WeRead Powered by ReaderPub
Balarilang Tagalog cover

Balarilang Tagalog

Chapter 29: TALABABÂAN
Open in WeRead

About This Book

The work presents a practical grammar of Tagalog, describing older orthographic conventions and spelling rules while offering guidance for correct speech and writing. It critiques the dominance of a colonizing language in education, highlights inconsistent practices among contemporary writers, and contrasts traditionalist and reformist approaches to usage. Through explanations, prescriptions, and examples the author seeks to standardize grammar, refine literary style, and encourage wider cultivation and clear expression in the native tongue.

G. ¿Paano namán ang pagbábaling (ó declinación) ng̃ pang-akbáy na ang?

N. Gaya nitóng sumúsunód:

PAGBÁBALING NG̃ PANG-AKBÁY NA ANG
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Ang Pangtukoy Ang mg̃a
Pang-arì { Ng̃ Pang-arì { Ng̃ mg̃a
{ Sa { Sa mg̃a
Panglayon { Sa Panglayon { Sa mg̃a
{ Ng̃ { Ng̃ mg̃a

G. ¿Kailán dapat gamitin ang na sa lagáy na pangtukoy?

N. Dapat gamitin ang ang sa íisá at ang mg̃a sa dalawá ó marami kailan ma’t tinutukoy ang pang̃alan ng̃ bagay, hal.: ang bayan kung bumabanggít sa íisá at ang mg̃a bayan kung dalawá ó marami ang ibig tukuyin.

G. ¿Kailán ginágamit ang na sa lagáy na pang-arì?

N. Sa íisá’y ginágamit ang ng̃ at ng̃ mg̃a sa dalawá ó marami, kailan ma’t ang bagay na ináarì ó sangkáp ay unang nábabanggít kay sa may arì ó kinasasangkapán, hal.: ang panitik ng̃ mánunulát, ang ulo ng̃ sanggól, ang mg̃a bulaklák ng̃ dalaga. Kung ang may arì ó kinasasangkapán ay siyáng unang nátutukoy kay sa bagay na ináarì ó sangkáp ay dapat gamitin ang sa sa íisá at sa mg̃a sa dalawá ó marami, hal.: ang sa mánunulát na panitik, ang sa sanggól na ulo, ang sa dalagang mg̃a bulaklák.

G. ¿Kailán namán ginágamit ang na sa panglayon?

N. Ginágamit ang sa sa íisá at sa mg̃a kung dalawá ó marami kailan ma’t nagpapahiwatig ng̃ lugál, nasà ó anó mang bagay na náuukol dito, hal.: Maglalakbáy siyá sa Mindanáw, umanib tayo sa mg̃a kalahì. Kung nagpapahayag namán nang kung sino ang gumawâ, kumathâ ó lumikhâ ng̃ anó mang bagay ay ginágamit ang ng̃ sa íisá at ng̃ mg̃a sa dalawá ó marami, hal.: Ang aklát ay niyarì ng̃ limbagan, ang lansang̃a’y ginawâ ng̃ mg̃a tao.

III KABANATA
Salitâng Pangdiwà (ó Sustantivo)

Gurò. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng pangdiwà?

Nag-aaral. Salitâng pangdiwà, ang bahagi ó pangkát ng̃ kaisipán na tumutukoy ó nagpapakilala ng̃ mg̃a pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay sang-ayon sa kanyáng kalikasán, diwà ó halagá; hal.: Bahay, tubig, dagat, Pedro, Bulakán. Dapat mabatíd na ang pangdiwà ay maáarìng lumagáy ó lumagì sa kaisipán sa kanyáng sarili lamang, at dahil dito kung kayâ ikinapit ang ganyáng pamagát.

G. ¿Alín ang pang̃ulong bahagi ng̃ pangdiwà?

N. Ang dalawáng itó: pangdiwà sa bagay at pangdiwà sa tao.

G. ¿Anó ang pangdiwà sa bagay?

N. Ang náuukol sa madlâng pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay na karaniwan na tumutukoy sa íisáng panig ó hugis, hal.: tao, pusà, ilog, mg̃a pang̃alang bumabanggít sa lahát ng̃ tao, sa lahát ng̃ pusà at sa lahát ng̃ ilog.

G. ¿Anó namán ang pangdiwà sa tao?

N. Ang náuukol sa tiyák na pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay upáng mápaibá ó huwág mápalahók sa ibáng pang̃alang tumutukoy rin sa kanyáng panig ó hugis, hal.: Maynilà, Ricardo, Bagumbayan, mg̃a pamagát na bumabanggít sa isáng bayan, sa isáng tao at sa isáng daán ó lansang̃an.

G. ¿Anó ang dapat matantô ukol sa salitâng pangdiwà?

N. Na, sa Wikàng Tagalog, ang pangdiwà’y hindî pabagobago sa kiyás (ó género), hal.: áso, pusà, kabayo, mg̃a salitâng hindî matiyák kung ásong lalaki ó pusàng babae, ó anó man.

G. ¿Pano ang dapat gawín upáng matiyák ang kiyás ng̃ pang̃alan ng̃ isáng tao ó hayop?

N. Ang mg̃a pang̃alang tumutukoy sa tao ó hayop ay dapat dagdagán ng̃ lalaki kung sa kiyás na itó bumabanggít at babae kung dito namán náuukol, upáng mákilala ang tagláy na kiyás ng̃ isá’t isá; hal.: sa batà, batàng lalaki, kung itó ang nais tukuyin, sa pusà, pusàng babae, kung itó namán ang ibig banggitín.

G. ¿Mayroón kayâ sa ating wikà ng̃ mg̃a salitâ ó pang̃alan na sa kaniyáng sarili’y tumutukoy sa lalaki ó sa babae, kahì’t na ang mg̃a itó’y hindî idagdág?

N. Mayroón pò, bagamá’t ang mg̃a salitâng itó’y kákauntî, hal.: amá, na sa lalaki tumutukoy, at iná sa babae namán, amaín at ali, binatà at dalaga, bagongtao at binibini, at ibá pa.

G. ¿Anó ang dapat mabatíd ukol sa mg̃a ng̃alan ng̃ tao?

N. Ang mg̃a ng̃alan ng̃ tao na ng̃ayó’y kasalukuyang ginágamit natin, palibhasà’y hirám sa wikàng kastilà ay may sariling kiyás na tagláy, sa makatuwíd bagá’y ang isáng ng̃alan ay nauúnawàan agád kung nahihinggíl sa lalaki ó sa babae; hal.: Claro ó Clara, Domingo ó Dominga, Pascual ó Pascuala.

G. ¿Paano ang paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami (ó número plural) ng̃ mg̃a salitâng pangdiwà?

N. Sa dalawáng kaparaanán:

Una.—Kung pangdiwàng dalisay (ó simple) ay sa pamamagitan ng̃ mg̃a, hal.: mg̃a tao, mg̃a bahay, mg̃a hayop, mg̃a bulaklák.

Ikalawá.—Ang isáng pangdiwàng mayhalò na nagbuhat sa mag ay inúulit ang unang pantíg ng̃ ugát, hal.: mag-iná, mag-amá, magbayáw, ay ginagawâng mag-íiná, mag-áamá, magbábayáw, kung tumutukoy sa dalawá ó marami.

G. ¿Paano ang pagbábaling sa salitâng pangdiwà?

N. Sa pamamagitan ng̃ mg̃a pang-akbáy na si at ang at ang kaníkanyáng sinásakláw. Náitó ang mg̃a halimbawà:

PAGBÁBALING NG̃ PANGDIWÀ

SA NG̃ALAN NG̃ TAO
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Si Lucio. Pangtukoy Siná Lucio.
Pang-arì { Ni Lucio. Pang-arì { Niná Lucio.
{ Kay Lucio. { Kiná ó kaná Lucio.
Panglayon { Kay Lucio. Panglayon { Kiná ó kaná Lucio.
{ Ni Lucio. { Niná Lucio.

SA NG̃ALAN NG̃ BAGAY
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Ang aklát. Pangtukoy Ang mg̃a aklát.
Pang-arì { Ng̃ aklát. Pang-arì { Ng̃ mg̃a aklát.
{ Sa aklát. { Sa mg̃a aklát.
Panglayon { Sa aklát. Panglayon { Sa mg̃a aklát.
{ Ng̃ aklát. { Ng̃ mg̃a aklát.

UKOL SA ILÁNG BAHAGI NG̃ PANGDIWÀ

G. ¿Sa anó pa nabábahagi ang salitâng pangdiwà?

N. Sa tinátawag na dalisaysimple) at mayhalòcompuesto).[11] Tinátawag na dalisay ang salitâng walâng idinaragdág na anó man sa kanyáng pagigíng salitâ ó kayâ’y ang salitâng tinátawag na ugát, hal.: sanggól, bahay, kahoy, banál. Tinátawag na mayhalò ang salitâng dalisay ó ugát na dinagdagán ng̃ anó mang anyô (ó partícula) magíng sa una ó hulihán kayâ, hal.: kabatàan, kabuhayan, kasalo, pabang̃ó, pag-ibig, pag-asa, atbp.

G. ¿Paano ang mg̃a kaparaanáng ginagawâ nang ang salitâng dalisay ay magíng salitâng mayhalò?

N. Sa mg̃a paraáng sumúsunód:

Una.—Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng dalisay ó ugát na inangkapán ng̃ ka at sinugpung̃án ng̃ an ó han sang-ayon sa mg̃a pangyayari, hal.: buhay, bayan, batà, gandá, buti, linis, atbp. ay nagigíng kabuhayan, kabayanan, kabatàan, kagandahan, kabutihan, kalinisan.

Ikalawá.—Ang mg̃a salitâng dalisay ó ugát na inangkapán ng̃ ka ay nagigíng mayhalò, na, ang kahulugá’y náuuwî sa may akibat ó may kasama ó may kaakbáy, hal.: salo, sunò, sama, sabáy, piling, sakáy, larô, tulong, atbp. ay nagigíng kasalo, kasunò, kasama, kasabáy, kapiling, kasakáy, kalarô, katulong. Dapat alamíng ang mg̃a itó’y nagbabadyá lamang ng̃ isá sa mg̃a kasama, akibat ó kaakbáy, at kung ibig magsulit ng̃ dalawá ay kailang̃ang angkapán pa ng̃ anyông mag, hal.: magkasalo, magkasunò, magkasama, magkasabáy, atbp. Kung nagbabadyá namán ng̃ karamihan ay dapat ulitin ang unang dalawáng pantíg ng̃ ugát, hal.: magkasalosalo, magkasamasama, magkasabaysabáy, atbp.

Ikatló.—Ang mg̃a salitâng dalisay na maáarìng gawíng pangwatas ay nagigíng mayhalò kung angkapán ng̃ anyông pa, hal.: sa dusa ay parusa, sa bang̃ó ay pabang̃ó, sa hiyás ay pahiyás, sa utang ay pautang, sa mana ay pamana, atbp.

Ikaapat.—Ang mg̃a salitâng dalisay na bumabanggít sa ng̃alan ng̃ mg̃a kamag-anak na inangkapán ng̃ anyông mag ay nagigíng mayhalò na ang kahulugá’y tumutukoy sa dalawá, hal.: amá, iná, bayáw, asawa, pinsan, anák, atbp. ay nagigíng mag-amá, mag-iná, magbayáw, mag-asawa, magpinsan, mag-anák. Kung nais tumukoy sa tatló ó marami ay dapat ulitin ang unang pantíg ng̃ salitâng dalisay, hal.: mag-áamá, mag-íiná, magbábayáw, magpípinsan, atbp.

Ikalimá.—Ang mg̃a salitâng dalisay na nagbabadyá ng̃ anó man na angkapán ng̃ pinaka ay nagigíng mayhalò na ang kahulugá’y ang bagay na humahalili, hal.: tao, hayop, walís, tinapay, tubig, magulang, iná, amá, alilà, atbp. ay nagigíng pinakatao, pinakahayop, pinakawalís, pinakatubig, pinakaanó, pinakaalilà, atbp.

Ikaanim.—Ang mg̃a dalisay na tumutukoy din sa mg̃a ng̃alan ng̃ mg̃a kamag-anak ay nagigíng mayhalò kailan ma’t inangkapán ó sining̃itan ng̃ anyông in at inulit ang kanyáng unang pantíg, na ang kahulugá’y ang mg̃a ng̃alang hindî tunay ó hawa lamang, hal.: amá, iná, anák, ali, kapatíd, atbp. ay nagigíng ináamá, iníiná, ináanák, ináali, kinákapatíd.

Ikapitó.—Ang mg̃a dalisay na tumutukoy sa mg̃a ng̃alan ng̃ bung̃a, ng̃ bulaklák, ng̃ kasangkapan, atbp. ay nagigíng mayhalò kailan ma’t inangkapán ó sining̃itan ng̃ in, na ang kahulugá’y ang pagkakatulad ó pagkakáparis, hal.: balimbing, santól, gulay, sampaga, sampagita, kamatsilé, karayom, sandók, tabò, ay nagigíng binalimbing, sinantól, ginulay, sinampaga, sinampagita, kinamatsilé, kinarayom, sinandók, tinabò.

Ikawaló.—Ilán sa mg̃a salitâng dalisay ay nagigíng mayhalò kung angkapán ó sing̃itan ng̃ in at sugpung̃án ng̃ an, na, ang kátuturá’y ang katapusán ng̃ anó man, hal.: kayas, tabas, pilì, atbp. ay nagigíng kinayasan, tinabasan, pinilìan. Kung nagbabadyá ng̃ karamihan, ang in ay dapat dagdagán ng̃ pag, na sa madalìáng sabi ay nagigíng pinag at sakâ sugpung̃án ng̃ an, hal.: pinagkayasan, pinagtabasan, pinagpilìan.

Ikasyám.—Gayón ding pagbubuô ang dapat gawín ukol sa pagbabadyá ng̃ iláng ng̃alan ng̃ anó mang bagay na ginamitan, nilagyán ó ginawâng gayón sang-ayon sa ugát na tagláy, hal.: sa pulót ay pinulután, sa gulay ay ginulayan, sa burdá ay binurdahán, sa guhit ay ginuhitan, sa pulá ay pinulahán, atbp.

Ikasampuô.—Kung iangkáp ang anyông pang sa ibá’t ibáng ugát ay nagigíng pangdiwà, na, ang kahulugá’y ang kasangkapang iginagawâ ng̃ anó man. Dapat lamang alamín na itóng pang ay siyáng bumabago sa iláng titik ng̃ ugát, gaya ng̃ mápupuná sa mg̃a kabanatang haharapín. Halimbawà: panghakot, panghuli, panggapas, pang-ahit, panarók, pamalò, pamahid, pangtunóg, pang̃ahig, panilò, atbp.

PANGDIWÀNG PANGWATAS (Ó VERBAL)

G. ¿Anó ang tinátawag na pangdiwàng pangwatas?

N. Yaóng pangdiwàng nagbuhat ó nanggaling sa mg̃a pangwatas.

G. ¿Alínalín ang mg̃a pangdiwàng pangwatas?

N. Ang mg̃a sumúsunód:

1.—Nagagawâng mg̃a pangdiwà ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa um sa pamamagitan ng̃ anyông pag na iniangkáp sa mg̃a salitâng ugát, hal.: basa, sulat, lakad, takbó, lang̃óy, kain, araw, ulán, suntók, upô, sigáw, atbp. ay nagigíng pagbasa, pagsulat, paglakad, pagtakbó, paglang̃óy, pagkain, pag-araw, pag-ulán, pagsuntók, pag-upô, pagsigáw.

2.—Nagagawâ ring mg̃a pangdiwà ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa mag sa pamamagitan ng̃ anyông pag na iniangkáp sa mg̃a ugát na inulit ang isá ó dalawáng titik ng̃ unang pantíg nitó, hal.: aral, salitâ, saing, lutò, sabi, wastô, masíd, habol, hanáy, buô, lakip, atbp. ay nagigíng pag-áaral, pagsasalitâ, pagsasaing, paglulutò, pagsasabi, pagwawastô, pagmamasid, paghahabol, paghahanáy, pagbubuô, paglalakip.

3.—Ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa anyông mang ay nang̃agagawâ ring pangdiwà sa pamamagitan ng̃ anyông pang na inúulit ang unang dalawáng titik ng̃ ugát na binago, tagláy ang kanyáng pagkakabagong malimit mangyari, hal.: huli, isdâ, utang, pulót, puti, bató, tiklóp, pitás, atbp. ay nang̃agigíng panghuhuli, pang̃ing̃isdâ, pang̃ung̃utang, pamumulot, pamumuti, pangbabató, paniniklóp, pamimitás.

4.—Nagagawâ pa ring mg̃a pangdiwà ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa ma sa pamamagitan ng̃ anyông pagká, na iniáangkáp din sa salitâng ugát, hal.: tuto, tulog, higâ, hulog, takot, gulat, bagód, iníp, atbp. ay nagigíng pagkatuto, pagkahulog, pagkatakot, pagkagulat, pagkabagód, pagkainíp.

PANGDIWÀNG MALIMIT (Ó FRECUENTATIVO)

G. ¿Anó ang tinátawag na pangdiwàng malimit?

N. Yaóng nagbabadyá ng̃ kadalasán sa paggawâ ó ginagawâ sang-ayon sa mg̃a gawâ ó kilos ng̃ ugát.

G. ¿Paano ang mg̃a paraán ng̃ pagbubuô sa bagay na itó?

N. Sa ibá’t ibáng kaparaanán:

Una.—Sugpung̃án ng̃ an ó han sang-ayon sa tuntuning sinúsunód ng̃ salitâng ugát, hal.: sa damó ay damuhán, sa halaman ay hálamanán, sa ikmó ay ikmuhan, sa saging ay saging̃án, sa niyóg ay niyugan, sa kawayan ay káwayanán, sa bahay ay bahayán, sa paligò ay paligùan, sa pusalì ay pusalìán, atbp.

Ikalawá.—Sugpung̃án din ng̃ an ó han ang ugát, sakâ ulitin ó dalawahín ang unang pantíg nitó, hal.: sa kain ay kakanán, sa silíd ay sisidlán, sa upô ay úupán, sa higâ ay hihigán, atbp.

Ikatló.—Angkapán ng̃ ka at sugpung̃án ng̃ an ó han ang salitâng ugát, sakâ ulitin ang unang pantíg nitó, hal.: sa tisod ay katitisuran, sa hulog ay kahuhulugan, sa dapâ ay kadadapâan, sa untóg ay kauuntugán, atbp.

Ikaapat.—Nagagawâ ring pangdiwàng malimit ang iláng mg̃a pangwatas sa kanyáng mg̃a panahóng haharapín, hal.: paghuhukumán, pagbibitayán, pagbabarilán, pagpapatayán, pagbibinyagán, pagbabaunán, atbp.

PANGDIWÀNG KARAMIHAN (Ó COLECTIVO)

G. ¿Anó ang tinátawag na pangdiwàng karamihan?

N. Yaóng na sa bilang na íisá ay tumutukoy sa maraming ng̃alan, bagay ó anó man sang-ayon sa lamán ng̃ ugát.

G. ¿Paano ang kanyáng pagbubuô?

N. Sa mg̃a kaparaanáng sumúsunód:

Una.—Ang iláng salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ panahón na angkapán ng̃ anyông mag ay nagsasaysáy ng̃ kabuùan, hal.: sa hapon ay maghapon, sa damág ay magdamág.

Ikalawá.—Kung iniangkáp ang sang na nagbuhat sa isá, ay nagbabadyá ng̃ lahát ó kabuùan ng̃ anó mang bagay na tagláy ng̃ ugát, hal.: sang-oras, sang-araw, sanglinggó, sangbuwán, sangtaón, sangpuô, sangdaán, sanglibo, sanglaksâ, sangyutà, atbp.

Ikatló.—Sa mg̃a ugát na nagsusulit ng̃ poók ó anó man na angkapán ng̃ sang at sugpung̃án ng̃ an ó han ay nagbabadyá rin ng̃ karamihan ó kabuùan, hal.: sangbahayán, sangbayanán, sangdaigdigan, sangsinukuban, sangtinakpán, atbp.

Ikaapat.—Kung angkapán ng̃ sang ang mg̃a pangdiwàng mayhalò sa pamamagitan ng̃ ka at an ó han ay nagbabadyá namán ng̃ ganáp na kabuùan, hal.: sangkapulùán, sangkatauhan, sangkalang̃itan, sangkalupàan, at ibá pa.

TALABABÂAN

[11] Ginawâ kong íisáng salitâ ang mayhalò bagamá’t ang katotohana’y dalawá, upáng máitumbás natin sa salitâng compuesto ng̃ kastilà.

IV KABANATA
Salitâng Pangturing (ó Adjetivo)

Gurò. ¿Anó ang kátuturán ng̃ salitâng pangturing?

Nag-aaral. Salitâng pangturing ay isáng bahagi ó pangkát ng̃ kaisipán na siyáng inilalakip ó idinaragdág sa pangdiwà upáng mabago ó mákilala ang kátuturán nitó.

G. Ang mg̃a salitâng pangturing, ¿sa ilán nabábahagi?

N. Sa dalawá, gaya rin ng̃ pangdiwà: dalisay at mayhalò. Dalisay ang salitâng walâng idinaragdág na anó man sa kanyáng pagigíng salitâ, hal.: tamád, pang̃it, duwág, payapà, tahimik. Mayhalò ang salitâng ugát ó dalisay na dinagdagán sa una ó hulihán ng̃ anó mang anyô (ó partícula), hal.: mabuti, mataás, malakí, masamâ, magandá.

G. ¿Marami bagá sa ating wikà ng̃ mg̃a pangturing?

N. Sa mg̃a salitâng dalisay ó ugát ay hindî lubhâng karamihan, samantalàng sa mg̃a salitâng mayhalò ay siyáng lubhâng marami.

G. ¿Pano ang paraáng ginagawâ nang ang mg̃a salitâng ugát ó dalisay ay magíng salitâng mayhalò?

N. Ang karaniwang gawín ukol sa bagay na itó ay dinaragdagán ng̃ ma sa unahán ng̃ salitâng ugát ó dalisay.

Náritó ang isáng tálâán ng̃ mg̃a salitâng ugát ó dalisay na nagigíng salitâng mayhalò sa mg̃a salitâng pangdiwà (ó sustantivo) at sa mg̃a pangturing (ó adjetivo).

Ugát ó dalisay Salitâng pangdiwà Salitâng pangturing
Buti Kabutihan Mabuti
Samâ Kasamâan Masamâ
Pulá Kapulahán Mapulá
Lakí Kalakihan Malakí
Habà Kahabàan Mahabà
Lakás Kalakasan Malakás
Bigát Kabigatan Mabigát

Nagigíng salitâng pangturing ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ pagkakáparis ó pagkakápantay kailan ma’t inangkapán ng̃ ka, hal.: kaparis, katulad, kapara, kawang̃ís, kahambíng, kamukhâ, kawangkî, kapantay, at ibá pa.

Nagigíng pangturing din ang mg̃a ugát na nagsusulit ng̃ pagkakahatì ó kalagayan ng̃ anó man kailan ma’t inangkapán ng̃ ka, hal.: kahatì, kaputol, kapiraso, kabiyák, kauntî, kapaták, karampót, atbp.

Nagigíng pangturing pa ang mg̃a ugát na nagsasaysáy ng̃ anó man kailan ma’t inangkapán ng̃ ka at inulit ang buông ugát ó unang dalawáng pantíg nitó, hal.: kagulatgulat, katakottakot, kagitlágitlá, kasindáksindák, kahapishapis, kakilákilabot, katawátawá, kalugódlugód, kaibig-ibig, kaayaaya, atbp. Ang mg̃a pangturing na itó’y maáarì ring sabihin sa pamamagitan ng̃ naka na inulit ang unang pantíg ng̃ ugát, hal.: nakagugulat, nakatatakot, nakagigitlá, atbp.

G. ¿Mayroón pa bagáng ibáng pangturing na nagbubuhat sa ibá?

N. Oo pò na nanggaling sa pangwatas at pinamagatáng pangturing na malimit. Náitó ang ibá’t ibáng paraán ng̃ kanyáng pagbubuô.

Una.—Angkapán ng̃ ma ang salitâng ugát at sugpung̃án ng̃ in ó hin sang-ayon sa sinúsunód na tuntunin, hal.: masintahin, maawàin, mahabagín, maibigín, mawilihín, masuwayin, masunurin, mairugín, at ibá pa.

Ikalawá.—Angkapán din ng̃ ma at sugpung̃án ng̃ in ó hin, sakâ ulitin ang unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát, hal.: matutulugín, matatawanín, magagalitín, malilimutín, masasaktín, mapapalarín, malulugdín, matatakutín, atbp.

Ikatló.—Sugpung̃án lamang ng̃ in ó hin ang salitâng ugát, hal.: gálisin, mutàin, bulutung̃ín, pigsahin, hikàin, iyakin, sumbung̃in, tiyanin, bukulin, atbp.

Ikapat.—Nagigíng pangturing din ang mg̃a panahóng haharapín ng̃ pangwatas na binaybáy sa mag, hal.: magsasakâ, magpapandáy, magbabaká, magbababóy, magguguláy, magpapalayók, magpapasán, magbubuhát, atbp.

Ikalimá.—Nagigíng pangturing pa rin ang mg̃a panahóng haharapín ng̃ pangwatas na binaybáy sa mang, hal.: manggagawà, manggugupit, manghahabi, mangwawalís, mang̃ing̃isdâ, mánunubós, máninilâ, mánunulát, mánunulâ, mámamahayág, máng̃ang̃athâ, mánanalaysáy, mánanagalóg, atbp.

Ikaanim.—Angkapán ng̃ mapag ang mg̃a salitâng ugát, hal.: mapagbirô, mapaglarô, mapagmasíd, mapagpuyát, mapagbulóng, mapaglibák, mapagbiyayâ, mapagdasál, atbp.

Ikapitó.—Angkapán namán ng̃ palá ang ugát, hal.: palakaín, palainóm, palausáp, palasumpâ, palatakbó, palasulát, palabasá, palasayáw, palasuwáy, palasigáw, palalarô, palabihís, atbp.

Ikawaló.—Angkapán ng̃ tagá ang mg̃a salitâng ugát. Dapat alamíng ang mg̃a ugát na binaybáy sa mag ó mang ay dapat magtagláy ng̃ pag ó pang, hal.: tagatanod, tagabantáy, tagatugtóg, tagakain, tagapaglutò, tagapagsaing, tagaing̃at, tagapang̃asiwà, tagapaglabá, atbp.

G. ¿Anó ang kaibháng nangyayari sa mg̃a salitâng pangdiwà at sa mg̃a pangturing?

N. Malakí pò ang pagkakáibá ng̃ dalawáng itó, sapagkâ’t ang pangturing kailan ma’y nang̃áng̃ailang̃an ng̃ tulong ng̃ isáng pangdiwà upáng magtagláy ng̃ isáng buông kahulugán ó kayâ’y bumuô ng̃ isáng kaisipán (ó oración); samantalàng ang pangdiwà ay dî na kailang̃an ang tulong, at sukat sa kanyáng sarili’y maáarìng magkaroón ng̃ isáng buông kátuturán. Halimbawà: malinaw na tubig, magandáng buwán, mainit na araw. Sa halimbawàng itó ang tubig, ang buwán at ang araw ay mg̃a salitâng pangdiwà na siyáng nagbibigáy ng̃ kahulugán sa kaisipán, at kahì’t banggitín ang bawà’t isá ay maúunawàan ng̃ sino man; samantalàng ang malinaw, magandá at mainit ay mg̃a pangturing na siyáng bumabago ó tumuturing ng̃ kátuturán sa mg̃a pangdiwàng kasakasama nilá, at kung banggitín ng̃ walâng katulong ay hindî maúunawàan ng̃ sino man, sapagkâ’t hindî matantông kung anó ang malinaw, kung anó ang magandá ó kung anó ang mainit.

G. ¿Maáarì bagá kung minsang malagáy siyáng mag-isá sa kaisipán?

N. Maáarì pò, kailan ma’t ang salitâng pangdiwà na siyáng nagbibigáy ng̃ kátuturán ay hindî nakalantád, ng̃unì’t dapat matalastás na nakatagò, hal.: ang mg̃a masasamâ’y pinarurusahan, ang ikalimá’y huwág papatáy. Sa masasamâ ay nakatagò ang salitâng tao at sa ikalimá ang salitâng utos.

G. ¿Maáarì kayâng ang salitâng pangturing ay gamitin lang mag-isá sa pamamagitan ng̃ ibáng paraán?

N. Oo pò, maáarì, kailan ma’t ináakbayán sa una ng̃ pang-akbáy ang na ang kátuturá’y katumbás sa isáng ng̃alang pangdiwà, hal.: ang masamâ ay dapat itapon, ibig sabihin nitó sa makatuwíd ang kasamâan; ang mabuti ay dapat úliranin, sa makatuwíd tinutukoy ang kabutihan.

UKOL SA BILANG NA DALAWÁ Ó MARAMI

G. ¿Pano ang paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami ng̃ mg̃a salitâng pangturing?

N. Kung mg̃a salitâng dalisay ó ugát ay pinang̃ung̃unahan ng̃ mg̃a na siyáng ginágamit sa ganitóng bagay, hal.: pang̃it na tao, tamád na lalaki, kung sa íisá, at kung sa dalawá ó marami’y ginagawâng mg̃a pang̃it na tao, mg̃a tamád na lalaki.

Kung mg̃a salitâng mayhalò na nagbuhat sa ma ay inúulit lamang ang unang pantíg ng̃ ugát, hal.: malakíng aklát, mahabàng talumpatì, magandáng dalaga kung sa íisá, at nagigíng malalakíng aklát, mahahabàng talumpatì, mg̃a magagandáng dalaga kung sa dalawá ó marami.[12] Ng̃unì’t kung ang salitâng pangdiwà ay siyáng náuuná kay sa pangturing ay dapat lagyán ng̃ mg̃a at itó’y kailang̃ang iuná sa pangdiwà at ulitin ang unang pantíg ng̃ salitâng ugát, hal.: mg̃a talumpatìng mahahabà, mg̃a dalagang magagandá.

G. Kung sa isáng kaisipán ay nagkakasamasama ang mg̃a salitâng pangturing, ¿paano ang dapat gawín?

N. Sakalìng ang náuuná’y ang salitâng pangdiwà kay sa mg̃a pangturing, doón dapat iuná ang mg̃a at sa mg̃a itó (pangturing) ay dî dapat lagyán ang bawà’t isá ng̃ mg̃a kundî ulitin ang unang pantíg ng̃ bawà’t ugát, hal.: Sa Sangtinakpá’y may mg̃a bayang malalakí, madadakilà, magigitíng at mararang̃ál. Kung ang náuuná namá’y ang isáng salitâng pangturing kay sa pangdiwà ay dapat iuná roón ang mg̃a at ang mg̃a kasamahán niyá’y dapat ulitin ang mg̃a unang pantíg ng̃ ugát, hal.: Sa Sangsinukob ay may mg̃a masasamâng tao, manglulupig, manggagagá at mamámatay sa kapuwà tao. Dapat alamíng ang hulíng paraáng itó’y hindî lubhâng gamitin dî paris ng̃ una.

SA MG̃A SALITÂNG PANGTULAD (Ó COMPARATIVO)

G. ¿Anó ang salitâng pangtulad?

N. Salitâng pangtulad, yaóng nagpapakilala ng̃ katang̃ìán ng̃ isáng pangdiwà kung ipaparis ó ihahalintulad sa kapuwà pangdiwà. Sa Wikàng Tagalog itóng pangtulad ay may dalawáng urì: isá’y ang nagbabadyá ng̃ pagkakatulad at ang ikalawá’y ang pagkakahigít.

G. ¿Alínalín ang mg̃a salitâng pangtulad sa ating wikà?

N. Marami pòng lubhâ, at náritó ang kanyáng pagkakábukódbukód: sa pagkakatulad: ga ó gangga, para ó gaya, magkapara ó magkatulad, sing ó kasing, at magkasíng; sa pagkakahigít: lalò at pa.

G. ¿Kailán ginágamit ang ga ó gangga?

N. Ang ga ay ginágamit kailan ma’t ibig sukatin ang lakí, taás, liít, tigás ó anó man ng̃ isáng bagay kung ihahalintulad sa ibá, hal.: itóng brilyante’y ga munggó ang lakí, ga bató ang tigás ng̃ kanyáng pusò, ga damak ang taás ng̃ tubig. Ang gangga ay kawangkî rin ng̃ ga at íisá silá sa paggamit, bagamá’t ang talagáng kágamitán niyá’y kung tumutukoy sa bilang na dalawá ó marami, hal.: ang mg̃a gangganitóng gawâ ay siyáng inúugalì tuwî na ng̃ may masasamâng budhî; ang mg̃a gangganiyáng tao ay siyáng mg̃a dakilà.

G. ¿Kailán dapat gamitin ang para ó gaya?

N. Ginágamit ang para ó gaya kailan ma’t pinagpaparis ang isáng bagay sa kapuwà bagay ng̃ walâng lámang̃an. Ang bagay na ipaparis ay dapat ilagáy sa pangtukoy at ang pagpaparisan ay sa pang-arì at ang para ó gaya ay dapat mahulí sa pangturing, hal.: Si Pelisa’y magandáng para ni Mameng; akó’y mabuting gaya niyá; ang mg̃a matá mo’y maniningníng na parang bituwín. Dapat alamíng ang paris at tulad ay kawangkî rin ng̃ para ó gaya.

Dapat ding matantô na, kung may ka sa unahán, na sa madalìáng sabi ay nagigíng kapara, kagaya, kaparis, katulad, at ang ibá pang kasing-urì rin nitó gaya ng̃ kawang̃ís, kahambíng, kawangkî, kamukhâ, kahalimbawà, kahalintulad, ay ginágamit ding maminsanminsan katulad ng̃ para ó gaya lalòng lalò na kung hindî lubhâng mahabà ang isáng kaisipán, hal.: Si Lucio’y katulad ni Fidel; ang pusà’y kaparis ng̃ tigre. Lalòng angkáp kung gagamitin sa pagkakailâ ó kayâ’y dagdagán sa una ng̃ walâ, hal.: Si Yoyong ay walâng kahalintulad sa karunung̃an; si María’y walâng kahalimbawà sa kahinhinán.

G. ¿Kailán ginágamit ang magkapara ó magkatulad?

N. Ang magkapara ó magkatulad at ibá pang gangganitó ay dilì ibá’t nanggaling sa kapara, katulad, kaparis, atbp. na inangkapán ng̃ mag. Ginágamit ang mg̃a itó sa mg̃a bagay na pinagpaparis ng̃ walâng lámang̃an, na, ang mg̃a pinagpapara ay dapat ilagáy sa pangtukoy at ang pangturing ay sa hulí, hal.: Si Petra at si María’y magkapara ng̃ gandá; si Siso at si Mente ay magkatulad ng̃ dunong.

G. ¿Kailán ginágamit ang sing ó kasing?

N. Ginágamit ang sing ó kasing kailan ma’t pinagpaparis ang isáng bagay sa kapwà bagay nang walâng lámang̃an, at kailang̃ang ilagáy sa pangtukoy ang pang̃alan ó bagay na ipaparis at sa pang-arì namán ang ng̃alan ó bagay na pagpaparisan, hal.: ang mg̃a anák ni Lucio’y singlakí ko, si Mateo’y kasingtaás ni Karlos. Kung tumutukoy sa dalawá ó marami’y kailang̃ang ulitin ang unang pantíg ng̃ ugát ng̃ pangturing, hal.: ang mg̃a anák ni Lucio’y singlalakí ko, ang mg̃a áso’y kasínglalakí ng̃ baboy.

G. ¿Kailán namán ginágamit ang magkasíng?

N. Ginágamit ang magkasíng kailan ma’t ang mg̃a pinagpaparis ay na sa pangtukoy at nagsasaád ng̃ dalawáng bagay na magkahalintulad ó magkakapantáy, hal.: si Pedro at si Huan ay magkasingdunong, ang anák mo’t ang anák ko ay magkasingbuti. Kung bumabanggít sa bilang na dalawá ó marami ang bawà’t isá sa mg̃a pinagpaparis ay kailang̃ang ulitin ang ikalawáng pantíg ng̃ magkasíng, at sa katagâng sabi’y gawíng magkakasíng, hal.: ang mg̃a anák ko ay magkakasingbuti; ang mg̃a kababayan mo’t mg̃a kababayan ko’y magkakasingtulad ng̃ ugalì.

G. ¿Paano ang gagawín kung ibig tumukoy ng̃ isáng ng̃alan ó bagay na nakahihigít?

N. Sa tatlóng kaparaanáng sumúsunód:

1.—Ilagáy sa pangtukoy (ó nominativo) ang nakahihigít at sa panglayon (ó acusativo) ang náhihigtán, hal.: si Andoy ay marunong kay Pedro; ang áso’y mataás sa pusà.

2.—Ang ganitó ring ayos na pinang̃unahan lamang ng̃ lalò ang salitâng pangturing, hal.: Si Lucio’y lalòng mataás kay Huan; ang manggá’y lalòng masaráp sa bayabas.

3.—Ang gayón ding ayos na nilagyán ng̃ pa sa hulí ng̃ pangturing, hal.: si Yoyong ay maputî pa kay Husé; ang araw ay magandá pa sa buwán.

SA MG̃A SALITÂNG PANGTAÁS (Ó SUPERLATIVO)

G. ¿Anó ang salitâng pangtaás?

N. Salitâng pangtaás ay siyáng nagpapakilala sa mg̃a pangturing ng̃ kanyáng kataasán, hal.: Si Pedro’y mabuting mabuti, si Lucio’y lubhâng marunong.

G. ¿Paano ang pagtatatág ng̃ mg̃a salitâng pangtaás?

N. Sa ibá’t ibáng kaparaanán:

Una.—Ilagáy sa una ó hulí ang lubhâ ng̃ salitâng pangturing, hal.: Si Ricardo’y lubhâng mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y mabuting lubhâ.

Ikalawá.—Ilagáy ang totoó sa una ó hulihán ng̃ salitâng pangturing, hal.: Si Ricardo’y totoóng mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y mabuting totoó. Maáarì rin itóng dalawahín at gawíng totoóng totoó, hal.: Si Ricardo’y totoóng totoóng mabuti.

Ikatló.—Ilagáy sa una ó hulihán ng̃ salitâng pangturing ang dî sapalâ, hal.: Si Ricardo’y dî sapalâng mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y mabuting dî sapalâ.

Ikaapat.—Ilagáy sa una ó hulihán ng̃ salitâng pangturing ang dî hamak, hal.: Si Ricardo’y dî hamak na mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y mabuting dî hamak.

Ikalimá.—Ulitin ó dalawahín ang salitâng pangturing na paglalakipin sa pamamagitan ng̃ pang-anib ligazón) na náuukol, hal.: Si Ricardo’y mabuting mabuti; ang pag-áaral ay mahirap na mahirap.

Ikaanim.—Ulitin ó dalawahín ang salitâng pangturing at pang̃unahan ng̃ anyông ka at an ó han sa hulihán, hal.: Si Ricardo’y kábutibutihan; ang sampagita’y kagandagandahan sa tanáng bulaklák.

Ikapitó.—Ang mg̃a salitâng ugát ó dalisay na inangkapán sa una ng̃ nápaka, hal.: Si Ricardo’y nápakabuti; ang sampagita’y nápakagandá.

Ikawaló.—Ang mg̃a pangwatas ay may iláng pangtaás, na, ang ginagawâ ay inúulit ang buông ugát na sining̃itan ng̃ ng̃, hal.: tawa ng̃ tawa, tawag ng̃ tawag, kain ng̃ kain.

SA MG̃A SALITÂNG PANGLAKÍ (Ó AUMENTATIVO)

G. ¿Anó ang salitâng panglakí?

N. Salitâng panglakí, yaóng nagpaparagdág sa kahulugán ng̃ ugát.

G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ mg̃a itó sa ating wikà?

N. Sa dalawáng kaparaanán lamang:

1)—Ilagáy sa una ng̃ ugát ang salitâng malakí, hal.: malakíng tao, malakíng hayop, malakíng lalaki, malakíng babae, malakíng bahay, malakíng pusà, malakíng susô, atbp.

2)—Sugpung̃án ng̃ an ó han ang iláng salitâng ugát, hal.: sa ulo ay uluhán, sa matá ay matahán, sa ilóng ay ilung̃án, sa bibíg ay bibigán, sa ng̃usò ay ng̃usùán, atbp. Dapat alamíng ang mg̃a salitâng itó’y maáarì ring sabihin sa pamamagitan ng̃ malakí, hal.: malakíng ulo, malakíng matá, malakíng ilóng, atbp.

SA MG̃A SALITÂNG PANGLIÍT (Ó DIMINUTIVO)

G. ¿Anó ang salitâng pangliít?

N. Salitâng pangliít, yaóng nagpapábawas ó nagpapákulang sa kahulugáng tagláy ng̃ salitâng ugát.

G. ¿Paano ang paraáng ginagawâ sa ganitóng pagbabawas?

N. Sa mg̃a kaparaanáng sumúsunód:

1.—Ang mg̃a pangdiwàng dalisay ay inúulit ang buô ó ang unang dalawáng pantíg ng̃ ugát at sakâ sinusugpung̃án ng̃ an ó han, hal.: sa harì ay harìharìan; sa dios ay diusdiusan; sa tao ay taútauhan; sa ibon ay ibunibunan; sa matandâ ay matamatandâan; sa bulaklák ay bulabulaklakan; atbp.

2.—Ang mg̃a pangdiwàng mayhalò sa pamamagitan ng̃ ka at an ó han ay nagigíng pangliít kailan ma’t dinagdagán sa una ng̃ may, hal.: may kalakasan, may kabutihan, may kahinàan, may kasamâan, may kapulahán, atbp.

3.—Ang mg̃a pangturing na mayhalò sa pamamagitan ng̃ ma ay nagigíng pangliít kailan ma’t inúulit ang salitâng ugát, hal.: maasímasím, malakáslakás, mabutibuti, matamístamís, masamâsamâ, mapulápulá, atbp.

4.—Ang mg̃a pangwatas (ó verbo) na binaybáy sa ibá’t ibáng anyô (ó partícula) ay nang̃agigíng pangliít kailan ma’t inulit ang mg̃a salitâng ugát, hal.: tumatakbótakbó, nagtutulógtulog, nahihigâhigâ, binabasabasa, inilalakadlakad, pinagsalisalitâ, atbp.

5.—Nagigíng pangliít din sa mg̃a salitâng kauntî, muntî, maliít, ang mg̃a ugát na ibá’t ibá, hal.: kauntîng tubig, muntîng bahay, maliít na manggá, atbp.

SA IBÁ PANG BAHAGI NG̃ SALITÂNG PANGTURING

G. ¿Anó pang bahagi mayroón ang salitâng pangturing?

N. Ang mg̃a itó: Bilang na pangbataynúmero cardinal), bilang na panghanáynúmero ordinal), bilang na pang-ulitnúmero adverbial) at bilang na pangbahaginúmero distributivo).

G. ¿Anó ang bilang na pangbatay (ó número cardinal)?

N. Bilang na pangbatay, yaóng tang̃ìng tumutukoy sa karaniwang bilang, hal.: isá, dalawá, sampuô. Kung ibig humigít dito’y kailang̃ang dagdagán sa una ng̃ labíng, at kung magkaganitó’y magigíng: labíng isá, labíng dalawá, labíng siyám. Kung ibig pa ring humigít dito ó kayâ’y tumukoy ng̃ mataástaás ay dapat dagdagán sa hulí ng̃ puô, at kung magkagayo’y magigíng: dalawáng puô, tatlóng puô, siyám na puô, at ibá’t ibá pang pagdaragdág kung ibig tumukoy ng̃ lalòng mataás na bilang.

G. ¿Anó ang bilang na panghanáy (ó número ordinal)?

N. Yaóng ginágamit sa pagbilang na sunódsunód, hal.: una, ikalawá, ikatló, ikasangpuô.

G. ¿Pano ang pagtatatág ng̃ mg̃a bilang na itó?

N. Madalî pò: sukat na ang dagdagán ng̃ ika ang mg̃a bilang na pangbatay, maliban lamang ang una na dî nang̃áng̃ailang̃an nitó.

G. ¿Anó ang bilang na pang-ulit (ó número adverbial)?

N. Yaóng ginágamit sa pagbilang nang kung mákailang ginawâ ó ginanáp ang isáng bagay, hal.: minsan, makalawá, makatló, makalimá, makasangpuô.

G. ¿Pano namán ang pagtatatág ng̃ mg̃a ganitóng bilang?

N. Dinaragdagán ng̃ maka sa mg̃a bilang na pangbatay, liban lamang ang una na dî kailang̃ang dagdagán.

G. ¿Anó namán ang bilang na pangbahagi (ó número distributivo)?

N. Yaóng ginágamit sa pagbilang na pahatìhatì ó paulitulit, hal.: isáisá, tig-isá, isá.

G. ¿Paano ang pagtatatág ng̃ mg̃a bilang na ganitó?

N. Sa mg̃a paraáng sumúsunód:

Una.—Ulitin ó dalawahín ang mg̃a bilang na pangbatay na kung minsa’y inúulit ng̃ buô at kung minsa’y iláng pantíg lamang, hal.: isáisá, daládalawá, sangpûsangpuô.

Ikalawá.—Lagyán sa una ng̃ anyông tig sa mg̃a bilang na pangbatay na kung minsa’y náwawalâ ang unang titik ng̃ salitâng ugát, at mulâ sa limá ay inúulit ang unang pantíg; hal.: tig-isá, tigalawá, tigatló, tiglilimá, tigpipitó, tigsasangpuô.

Ikatló.—Ulitin ó dalawahín ang unang pantíg ng̃ mg̃a bilang na pangbatay, hal.: íisá, dádalawá, sasangpuô.

TALABABÂAN

[12] Ináakalà kong tumpák ang ganitóng tuntunin sa paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami ng̃ mg̃a salitâng pangturing na nagbuhat sa ma. Marami ang nápapansin kong gumagawâ na, pinang̃ung̃unahan pa ng̃ mg̃a bukód ang pag-ulit sa unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát, gaya sa halimbawà, ng̃: mg̃a mahahabàng talumpatì, mg̃a dalagang magagandá. Sa ganáng kurò ko, ang ganitó’y hindî tumpák sapagkâ’t hindî man lagyán ng̃ mg̃a ay nagbabadyá rin ng̃ dalawá ó marami.

V KABANATA
Salitâng Pangtayô (ó Pronombre)

Gurò. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng pangtayô?

Nag-aaral. Ang pangtayô ay isáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán (ó oración) na siyáng inilálagáy ó inihahalili sa pangdiwà (ó sustantivo) upáng maiwasan ang malimit nitóng pag-úulitulit.

G. ¿Mangyayari bang ipaliwanag ang bagay na itó sa pamamagitan ng̃ isáng halimbawà?

N. Oo pò; masamâng dinggín ng̃ sino man kung sabihin sa halimbawà: Si Lucio’y naparoón sa pulong at sa pulong si Lucio’y nagtalumpatì. Ng̃unì’t maúunawàan ng̃ lahát kung sabihing ganitó: Si Lucio’y naparoón sa pulong at dito siyá ay nagtalumpatì. Ang pangtayông dito ay siyáng humalili sa pulong, at siyá kay Lucio.

G. ¿Iláng bahagi ang sakláw ng̃ salitâng pangtayô?

N. Limá ang kanyáng sinásakláw: Pangtayô sa ng̃alan ng̃ taopronombre personal), pangtayô sa pagtuturòpronombre demostrativo), pangtayô sa pag-áarìpronombre posesivo), pangtayô sa pagtatanóngpronombre interrogativo), at pangtayô sa pagbabalakpronombre indeterminado).

PANGTAYÔ SA NG̃ALAN NG̃ TAO (Ó PERSONAL)

G. ¿Anó ang pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao?

N. Yaóng salitâng inilálagáy ó inihahalili sa pangdiwà na tumutukoy sa pang̃alan ng̃ tao, at kung minsa’y sa mg̃a pang̃alan ng̃ hayop ó bagay.

G. ¿Ilán ang mg̃a pangtayông itó?

N. Tatló: akó, ikáw, siyá, na pinamámagatáng una, ikalawá at ikatlóng katawán (ó persona).

G. ¿Saánsaán ginágamit ang tatlóng katawáng itó?

N. Ang akó ay siyáng inilálagáy ó inihahalili sa ng̃alan ng̃ táong nang̃ung̃usap; ang ikáw ay siyáng inihahalili sa ng̃alan ng̃ táong kinakausap; at siyá ay siyáng inihahalili sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay na pinag-úusapan.

G. ¿Paano ang pagbábaling (ó declinación) ng̃ mg̃a pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao?

N. Gaya ng̃ mg̃a paraáng sumúsunód:

PAGBÁBALING NG̃ MG̃A PANGTAYÔ SA NG̃ALAN NG̃ TAO.

Unang katawán.
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Akó. Pangtukoy { Tayo ó kamí.
{ Kitá ó katá.
Pang-arì { Akin. Pang-arì { Atin ó natin.
{ Amin ó namin.
{ Ko. { Kanitá ó nitá.
{ Natá ó ta.
Panglayon Sa akin. Panglayon { Sa atin, sa amin.
{ Sa kanitá, sa natá.

G. ¿Kailan ginágamit ang na sa lagáy na pangtukoy?

N. Gaya na ng̃ namalas ang pangtukoy ay may apat na urì na may ibá’t ibáng kágamitán: akó sa íisá, at tayo, ó kamí at kitá ó katá sa dalawá ó marami.

Unang urì.—Ginágamit ang akó kailan ma’t inihahalili sa ng̃alan ng̃ táong nang̃ung̃usap, hal.: Akó ay mahirap, ibig sabihin nitó’y mahirap ang táong nagsasalitâ, na kung ang táong itó sa halimbawà’y nang̃áng̃alang Pedro, ang salitâng yaó’y katumbás ng̃ Si Pedro ay mahirap.

Ikalawá.—Ginágamit ang tayo kung tumutukoy sa dalawá ó marami, kailan ma’t ang táong nang̃ung̃usap at ang táong kinakausap ay nasásakláw kapwà at ibá pa, hal.: Tayong mg̃a pilipino ay marurunong, ibig sabihin ng̃ halimbawàng itó na marunong ang nagsasalitâ, sakláw ang kanyáng kausap at patí ng̃ ibáng kababayan natin.

Ikatló.—Ginágamit namán ang kamí sa dalawá rin ó marami, kailan ma’t ang táong nagsasalitâ ay hindî sinásakláw ang kanyáng kausap kundî ang ibáng kababayan ó kasamahán niyá, hal.: Kamíng mg̃a pilipino ay marurunong, ibig sabihin nitó’y marunong ang nang̃ung̃usap sakláw ang kanyáng mg̃a kalahì ó kasama kayâ, ng̃unì’t ang kausap ay hindî nasásakláw.

Ikaapat.—Ginágamit ang kitá ó katá kailan ma’t tumutukoy sa dalawá lamang at hindî maáarìng humigít dito, at ang dalawáng nátura’y ang nang̃ung̃usap at ang kinakausap; hal.: kitá ay marunong, ó katá ay marunong, mg̃a salitâng katumbás na sabihing kitá ó katáng dalawá ay marunong.

G. ¿Kailán ginágamit namán ang na sa pang-arì?

N. Dapat munang matantô na ang pang-arì ay may limáng urì na, kung gamiti’y nagkakaibáibá: Akin ó ko kung sa íisá at atin ó natin, amin ó namin, kanitá ó nitá at natá ó ta kung sa dalawá ó marami.

Unang urì.—Sa íisá’y ginágamit ang akin kailan ma’t itó’y náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at ko kailan ma’t náhuhulí sa mg̃a itó; hal.: Ang aking bahay ay marikít, ó ang bahay ko ay marikít.

Ikalawá.—Sa dalawá ó marami’y ginágamit ang atin ó natin kailan ma’t ang nagsasalitâ’y sinásakláw ang kanyáng kausap at ibá pa. Dapat gamitin ang atin kailan ma’t náuuná itó sa pangdiwà ó pangwatas, at natin kailan ma’t náhuhulí, hal.: Ang ating baya’y lubhâng magandá, ó ang bayan nati’y lubhâng magandá.

Ikatló.—Sa bilang na dalawá ó marami’y ginágamit din ang amin ó namin kailan ma’t ang nang̃ung̃usap ay hindî sinásakláw ang kinakausap kundî ang ibáng kasamahán ó kapanalig niyá. Dapat gamitin ang amin kailan ma’t náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at namin kailan ma’t náhuhulí, hal.: Ang aming lupà ay malawak, ó ang lupà namin ay malawak.

Ikaapat.—Ang kanitá ó nitá ay ginágamit sa dalawáng dalawá lamang at dî maáarìng humigít, kailan ma’t tang̃ìng tumutukoy ó sumasakláw sa dalawáng nag-úusap. Ginágamit ang kanitá kung na sa una ng̃ pangdiwà ó pangwatas at nitá kung na sa hulí nitó, hal.: Ang kanitáng bahay ay muntî, ó ang bahay nitá ay muntî.

Ikalimá.—Ang natá ó ta ay ginágamit din sa dalawáng dalawá lamang na nakákatulad ng̃ kanitá ó natá. Ang kaibhán lang niyó’y hindî maáarìng gamitin sa una at hulihán ng̃ pangdiwà ó pangwatas na dî gaya nitó, kundî sa hulíng hulí lamang, hal.: Ang bahay natá ay muntî, ó ang bahay ta ay muntî.

G. ¿Kailán namán ginágamit ang na sa panglayon?

N. Dapat din munang matantô na ang panglayon ay may apat na urì na kung gamiti’y may ibá’t ibáng kahulugán: sa akin kung sa íisá, at sa atin, sa amin at sa kanitá kung sa dalawá ó marami.

Unang urì.—Ginágamit ang sa akin kailan ma’t tumutukoy sa íisá, hal.: Itóng aklát ay sa akin.

Ikalawá.—Ginágamit ang sa atin kailan ma’t tumutukoy sa dalawáng nag-úusap at sa ibá pa kung mayroón, hal.: Itóng aklát ay sa atin.

Ikatló.—Ginágamit ang sa amin kailan ma’t tumutukoy sa nang̃ung̃usap at sa ibá pang kasamahán nitó, ng̃unì’t hindî nasásakláw ang kinakausap, hal.: Itóng aklát ay sa amin.

Ikaapat.—Ginágamit ang sa kanitá kailan ma’t tang̃ìng bumabanggít sa dalawáng nagpapanayám, hal.: Itóng aklát ay sa kanitá.

G. ¿Paano namán ang pagbábaling ng̃ ikalawáng katawán?

N. Paris ng̃ paraáng sumúsunód:

IKALAWÁNG KATAWÁN.
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy { Ikáw. Pangtukoy Kayó.
{ Ka.
Pang-arì { Iyó. Pang-arì { Inyó.
{ Mo. { Ninyó.
Panglayon Sa iyó. Panglayon Sa inyó.

G. ¿Kailan ginágamit ang na sa lagáy na pangtukoy?

N. Ginágamit ang ikáw ó ka sa íisá at kayó sa dalawá ó marami kailan ma’t inihahalili sa ng̃alan ng̃ táong kinakausap. Ikáw kailan ma’t náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at ka kailan ma’t náhuhulí, hal.: Ikáw ay isáng tao, ó isáng tao ka. Ang kayó kailan ma’t tumutukoy sa dalawá ó marami, malagáy man sa una ó hulí ng̃ pangdiwà ó pangwatas, hal.: Kayó’y may salapî, ó may salapî kayó.

G. ¿Kailán ginágamit ang na sa pang-arì?

N. Ginágamit ang iyó ó mo sa íisá at inyó ó ninyó sa dalawá ó marami. Iyó kailan ma’t na sa una ng̃ pangdiwà ó pangwatas, at mo kung sa hulí, hal.: Ang iyóng mukhâ, ó ang mukhâ mo. Inyó kung náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at ninyó kung náhuhulí, hal.: Ang inyóng mg̃a bahay, ó ang mg̃a bahay ninyó.

G. ¿Kailán namán ginágamit ang na sa panglayon?

N. Ginágamit ang sa iyó sa bilang na íisá at sa inyó sa bilang na dalawá ó marami, mapauná ó mapahulí man sa pangdiwà ó pangwatas, hal.: ang aklát na itó ay sa iyó; ang aklát na itó ay sa inyó.

G. ¿Paano ang pagbábaling ng̃ ikatlóng katawán?

N. Gaya ng̃ sumúsunód:

IKATLÓNG KATAWÁN.
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Siyá. Pangtukoy Silá.
Pang-arì { Kaniyá. Pang-arì { Kanilá.
{ Niyá. { Nilá.
Panglayon Sa kaniyá. Panglayon Sa kanilá.

G. ¿Kailan ginágamit ang na sa pangtukoy?

N. Ginágamit ang siyá sa íisá at silá sa dalawá ó marami kailan ma’t siyáng inihahalili sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay na pinag-úusapan, hal.: Siyá ay marunong; silá ay mangmáng.

G. ¿Kailan ginágamit ang na sa pang-arì?

N. Ginágamit ang kaniyá ó niyá sa íisá at kanilá ó nilá sa dalawá ó marami. Kaniyá kung na sa una ng̃ pangdiwà ó pangwatas, at niyá kung na sa hulí, hal.: Ang kaniyáng kapatíd, ó ang kapatíd niyá. Ang kanilá kung náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at nilá kung náhuhulí, hal.: Ang kaniláng tániman, ó ang tániman nilá.

G. ¿Kailán ginágamit ang na sa panglayon?

N. Ginágamit ang sa kaniyá sa íisá at sa kanilá sa dalawá ó marami, hal.: Iyáng panulat ay sa kaniyá; itóng sinamay ay sa kanilá.

PANGTAYÔ SA PAGTUTURÒ (Ó DEMOSTRATIVO)

G. ¿Anó ang pangtayô sa pagtuturò?

N. Yaóng salitâng ginágamit sa pagtuturò sa pang̃alan ng̃ tao ó bagay.

G. ¿May ilán ang sakláw ng̃ pangtayông itó?

N. Tatló: itó ó yarí, iyán at yaón.

G. ¿Paano ang paggamit ng̃ bawà’t isá?

N. Ginágamit ang itó ó yarí kung ang isáng pang̃alan ng̃ tao ó bagay na itinuturò ay malapit sa nang̃ung̃usap kay sa nakikiníg. Iyán kung ang itinuturò ay malapit sa nakikiníg kay sa nang̃ung̃usap. At yaón kung ang bagay na itinuturò ó pinag-úusapa’y malayò sa dalawáng nag-úusap.

G. ¿Paano ang pagbábaling ng̃ mg̃a pangtayô sa pagtuturò?

N. Gaya ng̃ mg̃a kaparaanáng sumúsunód:

PAGBÁBALING NG̃ MG̃A PANGTAYÔ SA PAGTUTURÒ.

Itó ó Yarí.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Itó ó yarí Pangtukoy Itóng mg̃a ó yaríng mg̃a
Pang-arì { Dito sa ó dini sa Pang-arì { Dito sa mg̃a ó dini sa mg̃a
{ Nitó ó nirí { Nitóng mg̃a ó niríng mg̃a
Panglayon { Nitó ó nirí Panglayon { Nitóng mg̃a ó niríng mg̃a
{ Dito sa ó dini sa { Dito sa mg̃a ó dini sa mg̃a

Iyán.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Iyán Pangtukoy Iyáng mg̃a
Pang-arì { Diyán sa Pang-arì { Diyán sa mg̃a
{ Niyán { Niyáng mg̃a
Panglayon { Niyán Panglayon { Niyáng mg̃a
{ Diyán sa { Diyán sa mg̃a
Yaón.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Yaón Pangtukoy Yaóng mg̃a
Pang-arì { Doón sa Pang-arì { Doón sa mg̃a
{ Niyaón ó noón { Niyaóng mg̃a ó noóng mg̃a
Panglayon { Niyaón ó noón Panglayon { Niyaóng mg̃a ó noóng mg̃a
{ Doón sa { Doón sa mg̃a

G. ¿Paano ang paggamit ng̃ mg̃a pangtayô sa pagtuturò?

N. Nábubuô sa mg̃a ganitóng kaparaanán:

Una.—Ginágamit ang itó ó yarí sa íisá at itóng mg̃a ó yaríng mg̃a sa dalawá ó marami kailan ma’t na sa pangtukoy at ang bagay na itinuturò ay malapit sa nagsasalitâ kay sa nakikiníg, hal.: Itóng aking pusò, ó yaríng aking pusò; itóng mg̃a matá ko, ó yaríng mg̃a matá ko.

Ikalawá.—Ginágamit ang iyán sa íisá at iyáng mg̃a sa dalawá ó marami kailan ma’t na sa pangtukoy at ang bagay na itinuturò ay malapit sa nakikiníg kay sa nang̃ung̃usap, hal.: Iyáng damít mo; iyáng mg̃a bisig mo.

Ikatló.—Ginágamit ang yaón sa íisá at yaóng mg̃a sa dalawá ó marami kailan ma’t na sa pangtukoy at ang bagay na itinuturò ay malayò sa dalawáng nag-úusap, hal.: Yaóng punò ng̃ saging ay malayò; yaóng mg̃a bulaklák ay magagandá.

Ang mg̃a lagáy na nasa sa pang-arì at panglayon ay ginágamit katulad din halos ng̃ mg̃a nang̃aunáng pangtayô.

G. ¿Paano ang dapat gawín kung ang pagtuturò sa isáng bagay ay tinitiyák ó tinutukoy na mabuti?

N. Kung ang anó mang pangtayôpronombre) ay na sa unahán ng̃ pangdiwà ay inúulit ang pangtayông na nasa pangtukoy sa hulihán nitó, kahì’t na ang una (pangtayô) ay na sa lagáy na pang-arì ó panglayon, hal.: itóng batàng itó; dukhâ ang amá niyáng batàng iyán.

G. ¿May ibá bang paraán upáng huwág dalawahín ang pangtayô kahì’t na ang isáng bagay ay tinitiyák na mabuti?

N. Mayroón pò, at sa bagay na itó’y dapat lagyán ng̃ pang-akbáy ang pangdiwà at sa hulí nitó’y ang náuukol na pangtayông dapat taglayín, hal.: ang batàng itó ay malikót, sa lugál na sabihing: itóng batàng itó ay malikót; mahirap ang buhay ng̃ matandâng yaón, sa lugál na sabihing: mahirap ang buhay niyaóng matandâng yaón.

PANGTAYÔ SA PAG-ÁARÌ (Ó POSESIVO)