WeRead Powered by ReaderPub
Balarilang Tagalog cover

Balarilang Tagalog

Chapter 10: TALABABÂAN
Open in WeRead

About This Book

The work presents a practical grammar of Tagalog, describing older orthographic conventions and spelling rules while offering guidance for correct speech and writing. It critiques the dominance of a colonizing language in education, highlights inconsistent practices among contemporary writers, and contrasts traditionalist and reformist approaches to usage. Through explanations, prescriptions, and examples the author seeks to standardize grammar, refine literary style, and encourage wider cultivation and clear expression in the native tongue.

a, b, k, d, e, g, g̃, h, i, l,
m, n, o, p, r, s, t, u, w, y.

G. ¿Paano kung bigkasín ang bawà’t isá?

N. Ang pagbigkás ng̃ bawà’t isá ay ganitó:

a, ba, ka, da, e, ga, ng̃a, ha, i, la,
ma, na, o, pa, ra, sa, ta, u, wa, ya.

G. Ang mg̃a titik, ¿sa anó nabábahagi?

N. Nabábahagi ang mg̃a titik sa tinátawag na ting̃igvocal) at pangtinigconsonante).

G. ¿Anó ang tinátawag na ting̃igvocal)?

N. Tinátawag na ting̃ig (ó vocal) ang titik na maáarìng bigkasín sa kaniyáng sarili lamang at bumubuô ng̃ isáng pantíg (ó sílaba).

G. ¿May ilán ang ting̃ig sa tagalog?

N. Limá: a, e, i, o, u.

G. ¿Anó namán ang tinátawag na pangtinig?

N. Tinátawag namáng pangtinig ang titik na dî máibibigkás sa kanyáng sarili, at itó’y nang̃áng̃ailang̃an ng̃ tulong ng̃ isáng ting̃ig (ó vocal).

G. ¿May ilán namán ang pangtinig sa ating wikà?

N. Labinglimá: b, k, d, g, , h, l, m, n, p, r, s, t, w, y.

TALABABÂAN

[4] Pinamagatáng abakadá sa tagalog ang tinátawag na alfabeto ó abecedario sa kastilà, sang-ayon sa kapasiyahán ng̃ “Samahán ng̃ mg̃a Mánanagalóg,” sapagkâ’t ang pinanggaling̃an at pinagbatayán ng̃ tinurang salitâ ay ang apat na pang̃unang titik sa tagalog na a, b, k, d, na kung bibigkasín ay a, ba, ka, .

III KABANATA
Pagbigkás ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal)

Gurò. ¿Paano ang pagbigkás ng̃ a sa wikàng tagalog?

Nag-aaral. Ang pagbigkás ng̃ a sa ating wikà ay kawangkîng kawangkî ng̃ pagbigkás sa wikàng kastilà, liban lamang kung nagtatagláy ng̃ mg̃a kudlít na mariín (ó agudo) at banayad (ó grave), palibhasà ang tunóg ng̃ mg̃a kudlít na itó’y lubhâng kaibá sa tunóg ng̃ kudlít ng̃ salitâng kastilà.

G. ¿Paano namán ang pagbigkás sa e?

N. Ang pagbigkás sa e ay katulad din ng̃ sa kastilà, liban kung may tagláy na kudlít paris nang sinabi sa a.

G. Ang i, ¿paano namán ang pagbigkás?

N. Ang i, sa una at kalagitnâan ng̃ pang̃ung̃usap ay walâng iniwan sa kastilà. Kung nasa sa hulíng pantíg (ó sílaba) ang tunóg ay bumubukás ng̃ kauntî, at may bahagyâng pagkakahawig sa mg̃a salitâng inglés na sorry, carry, atbp., na ang tinurang tunóg ay isáng pagduduób ng̃ e at i.[5]

Halimbawà ang salitâng lalaki: ang i dito ay dî ganitó binibigkás, kundî ie ó ang pagduduób ng̃ mg̃a tunóg ng̃ i at e.

G. ¿Paano ang pagbigkás sa o?

N. Sa gitnâ ng̃ pang̃ung̃usap ay paris din sa kastilà ng̃unì’t sa katapusán ang kanyáng tunóg ay nagigíng katumbás ng̃ ou.

G. At ang u, ¿paano kung bigkasín?

N. Ang pagbigkás sa u ay katulad din ng̃ sa kastilà kailan ma’t na sa gitnâ ng̃ pang̃ung̃usap.

G. ¿Ang o at u ay magkawang̃ís bagá?

N. Hindî pò, sapagkâ’t ang isá’t isá ay may sariling tunóg at may sariling kágamitán.

G. Kung may sariling tunóg ang bawà’t isá, ¿bakit ang o ay nagigíng katumbás ng̃ ou sa katapusán ng̃ pang̃ung̃usap?

N. Ang bagay na iyá’y isáng pagduduób ng̃ o at u, pagbigkás ó tunóg na katutubò sa mg̃a dilàng tagalog na siyáng sanhî ng̃ ipinaghihirap sa pagbigkás ng̃ mg̃a europeo.

Halimbawà ang salitâng utos: ang o dito ay dî ganyán dapat bigkasín paris bagá ng̃ pagkakásulat kundî ang paglalakip ng̃ tunóg na o at u ay siyáng nárarapat gawín.

G. Sa ganitóng pag-áalang̃aning pagbigkás na nangyayari magíng sa e at i at magíng sa o at u sa katapusán ng̃ salitâ, ¿ay paano ang tumpák na pagsulat na dapat sundín?

N. Ang pag-áalang̃ang pagsulat na ibinubung̃a ng̃ ganyáng pagduduób, gaya ng̃ lalaki ó lalake, utos ó utus, atbp., ay maliliwanagan sa bahagi ng̃ Pagsulat (ó Ortografía).

TALABABÂAN

[5] Sa matandâng kasulatan natin ay tatlóng ting̃ig (ó vocal) lamang ang kinikilala: isá’y ang a, ikalawá’y ang e-i at ikatló’y ang o-u.

IV KABANATA
Pagbigkás ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante)

Gurò. ¿Anóng tunóg mayroón ang mg̃a pangtinig na b, l, m, n, p, s, t at y?

Nag-aaral. Ang tunóg ng̃ madlâng titik na itó ay kaparis din ng̃ sa kastilà, kailan ma’t may kasakasamang ting̃ig (ó vocal).

G. ¿Anó ang tunóg ng̃ k?

N. Ang tunóg ng̃ k ay katumbás ng̃ ca, co, cu, at qua, que, qui, quo, quu sa kastilà, hal.: cuadro, caballo, querubín, atbp., ay nagigíng kuadro, kabayo, kerubín.

G. ¿Anó ang kabutihang idinudulot ng̃ k sa tagalog?

N. Marami pò: unang una ay nagigíng madalî ang pag-áaral at pagtuturò, at ikalawá’y siyáng angkóp na angkóp sa mg̃a pang̃ung̃usap natin.

G. ¿Anóng tunóg mayroón ang d?

N. Ang tunóg ng̃ d ay kawang̃ís sa kastilà kailan ma’t na sa una at hulihán ng̃ salitâ; ng̃unì’t nagigíng r kailan ma’t pinagigitnâan ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal) at ang sinusundán niyá ay dî katapusán ng̃ pang̃ung̃usap. Halimbawà: mARAmi, mARIlág, kARAmdaman, mabutI RIto, masam RIyan, atbp. Dátapwâ’t kung sinusundán ng̃ pangtinig (ó consonante), ó dî kayâ’y pinakasimulâ ng̃ salitâ ay dî na dapat baguhin ó paltán. Halimbawà: buhaT Dito; sulonG Diyán; dumito ka katotO, Diyán ay mápapahamak ka. Dapat ding mabatíd na dî sa tuwîtuwî na’y dapat baguhin, hal.: madalî at dî maralî; madilím at dî marilím; madilat at dî marilat, atbp. At dapat ding matantô na, kapág ang mg̃a pangtinig (ó consonante) na w at y ang siyáng sinusundán ay nárarapat ding baguhin; hal.: buháY Rin siyá, sumigaW Rito, atbp.

G. Ang g ¿paano namán ang tunóg?

N. Ang g sa wikàng tagalog ay malumanay kung bigkasín, dî gaya sa kastilàng malakás. Nakákatumbás niyá ang gua, gue, gui sa kastilà, bagamá’t walâng u sa gitnâ; hal.: gintô, gising, pigíng, lagì, atbp.

G. ¿Anó namán ang tunóg ng̃ ?

N. Ang tunóg nitó ay nagbubuhat sa ilóng at tumutulóy sa lálamunan. Ang lalòng magaling at angkóp na pagbigkás ay anyông pahumál.

G. ¿Anó ang káhalagaháng dapat idulot ng̃ sa ating wikà?

N. Ang na katumbás ng̃ ng̃ ay nápakamahalagá, pagkâ’t bukód sa siyáng tang̃ìng titik na makasusunód sa ating mahirap at magandáng pagbigkás na, ang tunóg ng̃â’y sa ilóng at lálamunan (nasal-gutural) at siyáng ikaiibá sa ibáng wikà, ay siyá pang madalî, malinaw at tugmâng tugmâ sa pahumál na pagbigkás, na lubhâng marami sa wikà natin[6].

G. ¿Paano kung bigkasín ang h?

N. Ang h sa tagalog ay may hang̃in kung bigkasín, at itó’y hindî náwawang̃ís sa h ng̃ kastilà: mana pa’y nálalapit ng̃ bahagyâ sa j bagamá’t marahan dito; hal.: halík, hawíg, luhà, buhò, at ibá pa.

G. Ang r, ¿paano kung bigkasín?

N. Ang pagbigkás sa r ay malumanay. Dapat matantô na ang titik na itó’y mahirap makita sa simulâ ng̃ salitâ, bagamá’t may mang̃ilánng̃ilán din, paris ng̃ rahuyo, rahá, atbp. Sa hulí ó katapusán ay lalò ng̃ walâ, bagamá’t noóng dakong una ay palasák na palasák ang paggamit, at sa lugál niyá’y d ang náhalili.[7] Sa gitnâ ng̃ pang̃ung̃usap ay malimit gamitin kailan ma’t napapagitnâan ng̃ dalawáng ting̃ig (ó vocal).

G. ¿Anó namán ang tunóg ng̃ w?

N. Ang w ay isáng bago at mahalagáng titik na náparagdág sa tagalog. Lubhâng nápabuti at nápatumpák ang maraming salitâ dahilán sa kanyá. Sa dating bigkás na kalabao, arao, sing̃ao, ilao, atbp., ay nagíng kalabáw, araw, sing̃áw, ilaw, na siyáng tumpák na tumpák. Siyá rin ang nagíng kahalili ng̃ ting̃ig u, hal.: wikà, walâ, káluluwá, tuwâ, atbp., sa dating uica, uala, kaloloua, toua.[8]

TALABABÂAN

[6] Ang palagáy ni G. Mariano Ponce sa aklát na Guillermo Tell ni Rizal hinggíl sa pag-áalís ng̃ kudlít sa at isulat ng̃ ng na walâng kudlít sa itaás, pag-áalís na nagkakahulugán ng̃ pagpawì sa titik na ay dinaramdám kong dî sang-ayunan gaya rin namán ng̃ dî pagsang-ayon ng̃ maraming mánunulát at mánanagalóg. Ang násabing ginoó ay nagbitíw ng̃ mararami at maháhalagáng katwirang pinagbábatayán niyá, na ang isá’y násasalig sa ibá’t ibáng wikà at ang ikalawá’y ang kapansanang mangyayari sa sakalìng magpalimbág sa ibáng lupà ng̃ mg̃a kasaysayang tagalog. Akó man sana ay talagáng sang-ayon na rito, dang̃a’t dî maamin niyaring kalooban ang pagtatapon sa titik na bugtóng at katutubò na siyáng pinakadiwà ng̃ ating wikà at siyáng katang̃ìán sa ibá. Bukód sa rito, ang ay siyáng angkóp na angkóp sa pagbigkás at tunóg ng̃ ating mg̃a pang̃ung̃usap. At kung ang titik na iyá’y ating papawiin at papaltán ng̃ ibá, marahil ang mg̃a salitâ natin ay magigíng garíl kung bigkasín. At tang̃ì pa rin dito, yamang isinaád ni Risál na: “ang sulat tagalog ay dapat magíng sulat tagalog,” kung gayón, upáng matupád ang dakilàng salitâng itó ng̃ magiting na bayani ay dapat gamitin natin ang na siyáng katutubò at siyáng diwà ng̃ wikà ni Balagtás.

[7] Noón ng̃âng araw ay malimit gamitin ang r sa katapusán ng̃ pang̃ung̃usap, at ang madalás gumamit nitó’y ang mg̃a parì sa kaniláng pang̃ang̃aral at sa kaniláng mg̃a kasulatan at dásalan, paris sa halimbawà ng̃ capatír, bacor, lubir, atb., sa lugál na sabihing kapatíd, bakod, lubid. Sa iláng bayan ng̃ Batang̃an ay gayón din ang pagbigkás, at kung dî akó malî ay hindî nagbabago hanggá ng̃ayón.

[8] Noóng mg̃a panahóng lumipas, palibhasà ang w ay dî pa nátutuklás na gamitin sa ating wikà, kung kayâ ang ginágamit sa lugál niyá (paris ng̃ sinabi ko) ay ang ting̃ig u gaya sa mg̃a salitâng uica, uala, atbp. At sanhî sa kadahilanang itó kung kayâ sa Ensayo de Gramática Hispano-Tagala ni Fr. Minguella ay ipinalagay tulóy na ang ua at ui ay diptongo, pagpapalagáy na walâng katotohanan sapagkâ’t walâ nitó sa mg̃a salitâng wagás na tagalog.

V KABANATA
Tungkól sa mg̃a pantíg (ó sílaba)

Gurò. ¿Anó ang kátuturán ng̃ pantígsílaba)?

Nag-aaral. Pantíg sa ting̃ig ng̃ Pagbigkás, ang tunóg ng̃ isá ó iláng titik na ibinibigkás na biglâ ng̃ tinig, (ó voz) at ang pakinig namá’y warìng tinatanggáp ng̃ minsanan.

G. ¿Maáarì bagáng magkaroón ng̃ pantíg kung walâng ting̃ig isá man?

N. Hindî pò: magkakároón ng̃ pantíg kailan ma’t may isáng ting̃ig (ó vocal) na kasama.

G. ¿Iláng titik maáarìng magtagláy ó bumuô ng̃ isáng pantíg?

N. Ang isáng pantíg ay maáarìng magtagláy ng̃ isá, dalawá, tatló ó apat na titik, hal.: ó, sa, din, kung.

G. ¿Anó ang tuntuning pangkahalatán (ó regla general) ukol sa pagbigkás ng̃ mg̃a pantíg sa mg̃a salitâng wagás na tagalog?

N. Ang tuntuning pangkalahatáng sinúsunód natin ay itó: “ang isáng pangtinig (ó consonante) ay hindî dapat mádikít sa kapwà pangtinig: kailang̃ang ang isá’t isá ay bigkasíng malinaw at magkahiwaláy”. Halimbawà: hindî dapat bigkasíng tu-dlíng, ku-dlít, ta-gláy, a-klát, ba-klád atbp., na ang dalawáng pangtinig (ó consonante) ay magkasiping ó magkadikít sa isáng pantíg, kundî ang nárarapat ay tud-líng, kud-lít, tag-láy, ak-lát, bak-lád.

VI KABANATA
Hinggíl sa mg̃a diptongo

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na diptongo?

Nag-aaral. Tinátawag na diptongo, ang isáng pantíg (ó sílaba) na kinaroroonán ng̃ dalawáng ting̃ig (ó vocal) na magkasiping at ibinibigkás lamang ng̃ íisá.

G. ¿May diptongo bagá sa ating wikà?

N. Sa mg̃a salitâng wagás na tagalog ay walâ isá mang diptongo, kahì’t na magkasiping ang dalawáng ting̃ig (ó vocal); hal.: nais, pain, kain, tao, atbp.

G. Sa pag-ilag sa diptongo, ¿anó tulóy ang nákaugaliáng gawín sa mg̃a salitâng ang dalawáng ting̃ig ay magkasiping?

N. Nákaugalián na tulóy sing̃itan ng̃ y ó w sa mg̃a salitâng warìng may diptongo; hal.: buwán (buan), tuwâ (tuâ), biyák (biák), tiyáp (tiáp), atbp. na paraparang binibilang sa tigalawáng pantíg.

G. ¿Marapat ba tayong tumanggáp ng̃ diptongo?

N. Oo pò, nárarapat; at ang pagtanggáp na itó’y tang̃ìng manggagaling sa mg̃a salitâng hirám na may diptongo.

G. ¿Anó ang mápapalâng kabutihan sa ganitóng pagtanggáp?

N. Sa bagay na itó’y maiilagan ang pagkakáyuwis (ó confusión) sa pagkakásiping ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal) ng̃ mg̃a salitâ, paris ng̃ nais, pain, atbp., at sa pagduduób ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal) ng̃ mg̃a anyô (ó partícula), gaya ng̃ Iulat, MAinggitin, MAGSIambâ.

G. ¿Iláng diptongo lamang ang dapat tanggapín?

N. Pitó: ia, ie, io, iu, ua, ue at ui.

G. Tungkól sa ganitóng pagtanggáp, ¿may panuto rin bang dapat itatág?

N. Mayroón pò: ng̃unì’t dapat alamíng ang panutong itó’y isá lamang pásubalì (ó excepción) at hindî pangkalahatán (ó en general).

G. ¿Paano ang panutong dapat sundín?

N. Ganitó: “Ang mg̃a diptongong tagalog ay nanggagaling sa mg̃a salitâng hirám sa ibáng wikà na ináarì natin at nagpapásimulâ sa mahihinàng ting̃ig (ó vocales débiles), at ang mg̃a diptongong itó ay pitó: ia, ie, io, iu, ua, ue at ui.” Halimbawà: Prosodia, Nobiembre, silabario, siudád, kuaderno, kueba, huebes, hesuita, at ibá pa[9].

G. ¿Paano ang gagawín sa mg̃a salitâng hirám na nagdudulo ng̃ ía at ng̃ ibá pang magkakabít ang dalawáng ting̃ig na hindî namán diptongo?

N. Kung ating isusulat ang mg̃a salitâng gangganitó ay dî nárarapat baguhin, at dapat matantô na sa atin ma’y hindî rin diptongo, hal.: María, Heograpía, Ortograpía, atbp.

G. ¿Paano ang pagkakasunódsunód sa pagbigkás ng̃ limáng ting̃ig (ó vocal), sang-ayon sa kanyáng baitang na sinúsunód?

N. Ganitó: a, e, i, o, u.

G. ¿Paano namán ang pagkakaayawayaw na sinúsunód hinggíl sa tunóg at lakás ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal)?

N. Ganitó: a, o, e, i, u.

G. ¿Alín sa kanilá ang tinátawag na malalakás na ting̃igvocales fuertes)?

N. Ang tatlóng náuuná ó kayâ’y ang a, o at e.

G. ¿Alín namán ang mahihinàng ting̃igvocales débiles)?

N. Ang dalawáng náhuhulí ó kayâ’y ang i at u.

TALABABÂAN

[9] Ang panutong itó’y sinipì ko sa matalinong kasapì sa “Samahán ng̃ mg̃a Mánanagalóg” na si G. Eusebio Daluz, na siyáng kasang-ayon ko sa palagáy ukol sa pagtanggáp ng̃ diptongo sa Wikàng Tagalog na nagbubuhat sa mg̃a salitâng hirám.

Sa ganitóng pangyayari ay mápapawì namáng dî sásala ang ginagawâng pagsising̃it ng̃ y sa mg̃a pang̃ung̃usap na hirám, paris sa halimbawà ng̃ Diyós, Munisipiyo, Huliyo, atbp. ay dapat gawíng ganitó: Dios, Munisipio, Hulio. Gayón din ang dapat másabi hinggíl sa mg̃a salitâng sinising̃itan ng̃ w, gaya sa halimbawà ng̃ huwebes, hesuwita, kuwento, kuwaderno, ay dapat gawíng huebes, hesuita, kuento, kuaderno.

VII KABANATA
Sa mg̃a pang̃ung̃usap ó salitâ

Gurò. ¿Anó ang pang̃ung̃usap ó salitâ?

Nag-aaral. Alín mang tunóg, magíng isá itó at magíng marami man na ibinibigkás ang isáng pagkukurò (ó idea) ay tinátawag na pang̃ung̃usap ó salitâ.

G. ¿Iláng pantíg (ó sílaba) ang kailang̃an upáng bumuô ng̃ isáng pang̃ung̃usap?

N. Mangyayaring magíng isá, dalawá ó ilán mang pantíg; hal.: ó, alíw, salapî, pagsisisi.

G. ¿Anóanóng pamagát ang ikinakapit sa mg̃a salitâ sang-ayon sa ginagawâng pagdidiín?

N. Ang mg̃a tinátawag na pabiglâaguda), pábanayadgrave), pabagsákesdrújula) at pásagitsítsobresdrújula).

G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng tinátawag na pabiglâ (ó aguda)?

N. Tinátawag na salitâng pabiglâ, yaóng idinidiín ang pagsasalitâ sa hulíng pantíg; hal.: badyá, bagsák, bulíd, tamís, alíw, taksíl, atbp.

G. Ang salitâng pábanayad (ó grave), ¿anó ang kátuturán?

N. Tinátawag na salitâng pábanayad yaóng idinidiín ang pagbigkás sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg; hal.: nayon, sabi, bayan, tao, sulat, basa, atbp.

G. Ang salitâng pabagsák (ó esdrújula), ¿anó namán?

N. Yaóng pang̃ung̃usap na idinidiín ang pagsasalitâ sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg; hal.: úlirán, líbing̃an, típanan, atbp.

G. ¿At ang salitâng pásagitsít (ó sobresdrújula)?

N. Yaóng pang̃ung̃usap na idinidiín ang pagbigkás sa ikaapat, ikalimá, ó ikailán mang hulí ng̃ pantíg; hal.: pátakarán, páhayagán, mánanagalóg, mánanalaysáy.

VIII KABANATA
Ukol sa diín (ó acento prosódico)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na diínacento prosódico)?

Nag-aaral. Ang biglâng pagbigkás ó kayâ’y ang pagdidiíng ginagawâ sa gayó’t ganitóng ting̃ig ng̃ pantíg kung binibigkás ang isáng salitâ ó pang̃ung̃usap.

G. ¿Anó namán ang tinátawag na kudlítacento ortográfico)?

N. Tinátawag na kudlít ang tandâ na malimit gamitin sa pagsulat na siyáng pinakasagisag ó larawan ng̃ gayóng pagdidiíng ginagawâ.

G. ¿Anó ang kaibahán ng̃ diín sa kudlít?

N. Na, ang diín ay siyáng ginágamit sa pagbigkás, at ang kudlít ay sa pagsulat. Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng nagtatagláy ng̃ kudlít ay nagtatagláy rin namán ng̃ diín, hal.: sibád, tugtóg, tamís. Ng̃unì’t ang salitâng may tagláy na diín, kadalasá’y walâng kudlít; hal.: bahay, nayon, tao.

G. Ang pagdidiín sa mg̃a salitâ, ¿sa anó nabábahagi?

N. Gaya na ng̃ sinabi, ang mg̃a salitâ ay nabábahagi sa tinátawag na pabiglâ ó pagbigkás na mariín sa hulíng pantíg, pábanayad ó pagbigkás na mariín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg, pabagsák ó pagdidiín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg, at pásagitsít ó pagdidiín sa ikaapat ó ikalimáng hulí ng̃ pantíg.

G. ¿Mayroón bagáng mg̃a tuntuning sinúsunód ukol sa mg̃a salitâng pabiglâaguda)?

N. Marami pò, at itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Ang mg̃a salitâng gaya ng̃ bulíd, sigíd, bayáw, sabík, baníg, apí, bibíg, sapúl, tamís, mahál, tunóg, amá, isá, gabí, iná, kapatíd, dalawá, halagá, at ibá’t ibá pang gangganitó ay binibigkás na mariín sa hulíng pantíg.

Ikalawá.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng wagás na tagalog na ang katapusáng ting̃ig (ó vocal) ay pinang̃ung̃unahan ng̃ dalawáng pangtinig (ó consonante), ay binibigkás na mariín sa hulíng pantíg; hal.: biNLíd, biGKís, suBSób, buGTóng, yuPYóp, haGDán, siKSík, aKYát, paTLáng, tuKLóng, tuDYó, tuKSó, linGGó, baGSák, tuKTók, atbp.

Ikatló.—Ang mg̃a salitâng nátatapos sa iya, iyo, uwa, uwi, may kasunód ó walâng pangtinig (ó consonante) ay dapat bigkasíng mariín sa hulíng pantíg, hal.: tiyáp, liyó, buwán, buwíg, atbp.

Ikaapat.—Lahát ng̃ mg̃a salitâng nagtatapós sa tambál na ting̃ig (ó vocal) may kasunód ó walâng pangtinig (ó consonante) ay binibigkás din ng̃ mariín; hal.: paá, tiím, diín, doón, loób, noó, totoó, alapaáp, atbp.

Ikalimá.—Lahát ng̃ mg̃a salitâng gaya ng̃ ag-ág, ig-íg, iw-íw, is-ís, al-ál, ang-áng, at ibá pang gangganitó, ay binibigkás ding mariín ang hulíng pantíg; hal.: anag-ág, paig-íg, aliw-íw, alis-ís, buhalhál, paang-áng.

Ikaanim.—Ang mg̃a salitâng nagtatapós sa ab ay binibigkás na mariín sa hulíng pantíg, hal.: sukáb, salakáb, sabsáb, lagabláb.[10]

G. ¿Alín namán ang mg̃a panutong sinúsunód ukol sa mg̃a salitâng pábanayadgrave)?

N. Ang mg̃a sumúsunód:

Una.—Ang mg̃a salitâng gaya ng̃ simoy, sabi, basa, sulat, tao, sisi, nayon, bayan, sulit, bahay, kasama, karayom, at ibá pang gangganitó ay binibigkás na mariín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg.

Ikalawá.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may dalawá ó tatlóng pantíg, at ang mg̃a salitâng itó’y nagtatagláy sa katapusán ng̃ kudlít na banayad (ó acento grave) ay binibigkás na mariín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg; hal.: wikà, nasà, batì, lahì, pusò, pakò, sariwà, timawà, lagarì, bighanì, pintuhò, pang̃akò, atbp.

G. ¿Alín ang mg̃a tuntunin ukol sa mg̃a salitâng pabagsákesdrújula)?

N. Ang mg̃a tuntuning sumúsunód:

Una.—Ang mg̃a salitâng paris ng̃ bíhirà, dálitâ, káhimán, kápitan, at ibá pang paris nitó ay binibigkás na mariín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg.

Ikalawá.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may dalawáng pantíg gaya ng̃ anás, bulóng, libíng, atbp. na mg̃a salitâng pabiglâ ó mariín kung bigkasín sa hulíng pantíg at sa hulí’y dinagdagán ng̃ an ó han ay binibigkás na mariín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg, hal.: ánasan, búlung̃an, líbing̃an, áliwan, búgtung̃an, sígiran, lúksuhan, atbp.

Ikatló.—Ang ilán sa mg̃a salitâng ugát na may dalawáng pantíg gaya ng̃ ibig, nais, sabi, bulíd, hiláw, mahál, atbp. na pinang̃ung̃unahan ng̃ anyô (ó partícula) ma ó na ay binibigkás ding mariín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg, hal.: máibig, mánais, másabi, máhiláw, mámahál, mábulíd, másabi, máibig, náturan, nábulong, nábasa, nákain, atbp.

Ikaapat.—Ang karamihan ng̃ mg̃a salitâng nagpapásimulâ sa ka at nagtatapós sa an ó han gaya ng̃ katíbayan, kagáling̃an, katípunan, kabánalan, kagándahan, kamáhalan, at ibá pang gangganitó ay binibigkás ding mariín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg.

G. ¿Alín ang mg̃a panutong dapat sundín ukol sa mg̃a salitâng pásagitsítsobresdrújula)?

N. Ang mg̃a panutong sumúsunód:

Una.—Ang mg̃a salitâng gaya ng̃ súliranín, pátakarán, mánunulát, paláisipán, palátuntunán, mánanagalóg, mámamahayág, mánanalaysáy, atbp., ay binibigkás na mariín sa ikaapat at ikalimáng hulí ng̃ pantíg.

Ikalawá.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may tatlóng pantíg gaya ng̃ himagsík, sigalót, himutók, halakhák, atbp. na mariín ang pagbigkás sa katapusáng pantíg at dinaragdagán sa hulí ng̃ an ay dapat bigkasíng mariín sa ikaapat na hulí ng̃ pantíg; hal.: hímagsikan, sígalutan, hímutukan, hálakhakan, atbp.

Ikatló.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may dalawáng pantíg, gaya ng̃ lagpás, alíw, bigkís, bulóng, utos, payo, atbp. na pinang̃ung̃unahan ng̃ pa at dinuduluhan ng̃ an ó han ay binibigkás na mariín sa ikaapat na hulí ng̃ pantíg; hal.: pálagpasán, páaliwán, pábigkisán, pábulung̃án, páutusan, pápayuhan, atbp.

Ikaapat.—Ang mg̃a salitâng ugát na may tatlóng pantíg, gaya ng̃ lagarì, dalirì, sariwà, atbp., na pinang̃ung̃unahan ng̃ ma ay binibigkás na mariín sa ikaapat na hulí ng̃ pantíg, hal.: malagarì, madalirì, masariwà, atbp.

Ikalimá.—Ang mg̃a salitâng may dalawáng pantíg, gaya ng̃ hulí, samâ, buti, wakás, linaw, at ibá pang pawàng gangganitó, na may ka sa una at an ó han sa hulí at sakâ inúulit ang buông pantíg ng̃ ugát, ay binibigkás ding mariín sa ikaanim na hulí ng̃ pantíg, hal.: káhulíhulihan, kásamâsamâán, kábutibutihan, káwakáswakasan, kálinawlinawan, atbp.

TALABABÂAN

[10] Ang limáng tuntuning náuuná ng̃ mg̃a salitâng pabiglâ ay sinipì ko kay G. Eusebio Daluz.

IX KABANATA
Tungkól sa paglilihim (ó sinalefa)

Gurò. ¿Anó ang paglilihimsinalefa)?

Nag-aaral. Ang pag-áalís ng̃ isá ó iláng titik sa mg̃a pang̃ung̃usap kailan ma’t naglalakip ang mg̃a itó.

G. ¿Kailán nangyayari ang paglilihim?

N. Ang paglilihim ay nangyayari sa mg̃a salitâng nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal) at sa mg̃a pangtinig (ó consonante) n at w, kailan ma’t ang sumúsunód dito’y ang pangbigkís (ó conjunción) at at ang pang-anib (ó ligazón) ay.

G. ¿Sa iláng tuntunin (ó regla) nábubuô ang paglilihim?

N. Sa dalawá, at itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Pagkâ ang isáng pang̃ung̃usap ay nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal) ó kayâ’y sa pangtinig na w at ang sumúsunód dito’y ang pangbigkís at ó ng̃ pang-anib ay, ay maáarìng alisín ang a sa at ó ay, pag-áalís na kailang̃ang pagitnâan ng̃ isáng panandâ (ó apóstrofo) upáng mákilala ang paglilihim.

MG̃A HALIMBAWÀ
Amá’t iná Amá at iná.
Lalaki’t babae Lalaki at babae.
Sampagita’t kampupot Sampagita at kampupot.
Akó’y tao Akó ay tao.
Siyá’y marang̃ál Siyá ay marang̃ál.
Itó’y magandá Itó ay magandá.
Ikáw’t akó Ikáw at akó.
Araw’t gabí Araw at gabí.
Ikáw’y marunong Ikáw ay marunong.
Ang ilaw’y maning̃as Ang ilaw ay maning̃as.

Ikalawá.—Lahát ng̃ pang̃ung̃usap na nagtatapós sa n, at itó’y sumúsunód sa at ó ay ay maáarìng alisín ang násabing n, sakâ ang a sa ay ó at, na, kailang̃ang pagitnâan lamang ng̃ isáng panandâ (ó apóstrofo).

MG̃A HALIMBAWÀ
Baya’t Pámahalàán Bayan at Pámahalàán.
Silang̃a’t Kanluran Silang̃an at Kanluran.
Pang̃inoó’t Alipin Pang̃inoón at Alipin.
Ang baya’y harì Ang bayan ay harì.
Itóng halama’y malusóg Itóng halaman ay malusóg.
Ang katwira’y likô Ang katwiran ay likô.

G. ¿Sinúsunód bagá ang paglilihim sa tuwîtuwî na?

N. Hindî pò: ang paglilihim ay lubhâng malayà: maáarìng sundín ng̃ isáng sumusulat at maáarì namáng huwág sang-ayon sa kanyáng káibigán.

X KABANATA
Hinggíl sa mg̃a pang-anib (ó ligazón)

Gurò. ¿Anó ang pang-anibligazón)?

Nag-aaral. Tinátawag na pang-anib, ang iláng titik ó anyô (partícula) na siyáng naglalakip sa mg̃a pang̃ung̃usap na magkahiwaláy.

G. ¿Bakit ginagawâ ang ganitóng paglalakip?

N. Nang magkaroón ng̃ magandáng tunóg, lambíng at tamís ang mg̃a salitâ natin.

G. ¿Ilán ang mg̃a pang-anib sa tagalog?

N. Apat, at ganitó ang pagkakasunódsunód: g, ng, na, ay.

G. ¿Kailán dapat gamitin ang g?

N. Dapat gamitin ang g kailan ma’t ibig paglakipin ang salitâng nagtatapós sa n sa pang̃ung̃usap na sumúsunód.

MG̃A HALIMBAWÀ
Bayan dakilà Bayang dakilà
Kundiman marikít Kundimang marikít
Samahán Taga-ilog Samaháng Taga-ilog

G. ¿Saán ginágamit ang ng?

N. Sa salitâng nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal) na ibig ilakip sa pang̃ung̃usap na sumúsunód.

MG̃A HALIMBAWÀ
Magandá babae Magandáng babae.
Dakilà Mithî Dakilàng Mithî.
Noó maaliwalas Noóng maaliwalas.
Paá malakí Paáng malakí.

G. ¿Saáng gamit ang na?

N. Ang na ay siyáng gamit kung ibig paglakipin ang salitâng nagtatapós sa pangtinig (ó consonante) na hindî n sa kapwà salitâng sumúsunód.

MG̃A HALIMBAWÀ
Lang̃it mataás Lang̃it na mataás.
Ilog mababaw Ilog na mababaw.
Bundók matarík Bundók na matarík.

G. ¿Saáng gamit namán ang ay?

N. Ang ay ay siyáng naglalakip sa ng̃alang pangtukoy (ó nominativo de persona) sa salitâng sa kanyá’y sumúsunód na nagbabadyá ng̃ kalagayan.

MG̃A HALIMBAWÀ
Si Bathalà marunong Si Bathalà ay marunong.
Ang tao tao Ang tao ay tao.
Si Kikò dukhâ Si Kikò ay dukhâ.

IKALAWÁNG BAHAGI
Pagkilala ó Analogía

I KABANATA
Ang Pagkilala at ang kaniyáng sakláw

Gurò. ¿Anó ang kahulugán ng̃ PagkilalaAnalogía)?

Nag-aaral. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò’t nagpapakilala ng̃ káhalagahán at tungkulin ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, tagláy ang kaniyáng pagkakabagobago at ang sariling kátuturán.

G. ¿Anó ang pang̃ung̃usap ó salitâ?

N. Isáng tunóg, ó kayâ’y kabuùan ng̃ mg̃a tunóg na ibinibigkás natin ang isáng pagkukurò.

G. ¿Anó ang tinátawag na kaisipánoración) sa urì ng̃ Balarilà?

N. Ang dalawá ó ang paglalakiplakip ng̃ mg̃a salitâ na nagbabadyá ng̃ isáng ganáp na pagkukurò ó ang nagtatagláy ng̃ isáng hustóng kahulugán. Halimbawà: Akó’y susulat; siyá’y bumabasa; silá’y nag-áaral ng̃ Balarilà.

G. ¿Ilán ang mg̃a bahaging sakláw ng̃ kaisipán?

N. Sa Wikàng Tagalog ay siyám lamang: pang-akbáyartículo), pangdiwàsustantivo), pangturingadjetivo), pangtayôpronombre), pangwatas verbo), pangbagoadverbio), pang-ukolpreposición), pangbigkísconjunción) at pangdamdáminterjección).

G. ¿Paano ang pagkakabagong nangyayari sa mg̃a bahaging itó ng̃ kaisipán?

N. Ang mg̃a itó’y nagkakábagobago sa pamamagitan ng̃ dalawáng pang̃ulong kátawagán: magbalingdeclinar) at magbaybáyconjugar).

G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ magbaling?

N. Dalhín sa ibá’t ibáng lagáy (ó caso) ang mg̃a salitâng pinagbábaling.

G. ¿Alín ang mg̃a salitâng pinagbábaling?

N. Ang pang-akbáy, ang pangdiwà, ang pangturing at ang pangtayô.

G. ¿Anó namán ang kátuturán ng̃ magbaybáy?

N. Ilagáy sa ibá’t ibáng ayos (ó modo), panahón (ó tiempo), bilang (ó número) at katawán (ó persona), ó kayâ’y ang pagkakabagobagong nangyayari sa mg̃a salitâng binabaybáy.

G. ¿Alín ang mg̃a salitâng binabaybáy?

N. Ang tang̃ìng binabaybáy ay ang salitâng pangwatas; ng̃unì’t dapat alamíng sa Wikàng Tagalog ang alín mang pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán, lalòng lalò na ang pangdiwà, pangturing, pangbago at pangtayô ay maáarìng gawíng pangwatas at baybayín sa pamamagitan ng̃ tulong ng̃ ibá’t ibáng anyô (ó partícula). Lalòng maliliwanagan ang bagay na itó pagsapit sa kanyáng kinaúukulan.

G. ¿Alín ang mg̃a salitâng hindî nátitinag (ó invariables)?

N. Ang mg̃a salitâng mahirap ó talagáng hindî maáarìng baguhin ay ang pang-ukol (ó preposición), pangbigkís (ó conjunción) at pangdamdám (ó interjección).

G. ¿Anó ang dapat mákilala ukol sa mg̃a salitâng pinagbábaling?

N. Sa mg̃a salitâng pinagbábaling ay dapat mákilala ang kiyásgénero), ang bilangnúmero) at ang lagáycaso).

G. ¿Anó ang tinátawag na kiyásgénero)?

N. Tinátawag na kiyás ang pagbabagong nangyayari sa Balarilà upáng matalastás kung ang isáng pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay ay tumutukoy sa lalaki ó sa babae ó sa bagay.

G. ¿Mayroóng ilán ang kiyás sa ating wikà?

N. Tatló: Kiyás lalakigénero masculino), kiyás babaegénero femenino) at kiyás sa bagay género neutro).

G. ¿Anó ang kiyás lalaki?

N. Ang náuukol sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao ó hayop na ang kahulugá’y nahihinggíl ó náuuwî sa kalálakihan, hal.: Huan, amá, binatà.

G. ¿Anó namán ang kiyás babae?

N. Ang tumutukoy sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao ó hayop na ang kátuturá’y náuukol sa kabábaihan, hal.: Huana, iná, dalaga, binibini.

G. ¿Anó ang kiyás sa bagay?

N. Ang náuukol sa mg̃a ng̃alan ng̃ bagay na hindî kiyás lalaki ni kiyás babae, gaya ng̃ aklát, panulat, bulaklák, kahoy, bahay, tubig, atbp.

G. ¿Anó ang tinátawag na bilangnúmero)?

N. Tinátawag na bilang ang pagbabagong nangyayari sa Balarilà upáng mákilala kung ang isáng salitâ ay náuukol sa íisá ó maraming tao, hayop ó bagay.

G. ¿Mayroóng ilán ang bilang?

N. Dalawá: bilang na íisánúmero singular) at bilang na dalawá ó maraminúmero plural). Bilang na íisá, ang tumutukoy sa pang̃alan ng̃ isáng tao, hayop ó bagay, hal.: bahay, aklát, panulat. Bilang na dalawá ó marami, ang tumutukoy sa pang̃alan ng̃ dalawá ó maraming tao, hayop ó bagay, hal.: mg̃a bahay, mg̃a aklát, mg̃a panulat.

G. ¿Anó ang tinátawag na lagáycaso)?

N. Ang kalagayan at mg̃a pangyayari na, matatagpùán sa kaisipán ang isáng salitâng pinagbábaling hinggíl sa kapwà salitâ.

G. ¿Paano ang pagpapákilala ng̃ ganyáng kalagayan at mg̃a pangyayari?

N. Sa ating wikà’y sa pamamagitan ng̃ mg̃a pang-akbáy (ó artículo) at mg̃a pang-ukol (ó preposición).

G. ¿Ilán ang mg̃a lagáy sa Wikàng Tagalog?

N. Tatló lamang ang sa kasalukuya’y ginágamit: pangtukoynominativo), pang-arìgenitivo) at panglayonacusativo).

G. ¿Anó ang tungkulin ng̃ pangtukoy (ó nominativo)?

N. Tukuyin ang pang̃ulo (ó sujeto) na siyáng nagbibigáy ng̃ kahulugán sa pangwatas (ó verbo), hal.: Si Pedro, siná María.

G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ pang-arì (ó genitivo)?

N. Ang náuukol sa pag-áarì, ó ang tumutukoy sa bagay na itó, hal.: Ang aklát ni Lucio; ang kay Kikòng panulat.

G. ¿Anó ang kátuturán ng̃ panglayon (ó acusativo)?

N. Ang tumutukoy sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay na siyáng tinutung̃o ó nilálayon ng̃ pangwatas, hal.: Paroón ka kay Ricardo; maglakbáy tayo sa Bulakán.

II KABANATA
Salitâng Pang-akbáy (ó Artículo)

Gurò. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng pang-akbáy?

Nag-aaral. Ang pang-akbáy ay isáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán (ó oración) na siyáng ipinang̃ung̃una ó ipinang-áakbáy sa salitâng pangdiwà (ó sustantivo) at pangturing (ó adjetivo) upáng mákilala ang kanyáng lagáy (ó caso) at bilang (ó número). Kung minsa’y ipinang-áakbáy rin sa ibá pang pangkát ng̃ kaisipán.

G. ¿Ilán sa tagalog ang mg̃a salitâng pang-akbáy?

N. Dalawá lamang: si at ang.

G. ¿Anó ang kátawagáng dapat ikapit sa dalawáng itó upáng sa paggamit ay magkabukód?

N. Ang si ay dapat pang̃anláng pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ tao at ang ang ay pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ bagay.

G. ¿Bakit ang si ay ng̃inanláng pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ tao?

N. Ng̃inanláng ganitó sapagkâ’t siyáng iniúuna ó iniáakbáy sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao, ó kayâ’y sa mg̃a hayop ó bagay na ang kahulugá’y náuukol sa tao.

G. ¿Bakit ng̃inanláng pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ bagay ang ang?

N. Ng̃inanláng ganitó sapagkâ’t siyáng inaakbáy sa mg̃a karaniwang pang̃alan ng̃ anó mang bagay ó hayop.

PANG-AKBÁY SA MG̃A NG̃ALAN NG̃ TAO

G. ¿Saánsaán dapat iakbáy ang pang-akbáy na si?

N. Sa mg̃a tuntuning sumúsunód:

Una.—Sa pang̃alan ng̃ tao, kailan ma’t itó’y na sa lagáy na pangtukoy (ó caso nominativo), hal.: Si Huan, si Yayang, si Mameng, si Neneng.

Ikalawá.—Sa anó mang pang̃alan ng̃ hayop ó bagay kayâ, kailan ma’t itó’y ing̃inang̃alan sa tao ó ang kahulugá’y dito náuuwî, hal.: Si Lumpó, si Bulág, si Bubuyog, si Galit, si Sampalok, si Katuray.

Ikatló.—Sa alín mang pamagát ng̃ kathâ ó dulâ kailan ma’t tinutukoy ang kumathâ, hal.: Si Banaag at Sikat, si Pinaglahuan, si Walâng Sugat.

Ikapat.—Sa anó mang ng̃alan ng̃ katungkulan kailan ma’t binabanggít sa kasunód ang pang̃alan ng̃ táong may tungkulin, hal.: Si Speaker Osmeña, si Kinatawáng Quezón, si Profesor Blumentritt, si Gobernador Santos.

Ikalimá.—Sa mg̃a pang̃alang itinátawag sa mg̃a magulang at kapatíd, kalahì at katoto, hal.: Si tatay, si nanay, si kaka, si kuya, si kababayan, si kaibigan. Gayón din sa mg̃a ng̃alang itinátawag sa mg̃a kamag-anak, ng̃unì’t tang̃ìng mangyayari ang ganitó kailan ma’t na sa mg̃a salitâng hirám, hal.: Si tio, si primo, si kumare, si kumpare.

G. ¿Kung ibig tumukoy sa dalawá ó marami, ¿anó ang dapat gamitin?

N. Dapat gamitin ang siná, na nanggaling sa pang-akbáy na si at dinagdagán ng̃ na, kailan ma’t ibig tumukoy sa dalawá ó maraming tao, hal.: Siná Milíng, siná Teroy. Sa mg̃a salitâng itó’y mapagtatantô na si Milíng ó si Teroy ay may mg̃a kasamaháng akiakibat magíng sa pamamahay, sa paglalarô, sa paglíliwalíw ó sa paghahanap-buhay.

G. ¿Paano ang pagtukoy sa bilang na dalawá ó marami sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao?

N. Ang pang̃alang angkín ng̃ isáng tao ay hindî maáarìng ilagáy sa bilang na dalawá ó marami (ó número plural) kailan ma’t tumutukoy sa sarili lamang niyáng pagkatao. Ng̃unì’t kung ang pang̃alang nátura’y tumutukoy sa kalahatán ó karamihan ay maáarìng ilagáy sa bilang na dalawá ó marami, at sa ganitó’y dî dapat gamitin ang siná kundî ang mg̃a na siyáng ginágamit sa mg̃a bagay; hal.: Ang mg̃a Pedro, ang mg̃a Karlos, ibig sabihin sa makatwíd ang mg̃a tinátawag na Pedro ó ang mg̃a nang̃áng̃alang Karlos.

G. ¿Paano ang pagbábaling (ó declinación) ng̃ pang-akbáy na si?

N. Gaya ng̃ sumúsunód:

PAGBÁBALING NG̃ PANG-AKBÁY NA SI
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Si Pangtukoy Siná
Pang-arì { Ni Pang-arì { Niná
{ Kay { Kiná ó kaná
Panglayon { Kay Panglayon { Kiná ó kaná
{ Ni { Niná

G. ¿Kailán dapat gamitin ang na sa lagáy na pangtukoy?

N. Ginágamit ang si sa bilang na íisá at siná sa dalawá ó marami kailan ma’t tinutukoy ang pang̃alan ng̃ tao, hal.: Si Kulás, kung siyá lamang, at siná Kulás kung may ibá pang kasama ó akibat.

G. ¿Kailán ginágamit ang na sa lagáy na pang-arì?

N. Ginágamit ang ni sa íisá at niná sa dalawá ó marami kailan ma’t ang bagay na ináarì ó sangkáp ay unang nábabanggít kay sa may arì ó kinasasangkapán, hal.: ang aklát ni Lucio, ang bahay niná Enchang. Kung ang may arì ó kinasasangkapán ay siyáng unang nátutukoy kay sa ináarì ó sangkáp ay dapat gamitin ang kay sa íisá at kiná sa dalawá ó marami, hal.: Ang kay Luciong aklát, ang kiná ó kaná Enchang na bahay.

G. ¿Kailán ginágamit ang na sa panglayon?

N. Ginágamit ang kay sa íisá at ang kiná sa dalawá ó marami, kailan ma’t nagpapakilala ng̃ layon ó anó mang bagay na ninanasà, hal.: Dumalaw siyá kay Lukas; paroón tayo kiná ó kaná Yoyong. Kung nagpapakilala ng̃ kung sino ang may gawâ ng̃ isáng bagay, ó may akdâ ng̃ aklát ó may likhâ ng̃ anó man ay dapat gamitin ang ni sa íisá at niná sa dalawá ó marami, hal.: Sinulat ni Diego itóng aklát, ang bangkâ’y ginawâ niná Binong.

G. ¿Kailán hindî dapat gamitan ng̃ pang-akbáy ang pang̃alan ng̃ tao?

N. Hindî ng̃â dapat gamitan kailan ma’t binabanggít sa pagtawag, pag-úutos ó pakikisuyo, hal.: Emong, halika; Lakad na, Tinoy; Teban, pakiabot mo ng̃â ang batiyâ.

G. ¿Dapat bang lagyán ng̃ pang-akbáy ang bawà’t isá kung nagkakasunódsunód ang dalawá ó maraming pang̃alan ng̃ tao?

N. Kung magkakásunódsunód ang dalawá ó maraming ng̃alan ay dapat akbayán ng̃ si ang bawà’t isá lalòng lalò na kung binibilang ó tinutukoy na isáisá, hal.: Si Pedro, si Karlos at si Fidel ay paraparang mabuti.

PANG-AKBÁY SA MG̃A NG̃ALAN NG̃ BAGAY

G. ¿Saánsaán dapat iakbáy ang pang-akbáy na ang?

N. Dapat iakbáy sa mg̃a panutong sumúsunód:

Una.—Sa karaniwang pang̃alan ng̃ anó mang bagay, hal.: ang bayan, ang tao, ang araw, ang hayop, ang tubig, ang talulót.

Ikalawá.—Ang pamagát ng̃ mg̃a bansá, bayan, lálawigan, nayon, lansang̃an, at mg̃a poók ay karaniwan ng̃ akbayán ng̃ ang; hal.: Ang Pilipinas, ang Amérika, ang Bulakán, ang Sampalok, ang Eskolta, atbp.

Ikatló.—Ang pamagát ng̃ mg̃a kapisanan, samahán ó simbahan kailan ma’t ibig banggitín, hal.: Ang Taga-Ilog, ang Katubusan, ang Katimawan, ang Paraluman, ang Katedral.

Ikaapat.—Ang pamagát ng̃ mg̃a aklát ng̃ karunung̃an ó ng̃ mg̃a kathâng kasaysayan kailan ma’t binabanggít, hal.: ang Gramátiká, ang Pilosopía, ang Noli me tángere.

Ikalimá.—Ang pang̃alan ng̃ mg̃a araw sa buông isáng linggó at ng̃ mg̃a buwán, kailan ma’t ibig banggitín, hal.: ang martés, ang huebes, ang Agosto, ang Disiembre.

Ikaanim.—Ang pang̃alan ng̃ mg̃a katungkulan kailan ma’t itó’y binabanggít, hal.: Ang Komisionado, ang Kinatawán. Kung may kasunód na pang̃alan ng̃ tao ay inaakbayán din ng̃ ang, bagamá’t maáarì rin ang si, hal.: Ang Komisionado Palma, ó si Komisionado Palma; ang Hukóm Araullo, ó si Hukóm Araullo.

Ikapitó.—Ang pang̃alan ng̃ tao, kailan ma’t sinusundán ng̃ itó, iyán, yaón, ó kayâ’y kung tinutuntóng mabuti, hal.: Ang Yoyong na itó, ang Huséng yaón.

Ikawaló.—Iniáakbáy rin sa mg̃a pangwatas (ó verbo), hal.: Ang binabasa ni Pedro, ang kinakain ni Mente, ang sinusulat ni Huan.

G. ¿Anó ang dapat gamitin kung ibig tumukoy sa bilang na dalawá ó marami?

N. Ang pang-akbáy na ang ay dapat sundán ng̃ mg̃a kailan ma’t tumutukoy sa bilang na dalawá ó marami (número plural) na siyáng sa bagay na itó’y tang̃ìng ginágamit sa ating wikà, hal.: ang tao, kung íisá ang binabanggít; at ang mg̃a tao kung bumabanggít sa dalawá ó marami.

G. Ang dalawá ó maraming pang̃alan ng̃ bagay na nagkakasunódsunód, ¿dapat bang akbayán ng̃ ang ang bawà’t isá?

N. Kung iniisáisá ang pagbanggít sa hang̃ád na bilang̃in ó luminaw kayâ, ay dapat pang̃unahan ng̃ ang ang bawà’t isáng pang̃alan ng̃ bagay, hal.: Ang matá, ang ilóng at ang taing̃a ay maháhalagáng sangkáp ng̃ katawán ng̃ tao; ang ilog at ang dagat ay kapuwà tubig. Ng̃unì’t kung sa isáng kaisipán ay nagkakasunódsunód ang dalawá ó maraming pangdiwà (ó sustantivo) at dî lubhâng nililinaw ang pagbanggít ay dî dapat akbayáng isáisá ng̃ ang kundî ang una lamang, hal.: ang masasarap na manggá, lansones, santól at mabulo ay tang̃ìng halaman sa Pilipinas.