WeRead Powered by ReaderPub

About This Book

This almanac combines a Tagalog-language yearly calendar with liturgical feast days, lunar and astrological notes, and weather and agricultural guidance. It interleaves folk remedies, practical health and beauty tips, and instructions for rituals and psychic or devotional practices drawn from local and foreign sources. Short essays, layout notes, and purchase or subscription information sit alongside commercial advertisements and notices about the author’s other manuals. The overall mix aims to serve everyday needs of households and rural readers by offering survival, healing, moral guidance, and seasonal planning in a single popular reference.

Ang tabako at sigarrilyong GERMINAL ay siyang dapat hititin ng̃ Bayan pagka't siya ang laging umaabuloy sa kanyang mg̃a kapansanan. Kaya't siyang hanapin sa mg̃a tindahan.

KATUBUSAN: Gawaan ng̃ sigarillo at tabako. Samahang ganap ng̃ Pilipino. Daang Clavel at Barcelona San Nicolas, hanapin ninyo sa bawa't imbakan at tindahan ang kanyang mg̃a masasarap at nakawiwiling hititin tabako at sigarrillo.

panahon Mg̃a pagdidilim na may ulang kasunod

17 Linggo Ss. Lázaro ob at Olimpia bao.

18 Lun. Ang pag-aantabay ni G. Sta. María sa Mananakop. Ss. Graciano ob at Judit balo.

Bagong Buan sa Kambing 8.20.0 ng Gabi

19 Mar. Ss. Nemesio mr. at Fausta bao.

20 Mier. Ss. Domingo sa Silos abad kp. at Liberato mr.

21 Hueb. Ss. Tomás ap. Glicerio presb. at Temistocles mg̃a mr.

22 Bier. Ss Flaviano at Cenón mg̃a mr.

ANG ARAW TATAHAK SA TAKDA NI KAMBING 10.57 GABI TIGINAW

Ang ipang̃anak mulâ sa araw na ito hanggang ika 21 ng̃ Inero, kung lalaki'y maliksi, masipag, maghihirap sa kaikaibigan, maramot, sa paliligô ang ikapagkakasakit. At kung babai'y matatakutin, matapatin sa asawa at masipag.

23 Sáb. Ss. Victoria bg at Gelasio mg̃a mr.

24 Linggo Ss. Gregorio presb. mr. Delfín ob. at Tárcila bg.

25 Lun. (krus) Paskó ng̃ Pang̃ang̃anak sa ating Poóng Mananakop at Ss. Reinaldo ars., Eugenia bg. at Anastasia mg̃a mr.

26 Mar. Ss. Esteban unang mr. at Dionisio at Zósimo mg̃a papa.

Sa Paglaki sa Tupa 1.53.1 Gabi

27 Mier. Ss. Juan apóstol at eban. [Pintakasi sa Infanta, Tanawan at Dagupan] Máximo ob. kp.

28 Hueb. Ang mg̃a maluwalhating sanggol na pinapugutan ng̃ Haring si Herodes at ang mg̃a Ss. Troadio at Teófila bg. at mg̃a mr.

29 Bier. Ss. Tomás Canturiense ob. mr. Calixto at Honorato mg̃a mr. at ang banál na hari at manghuhulâng si S. David.

30 Sab. (*) Ang pagkalipat ni S. Santiago ap. [Pintakasi sa Kingwa at Paombong, Bul.] Ss. Sabino ob. Honorio at Anisia mg̃a mr.

Nang kitlán ng̃ hining̃a si Dr. José Protasio Rizal, ng̃ mg̃a lilong kaaway niyá, 1896.

31 Linggo Ss. Silvestre papa, Sabiniano ob. Potenciano, Donata, Hilaria at Paulina mg̃a mr.

Tumatanggap ng̃ mg̃a usaping lalong maseselan, daang Moriones 102. Tundo.

ANG BATAS ó LEY MUNICIPAL sa CODIGO ADMINISTRATIVO ni Honorio Lopez. Ipinagbibili sa lahat ng̃ Libreria sa Maynila sa halagang Dalawang piso.


Sa Kababayang Manghahalal

Sa ika 6, martes, ng̃ buan ng̃ Hunyo ng̃ taong ito ay manunuparan na naman tayo ng̃ isang karapatang hindi gawa ng̃ isa ó ilang katao, kundi nating lahat at lahat ng̃ ating yumaong bayani sa nagdaang himagsikan, at kaunaunahan ang ating si Gat Dr Rizal.

Kung minamahal natin ang ating sarili, ang ating bayan at ang ating mg̃a bayani ay huag natin gamitin ang karapatan iyan ng̃ paghahalal sa paraan ng̃ kalabit at bulong, ó sa kakarampot na "sentimos" na pakubling isinasakay sa inyo ng̃ mg̃a naggalang lider at mg̃a kandidato riyan sa isang tungkuling hindi nababagay sa kanya.

Marami at madla ang mg̃a kandidato na ang hang̃arin lamang ay kapurihan ó madang̃al, at wala yaong tunay na tibukin ng̃ paglilinkod sa bayan, lalo na sa mg̃a maralita. Kung ang mg̃a ito ang inyong maihalal ay walang iniwan kayo sa Hudas na nagkanulo sa inyong Mananakop, na, kayo rin ang humanap ng̃ taling ginamit ninyo sa inyong pagbibigti.

Gamiting mabuti ang pagiisip, ang kailang̃an sa paghirang. Huag ninyong ihalal, kahit sino siya kung inaalipin ang kanyang mg̃a isipin ng̃ mg̃a naging sanhi ng̃ ating pagkapahamak sa ating pinakahahang̃ad na kasarinlan.

Ilagan din ninyo yaong mapagpaimbabaw, na kaya lamang ng̃uming̃iti kung panahon ng̃ halalan at kung makaraan na ay di ka man mapansin kahit mo sila pugayan sa daan. Ang mabuti pakibalitaan sa mg̃a kamagnaakan, kababayan at mg̃a kaibigan.

Ang pagkamanggagawa'y huag ding paniwalaan pagkat marami sa mg̃a nagtataglay ng̃ ganyang pamagat ay mg̃a nagbabalatkayo lamang ng̃ maihalal lamang sila ó ang kanilang mg̃a binabata sa isang tungkulin. Kaya kayo'y maging maliksi sa pagurî at pagmasdan mabuti ang kanilang mg̃a kilusin sa nagdaang pamumuhay at sa kasalukuyan.

Paging̃atan din, na lalo sa lahat ang makipagsabuatan sa mg̃a pagdaraya sa halalan, ng̃ hindi ninyo sapitin ang bilangguan at kapahamakan ng̃ inyong mg̃a anak at ng̃ ating bayan.

Gamitin ng̃a, ang boto ninyo sa taong magiging karang̃alan ninyo, sa makaaawas sa hirap ng̃ madlâ nating maralitang kababayan at makapaghahatid sa Inang Bayan sa mithiin niyang kasarinlan.

HONORIO LOPEZ.


Mga Pangunang Kaalaman Dapat Tandaan ng mga Manghahalal

¿Sino sino ang mg̃a taong maaaring makahalal? Ang lahat ng̃ lalaking may 21 taong gulang na naninirahan at tubô dito sa Pilipinas, na hindi napasasakop sa ibang bansang may kapangyarihan, katulad ng̃ mg̃a intsik, hapon, ingles ó pilipino man kung kawal ó may siyudad anyang kastila ó ng̃ ibang bangsa. Gayon din, maaaring makahalal yaong mg̃a taong may isang taóng paninirahan sa Pilipinas ó anim na buwan sa munisipyong ibig paggamitan ng̃ karapatang makahalal, na ito'y patutunayan sa taglay na sedula personal ó sa pamamagitan ng̃ mg̃a saksing mg̃a manghahalal din, sangayon kung ito'y paniwalaan ng̃ mg̃a inspektor ng̃ presinto.

Ang ganitong kapasiyahan ng̃ maging ganap na manghahalal ay dapat tumahak sa mg̃a batayang sumusunod: (a) Yaong sa bisa ng̃ mg̃a batas na umiiral sa Pilipinas mula ng̃ ika 28 ng̃ Agosto ng̃ 1916 ay mg̃a manghahalal na at gumagampan ng̃ karapatang makahalal. (b) Yaong mg̃a may pagaaring lupa na may halagang 500 piso at bumabayad ng̃ 30 piso ó higit sa ritong pinakakuntribusyon sa gobierno at (c) Yaong mg̃a taong maalam bumasa at sumulat ng̃ ingles, kastila ó ng̃ sarili niyang salita katulad ng̃ tagalog, bisaya, kapampang̃an, iloko, ibp.

¿Sino sino yaong mg̃a taong hindi maaaring tanggapin upang makàhalal? (a) Yaong may utang sa pagbabayad ng̃ amilyaramiento. (b) Yaong lahat ng̃ mg̃a mula noong ika 13 ng̃ Agosto ng̃ 1898 ay naparusahan ng̃ alin mang hukuman sa salang pagpatay, ó pagkabilanggong may 18 buwan at ang ganitong pagkakait sa kanya ay di isinasauli sa kanya ng̃ patawad, na lubusan ó indulto. (c) Yaong mg̃a tumanggap at sumira ng̃ panunumpaang pagtatapat sa Estados Unidos at (d) Yaong mg̃a taong walang bait ó mg̃a ulol ó baliw.

¿Alin ang dapat matalastas ng̃ mg̃a manghahalal sa pagsulat sa Balota? Kaila~ngang huag dudung̃isan ang balota sa pagsulat. Kaya't kailang̃ang huag babasain ng̃ laway ang dulo ng̃ lapis at sa pagsulat dapat linisin muna ng̃ panyong taglay ang mg̃a kamay at daliri. Sapnan ang balota ng̃ isang papel na malinis ó ng̃ panyo. Gayon din naman ang mg̃a ng̃alan ng̃ ihahalal ay isulat sa guhit na nasa ibaba ng̃ mg̃a tungkuling ibig paglagyan, sa hanay ng̃ (Vote por one) ó (Vote por uno).

Bawal din naman ang pumasok sa isang silid ng̃ presinto, kung may taong manghahalal sa loob at gayon din bawal ang makipagusap sa mg̃a taong manggahalal na nasa sa karatig ng̃ silid na pinasukan.

Kung hindi maaaring makasulat ang manghahalal ng̃ kanyang balota, sa dahilang napilay ang kamay, nabulag at iba pa ¿ano ang dapat gawin nito ng̃ makahalal? Dapat na ipahanda sa mg̃a inspektor ng̃ halalan ang balota niya at dalawa sa mg̃a inspektor na ito na kaanib sa magkaibang pangkatin ó partido (nasyonalista at demokrata kaya) ay siyang maghahanda ng̃ balota at isa sa kanila ay siyang susulat sa harap ng̃ kasamang inspektor.

Ng̃ kayo'y lalong masiyahan ay hanapin ninyo ang Batas ng̃ Paghahalal ni G. Honorio Lopez na ipagbibili sa lahat ng̃ Libreria sa Maynila sa darating na Pebrero 1922, sa halagang Piso. Ang mg̃a taga lalawigang magpadala ng̃ pisong papel sa pamamagitan ng̃ isang sulat sa bahay ni G. Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila ay tatanggap sa pamamagitan ng̃ "correo certificado" ng̃ isang ó aklat ng̃ Ley sa Paghahalal.

Ang sanhi kung kaya hindi ipinalimbag sa ng̃ayon kundi sa Pebrero pa ng̃ 1922, ay ng̃ maipasok ang pagbabagong gagawin ng̃ Batasan ó Legislatura ó Senado at Asamblea, na inaasahan ng̃ lahat na sa pagtanggap na ito ni General Wood ng̃ pamamahala sa Pilipinas ay magkakaroon ng̃ pagbabago ang Batas na ito ó Ley sa Paghahalal.


Si Dr. Pedro C. Lopez, Dentista, anak ni G. Honorio Lopez na napalathala sa mg̃a unang dahon ng̃ Kalendaryong ito, ay namatay ng̃ ika 9 ng̃ gabi ng̃ ika 1 ng̃ Oktubre ng̃ 1921; kaya isinasamo sa bumabasang giliw na isama siya sa inyong mg̃a dalang̃in.


Ayoko ng sayaw

Ang di ko pagdalaw sa iyo hindi nagkakahulugan
ako'y lumalayo't nililimot ko na ang pinagsamahan,
Hindi gayon Luring ... kung bagama't hindi kita nadadalaw,
ang alaala ko'y sumasa iyo at ikaw ang laging nagugunamgunam.
¿Mangyayari kayang kalimutan kita? gayong di kailâng
matang̃i sa iyo ang abang palad ko ay wala ng̃ mutya....
Mamatay man ako kung tunay ang tao'y may buhay na diwa,
ang diwa kong iyo'y laging maghahain sa iyo ng̃ nasa....
Ako kaya lamang hindi makadalaw't sa iya'y humarap,
sapagka't may lungkot ... ang kalungkutan ko'y sa iyo rin buhat;
ikaw'y nagkasala, pagkakasala mong sa akin ay labag....
anong kasalanan? ... ang pagsasayaw mong di minamarapat.
Bago nagsumpaan ang kanitang puso sa pagiibiga'y
ipinagtapat kong ang gagawin nita ay lubhang maselan;
sa gawang pagibig upang ang dalawa'y payapang mabuhay
ang lahat ng̃ gawang hindi nararapat ay pakalayuan.
Ang sayaw ay isang ipinagbilin kong huwag mong gagawin
pagka't sa babai ang pagsayaw ay ng̃iti ng̃ dilim;
ang sayaw láson sa ganda ng̃ isang babaing mahinhin
hinhin ng̃ babai'y nagiging malasuwa sa sayaw ang dahil.
Masdan ang babai sa isang lalaki'y nakikipagsayaw
yakap sa lalaki bagama't ang gayon ay pang̃it na tingnan,
magkayapos sila at ang mg̃a dibdib ay walang pagitan
baywang ng̃ babai'y hapit ng̃ lalaki ng̃ lubos lubusan.
Hita niya sa hita ng̃ lalaking yapos ay nadadaiskis
minsa'y magkadaop, pagkakadaop na, animo'y napagkit
sa ininog-inog, ang kanilang pisng̃i'y madalas magtalik....
sa sayaw di ka man huming̃i ng̃ halik ay makahahalik.
Pusong nang̃ang̃arap yumapos sa mg̃a dalagang maganda
magaral ng̃ sayaw't sa mg̃a sayawan nila makukuha,
diwang nananabik damhin ang katawan ng̃ mg̃a dalaga
magsayaw ang dapat at madadama mo, pagka't murangmura.
Sa mg̃a pagsayaw nawa wala ang hinhin dapat ing̃atan
mahinhing babai kapagka sumasayaw nagiging magaslaw,
pati ng̃ katawan sa paggamayumi'y di ibig magalaw,
sa lintik na sayaw malilimot na ang pagmamaselan.
Babai't lalaki sa pagkakayakap ay parang iisa,
anopa't kung manang sa isang simbahan ang makakakita
magaabot-abot ang pagaantanda't pagkukurus niya
sa pang̃ung̃umpisal ay siyang sasabihing unanguna.
Ng̃ayo'y walana sa iyo ang dating mong kilusin,
gaslaw na sa iyong iwing kabinhinan ang sumapín
sa dati ng̃iting mapagakit: halakhak at aliw
napalit masabing ikaw ay ¡kay sarap yakapin!
Sa diwa ko'y parang isinusurot na ang sinapit ng̃ palad
ng̃ kabuhayan mo sa hilig mong iyang may bolo at suyak
ako'y naluluha ... kung ikaw na aking tang̃ing nililiyag
ay masasawi pâ ... tayo, ang hang̃ad ko y lamunin ng̃ ulap....

MAR. P. GARCIA


NG MALAYO SA PAGKAKASAKIT AT TUMANDA

  1. Matulog at bumang̃on maaga, magtrabaho sa araw huag sa gabi.
  2. Hang̃ing malinis ang gamitin sa paghing̃a at pagsikatan sa Araw ang katawan.
  3. Katatagan sa pagkain huag kakain kung may hapis. Tubig na malinis ang iinumin.
  4. Maligo ng̃ tubig na malahining̃a bago kumain ng̃ agahan.
  5. Pitong oras lamang matutulog bukas ang bintana.
  6. Manamit ng̃ maluag at isunod ang kapal sa himig ng̃ panahon.
  7. Ang malinis na pamamahay ay kumakaway ng̃ kaligayahan.
  8. Busugin ang diwa sa pagaaliw. Layuan ang pakikipagkaalit kanino man.
  9. Kahit wala sa matwid ang kausap mo'y huag kang makikipagtalo.
  10. Kung ang ulo mo'y siyang gamit sa paghahanap buhay ay magpalakas ka ng̃ katawan, at kung sa mg̃a bisig naman, ay basain ang ulo sa pagbabasa.

Sa isang taon 1923 ang kalendaryong ito'y magkakaroon ng̃ hanapan ng̃ mg̃a kapistahan ng̃ mg̃a santo katulad ng̃ dati, at mg̃a mababasang ukol sa pakikimayan at ikadidilat ng̃ mata ng̃ mararalitang kababayan. Kaya siya ninyong hanapin sa taong darating 1923.


Bago magpasukat sa iba ay makipagalam muna kayo sa kanya ng malaman ninyo ang kanyang halaga at kondisyon ng panining̃il sa daang Ave Rizal 2121, Sta. Cruz, Maynila.


ABOGADO NG BAYAN

¿Ibig ba ninyong kayo'y igalang ng̃ inyong kapwa tao? ¿Ibig ba ninyong huwag magalinlang̃an sa inyong mg̃a pagmamatwid? ¿Ibig ba ninyong matalos ang kaalaman ng̃ inyong Juez de Paz diyan sa inyong bayan at ng̃ inyong Abogado? Bumasa kayo ng̃ ABOGADO NG BAYAN ni G. HONORIO LOPEZ at dito mababasa ninyo ang mg̃a pangulong kapasiyahan ng̃ mg̃a Ley sa pakikipamayan, sa mg̃a pagaari, sa paghabol ng̃ mana, sa pagtatanggol ng̃ kapurihan, pananakit at iba na totoong kailang̃an sa isang namamayang pilipino, lalo na sa, mg̃a babae, dalaga at mg̃a mararalita.

DALAWANG PISO ang halaga sa lahat ng̃ Libreria sa Maynila. Ang taga probinsiyang magpadala ng̃ dalawang pisong papel, na ipaloloob sa isang sulat kay G. Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila ay tatanggap ng̃ isang salin nito sa pamamagitan ng̃ "correo certificado."


BAGONG PAMAHALAAN SA PILIPINAS

Ito ang pinaka ikalawang at ikatlong tomo ng̃ ABOGADO NG BAYAN ni G. Honorio Lopez na kababasahan ng̃ Ley Munisipal, ng̃ Ley ng̃ Diborsyo, ng̃ Reglamento ng̃ Sabung̃an para sa mg̃a Sentensiyador at mg̃a mananabong at iba pang marami. PISO AT TATLONG PUNG SENTIMOS ang halaga. Ang mg̃a bagong labas na Presidente at mg̃a konsehal ay dapat bumili nito.


MGA KAILANGANG DULUGAN

Kung manggagawa ka at inaapi ka ng̃ iyong patrono ó pinagtatrabauhan ay dumulog ka sa BURO DEL TRABAJO.

Kung inapi ka ng̃ kapwa mo ó ikao ay sinaktan ng̃ sino man, ó dalaga kang inalisan ng̃ puri ng iyong nobyo ay dumulog ka sa JUEZ DE PAZ sa iyong bayan.

Kung, ikao'y may lupa na ibig mong magkaroon ng̃ titulo Torrens ng̃ mailag sa anomang basagulo at magamit na pang̃ung̃utang ay dumulog ka kay G. Honorio Lopez Sande 1450, Tundo, Maynila at siya mong pagtanung̃an, ng̃ magkaroon ka ng̃ Agrimensor at Abogado mang̃atawan sa pagharap mo sa mg̃a Hukuman. Murang suming̃il at tumatanggap ng̃ pauntiunting bayad sa pamamagitan ng̃ isang kasunduan.


¿Ibig ninyong malaman madali kung ilang piko ang timbang ng̃ inyong kalibkib lukad ó kopra at malaman sa lalong madaling panahon ang kabayarang sa ano mang halagang aabutin na di na mang̃ang̃ailang̃an ng̃ maraming pagbilang kundi sa "sumar" lamang?—Bumili kayo ng̃ayon din ng̃ BAGONG REDUKSION ng̃ Kilos sa Pikos na may presyo na sinulat ni Felix A. Matriano na taga Alabat, Tay. Apat na Peseta ang halaga sa Libreria ni P. Sayo sa daang Rosario 225 at sa Imprenta ni Honorio Lopez daang Sande 1450, Tundo Maynila.


Mg̃a Kaginoohan:
Nalalaman ba ninyo ang dalawang pook na itinuturo ko? Iyan ang dalawang pagawaan ng̃
ANG TIBAY
2261 Ave Rizal Tel. 5536 at 628-630 Azcarraga Tel. 8726
Sinelasan at Sapatusan na kabalitaan sa Pilipinas na yumayari ng̃ matitibay at magigilas na sinelas, sapatilya, kotso at sápatos na sunod sa huling "moda"