WeRead Powered by ReaderPub
Balarilang Tagalog cover

Balarilang Tagalog

Chapter 125: TALABABÂAN
Open in WeRead

About This Book

The work presents a practical grammar of Tagalog, describing older orthographic conventions and spelling rules while offering guidance for correct speech and writing. It critiques the dominance of a colonizing language in education, highlights inconsistent practices among contemporary writers, and contrasts traditionalist and reformist approaches to usage. Through explanations, prescriptions, and examples the author seeks to standardize grammar, refine literary style, and encourage wider cultivation and clear expression in the native tongue.

[32] Sa ikaíilag sa pagkakámalî ng̃ dalawáng itó ay ináakalà kong tumpák na ang kundî (pangbigkís) ay isulat lamang ng̃ ganitó ng̃ walâng g sa gitnâ, at ang kung dî (pangbago) ay ganitó namán dapat gawín.

XXXV KABANATA
Salitâng Pangdamdám (ó Interjección)

Gurò. ¿Anó ang salitâng pangdamdám?

Nag-aaral. Pangdamdám ay siyáng káhulíhulihang pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán na siyáng ginágamit sa pagbabadyá ng̃ mg̃a sarìsarìng bagay na nangyayari sa ating damdamin na nilílikhâ ng̃ ating namamalas, naririníg, nagugunitâ, nararamdamán, ninanasà ó iníibig.

G. ¿Anó ang talagáng salitâng pangdamdám?

N. Ang ganáp na pangdamdám ay mg̃a sigáw ó hibík na hindî halos mawatasan, sapagkâ’t ang isáng pagkagulat ó pagkatakot ay biglâáng ibinibigkás sa ating damdamin na walâng ibáng nasàng sabihin kundî ang kanyáng namalas ó nadiníg na kagulatgulat ó katakátaká, kayâ’t ang mg̃a pangdamdám ay nagkakatulad halos sa mg̃a ginágamit ng̃ ibá’t ibáng wikà.

G. ¿Alín ang mg̃a pangdamdám na karaniwan sa ating wikà?

N. Itóng mg̃a sumúsunód: ¡Abá!, ¡ah!, ¡oh!, ¡ay!, ¡bah!, ¡arúy!, ¡ayán!, ¡hoy!, ¡abá ko!, ¡iná ko! ó ¡nakú!, ¡sús!, ¡pshe!, ¡sits!, ¡uy!, ¡ping!, atbp.

Mayroón pang maraming pangdamdám na nagbuhat sa ibá’t ibáng pangkát ng̃ kaisipán gaya ng̃ ¡dalí!, ¡lakad!, ¡sulong!, ¡tabí!, ¡ilag!, ¡sayang!, ¡nawà!, ¡urong!, ¡tayo na!, ¡halina!, ¡hilat!, ¡ikáw palá!, ¡buti ng̃â!, ¡buwisit!, ¡sawîng palad!, ¡kahì’t manawarì!, ¡Dios ko! atbp.

Mayroón pa ring pangdamdám sa ating wikà na mg̃a buôbuô nang pang̃ung̃usap na nagbabadyá ng̃ pagtataká ó panunumpâ ó pagtutung̃ayáw, gaya ng̃: ¡kay daming tao! ¡kay dunong mo! ¡kay lakás niyá! ¡sumpa ko! ¡saksí ko ang lang̃it! ¡saksí ko ang lupà! ¡tinamaan ka ng̃ kulóg! ¡tamaan ka sana ng̃ hang̃in! ¡kanin ka ng̃ buwaya! ¡lamunin ka ng̃ lupà! atbp.

Ilán sa mg̃a pangdamdám ay karaniwang inúulit upáng magkaroón ng̃ lalòng lakás sa pagsusulit ó pagdaramdám, gaya ng̃ ¡sulong sulong!, ¡lakad lakad!, ¡tabí tabí!, ¡hala hala!, ¡dalî dalî!, ¡abá abá!, ¡ay, ay! atb.

XXXVI KABANATA
Ukol sa Pagbabawas (ó Síncopa)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na pagbabawas?

Nag-aaral. Tinátawag na pagbabawas ang salitâng binawasan ó inalisán sa gitnâ ng̃ iláng titik, ó pantíg kung minsan, upáng magkaroón ng̃ madalîng pagbigkás ó kayâ’y nang lalòng gumandá at tumamís ang ating sariling wikà, hal.: sa matuwíd ay matwíd, sa sakayan ay sakyán, sa atipán ay aptán, sa buhusan ay busan.

G. ¿Alín ang mg̃a tuntuning sinúsunód ukol dito?

N. Ang mg̃a tuntunin ó pátakarán sa mg̃a salitâng pagbabawas ay itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Ang mg̃a salitâng may tatló, apat ó ilán mang pantíg (ó sílaba) na sa gitnâ niyá’y may magkasiping na uw ay maáarìng alisín ang u, at sa ganitó’y nábabawasan namán ng̃ isáng pantíg ang náturang salitâ, hal.: sa kapuwà ay kapwà, sa takuwíl ay takwíl, sa káluluwá ay kálulwá, sa biguwasán ay bigwasán, sa kaluwalhatian ay kalwalhatian.

Dapat mabatíd na hindî maáarìng bawasan ang mg̃a salitâng may dalawáng pantíg, gaya sa halimbawà ng̃ huwág, tuwíd, duwág, tuwî, tuwád, tuwâ, buwál, buwíg, atbp. ay dî magagawâng hwág, twíd, dwág, twî, twád, twâ, bwál, bwíg.

Ikalawá.—Ang mg̃a salitâng may tatló, apat ó ilán mang pantíg na sa gitnâ nitó’y may magkasiping na iy ay maáarìng alisín ang i, at sa dahiláng itó’y nábabawasan ng̃ isáng pantíg ang násabing salitâ, hal.: sa pasiyá ay pasyá, sa akiyát ay akyát, sa kudiyapì ay kudyapì, sa kabiyawan ay kabyawan, atbp. Dapat ding matantô na hindî maáarìng bawasan ang may dalawáng pantíg paris sa halimbawà ng̃ tiyáp, tiyák, biyák, liyág, atbp. ay dî magagawâng tyap, tyak, byak, lyag.

Ikatló.—Ang iláng pang̃ung̃usap na may apat ó limá ó ilán mang pantíg na sa gitnâ nitó’y may magkasiping na ting̃ig (ó vocal) na magkatambál, ang isá’y maáarìng alisín, at sa bagay na itó’y nábabawasan namán siyá ng̃ isáng pantíg, hal.: Ikaapat, ikaanim, katotoohanan, atbp. ay ginagawâng ikapat, ikanim, katotohanan.

Ikaapat.—Ang mg̃a salitâng ugát na násusugpung̃án ng̃ in ó an ay karaniwang mawalâ ó maalís ang hulíng ting̃ig ng̃ náturang ugát, hal.: sa gawâin ay gawín, sa basâín ay basín, sa batahín ay bathín, sa sunurín ay sundín, sa hatirán ay hatdán, sa sakayan ay sakyán, sa bukurín ay bukdín, sa sakitan ay saktán, atbp.

Ikalimá.—Ang ilán sa mg̃a salitâng ugát bukód sa binabawas ó ináalís ang kanyáng hulíng ting̃ig (ó vocal) ay nagkakapalitan pa ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante), hal.: sa atipán ay aptán, sa silirán ay sidlán, atbp.

Ikaanim.—Ang ilán sa mg̃a ugát ay náwawalâ kung minsan sa gitnâ ang isáng buông pantíg (ó sílaba), ó kayâ’y ang dalawáng titik lamang, hal.: sa buhusan ay busan, sa hihipan ay hipan, sa kuhanin ay kunin, sa dating̃an ay datnán, sa hintayín ay hintín, atbp.

Ikapitó.—Kung minsan, ang salitâng ugát ay hindî nábabawasan kundî nararagdagán ng̃ iláng titik kailan ma’t sinusugpung̃án ng̃ in ó an, ó ka-an, hal.: sa tawa ay tawaNAN, sa totoó ay katotoHANAN, atbp. Dapat matalastás na itóng hulíng tuntuning itó ay bihibihiràng mangyari. At dapat ding matantô na ang pagbabawas (ó síncopa) ay tang̃ìng magagamit sa mg̃a salitâng pinahihintulutan ng̃ tuntunin at ng̃ mg̃a karaniwang pagbigkás.

XXXVII KABANATA
Hinggíl sa Pangdulo (ó Desinencia)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na pangdulo?

Nag-aaral. Tinátawag na pangdulo ang anó mang anyô (partícula) ó iláng titik kayâ na siyáng idinudulo ó isinusugpóng sa mg̃a ibá’t ibáng salitâ na nagkakaroón namán ng̃ sarisariling kahulugán sang-ayon sa pangdulong isinusugpóng.

G. ¿Saán magbubuhat ang mg̃a pangdulong itó?

N. Ang Wikàng Tagalog baga ma’t mayamang mayaman na sa sarìsarìng anyô na siyáng tumutulong sa ating mg̃a salitâ ay nang̃áng̃ailang̃an pa ring humirám sa ibáng wikà ng̃ mg̃a anyô ó pangdulo na hindî matumbasán sa ating sariling wikà. Ang mg̃a pangdulong itó na nanggaling sa kastilà ay kailang̃an ng̃âng hiramín natin at ipalagáy na parang sariling arì samantalàng hindî pa tayo nakakatuklás ng̃ mg̃a anyông maitutumbás sa kaniyá, sapagkâ’t malimit gamitin sa ating dilà ang mg̃a salitâng náturan na násusugpung̃án ng̃ sarìsarìng anyô.

G. ¿Alínalín ang mg̃a pangdulong dapat tanggapín?

N. Ang mg̃a salitâng kinasasangkapán nitó na karaniwang gamitin sa ating wikà ay siyáng tang̃ìng marapat tanggapín. Ng̃unì’t kung ang náturang salitâ ay kinasasangkapán ng̃ mg̃a pangdulong maáarìng makayuwis ó mapagkamalán sa ibá, ó kayâ’y may katumbás ó maáarìng tumbasán sa ating wikà ng̃ ibáng pang̃ung̃usap ay hindî kailang̃ang mapalakip sa mg̃a pandulong ating hihiramin na kinaroroonán ng̃ mg̃a salitâng hirám na ating áarìin:

ano gaya ng̃ amérikano, aglipayano, romano.
ino pilipino.
ante komandante, protestante.
ente teniente.
ero tabakero, bangkero, labandero.
ario diksionario, silabario, kalendario.
or emperador, doktor, gobernador.
tris emperatris, matris.
ia demokrasia.
ía pilosopía, anarkía, tranbía.
idád unibersidád, elektrisidád.
ikó elektrikó, katolikó, apostolikó.
iká gramátiká, matemátiká, politiká.
ista makinista, aparatista.
ismo katolisismo, anarkismo, espiritismo.
ado komisionado, konsulado, abogado.
apó sinematograpó.
ura agrikultura, agrimensura.[33]

G. ¿Anó ang sukat másabi ukol sa mg̃a pangdulo?

N. Na, ang ilán sa kanyá’y maáarìng gamitin ang hugis babae (ó forma femenina), gaya ng̃ sa pilipina, amerikana, katóliká, tabakera, labandera, atbp.

TALABABÂAN

[33] Ang mg̃a pangdulong itó ay sinipì ko kay G. Eusebio Daluz na nagkaroón lamang ng̃ kauntîng pagbabago.

IKATLÓNG BAHAGI
Paglalakip ó Sintaxis

I KABANATA
Ang Paglalakip at ang kaniyáng sakláw

Gurò. ¿Anó ang kátuturán ng̃ Paglalakip?

Nag-aaral. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ mg̃a kaparaanán ukol sa pagbubuô ó paglalakiplakip ng̃ iláng salitâ sa kapuwà salitâ sa ikayayarìng tumpák ng̃ mg̃a kaisipán (ó oración).

G. Ang Paglalakip, ¿sa anó nabábahagi?

N. Nabábahagi siyá sa tinátawag na likásregular) at likhâfigurada).

G. ¿Anó ang paglalakip na likás?

N. Ang mg̃a tuntunin sa paglalagáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap sang-ayon sa katutubòng hanáy ng̃ mg̃a pagkukurò.

G. ¿At anó ang paglalakip na likhâ?

N. Ang mg̃a pátakaráng lumalabág sa paglalakip na likás, na nagbabadyá ng̃ mg̃a kaparaanán sa matuwíd na pagpapalitpalit ng̃ mg̃a salitâ upáng magkaroón ng̃ lakás at gandá ang mg̃a pang̃ung̃usap ó kaisipán.

G. ¿Iláng bagay ang kailang̃an upáng mayarì ó mabuô ng̃ tumpák ang isáng kaisipán?

N. Tatló: pagkakaayonconcordancia), paghaharìrégimen) at pagbubuôconstrucción).

II KABANATA
Ukol sa pagkakaayon (ó concordancia)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na pagkakaayon?

Nag-aaral. Ang pagkakásalig ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap sa ibá’t ibáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán.

G. ¿Paano ang pagkakaayon ng̃ pang-akbáy (ó artículo) sa pangdiwà (ó sustantivo)?

N. Sa Wikàng Tagalog, palibhasà ang mg̃a salitâ ay walâng tagláy na kiyás (ó género) kung sa kanyáng sarili lamang, kayâ’t ang pang-akbáy ay walâng kailang̃ang gamitin magíng sa ng̃alan ó bagay na tumutukoy sa lalaki ó kayâ’y sa babae, hal.: Si Pedro, si Luisa, ang amá, ang iná, ang pusà, ang áso, atbp. Ng̃unì’t kung bumabanggít sa bilang (ó número) ay kailang̃ang gamitin ang si at ang sa íisá, at siná at ang mg̃a sa dalawá ó marami, hal.: Si Lucio, ang bulaklák (kung tumutukoy sa íisá); siná Lucio at Huan, ang mg̃a bulaklák (kung bumabanggít namán sa dalawá ó marami).

G. ¿Paano ang pagkakaayon ng̃ pangturing (ó adjetivo) sa pangdiwà (ó sustantivo)?

N. Ang pagkakaayon ng̃ dalawáng itó ay másasabing walâng kabuluhán, sapagkâ’t maáarì siláng pagsamahin kahì’t na ang isá’y tumutukoy sa lalaki at ang ikalawá’y sa babae, ó báligtaran, hal.: mabuting amá, mabuting iná, magandáng dalaga, magandáng binatà. Kung tumutukoy sa bilang (ó número) ay kailang̃ang tantùin kung sa anó bumabanggít, hal.: malantíg na dalirì, malinaw na salamín, kung sa íisá; kung sa dalawá ó marami ay nagigíng: malalantig na dalirì, malilinaw na salamín.

G. Sakalìng mayroóng dalawá ó higít na pangdiwà na tumutukoy sa bilang na íisá (ó singular), at ang mg̃a itó’y isasama sa íisáng pangturing lamang, ¿sa anó itó dapat ilagáy?

N. Dapat ilagáy sa bilang na dalawá ó marami (ó plural). Kung ang pangturing na isasama ay mayhalò ay inúulit lamang ang unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát, hal.: Si Kulás at si Lucio ay marurunong; ang manggá at ang santól ay matatamís. Kung pangturing namáng dalisay ay pinang̃ung̃unahan ng̃ mg̃a, hal.: Si Luisa at si María ay mg̃a pang̃it; ang áso at pusà ay mg̃a duwág.

G. ¿Paano namán ang pagkakaayon ng̃ pangtayô (ó pronombre) sa pangdiwà (ó sustantivo)?

N. Kung tungkól sa kiyás (ó género) ay hindî kailang̃ang mapasama sa alín man, hal.: itó’y lalaki, itó’y babae, atbp. Kung tungkól sa bilang ay kailang̃ang ialinsunod sa tumutukoy ng̃ salitâ, hal.: akó’y tao, itó’y saging, sa íisá; akó’y mg̃a tao, itó’y mg̃a saging, kung sa dalawá ó marami.

G. ¿Paano ang pagkakaayon ng̃ pangwatas (ó verbo) sa pangdiwà (ó sustantivo)?

N. Ang pangwatas na karaniwan sa Wikàng Tagalog ay walâng kailang̃ang malakip sa pangdiwà kahì’t na itó’y nagtatagláy ng̃ anó mang bilang (ó número) at katawán (ó persona), hal.: ang ibon ay kumakain, ang mg̃a ibon ay kumakain; si Pedro ay sumulat, siná Lucio ay sumulat. Ng̃unì’t may iláng pangwatas na ang karamiha’y nagbubuhat sa anyông “ma”, na kailang̃ang isalig kung sa anóng bilang tumutukoy, hal.: ang pusà ay nagisíng, ang mg̃a pusà ay nang̃agisíng; ang tao ay natatalisod, ang mg̃a tao ay nang̃atatalisod. Sa unang halimbawà, ang pangwatas na nagisíng ay na sa bilang na íisá (ó singular) na naáayon sa pangdiwàng pusà na nasa gayón ding bilang. Sa ikalawá ang nang̃agisíng ay na sa bilang na dalawá ó marami (ó plural) na naáayon namán sa mg̃a pusà na nasa bilang ding dalawá ó marami.

G. ¿Paano namán ang pagsasama ng̃ pangtayông kinatawán (ó relativo) sa salitâng pangdiwàng náuuná sa kanyá (ó antecedente)?

N. Pagsasamahin silá sa pamamagitan ng̃ bilang (ó número), na ang pangtayông kinatawán ay dapat ibatay sa pangdiwàng náuuná, hal.: Tinawag ko ang batà, at itó ay lumapit agád. Ang pangdiwàng batà ay na sa bilang na íisá kayâ’t ang pangtayông itó ay na sa gayón ding bilang. Kung sabihin namáng: Tinawag ko ang mg̃a batà, at ang mg̃a itó’y lumapit agád. Ang salitâng mg̃a batà ay na sa bilang na dalawá ó marami, kung kayâ namán ang pangtayô’y inilagáy din sa náturang bilang: mg̃a itó.

III KABANATA
Hinggíl sa paghaharì (ó régimen)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na paghaharì?

Nag-aaral. Ang kaukulán ng̃ iláng pang̃ung̃usap sa ilán ding pang̃ung̃usap ng̃ kaisipán.

G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng naghaharìregente) at ng̃ salitâng pinaghaharìanregido)?

N. Salitâng naghaharì ang nang̃áng̃ailang̃an ng̃ isáng pang̃ung̃usap upáng bumuô ng̃ kaisipán; salitâng pinaghaharìan ang bumubuô ng̃ náturang kaisipán na siyáng náuukol sa naghaharì. Halimbawà: Ang barò ni Pedro. Barò ay salitâng naghaharì, sapagkâ’t siyáng nang̃ung̃una ó umáakbáy sa pangdiwàng si Pedro sa pamamagitan ng̃ pang-ukol (ó preposición) ni, at si Pedro ay salitâng pinaghaharìan, sapagkâ’t náuukol sa pangdiwàng barò.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangdiwà sa kapuwà pangdiwà?

N. Sa pamamagitan ng̃ isáng pang-ukol (ó preposición), hal.: bahay na bató; aklát ni Lucio; lupà ng̃ magsasakâ; si Huan laban kay Kulás; ang tao’y laban sa hayop; ang buhay ay pará sa bayan; si María’y pará kay Mameng.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangdiwà sa pangturing?

N. Sa ibá’t ibáng kaparaanán: una, sa pamamagitan ng̃ pang-ukol na, hal.: tubig na malinaw, bahay na malakí; ikalawá, sa pamamagitan ng̃ pang-anib (ó ligazón) ng, hal.: babaing magandá, lalaking makisig; ikatló, sa pamamagitan din ng̃ pang-anib g, hal.: bayang marang̃ál, tapayang muntî; at ikaapat, sa pamamagitan ng̃ salitâng ay, hal.: Si Pedro ay masamâ, si Lucio ay marunong.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangdiwà sa pangwatas?

N. Sa pamamagitan din ng̃ salitâng ay, hal.: Si Kulás ay bumabasa; si Lucio ay susulat; ang ibon ay umaawit; ang dagâ ay kumakaluskós; ang batà ay umiyák.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangdiwà?

N. Sapagkâ’t sa ating wikà ay walâng kailang̃ang mapauná ó mapahulí kayâ ang alín man sa dalawáng itó, kung kayâ ang paghaharì ng̃ pangdiwà sa pangturing ay hindî lubhâng nagkakalayô sa paghaharì namán ng̃ pangturing sa pangdiwà, at sa katunaya’y binubuô itó sa pamamagitan din ng̃ na, ng, g, hal.: marikít na bahay; masaráp na manggá; magandáng dalaga; masamâng tao; matíisíng hayop; masintahing magulang. Ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangdiwà ay nagaganáp din sa pamamagitan ng̃ mg̃a pang-akbáy na si at ang, hal.: mabaksík si Celso, matapang si Yoyong, maasim ang santól, matamís ang mabulo, mapaít ang duhat.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangwatas na nasa pangbadyá?

N. Natutupad itó sa ibá’t ibá ring kaparaanán: Una, sa pamamagitan ng̃ salitâng kung, hal.: madalî kung bumasa, maiklî kung sumulat, mababà kung humagis; ikalawá, sa pamamagitan ng̃ na, hal.: masipag na mag-aral, marunong na maglarô, madalang na lumakad; ang kadalasán nitó’y hindî na nilálagyán ng̃ na, gaya ng̃: masipag mag-aral, marunong maglarô; ikatló, sa pamamagitan ng̃ ng, hal.: mahabàng magsalitâ, payapàng mang̃usap, masamâng tumakbó; at ikaapat, sa pamamagitan ng̃ g, hal.: matuling lumakad, mahinhíng kumilos.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangtayô?

N. Sa pamamagitan ng̃ pang-ukol (ó preposición) sa, hal.: magandá sa akin, pang̃it sa iyó, maramot sa kanyá.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangwatas sa pangdiwà?

N. Lahát halos ng̃ mg̃a pangwatas ay may tagláy na isáng pangdiwà (ó sustantivo) ó pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao (ó personal). Magaganáp ang paghaharìng itó kung pangwatas na pangbalak sa mg̃a paraáng sumúsunód: una, kung ang pinaghaharìan ay tumutukoy sa ng̃alan ng̃ tao ay sa pamamagitan ng̃ kay, hal.: Umíibig siyá kay María, paroón ka kay Huan, nakikain siyá kay Lucio; ikalawá, kung tumutukoy sa ng̃alan ng̃ bagay ay sa pamamagitan namán ng̃ sa, hal.: tumakbó siyá sa bayan, lumayô kayó sa sugál, kumain ka sa handâ.

Kung pangwatas na pangtiyák, ang paghaharì nitó sa pangdiwà ay mátutupád sa pamamagitan ng̃ si kailan ma’t nagbabadyá ng̃ ng̃alan ng̃ tao, hal.: Iibigin niyá si Mameng, tutulung̃an ko si Karlos, parunán mo si Yoyong. Kung nagbabadyá namán ng̃ bagay ay sa pamamagitan ng̃ ang, hal.: pitasín mo ang bulaklák, hinukay niyá ang lupà, papag-áaralin ninyó ang batà.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangwatas sa kapuwà pangwatas?

N. Sa tatlóng kaparaanán: ilagáy ang pangwatas na pinaghaharìan (regido) sa pangbadyá, ó sa panghiwatig, ó sa pangsukob.

G. ¿Kailán inilálagáy ang pangwatas sa pangbadyá?

N. Ginaganáp itó kailan ma’t ang kátuturán ng̃ pangwatas na pinaghaharìan ay náuuwî sa nais ó hang̃ád ng̃ pang̃ulo (ó sujeto) ng̃ pangwatas na naghaharì regente), hal.: Si Lucio ay ibig kumain; ang batà’y ibig maglarô. Sa mg̃a halimbawàng itó, ang mg̃a pangbadyáng kumain at maglarô na siyáng mg̃a pangtung̃o (ó complemento) ng̃ kaisipán ay nagsusulit ng̃ nais ó hang̃ád ni Lucio at ng̃ batà na siyá namáng kanyáng pang̃ulo (ó sujeto).

May maraming pangwatas, lalòng lalò na ang mg̃a binaybáy sa anyông “ma” ay nang̃áng̃ailang̃ang pag-itanan ng̃ mg̃a pangbigkís na upáng ó pará ó nang, hal.: Akó’y umalís upáng mang̃isdâ; silá’y nakilaban pará magwagí; kumain nang mabusóg.

G. ¿Kailán inilálagáy ang pangwatas sa panghiwatig (ó indicativo)?

N. Inilálagáy dito kailan ma’t nagkakáibá ang mg̃a pang̃ulo (ó sujeto) ng̃ mg̃a pangwatas na naghaharì at pinaghaharìan, at nang̃áng̃ailang̃ang pag-itanan ng̃ pang-ukol na, ó kayâ’y ng̃ mg̃a pang-anib (ó ligazón) ng, g, hal.: ang Dios ay nagnanais na bumuti ang tao; ang gurò ay nagnanasàng dumunong ka; ating sabihing sumulat siyá.

G. ¿Kailán namán inilálagáy ang pangwatas sa pangsukob?

N. Paris din ng̃ sa panghiwatig, na, nangyayari kailan ma’t nagkakáibá ang mg̃a pang̃ulo (ó sujeto), baga ma’t dito’y sa pamamagitan ng̃ kung na siyáng tandâ sa ating wikà ng̃ ganitóng ayos, ó ng̃ mg̃a pangbago (ó adverbio), hal.: mag-áaral siyá kung ibig mo; silá’y kakain kailan ma’t sumigáw ka; dárating ang iyóng anák kailan ma’t nais mo.

G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangwatas sa pangbago?

N. Lahát halos ng̃ mg̃a pangwatas ay napaghaharìán ng̃ mg̃a pangbago; at ang mg̃a itó’y náuukol sa pangwatas, gaya rin namán ng̃ nangyayari sa pangturing at pangdiwà. Ang pangwatas baga ma’t siyáng salitâng lubhâng mahalagá sa lahát ng̃ wikà ay walâng ibinabadyáng anó man kundî ang kanyáng nais, ginagawâ, dinaramdám atbp. ng̃ pang̃ulo (ó sujeto) na kanyáng kaakbáy; at ang pangbago (ó adverbio) ay siyáng nagpapáliwanag ng̃ mg̃a kilos ó pinangyarihan ng̃ kátuturán ng̃ pangwatas sa ibá’t ibáng bahaging sakláw niyá; at sa pagkaganáp ng̃ paghaharìng itó’y kailang̃ang pagitnâan ng̃ na, ng, g, sang-ayon sa dapat kaukulán at kung minsa’y kahì’t walâ nitó, hal.: akó’y nagisíng na maaga; si Luis ay bumabasang mabuti; ang batà’y bumahíng malakás; akó’y paririto bukas.

IV KABANATA
Tungkól sa pagbubuô (ó construcción)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na pagbubuô?

Nag-aaral. Ang ayos ó hanáy na dapat sundín ukol sa paglalagáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap sa kaisipán.

G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ pang-akbáy (ó artículo)?

N. Dapat na iunáng palagì sa mg̃a pangdiwà, hal.: si Lucio, si Mameng, siná Milíng, ang lupà, ang aklát, ang mg̃a bulaklák.

G. ¿Maáarì bagáng sing̃itan ng̃ anó mang salitâ sa gitnâ ng̃ pang-akbáy at pangdiwà?

N. Oo pò; maáarìng ising̃it ang isáng pangturing adjetivo), hal.: Ang mabuting tao; ang magandáng ibon; si matandâng Lucio; si hukóm Yusay.

G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ pangdiwà (ó sustantivo)?

N. Kung pangtukoy ng̃ pangwatas, ay maáarìng mapauná ó mapahulí, hal.: si Kulás ay maglalarô, ó maglalarô si Kulás. Kung panglayon ó pangtung̃o (complemento) ay dapat ilagáy sa hulí, hal.: ang iná’y nagmámahál sa mg̃a mabaít.

G. ¿Anóng salitâ ang maáarìng ising̃it sa gitnâ ng̃ pangdiwà at pangwatas?

N. Ibá’t ibá pòng mg̃a salitâ, kayâ’t nárarapat na isáisáhín:

Una.—Maáarìng ising̃it ang isá pang pangdiwà sa pamamagitan ng̃ may ó walâ, hal.: isáng lalaking may salakót ay namalas ko; isáng babaing walâng tapis ay tumatakbó.

Ikalawá.—Maáarìng ising̃it ang isáng salitâng pangturing (ó adjetivo), hal.: ang táong masamâ ay ibig sa sugál, ang mg̃a dalagang magagandá ay iníibig ng̃ mg̃a binatà.

Ikatló.—Maáarìng ising̃it ang isáng pangturing na may akibat ó kasamang ibáng pangdiwà na isásalig itó sa paghaharì (ó régimen), hal.: ang táong mahilig sa sugál ay maghihirap na palagì; ang handâng punô sa mg̃a ulam at sa mg̃a matamís ay nakalilitó sa isáng kumakain.

G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ mg̃a pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao (ó personal)?

N. Mangyayaring mapauná ó mapahulí alinsunod sa máibigan, lamang ay dapat alamín ang kanyáng pagkakabagobago, hal.: akó’y babasa, ó babasa akó; ikáw ay susulat, ó susulat ka; silá’y kakain, ó kakain silá. Dapat mabatíd na sa ayos pang-utos (ó imperativo) ay dapat ipagpahulí, hal.: Lumakad ka, tumakbó kayó, mag-aral silá.

G. ¿Paano ang pagbubuô sa mg̃a pangdamdám (ó interjección), ó kayâ’y sa mg̃a kaisipáng paputól?

N. Dapat na iuná sa pangwatas ang mg̃a násabing pangdamdám, ó mg̃a kaisipáng paputól, hal.: Si Milíng—¡oh anóng alíw!—ay dárating bukas; ang hulíng palabás—dapat mong isaisip—ay matatapos sa gabíng itó.

G. ¿Paano ang pagbubuô sa salitâng ay?

N. Binubuô sa maraming kaparaanán: una, sa pagbubuô ng̃ dalawáng pangdiwà, hal.: Si Mariano ay manggagawà, si Binong ay mánunulát; ikalawá, sa pagbubuô ng̃ isáng pangdiwà at isáng pangturing, hal.: ang santól ay matamís, ang bulaklák ay magandá; ikatló, sa pagbubuô ng̃ isáng pangdiwà at isáng pangwatas, hal.: Si Huan ay susulat, ang araw ay tumatakbó.

G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ pangwatas sa kapuwà pangwatas?

N. Ang paghaharì ng̃ pangwatas ay hindî maáarìng lumampás sa pangdiwà (sustantivo) ó sa pangtayô (pronombre) kundî sa kapuwà pangwatas din, at ang mg̃a salitâng idinaragdág dito ay may sariling paghaharì (ó régimen), hal.: Ibig niyáng maglarô ng̃ kalumbibít, silá’y nakihamók upáng magtagumpáy sa kalaban.

V KABANATA
Ukol sa mg̃a kaisipán (ó oración)

Gurò. ¿Anó ang tinátawag na kaisipánoración)?

Nag-aaral. Tinátawag na kaisipán sa Balarilà ang dalawá, ó ang kabuùan ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap na nagbabadyá ng̃ isáng ganáp na pagkukurò.

G. ¿Iláng urì mayroón ang kaisipán?

N. Dalawá: dalisaysimple) at mayhalòcompuesta).

G. ¿Anó ang kaisipáng dalisay?

N. Ang binubuô lamang ng̃ íisáng pangwatas (ó verbo), hal.: Ang aklát ay nagtuturò sa bayan.

G. ¿Anó ang kaisipáng mayhalò?

N. Ang binubuô namán ng̃ dalawáng kaisipán (ó oración), hal.: Huwág kang gagawâ ng̃ masamâ kung ayaw kang maparusahan.

G. Ang kaisipáng dalisay, ¿sa anó nabábahagi?

N. Sa tinátawag na pang̃una at pang̃alawá.

G. ¿Alín ang kaisipáng pang̃una?

N. Ang binubuô ng̃ pang̃ulosujeto), pangwatasverbo) at pangtung̃ocomplemento), hal.: Ang araw ay sumisilang sa umaga. Sa halimbawàng itó ang araw ay siyáng pang̃ulo, sumisilang ay pangwatas at umaga ay pangtung̃o.

G. ¿Alín ang kaisipáng pang̃alawá?

N. Ang binubuô lamang ng̃ pang̃ulo at pangwatas, hal.: Ang buwán ay sumisilang. Sa halimbawà namáng itó, ang buwán ay siyáng pang̃ulo at sumisilang ang pangwatas.

G. ¿Anó ang tinátawag na pang̃ulo ng̃ kaisipán?

N. Ang isáng salitâ, ó kabuùan ng̃ mg̃a salitâ na tumutukoy sa ng̃alan ó bagay na siyáng gumagawâ ó gumaganáp sa ibinabadyá ng̃ pangwatas, hal.: Si Lucio ay bumabasa ng̃ aklát; ang batàng mabaít ay nagtatapát sa magulang.

G. ¿Paano ang pagkakilala sa pang̃ulo ng̃ kaisipán?

N. Pang̃unahan ang pangwatas ng̃ tanóng na ¿sino ang? Iangkáp natin itó sa mg̃a halimbawàng nakaraán, at ganitó dapat sabihin: ¿sino ang bumabasa? ¿sino ang nagtatapát? Ang kasaguta’y madalîng mababatíd na siyáng pang̃ulo ng̃ bawà’t kaisipán: Si Lucio sa una, at sa ikalawá’y ang batàng mabaít.

G. ¿Anó ang tinátawag na pangtung̃o ng̃ kaisipán?

N. Ang salitâ, ó kabuùan ng̃ mg̃a salitâ na binabanggít sa ng̃alan ó bagay na siyáng ginagawâ ó ginaganáp nang isinasaysáy ng̃ pangwatas, hal.: Si Daniel ay gumagawâ ng̃ tinapay; si Yoyong ay bumibilí ng̃ mg̃a aklát.

G. ¿Mayroóng ilán ang hugis ng̃ pangtung̃o?

N. May dalawá: tapátdirecto) at likôindirecto).

G. ¿Anó ang tinátawag na pangtung̃ong tapát?

N. Ang ng̃alan ó bagay na tinatanggáp ng̃ tápatan ang kahulugán ng̃ pangwatas, hal.: Akó’y naglulutò ng̃ isdâ.

G. ¿Paano ang pagkakilala na ang pangtung̃o (ó complemento) ay tumatanggáp ng̃ tápatan sa gawâ ng̃ pangwatas?

N. Makikilala sa pamamagitan ng̃ isáng pagsusurì, na, kung ang náturang pangtung̃o ay maáarìng gawíng pang̃ulo (ó sujeto) ng̃ kaisipán, na, ang pangwatas ay ilálagáy sa pangtiyák (ó voz pasiva). Ilagáy natin sa bagay na itó ang halimbawàng si Yoyong ay humukay ng̃ lupà, at kung magkaganitó’y magigíng: ang lupà ay hinukay ni Yoyong. Dahil namán dito ang lupà ay pangtung̃ong tapát na siyáng tumatanggáp ng̃ tápatan sa gawâ ng̃ pangwatas.

G. ¿May ibá pa bang kaparaanán sa pagkilala ng̃ pangtung̃ong tapát?

N. Oo pò, sa pamamagitan ng̃ ganitóng tanóng: ¿Sino ang? ó ¿anóng bagay? na sinusundán ng̃ pangtiyák na pangwatas at ng̃ pang̃ulo ng̃ kaisipán. Halimbawà: Si Huan ay sumaksák kay Lucio; si Nicanor ay nagpakò ng̃ kahoy. Iangkáp natin ang mg̃a tanóng na: ¿sino ang sinaksák ni Huan?—Si Lucio; ¿anóng bagay ang pinagpakuan ni Nicanor?—Ang kahoy.

G. ¿Anó ang pangtung̃ong likôindirecto)?

N. Ang ng̃alan ó bagay na hindî tinatanggáp ng̃ tápatan ang gawâ ng̃ pangwatas, hal.: Akó’y maglalakbáy sa Tayabas.

G. ¿Paano namán ang pagkakilala, na, ang gawâ ng̃ pangwatas ay hindî tinatanggáp ng̃ tápatan?

N. Makikilala siyá sa pamamagitan ng̃ paglalagáy ng̃ kaisipán sa pangtiyák (ó pasiva), na ang náturang pagtung̃o (ó complemento) ay hindî maáarìng ilagáy sa pang̃ulo (ó sujeto) ng̃ kaisipán. Tikmán nating ilagáy sa pangtiyák ang halimbawàng si Lucio ay maglalakbáy sa Tayabas. Kung magkaganitó’y magigíng: Ang Tayabas ay paglalakbayán ni Lucio at dito’y mapagkikilalang ang Tayabas ay hindî tinatanggáp ng̃ tápatan ang gawâ ng̃ pangwatas.

VI KABANATA
Sa mg̃a kaisipáng dalisay (ó simple)

Gurò. ¿Iláng hugis mayroón ang mg̃a kaisipáng dalisay?

Nag-aaral. Mayroóng ibá’t ibáng hugis at may ibá’t ibáng kátawagán sang-ayon sa pangwatas na tagláy ng̃ kaisipán.

G. ¿Maáarì bagáng bumuô ng̃ isáng kaisipán sa pamamagitan ng̃ salitâng ay?

N. Maáarì pò, kailan ma’t nagtatagláy ng̃ isáng pang̃ulo at isáng pangtung̃o, na, maáarìng pangdiwà ó pangturing, at ipinagigitnâ ang ay sa dalawáng itó, hal.: Si Lukas ay anluwage; ang bulaklák ay magandá.

G. ¿Anóanó ang bumubuô sa mg̃a pangwatas na nagbuhat sa ma, ó sa mg̃a ibáng pangwatas na may gangganitóng kahulugán?

N. Bumubuô lamang ng̃ dalawá: pang̃ulo at pangwatas, hal.: Si Husé ay natulog; ang pusà ay namatáy.

G. ¿Anó ang kaisipáng tinátawag na pangtagòimpersonal)?

N. Ang binubuô lamang ng̃ pangwatas na may ganitóng urì, at walâng tagláy na pang̃ulo ni pangtung̃o, hal.: Umulán, bumagyó, humang̃in, lumindól, kumulóg, kumidlát, umumaga, gumabí, humápon.

G. ¿Anó ang kaisipáng tinátawag na pangbalakactiva)?

N. Ang kaisipáng may pangwatas na ganitóng hugis.

G. ¿Sa ilán nabábahagi ang kaisipáng pangbalak?

N. Gaya na ng̃ násabi ay sa dalawá: pang̃una at pang̃alawá.

G. ¿Anó ang kaisipáng pang̃una ng̃ pangbalak?

N. Ang binubuô ng̃ pang̃ulo, ng̃ pangwatas na kanyáng pinaghaharìan, at ng̃ pangtung̃ong tapát (ó directo), hal.: Si Beloy ay gumawâ ng̃ bahay; ang ibon ay kumain ng̃ saging.

G. ¿Anó ang kaisipáng pang̃alawá ng̃ pangbalak?

N. Ang binubuô lamang ng̃ pang̃ulo at ng̃ pangwatas na pinaghaharìan niyá, hal.: Si Yoyong ay naglulutò; ang batà’y bumabasa.

G. ¿Anó ang kaisipáng pangtiyákpasiva)?

N. Ang binubuô ng̃ pang̃ulo, ng̃ pangwatas na nasa pangtiyák, at ng̃ pangtung̃ong pinaghaharìan ng̃ ni ó ng̃, alinsunod sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay, hal.: Ang lupà ay hinukay ni Lucio; ang damít ay kinahig ng̃ manók.

G. ¿Paano ang pagtutumbalík ng̃ isáng kaisipáng pang̃una ng̃ pangbalak sa isá namáng pangtiyák?

N. Dapat munang mabatíd na ang kaisipáng pang̃una ng̃ pangbalak ay binubuô ng̃ pang̃ulo ng̃ pangwatas at ng̃ pangtung̃ong tapát. Sa pangtiyák, itóng pangtung̃ong tapát ay siyáng ginagawâng pang̃ulo, at ang pangwatas na pangbalak ay inilálagáy sa pangtiyák, at ang pang̃ulo sa kaisipáng pangbalak ay nagigíng pangtung̃o sa kaisipáng pangtiyák sa pamamagitan ng̃ ni ó ng̃, hal.: Ang bahay ay ginawâ ni Beloy, ang saging ay kinain ng̃ ibon.

G. ¿Paano namán kung ibig itumbalík sa pangbalak ang isáng kaisipáng pangtiyák?

N. Dapat gawíng pabaligtád, ó sa malinaw na sabi’y kunin ang pangtung̃o na may daláng pang-akbáy at siyáng gawíng pang̃ulo, ang pangwatas ay ilagáy sa pangbalak, at ang pang̃ulo’y dapat namáng ilagáy sa pangtung̃ong tapát, hal.: Si Beloy ay gumawâ ng̃ bahay.

VII KABANATA
Sa mg̃a kaisipáng mayhalò (ó compuesta)

Gurò. ¿Paano ang pagkakabuôbuô ng̃ mg̃a kaisipáng mayhalò?

Nag-aaral. Sa dalawáng kaparaanán: una, ang gayón ding ayos ng̃ pangwatas na walâng namamagitnâng ibá pang salitâ na siyáng naglalakip sa dalawáng kaisipán, at ikalawá’y ang gayóng hugis na may namamagitnâng ibáng pang̃ung̃usap; hal.: sa unang paraán: Ang harì ay nananaog sa hagdán, ang mg̃a tao’y nagtiting̃inan sa kanyá.

G. ¿Anó ang dapat mabatíd ukol sa mg̃a kaisipáng ganitó?

N. Ang pagtatang̃ì sa tinátawag na pang̃ulong kaisipán (ó oración principal) na may kahulugáng ganáp, at ang tinátawag na panghulíng kaisipán (ó oración accesoria) na siyáng nagbibigáy ng̃alan sa kanyá.

G. Sa halimbawàng binanggít, ¿alín ang pang̃ulong kaisipán at alín ang panghulí?

N. Ang pang̃ulong kaisipán ay itó: Ang mg̃a tao’y nagtiting̃inan sa kanyá. Ang panghulí ay itó namán: Ang harì ay nananaog sa hagdán.

G. ¿Anóng salitâ ang dapat ipagitnâ sa paglalakip ng̃ dalawáng kaisipán?

N. Ang salitâng na, hal.: ang bayan NA nakikiníg ng̃ayón, ay siyáng nagpapatotoó. Ang pang̃ulong kaisipán sa halimbawàng itó ay: ang bayan ay siyáng nagpapatotoó; ang panghulí ay: na nakikiníg ng̃ayón. Sa unang kaisipán, ang pang̃ulo’y ang bayan; at sa ikalawá, ang pang̃ulo’y ang bayan din, ng̃unì’t itó’y kinakatawanán ng̃ salitâng na.

VIII KABANATA
Paglalakip na likhâ (ó Sintaxis figurada)

Gurò. ¿Anó ang paglalakip na likhâ?

Nag-aaral. Yaóng paglalakip na, sa ikalálakás ó ikagagandá ng̃ pagbabadyá ay nagpapáhintulot na baguhin ang likás na ayos ó hanáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, bawasan ó dagdagán, ng̃ ilán ó lumabág kayâ sa mg̃a tuntunin ng̃ Paglalakip; hal.: Dinggín mong mataós sa iyóng pusò ang kalunoslunos na daíng ng̃ mg̃a dukhâ, ng̃unì’t huwág pagpupuri ang iyóng iukol sa halakhák ng̃ mayayaman.

G. ¿Paano dapat ilagáy ang mg̃a salitâng itó sang-ayon sa sinúsunód na mg̃a tuntunin ng̃ paglalakip na likás?

N. Sa ganitóng ayos: Ang kalunoslunos na daíng ng̃ mg̃a dukhâ ay dinggín mong mataós sa iyóng pusò, kay sa mg̃a halakhák ng̃ mayayaman, ng̃unì’t huwág pagpupuri ang iyóng iukol.

G. ¿Ilán at alínalín ang mg̃a pahintulot sa pagbubuô (ó figuras de construcción)?

N. Limá: pagpapalíthipérbaton), pagkukulang elipsis), paglalabispleonasmo), pagtatanyágsilepsis) at paglilipattraslación).

G. ¿Anó ang tinátawag na pagpapalíthipérbaton)?

N. Ang pagkakapalítpalít ó pagkakabagobago ng̃ likás na hanáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, hal.: Hinukay ni Lukas ang lupà; nahalò ang bigás sa palay; na, kung iayon sa talagáng tuntunin ay ganitó dapat sabihin: ang lupà’y hinukay ni Lukas; ang bigás ay nahalò sa palay.

G. ¿Ang lahát bang salitâ ay maáarì ng̃ gamitin sa paraáng itó?

N. Hindî pò, at ang katunaya’y mayroóng mg̃a pangkát ng̃ kaisipán na hindî maáarìng pagpalitín, gaya ng̃ pang-akbáy, pang-ukol at pangbigkís. Halimbawà’y hindî maáarìng gawíng ganitó: Lucio SI; aklát ANG; bahay bató NA; tubig Mariláw SA; atbp., sa lugál na sabihing: Si Lucio, ang aklát, bahay na bató, tubig sa Mariláw.

G. ¿Anó ang tinátawag na pagkukulangelipsis)?

N. Ang pag-áalís ng̃ iláng pang̃ung̃usap, na sa biglâng ting̃ín ó paggamit ay walâng halagá, ng̃unì’t lubhâng kailang̃an kung pakasusurìin at iáayon sa tuntuning likás ng̃ pagbubuô. Ginágamit ditong malimit ang mg̃a salitâ sa paggalang ó pagbabatìán, na sa kálawigang totoó ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, kung kayâ’y ináalís ang ilán at ang binibigkás lamang ay yaóng mahalagá na mawawatasan ng̃ kausap.

Madalás nating marinig ang mg̃a bigáy-galang na: Magandáng araw pò; tao pò; at ang tanóng na ¿anó? Sa mg̃a pang̃ung̃usap na itó ay may iláng inalís, at ang talagáng dapat sabihin ay ganitó: Bigyán ka pòkayó ó silá) ng̃ magandáng araw; may táong tumatawag ó humahanap at ¿anó ang ibig mo? ó ¿anó ang sinabi mo?

G. ¿Anó ang tinátawag na paglalabispleonasmo)?

N. Ang pagdaragdág ng̃ iláng salitâ na hindî kailang̃an ó labis, ng̃unì’t nagbibigáy ng̃ magandáng pagbabadyá at nagpapalayô sa mg̃a álinlang̃an ng̃ ibig sabihin ó ipatunay, hal.: Ang ibo’y nakita ko NG̃ AKING MG̃A MATÁ; ang ugong ay NARINÍG NG̃ AKING TAING̃A. Sa mg̃a halimbawàng itó’y labis ang mg̃a salitâng ng̃ aking mg̃a matá, at ng̃ aking taing̃a, at sukat nang sabihing: ang ibo’y nakita ko, at ang ugong ay aking nariníg.

Gayón din ang sukat másabi sa mg̃a salitâng: umakyát SA ITAÁS, pumanaog SA IBABÂ, lumipád SA HIMPAPAWÍD, lumang̃óy SA TUBIG, sapagkâ’t ang katotohana’y labis ang mg̃a salitâng sa itaás, sa ibabâ, sa himpapawíd, sa tubig, palibhasà’y hindî mangyayaring umakyát sa ibabâ, pumanaog sa itaás, lumipád sa lupà, ni lumang̃óy sa katihan; ng̃unì’t ang mabuting paggamit ay pinagtitibay ang ganitó.

G. ¿Anó ang pagtatanyágsilepsis)?

N. Ang ginagawâng pagkakaayon (ó concordancia), na ang ináalam ay hindî ang mg̃a pang̃ung̃usap kundî ang itinatanyág ó kinakatawanán. Sa ating wikà, ang mg̃a pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao (ó pronombre personal) na kayó at silá na kapuwà na sa bilang na dalawá ó marami (ó plural), ay malimit gamitin sa bilang na íisá kapág tumutukoy sa paggagalang̃an, gaya ng̃: KAYÓG. Agustin ang tinutukoy ko; SILÁ pò’y si G. Aguilar, na maáarì rin namáng sabihin at siyá ng̃âng katumbás na: ikáw pò G. Agustin, siyá pò’y si G. Aguilar.

G. ¿Anó ang paglilipattraslación)?

N. Ginágamit itó sa iláng mg̃a panahón ng̃ pangwatas na may kátuturáng kung pagkasusurìing maigi ay hindî angkáp kayâ’t kailang̃ang halinhán ó ilipat sa ibáng panahón, gaya ng̃ madalás sabihing: BABASA akó ng̃ayón sa lugál na BUMABASA akó ng̃ayón; huwág kang TUMAKBÓ sa lugál na huwág kang TATAKBÓ; huwág kang KUMAIN sa dapat sabihing huwág kang KAKAIN, at ibá pa.

IX KABANATA
Mg̃a kamalìán ng̃ salitâ (ó vicios de dicción)

Gurò. ¿Alínalín ang mg̃a kamalìáng dapat mailagan magíng sa pagsasalitâ at magíng sa pagsulat?

Nag-aaral. Ang mg̃a pang̃ulong kamalìán ay itóng mg̃a sumúsunód: kaibhánbarbarismo), kasiràánsolecismo), kakulitáncacofonía), kalabùananfibología) at kahirapanpobreza).

G. ¿Anó ang tinátawag na kaibhánbarbarismo)?

N. Ang kakulang̃áng nangyayari laban sa mg̃a tuntunin at kalikasán ng̃ wikà. Sinásakláw ng̃ kamalìáng itó ang mg̃a bahaging Pagkilala, Pagbigkás at Pagsulat.

G. ¿Alínalín ang mg̃a kaibháng nangyayari sa Pagsulat?

N. Ang mg̃a sumúsunód:

Una.—Kudlitán ang mg̃a pang̃ung̃usap na hindî dapat kudlitán, gaya ng̃ náyon, báyan, pagsílang, paggíliw atbp.; sa lugál na nayon, bayan, pagsilang, paggiliw.

Ikalawá.—Gamitan ng̃ ibáng kudlít ang mg̃a salitâng may sariling kudlít na tagláy, gaya ng̃ susó, laró, lahî, wikâ, binhì, ng̃itì, atbp.; sa dapat gawíng susô, larô, lahì, wikà, binhî, ng̃itî.

Ikatló.—Gawíng salitâng pagbabawas (ó síncopa) ang pang̃ung̃usap na hindî maáarìng gawíng ganitó, gaya ng̃ dwág, hwág, twíd, bwíg, bwán, bwál, twád, twî, atbp. sa lugál na duwág, huwág, tuwíd, buwíg, buwán, buwál, tuwád, tuwî.

Ikaapat.—Hatìin ng̃ masamâng paghahatì ang mg̃a salitâ, gaya ng̃ ku-dlít, tu-klóng, pa-tláng, ma-twíd, ba-dyá, bi-gwás, atbp.; sa dapat gawíng kud-lít, tuk-lóng, pat-láng, mat-wíd, bad-yá, big-wás.

Ikalimá.—Sulating masamâ ang mg̃a pang̃ung̃usap, gaya ng̃ mabutE, lalakE, pulEs, alipEn, butU, tubU, kutUs, utUs, sukaP, hikaP, haráB, higoB, suntoG, bagsíG, lamíK, baníK, lipáT, sisiT, awiD, sapoD, haKdán, baKság, puGG, atbp.; sa dapat gawíng mabuti, lalaki, pulís, alipin, butó, tubó, kutós, utos, sukáb, hikáb, haráp, higop, suntók, bagsík, lamíg, baníg, lipád, sisid, awit, sapot, hagdán, bagsák, pukpók.

Ikaanim.—Gamitin ang isáng salitâng hindî angkáp sa talagáng kátuturán, hal.: SINIPÌ ko ang magandáng talumpatì ni Osmeña, sa dapat sabihing hinaláw ko, atbp.; sapagkâ’t ang isáng nakikiníg ay hindî mangyayaring sumipì ng̃ isáng talumpatì kundî humaláw lamang. Sumipì ay kuning buông buô, at humaláw ay kunin ang bahaging lalòng mahalagá.

G. ¿Anó ang tinátawag na kasiràánsolecismo)?

N. Ang pagsirà sa iláng pátakarán ng̃ Paglalakip sa mg̃a bahagi niyáng pagkakaayon, paghaharì at pagbubuô.

G. ¿Alín ang mg̃a kasiràáng nangyayari sa pagkakaayon?

N. Itóng mg̃a sumúsunód:

Una.—Ukol sa bilang (ó número), hal.: ang ibon at isdâ ay MAGANDÁ; ang tao at hayop ay MAMAMATÁY; sa dapat sabihing ang ibon at ang isdâ ay magagandá; ang tao at hayop ay mang̃amamatáy.

Ikalawá.—Ukol sa lagáy (ó caso), hal.: Ang batà’y bumilí ng̃ aklát, AT ANG AKLÁT NA ITÓ’Y itinapon lamang; sa lugál na sabihing: ang batà’y bumilí ng̃ aklát, at itó’y itinapon lamang.

Ikatló.—Hinggíl sa katawán (ó persona), hal.: KAYÓ ay marunong, itóng bahay ay ATIN, sa dapat sabihing ikáw ay marunong, itóng bahay ay amin.

G. ¿Alín ang kasiràáng nagagawâ sa paghaharì?

N. Magkapalitan ang mg̃a pang-ukol (ó preposición), hal.: máng̃ang̃alakál SA abaká; nagmamayarî SA bahay; sa dapat sabihing máng̃ang̃alakál ng̃ abaká; nagmamayarî ng̃ bahay.

G. ¿Alín ang kasiràáng nangyayari sa pagbubuô?

N. Ang masamâng pagkakálagáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, hal.: may siyáng bayabas, sa lugál na sabihing may bayabas siyá.

G. ¿Anó ang tinátawag na kakulitáncacofonía)?

N. Ang masamâng tunóg na nilílikhâ ng̃ pagkakaulitulit ng̃ mg̃a pantíg ó mg̃a titik na may íisáng hugis, hal.: ang naSÀ’Y pasa ng̃ maririwa; ang laNG̃ITNG̃IT ng̃ saHIG ay nakatutuLIG; ang huNI NI NInoy ay marahan.

G. ¿Sa tuwîtuwî na ba’y masamâ ang ganitóng pagkakaulitulit?

N. Hindî pò, sapagkâ’t ang kadalasá’y nagigíng magandá at tumpák, palibhasà’y nagkakaroón ng̃ tamís at lambíng ang gayóng pagpaparisparis, lalò na kung gugunitâing sa Wikàng Tagalog ay totoóng malimit ang ganyáng tunóg.

G. ¿Anó ang kalabùananfibología)?

N. Ang kadilimáng ibinubung̃a ng̃ hindî tumpák na pagkakásalansán ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, hal.: Mg̃a damít pará sa mg̃a lalaking matitibay, sa dapat gawíng: mg̃a damít na matitibay pará sa mg̃a lalaki.

G. ¿Anó ang kahirapanpobreza)?

N. Ang madalás na paggamit ng̃ isáng pang̃ung̃usap sa maraming salitâng tinutukoy, hal.: Ang bagyó ay SUMIRÀ ng̃ bahay, ng̃ halaman, ng̃ simbahan, ng̃ tuláy, ng̃ lansang̃an, atbp. Ang halimbawàng itó’y dapat sabihin ng̃ lalòng marikít sa ating wikà: Ang bagyó ay siyáng sumirà ng̃ bahay, pumalís ng̃ halaman, nagpaguhô ng̃ simbahan, nagpagibâ ng̃ tuláy, nagpasamâ ng̃ lansang̃an, atbp. Ang kahirapan ay hindî dapat pairalin sa may mayayamang salitâ gaya ng̃ tagalog, sapagkâ’t náwawalâ ang gandáng dapat madiníg at nagpapasirà sa kayamanang tagláy ng̃ isáng wikà.