maigui doo,i, painumin lamang nang gatas na inalsan nang pinaca taba muna, bago samahan ng̃ isang sa icatlong bahaguing tubig; touing icatlong arao, ay sumpitin nang gatas na tinubigan, na may casamang pulot na caunti. Cun ganoon ang pag-gamot doon, ay cun minsan mababahao ang sugat nang sibol na nacaputoc sa loob nang bituca. Datapoua cun ang nana nang sibol, ay nabububo sa labas nang bituca, ay maliuag ang pag-gamot sa maysaquit.

Ang gamot sa icalauang bagay na saquit nang sicmura ó tiyan, na dala nang apdo na tinuturan nang castilang cólico bilioso, ó cólico nang apdo.

364. Ang nagcacasaquit nang gayon mahirap man ang caniyang pagcaramdam ay hindi nalalagnat, cun hindi pa nacalalo ang isa ó dalauang arao nang caniyang pagcacasaquit; at lagnatin man ang maysaquit ang pulso,i, hindi totoong tigas; at hindi rin malacas; ang tiyan ay hindi namamaga, at hindi mainit para nang sa isang cólicong sinaysay co sa pàrrafo 361; ang ihi ay hindi lubhang mapula; ang maysaquit ay nauuhao, at mapait ang caniyang bibig, cun baga sungmusuca ó nag-iilaguin, ang lungmalabas ay madilao; cun minsan nasisira ang ulo nang maysaquit. Ang masaquit dito ay ang dacong pusod; datapoua ang dacong pusod ay sungmasaquit din doon sa saquit na miserere sa capítulo 61.

365. Ang gamot dito ay gayon: ang maysaquit ay susumpitin nang malimit ng̃ bilin sa número 5; paiinumin ng̃ maraming tubig na pinaglagaan nang ugat nang grama (hincacauayan ó malacauayan) na dinoonan nang caunting gata nang dayap. Touing oras ay paiinumin nang isang taza nang turo sa número 32, ó cun ualang sampaloc, ay na-aari ang timbang saicaualong crémor. Maigui ring bañusan ang maysaquit hangang tuhod, at lag-yan sa tiyan nang basahang babad sa malacucong tubig. Cun baga totoong laqui nang saquit nang sicmura ó tiyan, at ang pulso ay malacas, at ga mabagting, ay cailang̃ang sangrahan ang maysaquit. Cun hindi nauala ang saquit at hindi nag-iilaguin nang malacas ang may catauan, baga man pinainom na nang mang̃a sinabi co ng̃ayon, ay magaling big-yan nang caunting maná na tutunauin sa malabnao na sabao nang sisiu. Mayroon tauong marahil daanan nitong ganitong cólico, at ang bagay sa caniya ay ang bilin sa número 24, na iinumin niyang maminsan minsan touing bouan. Hindi bagay sa caniya ang pagcain ng̃ maraming carne. Masama rin ang mang̃a maiinit, ang mang̃a may taba at ang gatas; ang suero ay mabuti sa caniya.

Ang gamot sa icatlong bagay na saquit nang sicmura ó tiyan, na ang tauag nang tagalog sa nagcacasaquit noo,i, hinihilaban ó inaahito, sa uicang castila ay cólico de indigestión, ó ahito, ó empacho.

366. Cun napacarami ang quinain nang tauo bata ma,t, matanda man, ay sungmasama ang pagcaramdam, at sungmasaquit ang caniyang sicmura ó tiyan. Gayon din ang cungmacain arao-arao nang hindi macayanan nang sicmura niya, cun malauon ay nagcacasaquit naman nito ring ganitong saquit na ahito. Sapagca yaong mang̃a cacaonti na hindi natutunao sa sicmura touing arao, ay naiipon nang naiipon doon,na yao,i, ang iquinapagcacasaquit nang may catauan sa calaunan. Nacacapagcasaquit naman sa tauo ang pagcaing minsanan nang mang̃a sarisaring bagay na hindi magcaayon para nang chocolate at saguing, etc. Dito sa ganitong saquit ay ualang lagnat; ang may catauan ay hindi naiinitan, at hindi nauuhao; ang saquit nang sicmura ó tiyan, ay gungmagala; datapoua nalilio ang maysaquit, naiibig niyang sumuca, at cun minsan ay namumutla ang muc-ha.

367. Itong ganitong cólico ay hindi maliuag gamutin; painumin lamang ang maysaquit nang maraming totoong malacucong tubig na malalahocan, cun ibig, nang azucar ó asin. Maigui rin ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Datapoua cailang̃an painumin ang maysaquit nang marami, sapagca cun caunti ang inumin ay nalalauon ang pag-galing. Ang pagsuca at ang pag-iilaguing yao,i, ang nacagagaling sa maysaquit; at cun hindi manabi, ay cailang̃ang sumpitin nang tubig na may asin; maigui ring cuscusin ang tiyan nang basahang tuyo, na idinadarang sa apoy. Cun minsan magaling na ang maysaquit; datapoua masama ang lasa nang bibig. Cun gayon, ay painuming maminsan minsan nang bilin sa número 24; maigui rin ang pag-inom nang maraming malamig na tubig; at ang cailang̃ang totoo naman, ay ang houag cumain ang maysaquit hang̃ang di gumaling. Masama sa ganoong saquit ang triaca, ang tubig nang anis, ang enebro, ó ang alac.

368. Cun minsan ay hindi sungmasaquit ang sicmura ó ang tiyan, cundi nalilio lamang ang may catauan; pinapauisan nang malamig, dungmuroual na parati at hindi lumalagay sa quinahihig-an. Cun minsan nama,i, biglang nalilio ang maysaquit, at hindi nacacaalam tauo; nagsisin-oc siya; ang caniyang muc-ha,i, nag-iiba; ang pulso ay munti; ang sicmura ay nauunat. Datapoua ang maysaquit ay nacacahing̃a. Dahil dito sa mang̃a tandang ito,i, na-aalaman, na hindi apoplegía ó panhihimatay ang caniyang saquit, at lalo pa cun siya,i, dinaraanan noong mg̃a gayon damdam pag bagong nacacain. Cun ganoon ang lagay nang maysaquit, ay namamatay sa loob nang ilang oras. Ang gamot doo,i, sumpitin nang tubig na dinoonan nang asin at sabón, palon ocquin nang maraming tubig na maalat; at cun hindi gungmagaling pa, ang polvos na bilin sa número 34 at tutunauin sa tatlong tazang tubig, ay pagcaraca ipaiinom doon ang isang taza; at cun hindi sumuca ang maysaquit sa loob ng̃ sa icapat na bahagui nang isang oras, ay ipaubos sa caniya ang isa pang taza, at cun hindi rin sumuca, ibigay doon ang icatlong taza. Cun ang maysaquit ay sungmuca na, ay yaon ang pag-galing niya.

Ang gamot sa icapat na bagay na saquit nang sicmura ó tiyan na dala nang hang̃ing nacuculong doon, na yaon ang pinang̃ang̃anlan nang castilang cólico flatulento.

369. Itong ganitong cólico ay hindi nag-iisa cun minsan, cundi napapasama doon sa ibang bagay na cólico, na aquing sinaysay na sa párrafong natalicdan. Dito sa saquit na ito ay ualang lagnat; ang may catauan ay hindi nauuhao; ang tiyan ay lungmalaqui, datapoua,i, hindi tungmitigas; cun idiniriin ang tiyan, ó hinihilot, ay gungmagala sa loob ang hang̃in, at lungmalabas sa bibig ó sa ilalim. Itong saquit ay dala nang pagcain nang mang̃a bung̃a ó mang̃a gulay na mahang̃in, para nang saguing, patani etc.

370. Cun itong saquit ay casama nang ibang cólico, ay ualang sadyang pag-gamot dito, sapagca cun gamutin ang totoong saquit; ay mauauala pati itong isa. Datapoua cun ualang ibang casamang cólico, ang gamot doo,i, ganoon. Ang maysaquit ay sinusumpit, at quinucuscos ang caniyang tiyan nang mainit na damit; magaling namang painumin nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla. Cun hindi na masaquit ang tiyan, at ualang lagnat ang may catauan ay mapapaiinom nang caunting alac na pinaglagaan nang caunting canela.

Ang gamot sa icalimang bagay na saquit nang sicmura ó tiyan, na marahil dumaan sa mang̃a tauong nalamigan, na yao,i, cólico rin.

371. Cun ang tauo ay nalamigan, at pag nacaraan ang ilang oras; ay dinaraanan nang pagsaquit nang sicmura ó tiyan, lalo pa cun ang paa,i, siya ang tinablan nang lamig. Itong saquit ay marahil dumaan sa tagalog pag siya,i, nainitan ó napagod, at saca nabasa ang caniyang paa. Sa gayong saquit ay masama ang alac, at ang mang̃a purga, ó yaong mang̃a maiinit na gamot. Ang magaling doo,i, cuscusin ang mang̃a paa nang mainit na damit na idinadarang sa apoy. Saca maiguing ibabad nang malauon ang mang̃a paa sa malacucong tubig na pinaglagaan nang manzanilla, ó bulaclac nang alagao. Lalo pang madaling gagaling ang maysaquit cun siya,i, humiga,t, gumaua nang capaanyo ang mangyaring mapauisan ang caniyang paa. Cun malaquing totoo ang caniyang saquit, ang pagsumpit ay bagay sa caniya. Cun hindi rin nauauala yaong pagsaquit na malaqui, at bucod dito,i, magaling ang catauan nang maysaquit, ay cailang̃ang sangrahan. Ang mang̃a paa niya itatapat na malauon sa sing̃ao nang tubig na mainit bago ibabad sa malacucong tubig; at cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan ang maysaquit sa mang̃a binti.


CAPÍTULO 61.

Ang saquit na pinang̃ang̃anlang miserere, ó pasión iliaca, na yao,i, pagsasara nang mang̃a bituca, na dahil doon, ay hindi manabi ang maysaquit, cundi isinusuca niya ang lahat.

372. Ang bituca nang tauo ay ga cung-miquiyao na parati, na ang camuc-ha ay ood ó ahas; na dahilan dito sa ganitong pagquiyao ang lahat na quinacain ay natutulac sa dacong pouit. Datapoua cun nagcasala ó nagulo itong pagquiyao nang bituca, ay hindi na mangyaring mapatung̃o sa pouit ang mang̃a quinacain, cundi sa bibig napaparoon. Yaong saquit ay totoong samang saquit, na ang tunay, na pang̃alan doo,i, miserere ó pasión iliaca. Yao,i, dungmaraan cun minsan sa lungmilibang ilang arao nang pananabi; datapoua cun minsan ay biglang sumungpong sa tauo yaong saquit, at pagcaraca ang tiyan, ó ang mang̃a dacong tabi nang pusod ay yaon ang caunaunahang sungmasaquit na totoo. Ang may cataua,i, hindi mapalagay; cun minsan mayroong nahihipong matigas na mahaba doon sa tiyan; ang maysaquit ay dungmuroual muna; hung mahalili doon ang pagsuca; cun malauon ay ang lahat isinusuca niya, hindi lamang ang quinacain cundi pati nang iniinom, at bucod doon ay mayroong lungmalabas sa bibig na mabaho pa sa dumi. Ang maysaquit hindi manabi minsan man; ang tiyan niya ay nauunat; hindi ungmiihi, at cun baga ungmiihi, ay malabo,t, mabaho. Ang pulso ay matigas muna; cun malauo,i, madalas at munti; ang maysaquit ay nanghihina; nasisira ang bait, at nagsisin-oc; ang boong cataoan niya,i, cungmiquinal, ó ga nanlulucso ang laman. Ang mang̃a paa,t, camay ay lungmalamig; nauauala ang pulso, pati nang saquit nang tiyan; sampon nang pagsuca, at totoong daling namamatay ang maysaquit.

373. Sapagca malaqui ang pang̃anib nang buhay nang tauo sa saquit na ito, ay cailang̃ang gamutin pagcaraca, capag naquilalang magaling ang saquit; at cun hindi gamuting agad ay mamamatay na ualang sala. Ang pag-gamot ng̃a dito ay para nang sa cólico inflamatorio, párrafo 362. Caya cun bagong-bago ang saquit, at malacas pa ang may catauan; ay sasangrahang agad, at cucunan nang maraming dugo. Susumpiting parati nang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay, na dinoroonan nang isa ó dalauang tazang lang̃is nang niyog ó lana man. Touing icalauang oras, ay painumin nang bilin sa número 48; painumin namang parati nang turo sa número 49, ó cun uala yaon ay na-aari ang tubig na pinaglagaan nang cebada (palay) ó ang suero na linahucan nang pulot. Ang maysaquit ay paliliguan sa malacucong tubig na maquiilan maghapon. Cun hindi rin gungmagaling ang maysaquit ay sumpitin nang usoc nang tabaco para nang turo sa párrafo 457. Ang isang maysaquit, ani Tissot, ay guinamot co ng̃ gayon: sinangrahan co muna (aniya) at pinainom co nang purga; saca ibinabad cong tuloy sa malacucong tubig, at gungmaling. Ang isip nang mang̃a tauong hindi maalam; na sa saquit na ito ang bituca nang may cataua,i, nagugulo, at nagcacabuhol; datapoua hindi totoo yaon. Sapagca ang isang dulo nang bituca ay carugtong nang sicmura, at yaong isang dulo ay ang pouit na cungmacapit sa mang̃a pig-yi, na dahil doo,i, hindi mangyaring magcabuhol.


CAPÍTULO 62.

Ang gamot sa inaanayo, na iyo,i, pagsuca,t, pag-iilaguin nang malacas na tinuturan nang catilang cólera morbo.

374. Ang pang̃alan nang ibang mang̃a tauo sa saquit na ito,i, miserere, ng̃uni hindi ito ang miserere, cundi yaong isang saquit na sinaysay co sa capítulo 61, na sinundan nito. Ang inaanayo, ay nagsusuca,t, nag-iilaguin nang malacas. Ang maysaquit ay natatamlay muna; sungmasaquit nang caunti ang caniyang tiyan; sungmusunod dito ang pagsuca, at ang pag-iilaguin. Ang color nang lungmalabas, ay dilao ó verde, ó maputi caya, ó maitim cun minsan; saca sungmasaquit na totoo ang tiyan; ang pulso ay tila pulso nang nalalagnat; cun malauo,i, mahina. Mayroong maysaquit na sa loob nang sang oras ay maquisandaang mag-ilaguin; ang muc-ha ay madaling nag-iiba cun malaqui ang saquit. Gayon din cun mapacarami ang pag-iilaguin, ay tila namamanhid, ó nang̃ang̃auit ó naninigas ang mang̃a paa,t, camay nang maysaquit, na yao,i, isa pang nacacahirap sa caniya. Cun ang saquit hindi natatalo nang gamot, ay sungmusunod doon pagcaraca ang pagsisin-oc, ang pagquinal (convulsión) at ang paglamig nang mang̃a paa,t, camay, ang maysaquit ay nalilio, sinusubaan, at napapatid tuloy ang hining̃a. Itong saquit ay marahil dumaan pag nacalampas ang tag-arao, sapagca ung-miinit at lungmalapot ang apdo nang tauo sa panahong yaon; at lalo pa cun ang may cataua,i, hindi cungmacain nang mang̃a bung̃ang hinog nang cahoy, na yaon ang totoong nacacahusay sa apdo. Datapoua,t, halos pinapansin itong saquit na ito, liban lamang cun pinararaan nang Pang̃inoong Dios, na guinagaua niyang hampas sa mang̃a bayan dahilan sa mang̃a casalanan, na cun magcagayo,i, pinang̃ang̃anlang salot.

375. Itong saquit ay mahirap mang gamutin, ng̃uni,t, hindi para nang ibang mang̃a saquit na sinaysay na sa mang̃a capítulong natalicdan. Ang caramihan nang mang̃a namamatay sa saquit ay hindi dahil sa cabigatan nang saquit, cundi sa capabayaan at caculang̃an nang pag-gamot nang paaniyo. Ang cauna-unahang dapat pagpilitan nang sino man ang houag magpabaya, lalo pa cun panahong casalucuyang dumaraan ang salot; capag naramdaman, na masaquit-saquit ang tiyan at cungmuculog ang mang̃a bituca; cun mabigat ang dinaramdam sa sicmura, lalo na cun ga ibig: dumual ó nag-iilaguin caya; pagcaramdam nito,i, dapat na siyang mag-ing̃at sa mang̃a pagcain at pag-inom, na houag bagang cumain nang cun ano-ano cundi sabao lamang, at ang chá na mainit, na cun mapatacan nang sampuong patac na gotas amargas, ó mahaluan nang isang cucharang coñac, ajenjo aguardiente ó anisado, ay lalo pang mabuti. Bucod dito,i, cun nararamdamang masama ang catauan ay magculong agad, cumutang mabuti,t, culubin ang maysaquit at nang pauisan sana nang mainit na pauis; at ito,i, itutuloy na gagauin hangan di gumaa,t, guminhaua ang catauan. Cun itong mang̃a biling ito,i, sunding pagpilitan ay marahil hindi tutuloy ang pagcacasaquit na totoo; at cun tutuloy ma,i, hindi lulubha,t, hindi ica-aano nang maysaquit. Bihirang-bihira ang dinadatnang bigla nang calubhaan nang saquit na ito; cun caya binibigla cun minsan nang calubhaan, sa pagca pinabayaan di pansin ang mang̃a unang sumpong nang saquit.

Datapoua,t, cun dahil sa capabayaan cun sa cabiglaan caya, ay sumama ang saquit, na ang maysaquit ay nagsusuca,t, nag-iilaguin, at marahil pinupulicat at nanglalamig na totoo, na pati nang pauis ay malamig, ang gagauin ay gayon: yaong am nang linugao ga calahating vaso carami ay siyang isusumpit agad sa maysaquit, at cun may láudano, ang ualo cun sampuong patac noon ay ihahalo sa isusumpit; cun ang unang sumpit ay hindi napiguil sa loob, dalauang oras man lamang, ay uulitin nang uuliting isusumpit yaon ding am hangan sa mapiguil na malauon ang isang isinumpit, at tumiguil ang pag-iilaguin. Sabay naman nang pagsumpit ay painumin ang maysaquit nang isang taza ó isang mangcoc na chá na mainit, na napatacan din nang anim cun ualong patac na láudano; at cun ualang láundano,i, haloan ang chá nang isang cucharang aguardiente, anisado, coñac, ó ano mang alac na matapang. Cun nagaua na itong lahat at hindi dumalang man, pagsuca,t, pag-iiliguin, at cun dumalang man, ay sa isang tazang chá, lusauin mo ang asin na isang cucharitang café ó calahating cucharang carami, at siya mong ipagcucharang unti-unti sa maysaquit hangan di tumahan lubos ang pag-iilaguin. Cun tumahan man ang pag-iilaguin, ay sungmusuca rin at dungmudual ang maysaquit, ay mabuting parapitan sa ibabao nang sicmura ng̃ sinapismong matapang. Ito na lamang ang mang̃a gamot na gagamitin sa loob nang catauan nang dinatnan nang saquit nang cólera; na cun tauaguin nang iba,i, arriba y abajo.

Ang mang̃a gamot naman sa labas, na di dapat lisanin cailan man, cahit tila namamatay na ang maysaquit, at malamig man totoo, at cahit uala nang pulso,i, hindi rin dapat lisanin, ay gayon: Cucumutang mabuti ang maysaquit, at sa catauan niyang palibot ay idadaiti ang maraming boteng may tubig na totoong mainit, at cun malamig-lamig na,i, hahalinhan naman nang bagong sinid-lan nang tubig na mainit; saca yaong iba noong mang̃a bote ay siyang ihahagod na ididiin sa ibabao nang damit sa ibang mang̃a lugar nang catauan, lalong-lalo na sa licod. Cun ito,i, hindi pa magcasiya, at ang cataua,i, hindi pa pinagsasaolan nang init at nang pulso, at hindi pa pinapauisan nang mainit ang gagauin, ay doon sa gologod, doon baga sa licod mula sa batoc hangang sa bayauang ay tapalan nang sinapismo ga apat na dali calapad, at sa ibabao niyong sinapismo ay ihahagod pa ang isang boteng may tubig na mainit; at cahit ualang sinapismo ay totoong maigui itong paghagod dito sa licod. At cun hindi rin pinagsasaolan ng̃ pulso, at hindi pinapauisan nang mainit, ang isang cepillo ay ibabad mo sa aguardiente at icuscos sanang mahigpit sa boong catauan. Cun ualang cepillo,i, na-aari rin ang isang basahang magaspang; at cun ualang aguardiente ay na-aaring icuscos ang darac man lamang na totoong mainit, at balot sa isang basahan. Itong pagcucuscos ay pagtitiyagaang gauin cahit sa loob nang ilang oras, maghapon ma,t, magdamag, at bihirang-bihira ang di pagsasaolan nang init, at di gagaling.

Ito ring mang̃a gamot na ito,i, icatitiguil nang pulicat; datapoua,t, mabuti naman sa pulicat ang daitihan ang laman ng̃ casang-capang pinamumulicatan nang mg̃a pirasong malapad nang oropel sa tindahan, ng̃ bacal man, tangso ma,t pilac, houag lamang di manipis at malapad, at ng̃ lumapad at dumating mabuti sa catauan; na cun saan namumulicat ay doon idadaiti naman ang oropel.

Cun tumahan na ang pagsuca at pag-iilaguin; at mainit na,t, mahusay ang catauan, ay hindi rin dapat magpabaya, lalong-lalo na sa mang̃a pagcain, puspas, basabasa at sabao ang siyang cacanin niya hangan di gumagaling na totoo.

Marahil pagcaraan na ang calubhaan nang saquit, ay datnan naman ang maysaquit nang di pagcaihi; cun gayon ang gagauin ay itapal doon sa pos-on nang isang cataplasma nang harina nang linaza, ó nang galapong man lamang, na mainit-init cun itapal; at cun uala nito,i, lag-yan ang pos-on nang mang̃a basahan babad sa tubig na mainit.

Marahil din datnan ang nagcasaquit nang cólera nang apoplegía, nang lagnat na sucab at nang iba,t, ibang sugat na sinaysay na sa librong ito, at cun magcagayo,i, ang dapat gauin ay babasahin sa canicaniyang capítulo.

Nota. Ang lahat na sinaysay dito sa número 375, ay turo ang lahat nang marunong na Doctor D. Joaquin Gonzalez; at sa mg̃a guinamot ng̃ paaniyo, ayon sa mang̃a ipinagbilin dito, noong epidemiang nacaraan sa 1882, ay bihirang-bihira ang namatay.


CAPÍTULO 63.

Ang saquit na pag-iilaguin, cun hindi sungmasamang totoo ang damdam nang may catuan na pinang̃ang~anlan nang castilang diarrea.

376. Ang pag-iilaguin na ualang casamang lagnat, ó saquit na malaqui nang tiyan ay pinang̃ang̃alan nang castilang diarrea. Ang maysaquit ay nananab-ang muna nang pagcain: ang caniyang bay-auang pati nang tuhod, ay idinaraying na mabig-at. Hindi siya nalalagnat at hindi sungmasaquit na totoo ang tiyan. Ang gayong pag-iilaguin ay hindi masama sa may catauan, bagcus cun macalalo na yaong munting hirap na yao,i, lungmalacas pa sa dati.

377. Ang gayong pag-iilaguin ay siyang cusang tungmatahan na hindi cailang̃an ang gamot doon; ang gagauin lamang nang maysaquit, ay houag siyang cumain nang marami; ang carne, ang alac, at ang itlog ay hindi magaling; ang mang̃a gulay at mang̃a hinog na bung̃a nang cahoy ay macacain niya; mabuti naman ang siya,i, uminom nang marami rami sa dati. Ang tubig na pinaglagaan nang culantrillo ay maiguing inumin.

378. Cun sa loob nang lima, ó anim na arao, hindi nauauala ang pag-iilaguin, at ang may cataua,i, nahihina at dinaraanan nang malimit na pagca ibig niyang manabi, ay ilalagay siya sa husay (capítulo 4). Bucod dito,i, paiinumin nang bilin sa número 35 cun baga marumi ang dila, at masama ang lasa nang bibig, ó cun dungmorual ó nananab-ang nang pagcain; datapoua cun hindi nararamdaman nang maysaquit yaong mang̃a bagay na yao,i, purgahin lamang nang isang purgang mahina numero 82, ó nang ruibarbo número 51, cun baga hindi mainit ang tiyan. Cun ruibarbo ang ipupurga doo,i, paiinumin touing calahating oras nang isang tazang sabao. Ng̃uni cun ang pag-iilaguin ay nauala na dahil sa pag-inom nang ruibarbo, at baga man nauala,i, ungmuuli rin capag nacaraan ang ilang arao, ay caalam-alam mayroong malagquit sa loob, na hindi pa nacucuha; ang gagauin cun gayon ay pupurgahin nang bilin sa número 21, ó noon ding bilin sa número 51, para nang turo co cang̃ina; magaling din ang sa número 23 ó 47. Saca iinumin niya cun umaga sa dalauang arao ang calahati noon ding bilin sa número 51.

379. Cun minsan ay nalalauo,t, di inaanomana nang maysaquit ang pag-iilaguin, na yaong pagpapabayang yao,i, nacacahina sa caniya. Ang gamot doon cun gayon ay ang bilin sa número 35. Saca touing icatlong arao bibig-yan ang maysaquit nang turo sa número 51. Capag pinurga na siya nang macaapat, ay itinatahan na. Cun pinupurga ay houag pacanin nang carne,isda, ó itlog. cundi canin lamang, ó tubig na pinaglutuan nang tinapay. Maigui doonan sa sicmura nang basahang babad sa alac na pinaglagaan nang romero at canela. Masama sa gayong maysaquit ang siya,i, malamigan lalo pa cun gab-i, sapagca ang saquit ay mag-uuli.


CAPÍTULO 64.

Ang icalauang bagay na pag-iilaguin na may casamang saquit na malaqui sa tiyan na yao,i, disentería cun turan nang castila.

380. Itong isang bagay na pag-iilaguin ay may casamang saquit nang tiyan. Ang may cataua,i, parating ibig manabi; at bucod doon, ay masama ang caniyang damdam. Sa inaiilaguin nang maysaquit ay mayroong dugong casama; ng̃uni cun minsan uala naman.

381. Itong saquit ay dala nang cainitan nang panahon; sapagca ang apdo at ang dugo nang tauo ungmiinit, at lungmalapot cun tag-alis-is. Magaling din ang damdam nang tauo, hangan di nag-iiba ang cainitan ng̃ panahon, sapagca siya,i, pinapauisan at ang cataua,i, sumising̃ao na maigui. Caya lamang nagcacasaquit ay cun ungmuunti ang cainitan nang panahon; na dahil doo,i, marahil dumaan ang saquit nang pag-iilaguin sa bagong ulan, na sungmusunod sa tagarao.

382. Bago magcasaquit nang gayon ang tauo ay guiniguinao siya muna; sungmasaquit na totoo ang tiyan; nalilio siya at namumutla. Ang pulso ay munti at husay; sungmusunod ang malimit na pagiilaguin na bagay-bagay ang color, at mayroong bulati at dugong casama; cun minsan ang tumbong ay lungmalabas pati. Cun baga lungmulubha pa ang maysaquit ay namamaga,t, nabubuloc ang bituca, at ang iniilaguin niya ay nana, ó mang̃a maitim na tubig, at mabaho; saca nagsisin-oc, nasisira ang bait, ang pulso,i, hungmihina, pinapauisan ang maysaquit nang malimit,sinusubaan at namamatay; datapoua cun hindi lulubha ang maysaquit, ay hungmihina-hina ang pag-iilaguin, ang dugo ay nauauala, lungmalacas-lacas ang may catauan at nacacatulog.

383. Ang gamot na totoo sa saquit na ito, ay ang tártaro emético número 34; magaling din ang sa 35. Cun hindi nauauala ang pag-iilaguin nang mapainom na ang maysaquit nang turo co ng̃ayon, ay hahaba ang saquit, at ang gagauin doo,i, gayon. Ang maysaquit ay ilalagay sa husay (capítulo 4) at houag pacacanin nang carne, hangan di gumaling na totoo. Ang iinumin niya ay ang bilin sa número 3. Capag napainom na siya nang bilin sa número 34, ay quinabucasan paiinumin nang bilin sa número 51 sa dalauang inom; sa icatlong arao ipaiinom doon ang bilin sa número 3 lamang; sa icapat na arao inuulit ipinaiinom doon ang bilin sa número 51; saca ilalagay ang may catauan sa husay nang maysaquit na magaling-galing sa capítulo 5.

384. Ng̃uni cun baga noong talagang magcacasaquit ang tauo, linalagnat siya muna nang malaqui, at ang caniyang pulso ay matigas at puno, at bucod doo,i, malaqui ang saquit nang ulo,t, bay-auang, at ang tiyan ay nauunat, ay cailang̃ang sangrahan ang maysaquit; susumpitin naman arao-arao nang macaitlo, ó macaapat nang bilin sa número 6, ó cun uala yao,i, na-aari ang gatas na tinubigan. Paiinumin nang marami nang bilin sa número 3. Cun ang pulso,i, malambot na, ang gagauin sa maysaquit ang mang̃a turo sa párrafo 383, na sinundan nito. Datapoua cun minsan ay dili cailang̃ang pasucahin ang maysaquit. Cun baga malaqui ang catigasan nang pulso, nang bago siyang magcasaquit, ay mabuti purgahin nang bilin sa número 11, capag sinangrahan na. Ang ruibarbo, na bilin sa número 51, ay houag ibigay doon cundi sa catapusan nang saquit. Maraming maysaquit (ani Tissot) ang guinagamot co, na ualang ibang ibinigay sa canila cundi tubig na malacuco ga isang taza carami, touing sa icapat na bahagui nang isang oras.

385. Cun minsan ang pag-iilaguin ay casama nang lagnat na buloc, na sinaysay co sa capítulo 20 at ang gamot doon cun gayo,i, ang pasuca número 34, bago purgahin ang maysaquit nang bilin sa número 23 ó sa 47. Saca painumin naman siyang macalaua ó macaitlo arao-arao nang bilin sa número 24, timbang saicapat ang isang inom. Totoong galing dito ang sa número 32, cun uala yaong isang turo sa número 24, at iisa rin ang cabagsican nitong dalauang bagay. Cun ang saquit ay ungmu-unti na, ang bilin sa número 51, ay yaon ang ipupurga sa maysaquit.

386. Ang nagcacasaquit nitong ganitong saquit ay nababaynat cun minsan, gaua nang pagcain nang sala, sapagca ang may cataua,i, nalamigan, ó napagal nang paggaua. Cun gayon ay ilalagay sa husay (capítulo 4) ang maysaquit, at paiinuming minsan nang bilin sa número 51.

387. Cun minsan naman ang pag-iilaguin ay casama nang pang̃iqui. Cun gayo,i, pauaual-in muna ang pag-iilaguin bago gamutin ang pang̃iqui, at cun malaqui ang lagnat ay big-yan ang maysaquit nang quina (dita) ayon sa turo sa párrafo 216.

388. Sa saquit na pag-iilaguin ay magaling ang pagcain nang mang̃a bung̃ang hinog nang cahoy, ang manga baga, ang saguing, ang alpay, ang ates. etc. Caya ang nang̃ang̃ain nang maraming bung̃ang magulang nang cahoy cun tag-arao, maliuag daanan siya nang gayon saquit.


CAPÍTULO 65.

Ang icatlong bagay na pag-iilaguin, na mahirap ang damdam nang may catauan sa sicmura, at pati nang paghinga cun minsa,i, mahirap din, na yao,i, pinang̃ang̃anlan nang castilang disentería maligna.

389. Ang nagcacasaquit nitong masamang bagay na pag-iilaguin, ay nanghihina agad; guiniguinao siya cun minsan; ang marahil idinaraying nang mang̃a maysaquit ay ang sicmura, na di man masaquit, ay tila siquip na bahag-ya na sila macahing̃a; marahil nasisira ang canilang ulo. Ang tiyan cun minsan ay sungmasaquit, cun minsan hindi; ang isinusuca nila ay verde ang color. Ang inaiilaguin nang may cataua,i, dugong totoo cun minsan; at cun gayo,i, namamatay sa icatlong arao; ng̃uni cun minsan ay iba,t, iba ang color nang inaiilaguin; ang ihi, ang lauay, ang pauis, pati nang hining̃a ay mabaho. Cun maliuag macalon-oc ang maysaquit ay mapang̃anib ang caniyang buhay. Cun minsan gagaling ang maysaquit pag linabasan sa catauan nang mang̃a butil na marami na puno nang tubig. Ang pulso ay munti. Cun natutuyo ang dila at nauunat ang tiyan nang maysaquit, ó cun nalilio, ó nagsisin-oc, ay namamatay na ualang magaua. Datapoua cun baga ungmuunti ang casiquipan nang sicmura at lungmalambot-lambot ang tiyan, ó cun nacacatulog-tulog na ang maysaquit, caalam-alam ay gungmagaling.

390. Ang gamot na bagay sa saquit na ito,i, ang timbang calahating saicaualo nang bilin sa número 35, na cailang̃ang gauin agad; at nang tumapang pa yaong gamot na yaon, ay mabuting ihulog yaong bilin sa número 35 sa isang tagayang tubig, na pinaglagaan nang manzanilla. Pag nacalalo ang pito ó ualong oras nang macasuca na ang maysaquit, ay pupurgahin nang ruibarbo número 51, at, pagca pinurga na,i, cabibig-yan uli ng̃ caunting bejuquillo número 35, ga dalaua, ó tatlong butil na palay ang timbang, na ihuhulog sa caunting sabao nang sisiu, na linutong casama nang ugat nang chicoria (dilang usa) at cun malaqui ang cahinaan nang maysaquit, ang tubig na pinaglutuan ng̃ sisiu, ay doroonan naman nang balat nang tinapay. Itong sabao na itinuro co ng̃ayon ay yaon ang iinumin ng̃ maysaquit touing icalauang oras ga calahating taza carami; mabuti ring painuming macaapat arao-arao ng̃ isang cucharang alac sa misa, na hindi lubhang matapang. Maiguing-maigui dito ang dalandan ó cahel na guinayat munang boo pati nang balat, na ang pag-gayat ay manipis; saca binubudburan nang caunting azúcar, bago busan nang mainit na tubig, na yao,i, ang ipaiinom sa maysaquit. Ang pagsumpit ay masama sa saquit na ito. Ang isa pang mabuting totoo sa ganitong saquit, ay ang parapit na matapang na turo sa número 36, sa mg̃a binti. Anomang ipainom sa maysaquit ay hindi sucat damihan, at lulubha siya.

391. Cun minsan hindi rin nacagagaling sa maysaquit itong lahat na sinabi cong gamot sa párrafong tinalicdan. Cun gayon ay mabuti ang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang cahel na hinulugan nang caunting quina (dita), bago paculuin nang caunting oras calauon sa apoy at salain sa damit na masinsin. Itong tubig na ito ay maisasama sa bilin sa número 35, cun pinaiinom noon ang maysaquit; datapoua masamang painuming minsanan ng̃ marami.

392. Cun ang pag-iilaguin ay malacas na totoo at ang may catauan nanhihina pagcaraca, ay magaling tapalan sa sicmura,t, tiyan nang basahan babad sa tubig na pinaglagaan nang dita na dinoroonan nang triacang marami.


CAPÍTULO 66.

Ang gamot sa hinihica, na ang tauag nang castila sa saquit na yao,i, asma.

393. Itong saquit na hica na cun minsan minamana, ay doon namamahay sa baga nang tauo. Ang nagcacasaquit nang gayon, ay hindi macahing̃a nang maloualhati ang caniyang dibdib ay tila siquip; cungmucumbo ang sicmura, ang tiyan, ang dibdib pati nang balicat. Ang may cataua,i, nauuhao,t, napupuyat, at ang paghing̃a niya,i maing̃ay; ang paghiga nang tihaya ay mahirap sa caniya; sungmusunod doon ang init, ang lagnat, at ang pagquinal nang puso; ang ihi ay malinao at hindi husay. Itong saquit ay lungmalaqui pag ang panahon ay malamig at maulan.

394. Ang gagauin sa maysaquit, pag dinaraanan nang hirap, ay gayon; palulucluquin sa hihigan; houag tabilan, at houag patahanin sa silid na siquip. Ang mang̃a dong̃aua,i, bubucsan; masama doon sa tinatahanan nang maysaquit ang apoy; ó ang siya,i, libutin nang maraming tauo. Saca, sangrahang agad, at cun malaqui ang hirap niya, ay uul-ing sasangrahan. Ito lamang pagsasangra, ay macacaguinhaua sa caniya, cun ang pinagmul-an nang saquit ay ang maraming dugo: caya hindi sucat bayaan yaong pagsasangra, dahilan sapagca ang pulso ay mahina, at pag nasangrahan ang may cataua,i, lalacas ang pulso. Bucod dito,i, susumpitin nang bilin sa número 6; at cun hindi nagcacasiya yaon ay gamitin ang sa número 5; ng̃uni houag damihan ang isusumpit doon, cundi caunti lamang at parati, at saca gagauin ang mang̃a ituturo co ng̃ayon.

395. Cun ang maysaquit ay lungmulurang parati at tila maing̃ay ang loob nang dibdib, at may masaquit saquit doon, ang iinumin niya,i, ang bilin sa número 7 ó número 12. Touing oras iinumin niya naman ang isang cuchara nang bilin sa número 77. Cun baga nahahalatang marami ang sicmura ayon sa aral sa capítulo 88, ay magaling painumin nang pasuca número 34, ó cun hindi ibig nang maysaquit yaon, ang turo sa número 8, ay na-aari. Maigui, ani P. Clain, ang pagng̃ang̃a nang caunting tabaco, at lumura muna minsan bago lonoquin ang ibang lauay, nang macatulog ang may catauan.

396. Cun ang maysaquit ay nag-uubo at ualang ilinulura; cun pungmupula ang muc-ha, at ang ugat nang catauan ay lungmalaqui, at tila siquip ang caniyang dibdib, pati nang lalamunan, ay paiinumin nang bilin sa número 12, capag sinangrahan na. Doon sa oras nang pag-uubo, ay iinumin niya ang isang cuchara nang turo sa número 10, ó nang sa número 17. Bucod dito sisipsipin niya ang sing̃ao nang mainit na tubig para nang turo sa número 53, Magaling ding ibabad ang caniyang paa sa malacucong tubig. Ang mang̃a paa naman ay mabuti cuscusin nang basahang tuyo. Cun baga nahahalatang hinihica ang may catauan dahil sa pag-urong nang ibang saquit para nang galis, buni, ó piyo, ay magaling doon ang parapit número 36 sa binti ó sa talampacan ayon sa aral sa capítulo 54.

397. Pag ang may catauan dinaraanan nang saquit na hica, ay ilagay siya sa husay capítulo 4, at houag pacanin nang carne ó nang anomang bagay na mabig-at sa sicmura; cun totoong hirap ang lagay nang maysaquit, ay houag pacanin nang anoman. Magaling ipainom sa caniya ang bilin sa número 1 ó 2.

398. Bucod sa mang̃a sinabi cong gamot na bagay sa saquit na ito, ay mabuti gauin ang mang̃a isusunod co dito, nang houag daanan uli nang hirap ang maysaquit. Caya cailang̃ang pacahusayin ang caniyang pagcain at ang pag-inom. Masama sa caniya ang lamig at ang guinao. Cun malimit lumura ang maysaquit, ay isama sa quinacain niya ang timbang sa icaualo nang bilin sa número 14. Touing umaga,i, palolonocquin nang tatlong píldoras número 78; at pagca lon-oc noon, ay paiinumin tuloy nang dalauang taza nang bilin sa número 12. Mabuti ring purgahing maminsan-minsan nang turo sa número 21. Ng̃uni cun ang maysaquit na hinihica hindi lungmulura, ay cailang̃ang sangrahan capag nararamdamang lungmiliuag ang caniyang paghing̃a, at saca painuming parati nang isang cuchara nang bilin sa número 10 ó nang suero número 17.


CAPÍTULO 67.

Ang gamot sa nag-iilaguin nang darag-is, na yao,i, pinang̃ang̃anlan nang castilang pujos.

399. Ang pag-iilaguin nang darag-is ay cun minsan dala ang ibang mang̃a bagay na pag iilaguin na sinaysay co sa mang̃a capítulong natalicdan. Cun minsan naman ay dala nang bulati, na nadoroon sa loob nang bituca, ó gaua nang pagsusugat nang pouit, ó sapagca ang may cataua,i, quiniquilmos. Caya pagca nacuha,t, nauala itong mang̃a saquit, ay nauauala pati nang pag-iilaguin nang darag-is. Datapoua cun minsan itong saquit ay ualang casamang iba, at cun gayon ay cailang̃an sumpitin ang maysaquit arao-arao ng̃ maquiilan nang bilin sa número 5, ó magaling sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang bituca nang baca ó manoc. Saca tapalan ang tiyan at ang pouit nang basahang babad sa gatas; ó cun ualang gatas ang tubig na pinaglagaan nang culutan ó bulaclac nang alagao ay mabuti rin. Ang iinumin ng̃ maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang isang dacot na bigas ó palay; at pupurgahin nang bilin sa número 11 ó sa número 23.