(Kay Tio Bestre.) ¿Bakit, ka Bestre, ano ang nangyayare kay Beteng?
(Mamasdan uli si Angeling: Kay Tio Bestre.) ¡¡Tatang ...Tatang ...Barike.....!! (Maninigas.)
(Gulilat) Aba, bakit, may sakit bang naninigas ang anak mo?
Oo, atin ng̃a. (Bubuhatin nila ni D. Tiburcio si Beteng at ilalagay sa kabilang mesedora: Pagkalagay doon, ay gigiwang na muli at si Beteng ay lulundag sa takot.)
(Gulilat) ¡¡¡Pigbung̃anapu ning al ...!!!
Bah, o bakit, nanung nangyayare sa iyo?
O baquit gagalo ya ing sillang yan, malikiu ku.
(Parang galit) Beteng, huwag kang mamulang.
Tatang, burike ing pinsan ku, i Angeling ...
Alika maing̃ay, sabe aku ing bahala.
(Kay Tio Bestre.) Eh, ano ba, pinsan, ano at nakaisip kayong dumalaw dito?
Mallari, ibig ko na sanang gawan natin ing pinagkayarian ta, kanita pang limang taon ng̃ayon.
Ampong, maninap nakung maninap pamanlumbe sipitograpo, uling babalita ng̃ kabisang Gusting kekami.
(Kay Baltazara) Sarang, ito ang pinsan kong pinang̃akuang pagpakasalan sa anak niyang lalake sa ating Angeling. Ng̃ayon ay ibig niyang matupad ang aking pang̃ako, kaya't ang mabute ay, kausapin mo ang ating anak. Ipina-aalaala ko sa iyo na sila'y mayaman, Hale na, sulsulan mo na sana ang ating Angeling upang ibigin na si Beteng.
Hindi ko masasangayunan ang iyong nais. Gayon man, ay pagbibigyan kita. (Kay Angeling) Angeling, ibig daw ng̃ Tio Bestre mo na ikaw ang mapang̃asawa ng̃ kaniyang anak na Beteng.
(Pataka) ¿Ano ang sinabi ninyo, Nanay? ¿Pakasal ako sa antipatikong iyan? Bah, mabuti pa'y uminom na ako ng̃ lason. (Pasamo) Nanay, huwag kayong pumayag na ako'y makasal kay Beteng.
Hayaan mo at ako ang bahala.
(Kay Baltazara.) Nanay, pag ako'y pinilit ng̃ tatay, ay papasok na akong monha.
Lokang bata ito, hayaan mo't ako ang bahala (Kay D. Tib.) Tibo, ayaw kay Beteng ang ating anak. May katwiran naman siya......
(Galit) Pues, hindi mangyayare, Susunod at susunod siya sa aking ibigin. No faltaba mas. Ng̃ayon pa namang nagkayari na kami ni ka Bestre.....¡Hindi mangyayare!......
Aba, hindi naman ako makakapayag na ikasal ang aking anak sa di niya nagugustuhan. Mangyare na ang mangyayare!!
(Galit din) Sarang, sukat na ang pagsagot! Ayoko ng̃ sasagot ka sa akin!... ¿Naring̃ig mo ba?
(Patuya.) Bah, para ka namang kaiser ah.
(Kay D. Tib.) Nung makanyan, pinsan aasahan ko na ang iyong pang̃ako.
Oo, ka Bestre, asahan mo na....
(Nariring̃ig ang paguusap ni D. Tib. at Tio Bestro: Kay Baltasara.) Nanay, huwag ninyo akong bayaan....Ipinang̃ako ako ng̃ Tatay sa Tio Beatre.
Hayaan mo sabi at ako ang bahala, eh.
(Kay Tio Bestre) Oh, Tatang, etamu lumbé cine? (Kay Angeling) Pinsan, tukika quekami, ja? Tara na miblas. Nung mipuntaka karin quekami, akit mula ding sesesen kung ayup, babi, manuk ampong ...
(Sa lahat) Bueno, itamung lahat lumaue cine pota.
Kayo na lamang, ka Bestre.
Aba, alí mallari....Itamungan. Itamungan lumbé tamung Cine....
Bueno, tayong lahat ay pumasok. (Aparte) Naipang̃ako ko pa namang hindi na ako papasok sa Cine.
(Kay Tib.) Eh, ako po ba'y hindi ninyo ipagsasama?
Hindi. Ikaw ang matitira dito sa bahay.
(Takot) Aba, aking pang̃inoon, natatakot po akong magisa dito. Natatakot po ako..!
Pasasamahan kita kay Martina, duwag!
(Pataka. Galak.) ¿Ho? Aba....kung gayon po'y....masok na kayo ng̃ayon din. Ang pagpasok po sa Cine, mientras maaga, ay mabute, dahil na, baka hindi na tuloy ninyo matapos.
(Sa kaniyang mg̃a panauhin) Eh, siya, tayo na humapong maaga at ng̃ makapasok agad sa Cine.
Yaping mabute. Tara na mang̃an ...
(Lahat ay magsisipasok. Mamasdang mabute ni Beteng si Angeling; pandidilatan naman nito iyon ng̃ mata, matatakot si Beteng at patakbong papasok.)
TABING.
¡TAYO NA SA CINE....!
IKALAWANG KUWADRO
Pagaañgat ng Tabing ay makikita ang larawan ng isang kilalang lansañgan sa Maynila, na mangyayaring maging ang daang Azcarraga o alin man ibang daan. Sa gitna, ay makikita ang panglabas (fachada) ng isang mainam na Cine. Maraming tao na magyayaot dito sa naturang daan, na ang ibá'y magsisipasok sa Cine matapos namakakuha sa taquilla ng bilyete. Sa gawing kanan ng Cine, ay makikita ang isang tindahan na may babala na: MONGO CON HIELO Y LECHE-EXTRA. Sa gawing kaliwa, ay makikita naman ang isang babae na nagtitinda ng mga kakanin. Mag-iikawalo't kalahati ng gabi.
Lalabas ang KORO ng BABAE at LALAKE, na nagsisiawit: Gabí.
Tagpo I.
Coro ng mga BABAE at LALAKE.
(Pagkatapos ng̃ pag-awit, magsisigawa ng̃ isang "evolución" at saka magsisipasok sa pinto ng̃ Cine.)
Lalabas ang batang lalake, si PELI, at lalapit sa may tindang mg̃a kakanin.
Tagpo II.
Ang TINDERA at si PELI
(Kay Peli) Ano, Peli, ¿Papasok ka na naman sa Cine?
(Waring kagagaling pa lamang sa pagiyak.) Hindi po. Wala po akong pera, eh.
Bakit hindi ka huming̃i sa iyong Nanay?
Huming̃i po ako, ng̃uni't, ang ibinigay po sa akin, ay palo.
¿Ha? ¿At bakit?
Mangyari po, ng̃ ako'y humihing̃i ay nataon naman na sila'y napantoche sa pang̃uingue, kaya po,t en vez na kuwalta, ang ibinigay po sa akin ay palo at kurot.
(Lalabas sina LUISITO at MARCOS, buhat sa kaliwa.)
Tagpo III.
Sila din, at sina LUISITO at MARCOS.
(Kay Luisito) Luisito, dito ang mabuting paghihintay, ng̃ makapangaliskis tayong mabute ng̃ mg̃a dalaga.
Ikaw naman ang taong wala nang na-aala-ala kundi ang dalaga. At, minsan man, ay hindi ka na nagkasiya sa isang kasintahan. Marahil ang puso mo'y walang iniwan sa repollong china.
(Patawa) Nagsermon na naman si Padre Luis. Nalilimutan mo lamang marahil kaibigan ang kasabihang: Pues que la vida es corta, soñemos, alma, soñemos! Hale ng̃a, sabihin mo ng̃a naman, eh bakit ikaw, hindi ka na nagsawa sa amerikanang de cinturon at sa di pagsusuot ng̃ sumbalilo?
Tao ka ng̃a pala. ¿Hindi mo ba natatalos na iyan ang costumbre americana?
Naku, maniwala kang kung ang lahat ng̃ costumbre ang susundin natin, eh hindi malayong, bukas o makalawa, ay maglagay ka na ng̃ kumot sa ulo.
Aba, iyan ang hindi ko magagawa.
At, ¿bakit hindi? Eh, kung mamoda?
Kahit na.
(Pagkatapos na masdan ang bata: si Peli: Kay Luisito.) Luisito, masdan mo ang batang iyan. (Ituturo si Peli na nakaupo.)
¿Sino bang bata iyan?
Iyan ang isa sa mg̃a dakilang amateur ng̃ Cine. Walang gabi na di nanasok sa Cine ang batang iyan.
¿Gayon ba? ¡My God!
Oo, maniwala ka. Halika't ating lapitan at kausapin tuloy, samantalang hindi pa dumadating ang ating hinihintay. (Lalapit silang dalawa, at kakausapin ni Marcos si Peli.) ¡Hooy, Peli, narito ka na naman, ha? Tila nawiwili ka sa panonood ng̃ Cine, ano?
(Pakimi) Kaunti po lamang.
¿Bakit mo ba naiibigan ang Cine?
Mangyari po'y sa Cine ako inpinang̃anak ng̃ aking nanay.
¿Siyang̃a ba?
Gayon po ang sabi ng̃ nanay ko sa akin. Buntis daw po silang kagampan, ng̃ naisipan nilang masok sa Cine. Nang̃ang̃ahalati na daw po ang pelikulang kanilang pinanonood, ng̃ ipinang̃anak nila ako.
¿Saan ka inpinang̃anak?
Sa Cine po.
¡Jesus......!
At, ¿ano daw naman ang pelikulang ilinalabas ng̃ ikaw ay ipang̃anak?
Zigomar daw po.
(Sa sarile) ¡¡Que barba....ridad!!!....
(Sa sarile) ¡¡¡Kay liit namang Zigomar nito....!!!
(Kay Peli) Eh, ano naman ang ing̃inalan ng̃ nanay mo sa iyo?
Pelicula, po.
¡Santa Barbara!.... (Makakaring̃ig ng̃ yabag at sipol ng̃ auto: kay Luisito.) Luisito, tila sila na ang dumarating. Hayan at sipol ng̃ auto nina D. Tiburcio ang nariring̃ig ko, ah.
Sila nang̃a. ¡Salamat sa Dios! Tayo kumanlong.
(Lalabas sina D. TIBURCIO, BALTAZARA, ANGELING, TIO BESTRE, TIA MARTINA, BETENG at MATIA. Ang tatlong nauuna, ay mabute ang gayak, ang apat na huli, ay lalo pang nakatatawa ang mg̃a suot.)
(Kay Luisito.) Ang mabute. Luisito, ay pumasok muna tayo sa magmomongo.
Pakikita muna ako sumandali, at pagkatapos ay tumung̃o tayo sa mongo. (Sa sarile) ¡Sinabi ko na, at papagkakagastahin ako, ah....! ¡Ipapalo't ipapalo ang kaniyang kaliskis.....!
Tagpo IV.
Sila din, at ang mga bagong dating.
(Hilahila ang kanyang aso.) ¡Tatang, burique ing cacung pinsan.
Sinabi ko na sa keka, aku ing bahala.
(Kay Angeling) Pinsan, iti wari ing cine? O, itang metun nanu neman ing lagyu na?
(Wala sa loob) Mongo con hielo.
(Sa lahat) Siya, tayo na pumasok, mientras maaga, at ng̃ makauwi agad.
Yaping mabute. Tarana. (Magkukunwang kukuha ng̃ kuwalta upang ikuha ng̃ bilyete, ng̃uni't uunahan siya ni D. Tiburcio sa taquilla. Si Tio Bestre ay lihim na tatawa. Si Beteng ay magaanyong bibile ng̃ mani.)
Lalabas ang PULIS.
Tagpo V.
Sila din at ang PULIS.
(Pagkakita sa aso na hila-hila ni Beteng.) Se, jombre ¿cosa, esti aso gat licencia? (Tatapikin sa balikat si Beteng, na pagka kita nito, ay mang̃ang̃atog sa takot.)
(Tatakbong lalapit sa ama niya.) Tatang dadakpanaku pu ning pulis.
(Sa Pulis) ¿Que es lo que quiere V.?
¡My God!... Mi quiere visto este licencia esti aso.
(Kay Tio Bestre) Ka Bestre, dala ba ninyo ang bwis ng̃ inyong aso?
(Patulala) Aba, ali. O bakit, ¿pati ba ing asu magbayad ng̃ bwis queti sa Manila ng̃eni?
Oo, ka Bestre. Dito sa Maynila, ay ibinubuwis ng̃ayon ang lahat. Hang̃in lamang ang hindi pa. Pag nagkabisala'y ito man ay ipagbabayad na din.
(Galit) Bah, milalu na naman iyan.... ¡¡¡Tekalanapu ning ... lintik ...!!
(Kay D. Tib.) Cosa, esti aso no gat licencia?
No tiene.
(Pagkaring̃ig sa sagot ni D. Tiburcio, ay pagtatangkaang agawin kay Beteng ang aso.) ¡Ce, jombre, entrega conmigo esti aso.
(Hindi ibibigay) Ba, aliku bisa. (Galit) Ing asung ini kanaku ya, ¿bakit kuanan me? ¡¡Salbaje nakang tao....! ¿Anta, ika ing sinese kanine? (Ituturo ang aso) Tabakan daka galang....(Sa ama niya) Oh, tatang, bakit kakuanane nining Pulis ing asu ku?
Mallari alang cedula, o queti pala sa Maynila, pati asu mamayad ng̃ cedula.
(Dahil na ayaw ibigay ang aso ni Beteng, ay kukunin ang kaniyang revolver.) Cosa, yu no dale conmigo esti yu aso?
(Maghihiyawan, pagkakitang tang̃an ng̃ Pulis ang revolver.) Beteng, ibigay mo na ang aso! ¡ibie mune ing asú....!!
(Tatagnan ang lubid ng̃ aso at aagawing pilit. Mabibitawan ni Beteng ang aso.) Ahora, si yu quiere saca esti asu otra vez, puede anda coral y paga diez peso. (Papasok na daladala ang aso.)
(Pagpasok ng̃ Pulis, iiyak at maglulupasay na parang isang bata.) Aruuuy.... kalulune rugú ing kakung asu.... (liyak ng̃ malakas.) Sinese que pa namang mayap saka eni, quing̃uane ning dipaning....!!
(Kay Bet.) Beteng, ustuna ng̃ pag-quiac. Tarana lumbe Cine.
(Iiyak ng̃ malakas pa sa una) Aliku, tatang, aliku bisa; ing asu ku....!
Tunay ng̃a, iha.
(Kay Tio Best) Ka Bestre, bakit ba naman dinala pa ni Beteng ang aso niya?
Bah, mallari, siya ang sumese doon; saka dela niya, bang regalo kanú queka. ¡Naku, taganang mahat sa kanyá ing asung iyon.
(Kay Bet.) O, Beteng, ustuna. (Sa lahat) Tarana, lumub tana qng Cine.
(Sa lahat) Siya, tayo na pumasok. (Lahat ay magsisipasok. Matitira si Angeling.)
Tagpo VI.
Si ANGELING at si LUISITO.
(Kay Ang.) Angeling, panahon na itong dapat nating samantalahin.
Maghintay ka pa ng̃ ilang saglit.
¿Maghintay pa?
Oo. Pagka tayo umalis ng̃ayon din, ang dulo'y abutin tuloy tayo ng̃ habol.
At, ¿paano ang ibig mong gawin ko?
Sinabi ko na sa iyong, maghintay ka pa ng̃ ilang saglit,
¿Lalabas ka bang uli?
Oo. Ang "chauffeur" namin ay pinagsabihan ko na. Hanggang mamaya.
¡Salamat ...!
Hintain mo ako sa auto. (Papasok.)
Tagpo VII
Si MARCOS at si LUISITO
Wala ng̃ kasalasala.
Mabute. Ng̃uni't, tila ang lalong magaling, ay magbihes ka muna, at baka maamuyan ni Angeling.
¿At, bakit?
(Sa sarile) Bakit pa daw....(Hayag) Hale ng̃a, amuyan mo ng̃a ang suot mong damit, kundi, amoy supot ng̃ bakang australiano. ¿Sino ba ang naglalaba sa iyo?
Makao, bakit?
¡Kaya pala....!
Puro biro ang katawan mo!
(Mariring̃ig sa loob na ipalalagay na nagbubuhat sa cine, ang mg̃a hiyaw na: "Sigue" ... "Sigue" ... "Ibigay mo ang lines" ... "Ibigay mo ang nueve", kasunod ng̃ palakpakan at baswitan. Lalabas si Tio Bestre, at si Beteng, itong huli ay sapupo ang kaniyang tiyan.)
Tagpo VIII
Tio BESTRE at si BETENG.
Bah, Beteng, makanyan lamang pala ing Cine. Magdidilim ampong sasala ... ¡Damongkal, makasira ya pa ng mata ...!
Yapin, tatang. Atinaku maliliú. Saka, masaquit ya pa ing atyan ku.
Saka purus mung halikan, ampong magnanakaw.
Yapin pu, píro, masakit ku atian, tatang. Bisa kung....(Ibubulong sa taing̃a ni Tio Bestre)
(Galit) ¡Demonios ...! Mallari, kumain ka ng̃ dakal na maní ampong uminom ka ng̃ sorbetes ...! ¡Salbaje nakang tau ...! Tara na qng lub ...! (Papasok silang dalawa. Magkakaing̃ay na muli sa Cine. Lalabas si Tia Martina at Matea.)
Tagpo IX.
Si TIA MARTINA at si MARTA
Inang, inang, masakit ku buntuk ...
¡¡Siablos, makanyan mu naman pala ing cineng amanuan da. Makasakit ya palang buntuk....!!
O, Inang, maliliu ku pu.
Bah, ing anaku, aku man, maliliu ku.
Ing mayapa Inang, mulitana.
Ba, e maliari. Paintunan dacatamu di tatang mu.
Ba, milalu naku saquit buntuk.
Tara, lumub tamung pasibayu.
(Papasok silang muli, at ulit na magsisigawan sa loob ng̃ cine gaya ng̃ una.)
Lalabas si D. Tiburcio.
Tagpo X.
Si D. TIBURCIO, pagkatapos si BRUNO at si MARTINA.
(Lalabas) Talagang ako'y inaalat yata. Kung alin pa naman ang aking pinakaiilagang makita sa Cine; Kung alin ang minamasama ko, ay siya pang napanood ng̃ayon. At, ang hindi ko pa malaman, ay ang sanhi ng̃ kung bakit sa tuwing ang ilalabas sa Cine ay mg̃a pelikulang "Indian at Cowboy", hindi na nanalong minsan man ang mg̃a Indian, at kung talunin pa sila, ay palakpakang wahumpay ang ginagawa ng̃ mg̃a nanonood. ¿Ano ang ibig sabihin ng̃ gayon?
(Mula sa loob.) ¡Hayop!...¡Demonio!... ¡Walang hiya! ¡Isusumbong kita!... (Lalabas na kasunod si Bruno.)
(Pagkakita sa dalawa.) ¿Bakit, Martina, ano ang nangyare Bruno? ¿Bakit ninyo iniwan ang bahay?
(Iiyak) Mangyari po, iyang si Brunooooo, uuuhhh!!...
(Gagayahan si Martina) Mangyare po, si Martina, uuuhhh.
(Galit) ¡Demonio!...Magisaisa kayo sa pagsagot. Ikaw, Martina ang siyang ang umuna. ¿Ano ang nangyare?
(Paiyak na sasagot) Iyan pong si Bruno, pagkaalis ninyo, ay isinarang lahat ang bintana pati pintuan at.....¡¡Naku ...!! Napakahayup pong tao niyan ...!!
(Kay Bruno: Galit). At, bakit mo naman ginawa ang gayon? (Pipiralin sa tayng̃a)
Kaya ko po lamang ginawa iyon, ay dahil siya ninyong utos.
¿Ano, utos ko?
Opo. Kang̃ina po ay sinabi ninyo sai akin na, pagkatugtog ng̃ ika 7 at kalahati ng̃ gabi, ay isara kong lahat ang pinto at bintana?
(Sa sarile.) Tunay ng̃a. (Sa dalawa) Siya, umui na kayo.
(Paiyak) At, ¿paano po ako?
Hayaan mo't ako, ang bahala.
Siyang̃a, siya na ang bahala sa iyo. Hala magsiwí na kayo.
(Aalis silang dalawa. Si D. Tiburcio, ay papasok uli sa Cine. Lalabas ang isang Pulis.)
Tagpo XI.
Ang PULIS lamang
(Dala ang isang pahayagan) Esti periodico, motso, jabla robo. Every days, jabla robo. Every days, jabla olicem, Motso nakaw, pero, mi no bisto nada jasta hora. (Palakpakan sa loob ng̃ Cine, kasabay ng̃ sigawan)
(Pahiyaw)!!Sigue ... Zigomar ... sigue!! (Palakpakan)
(Gulilat) Cosa jabla esti jombres dentro cíne? (Anyong papasok na tang̃an ang batuta.) ¿Aqui gat ladron?!My godness ...! ¡Oh, this is creasy ...!...Mi cabeza motso loko ... Aquí dentro no ladron sino cine nomas ...! This is.... ¡Oh, mi poco tempo, bamus casa con una señorita motso rica, motso money, nomporta masque pea ... And, bay and bay, mi vamus America y no more polis ... ¡Ja ...! ¡Ja ...! Este motso bueno bisnes (Papasok na bumabaswit ng̃ isang "rag".)
(Lalabas si Angeling na parang ling̃as. Sasalubung̃in siya ni Luisito.)
Huling Tagpo.
Si ANGELING at si LUISITO.
TUGTUGIN
¡Luisito!
¡Oh, Angeling!
Paglisan na'y ating gawin.
SILANG DALAWA
(Yayaon silang madali, at papasok sa kanan. Mariring̃ig na dagli ang sipol ng̃ "auto". Lalabas si D. Tiburcio na kasabay ang lahat, at naghihiyawan.)
¡¡¡Angeling....!!!
Bili na kayo ng̃ mané....
¡¡¡Angeling....!!!
(Sa lahat) ¿Sino pu ba ang hinahanap ninyo?
Ang aming anak. ¿Nakita mo ba, among?
Iyon po bang maganda?
Oo, iyon ng̃a, ¿saan naroroon?
Tinang̃ay po ng̃ lawin......
(Pagkaring̃ig noon ni Beteng, ay hihimatain. Mapapatung̃ang̃ang lahat.)
TABING.
MGA KUROKURO
¡CINEMATOGRAFO!
Ang "libreto" ng̃ "Zarzuelang" may tinurang pamagat, na buhat sa panitik ng̃ manunulat sa dalawang wika, sa kastila at tagalog na si G. José Maria Rivera ay nabasa ko at napanood ko pa ng̃ ganapin ang unang tanghal sa Dulaang Rizal.
Sa tugmang ito ay ipinakilala ng̃ "Kumatha" na siya'y maalam sumulat ng̃ dula; ang pagkakasunod ng̃ mg̃a tagpo (escenas) ay napakahusay, hindi nawawala ang "continuidad" na kailang̃an sa isang obra at ang galaw at mg̃a anyo ng̃ mg̃a "personages"; ang paglalabas pumasok sa tagpo ay ayos na ayos sa tinatawag na "mecenica teatral."
Ang "caracter" ng̃ mg̃a personage ay hindi lumabo hanggang sa matapos.
Ang kanyang "vis comica" ay kilala na ng̃ madla. Ang pagkakalahok ng̃ salitang kapampang̃an sa kanyang '"obra" ay totoong mainam at matatawag nating "a lo hermanos Quíntero" na pawang nabantog at nang̃agsidakila sa kanilang "sistema" na ang kanilang mg̃a tugma na tunay na wikang kastila ay nilalahukan ng̃ mg̃a "dialectos españoles"; magpang̃ayo'y hinahang̃aan ng̃ boong Esgaña ang magkapatid na Quintero.
Pepe, magpatuloy ka sa landasing iyan ng̃ pagpapalago ng̃ ating dulaan; ang pagsulat ng̃ mabubuting dula ay higit pa ng̃ pagkamakabayan kay sa magmakisig na "politico".
Severino Reyes.
ANG PAGKAMANGDUDULA NI RIVERA
Si José M.a Rivera ó Pepe Rivera, gaya ng̃ karaniwang palayaw sa kanya ng̃ kanyang mg̃a kamanunulat at kaibigan, ay isang mangdudulang may sariling gabay at sariling watawat. Siya ay lumalakad sa larang̃an ng̃ pangdudula na masasabing hindi sumusunod sa ilaw ng̃ iba.
Nagbukas siya ng̃ landas na sarili niya, na sa kanyang pagasa'y lalong malapit para sa ikapagtatamo niya ng̃ tagumpay. At ang pagasang ito ni Pepe ay hindi nabigo. Kung ang tagumpay ng̃ mangdudula ay nakikilala sa pagkatig sa piling niya ng̃ lalong marami't piling nanohood, ang di gagaanong taong umuuhong lagi sa mg̃a dulaan kailan pa ma't itatanghal ang alin man sa kanyang mg̃a akdang "Mg̃a Pagkakataon," "Opereta"? at "Mg̃a Bing̃i", ay maliwanag nang patotoo na ang tagumpay ay nasa kanya na. Anopa't sa ganang aking pagkapisil, hindi na kailang̃an ni Rivera ang sumulat pa ng̃ lalong maraming katha upang maging karapatdapat siya sa luklukan ng̃ ating mg̃a ipinagkakapuring mang̃a mangdudula. Ang pagkamandudula ng̃ isang tao ay dapat kilalanin hindi sa karamihan ng̃ dulang sinulat, kundi sa uri at taglay na mg̃a katang̃ian ng̃ kanyang nakatha na. At inuulit kong labis ang kanyang mg̃a kathang nabanggit sa itaas, upang siya ay mapapiling sa unahang hanay ng̃ ating mg̃a maginoong guro ng̃ dulaan.
E.L. Valmonte,
Kinatawan ng AKLATANG BAYAN
Sa Kalipunan ng mga Samahang Mananagalog.
Maynila, Mayo 30, 1920.
SI PEPE M.a RIVERA
Tao palibhasang may katutubong hilig sa pagsulat, hilig na nalalahukan ng̃ sipag at tiyagang siyang pang̃unang kailang̃an sa mg̃a kawal ng̃ panitik, gaya ng̃ pagiging kailang̃an ng̃ tikin sa isang bangka, kaya't hindi katakatakang si Pepe M.a Rivera, ang karapatdapat na Pang̃ulo ng̃ Ilaw at Panitik, ay maantayan natin ng̃ lalong kisig at mg̃a bung̃ang hinog ng̃ kanyang halamang itinanim sa panahon, at ng̃ayo'y malusog na nagbubung̃a.
Sa likod ng̃a ng̃ may mahigit na dalawampung taong ginugol ni Rivera sa kanyang paghahanda sa isang kabuhayang dapat niyang kapulhan ng̃ suson susong putong ng̃ tagumpay, gaya ng̃ tinamo niya ng̃ayon sa sunod-sunod halos na pagtatanghal ng̃ kanyang mg̃a akda, ay di katakatakang, ang lahat ng̃ humahang̃a sa kanyang panitik ay kapitan siya ng̃ karapatdapat na taguring "hari ng̃ mg̃a mapag-patawa".
Nariyan ang katang̃ian ni Pepe. At hindi katakataka! Ang isang taong pinagkalooban ng̃ Maykapal ng̃ isang loob na maluwag at isang damdaming walang iwing pagiimbot na linangkapan ng̃ isang mukhang wari'y nakang̃iti sa lahat ng̃ oras, saan hindi ang kanyang paguugali'y masisinag sa kanyang mga akdang sa twing itatanghal ay "nagpapasakit ng̃ maraming tiyan".
Crispin.
ANG MITHI, ika 28 Mayo, 1920.
José M.a Rivera, con su esfuerzo personal verdaderamente laudable y con su talento, ha llegado a una altura a la que ya quisieran llegar muchos de nuestros autores dramáticos. Es de la madera de dramaturgos y triunfará aún más. Comenzó a estrenar en el Teatro Rizal sus primeras producciones dramáticas y que fueron del agrado del público. Las operetas austriacas vertidas por él al tagalo y representadas con éxito, diéronle además un notable prestigio como traductor, distingiéndose además de los adocenados como autor dramático.
Rivera es uno de nuestros contados aficionados a escribir obras teatrales. Como tiene mucha voluntad, sobre todo constancia y esfuerzo en el trabajo, se puede esperar mejores cosechas aún de su numen creador é inventivo. En sus obras, en donde se exponen al estudio, a la crítica y a la corrección, múltiples cuadros de costumbres locales, se refleja ese afán de corregir y cortar ciertos vicios muy nuestros, y ciertas imperfecciones tambien de órden social, habida consideracion a la altura de la civilización en que parece encontrarse el país. Su obra "Opereta?" que tantas veces figuró con éxito en los carteles y en las tablas por ejemplo, es una prueba de esto que decimos. Es digno de notar además en Rivera ese estilo jocoso y festivo con que están escritas sus obras, lo que hace que estén á tono con nuestro público que gusta de humorismos y chistes.
Doy mi mas sincero parabien al Sr. José M.a Rivera por sus esfuerzos y aplicacion que le han conducido al éxito, al acometer una empresa tan arriesgada y problemática como es la de escribir obras teatrales en Filipinas ...
Jose G. Reyes.
UN TRIUNFO DE RIVERA
De tal podemos calificar, el que en la noche del 1.o de Junio obtuvo nuestro querido colaborador D. José María Rivera estrenando en el Teatro Rizal, tres de sus mejores obras, tituladas: "Cinematógrafo", "Panibugho" (Celos) y "Mga Pagkakataon" (Coincidencias), en presencia de numeroso y selecto público que acudió al coliseo avido de conocer las últimas producciones de nuestro joven inteligente compañero.
En las tres obras líricas alcanzó Rivera un triunfo resonante, acreditando una vez más ser él de la madera de los comediógrafos modernos; que conoce palmo á palmo la mecánica teatral, y sobre todo, ha justificado una vez más su genio como uno de los pocos dramaturgos filipinos que con Severino Reyes, Patricio Mariano y Aurelio Tolentino integran y son verdaderos prestigios del teatro tagalo.
Con el espíritu de imparcialidad en que siempre se inspiran nuestros juicios, podrémos manifestar aquí sinceramente, que el Sr. José María Rivera, es de los contados escritores dramáticos que para dar verdadera vida a sus obras, sigue el derrotero trazado por los escritores españoles de presentar en cada obra dramática tipos regionales. En la zarzuela "Cinematógrafo" presenta Rivera el tipo de unos montaraces, que faltos de sociabilidad, creyeron que Manila, es tambien una montaña. Tanto en esta obrita como en "Panibugho" y "Mg̃a Pagkakataon", nuestro apreciado colaborador ha conseguido triunfar en toda la línea, asi como en su precioso monologo "Kakilakilabot" que interpretó maravillosamente el mejor actor dramático filipino D. Eusebio Constantino. El inspirado one-step del profesor Emilio A. Aninao el primer filipino que ostenta el titulo de Profesor de Armonia, titulado "José María Rivera", compuesto expresamente en honor al beneficiado, gustó muchisímo al publico que al final la aplaudió.
Los artistas que tomaron parte en la representacion de las obritas del Sr. Rivera, cumplieron como buenos en sus respectivos papeles. La tiple Juanita Angeles, demostró, una vez mas dominio en las tablas y la potencia de su voz. Desde los primeros momentos supo cautivar al público que le aplaudió á rabiar. Ildefonsa Alianza, acreditó ser de la madera de las buenas características. La tiple Feliza Buenaventura, supo bordar con maestria su papel en "Cinematógrafo" y recibió tambien muchos aplausos. Alfredo Ratia, el gran barítono de la Compañía que dirije el dramaturgo D. Severino Reyes, demostró ser dignísimo hijo del gran actor D. Nemesio Ratia, honra del teatro contemporáneo. Pepe Suarez y Joaquin Gavino, así como tambien los Sres. Eusebio Constantino, Eusebio Gabriel y Gregorio L. Lopez, contribuyeron mucho al éxito alcanzado por el autor.
Y para terminar repitimos que Rivera ha triunfado en toda la línea, por lo que el público le llamó muchas veces para aplaudirle entruendosamente. A los muchos aplausos que tan querido compañero ha recibido, une el FREE PRESS el suyo, entusiasta y sincero.
(FREE PRESS, Junio 15, 1918.)