WeRead Powered by ReaderPub
Dating Pilipinas cover

Dating Pilipinas

Chapter 40: Sa Tagalog.
Open in WeRead

Explore more books like this:

About This Book

The work surveys the archipelago's precolonial peoples, tracing proposed origins and settlement patterns and describing indigenous communities, clothing, bodily adornment, domestic life, social organization, language and literacy, trade and watercraft, marriage and funeral rites, and native religious beliefs. Organized into focused chapters, it combines ethnographic description with summaries of earlier historical and missionary accounts to reconstruct everyday customs, material culture, rites of passage, and collective memory. The tone is documentary, aiming to preserve fading traditions and provide a compact reference for readers unfamiliar with older practices.

[4]

Ani Rizal, ay di lubhang mapaniniwalaan ito dahil sa pinakaiing̃atan ng̃ mg̃a tagarito ang maligo sa tanghali, pagkakain, pagká bagong kalilitaw ang sipon at pagka pinápanahón ang babaye at iba pa.


Ikaanim na Pangkat.

Kaugaliang pinanununtunan sa mg̃a Kapaslang̃an at Sigalutan.

Palibhasa't ang mg̃a Tagarito ay nang̃amamayan at may mg̃a tatag na pamahalaan ó balang̃ay ay may mg̃a hukom at tuntunin ring pinanununtunan.

Itong mg̃a tuntuning pinanununtunan sa kanikanilang balang̃ay ay pawang alinsunod sa kanilang mg̃a alamat at kaugaliang kinagisnan[5] na di binabago at mahigpit nilang tinatalima. Datapuat di umano'y may mg̃a pang̃ulo rin namang nagsisipaglagda ng̃ mg̃a kautusan, saka itinatanyag sa bayánbayán nang isang mánanawag na pinang̃ang̃anlang Biuhahasan. Sa pagtatanyag, di umano, ay nagdádála ng̃ isang bating̃aw na tinutugtog upáng mapag-alaman ng̃ mg̃a tao.

Ang mg̃a hukom sa mg̃a usapin nila ay ang kanikanilang pinakapangulo[6] na kung minsa'y nagiisa at kung minsa'y kasama ng̃ isang datò sa balang̃ay ó ng̃ isang maginoo sa nayon: at ang pang̃ulo sa balang̃ay ay may sakdal na kapangyarihan na maaaring gumawa ng̃ ano man na walang sanguni sa iba, at sa ganito, ang magkulang sa kanya ay naparurusahan niya ng̃ kamatayan ó pagkaalipin ó pagbabayad kaya ng̃ isang gayon.

Ng̃unit sa pagmumungkahian at mg̃a sigalot ng̃ magkakasambahay ó ng̃ magkakamag-anak ay karaniwang ang matatanda na lamang sa nayon ang pinagsasakdalan na siyang humuhusay at ganap na dinidinig naman ng̃ mg̃a may sigalot:

Sa pagpaparusa naman ay walang bilibid ó bilanguang gaya ng̃ayon, kundi ang kaugaliang parusa na inilalapat sa nagkasala ay ang pagbayarin ng̃ isang gayon ó alipinin kaya at kung totoong mabigat ay nilalapatan ng̃ parusang kamatayan. At upáng matanto ng̃ manbabasa ang mg̃a tuntunin sampú ng̃ mg̃a salang kinalalapatan ng̃ mg̃a parusang nábangit ay aking ihahanay dito sa sumusunod.


Sigalot ng̃ mg̃a pang̃ulo sa dalawang balang̃ay

Kung ang mg̃a pang̃ulo sa dalawang balang̃ay (na magkasundô marahil) ay magkaroon ng̃ ano mang sigalot ó usap ay pumipilì sa ibang balang̃ay ng̃ isang pang̃ulo na mailalagay nilang pinakahukom upang humatol sa kanila ng̃ walang hilig; sa pagka't bagá man sa iba't ibang balang̃ay ay may iba't ibang tuntuning pinanununtunan ay halos magkakaayon di umano.[7]


Pag-aasawa sa taga ibang balang̃ay.

Kung ang isang maharlika ó timawà, (maging lalaki maging babae) sa isang balang̃ay ay mag-asawa sa taga ibang balang̃ay ay hindi makalilipat sa balang̃ay na tinatahanan ng̃ magiging asawa, kungdi magbayad ng̃ isang gayong halaga na paratang ng̃ mg̃a datò. Ang paratang na ito ay mulâ sa isang putol na gintô hangang tatlo ayon sa paratang ng̃ balangay, bukod pa ang isang paanyaya sa boong balang̃ay na aalisan. Kung ito'y hindi ganapin ay maaaring digmain ng̃ balang̃ay na aalisan ang balang̃ay na lilipatan, malibang pagkasunduan na ang mg̃a anák ng̃ mag-asawa ay hahatiin sa kanikanyang balang̃ay.


Katungkulan ng̃ mg̃a kampon sa isang balangay.

Ang sino mang kampon ay hindi bumabayad ng̃ buis, ng̃uni't napatutulong ng̃ pangulo sa kanyang mg̃a kailang̃an, gaya sa pagtatayô ng̃ kanyang bahay ó sa kanyang pag-aani, sa pagbungkal ng̃ kanyang bukid, sa paggaod sa kanyang sasakyan at ibp.; ng̃uni't ayon sa salaysay ni Morga ay ibinubuis ng̃ mg̃a kampon ang kanilang naaani sa kanikanilang bukiran.


Sa Nakamatay.

Ang nakamatay ng̃ isang alipin at huming̃i ng̃ tawad ay hindi pinarurusahan ng̃ lubhang mabigat, kungdi pinapagbabayad lamang sa pang̃inoon ng̃ halagá ng̃ aliping napatay saka hinahatulan ng̃ hukom ng̃ iba pang parusang kanyang magaling̃in.

Ang nakamatay ng̃ isang timaua ay kamatayan rin ang parusang inilalapat; ng̃uni't kung huming̃i ng̃ tawad ay inuuurong ang gayong parusa at ipinaaalipin na lamang sa namatayan. Di umano'y kung sakaling salapi ang nagíng kahatulan ay kalahatí lamang ang ibinibigay sa namatayan at ang kahahatí ay sa hukom.

Datapua't ang nakamatay ng̃ pangulo ó maginoo ay pinapatay ng̃ walang patawad at ang mg̃a kaalam ay pawang inaalipin sampû ng̃ kanilang mg̃a anák.


Paghuli sa magnanakaw.

Upang hulihin ang mg̃a magnanakaw ay tinatawag ang mg̃a pinaghihinalaan, at mg̃a pinapagsasalansan sa isang dako ng̃ mg̃a balaba ng̃ dahon ó ng̃ mg̃a damit kaya, at kung pagkatapos nito'y masumpung̃an sa salansan ang nawala ay hindi na pinag-uusig pa, ng̃uni't kung hindi ay sinusubok sa alin man dito sa tatlong paraang sumusunod:

Una.—Dinádalá ang mg̃a pinaghihinalaan sa isang dakong malalim ng̃ ilog na bawa't isa'y may daláng pangpigil sa ilalim ng̃ tubig upáng kung pasisirin ay makapang̃uyapit na matagal sa ilalim, at sa ganito, ang unang lumitaw ay siyang inaaring may sala. Di umano'y namamatay ang iba sa pagkalunod dahil sa takot na siyang ariing may sala.

Ikalawa.—Naglalagay ng̃ isang bató sa isang sisidlang may kumukulong tubig, saka ipinadadampot sa mg̃a pinagbibintang̃an at ang umayaw ay siyang nagbabayad ng̃ nánakaw.

Ikatlo.—Pinapagtatang̃an ang mg̃a pinagbibintang̃an ng̃ tig-isang kandila na magkakasinlaki at magkakasinbigat, at kung sino ang unang mamatayan ay siyang inaaring nagnakaw.

Ang parusa namang inilapat sa nagnakaw kung ang ninakaw ay hindi lumalagpas sa halagang apat na putol na ginto ay ipinasasauli ng̃ hukom ang ninakaw saka pinapagdadagdag pa ng̃ isang gayon. Kung higit sa apat na putol na ginto ay inaalipin. At kung isang kate na ginto ay nilalapatan ng̃ parusang kamatayan ó kung dili ay inaapilin ang nagnakaw sampû ng̃ asawa't mg̃a anák.

Di umano'y kaugalian din naman (marahil sa ibang balang̃ay) na sa unang pagnanakaw ay pinapagbabayad lamang ng̃ isang gayon, sa ikalawa'y inaalipin at sa ikatlo ay pinapatay ó kung sakaling pinatatawad dito sa huling parusa ay kung inaalipin sampu ng̃ asawa't mg̃a anák.—Ng̃uni't ang anák na hiwalay sa bahay niya ay hindi idinadamay sa pagkaalipin, dahil sa isipang hindi kaalam sa pagnanakaw.


Pagsásamá

Kung ang dalawang tao ay magsamá ng̃ tiggayong halagá upang mang̃alakal, at ang may hawak ng̃ salapi ay maharang ng̃ kampon sa di kasundong balang̃ay ay katungkulan ng̃ kasamá na tubusin ang naharang; ng̃uni't kung ang pagkapahamak ay kasalanan ng̃ may hawak ng̃ salapi ay kailang̃ang isauli ang salaping naparual ó kung dili ay ng̃ mg̃a anák. At kung walang maibayad ay masasanlang pinakaalipin siya at ang kalahati ng̃ kanyang mg̃a anák sa kasamáng dapat pagbayaran.


Pagmamanahan

Sa pagmamanahan ay hindi kailang̃an ang testamento, kungdi sukat na ang pahimakas na bilin ng̃ namatay sa kanino mang kaharap; sapagka't ang bilin ng̃ magulang ay lubhang mahalagá, dahil sa kapanampalatayan na ang mg̃a kalulua ng̃ kanilang nang̃asirang magulang at kanunuan ay kasama rin nila sa sandaigdigang ito at siyang sa kanila'y nagpapaginhawa ó nagbibigay-hirap ayon sa asal nila (basahin ang paglilibing) ano pa't sa ganito'y hindi inuugali ang pagdadaya at pagsisinung̃aling.

Sa katungkulan.—Ang mg̃a anak lamang sa tunay na asawa ang nakapagmamana ng̃ katungkulan ng̃ magulang, ano pa't kung pang̃ulo sa isang balang̃ay ang magulang at mamatay ay ang pang̃anay sa mg̃a lalaki ang humahalili at kung patay na ay ang pang̃alawa; ng̃uni't kung walang anak na lalaki ay mg̃a anák na babae ang humahalili ng̃ papagayon din, at kung sakaling walang anak ay kamag-anak na pinakamalapit ang nagmamana, na ani Rizal, ay siya ring kautusang pínanununtunan ng̃ mg̃a anak-hari sa España, Inglaterra, Austria at ibp.

Sa mg̃a tunay na anák ng̃ mag-asawa.—Ang tunay na magkakapatid sa ama't ina ay nagsisipagmana ng̃ magkakasindami, malibang ibigin ng̃ amá ó ng̃ iná na palamang̃an ang sino man sa kanilang anak ng̃ dalawa ó tatlong putol na ginto ó ng̃ isang hiyás kaya. Kung ang isa sa mg̃a anák ay nag-asawa sa isang uring maginoo at dahil sa kalakhan ng̃ kanyang bigay-kayang ipinagkaloob ay makahigit sa mana kay sa kanyang mg̃a kapatid ay hindi ibinibilang ang kahigitang yaon; datapua't ang ano mang bagay na ibinigay ng̃ magulang sa kanino mang anák maging sa pang̃ang̃ailang̃an ó hindi ay ibinibilang sa pagmamanahan.

Kung sa pagmamanahang ito ay may isang aliping nauukol sa lahat ng̃ magmamana ay binabahagi ang panahon ng̃ paglilingkod nito sa bawa't isa sa kanyang papang̃inoonin ayon sa pagkakasunduan nila. Kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin, kungdi kakalahati ó ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay pagbabayaran ng̃ mg̃a pang̃inoon ang paglilingkod niya sa panahon ng̃ kanyang kalayaan ayon sa kanyang pagkaalipin.

Mg̃a anák sa una't hulíng asawa.—Kung ang sino man ay nakapag-asawang makalawa at kapua pinagkaroonan ng̃ anák ay nagmamana ang isa't isa sa mg̃a anák ng̃ ayon sa mana't bigay, kaya na ukol sa kanikanyang ina, at ang pag-aari ng̃ amá ay binabahagi sa lahat na walang palamang sa kanino man.

Mg̃a anák sa tunay na asawa at mg̃a anák sa alipin.—Kung ang sino mang lalaki ay nagkaanak sa tunay na asawa at nagkáanák pa sa alipin ay hindi nagmamana ang sa alipin; ng̃uni't ang aliping naanakan ay pinapagiging-laya at ang anák ay pinagkakalooban ng̃ miski ano, na kung maginoo halimbawa ang lalaki, ay isang putol na ginto ó isang alipin kaya.

Mg̃a anák sa asawa at mg̃a anák sa babaeng kinakasama lamang.—Kung ang isang lalaki ay nagkaanak sa asawa at gayon din sa isang babaeng laya na hindi asawa ay hindi nagmamana ng̃ magkakasingdami ang mg̃a anák, kungdi ang dalawang ikatlong bahagi ng̃ tinatangkilik ng̃ amá ay iniuukol sa mg̃a anák sa tunay na asawa at ang ikatlong bahagi ay sa mg̃a anák sa babaeng laya na kinakasama lamang at di tunay na asawa.

Mg̃a anák sa di asawa.—Kung ang sino man ay walang anák sa tunay na asawa, kungdi sa babaeng kinasama lamang ay nang̃agmamanang lahat ang mg̃a anák at kung sakaling may anák sa alipin ay pinagkakalooban lamang ng̃ ayon sa nabangit sa dakong una.

Kung walang kaanák-anák liban sa alipin lamang ay walang nagmamana, kungdi ang magulang ó nuno ó mg̃a kapatid ó mg̃a kamag-anak na malapit ng̃ namatay at ang ipinagkakaloob lamang sa mg̃a anák sa alipin ay ang gaya rin ng̃ nabangit na.

Mg̃a anák sa kaag̃ulo.—Ang mg̃a anák sa kaaagulo ay hindi nagmamana ng̃ ano man at inaari pang masamang uri.[8]

Sa Inaring Anak.—ang pag-aring anak sa iba ay totoong kaugalian at sa pagmamanahan ay nagmamana ng̃ ibayong halaga ayon sa ibinigay ng̃ ama ng̃ siya'y ipaaring anak: ano pa't kung ipinagbigay siya ng̃ isang putol na ginto ay magmamana siya ng̃ dalawang putol sa pagmamanahan.


Sa Bigay-kaya.

Ang nanunungkol ng̃ bigay-kaya ay ang lalaki at ito'y ayon sa kasunduan. Ang kasunduang ito ay karaniwang pinagkakayarian ng̃ mg̃a magulang mula sa pagkabata ng̃ mg̃a anak, at kung gayon ay katungkulan ng̃ mg̃a magulang ng̃ lalaki na ipagpauna ang kalahati ng̃ bigay-kaya na pinang̃ang̃anlang kalabgayan at pagdating ng̃ araw ng̃ pag-aasawa ay saka ibinibigay ang kalahating kabuoan na pinang̃ang̃anlan bigay ó dahik.

Ang bigay-kaya ay napapa sa magulang ng̃ babae. At ang babae sa kanilang pagkadalaga ay walang ano mang tinatangkilik at kahi ma't kumikita ay sa magulang din.

Ang kasunduang mulâ sa pagkabata at may páunang kalabgayan ay kinasasanghian kung minsan ng̃ ligalig, dahil sa kung lumaki ang mg̃a bata at umayaw ang sino man sa kanila ay inuusap ang magulang ng̃ umayaw dahil sa sapantahang siyang nag-udyok. Ng̃uni't kung patay na ang magulang ng̃ sino man ay nagsasaulian na lamang at hindî na nag-uusapin.

Kung ang sino man ay magsabi na ibig niyang mag-asawa, kay gayon at sa kaarawan ay umayaw ay pinarurusahan ng̃ mahigpit at kung mayaman ay sinasamsaman ng̃ malaking bahagi ng̃ yaman.


Sa Pakikiagulo

Ang salang makiagulo, palibhasa't sigalot sa sambahayan ay karaniwang sa matatanda isinasakdal, at ang karaniwang parusa na inihahatol naman ng̃ matandá ay pagbayarin ang nakiagulong lalaki ng̃ isang gayong halaga[9] sa asawa ng̃ babae na pinakapantakip sa nasirang dangal. At sa minsang nabayaran ay nagsasama uling tiwasay ang mag-asawa at nililimot na ang bagay na yaon, at pati anak ay hindi inaaring anak sa pakikiagulò.

Datapua't ang asawa ng̃ isang pang̃ulo na magkasala ng̃ pakikiagulo ay nilalapatan ng̃ parusang kamatayan, at ang lalaking umagulo ay pinapatay kung mahuli ó kung nakataanan ay pinapagbayad ng̃ isang gayong halaga.


Sa Paghihiwalay ng̃ mag-asawa.

Sa mg̃a ganitong sigalot ay matatanda ang humahatol na kasama ng̃ mg̃a kamag-anakan[10] ng̃ magasawang naghihiwalay.

Kung ang mag-asawa ay naghihiwalay ay hinahati ang kanilang kinita sa kanilang pagsasama, ng̃uni't ang dating pag-aari bago nagsama ay hindi hinahati, kungdi dinadala ng̃ isa't isa ang kanyang dati.

Kung ang babae ang humihiwalay sa asawa upang mag-asawa sa iba ay kailang̃ang isauli ang bigay-kaya at dagdagan ng̃ isang gayon, na ang magsasauli nang nabangit na bigay-kaya ay ang magiging bagong asawa. Ng̃uni't kung humihiwalay lamang at hindi upang mag-asawa sa iba ay ang bigay-kaya lamang ang isinasauli.

Kung ang lalaki ang humiwalay, maging sa pag-aasawa sa iba ó hindi man at hindi kalooban ng̃ babae ay walang matuid ang lalaki na bumawi ng̃ bigay-kayang ibinigay niya ayon sa salaysay ni P. Colin; ng̃uni't ani P. Placencia ay isinasauli ang kalahati ng̃ bigay-kaya.

Kung ang mag-asawang naghihiwalay ay may anak ay napapa sa anák ang bigay-kaya at ang nag-iing̃at nito ay ang mg̃a nuno kung buhay pa ó kung dili ay isang taong mapagkakatiwalaan. Ng̃uni't ani P. Aduarte ayon sa salaysay ni Rizal ay hindi na naghihiwalay ang magasawa kung may anak dahil sa paglingap sa anák.


Iba't ibang kapaslang̃an.

Ang sumira ng̃ puri ng̃ isang anák na dalaga ó asawa ng̃ isang maginoo ay nilalapatan ng̃ parusang kamatayan.

Ang mahuling mangaway ó mangkulang ay kamatayan din ang parusan inilalapat. Ng̃uni't kung huming̃i ng̃ tawad ay pagkaalipin na lamang at kung may salapi ay maaaring magbayad ng̃ isang gayon at huag maalipin, at kung gayon ay ibinibigay ang kalahati ng̃ salapi sa ginawan ng̃ masama at kalahati ay sa mg̃a hukom.

Ang panunung̃ayaw ay inaaring malaking sala lalonglalo na kung sa mayaman, sa matanda ó sa babae, at pinarurusahan ng̃ isang gayong halaga ó kung dili ay pagkaalipin. At kung ang tinung̃ayaw ay pang̃ulo ó maginoo ay kamatayan ang parusang inilalapat, malibang patawarin na kung gayon ay pagkaalipin na lamang.

Ang tuming̃in ng̃ walang galang sa pang̃ulo at ibp. na gaya nito ay nilalapatan ng̃ parusang pagkaalipin sa tanang buhay, ng̃uni't di umano'y bihirang mangyari ito, dahil sa pinakakaing̃atang malabis ng̃ mg̃a kampon.

Kung sa gabi ay pumasok ang sino man sa bahay ng̃ isang pang̃ulo ó maginoo ng̃ walang kapahintulutan ay nilalapatan ng̃ parusang kamatayan, at karaniwa'y pinahihirapan muna, dahil sa baka sakaling ginagamit na tik-tik ng̃ ibang pang̃ulo; at kung sakaling matunayan na sugong tik-tik ay nilalapatan ng̃ parusang pagkaalipin at sa nagsugo ay kamatayan, malibang magbayad ng̃ isang gayong timbang na ginto.

Ang di lubhang malaking pagkakaalitan ó pagmumungkahian sa isang nayon ay matatanda na lamang ang pinagsasakdalan ng̃ nagkaalit at siyang humahatol ayon sa patotoo ng̃ mg̃a saksi at alinsunod sa minanang kaugalian sa kanilang mg̃a kanunuan[11], ang hatol naman ng̃ matatandang ito ay lubhang pinakagagalang at ginaganap nila.


Pag-uutang̃an.

Ang karaniwang palakad sa pag-uutang̃an ay patubuan, kung ang may utang ay may tinatankilik na sasanlain ay inilalagak na sanla sa pinagkakautang̃an ang kaláhati sampu ng̃ pakinabang noon hangang hindi nakababayad ng̃ utang. Kung walang ano mang tinatangkilik at sa katampatang panahon ay di makabayad ay nagiging alipin, at karaniwa'y sa tanang buhay dahil sa lakad ng̃ tubo.


Pagbabayad ng̃ Paratang.

Ang karaniwang kahatulan sa mg̃a usapin ay pagbayarin. Ang pagbabayad ay ganito; na ang kalahati ng̃ bukid at ng̃ tanang tinatangkilik ay napapa sa pang̃inoon, na tuloy paglilingkuran niya samantalang siya at ang kanyang mg̃a anak ay pakain at padamit. Kung sakaling hindi makabayad sa kaukulang panahon ay nang̃agiging alipin; at di umano'y kung sakaling makabayad man ang amá ay sinising̃il ng̃ pang̃inoon pati ng̃ ipinakain at ipinadamit sa mg̃a anák at kung walang maibayad ay nagiging alipin ang mg̃a anák.

Kung ang nagkausaping nahatulang magbayad ay walang ibayad at ipagbayad ng̃ isang kaibigan ay sa kaibigan nagbayad maglilingkod, datapua't hindi parang aliping sagigilir, kungdi parang aliping namamahay. Ng̃uni't kung hindi maglingkod ng̃ ganito ay ipalalagay sa kanyang patubuan.


Pagcaalipin.

Ang sino mang mabihag sa balang̃ay na kaalit ay inaalipin.

Ang may utang na walang ikabayad ay inaalipin at di umano'y sa mg̃a ganitong bagay ay anák ang karaniwang napapasanla na tumutubos sa magulang.

Inaalipin din ang lumabag sa isang pang̃ulo ó maginoo na gaya halimbawa ng̃ magdaan sa silong ó bukiran nila, ó makasira ng̃ ano mang pag-aari nila, ó makatapon kaya ng̃ ano mang dumi kung nagdaraan sila ó magkasala ng̃ ano man sa mg̃a kabahay ng̃ pang̃ulo, at iba pa.

Ang mg̃a anak ng̃ talagang alipin na ay alipin din.

Ang mg̃a anák ng̃ amáng laya at ng̃ inang alipin ay nagiging alipin ang ikalawa, ikapat, ikaanim at ibp, at kung may labis na isa ay magiging gaya ng̃ sa bugtong na anák.


Mg̃a di lubos na alipin.

Ang bugtong na anák ng̃ isang magulang na alipin at isa'y laya ay kalahatí lamang ang pagkaalipin. Ang ganitong alipin ay naglilingkod ng̃ salisihang buan sa makatuid baga'y isang buang ipinaglilingkod ang bahagi niyang laya.[12]


Katungkulang ng̃ alipin.

Ang aliping namamahay ay nakapagbabahay ng̃ sarili, ng̃uni't kailang̃ang maglingkod sa kanyang pang̃inoon sa panahon ng̃ paghahasik at pag-aani sa bukiran, gumaod sa sasakyan kung may paroroonan, tumulong sa pagtatayo ng̃ bahay at maglingkod sa bahay niya kung may panauhin.

Ang aliping sagigilir ay hindi nakabubukod ng̃ bahay at may katungkulang gumawa ng̃ ano mang ipagawa sa kanya ng̃ pang̃inoon sa tanáng buhay niya.

Ang kakalahati ang pagkaalipin ay naglilingkod ng̃ salisihang buan. At sa buang ikinalalaya ay maaaring ipaghanap niya ng̃ sa ganang kanyang sarili ó kung sa pang̃inoon din niya ay may matuid na maipakabig sa kanyang utang ang dapat niyang kitain sa panahon ng̃ kanyang kalayaan na ipinaglilingkod niya. At ang halaga ay isinasan-ayon naman sa kanyang pagkaalipin kung namamahay ó kung sagigilir.

Ang tatlong ikapat na bahagi ang pagkaalipin ay tatlong araw na naglilingkod sa pang̃inoon at isa'y sa kanyang sarili. Ang asawa nito ay naglilingkod din sa kanyang pang̃inoon ng̃ kapara niya.

Ang ikapat na bahagi lamang ang pagkaalipin ay naglilingkod na isang araw sa pang̃inoon at tatlo'y sa kanyang sarili.

Ang aliping námana ng̃ dalawa, tatlo ó limang magkakapatid ay naglilingkod sa bawa't isa sa kanila ng̃ ayon sa panahong pinagkasunduan nila na ipaglilingkod sa bawa't isa sa kanila. At kung sakaling hindi lubos ang pagkaalipin ay pagbabayaran ang kanyang paglilingkod sa panahon ng̃ kanyang kalayaan at ayon sa kanyang pagkaalipin.


Pagcalayà ng̃ alipin.

Ang mg̃a aliping sagigilir at namamahay ay nakaaalis sa pagkaalipin kung nagbabayad sa pang̃inoon ng̃ katampatang halagá.

Ang halaga ng̃ salaping dapat ibayad ng̃ aliping sagigilir upáng maging aliping namamahay ay limang putol na ginto ó higit pa, at saká ang kalahati ng̃ boong hiyas at pag-aaring tinatangkilik, at kung sakaling may lumabis na isang paliyok ó bang̃a sa paghahati ay binabasag, at kung kumot ay hinahapak sa gitna; at upáng lubos na mawala sa pagkaalipin at maging timawà ó maharlika ay kailang̃ang magbayad ng̃ sampung putol na ginto ó higit pa.

Ang paraan ng̃ pagbabayad ay nag-aanyaya ng̃ mg̃a tao ang alipin at sa harap ng̃ pang̃inoon at ng̃ mg̃a kaibigan ay ginagawa ang pagbabayaran at iba pang kailang̃an.

Di umano'y karaniwan ding ugali ng̃ mg̃a Tagalog na sa oras ng̃ kamatayan ay pinapagiging laya ng̃ pang̃inoon ang mg̃a anák ng̃ mg̃a alipin na ipinang̃anak sa kanyang bahay.

At gayon din na kung ang sino mang laya ay magkaanak sa kanyang aliping babae ay pinapagiging laya ang anák sampu ng̃ alipin, na dili iba't siyang inugali ni Abraham kay Agar at kay Ismael.

[5]

Aní Rizal ay siyang lalong mabuti, dahil sa siyang nakapagpapayapa sa mg̃a tao, sapagkat, anya'y may higit na tibay ang ugali kay sa isang kautusang nasusulat ó nalilimbag, lubha pa't itong kautusang nasusulat ay naipananaksil ng̃ mg̃a may kapangyarihan. Ang katibayan, anya ng̃ isang kautusan ay wala sa pagkakalimbag sa isang dahon ng̃ papel, kung di na sa pagkalimbag sa ulo ng̃ magsisiganap, malaman mula sa pagkabata, maayon sa kaugalian at lalong lalo ng̃ kailang̃an na mátatag ng̃ walang pagkabago. Ang Tagarito ng̃á, anyá, mula sa pagkabata ay nakatátanto ng̃ kanilang mg̃a alamat namumuhay at lumalaki sa pang̃anorin ng̃ kanilang mg̃a kaugalian, at hindi gaya ng̃ayon na nagtatatag ng̃ mg̃a kautusan sa bayan na di man lamang nalalaman ó nauunawa at madalas pang binabago.

[6]

Ng̃uni't ani P. Placenecia ayon sa salaysay ni Dr. T. H. Pardo de Tavera, kung may hilig sa kanino man ang pang̃ulo ay pumipili sa ibang balang̃ay ng̃ mailalagay na pinakahukom at di umano'y may mg̃a kilalang gayong tao na humahatol ng̃ walan hilig.

[7]

Aní Rizal, ay napagkikilalang may malabis na kasunduan kay sa digmaan dito sa pagkakaayon-ayon ng̃ mg̃a tuntunin, at di malayó anyang, may isang malaking pagkakasunduan dito; sapagka't ang pinakapang̃ulo rito sa Maynilà, ay pinakapunong-hukbo ng̃ Sultan sa Borneo. Anya'y may mg̃a kasulatan noong siglo XII na nagpapatotoo nito.

[8]

Ang ganitong asal sa sarisaring anak, ani Rizal, na ang mg̃a anak sa tunay na asawa ay nagsisipagmana ng̃ magkakasindami; ang mg̃a anak sa babaeng kinasama ay nagmamana ng̃ isang gayon; ang mg̃a anak sa alipin ay hindi pinamamanahan ng̃ ano man, ng̃uni't pinapagiging laya sampu ng̃ kanilang Ina; at ang anak sa kaagulo ay inaaring masamang uri ay nagpapakilala ng̃ taos na katalinuan at bait ng̃ mg̃a dating Tagarito.

[9]

Ang dating ugaling ito ng̃ mg̃a Tagarito, ani Rizal, ay inuugali ng̃ayon ng̃ maraming lupain sa Europa, at anya'y wari lalong mabuti't matuid kay sa awáyin ang umagulo na ang kadalasang nangyayari ay siya pang nalalagay sa katua.

[10]

Ani Rizal ay makapupong magaling kay sa kautusan ng̃ayon ng̃ mg̃a Frances at mg̃a Ingles, sapagka't anya'y wala nang iba pang magaling na humatol sa mg̃a sigalot ng̃ sambahayan na gaya ng̃ matatanda't mg̃a kamag-anakan nila na lubos nakatatalos ng̃ kanilang pamumuhay.

[11]

Ito'y minagaling ni Rizal, dahil anya, tao rin sa kanikanyang umpok ang humahatol at sapagka't halal kapua ng̃ nagkakasira ay sapat makabatid ng̃ usap ng̃ ugali at lubhang mabuti kay sa hukom (ng̃ayon) na humahatol ng̃ usap na di niya talos, at sa mg̃a taong ang kilos, pang̃ung̃ugali at wika ay gayon din. Dito ng̃a, ani Rizal, ay napagkikilala ang pagkaurong natin sa pagkakaroon natin ng̃ayon ng̃ lubhang maraming kautusan at pasiyang kung ano-ano, hangang sa kung minsan ay kailang̃ang magsakdal sa kataastaasang hukuman kung sakaling di nasiyahan sa hatol ng̃ hukom, at ang mg̃a usapin ay nagluluat ng̃ di ano lamang na inaabot tuloy ng̃ mg̃a anak, apo at pinagkakailang̃anang paggugulan ng̃ lubhang maraming salapi ng̃ naapi upang magtaglay ng̃ kaukulang hatol.

[12]

Dito, ani Rizal, ay napagkikilala na ginaganap ang lubos na kaugaliang matuid sa mg̃a pang̃anoring malayo-pilipino, dahil sa isinasa isa't isa ang kaukulang matuid.


Ikapitong Pangkat.

Wikà

Dito sa Pilipinas na gaya rin sa lahat ng̃ lupain ay may maraming wika, palibhasa't "ang bilang ng̃ pagkakapangkatpangkat, ng̃ wika sa isang lupain" anang isang manunulat, "ay naaayon sa pagkakahagdanghagdan ng̃ katalinuan ng̃ bayánbayán." Ng̃uni't halos lahat ng̃ wika rito, maliban sa wikang ita ay kagyat na wikang malayo, at ayon sa sapantaha ng̃ halos lahat ng̃ mananalaysay ay pawang suplíng ang lahat na ito sa isang matandang wika.

Ito'y lubos na mapaniniwalaan at may mg̃a aklat at pangyayaring nagpapatotoo nito. Halimbawa sa aklat ni Padre Concepcion ay may nasasaysay, na "noong unang pumarito ang mg̃a kastila ay nagsipagsama ng̃ isang tagapagpaaninaw (ó interprete) na malayo at nákaunawaan ng̃ mg̃a tagarito." Ayon kay Padre Colin naman ay "may isang taga Kapangpang̃an na nakarating sa Sumatra (isang lupaing malaya) at sumapit sa isang dako na kanyang kinaringan ng̃ kanyang sariling wika at siya'y nakisagot na parang siya'y ipinang̃anak sa dakong yaon, anopa't tuloy sinabi sa kanya ng̃ isang matanda na kayo'y mg̃a inapó ng̃ mg̃a nagsialis dito noong unang dako na nang̃amayan sa ibang lupain at di na namin nang̃abalitaan (basahin ang Pinangaling̃an ng̃ Lahing Pilipino). At ako noong taong 1902 na naglalakbay na patung̃o sa Melbourne ay nakipag-usap akong maminsanminsan sa mg̃a grumeteng malayo sa bapor at madalas na kami ay nagkakaunawaan sa kanilang wikang malayo at sa aking wikang tagalog na gaya rin ng̃ pagkakaunawaan ng̃ mg̃a portugés, kastila't italiano sa kanikanyang wika.

Datapua't sa mg̃a wikang pilipino ay ang tagalog at bisaya ang mg̃a pinakamalaganap. Ang dalawang ito ay masasabing magkapatid na wika sapagka't ang karamihan ng̃ salita ay magkapara at ang kaibahan ng̃ ibang mg̃a salita ay nasa dulo lamang, na pagkain sa tagalog ay un sa bisaya, gaya ng̃ sulatin ay sulatun, kanin ay kanun, patayin ay patayun. At sa dalawa pang ito ay ang wikang tagalog ang siyang lubhang kilala na ani Baron Willam von Humbold ay "siyang pinakamayaman at pinakadalisay sa lahat ng̃ wikang malayo polinesia", at ani P. Chirino naman ay "ang luhang nakalugod at nakahalina sa akin ay ang wikang tagalog. At siya ko ng̃ang sabi sa unang arzobispo at sa ibang matalinong tao na nálalaman sa wikang tagalog ang mg̃a kainaman ng̃ apat na pinakapang̃ulong wika, dito sa sandaigdigan na dili iba't ang hebreo, griego, latin at kastila: sa hebreo ay ang mg̃a kababalaghan at mg̃a malalalim na kahulugan; sa griego ay ang mg̃a artikulo at ang dali ng̃ pagbangit ng̃ ano mang ng̃alan, sa latin ay ang kayabung̃a't karikitan; at sa kastila ay ang pagkamagalang, pagkamapagpitagan at pagkamapagbigay-loob." Siyang totoó sapagka't ang wikang tagalog ay isang wikang naipagbabadya ng̃ tanang soloobin at damdaming sumasapuso't isip ng̃ tao. Nariyan ang ating mg̃a awit, dalit, salawikain; ang ating mg̃a padalahan, novena't dasalan; ang ating komedia, dupluhan, panawagan at bugtung̃an; ang ating kundiman at kumintang; ang ating mg̃a palabas-dulaan, mg̃a aklat, mang̃a pahayagan at iba't iba pang nagtatanghal ng̃ kayamanan ng̃ ting̃ig ng̃ wikang tagalog. Gayon din ang pagtula na sa wikang tagalog ay katutubo at lubhang mayamang gaya ng̃ wikang árabe, at malinaw nating namamalas sa mg̃a awit, salawikain at babasahin ang gawi't sadyang pananalitang tagalog na patula. Sa tulang tagalog ng̃a ay mapuno puno ng̃ayon ng̃ mg̃a korrido ó awit ang ating mg̃a tindahan ng̃ aklat. At sa tulang tagalog ay sumilang ang mg̃a bantog na sina Francisco Baltazar G, Pilapil, at ibp.

Datapua't ang wikang tagalog, baga man mayaman at sagana sa ting̃ig ay haluan din na gaya ng̃ inglés at iba't ibang wika, palibhasa't galing sa kamalayahan, saka nakapamayanan ng̃ mg̃a tagá iba't ibang lupa: ano pa ng̃a't sa wikang tagalog (sampú sa ibang mang̃a wika rito) ay may nahahalaw na mang̃a salitang árabe, gaya ng̃ utak, alak, paningkayad, lahi, taksil, libo, lasap, sipat, sulat, luhod, salamat, salawal, hukom, hiya, asawa at ibp; may mang̃a salita ring sanscrito, gaya ng̃ kastuli, halaga, kalapati, kuta, pana, sinta, kasubha, tinga, tumbaga, laksa, yuta at ani Dr. Pardo de Tavera ay lahat ng̃ salitang may kahulugang katalinuan, kabaitan, damdamin, pamahiin, pang̃alan ng̃ mg̃a dios, ng̃ mg̃a tala, ng̃ bilang na may kataasan, ng̃ mg̃a halaman, ng̃ digma sampu ng̃ mg̃a bagaybagay at hanga nito at katapustapusan ay ang mg̃a pang̃alan ng̃ mg̃a titik ng̃ kamahala't pagkamaginoo, ang pang̃alan ng̃ ibang mg̃a hayop, ng̃ mg̃a kasangkapang pangawa at ang pang̃alan ng̃ mg̃a salapi. Ano pa ng̃a't ayon dito'y ating mapagbubulay na doon pa sa Malaya ay hiniram na ng̃ mg̃a tagarito sa mg̃a taga India ang mg̃a salitang iyan at marahil ay noong panahong ang kapangyarihan ng̃ India ay lumalaganap sa kamalayahan na siyang pinagbuhatan ng̃ mg̃a tagarito.

Bukod sa mg̃a salitang hiram sa árabe at sa sanscrito ay may hiram rin sa mg̃a insik, gaya ng̃ susi, impo, chaa, pisaw, tinsem, sotanhon, mike, misua, pansit, bulang-lang, bihon, mangkok, suliaw, at ibang mg̃a salitang kalakal-insik.

Gayon din ang kastila, na sapagka't namuno ritong malaong panahon ay nakapaghalo rin ng̃ mg̃a salitang tungkol sa pananampalataya, sa karunung̃an, sa kasangkapan at sa pagkain at ibapa, gaya ng̃ Dios, Espiritu, Santo, Vírgen, manzanas, sapatos, kabayo, kumpisal, baso, misa, piso, tabako, parè, cura, pamalo, biguela, karwahe, tranvia, mantika, at iba pa.

Sa mg̃a lupaing malaya ay di natin masabing may hiram sapagka't ang mg̃a tagarito ay malaya rin, at ito'y malinaw nating natutunayan sa pagkakahawig ng̃ mg̃a salita sa mg̃a salita ng̃ lahat ng̃ wikang malaya,[13] gaya ng̃ mg̃a wika sa Java, Sasak, Makassar, Bugis, Bouton, Salayer, Tomere, Tomohon, Langowan, Ratahian, Belang, Tamawanko, Kema, Bantek, Menado, Bolang-Itam, Sanguir, Salibabo, Sula, Kaheli, Wayapo, Massaratty, Amblaw, Ternate, Tidore, Kaioa, Batchian, Gani, Sahoc, Galela, Liang, Morella, Batu-merah, Lariki, Saparua, Awaiya, Kamarian, Teluti, Ahtiago, Gah, Wahai, Goram, Matabello, Teor, Ke, Aru, Mysol, Dorey, Teto, Baikeno, Brissi, Sabu, Rotty Allor, Solor, Bajaw, at iba pa.

[13]

Basahin ang kay Alfred Russell Wallace na "The Malay Archipielago"


Ikawalong Pangkat.

Pagbasa't Pagsulat.

Tungkol dito sa pagbasa't pagsulat, ayon sa mg̃a mananalaysay, ay pawang marunong bumasa't sumulat ang mg̃a lalaki't babae rito.

Ang hitsura ng̃ sulat ay sulat-maláyo at di umano'y hang̃o sa sulat ng̃ mg̃a taga Arabia.

Ang sa tagalog ay may labing apat na konsonante na gaya ng̃ sa Árabe at ng̃ wikang pahlabi ng̃ mg̃a Persa noong Edad media; ang sa Pangasinan, Ilokano at Bisaya ay tiglalabing dalawa, at ang sa Kapangpang̃an ay lálabing isa; ng̃uni't ang paraa't ayos ay magkakaisa, gaya ng̃ makikita sa sumusunod:


Sa Tagalog.

Ang mg̃a bokal ay tatatlo lamang na gaya rin ng̃ sa árabe dahil sa ang e at i ay iisa at gayon din ang oat u.


a

e, i

o, u

Ang mg̃a konsonante ay labing apat at kasama na ng̃ bawa't isa ang bokal. Ang bokal namang kasama ay nakikilala ayon sa tudlít na gaya rin ng̃ sa mg̃a árabe. Pagca walang tudlit ay a ang tinig, hlb.


ba

ka

da

ga

ng̃a

ha

la

ma

na

pa

sa

wa

ya

ta

Pagca may tudlít sa itaas ay e ó i ang tiníg, hlb.


be ó bi

ke ó ki

de ó di

Pagca may tudlít sa ibaba ay o ó u ang tiníg, hlb,


bo ó bu

ko ó ku

do ó du

Kaya't cung ang isusulat ay bata ay, ; kung bató ay ; cung butó, ay ; kung bati ay at iba pa.

Ang ayos ng̃ lahat ay ganito rin.

Ang may tudlit sa itaas ay e ó ú ang tiníg at ang tudlit sa ibaba ay o ó u na gaya rin ng̃ sa Tagalog.

Sa Bulakan at Tundó. Ang sa Bulacan at Tundó ay may caonting caibahan sa Tagalog at itong sumusunod:

Mg̃a bokal:


a

e ó i

o ó u

Mg̃a konsonante:


ba

ka

da

ga

ha

la

ma

na

ng̃a

pa

sa

ta

wa

ya

Sa Kapangpangan.

Ito naman ang sa Kapangpang̃an.

Mg̃a bokal.


a

e ó i

o ó u

Mg̃a consonante.


ba

ka

da

ga

la

ma

na

ng̃a

pa

sa

ta

Sa Pangasinan.

Ang sa mg̃a taga Pangasinan ay ito naman. Mg̃a bokal:


a

e ó i

o ó u

Mg̃a konsonante:


ba

ka

da

ga

ha

la

ma

na

pa

sa

ta

wa

Ilokano.

Ang sumusunod naman ang sa Ilocano. Mg̃a bokal


a

e ó i

o ó u

Mg̃a konsonante:


ba

ka

da

ga

la

ma

na

ng̃

pa

sa

ta

ya

Sa Bisayà.

Ito naman ang sa Bisaya.

Mg̃a bokal.


a

e ó i

o ó u

Mg̃a konsonante.


ba

ka

da

ga

ha

la

ma

na

pa

sa

ta

ya

Ang ayos ng̃a ng̃ lahat ay parapara na ang may tudlít sa itaas ay e ó i ang tinig, at ang may tudlít sa ibaba ay o ó u.

Ito ang ayos ng̃ pagsulat ng̃ mg̃a tagarito at sa ganito'y nagcacaunawaan at agad nailalakip ng̃ bumabasa ang letrang kulang at di umano'y nilalakipan din ng̃ mg̃a tanda na gaya halimbawa ng̃ || na aní Mass ay inaaring m, n, t at ibp.; ano pa't gaya rin ng̃ wicang pahlabi ó pehlebi ng̃ mg̃a persa noon Edad media.

Ang paraan naman ng̃ pagsulat ng̃ tagarito ay minumulan sa itaas na paibaba at pinasisimulan ang hanay sa dacong kaliwa at niwawakasan sa dacong kanan, na kaiba sa mg̃a insik at mg̃a hapón na minumulan sa kanan at niwawakasan sa caliwa.[14]

Ang karaniwang sulatán ay kawayan ó mg̃a dahon ng̃ halaman na siya ring inugali ng̃ mg̃a taga ibang lupain ng̃ di pa natutuclasan ang paggawa ng̃ papel at ang panulat na ginagamit ay matulis na bakal ó patpat at di umano'y tinatawag na sipol. Ang mg̃a susulatín naman ay ang canilang mg̃a tula at awit na siya nilang gawî ó kung dili ay ginagamit sa pagtatala ng̃ bilang ng̃ canilang mg̃a hayop at mg̃a kalakal at gayon din sa pagsulat ng̃ liham.

Ang paraang ito ng̃ pagsulat ng̃ mg̃a tagarito ay agad napawì ng̃ masacop na ng̃ mg̃a castila, at noong taong 1705, ani Padre Totanes, ay totoó ng̃ mahirap macasumpong ng̃ tagaritong nacasusulat ng̃ gayon; ng̃uni't ani Dr. Borrows ay gumagamit pa hangang ng̃ayon ang mg̃a Tagbanua sa Paragua ng̃ gayong pagsulat.