WeRead Powered by ReaderPub
Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit cover

Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga Maysaquit

Chapter 90: CAPÍTULO 73.
Open in WeRead

Explore more books like this:

About This Book

A practical medical manual compiles concise chapters describing causes, symptoms, and treatments for a wide assortment of illnesses and injuries. It offers step-by-step guidance for fevers, respiratory and digestive disorders, skin conditions, wounds and fractures, toxic bites, and urinary and reproductive complaints, plus advice for pediatric ailments and childbirth-related problems. Remedies and procedures range from topical applications and bleeding control to internal medicines and dietary or environmental measures. The organization favors rapid consultation, emphasizing observable signs, immediate actions, and recovery care.

CAPÍTULO 68.

Ang gamot sa nagcasaquit dahil sa siya,i, natacot.

400. Ang mang̃a sangol at ang mang̃a babaying nang̃anac, ay marahil magcasaquit dahilan sa pagca sila,i, natacot. Ang sungmusunod sa tacot, ay ang pang̃ing̃inig nang catauan at ang pagca balisa nang maysaquit, lalo pa cun ang puso at ang baga ay napacapuno nang dugo. Cun minsan nama,i, sinusubaan, at nasisira ang bait. Cun baga ang may catauan inuurung̃an nang dating pauis dahilan sa siya,i, natacot, cun minsa,i, dinaraanan ng̃ malauong pag-iilaguin. Ang mang̃a babaying nang̃anac ay namamatay cun minsan capag sila,i, natacot.

401. Ang dating ipaiinom sa natacot ay ang malamig na tubig; datapoua hindi magaling yaon, sapagca lungmalaqui ang saquit. Ang mabuti doo,i, patahanin sa piling nang maysaquit ang mang̃a tauong caquilala niyang dati; painumin nang mainit na tubig; ibabad nang isang oras ang caniyang mang̃a paa hangan tuhod sa malacucong tubig; at maminsan minsan ay cuscusin ang caniya ring paa nang isang tuyong basahan. Cun ang maysaquit ay naghinahon na, at ang balat ay mainit na, ay cucumuta,t, patutuluguin; at sapagca maiguing mapauisan, ay painumin muna nang ga dalaua ó tatlong cucharang alac sa misa ó nang caunting triaca.

402. Cun baga mahirap na totoo ang paghing̃a nang maysaquit, ay cailang̃ang sangrahan sa camay. Itong mang̃a turo co sa dalauang párrafong itong magcasumunod ay yaon ang totoong sucat gauin pati sa nang̃anac na sinumpong nang tacot, pati sa mang̃a bata.


CAPÍTULO 69.

Ang gagauin sa dinaraanan nang anomang bagay na convulsión, para nang alferecía, sauan, etc, pati nang gagauin sa babaying sinusubaan.

403. Iba,t, iba ang inaasal nang mang̃a dinaraanan nang convulsión. Cun minsan nang̃ing̃inig ang boong catauan: cun minsan tila nalulucso ang mang̃a laman, ó cungmiquinal ang muc-ha, ó nang̃ing̃iui ang bibig; ang mang̃a paa,t, camay naninigas; ang bibig ay hindi mabuca, ang camay cun minsa,i, quimquim. Mayroon namang ibang maysaquit na cungmiquisay at parating balisa, na hindi mapalagay; pati nang dila cun minsa,i, nacacagat at napuputol. Itong mang̃a sinabi co ng̃ayon, di man ang lahat, ang iba ay marahil maquita doon sa mang̃a maysaquit na tinatamaan nang hang̃in, ó nang frenesi, ó sa sinasauan, na yaong lahat na saquit ay paraparang convulsión din. Ang idirito cong isusulat ng̃ayon sa dalauang párrafong magcasunod, ay mabuting gauin sa anomang bagay na convulsión; datapoua ang mabuti ay hanapin sa caniyang párrafo yaong mang̃a saquit na yaon.

404. Ang tauong dinaraanan nang convulsión, ay masamang gamutin doon sa oras na yaon nang caniyang paghihirap. Ang gagauin lamang ay alagaan nang ilan catauo nang houag masactan. Magaling namang isoot sa caniyang bibig ang isang pinaca cigarrong damit, nang houag macagat ang caniyang dila. Cun baga malaqui ang pamamaga nang liig, at mataba ang may catauan, at ang muc-ha,i, mapula, ay mabuti sangrahan sa camay.

405. Ang maysaquit ay paiinumin nang caunting tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Ang maigui sa lahat ay ang paglalaga nang isang dacot nang dahon nang cahel sa dalauang tagayang tubig, at capag naiga na ang calahati, ay inaalis sa apoy, at yao,i, minsanang ipainom sa maysaquit sa umagang-umaga. Cun hindi macaguinhaua sa caniya yaon, ay atuhin ang dahon nang sintoris (narangitas,) na ilalaga rin para nang guinaua sa dahon nang cahel. Cun baga bata ang dinaraanan nang convulsión, nang suba, sauan, ó alferecía, ay babasahin mo ang capítulo 86.

Ang saquit na alferecía, na ang tauag sa Maynila doo,i, taon.

406. Ang saquit na pinang̃ang̃anlang taon, ay marahil dumaan sa mang̃a lalaqui, sa mang̃a babayi; marahil namang dumaan sa mang̃a bata pa sa mang̃a matatanda na: Ang tauag nang castila sa saquit na ito,i, alferecía.

407. Ang may cataua,i, cun biglang tamaan noong saquit na yaon, ay sungmisigao at naboboual, na pagcaraca hindi siya nacacaalam tauo. Ang boong catauan niya, ó ang ibang mang̃a casangcapan lamang nang cataua,i, malacas cuminal; na yao,i, convulsión, cun tauaguin nang castila. Ang maysaquit ay pagulong-gulong sa banig; quinig ang caniyang paa,t, camay pati nang ulo. Ang camay ay quimquim, pinupucpoc niya ang caniya ring dibdib at tiyan, at parati siyang napapahampas sa sahig. Ang balat nang ulo, ang boong muc-ha ang quilay pati nang pilic mata ay cungmiquibo; ang mata,i, gayon din; ang buhoc ay naninigas; ang sihang cun minsa,i, bungmababa, hangan sa lungmilingsad. Ang dila ay lungmalaqui at hungmahaba, at cun minsa,i, na-aabot nang ng̃ipin, at napuputol. Ang mang̃a ng̃ipin ay nang̃ang̃alitng̃it; ang ulo cun minsa,i, touid, cun minsa,i, papihit pihit sa magcabicabila. Bucod dito,i, hungmahaloyhoy ang may catauan, ó sungmusuca siya, at napapaihi at napapailaguin. Ang mang̃a bituca ay ungmuugong; ang lauay ay cungmacayat; ang puso cunmacaba nang malacas, at ang paghing̃a ay maing̃ay. Ang lahat na ugat ay lungmalaqui, lalo pa ang sa liig, sa dila,t, noo. Ang mucha,i, namamaga, at pungmupula, ó ungmiitim caya; mayroong lungmalabas na bulang maagquit; at capag lungmalabas na ang bula ay yaon ang pagtahan nang saquit; saca ang may cataua,i, nahihilim, at pag naguising ay hindi na-aalaman niya ang nangyari. Ang pulso,i, madalas, at munti cun bago; saca lungmalacas, at sa catapusan ng̃ hirap, ay madalang at mahina. Itong mg̃a sinabi co ng̃ayon cun minsan ay hindi dunmaraan ang lahat sa mang̃a inaalferecía, ó tinataon, cundi ang iba lamang. Ang gamot doo,i, gayon.

408. Ang maysaquit ay ipatitihaya; sa ilalim nang licod at ulo ay lalag-yan nang damit nang tumaastaas; alagaan nang ilang catauo ng̃ houag siyang masactan. Sa bibig ay sosootan nang isang caputol na damit na marami ang suson, nang houag macagat ang dila; boong cataua,i, cucuscusin nang damit na tuyo; mabuti sumpitin nang tubig na dinoonan nang asin; bibigquisan ang mang̃a paa sa ibabao nang tuhod; at ang mang̃a camay sa ibabao nang sico; paamoyin nang mang̃a mabaho, para ng̃ pacpac nang manoc, ó balat nang baca, ó suca man. Cun ang muc-ha nang maysaquit ay ungmiitim, ó ga siya,i, quinacaposcapos na nang paghing̃a, ay cailang̃ang sangrahang minsan ó macalaua sa paa. Bucod dito ay painumin nang tubig na malacuco, na pinaglagaan nang dahon nang cahel, ó sintoris (narangitas) para nang turo co sa párrafo 405. Pag ang maysaquit nasaol-an, ay painumin nang caunting alac sa misa cun baga siya,i, mahina, at paamoyin naman nang suca. Saca siya,i, tumanong sa marunong na médico, na siya,i, gamutin at nang houag daanan uli noong saquit na masama.

Ang gamot sa sinasauan, na yaong saquit na yao,i, isa rin nang pinang̃ang̃anlan nang castilang epilepsia, ó mal caduco ó mal de corazón. Ang pang̃alan cun minsan nang tagalog dito,i, suba; ang tauag cun minsan doon nama,i, panhihimatay, capítulo 11.

409. Ang mang̃a batang mahihina (ani Buchan) ay marahil daanan nitong saquit na ito. Ng̃uni sila,i, cun lumaqui ó tumanda, cun minsa,i, gagaling; datapoua pag lumalo sa dalauang pouong taon ang edad nang maysaquit, ay maliuag gumaling. Itong saquit na ito,i, isa pang bagay na convulsión. Cun itong saquit malimit dumaan sa may catauan, at saca hindi malauon cundi madali, ay lalo pang maliuag gamutin; at cun dungmaraan cun natutulog ang maysaquit, ay masama pa mandin.

410. Ang nagcacasaquit nang gayong saquit, ay natatamlay muna,t, nalilio; sungmasaquit ang ulo; ungmuugong ang taying̃a. Lungmalabo ang pagting̃in; malacas ang cabacaba nang puso, ang pagtulog ay hindi mahimbing, at ang paghing̃a ay mahirap; ang mang̃a bituca ay napupuno nang hang̃in; ang muc-ha ay pungmuputla, ang mang̃a paa,t, camay nanglalamig. Pag ang may catauan dinaraanan nang hirap ay doon sa oras na yaon mayroong lungmalabas na bula sa bibig, napapaihi, at napapailaguin ang maysaquit di man cusa nang caniyang loob; ang mang̃a hinlaqui nang camay ay pungmipihit; ang maysaquit ay hindi nacacaalam tauo, at cun nasasaol-an ay uala siyang namamalayang anoman sa lahat na nangyari.

411. Itong saquit na ito,i, dala cun minsan nang gutom, ó nang pag-gauang parati nang mahalay, ó nang pag-inom nang alac na marami, ó dahil sapagca ang maysaquit ay mayroong bulati sa tiyan, ó sinisibulan nang ng̃ipin, ó sapagca siya,i, pinalo sa ulo, ó natacot, ó nahulog sa mataas, ó dahil sa siya,i, sinisibulan nang bucol sa bung̃o nang uló, ó nag-iisip nang mang̃a maliliuag ó sapagca biglang sinumpong nang malaquing tacot ó toua ó galit caya; cun minsan naman ay dahil sapagca ang may cataua,i, nalalinan nang bulutong ó tigdas, ó sapagca sala ang pagdaan nang sa panahon, cun baga babayi. Caya maliuag maalaman cun minsan ang dahilang pinang̃agaling̃an nitong saquit na ito. Cun minsan minamana yaong saquit.

412. Ang bagay sa sinasauan, ay ang pagtahan sa maaliualas na lugar, na hindi natacpan nang bahay ó cahoy na marami: masama sa caniya ang pag-inom nang alac, ang pagcain nang baboy, ó mang̃a bung̃a ó gulay na may hang̃in para nang saguing, patani, etc. masama rin ang siya,i, magalit, ó matacot nang malaqui. Houag siyang tuming̃in sa mang̃a malalim na lupa ó sa mang̃a ilog na matulin ang agos, na yao,i, nacacalio at nacacapagdala uli nang saquit. Ang gagauin doon sa oras nang pagcacasaquit nang tauo, ay ang turo sa párrafo 404 at sa 405. Mabuti sa saquit na ito capag nasaol-an na ang may catauan ang polvos número 81, na iinumin niya sa isang tazang tubig na malacuco cun umaga, ayon sa turo ni Linneo.

413. Saca cailang̃ang pacausisain ang totoong dahilan nang saquit, at cun nahahalatang nadoroon sa bung̃o ó sa utac nang ulo, cun marugo ang may catauan, ay cailang̃ang sangrahan pag siya,i, nasaol-an; at cun nagcacasaquit dahil sa nauala,t, inurung̃an siya nang pauis ó galis ay gagamutin para nang turo sa capítulo 54.

414. Cun ang saquit ay dala nang siya,i, inurung̃an nang bouan, cun baga babayi, gagauin ang bilin sa capítulo 76, cun baga dahil sa pagsibol nang ng̃ipin, ay cailang̃an doon ang pagsumpit at ang baños hangan tuhod sa malacucong tubig; cun hindi pa natatalo ang saquit, ay parapitan ang bata nang bilin sa número 36, sa ibabao nang licod sa pag-itan nang dalauang balicat; basahin mo ang capítulo 84 at 86. Gayon din ang gagauin pag ang tauo,i, sinasauan dahil sa siya,i, bubulutung̃in ó titicdasin.

415. Cun baga caya sinasauan ang may catauan sapagca siya,i, mayroong bulati sa tiyan, ay gagamutin para nang turo sa capítulo 85.

416. Cun ang saquit ay dala nang cahinaan nang litid nang may catauan ay magaling doon ang quina (dita) at ang bacal número 54.

Ang gagauin sa babaying sinusubaan na yaong saquit na yao,i, pinang̃ang̃anlan nang castilang mal de madre.

417. Itong saquit na ito,i, maliuag matapatan nang gamot. Ang mang̃a babayi malimit daanan nitong hirap na ito, at lalo pa ang mang̃a mahihina. Sarisaring dahilan ang pinang̃agaling̃an nang ganitong saquit. Ang mang̃a litid nang catauan, ang sicmura, ang mang̃a bituca, ang dugong may calahoc na masama, ang pag-urong nang sa panahon, ó ang di pagpanaog para nang dati, ó cun minsan naman ang malaquing tacot ó galit, ó ang pagdadalamhati nang may catauan.

418. Bagay-bagay ang inaasal nang mang̃a babaying sinusubaan. Mayroong tila nalilio lamang, ó anaqui natutulog; datapoua ang hining̃a ay bahagya na nararamdaman. Mayroong iba, na ualang tahan ang pagquibo, na hindi mapiguil nang ilang catauo. Bago daanan noong saquit na yaon ang babayi, ay nanglalamig muna cun minsan ang caniyang mang̃a paa,t, camay, naghihicab siya,t, namamanglao. Cun minsan naman mayroon siyang nararamdamang matigas sa dacong puson, na ungmaaquiat cun malauon lauon sa itaas sa sicmura; na dahil doo,i, sungmusuca siya cun minsan. Saca nagpapatuloy yaong matigas sa lalamunan, at ang maysaquit ay ga quinacapos nang paghing̃a, ó dungmadalas caya sa dati ang paghing̃a niya; ang puso,i, cungmacabacaba nang malacas, lungmalabo ang pagting̃in, nalilio ang may catauan at hindi macaring̃ig; bucod doon ay cungmiquinal cun minsan ang mang̃a casangcapan nang catauan.

419. Nang masaol-an ang babaying sinusubaan, ay magaling paamoyin nang mang̃a mabaho gaya nang sunog na pacpac nang manoc, asafetida (ingo) ó espíritu de cuerno de ciervo. Ang pagcasangra sa maysaquit ay maigui rin cun siya,i, malacas ó matabang totoo; ng̃uni cun mahina ó maramdamin ang babayi, ó lauon nang panahong siya,i, marahil daanan nang suba, ay hindi sucat sangrahan. Magaling namang doonan sa talampacan nang tig-isang bato ó ladrillong mainit, at cuscusin nang malacas nang mainit na damit ang caniyang paa hangan tuhod, ang camay, sampon nang tiyan. Datapoua ang mabuti sa lahat ay ibabad ang caniyang paa hangan tuhod sa mainit na tubig, at lalo pang sucat gauin ito, cun ang pagdaan nang pagsuba, ay cun malapit nang panaugan nang bouan ang may catauan. Cun baga ang maysaquit ay ilan nang arao na hindi nananabi para nang dati, ay maigui sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan na linag-yan nang caunting asafétida (ingo); at pag siya,i, nacacalon-on na, ay painumin nang dalauang chucharang tubig na pinagtunauan nang caunting ingo rin. At cun hindi natatalo pa ang saquit, ay palonoquin ang may catauan nang tubig na pinaglagaan nang dahon nang cahel ó sintoris para nang turo sa párrafo 405. Maigui ring painumin nang café, na sinamahan nang isang cucharang aguardiente, na yaon ay gagauin pagca inato nang guinaua ang ibang mang̃a turo co ng̃ayon, at hindi rin natatalo ang saquit. Itong mang̃a bagay na sinabi co ng̃ayon ay gagauin sa oras nang paghihirap nang babaying sinusubaan. Cun baga hindi nasaol-an ang babayi, cundi namamatay, ay gagauin ang bilin sa párrafo 460, maca hindi patay ca totoo ang maysaquit. Datapoua nang houag umoli ang saquit, gagauin ang isusunod co dito ng̃ayon.

420. Pag ang babaying sinusubaan ay nasaol-an na, ay hindi sucat itahan ang pag gamot doon, at ang saquit ay uuli rin caalamalám, cundi alisin ang pinacaugat na pinang̃agaling̃an noong hirap na yaon. Caya ang gagauin sa may cataua,i, gayon: Houag pacanin siya ng̃ marami, lalo pa cun gab-i. Ang pagpambo sa malamig na tubig ay totoong buti doon; ang pagtahan nang malauon nasa hihigan ay masama. Ang bacal para nang bilin sa número 54, at ang quina (dita) número 14, ay totoong galing sa mang̃a mahihinang babayi, ó sa mang̃a sicmurain. Cun yaong saquit ay dala nang cainitan nang litid, palonoquin ang babayi nang isa ó dalauang pelotillang talamponay na ganga balatong calaqui sa isang cucharang tubig, ayon sa bilin sa número 57, at cun minsan siya,i, macacatulog. Na-aari namang isama sa sumpit ang isa ó dalauang pelotillang talamponay, cun aayao inumin yaon nang babayi. Datapoua cun ang may catauan ay totoong nagsasaquit nang pag-gaua, lalo pa cun hindi tungmatahan nang pananahi, ó paghabi, ó pagdurugtong nang abacá, at saca sungmasala siya sa oras nang pagcain, at nagugutom, ay houag siyang umasang gagaling. Cun hindi mangyaring tumahan nang pag-gaua, ang bagay sa may catauan ay manaog siya sa lupa nang caunting oras cun umaga at cun hapon, at siya i, magtanim nang anomang damo doon, na caniyang aalagaan, at yaon lamang gauang yao,i, macacaualauala nang caniyang masamang damdam nang catauan.

421. Cun baga marumi ang sicmura nang maysaquit, ay cailang̃ang pasucahin nang mahinang pasuca, número 35; at cun hindi manabi para nang dati, ay houag pacanin nang marami; at painumin siyang maminsan-minsan nang caunting ruibarbo ó maná, número 82.

Nota. Cun minsan ang babayi, at gayon din ang lalaqui, sinusubaan dahilan sa mang̃a sinasaysay sa capítulo 74. Caya cailang̃ang basahin yaon, pati nang mang̃a párrafong magcasumunod doon.

Ang gamot sa babaying namamanghid ang caniyang paa, ó camay ó ang ibang casangcapan nang catauan, na ang tauag nang castila sa gayong saquit ay calambre histérico.

422. Ang mang̃a babaying maramdamin ó mahina, ay malimit daanan nang pamamanghid nang paa, ó camay ó nang ibang casangcapan nang catauan, lalo pa cun sila,i, nahihiga. Ang magaling sa gayong saquit ay ang parapit número 36. Cun minsan mauauala rin ang saquit, pag bañusan arao-arao ang may catauan hangan tuhod sa malacucong tubig. Mayroon namang pamamanghid nang paa, na siyang cusang nauauala capag binigquisan yaong maysaquit na casangcapan. Cun baga yaong maysaquit na yao,i, dala nang mang̃a maruruming nadoroon sa sicmura ó bituca, ay mabuti doon ang quina (dita).

Ang gamot sa biglang dinaraanan nang hindi macahing̃a, ó sa quinacapos nang paghing̃a, na ang tauag nang castila sa gayong saquit ay sofocación.

423. Tatlong dahilan ang pinagmumulan nitong saquit na ito. Ang isa,i, ang mang̃a litid nang baga cun ungmiinit ó cungmiquinal. Ang icalaua,i, cun mayroong maraming dugo, doon din sa baga nang may catauan. Ang icatlo ay ang mang̃a malagquit na tungmatahan sa baga rin.

424. Cun ungmiinit, ó ga nang̃ung̃urong ang mang̃a litid nang baga, na dahil doo,i, hindi macahing̃a ang may catauan, ay mauaualang cusa ang caniyang saquit di man siya gamutin, ó cun paamuyin nang mabaho, para nang sinunog na pacpac nang manoc ó ingo.

425. Cun minsan dinaraanan ang maysaquit nang hindi macahing̃a dahil sa napacapuno nang dugo ang caniyang baga, na caya na-aalaman yaon, ay sapagca ang pagdaan nang saquit ay capag siya,i, nahihirapan nang pag-gaua nang anoman, ó sapagca siya,i, mataba,t, malacas cumain, ó marami ang iniinom na alac, at ang pulso doon sa oras nang saquit, ay matigas at malacas, at mapula ang muc-ha. Ang gagauin doon sa gayon, ay sasangragan sa camay; sumpitin ng̃ malimit at painuming parati nang bilin sa número 1; itong painom ay sasamahan nang salitre, timbang saicapat sa tatlong tagayan. Magaling doon naman ang pagsipsip nang sing̃ao nang suca, para nang turo sa número 53.

426. Cun baga caya hindi macahing̃a ang maysaquit, ay dahil sa mayroong naninicquit na mang̃a malalagquit doon sa caniyang baga, na caya nahahalatang gayon, ay sapagca siya,i, dating masasactin, ó mahina, ó hicain siya, ó nananab-ang ang pagcain, ó ang quinacain niya ay ang mang̃a ualang sustancia, ó siya,i, ungmiinom na parati nang mainit na tubig, at bucod dito ang caniyang pulso,i, munti malambot, at siya,i, namumutla; ang gagauin doo,i, gayon.

427. Touing calahating oras ay painumin ang maysaquit nang bilin sa número 8, ga isang cuchara carami ang isang inom. Painumin din nang marami nang turo sa número 12. Parapitan sa mang̃a binti nang bilin sa número 36. Ang pagsasangra doon cun minsan ay cailang̃an, cun ang maysaquit ay mataba niyong hindi pa siya dinaraanan nang hindi macahing̃a, at cun ang pulso,i, malacas at puno. Magaling namang sumpitin. Cun baga yaong bilin sa número 8 ay uala, ang gagauin ay gayon: Bumayo ca nang isang lasona ó dalaua caya sa isang babay-ang hindi tangso; pagcabayo na ay iyong bus-an nang mainit na suca, bago salain, at pigain sa sinamay ó lienzo; pagca yari na yao,i, samahan mo nang isang gayon ding pulot, at yaon ang ipainom sa maysaquit, ga isang cuchara carami touing calahating oras. Itong gamot ay totoong buti; at ang isa pa,i, ualang liuag gauin.


CAPÍTULO 70.

Ang saquit na frenesí, na yao,i, saquit nang utac nang ulo nang tauo, na dahil doon ay nasisira ang bait ang maysaquit, na tila bungmabagsic.

428. Itong saquit na ito, ay ang pagiinit ó ang pamamaga nang utac nang ulo nang tauo, at marahil nacacasama nang mang̃a lagnat na maning̃as ó buloc ó sucab; datapoua cun minsan ang frenesí ay ualang casamang saquit na iba. Ang dinaraanan nang frenesí ay nalalagnat; nasisira ang bait; sungmasama ang loob niya, pati nang pagting̃in, na dahil doo,i, anaqui bungmabagsic; ang pulso,i, matigas, mapula ang muc-ha, ang bibig ay tuyo; hindi macatulog siya nang mahimbing; sa ilong mayroong tungmutulong tubig; mayroon namang tungmitiboc nang malacas doon din sa quibotquibotan at sa liig; ang maysaquit ay hindi nauuhao, baga man tuyo ang caniyang dila.

429. Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito,i, ang maraming dugo; ó ang dugong malabnao na lubha, na yao,i, dala nang cabataan, ó sapagca inaarauan ang may catauan, ó ungmiinom nang alac, ó cun macacain siya nang mang̃a mainit, para nang luya, pimienta, ó dahil sa siya,i, inuurung̃an nang panahon, cun baga babayi, ó cun mang̃anac at hindi siya linabsan nang ugaling lungmalabas na dugo sa mg̃a babaying nang̃ang̃anac, ó dahil sa napuyat ang may catauan, ó totoong nagsaquit siyang gumaua, ó nag-isip nang mang̃a maliuag; ó sapagca namamanglao, ó nasactan siya sa ulo, at tinapalan nang malamig.

430. Ang gamót sa frenesí ay gayon: Ang maysaquit ay houag lilibutin ng̃ maraming tauo. Ang ipaiinom sa caniya ay ang bilin sa número 1, ó sa número 10, ó sa número 17. Bucod dito,i, cailang̃ang sangrahan sa camay, at cunan nang maraming dugo, cun malacas ang may catauan; ng̃uni cun mahina na siya, ang totoong buti doo,i, ang pacaptan sa linta ang mg̃a quibotquibotan; ang isa pang nacacaginhauang agad sa maysaquit, ay ang pagbabaling̃oyng̃oy; caya cailang̃ang sootan ang ilong ng̃ maysaquit, nang ilang buhoc nang cabayo at guilaogauin, hangan tumulo ang dugo; magaling namang pacapitan sa linta doon sa pouitan. Bucod dito,i, susumpitin, at ang paa,i, babañusan sa malacucong tubig at tatapalang parati (ang mg̃a paa rin) nang tinapay nadurog na binasa nang gatas. Ang ulo ay cailang̃an namang ahitin. Cun ang maysaquit ay inuurung̃an nang bouan, ó hindi siya dinaraanan nang ugaling dungmaraan sa mg̃a nang̃ang̃anac na babayi, ó biglang naual-an ang maysaquit nang galis ó buni ó hindi sungmasago ang fuente (cun baga may fuente), at dahil sa mg̃a ganito,i, nagcasaquit nang frenesi ang may catauan, ay cailang̃ang basahin nang mangagamot dito sa librong ito ang cabagayang gagauin doon sa gayong mg̃a saquit, at siya ang susundin agad. Cun ang saquit hindi nauauala, at hindi rin namamatay ang may catauan, caalamalam boong buhay sira ang caniyang ulo.


CAPÍTULO 71.

Ang gamot sa nacalon-oc nang lason.

431. Cun mayroon tauong nacacain ng̃ anomang bagay na lason, para nang talamponay ó cabuti, ó bung̃a nang tuba, camaisa ó pepita ni san Ignacio, ó iba cayang damong masama, ang gagauin doo,i, gayon. Ang maysaquit ay paiinumin nang maraming malacucong tubig na sinamahan nang caunting asin ó azucar, at pagcaraca,i, pasucahin nang maraming tubig at lang̃is, ó nang bilin sa numero 34 ó 35. Pag nacasuca na ang may catauan, saca painomin pa nang maraming tubig na linahucan nang pulot ó azucar; itong tubig na ito,i, lalag-yan din nang maraming suca; bucod dito,i, susumpiting parati ang maysaquit nang gatas na may casamang lang̃is. Cun minsan ang maysaquit ay nahihilim na parati, na dahil doo,i, cailang̃ang parapitan sa paa at camay nang bilin sa numero 36, lalo pa cun ang caniyang linon-oc ay ang opio ó ang talampunay na yao,i, catulad nang opio; cun gayon ay cailang̃an namang sangrahan agad ang maysaquit, at gauin doon ang mang̃a turo sa párrafo 101, gaya nang sa nagcacasaquit nang apoplegía. Cun baga caya nagcacasaquit ang tauo,i, dahilan sa siya,i, pinurga ó pinasuca nang purgang matapang ó pasuca ay gagamutin para nang turo sa párrafo 445.


CAPÍTULO 72.

Ang saquit na pasmo na yao,i, catulad nang perlesía.

432. Pinang̃ang̃anlang pasmo ó perlesía yaong saquit na yaon, na marahil dumaan sa nagtatahan dito sa Filipinas. Yaong saquit capag tumama sa puso, ó sa baga ay mamamatay ang may catauan; cun sa sicmura, sa mang̃a bituca ó sa pantog nang ihi, ay mapang̃anib din ang buhay nang tauo; at cun ang muc-ha ang napasma, ay masama ring saquit, sapagca yaong gayo,i, sa mang̃a utac nang ulo nangagaling, at cun ang muc-ha,i, lungmalamig at cungmucupis, ó cun ang maysaquit ay nacacalimot-limot na, ay maliuag mauala yaong saquit. Itong saquit na ito cun minsan sungmusunod naman sa tama nang hang̃in ó mal de viento.

433. Yaong casangcapan nang catauan na tinatamaan nang perlesia ó pasmo ay hindi nacararamdam at cun minsan hindi maiquibo. Ang pinagmumul-an nitong saquit, ay iba,t, ibang dahilan. Ang pag-inom nang maraming alac hangan nalalasing ang may catauan, ang mang̃a sugat sa ulo at sa loob nang gulugod, ang hang̃ing malamig cun ungmuulan, ang pagliban nang ugaling pag-ihi ó pananabi; ang pagtahang parati na ualang gaua, ang pag-inom nang malimit nang cha, ó cafe etc., ang mang̃a sugat sa litid, ang sing̃ao na masama na nangagaling sa lupa, at ang iba pa.

434. Cun baga batang tauo ang nagcacasaquit noong saquit na pasmo, at ang catauan noon ay magaling, at siya,i, mataba, gamutin para nang dinaraanan nang apoplegíang dala nang cainitan nang dugo, parrafo 101; sa macatouid, sasangrahan, susumpitin, at pupurgahin para nang turo doon.

435. Datapoua ang mang̃a mahihinang tauo, ó ang mang̃a matatanda na, cun dinaraanan nitong saquit na pasmo, ay houag gamutin nang gayon, cundi para nang isusunod co dito. Cuscusin, ó hilutin nang camay ang casangcapang masaquit nang catauan. Ang parapit número 36, ay maigui rin. Datapoua cun hindi pungmapayag ang may catauan doon, ó cun ang saquit ay nadoroon sa muc-ha, ay hilutin arao-arao yaong masaquit nang alac na pinag-tunauan nang caunting ingo, ayon sa turo nang P. Clain, at sumpitin tuloy ang maysaquit. Ang pag-inom nang tubig na linag-yan nang polvos nang ugat nang Malungay, ay mabuti sa saquit na yaon. Ang ugat ay pinatutuyo muna sa arao ó sa apoy man, bago bayuhin. Ang pasuca número 35 (ani Buchan) ay totoong buti cun nacacayanan nang catauan nang maysaquit at cun ang canyang pasmo, ay para nang sinabi co dito rin sa párrafong ito. Cun hindi pumayag ang maysaquit doon sa pasuca nang número 35 ay na-aari ang pasuca nang malacucong tubig na sinamahan nang lang̃is, azúcar at suca. Maigui naman doon ang mang̃a bagay na nagpapabahin para nang polvos nang tabaco, etc. Bucod dito ang maysaquit ay mag-iing̃at sa ulan sa hamog, at sa calamigan nang panahon.

Nota. Sa saquit na pasmo ang totoong galing na gamot, ay ang talbos ó ang dahon isang cahel na ilalaga sa tubig, at itong tubig na ito ay ipaiinom touing umaga sa maysaquit ayon sa turo sa párrafo 405. Magaling din ang pag-inom na maminsan-minsan nang calahating tazang tubig na hinulugan nang calahating cucharang buto nang mostaza.


CAPÍTULO 73.

Ang saquit na ictericia na iquinapaninilao nang mata nang tauo.

436. Itong saquit na ito,i, dala nang apdo, na hindi husay na para nang dati, ó cun sungmusucal ang mang̃a dinaraanan noon. Sa saquit na ictericia ang puti nang mata at ang boong catauan cun minsan ay dungmidilao, pati nang ihi madilao rin, at nacacamancha sa mang̃a damit na maputi. Ang maysaquit ay nananab-ang nang pagcain at mapait ang caniyang bibig. Ang iniilaguin niya ay maputi ó maitim, at cun minsa,i, sungmusuca siya naman nang madilao. Ang mang̃a sangol capag hindi iniilaguin nila yaong unang duming ugaling ilaguin nang mang̃a batang bagong pang̃anac, ay marahil magcasaquit nitong ganitong saquit. Ang mang̃a babaying buntis ay gayon din. Ang mang̃a dalaga,i, dinaraanan naman noon ding saquit na yao; pati ang quinagat nang ahas ó asong ol-ol.

437. Cun ang saquit nang ictericia ay sungmusunod sa pagsintac sa atay, ó sa purga ó pasucang matapang ó sa paglon-oc nang lason, sa pamamanglao, ó sa tacot ó galit na malaqui, ó sa cólico bilioso párrafo 364, ang maysaquit ay ilagay sa husay nang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5, at macaapat maghapon paiinumin nang bilin sa número 20. Susumpitin siya nang malimit nang bilin sa número 5. Ang iinumin niyang parati ay ang turo sa número 1 ó 2; at touing icatlong arao pupurgahin nang bilin sa número 47. Datapoua cun yaong saquit ay sungmusunod sa lagnat na pang̃iqui, ó sa ibang saquit na malaqui, ang may cataua,i, pupurgahin nang malimit nang bilin sa número 47, at paiinumin nang sa número 3. Cun babayi ang nagcacasaquit nang-saquit na ictericia ó opilación dahilan sa hindi husay ang pagpanaog nang sa bouan, at hindi siya buntis, ay basahin mo ang capítulo 76, at sundin ang mang̃a turo doon.

438. Cun minsan iba ang punong pinagmumul-an nang ictericia; sa macatouid cun sungmusucal ang mang̃a dinaraanan nang apdo nang tauo. Cun gayo,i, ang atay tungmitigas, ó tila may sungmasaquit doon, lalo pa cun bagong nacacain, ó cun siya,i, napagal nang pag-gaua nang anomang mabig-at na gaua; ang isa pa roon ay hindi maihiga niya ang canang taguiliran; nananab-ang siya nang pagcain, at mapait ang bibig. Cun gayon ang icterecia, ay maliuag mauala. Ng̃uni ang gagauin sa ganoong maysaquit, ay gayon: Sasangrahang minsan ang maysaquit, ó macalaua, cun siya,i, mataba,t, marugo. Paiinumin siya namang parati nang suero número 17, Palolonoquin nang píldoras número 18, at paiinumin naman nang sa número 24. Bucod dito,i, pupurgahin siya nang turo sa número 47. Maigui rin doon ang bilin sa número 71.


CAPÍTULO 74.

Ang gagauin sa tauong sinusubaan na ang pang̃alan nang castila sa gayong saquit ay desmayo.

439. Ang mang̃a tauong sinusubaan, ó nadedesmayo, ay iba,t, iba ang inaasal nila. Mayroong nacacaalam tauo, hindi lamang macapag-uica, na yao,i, marahil dumaan sa mang̃a babayi. Ang pulso doon ay hindi lubhang nag-iiba; ang pang̃alan nang castila doo,i, deliquio. Cun ang may catauan hindi nacacaramdam at hindi rin nacacaalam tauo, at totoong hina nang pulso, ang tauag nang castila doo,i, síncope, na yaon ang icalauang pinaca grado nang desmayo. Datapoua cun ang maysaquit ay tila bangcay, na malamig ang caniyang catauan, at hindi nararamdaman ang pulso pati nang hining̃a, ang pang̃alan doon nang castila ay asfxia, na yao,i, ang icatlong grado nang desmayo. Ang tauag nang tagalog dito cun minsan ay panhihimatay. Ang mang̃a punong pinagmumul-an nang mang̃a desmayo ay anim. Ang isa,i, ang dugong marami. Ang icalaua,i, ang cahinaan nang may catauan, na siya ang ugaling dahilan. Ang icatlo,i, ang sicmura cun marumi. Ang icapat ang mang̃a litid. Ang icalima ang galit, ó tacot, ó ang pamamanglao na malaqui. Ang icanim, ay ang ibang mang̃a saquit, na cun minsan ay magcasama nang desmayo.

Ang gagauin sa sinusubaan, ó nadedesmayo dahil sa siya,i, marugo.

440. Caya nahahalata, na ang maraming dugo ang nagdadala nang desmayo, sapagca ang may cataua,i, malacas at mataba. Ang pagtama nang saquit ay pagca siya,i, nacacain nang mang̃a maiinit, ó nacainom nang alac, aguardiente, café, ó mainit na chá; ó sapagca siya,i, inarauan, ó napatahan sa mainit na lugar, ó cun siya,i, nagsaquit gumaua ó nag-iisip nang maliuag, at bucod doon, ay namumula ó namamantal ang caniyang muc-ha. Ito ring mang̃a dahilan ay pinagmumul-an naman nang pagquinal nang catauan nang tauo, na cun minsan sungmusunod ó cun minsan sinusundan nang suba ó desmayo.

441. Ang gamot sa sinusubaan dahilan doon, ay ang suca, na ang calahating bahagui ay tubig na malacuco, na ipa-aamoy sa maysaquit; ang noo, ang quibotquibotan, at ang galang-galang̃an nang camay niya, ay babasain noon ding sucang tinubigan; at painumin siya naman nang dalaua, ó tatlong lag-oc nang suca rin, na ang tubig ay marami sa calahati. Cun hindi nasasaol-an pa ang maysaquit, nang macalalo ang saicapat na bahagui nang isang oras, ay sasangrahan sa camay. Pagca sangra na, ay maigui sumpiting minsan, at touing calahating oras paiinumin nang isang tazang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, na sinasamahan nang caunting azúcar at suca.

Nota. Cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,i, marugo, ganito rin ang pag-gamot doon.

Nota. Ang bagay sa tauong marahil madesmayo dahil sa siya,i, marugo nang houag umoli ang saquit, ay ang pag-inom cun umaga,t, cun hapon nang bilin sa número 20, pati nang sa número 1; ang pagcain nang canin, gulay at tubig lamang; at maminsan minsan ang baños hangan tuhod sa tubig na malacuco; bucod dito,i, magaling ang siya,i, lumacad na parati at houag habaan ang tulog. Ito,i, gagauin niya capag nararamdamang dungmarami uli ang caniyang dugo.

Ang gagauin sa tauong sinusubaan, lalaqui ma,t, babayi man, dahil sa cahinaan nang catauan, para nang mang̃a babaying nang̃ang̃anac, ó dahil sa nahanaan nang gutom, ó nang pagbabaling̃oyng̃oy, ó pag-iilaguin nang malacas, ó dahil sa pinurga ó pinasuca nang matapang na pamurga ó pasuca, ó dahilan sa mang̃a maruming nadoroon sa sicmura.

442. Ang saquit na suba dahil sa cahinaan nang catauan nang tauo, ay hung mahalili, ó sungmasabay cun minsan sa pag-iilaguin nang malacas, sa pagbabaling̃oyng̃oy, ó sa pagpauis, sa malimit na pag-gaua nang mahalay, sa pagcapuyat, ó sa malauong pananab-ang nang pagcain; sapagca ang mang̃a ganito,i, paraparang totoong nacacahina sa catauan.

443. Ang gagauin sa nadedesmayo ó nahanaan dahil sa siya,i, linabasan nang maraming dugo sa ilong, ay aquing sinabi na sa capítulo 42; siya ang sundin. Datapoua cun ang dahilan nang saquit na suba ay ang ibang mang̃a sinaysay co sa párrafong sinundan nito, ay ganoon ang paraan nang pag-gamot. Ang maysaquit ay quinucumutan; quinucuscos nang mainit na damit ang boong catauan niya, at cun mayroong tali sa catauan ay quinacalag; pina-aamoy nang ruda, sambong romero, ó yerba buena; pinalolon-oc nang ilang capatac nang aguardiente, ó alac na linahucan nang caunting tubig. Ang alac sa misa na sinamahan nang azúcar at canela, cun paculuin sa apoy, at saca ipainom sa maysaquit, ay totoong galing na cordial doon; lalag-yan naman sa sicmura nang isang damit na babad sa alac sa misa na pinaglagaan nang romero, ó sambong, ó sa ibang damong mabang̃o. Pagca ang maysaquit ay nacacalon-oc na, ay big-yan nang sabao na hinulugan nang isang pula nang itlog, ó pacanin caya nang isang sopas na tinapay, ó broas na babad sa alac na binudburan din nang caunting azúcar at canela.

444. Ang sinusubaan dahil sa siya,i, nasangrahan, ay hindi cailang̃ang gamutin, at mauauala pagcaraca yaon, capag siya,i, humiga, ó cun paamuyin nan suca, at painumin nang caunting suca rin, na may calahoc na tubig.

445. Cun baga caya sinusubaan ang tauo,i, sapagca siya,i, pinurga, ó pinasuca nang totoong tapang na pamurga, ó pasuca, ay paiinumin siya nang lang̃is sa castila, ó big-yan nang azúcar; maigui rin, ang gatas ó ang tubig na pinaglagaan nang palay, para nang guinaua sa nacalon-oc nang lason, capítulo 71. Bucod doo,i, susumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan, na sinamahan nang lang̃is at pula nang itlog nang manoc. Cun bago malubha, ó mahirap ang lagay nang maysaquit, ay mabuti sangrahan. Datapoua cun ang maysaquit hindi nag-iilaguin, cundi sungmusuca lamang, ay lilimitan ang pagsumpit houag lamang lag-yan nang pula nang itlog. Magaling ding pambohan ang maysaquit sa malacucong tubig. Basahin mo ang párrafo 517.

446. Ang mang̃a babayi marahil subaan ó madesmayo pagca sila,i, nacapang̃anac, at lalo pa cun binusan nang maraming dugo. Ang gagauin doon ay sundin ang aral sa capítulo 79, at sa capítulo 80, at cun gayon bihirang babayi ang magcacasaquit noong gayong saquit. Maigui ring paamuyin nang suca.

447. Ang tauong sinusubaan dahilan sa mang̃a maruruming nadoroon sa caniyang sicmura, mabuti paamuyin nang anomang matapang na amoy, at painumin ng̃ tubig na malacuco, na pinaglagaan nang manzanilla ó sambong ó bulaclac nang alagao. Pag nasaol-an ang maysaquit ay big-yan ilang arao cun umaga nang bilin sa número 38.

Ang gagauin sa tauong sinusubaan ó nadedesmayo dahilan sa mayroong saquit sa caniyang mang̃a litid.

448. Ang saquit na suba dahilan sapagca mayroong saquit sa mang̃a litid, ay siyang cusang nauauala, capag pinapaypayan ang may catauan at pina-aamoy nang mg̃a mabaho. Mabuti ring atuhing basain ng̃ tubig na malamig na sinucaan ang noo, pati nang quibotquibotan nang maysaquit. Dito rin nauucol ang saquit na marahil dumaan sa mang̃a babayi, na pinang̃ang̃anlan namang suba na sinaysay co na sa párrafo 417.

449. Ang nadedesmayo dahil sa mayroong saquit sa caniyang litid, ay cailang̃ang lumacad na parati ó magpasial, lalo pa cun umaga. Ang purga, ang pagsasangra, ang mahabang tulog, at ang di pagpanaog sa bahay ay pauang masama sa caniya.

Nota. Cun babayi, ang sinusubaan dahil sa mayroon siyang saquit sa caniyang mang̃a litid ay gagamutin para nang turo doon sa párrafo 419 at sa 420.

Ang gamot sa tauong sinusubaan ó nadedesmayo dahil sa siya,i, natacot, ó namanglao, ó nagalit.

450. Ang nagcacasaquit dahil sa siya,i, natacot, ay gagamutin para nang turo co sa capítulo 68.

451. Ang tauong sinumpong ng̃ galit, ó nang pamamanglao, at nadesmayo dahilan doon, ay paamoyin siya nang suca, at paiinumin ng̃ malimit nang tubig na malacuco, na pinaglagaan ng̃ balat nang dalandan ó dayap. Pag nasaol-an ang maysaquit ay painumin nang limonada número 33, at sumpitin nang bilin sa número 5. Cun ang maysaquit ay dungmoroual na parati, at mapait ang bibig niya, at yaong mang̃a bagay na yaon ay hindi iuala nang limonada,t, nang pagsumpit, ay big-yan nang sa número 23 ó nang sa 24. Masama roon ang pasuca.

Nota. Cun babayi ang sinusubaan dahil sa siya,i, natacot, ay gagamutin ayon sa turo sa párrafo 419 at sa 420, ó para nang turo sa párrafo 401.

Ang gagauin sa lalaqui ó na babayi cun nagcacasaquit nang malaquing saquit, at tuloy sinusubaan ó nadedesmayo.

452. Ang desmayo cun sungmasama sa ibang mang̃a saquit, ay masama. Ang nagcacasaquit nang lagnat na buloc, caya siya nadedesmayo ó sinusubaan, sapagca marumi ang sicmura, at capag siya,i, nacapag-ilaguin ó nacasuca, ay nauauala ang desmayo. Ang nagcacasaquit nang lagnat na sucab cun baga dinaraanan nang desmayo ay masama rin. Ang bagay doon sa oras na yaon ay ang suca na ipalolon-oc sa maysaquit, at cun masaol-an ay mabuti painomin nang maraming limonada, número 33.

453. Ang mang̃a desmayong sungmusunod sa pag-iilaguin, ó sa pagsuca nang marami, ó sa paglabas ng̃ maraming dugo ay isa rin nang desmayong dala nang cahinaan nang catauan, na sinaysay co na sa párrafo 442; at sa apat na magcasumonod doon.

454. Ang mayroong sibol sa loob nang catauan ay malimit subaan. Ang suca,i, maigui roon; datapoua marahil mamatay sa oras na yaon.

455. Ang tauong sinusubaan pagca nacaraan ó ungmunti ang lagnat, ay magaling painumin nang isang cucharang alac sa castila na linahocan nang isang gayong tubig. Ang matandang tauo na dinaraanan nang desmayo na hindi naalaman ang dahilan, ay masama, at caalamalam mamamatay.

Nota. Bucod dito sa mang̃a saquit na suba ó desmayong sinaysay co sa loob nitong boong capítulong ito,i, mayroong isa pang bagay na pinang̃ang̃anlan ding suba nang tagalog (sa uicang castila,i, epilepsia); ang gamot doon iyong hanapin sa párrafo 409 at sa mang̃a sungmosunod doon.


CAPÍTULO 75.

Ang mang̃a gagauin sa maysaquit na ualang pulso, at hindi rin hungmihing̃a, na cun tingnan, anaqui bangcay.

456. Mayroong tauo cun minsan, na cun tingnan ay tila patay, sapagca ang pulso at ang hining̃a ay nauauala, at hindi rin nacacaramdam. Caya cun mapalibing cun minsa,i, buhay. Ang namamatay nang biglang pagcamatay, na hindi na-aalaman ang dahilan, ang nalunod sa tubig, ang natamaan nang culog, ang babaying sinusubaan, pati nang namamatay nang biglang pagcamatay nang macapang̃anac siya, ang nagbicti ó ang binitay, at ang iba pang sasabihin co sa mang̃a párrafong isusunod dito, ay hindi sucat ilibing hangan di maramdamang mabaho baho na ang catauan. Yaong mang̃a caauaauang tauong gayon, cun minsan ay nasasaol-an nang buhay, (cun baga hindi totoong patay) capag masipag at hindi pabaya ang caniyang mang̃a casama sa bahay. Ang mang̃a guinagaua sa mang̃a gayon ay ualang liuag. Itutuloy lamang nang malauong panahon (ga apat, lima, ó anim na oras calauon); at cun hindi rin nasasaol-an nang buhay ang tauo, ay pabayaan na. Alin mang tauo, babayi man, cun marunong dunong magpaanyo ay macacagamot doon sa tila patay. Ang mang̃a gagauin doon ay ituturo co sa mang̃a isusunod ditong párrafo.

Ang gagauin sa nalunod sa tubig, na tila bangcay cun tingnan.

457. Ang tauong nalunod sa tubig, maitim nang totoo, ó namamaga man ang caniyang muc-ha, cun minsan masasaol-an nang buhay, capag ang pagtahan niya sa tubig ay hindi lumalo sa anim ó pitong oras. Sa hindi lubhang nalauon sa tubig ay bihira ang di nasasaol-an nang buhay. Ang gagauin doo,i, gayon: Pagca nahang̃o na sa tubig ang nalunod na tauo, ay dadalhin sa lugar na tuyo; huhuboan doon nang damit; ipahihiga doon nang pataguilid, at doroonan nang unan sa ilalim nang ulo, cucuscusin ang boong catauan niya nang malacas nang mang̃a damit na tuyo, na idinadarang sa apoy, upan din masaol-an nang init ang catauan. Cun mayroong aguardiente ó alac na matapang sa niyog ay maigui ibabad doon ang mang̃a damit na pang̃uscos. Mabuti namang ilapit lapit sa apoy ang tila patay cun guinagaua itong mang̃a turo co ng̃ayon. Magaling ding ibaon hangan liig sa buhang̃in cun baga mainit ang arao. Pagcayari na itong mang̃a sinabi co ng̃ayon, ay cailang̃ang baguhin ang lagay nang catauan nang nalunod, houag lamang ilagay nang patihaya. Saca hihipang parati nang malacas sa ilong ó sa bibig. Ang isang munting caputol na caua-yan, ay magagauang panhihip; ng̃uni cun hihipan sa ilong ay cailang̃ang tacpan nang camay yaong cabilang butas nang ilong, pati nang bibig; cun sa bibig hihipan ay tatacpan naman ang ilong. Caya guinagaua ito,i, nang magpatuloy ang hang̃in sa baga nang nalunod. Bucod dito ang isa pang totoong cailang̃ang gauin sa tila patay, ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco; ang paraan nang pagsumpit doo,i, ualang liuag. Magpatay capagcaraca nang isang manoc na malaqui, at ang caniyang buche, ay linising maigui. Maghanda ca naman nang dalauang cauayang mumunti, na isosoot doon sa dalauang butas nang buche nang manoc. Ang dulo nang isang cauayan ay ipapasoc sa pouit nang nalunod; pagcayari na ito,i, omip-ip ca nang tabaco, at ang usoc ay iyong paraanin doon sa cauayan patuloy sa pantog ó buche nang manoc, na pipisilin mo nang mapatung̃o sa loob nang catauan nang tauo. Itong ganitong pagsumpit nang usoc nang tabaco ay gagauin nang mahabang panahon hangan sa masaol-an nang buhay ang tila patay. Cung yaong mang̃a sinabi co ay itinuloy na hang̃an sa apat, lima, ó anim na oras, at hindi nasasaol-an nang buhay ang tauo, ay maitatahan na ang pag-gamot, at caalamalam patay na totoo ang tauo. Datapoua cun baga siya,i, nasaol-an nang buhay at hungmihing̃a na, ay maigui palonoquin nang ilang capatac na aguardiente, ó alac na matapang na tinubigan, at cun baga nacacasagui na yaon sa lalamunan, ay big-yan pa nang isang cucharang ualang calahoc Itong lahat na itinuro co ng̃ayon ay totoong buti. Ang gaua nang iba doon sa nalunod sa tubig ay canilang ibinibitin nang pataob; datapoua,i, masama yaon at macacamatay bagcus sa nalunod.

Ang gagauin sa tila patay, dahil sa siya,i, natamaan nang lintic, ó inarauan, ó nainitan nang apoy, ó nausucan, ó sapagca mayroon siyang inamoy na may amoy na, matapang para nang alcanfór, luya, pimienta, almizcle etc.

458. Ang tauong tila patay sapagca natamaan siya nang lintic, ó dahil sa mang̃a sinabi co ng̃ayon, ay huhubdan nang damit, at ipahihiga nang pataguilid na mataas taas ang ulo sa lupa, at lalong magaling sa muthaan. Pagcaraca,i, hihipan sa bibig, ó sa ilong para nang turo sa párrafo 457. Bubusan siyang parati nang maraming bang̃ang tubig na malamig sa boong catauan, lalo pa sa muc-ha,t, dibdib. Cun ualang tubig, ay ilalagay nang parapa ang tila patay doon sa muthaan; at sa tapat nang muc-ha niya, ay maigui ang pag-gaua nang isang hucay na munti, ganga bao calaqui, sapagca mabuti doon sa gayon ang sing̃ao nang lupa. Pagca nasaol-an na ang tila patay, ay babasain nang suca ang caniyang quibotquibotan, ang mata, pati nang ilong; at palolonoquin siya nang isang cucharang suca rin. Saca dinadalang malapit lapit sa may apoy, at bubusan pa mandin sa catauan nang malamig na tubig, hangan sa masaol-an siyang totoo. Saca inilalapit lapit pa sa apoy, at pinaiinom nang sabao nang carne, ó nang caunting aguardiente. Cun itong mang̃a sinabi co ng̃ayon ay hindi maniya, ay sumpitin nang usoc nang tabaco para nang turo sa párrafo 457.

Ang gagauin sa tila patay dahil sa masamang sing̃ao nang mang̃a pusali, ó mang̃a libing̃an, ó bilangoang quinadoroonan nang maraming tauo, at sa tila namatay sa panahong tag-salot, ó cun siya,i, linagnat nang lagnat na sucab, ó binilutong.

459. Ang gagauin sa anaqui patay dahil sa mang̃a sinabi co ng̃ayon, ay ang mang̃a turo co sa párrafo 458 na sinundan nito. Datapoua ang tubig na ibubuhos sa catauan nang tauo ay mabuti lahucan nang suca cun baga mayroon. Magaling namang pasucahin ang gayong tila patay nang ga dalaua ó tatlong cucharang ojimiel escilítico ú ojimiel nang bacong na sinamahan nang isang cucharang aguardiente ó alac na matapang. Ang pag-gaua nang ojimiel ay aquing sasaysayin sa número 8. Yaong mang̃a tauong inuupahan nang paglilinis nang mang̃a pusalian ó mang̃a lugar na mabaho, ay maigui painumin muna nang caunting aguardiente ó alac na matapang nang houag macapagcasaquit sa canila ang sing̃ao na masama ng̃ canilang linilinisan.

Ang gagauin sa tila namatay dahil sa siya,i, sinumpong nang malaquing galit, ó toua, ó sapagca nabalitaan nang masamang balita, ó dati na siyang sinusubaan, ó dinaanan siya nang desmayo.

460. Ang dinaraanan nang malaquing galit, ó toua, ó nabalitaan nang masamang balita, ó ang sinubaan, ó dati nang sinusubaan, ó nadesmayo, at saca tila natuluyang namatay, ay hindi sucat pabayaan, at cun minsa,i, hindi patay ang may catauan, at masasaol-an nang buhay. Caya ang gagauin doon ay gayon: Ang tila patay idoroon sa maaliualas na lugar; bubusan ang caniyang catauan nang maraming malamig na tubig; hihipan agad sa ilong ó sa bibig, para nang turo sa párrafo 457; lalapitan sa ilong nang mang̃a mabaho para nang sunog na pacpac nang manoc; ang galangalang̃an nang camay at ang quibotquibotan ay maigui hilutin nang damit na mabang̃o; cuscusin ang catauan nang damit na ininit sa apoy; daroonan sa talampacan nang mang̃a bato ó ladrillong mainit; uugain ang catauan at bubuhating maminsan-minsan; bubunutin naman ang ilang buhoc, at tatauaguin nang caniyang pang̃alan; pagca huming̃a na nang caunti, ay palonoquin nang isang cucharang agardiente. Ang gayong tila patay na tauo,i, mabuti hubdan, at calaguing lubos ang lahat na tali nang damit, at masama ang may maigting doon. Cun hindi rin nasasaol-an nang buhay ang tila patay, ay mabuti sangrahan sa camay, at sumpitin nang usoc nang tabaco, para nang turo sa párrafo 457.

Ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,i, binitay.

461. Ang tauong binitay ó nagbicti ay cailang̃ang sangrahan agad sa liig sa alin man sa dalauang ugat na pinang̃ang̃anlang yugular, na doroon sa mang̃a taguiliran nang liig, na macaapat man sa loob nang tatlong oras cun hindi nagcacasiya ang isang pagsasangra. Cun baga nang masangrahan na,t, masaol-an, nahihilim ang may cataua,i, casasangrahan pa, hangang lumacas na magaling ang pulso, at siya,i, masaol ang lubos. Ang hiniua nang lanceta, ay houag bigquisan, cundi sapauan lamang nang isang mabilog na capirasong damit, ganga piso calaqui, na linatagan nang caunting sahing, nang cumapit sa laman, at umampat ang dugo. Ang lugar na tinahacan nang lubid, ay maigui basain nang suca ó tubig na may asin. Bucod dito,i, cailang̃ang hipan sa bibig pagcaraca ang tila patay, ayon sa turo sa párrafo 457. Pag hungmihing̃a na, ay painumin nang maraming malamig na tubig, at paypayang parati. Masamang ipahiga ang gayong tila patay; magaling ipalocloc sa sahig, at alagaan ang ulo, nang houag tumung̃o sa ilalim. Ng̃uni cun baga lungmingsad ang unang buto nang liig, ay ualang magagauang gamot doon.

Ang gagauin sa tila patay dahil sa siya,i, nahulog sa mataas, ó pinalo nang malacas, at sa dinaanan nang apoplegía ó epilepsia, at tila natutuluyang mamatay.

462. Ang nahulog sa mataas, at ang pinalo nang malacas, capag nasactan ang utac nang ulo niya, ay nahihilim na tambing, at ang magaling sa gayo,i, sangrahan nang maquiilan sa paa. Ang lugar na nasactan, ay doroonan nang isang basahang babad sa aguardiente ó alac na matapang sa niyog. Ang ilong pati nang quibutquibutan, ay babasain nang suca; sa bibig ay huhulugan naman ang tila patay nang ilang capatac na suca rin. Cun nasasaol-an ang may catauan, ay painumin nang isang vasong tubig na malamig; ang muc-ha sampon nang dibdib niya,i, bubusan nang tubig na malamig din.

463. Ang tauong nanhihimatay, ó ang dinaraanan nang apoplegía, ó epilepsia, cun minsa,i, tila natutuluyang namamatay, bago,i, hindi patay. Caya yaong mang̃a gayong maysaquit, ay hindi sucat ilibing muna, cundi maramdamang mabaho baho na. Ang mabuti doon ay hubdan at sangrahan sa camay, at ilagay sa maaliualas na lugar, na bucas ang lahat na dong̃auan. Ang isa pang magaling doon, ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco ayon sa turo sa párrafo 457.

Ang gagauin sa mang̃a sangol na tila patay cun bagong ipang̃anac, dahil sa napisa ang canilang pusod, ó sapagca nasicpang totoo nang lungmabas sa tiyan, at sa mang̃a batang tila patay dahil sa pagsigao ó sa pagsibol nang ng̃ipin, ó sapagca inugoy sila nang malacas sa duyan.

464. Cun mayroong batang ipinang̃anac na ualang pulso, at hindi cungmacabacaba ang puso niya, cundi anaqui patay, bago talian at putulin ang pusod, ay cailang̃ang usisain cun baquin gayon ang caniyang lagay; cun dahil sapagca mataba,t, marugo ang bata, ó dahil sa siya,i, yayat at mahina.

465. Caya na-aalamang marugo ang bata sapagca ang color nang cataua,i, mapula, ó maitim-itim, na yao,i, ugali nang mang̃a batang mahirap ipang̃anac; lalo pa cun nasicpang totoo nang siya,i, ipang̃anac, ó nalauong napatahan sa pinacaaran ó pinacaliig nang bahay tauo, ó cun binago nang hilot sapagca sala ang paglabas, ó cun nacabicti sa caniya ang pusod. Cun gayon, ang maiguing gauin, ay ituturo co ng̃ayon. Ang pusod ay putulin; datapoua houag talian yaong natitirang caputol na patung̃o sa catauan nang bata, cundi sipsiping agad yaon ding dulo nang pusod, nang lumabas ang dugo, hangan sa masaol-an nang buhay ang bata. Cailang̃an namang tacpan ang ilong niya, at hipan nang malacas sa bibig. Ang isa pang totoong cailang̃ang gauin, ay sipsipin ang caliuang suso nang bata, bucod dito,i, dadalhin sa maaliualas na lugar ang sangol, at cucuscusin ang boong catauan niya nang mahinang pagcuscos, lalo pa ang palad at ang talampacan nang damit na iniinit init sa apoy. Cun ang bata,i, nasaol-an na nang buhay, ay talian na ang pusod.

466. Datapoua cun baga caya tila patay ang bata dahil sapagca siya,i, mahina, ay houag putulin ang pusod; cundi pabayaan munang cacabit nang caniyang ina, nang halagang calahating oras ó isang oras caya, hangan sa ang bata,i, ga gumamit nang buhay sa caniyang ina; cuscusin naman nang mahinang pagcuscos ang catauan nang bata, nang damit na manipis, na babad sa mainit na alac sa misa; at cun hindi rin nasasaol-an nang buhay, ay sipsipin ang caliuang suso nang bata, at hipan nang malacas sa caniyang bibig, para nang turo co sa párrafo 405 na sinundan nito.

467. Ng̃uni cun baga dahilan sapagca hindi marunong ang hilot, napacaaga ang pagputol nang pusod, at ang bata,i, hindi hungmihing̃a, at uala siyang pulso cundi tila patay, ay uusisain ang totoong dahilan noong ganoong caniyang lagay, ayon sa turo sa párrafo 465 at sa 466; at cun baga caya tila patay ang bata, sapagca siya,i, maraming dugo, ay cacalaguin pagcaraca ang tali nang pusod, at gagauin ang ibang mang̃a bilin sa párrafo 465. Datapoua cun baga ang bata caya tila patay dahil sa cahinaan nang caniyang catauan, ay ang mang̃a turo sa párrafo 466 siya ang sundin; at bucod doo,i, ilalapit lapit sa apoy ang bata.

468. Ang mang̃a batang tila patay, cun sila,i, sinisibulan nang ng̃ipin, ó cun dinaraanan nang convulsión, ó sapagca iniugoy ang malacas sa duyan ó naraganan nang canilang ina ó nang sugo noon, cun natutulog, ay hihipang agad sa bibig para nang uica co sa párrafo 465. Sususuhin, ó sisipsipin ang caliuang suso nang bata; cucuscusin naman ang boong catauan nang magaang pagcuscos nang damit na iniinit init sa apoy; ilalapit lapit naman sa apoy ang gayong batang tila patay, ó ibabaon sa gaboc na iniinit init sa cauali. Ang ilong patí nang quibutquibutan nang bata,i, babasain nang tubig na mabang̃ong totoo. Bagay rin doon ang sumpitin nang sumandaling oras calauon nang usoc nang tabaco, para nang turo sa párrafo 457; houag lamang lacasan ang paghihip maca masactan ó mapaso ang bituca.

Ang gagauin sa mang̃a babaying tila patay cun nang̃ang̃anac, ó cun macapang̃anac na.

469. Ang mang̃a babaying nang̃ang̃anac, ó ang bagong nacapang̃anac, cun minsan namamatay nang biglang pagcamatay, ng̃uni cun minsan hindi totoong patay. Caya yaong mang̃a caauaauang babaying gayon, ay hindi sucat pabayaan, cahima,t, camuc-ha nang bangcay cun tingnan, cundi atohing gauin itong mang̃a sasabihin co ng̃ayon, upan ding masaol-an nang buhay, cun baga sacaling hindi totoong patay. Ang gagauin ng̃a roon ay gayon: Hihipang agad sa bibig nang totoong lacas na paghihip, nang magpatuloy ang hang̃in sa baga nang tila bangcay. Datapoua ang ilong ay tatacpan, ó cun hipan sa ilong ay cailang̃ang tacpan ang bibig. Ang babayi ay ipahihiga nang pataguilid na mataas taas ang ulo, at cacalaguin ang lahat na tali sa catauan niya. Saca mabuti cuscusin nang damit na malaqui,t, magaspang ang palad, pati nang talampacan sampon nang catauan niya, houag lamang ang tiyan, cun hindi pa nacapang̃ang̃anac siya; ó ibaon sa gaboc na mainit init, houag lamang ang muc-ha,t, liig, sapagca cun lumamig ang cataua,i, maliuag liuag (ani Buchan) ang masaol-an nang buhay ang tila patay. Ang pagsasangra doon sa camay cun minsa,i, maigui cun hindi yayat at mahina ang babayi, ó cun hindi siya pinanaogan nang maraming dugo Bucod dito ang isa pang totoong cailang̃ang atuhing gauin ay ang pagsumpit nang usoc nang tabaco nang ilang oras calauon, ayon sa turo sa párrafo 457. Datapoua cun ualang asa, na yaon ay magasaol-ao nang buhay, sapagca ang mang̃a itinuro co ng̃ayo,i, itinuloy nang anim ó pitong oras calauon, at hindi rin nabubuhay, at bucod doo,i, naalaman nang patay na totoo ang babayi, cun baga hindi pa siya nacapang̃ang̃anac, ay hihiuain ang tiyan para nang ituturo co ng̃ayon nang mabinyagan ang bata. Ng̃uni cun baga nasaol-an nang buhay ang babayi, ay alagaan para nang turo sa capítulo 79 at sa capítulo 80.

Ang gagauin sa babaying buntis na namatay, nang mahang̃o ang bata sa tiyan at mabinyagan.

470. Cun mayroong namatay na babaying buntis, ay cailang̃ang litasin ang caniyang tiyan at hang̃oin ang bata doon. Ang paghiua doo,i, mula sa itaas na pailalim sa taguiliran nang pusod, ga isa, ó dalauang daliri lamang calayo doon. Ang unang hinihiua,i, ang balat, na yao,i, macapal; ang sungmusunod doo,i, ang bahay tauo, na yao,i, manipis nipis. Ang bata,i, hahang̃uin doong marahan dahan, bubusan sa ulo nang tubig na totoo para nang sa bucal ó sa ilog, ó sa laua, ó sa ulan, ó sa dagat man; cun binubusan ang bata nang tubig, yaon ding tauong bungmubuhos ay mag-uiuica namang sabay nang gayon: aco,i, nagbabautizo sa iyo sa ng̃alan nang Ama,t, nang Anac at nang Espíritu Santo; ó cun ibig niya,i, ang sa uicang castila, ay ganito ang caniyang uiuicaing casabay nang pagbubuhos nang tubig: yo te bautizo en el Nombre del Padre, y del Hijo, y del Espírtu Santo. Itong mang̃a uicang guinagamit sa pagbibinyag, ay hindi sucat dugtung̃an ó dagdagan nang ibang uica, at hindi rin sucat culang̃an, ó bauasan nang anoman. Bucod dito,i, ang aahain nang tauong bungmubuhos doon sa caniyang guinaua sa bata ay ang dating guinagaua nang mang̃a cristiano sa santa Iglesia ni Jesucristo.


CAPÍTULO 76.

Ang gagauin sa babaye cun hindi husay ang pagdaan sa caniya nang sa panahon.

471. Ang mang̃a babayi cun gungmagamit sa icalabing apat na taong, hangang sa icalimang pouo, ay dinaraanan bouan-bouan (cun hindi buntis) nang saquit nang tiyan, na ang pang̃alan nang castila doo,i, regla. Cun yaong pagdaan nang sa bouan, ó sa panahon, ay sungmasala dahilan sa cauntian ó caramihan nang dugong nananaog, ay nagcacasaquit ang may catauan, lalo pa cun nauaualang lubos yaong ugaling saquit na yaon. Ang babaying masipag at masaya ang loob, ay maliuag di siyang panaugang maigui; datapoua ang babaying matamaring cumibo, ang mapanglauin, ang cungmacain nang cun ano ano, ay siya ang malimit urung̃an nang sa panahon, ó panaugan nang sala, at cun minsan yaon din ang di icapagcaanac niya.

472. Ang dahilan noong pagsala nang pagpanaog nang sa bouan, ay ang cahinaan nang may catauan, sapagca cun minsan hindi siya lungmalacad, ó hindi nananaog man sa lupa, nang malibang ang caniyang loob, at uala rin gaua doon sa bahay na bagay sa catauan niya, sapagca ang datihang gaua nang mang̃a babaying marami, ay ang pananahi, ang paghabi, ó ang pagdurugtong nang abaca, na yao,i, paraparang masamang totoo, sapagca ang gungmagaua noon, ay parating tung̃o ang caniyang ulo, pati nang licod, na dahil doon ay nasisicpan ang dibdib niya Bucod dito palibhasa,i, ualang quibo cundi parating locloc, ay nanhihina nang nanhihina ang may catauan; na cun malauon ay nananab-ang nang pagcain na-tatamad siyang lumacad, ang sicmura niya,i, nagugulo, sungmasaquit ang ng̃ipin pati nang paa; sinusubaan pa cun minsan; hindi pinananaogang maigui; lungmulura nang dugo, at ang isa pa,i, sungmasama at nasisira (ani Buchan) ang magaling na hichura nang catauan. Caya ang nagsasaquit gumaua noong mang̃a gauang yaon, cun baga hindi siya pinananaogang mabuti nang bouan; ay maliuag gungmaling, cundi sundin niya ang mang̃a ituturo co ng̃ayon sa mang̃a párrafong isusunod dito. Ng̃uni cailang̃an pacatalastasin nang mang̃a mangagamot, na ang guinagaua sa babaying masasactin at mahina na hindi dinaraanan nang bouan, iba sa iguinagamot sa babaying mataba,t, hindi mahina.

473. Ang babaying mataba,t, magaling ang catauan, na biglang dinaraanan nang hindi siya panaugan nang bouan, ó sala ang pagpanaog, ay cailang̃ang lumacad arao arao. Cun nacacaya ang maysaquit ay maigui sa lahat ang pagsacay sa forlon ó sa cabayo. Bucod dito houag siyang hihipo nang anomang gaua pagca bagong nacacain. Capilitan namang sangrahan yaong gayong maysaquit; sapagca ang pagsasangra ay madalas macagaling pagcaraca sa hindi dinaraanan nang panahon, lalo pa cun ang may cataua,i, malacas at mataba, at datihang hindi siya nagcacasaquit nang gayong pagcacasaquit. Datapoua ang pagsasangra, ay hindi sucat gauin sa mang̃a babaying mahina,t, masasactin. Ang isa pang magaling doon ay ibabad sa malacucong tubig ang paa nang maysaquit, at painumin nang bilin sa número 20. Ang suero nang gatas ay maigui doon naman. Gayon ding mabuti purgahing maminsan minsan ang maysaquit nang bilin sa número 21.

474. Ng̃uni ang babaying dati nang mahina,t, masasactin, na marahil urung̃an nang sa panahon, ay gagamutin para nang ituturo co ng̃ayon; sa macatouid, ang maysaquit ay capilitang lumacad arao-arao, at magpasial, ó sumacay sa cabayo, na yaon ang lalong magaling sa lahat. Cun hindi maari sa caniya yaon, cailang̃ang manaog siya sa lupa touing arao, (ayon sa turo ni Buchan) at mag-alaga siya doon nang munting halamanan. Houag siyang cacain nang sala, ó nang mang̃a cun ano ano. Masama doon ang maymanticang marami, ang mg̃a maasim, at ang may harina para nang patani, balatong, etc. Masama rin doon ang pagsasangra at ang purga. Ang totoong bagay na gamot sa gayon, ay ang pinagquiquilan nang bacal; yaon bagang bacal na totoo, na hindi acero ó ang ualang patalim. Masama naman ang bacal na may calauang. Cun ang saquit ay bago, ó cun bata pa ang babayi, ang bacal na sucat doon, ay timbang labinglima, ó dalauang puong butil na palay arao-arao; cun minsan siya na ang timbang apat ó limang butil na palay. Datapoua cun ang saquit ay malaqui at matanda ang babayi, ay mabibig-yan siya ng̃ marami sa roong bacal na quiniquil, hangang sa timbang cahati. Mabuti samahan ang bacal ng̃ dita ó anis Ang mang̃a bilin sa número 54, 55 at sa 56, totoong mabubuting gamot sa saquit nang pag-urong ng̃ sa panahon; ang mangagamot ay pipili doon sa tatlo, nang lalong bagay sa calooban nang maysaquit. Cun ang ibig lamang ay ang panaugan ng̃ sa bouan ang babayi, ang alac na bilin sa número 55, ay nacacagaling agad sa may saquit. Datapoua cailang̃ang pacatalastasin nang mang̃a mangagamot na cun baga ang babayi na hindi dinaraanan nang bouan, ay may lagnat pang casama, ó nag-uubo, ó binabaling̃oyng̃oy, ó payat ang catauan niya, ay capilitang alisin ó paual-in muna itong mang̃a saquit na ito, bago gauin ang mg̃a itinuro co sa párrafong ito nang panaugan siya ng̃ bouan. Caalamalam capag nauala ang mang̃a saquit na yaon ay pananaugan ang maysaquit di man gamitin. Ang iquinauurong nang panahon sa mang̃a babayi, ay ang lamig, ang sip-on, ang tacot, ang pagcain nang manteca, bung̃a nang cahoy, gatas, ó isda ó nang mang̃a malalamig, ó mang̃a mainit na totoo para nang luya, bauang at pimienta, ó mg̃a ma-aasim, ang pagsasaquit nang pag-gaua at ang pagcapuyat. Caya cailang̃an ang houag iuala ng̃ mang̃a mangagamot sa canilang loob ang bilin co nang una, sa macatouid; na ang pag-urong nang panahon cun minsa,i, hindi saquit, cundi dala nang ibang saquit, na yaon ang cailang̃ang alisin muna. Cun baga mauala man yaong saquit, at malacas lacas man ang may catauan, ay hindi pa dungmarating na cusa sa caniya ang ugaling pagdaan nang sa panahon, ay gamutin, nang panaugan siya, ayon sa turo sa capítulong ito.

475. Cun ang babayi hindi na dinaraanan nang panahon sapagca siya,i, matanda na, cun baga bigla ang pagtahan, ó ang pag-urong nang bouan, at dati siyang pinananaugan nang malacas, ay gagamutin nang gayon: Ang maysaquit ay sasangrahan, at cun macalalo ang anim, apat ó tatlong bouan, ay sasangrahang uli. Houag pacanin nang maraming carne ó itlog, at houag painumin ng̃ alac. Cun umaga bago cumain ang maysaquit ay pinaiinom siya nang bilin sa número 24, na yaon ang totoong buti doon, na cailang̃ang gauin touing icalaua ó icatlong arao. Cun minsan naman bago tumahan ang pagdaan nang sa panahon sa babaying matanda na, ay pinananaugan siya muna nang maraming dugo; at cun gayo,i, houag sangrahan. Datapoua cailang̃an ang husay na pagcain pati nang pag-inom, at bucod dito,i, paiinumin nang bilin sa número 24, at maminsan minsang pupurgahin nang bilin sa número 23. Masama roon ang mang̃a masaclap, at ang guinagamot nang gayon, ay sinisibulan cun minsan nang cancro sa bahay tauo. Maraming babaying matanda ang namamatay cun bagong tungmatahan ang pagdaan nang panahon sa canila; datapoua mayroong ibang gungmagaling sa rati ang canilang catauan, nauauala ang ibang mang̃a saquit, at cun minsan ang dating nananalamin, sapagca malabo ang mata, ay nacaquiquita nang magaling, at iniiuan ang salamin.

Nota. Ang mang̃a painom nang mang̃a gamot na hindi maalam doon sa babaying inurung̃an nang sa panahon, sa halimbaua ang alac na matapang, ang suma at ang iba pang gayon ay totoong sama.