|
"ANG TIBAY" Sinelasan nina Teodoro at Katindig, kung masira namay paraang mabuo'y ibalik at gagawin ng̃ walang bayad. Tignang mabuti ang tatak ng̃ huwag malinlang ng̃ mg̃a manghuhuwad. Ave Rizal blg. 2261 Tel.5536 at Sucursal Azcarraga blg. 628 at 630 Tel. 8369. Maynila. |
|
Francisco Astudillo DENTISTA Bumubunot ng̃ ng̃iping walang sakit, nagtatanim ng̃ ng̃iping garing at ginto. Nagpapasta. S. Fernando 1101-13 Binundok. |
|
Balak ó hulâ sa panahon. Pangkaraniwang ulan sa iba't ibang pook ng̃ Pilipinas. Mahang̃in |
DISYEMBRE.—19201Mier. Ss. Natalia bao, Eloy at Eligio mg̃a ob. kp. 2Hueb. Ss. Bibiana bg. at mr. Pedro Crisólogo ob. at dr. at Ponciano mr. 3Bier Ss. Francisco Javier at Casiano mg̃a mr. Sa Pagliit Sa Dalaga 12.29.0 Gabi 4Sab. Ss. Bárbara bg. at mr. Melecio at Odmundo ob. at mg̃a kp. 5Linggo. Ikalawa ng̃ Adbiyento ó Pagdating Ss. Sabas abad Dalmacio ob. at Crispina mg̃a mr. 6Lun. Pa. Nicolás de Bari ob. kp., Apolinar sdk. mr. Dionisia, Dativa at Leoncia mg̃a mr. 7Mar. Ss. Ambrosio at Agatón mr. 8Mier. (cross) Ang kalinisang-paglilibí ni G. Sta. María "Concepcion" (Pintakasi sa Naik, Pasig, Malulos, Batang̃an, Balayang, Guagua, Los Baños, Boak, Bawang, Mandaluyong, Atimonan, Malabon, Sta. Cruz, Silang̃an at sa Antipulo) Ss Eutiquiano p.m. at Sofronio ob. 9Hueb. Ss. Leocadia mr. at Gorgonia mg̃a bg. 10Bier. Ntra. Sra. sa Loreto (Pintakasi sa Sampalok) Ss. Melquiades papa mr., Eulalia at Julia mg̃a bg. at mr. Nang gawin ang pagkakayari sa París na ang Pilipinas ay ipagkakaloób sa Estados Unidos 1898. Bagong Buan sa Kámbing 6.3.9 Gabi 11Sáb. Ss. Dámaso papa kp. at Eutiquio mr. 12Linggo. Ikatlo ng̃ Adbiyento ó Pagdating. Ntra. Sra. de Guadalupe (Pintakasi sa Pagsanjan) at Ss. Epimaco, Hermógenes at Donato mg̃a mr. 13Lun. Ss. Orestes, mr. Lucia mr. (Pintakasi sa Sexmoan, Kapampang̃an) at Otilia bg. 14Mar. Ss. Espiridión ob. Arsenio, Isidoro, Dioscoro at Eutropia bg. at mg̃a mr. Paghahamók ng̃ mg̃a kastilâ't olandés dito sa Maynila 1690 15Mier. Ss. Valeriano ob. at Irineo mg̃a mr. Pag-aalsa ng Kailokohan, Pangasinan at Kapampang̃an 1658 |
|
AGRIMENSOR na may kapahintulutan ng̃ Gobierno. Sumusukat at namamahala ng̃ pagpapatitulo ng̃ mg̃a lupa sa halagang mura. Sulatan siya o pagsadyain sa daang Sande blg. 1450, Tundó Maynila bago pasukat sa iba. |
|
Naghihirap kayo sa pagbasa? Lumalabo ba ang inyong mata? Ipatanong ang lunas kay J.C Yuseco, Optometra sa MABINI OPTICAL CO. sa Escolta 162 Maynila. Walang bayad ang pagsangguni. |
|
Ang tabako at sigarrilyong GERMINAL ay siyang dapat hititin ng̃ Bayan pagka't siya ang laging umaabuloy sa kanyang mg̃a kapansanan. Kaya't siyang hanapin sa mg̃a tindahan. |
|
TORIBIO TEODORO AT KASAMA. Nagbibili ng̃ bato, ladrilyo, semento, at buhang̃in na kailang̃an sa pagpapagawa ng̃ bahay na bato at iba pa. Mababa ang halaga kay sa iba. Subukin. Daang Ave. Rizal blg̃ 2261. Telefono 5536. |
|
Pang̃ung̃ulim Aliwalas na Panahon |
|
16Hueb. Ss. Eusebio ob. Adelaida at Albina bg. mg̃a mr. Mulâ ng̃ayon may Misa de Aguinaldo. 17Bier. Ss. Lázaro ob. at Olimpia bao. 18Sáb. Ang pag-aantabay ni G. Sta. María sa Mananakop. Ss. Graciano ob at Judit balo. Sa Paglaki sa Isda 10.40.4 Gabi 19Linggo. Ikapat ng̃ Adbiyento. Ss. Nemesio mr. at Fausta bao. 20Lun. Ss. Domingo sa Silos abad kp. at Liberato mr. 21Mar. Ss. Tomás ap. Glicerio presb. at Temistocles mg̃a mr. 22Mier. Ss. Flaviano at Cenón mg̃a mr. ANG ARAW TATAHAK SA TAKDA NI KAMBING 11.17 NG ARAW TIGINAW Ang ipang̃anak mulâ sa araw na ito hanggang ika 21 ng̃ Inero, kung lalaki'y maliksi, masipag, maghihirap sa kaikaibigan, maramot, sa paliligô ang ikapagkakasakit. At kung babai'y matatakutin, matapatin sa asawa at masipag. 23Hueb. Ss. Victoria bg at Gelasio mg̃a mr. 24Bier. Bihilya at Ayuno, Ss. Gregorio presb. mr. Delfía ob. at Tárcila bg. 25Sáb. Paskó ng̃ Pang̃ang̃anak sa ating Poóng Mananakop at Ss. Reinaldo ars., Eugenia bg. at Anastasia mg̃a mr. Kabilugan sa Magkákambal 8.38.5 Gabi 26Linggo. Ss. Esteban unang mr. at Dionisio at Zósimo mg̃a papa. 27Lun. Ss. Juan apostol at eban. [Pintakasi sa Infanta, Tanawan at Dagupan] Máxímo ob. kp. 28Mar. Ang mg̃a maluwalhating sanggol na pinapugutan ng̃ Haring si Herodes at ang mg̃a Ss. Troadio at Teófila bg. at mg̃a mr. 29Mier. Ss. Tomás Canturiense ob. mr. Calixto at Honorato mg̃a mr. at ang banál na harî at manghuhulang si S. David. 30Hueb. (*) Ang pagkalipat ni S. Santiago ap. [Pintakasi sa Kingwa at Paombong, Bul.] Ss. Sabino ob. Honorio at Anisia mg̃a mr. Nang kitlán ng̃ hining̃á si Dr. José Protasio Rizal, ng̃ mg̃a lilong kaaway niyá, 1896. 31Bier. Ss. Silvestre papa, Sabiniano ob, Potenciano, Donata, Hilaria at Paulina mg̃a mr. |
|
LIBRERIA ni P. Sayo balo ni Soriano. Makabibili rito ng̃ ano mang aklat sa tagalog, ingles at kastila, mg̃a kagamitan sa pagsulat, ibp., sa halagang mura. Rosario blg̃. 225 Binundok. |
|
ANG BATAS ó LEY MUNICIPAL sa CODIGO ADMINISTRATIVO ni Honorio Lopez. P1.30 ang halaga. Kung may Ley na Paghahalal ay P1.70. |
Ang Pagbabago sa Kalendaryo
GAGAWING 13 BUWAN.
Kung ang panukalang batás na isinaalangalang sa kapangyarihan ng̃ Kongreso ng̃ Estados Unidos ay pagtibain, sa unang araw ng̃ Inero ng̃ 1922, ay makakikita tayo ng̃ isang bagong Kalendaryo na bumibilang ng̃ labing tatlong buwan na para parang nagsisimula sa araw ng̃ lunes ang mg̃a unang araw ng̃ buan at sing isa naman ng̃ bilang na tig 28 araw.
Sa panukalang ito at kabilang̃ang ganap ng̃ araw sa boong isang taon, ay lumalabis ng̃ isang araw, at ito, sa halip na idagdag pa sa kabilang̃an ng̃ alin man sa labing tatlong buwan ay inilaang gawin sa pagdiriwang ng̃ piata ng̃ BAGONG TAON.
Sa tuwî namang apat na taon, ay nagkakaroon ng̃ isang araw na labis, at ito'y idaragdag ding parang pinakabisyesto. Sa karaniwan, ay idinagdagdag sa Pebrero; ng̃uni't sa bagong panukala, ay idaragdag sa pagitan ng̃ ika 28 ng̃ Disyembre at sa araw ng̃ Bagong Taon, at ito'y tatawaging ARAW NG PAGTUTUMPAK.
Sa bagong pagayos ng̃ Kalendaryong ito ay di magkakaroon ang alin mang buwan ng̃ limáng araw ng̃ Linggo. Ang lahat naman ng̃ pista ay tatamang lahat sa araw ng̃ Huebes, gaya ng̃ Pista ng̃ Pagsasarili sa ika 4 ng̃ Hulyo; Araw ng̃ Pagtatagumpay sa ika 11 ng̃ Nobyembre; Araw ng̃ Pagpapasalamat at Pasko ng̃ Kapang̃anakan sa Mananakop.
Ang ikalabing tatlong buwan namang mararagdag ay ilalagay sa pagitan ng̃ Inero at Pebrero, at ito'y tatawaging BUWAN NG KALAYAAN.
Kung ang bagong pagaayos sa Kalendariong ito na tatawaging Kalayaan, ay patitibayan ng̃ Batasang Amerikano, ang pagdidiwang natin sa ARAW NI RIZAL, ay tatama sa pangkaraniwang taon, sa ika unang araw ng̃ Inero, at sa tuwing ikapat na taon, ay tatama naman sa pista ng̃ Bagong Taon.
Sang-ayon sa mg̃a pagkukuro ng̃ mg̃a nagbalak sa Kalendariyong ito na iyan:...... ang mg̃a litaw na mang̃ang̃alakal at mg̃a bansag na tao sa Minneapolis; sa Kalendaryong ito, ay magiging maginghawa ang pagtutuos sa pang̃ang̃alakal; magiging maayos ang pagtatakda sa mg̃a patubo ng̃ salapì at gayon dín sa mg̃a pagbabayad sa mg̃a kawanì at manggagawa, pagka't walang nakahihigit na sino man.
Ating hintain kung ano ang sasabihin ng̃ Kongreso ng̃ Estados Unidos sa kabalakang ito.
Ang Bagong Pamahalaan sa Pilipinas.
¿Anong kiyas ó hugis ng̃ Pamâhalaan mayroon tayo ng̃ayon dito sa Pilipinas? Ang pamahalaang tatág ng̃ayon dito sa Pilipinas, ay may hugis republikano na nababatay sa mg̃a simulaing demokratiko na ang tunay na masusunod ay ang kalooban ng̃ bayan.
¿Alin ang kakulang̃an na lamang upang maging lubusang republikano ang pamahalaan natin sa ng̃ayon sang-ayon sa pagbabagong nangyari sunod sa batas ni Jones? Una: Ang magkaroon tayo ng̃ isang presidente at isang pang̃alawang presidente sa halip ng̃ Gubernador Heneral at Bise-Gubernador Heneral na siyang pinakakinatawan dito sa sangkapuluan ng̃ Estados Unidos. Ikalawa: Ang magkaroon ng̃ bansag na Republica ang ating pamahalaan, at Ikatlo: Ang mahalinhan ang watawat Amerikano ng̃ watawat pilipino.
¿Bakit sinabi ninyo na ang nasusunod sa pamamahala sa ating bayan ó ang kalooban ng̃ bayan lamang? Sapagka't ang gumagawa ng̃ mg̃a batas at mg̃a kautusang sinusunod natín na ipinatutupad sa atin ng̃ mg̃a tagapagpatupad: gaya ng̃ Gubernador Heneral, Alkalde sa Siyudad ng̃ Maynila, ng̃ mg̃a Gubernador sa lalawigan at ng̃ mg̃a presidente munisipal sa mg̃a bayan bayan, ay mg̃a gawâ ng̃ mg̃a senador, diputado at mg̃a konsehal na ating inihalal na ating pinagkatiwalaan ng̃ ating tiwala upang lumagdâ ng̃ mg̃a kautusan at batás na ikabubuti nating lahat na mamamayang pilipino at ng̃ Pamahalaan natin.
¿Sa makatwid ano mang hirap na ating danasin sa kabuhayan ay di dapat nating isisi kanino man, kundi sa ating mg̃a inihalal na iyan? Siyang totoo, sapagka't ang ikinabibigat at ikinagagaan ng̃ ating kabuhayang lahat, ay nasa sa kanilang kamay, pagka't ang kanilang mg̃a batas ó kautusang pinatibayan sa Batasan at sa mg̃a Sanggunian ay siyang sinusunod na ipinatutupad ng̃ mg̃a tagapagpatupad na nasabi ko na. Nariyan ang ikinatataas ng̃ mg̃a buwis ng̃ lupa, ikinataas ng̃ Rentas Internas, ikinataas ng̃ mg̃a bayad sa pahintulot o lisensiya munisipal. ang paglastay ng̃ salapi sa ibang bagay na di sa kagaling̃an ng̃ mg̃a namamayan, ang di pagpapagawa ng̃ mg̃a bangbang ng̃ tubig sa mg̃a bukirin ibp. na, ang lahat ng̃ iyan ay pawang sa pananagutan at kasalanan ng̃ ating mg̃a inihalal na diputado at mg̃a konsehal.
¿Tayo bang mamamayan ay di maaaring makialam sa paggawâ ng̃ mg̃a batas ó ley at mg̃a kautusan ó ordenanza ng̃ ating mg̃a inihalal na senador, diputado at konsehal? Makiyalam sa pakikipagtalo ó sa pagsasaalangalang sa Batasan ó Legislatura, sa Konseho Munisipal ay hindi mangyayari; ng̃uni't upang magutos ó magbigay liwanag sa ating mg̃a inihalal upang gawin ang gayo't ganitong batas ay maari, pagka't sila ang kumakatawan sa atin sa karurukan ng̃ Senado, Asamblea, Hunta Munisipal sa Siyudad ng̃ Maynila at mg̃a Konseho Munisipal ng̃ mg̃a bayan bayang maliliit.
¿Sa paggugol ng̃ mg̃a pinunong bayan sa mg̃a pananalapi, sakaling ilaan sa mg̃a walang wawang kapakanan ay maaari bang makatutol ang namamayan? Bakit hindi. Ng̃ matalos mo sa dalawang piso mong ibinayad sa sédula personal mo, sa ibinabayad mo sa amillaramiento, sa mg̃a lisensiya munisipal, sa kinikita ng̃ pamilihang bayan ibp., ay diyan kinukuha ang ginugugol sa pagpapaaral ng̃ ating mg̃a bata, ng̃ ginuguol sa mg̃a pagpapagawa ng̃ mg̃a lansang̃an ó daan at tulay, ng̃ mg̃a "kanal" ng̃ pagpapatubig; diyan kinukuha ang isinusueldo sa lahat ng̃ mg̃a kawani ng̃ pamahalaan, sa mg̃a hukom, konstabularya, pulisya at sa lahat na ng̃ punong bayang iyong inihalal at sampu pa ng̃ Gubernador Heneral at mg̃a inatasan niya ó ninombrahan. Kaya ikaw bayan, ay matuto kang magpahiwatig sa iyong mg̃a inihalal ó sa inyong diputado ó sa konsehal na lumabas sa inyong kapookan at ipagutos sa kanila sa pamamagitan ng̃ boong pitagan ang lahat ng̃ inaakalang ikabubuti ng̃ bayan.
¿Alin bagay ang dapat ipagutos sa isang diputado ó senador at alin naman ang dapat iyutos sa isang konsehal? Ang lahat ng̃ bagay na ikabubuti ng̃ boong bayang Pilipinas ó ng̃ lalawigan ninyo ay nauukol ipagutos sa inyong Diputado ó Senador, kaparis ng̃ paglalagay ng̃ mg̃a kanal ng̃ patubíg sa mg̃a bukirin ibp., ng̃uni't kung sa pagpapagawa ng̃ mg̃a lansang̃ang hindi probinsiyal katulad ng̃ mg̃a lansang̃ang maliit, paglalagay ng̃ ilaw, paglalagay ng̃ mg̃a padumihan, pagaayos ng̃ mg̃a pamilihan, ibp., ay dapat hing̃in sa konsehal ó sa presidente ng̃ munisipyo ng̃ bayan.
Nang lalo kang maliwanagan ay basahin nínyo ang BAGONG PAMAHALAAN SA PILIPINAS ni Honorio López at dito ninyo matatalastas ang lahat ng̃ kanilang tungkulin at dapat ninyong ipagutos at lalo na nang mg̃a dapat ninyong matalastas na kautusan ó mg̃a batas sa pakikipamayan at pamamahala sa bayan, Piso ang halaga ng̃ bawa't isa at P1.30 kung ipapadala sa nakakaibig sa taga malayung bayan.
Ito'y isang aklat na dapat mabasa ng̃ mg̃a bagong konsehal, presidente, pulis at lalo na ng̃ mg̃a mamamayang may mg̃a tanda, magsasaka at mang̃ang̃alakal. Naririto ang LEY NG DIBORSIO at ang REGLAMENTO SA SABUNGAN na dapat mabasa ng̃ mg̃a sentensiyador, tahor at mg̃a mananabong.
MGA MAGLULUKAD O MAGKOKOPRA
¿Ibig ninyong malamang madalî kung ilang piko ang timbang ng̃ inyong kalibkib, lukád ó kopra at malaman sa lalong madaling panahon ang kabayaran sa ano mang halagang aabutin na di na mang̃ang̃ailang̃an ng̃ maraming pagbilang kundi sa "sumar lamang?"—Bumili kayo ng̃ayon din ng̃ BAGONG REDUKSION ng̃ Kilos sa Pikos na may presyo na sinulat ni Felix A. Matriano na taga Tayabas. P0.80 ang halaga sa Libreria ni P. Sayo sa daang Rosario 225 at sa Imprenta ni Honorio Lopez, daang sande, 1450, Tundo, Maynila.
Sa lahat at lalo na sa mga may lupa
Kayong mg̃a may lupa na wala pang titulo Torrens ay dapat na magpasukat ng̃ inyong mg̃a lupa ng̃ huwag mang̃anib na mawala sa inyo ang matagal na panahong inyông inaari.
Ng̃ayon na ang pagsasaka sa Sangkapuluan sumulong sa dati, ay marami riyan ang nang̃ang̃amkam na ginagawa ang lahat ng̃ kaparaanan ng̃ mapasakanila ang pagaari ng̃ iba.
Marami na ang nawalan ng̃ kanilang lupa sanhi sa pagwawalang bahala, na ng̃ayon pawang naghihirap at nagsisiluha.
¿Kayo ba na di pa inaagawan ng̃ pagaari ibig ba ninyong matulad sa kanila? Marahil ay hindi. Kaya kayo ng̃ayon din ay kumilos at magpasukat ng̃ lupa sa makakatulong ninyo at makapagtatapat sa paghing̃i ng̃ katibayan.
Kung ibig ninyo kayo'y aking tutulung̃an, bibigyan ko kayó ng̃ abogadong di masasapakat ng̃ sino man at agrimensor na madaling yumari ng̃ plano at mg̃a murang suming̃il ng̃ "honorarios"; at, maaari pang bayaran pagkatitulo ng̃ lupa alinsunod sa pagkakasunduan.
Kung ibig naman ninyong magsanla ó magbili ng̃ inyong mg̃a lupa ay ibalita sa akin at ituturo ko sa inyo ang madaling kaparaanan.
Kung nakakaibig naman kayong bumili ng̃ mg̃a makina sa pagbibigas, panggiik, pangararo, paggawâ ng̃ hiyelo, panggawâ ng̃ limonada, makina ng̃ paglalagay ng̃ ilaw dagitao ó elektrika sa inyong munisipyo, pangkuha ng̃ mina, ibp, ay ipagtanong muna ninyo sa akin bago bumili sa iba at ituturò ko sa inyo ang pinakamabuti, mura at mauutang pa.
Hindi ako sumising̃il na ano mang paglilingkod ko ukol sa mg̃a bagay na nabanggit padalan lamang ako ng̃ isang selyong tig 2 sentimos sa pagsagot ko. Tang̃ing hang̃arin ko ang makatulong sa mg̃a kababayan.
HONORIO LOPEZ
Agrónomo
Sande 1450. Tundo, Maynila.
¡MATA!
¿Ibig ninyong kumita ng̃ kuarta, at hangga sa 10 piso isang araw, alinsunod sa inyong magagawang sipag? Ang Imprenta ni Honorio Lopez sa daang Sande, blg. 1450, Tundo, Maynila ay nang̃ang̃ailang̃an ng̃ mg̃a ahenteng may ipipiyansang̃ 50 piso, upang maglibot sa lalawigan at maghanap ng̃ magpapagawa ng̃ mg̃a tarhetang pamasko na may maiinam na hugis at magagara.
MAGBAGO TAYO NG LAKAD
HARI NG TAMBULI.
¡Matuwa tayo!
ANG BANDERA ó WATAWAT Ng PILIPINAS, sa tagobilin ng̃ Gubernador Harrison at sa kapasyahan ng̃ ley ó batas na pinatibayan ng̃ Batasang Pilipino, ay maaari na nating gamiting muli na iwagayway sa patangwa ó bintana ng̃ ating mg̃a tahanan, sa mg̃a araw ng̃ pista ng̃ bayan, baryo ó ng̃ bansa, katulad ng̃ pista ni Rizal, ibp.
Kung iyaagapay sa bandilang Amerikano kailang̃ang ito'y maging kasing laki ó lumaki pa ng̃ kaunti sa atin at mapasa kanan ng̃ Bandilang Pilipino.
Mg̃a kababayan: Huwag na ninyong ugaliin ang pagbabandila ng̃ mg̃a panyô, tapis o ng̃ ano mang kayo sa mg̃a pistang iniraraos natin, matang̃i sa Bandila natin at bandilang amerikano.
"Kahimanawari na sa muling pagsilang na iyan ng̃ ating watawat, sumunod na sumilay naman sa silang̃anan ng̃ ating pagasa ang pinagulapang Araw ng̃ maluwalhating Pagsasarili ng̃ ating pinakaiibig na Pilipinas". H.L.
BASAHIN NINYO ANG BAGONG
ABOGADO NG BAYAN
NG MASIGURO ANG PANÁLO
Bagong katatapos sa limbagan ang ikapat na pagkakalimbag ng̃ aklat na ito. Marami ang naragdag at nabagong kapasyahan. May mg̃a tala ng̃ HURISPRUDENSIYA ng̃ Corte Suprema na dapat mabasa ng̃ mg̃a nakikipagusap, may mg̃a manang hinahabol at mg̃a pagaaring lupang isinanla at walang katibayang matatag ng̃ masiguro nila ang panalo.
Ang labas ng̃ayong bagong ABOGADO NG BAYAN bukod sa mg̃a naparagdag na Kodigo Sibil, Penal at mg̃a Procedimiento ay may bagong naparagdag ukol sa karunung̃an ng̃ pagmamatwid at pakikipagusap.
Mabuting pag-aralan ng̃ lahat lalo na ng̃ mg̃a mararalita, mg̃a may lupa, mg̃a mang̃ang̃alakal, mg̃a nagpapatubo ng̃ salapi, mg̃a babaye ó dalaga ng̃ malaman nila ang paguusig sa mg̃a Hukuman ó ng̃ mg̃a dadaya sa kanila ó manguulol.
Dalawang piso ng̃ayon ang halaga sa lahat ng̃ libreria at maging sa lalawigan kung ibig na ipadala sa nang̃ang̃ailang̃an. Kaya ng̃ayon din sumulat kayo kay Honorio Lopez, sa daang Sande 1450, Maynila, magpadala sa kanya ng̃ P.2 papel.
"Ang Tibay"
(Sagisag na registrado sa Gobierno)
SINELASAN
NINA
TEODORO at KATINDIG
Sanhi sa nangyaring pag-aaklas ng̃ mg̃a maggagawa, ang sinelasang ito, ang kanyang katang̃ian at di pangkaraniwang pagpapagawa ng̃ marami, na napalathala sa mg̃a pahayagan at ipinadalang sulat sa mg̃a may ari nito na ganito ang sinabi:
Anang UNION DE CHINELEROS DE FILIPINAS: "Katang̃i tang̃i ang ginagawang napakahigpit na pagsisiyasat ng̃ mg̃a sinelas na nayayari sa araw araw na kung ibabatay natin sa ibang pagawaan ay halos kalahati lamang. Datapwa't kung kaya ginawa ito ng̃ mg̃a may ari ng̃ "ANG TIBAY" ay sa pagkakilala nilang yao'y katungkulang di mapapaalis nino man."
Ang sabi naman ni G. PEDRO ROXAS: "Ang sinelasang "ANG TIBAY" ay kinagigiliwan ng̃ kanyang mg̃a suki dahil sa pagkamaing̃at sa pagpapagawa."
Ang banggit ni G. LOPEZ K. SANTOS: "Inaasahan ko pong ang kasunduang iya'y lalabas ding napakatibay na gaya ng̃ mg̃a sinelas, kotso, at iba pang bagay na sa tindahang iya'y inyong ipinagagawa."
Sa pagkakapiit naman sa insik na Yu Chu na may tindahan sa Gandara blg., 257, ng̃ mg̃a pulis sekreta dahil sa pagbibili ng̃ mg̃a sinelas na may tatak na huwad sa "ANG TIBAY" ay nagsalita "ANG BANSA" ng̃ sumusunod na pagkukurô:
Talagang dito sa ibabaw ng̃ lupa, ang mg̃a magagaling na bagay at mabuti ang pagkakayari ay pinapasukan ng̃ "codicia" lalong lalo na sa pang̃ang̃alakal.
"Makukurong ang mg̃a kagagawang ito ay maituturing ng̃ pagkamagaling na uri ng̃ mg̃a sinelas na ginagawa sa sinelasang "ANG TIBAY".
Candido Lopez
Agrimensor Privado Autorizado por el
Buro de Terrenos.
Tumatanggap ng̃ mg̃a sukatin sa lalawigan. Mura kay sa iba. Ave. Rizal 2121, Sta. Cruz.