WeRead Powered by ReaderPub
Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza cover

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza

Chapter 45: CAHATOLAN
Open in WeRead

Explore more books like this:

About This Book

A sequence of letters and short essays framed as correspondence between two young women presents practical moral instruction on daily manners, religious obligations, schooling, cleanliness, courtship, and preparation for married life. It also addresses parents and guardians with guidance on educating daughters, discipline, and nurturing virtuous habits, and supplies concrete rules for letter-writing, social etiquette, and household behavior. The tone is instructional and hortatory, mixing maxims, examples, and parental admonition intended to shape private conduct, civic responsibilities, and social reputation.

ANG PAGIISIP-ISIP NI FELIZA

SA PAGLAGAY SA ESTADO.


Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG ...


MINAMAHAL CONG CAPÁTiD: Sa pagcamasid ni ina, na aco,i, dumating na sa panahon, na dapat co nang ilagay sa estado, ay sa madlang binata na sa aqui,i, nagnanasa, ay napahinuhod ang loob sa isang baguntauo, na inaacala na may inin~gat na cabaitan.

Dito, sa man~ga nacaraang arao, ay madalás sumagui sa aquing pagiisip, cun ano ang aquing mapagsasapit sa panahong haharapin. Cun dumating ang capanahonan, at tayo,i, maulila cay ama,t, cay ina, at aco,i, dalaga pa, di aco sa mundo,i, ulilang ulila. Ulilang ulila at mapapagisa sa guitna nang mundong puno nang pan~ganib. Cun magcagayon na,i, di catulad co,i, isang marupóc na daong na inabót nang sigua sa guitna nang dagat, pinagtutulong-tulon~gang hampasin nang salu-salubong na han~gin, ibaba,t, itaas, nang matataas na daluyong; cahima,t, ang timon nang cabaitan ay di masisira, cun uala na ang pilotong macapagaalaga; ¿masasabi cayang macasasadsád sa guilid, macapan~gan~ganlong sa han~gin, at di mababagbág sa laot? Ang puring inin~gat nang aquing pusong daong na marupóc, cun pagtulong-tulon~gang hampasin nang marahás na han~gin nang hibo,t, paraya, cahit anong bait, cahit anong hinhin, cahit anong ilag ang aquing gamitin, at ipagsangaláng cun mapag-isa na,t abotin nang hina, at aco,i, hapoin sa catiyagaan ¿masasabi co cayang dili mababagbág sa laot? ¿Di caya isang capan~gahasan, cun aquing uicain na ang capurihan co at calinisan, ay ma iin~gatan co rin sa calaguitnaan nang suson-susóng pan~ganib? isang capan~gahasan at isang caulolan. Caya di pahinohod ang loob co, na aco,i, lumagui sa ganitong calagayan. Cun ang isang dalaga,i, may bait at may nag aalagang magulang, cun may mag bantá man nang di matouid, ay di mapanibulos at palibhasa,i, ang macacabanga,i, dalauang cabaca ang cabaitan nang isang dalaga, at ang alang alang sa magulang. N~guni cun maulila na, ang cabaitang ito na parang isang cutang tangolan nang puri nang isang virgen, cun mapag-isa na,t, ualá nang magtangól, ¿di caya pagpahamacang lusobin nang pan~gahas na loob? Cun magca gayon na,i, ang carupucán nang bata cong loob ¿ay macaaasa cayang macapagtatagumpáy?

Cun pagdili-dilihin co naman, na ang matrimonio,i, mabigát pasanin, lalo,t, ang tatamaan ay di co macacasundo, at iba ang asal, iba ang uani, salát sa cabaitan at ualang cabanalan, iba ang loob, ang dalauang puso ay di matatalian nang isang pagibig, ay capilitang malayó sa amin ang pagcacasundo. Cun ang man~ga bagay na ito,i, aquing pagdili dilihin, ay nagaalan~gan aco, natatacot tumangap nang isang mabigat na pasán, na hindi co masabi na macacayanang dalhín. Sa lagay na ito, na nagaalan~gan ang aquing loob sa dalauang estado: pinag titimbáng-timbáng ang pan~ganib at caguinhauahan nang isang dalaga; ang pagca ayo sa pan~ganib, ang cabigatan at cahirapan nang isang may asaua, ay nagugulo ang aquing isip, nagaagam-agam ang loob, at hinahandulong aco nang malaquing saquit. Sa ualang matutuhang gauin, ay itin~galá co ang matá sa lan~git, at palibhasa,i, diyan co inaasahan na magmumulá ang tulong sa aquin.[16] Ipinahayag co sa Dios, ang dinaramdam cong capighatian at aquing sinaysay yaong pinala~nging bigcas nang Profeta: aco,i, turoan mo Pan~ginoon cong sumunod sa iyong mahal na calooban, at palibhasa,i, icao ang Dios co.[17] Ang man~ga mata co,i, para nang alipin na bibitin bitin sa pan~ginoon hihintay-hintay at di inaalis hangang sa di caauaan.[18]

Ang Dios na dinadain~gan co, sa toui-touing daratnán aco nang sáquit, si Guinoong Santa Maria na tinatauag cong Ina, ay naaua,t, nahabag sa aquing man~ga panalan~gin, hindi nalao,i, hinan~go aco sa hirap. Isang gabing tahimic, na bagong natapos acong nagpuri sa Dios, ay nilapitan aco ni ina,t, may ipinahayag.

Icao, Feliza, ay na sa capanahonan na sucat ipagisip, na lumagay sa estado. Ang tauo ay di lagui sa mundó, buhay maicli at may catapusan caya ang iniisip co,i, ang sa haharapin. Minamahal cata, bunto at di co; datapoua,t, lalong minamahal co ang capanatagan mo.

Cun dumating sa aquin ang oras nang camatayan, at maiuan quita sa calagayan iyan, ay maguiguing tinic na sa aquing puso,i, magbibigay saquit, sa pagaalaalang quita,i, maiiuan sa madlang pan~ganib, lalo,t, cun ulila ca na sa ama,t, sa ina. Sa madlang baguntauo, na nan~gin~gibig sa iyo,i, isa ang napili nang ama mo, at gayon din naman aco. Isang baguntauo na anac guinoo, magandá ang quias, asal ay mahinhin, may loob sa Dios, may iquinacacaya, asal ay tahimic, malayo pagaauay, ualang nota sa bayan, ang pan~gala,i, Amadeo. Ang baguntauong ito,i, ang maacala cong macacabagay mo, at maguiguing casing isa mo sa palad: Pagtaga ni ina nang caniyang salita ay natalastas co ang tinutun~go, n~guní hindi co sinagot hangang di natapos, at niniisip co naman ang itutugon co.

Nang siya,i, tumahimic na, ay ualang naisagót aco, cun di ang salamat, ina, sa pagcacalin~ga sa aquin sa magandá mong nasang aco,i, mapalagá'y sa capanatagan, sa panahong haharapin. N~guni ang hin~gi co ina,t, pamanhic sa iyo,i, aco ay bigyan nang caonting panahon naipagisip. Aquing natatantô, ina, na ang matalas mong bait, ay nadarayaan, di ang cagandahan, di ang pagca guinoo, di ang munting ari ni Amadeo, cun di ang magandá niyang asal, ang nacahicayat sa iyo, na ibigáy sa aquing esposo, n~guni hintay muna, ina, at magmamasid acong man~ga ilang arao. Cun maquilala co na ang caniyang pagibig ay di paimbabáo, asal niya,t, asal co ay nagcaca-isa, ang magugulang niya,t, man~ga capatid ay macacasundo co, ay asahan mo, ina, na aco ay caniya, n~guni cun sa caniyang familia, ay may ipipintás ang tauo sa bayan, at ang capintasang ito ay icasisira nang ating puri, ay ipahintulot mo, ina, na di co ipayag sa caniya ang aquing puso, at inaasahang co naman na ang sagót cong hindi, ay di mo icapopoot.

Sa sagót cong ito,i, nan~giti si ina, at aco,i, niyacap na pinacahigpit, at ang ipinacli: sa ilan nang arao na ninanasa cong magpahayag sa iyo, ay nahuhulaan co na ang isasagót mo. Salamat Feliza, sa Dios, sa masonoring loob na ipinagcaloob sa iyo, salamat sa pagsunód mo sa calooban nang magulang. Salamat sa cabaitan mo. Sa isang masonoring anac, ay ualang sucat na asahan ang ina, na para nang sagót na iyan, na bulong sa iyo nang inin~gat mong bait.

Di co masaysay, Urbana, sa iyo ang quinamtáng tóua ni ina,t, sampong aco naman: aco,i, niyacap na muli, saca ang canan co ay pinacahigpit na hinauacan nang dalauang camay, ay bago uinica: matulog ca na, bunso, bucas ay mulan mo nang isanguni sa Dios sa iyong man~ga panalan~gin, idalan~gin mo cay Guinoóng Santá Maria, na icao at aco,i, tulun~gang ipagcaloob na matulóy ang ating magandang bantá, cun maayon sa santong calooban niya, at igagaling nang iyong caloloua; at cun hindi naman, ay bigyan tayo nang daan na icasasansala.

Nang quinabucasan, Urbana, ay naquita cong nasoc sa pintoan nang ating bacuran si Amadeo. Adios, Urbana, hangang sa isang sulat.—Feliza.


CAHATOLAN

SA DINATNAN NANG PANGANIB


Si Feliza cay Urbana.—PAOMBONG....


URBANA: sa sulat na sinundán nito ay aquing sinaysay sa iyo na maquita co si Amadeo, sulat co,i, napatid, at dinguin ang cadahilanan: ang dibdib co,i, nagtatahip; ang puso,i, nabibigatán nang isang caramdamang di nararanasan magpacailan man; ang camay co,i, nan~gin~ginig, ang pluma,i, nalalaglág sa daliri; sa matá co,i, nan~gin~gilid at bibitin bitin ang camunting luha, at sa catapusang matitic sa sulat ang n~galang Amadeo, pluma,i, nabitiua,t, pumatac ang tubig na bumasa sa sulat. N~gayon co ipatuloy ang sulat iyon.

Nang si Amadeo ay maquita cong na sa pintoan nang ating bahay, ay natilihan aco, loob co,i, napindang at naualan nang diua. Isang baguntauo, na ang quias at tindig nang pan~gan~gatauan, ay timbang na timbang, quilos ay mabini, mahinhin ang asal, sa caniyang muc-ha,i, cahit di maquita ang nacasisilao na cagandahan, n~guni nagniningning ang cabaitan, ang malubáy at maamong loob na iniin~gatan, ang mata,i, maamo,t, ang binibitiuan ay may hiyang titig, na di napan~gahasang itapon sa aquin. Nauumid siya,t, mata,i, nan~gun~gusap, at acong nacaharap naman ay gayon di,t, tiboc nang puso co ay labis nang tunog, na aco,i, nagdalang tacot, na baca marinig. Sa aquing mapansin ang calagayang iyon, bait co,i, nan~gusap, nagdamdam nang hiya: sa malaquing hiya,i, aco,i, napaalis na biglang di co na nagamit ang galang sa pagpapa-alam. Nang aco,i, maligpit na sa silid, ay naramdaman cong napaui ang catahimicang cacambál nang cabataan co, at ang humalili,i, isang caligaligan na dinaramdam co,i, dili co masaysay. Ibig co dising umalis sa silid na quinalalagyan co,t, aco,i, paquita uli, at humin~ging tauad, sa di co pagpapa alam, n~guni nacarinig aco sa dibdib co nang isang matunóg na voces, na sumansala, sa aquin, at nan~gusap: na ang gauang iyo,i, bulong nang licóng pagibig, at saui sa cabaitan nang isang dalaga. Titindig na aco,i, napa-upó uli nacapaghunos dili at na ala ala co yaong auit ni David: aco,i, nagsacdál sa aquing Pan~ginoon nang pagusiguin aco nang saquit, ay quinalugdan dinguin ang carain~gan co.[19] Itong santong auit nang may dusang Profeta ay parang narinig co, napatindig uli sa quinaloloclocan, biglang naniclohód sa ating Pan~ginoong napapaco sa cruz, nanalan~gin aco sa caniyang harapan, at ang caralitaang damdam nang puso co ay aquing sinaysay:[20] isilay mo, Dios co, ang caliuanagan sa napagdidimlang cong isip, nang di ang caloloua co,i, abotin nang camatayan, houag mong itulot na macapagtagumpay sa aquin ang malupit na caauay nang di pagauitan aco, aglahiin at uicain: siya,i, nagahis co rin.[21] Nang matapos acong macapanalan~gin, sumigla ang puso, nagdamdam nang catapan~gan, aquing uiuica; iilag na aco sa pan~ganib na macasisira nang calinisan co; at naalaala co yaong uica ni San Pablo; sa tucsong laban sa calinisan, ang douag ang nagtatagumpay. Gayon man Urbana,i, hindi rin mangyari cun di ang sangunian cata. Hintay ang casagutan mo nitong iyong capatid na na nagmamahal sá iyo.—FELIZA.


PASASALAMAT SA DIOS

CUN TUMANGAP NANG AUA.


Si Urbana cay Feliza—MANILA ...


FELIZA: Tinangap co ang dalaua mong sulat ang isa ay fecha 5, ang icalaua,i, 12, capoua dito sa lumalacad na buan; ay natanto co ang dilang cabutihan ni Amadeo, ang catapan~gan mong lumaban sa isang mahigpit na cahin~gian nang puso ang pagsasacdal mo sa lan~git sa panahon náng pan~ganib ang pagtatagumpay nang cabaitan mo, at ang dilang cahin~gian mo sa aquin.

N~gayo,i, ang sagot co sa iyo,i, magpasalamat ca sa Dios, at ang tularan mo,i, yaong mapalad na haring nagsaysay: magpupuri aco sa Dios, sa toui-toui na: at ang pagpupuri ay di co huhumpayan. Nagsacdál aco sa Pan~ginoon co,i, quinalugdang dinguin ang aquing dalan~gin: at sa caralitaang dumating sa aquin, ay iniadya aco.[22] Icao, Feliza,i, ipinahintulot nang lan~git na malagay sa isang pan~ganib, pinabayaang ipaquipagbacat ang sarili mong lacás, dibdib mo,i, nalagay sa guitna nang digma,i, nagcaalan~gan sa lamuyot na tucsó, at sa hatol nang cabaitan; n~guni pagtauag mo,i, agad cang dinulóg at ang caloloua mong lumagui sa hirap, ay sinaclolohan, inalis sa dusa, biniguian nang lacás at caguinhauahan; tingni, capatid co cun di ang catamisan nang Dios, na ibinabalita nang haring Profeta ay naranasan mo.[23] Hin~gin mo cay ina, Feliza, ang sulat co sa iyo, at diyan mo matatalós ang magandang hatol na hinihin~gi mo, Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.


ARAL SA MAN~GA INA

NA MAY MAN~GA ANAC NA DALAGA


Si Urbana cay Feliza,—MANILA ...


IGUINAGALANG CO,T, INIIBIG NA INA: Isinulat sa aquin ni Feliza ang magandang gayác mo po, na siya,i, ilagay sa estado, ang pagpapahayag mo sa caniya, ang caniyang casagutan sa iyo, na magmamasid muna,t, magiisip-isip cun icararapat sa Dios. Ayon sa bagay na ito,i, uala acong masabi, cun di ang inyong magandang banta at ang mabait na adhica nang loob ni Feliza, ay ipatuloy, sacali,t, mapaganinao, na na-uucol.

Humihi~ngi naman sa aquin nang man~ga cahatulang ucol sa caniyang calagayan, isinan~guni co sa isang Sacerdoteng marunong, ay di minatapát na ipahayag lamang sa aquin nang bibig, cun di ang isulat. Ang sulat na iyan, na inyong tatangapin, ay quinapapalamanán nang man~ga cahatolang aalinsunurin nang isang ina, na may quinacalin~gang anac na babaye. Caya minarapat cong sa inyo,i, ipinadala.

Ang Confesor cay Urbana.

URBANA: Alinsunod sa magandang cahin~gian sa iyo ni Feliza, ay minatapát cong isulat sa inyo ang man~ga cahatolang laban sa masamang caugaliang naquiquita, na ipinahihintulot nang ina sa anac; at ang matotouid na aral na sinipi ni padre Arbiol, sa santong sulat, na nauucol sa man~ga ina.[24] Mumulán cong isaysáy ang isang masamang caugalian, na caraniuang naquiquita.

Cun sa bahay nang dalaga ay may pumanhic na baguntauo, cun may inin~gat na bait ang maguláng, ay di dapat ipahintulot na ang anac na dalaga ay gumamit nang bandeja, lalo,t, cun di nahaharap ang ama ó ina, magpan~gan~ga sa baguntauo, sapagca,t, cun ualang inin~gat na mahal na asal, ay capilitang bubuhatin ang camay ó paá, iquiquilos nang masama, lalo,t, cun na sa dilim.

Hindi man pagpahamacan nang gayon, bibig naman ang gagamitin, bibigcas nang sabi; ipahahayag ang na sa loob, na ang caraniuan ay hindi magaling.

Magsasaysay caya naman nang pagibig. Sa pagibig na ito,i, ¿ilan na caya baga ang tapat? at sa tapat ma,t, sa hindi, ¿di caya nahahaloan nang masamang bantá?

Pacatantoin nang ina, na ang calinisan nang isang dalaga ay parang isang bubog, na cahit di magcalamat, cahit di mabasag, mahin~gahan lamang ay nadurun~gisan.

May isa pang caugalian na sacdal nang sama at sucat paca-ilagan nang man~ga magulang. Pag panhic nang baguntauo, pagcabati sa magulang ay iiuan ang anac na dalaga, pababayaang maquipagusap nang sarili sa baguntauo.

Cun ang isang dalaga ay naquiquipag usap nang lihim sa baguntauo, ¿saan caya natin maipag hahalimbaua, cundi sa libay na usá, na hinahabol nang áso, na di tutugutan hangang di abutang macagat, at mapatay? Cun ang itutugon sa aquin nang isang magulang, ay catiuala ang caniyang loob sa anac niyang dalaga, at naquiquita níyang may inin~gat na bait, ang masasabi co naman ay di catampatan sa magulang na ilagay sa pan~ganib na mauala ang bait at malugso ang puri nang caniyang anac. Ang sucat alalahanin yaong tulang sambitlá nang man~ga binata: ang bato,i, sacdal man nang tigas, tubig na malambot ang nacaaagnas.

Cun ang isang baguntauo, ay naquiquipagharap nang lihim, sa isang dalaga, hindi malayo na mauala ang pitagan tumapang ang loob na magpahayag nang caniyang masamang nasa. Sa unang págpapahayag, sa icalaua sa icatlo, cun ang dalaga,i, may inin~gat na puri, hindi malayo na di pa hinuhod sa mas mang lamuyot at maitatangol pa nang catutubong cabaitan. N~guni sa icaapat o icalima marahil ay hindi na. Mahirap nang macapaglaban, at palibhasa,i, nararagandan. Maipaghahalimbaua sa cahoy na babad man sa tubig, sa apóy capag nálapit, at naragandang sa init, ay capilitang magdiriquit.

Sa caraniuang paghaharap nang dalaga,t, baguntauo, ang catauan ay nagcalapit, nagtatama nang mata,t, nagcacaabutan nang sabi; ay at ¡ilan cayang panimdim na laban sa calinisan ang bucal sa isip! ¡ilang masamang banta ang magaling sa puso! ¡ilang bucang bibig ang mabibitiuan! ¡ilang masamang quilos ang magágaua nang binatá na pauang panglugsó nang puri nang isang dalaga!

Cun icao, dalaga, ay sasagot sa aquin, na ang puso mo,i, gaui sa calinisan, dibdib mo,i, matibay na di mababagbág, ang isasagót co sa iyo,i, yaong dalauang hatol nang Dios Espíritu Santo, na ualang nagcandong nang apóy na hindi nasunog. Ang lumululong sa pan~ganib, ay sa pan~ganib din mapapahamac.[25]

¡Oh pabayang ama! ¡oh nagcacamaling ina! caiin~gat at sa minsang malugsó ang puri nang anac ninyong dalaga, ay di na masasauli. Pagnagcagayon na,i, uala cayong magagaua, cun di itan~gis ang caniyang casiraan, at ang casiraan nang inyong puri; at ang lalong catacot tacot ay ipagsusulit ninyo sa Dios, cayo ang sisisihin at parurusahan, at palibhasa,i, cayo ang may casalanan[26] hatol, na sinipî sa santong sulat ni padre Arbiol, at ipinan~garal sa man~ga ina.

Cun icao,i, may anac na babaye ay turoan mong matacot sa Dios, houag pagpapaquitaan nang n~gipin, paca-in~gatan ang canilang pagca virgen,[27] turoang magmahal sa asal at magpaca hinhin, nang di lapastan~ganin nang binata.

Houag tutulotan, na sa canilang pagtin~gin, ay mabasa ang cagaslauan at pagca mairoguin. Sa matá ang uica nang Profeta Jeremías, nanasoc ang camatayan nang caloloua, na sumisira sa man~ga binata.

Ang anac na talipandás at mapan~gahás, ay nacapagbibigay hapis sa caaua auang ama, ang uica nang Dios Espíritu Santo. Caya pacain~gatan, at cun maquitaan nang casiraan, ay hangang bago,i, bigyan agád nang cagamutan, sa pagca cun lumalâ, ay ualâ nang magagaua. Sundin yaong magandang hatol sa magulang na ualang di nacatatalastás: ang cahoy na licó at buctot hutuquin hangang malambut pag lumaqui na at tumayog, mahirap na ang paghutoc.

Pacaalagaan nang ina ang caniyang anac, tingnan ang canilang man~ga quilos, nang maquilala ang licó at buctót, at cun sumasamá. Itong santong hatol nang Dios Espíritu Santo, ay alinsunorin at nang di mamali: binigyan nang Dios ang tauo, nang tain~ga,t, nang ipaquinig, matá at nang itin~gin[28].

Sa pagbabago nang muc-há nang babaye, naquiquilala ang caniyang casamaán,[29] caya hindi carampatang calin~gatan, sapagca ang casiraan nang anac na babaye, ay casiraan nang ina.

Houag tulutang mamintanang palagui, sapagca,t, ang dalagang namimintana, ay caparis nang isang buig nang uvas, na bibitin-bitin sa san~ga sa tabi nang daan, na nagaanyayang papitás sa sino mang macaibig.

Nang houag mamihasa sa pamimintana, ay bigyan nang ina nang gagauin, turoang mamahala sa bahay, at nang di na pagaralan cun dumating ang capanahonan. Ito,i, catungculan nang magulang na ituro sa anac; at gayon ang bilin sa santong sulat[30]. Sapagca,t, sa isang babaye, nangagaling ang masamá ó magandang capalaran nang pamamahay.[31]

Houag tutulotan na ang dalaga ay lumacad sa daang nag-iisa ó utusan caya sa oras na di catampatan, ó magpacial caya nang ualang casama, at nang di pagcaraanan nang capahamacan. Cun si Dina na anac ni Jacob, ay di nagpacial na nanagiisa, ay di disin hinamac ni Siquem, na anac nang principe Hemor, na inilugsó ang caniyang pagca virgen. Cun magcagayo,i, laquing dalamháti nang isang magulang, at palibhasa,i, casiraan nang puri nila at nang boong cahinlugan. At cun magcabihira,i, mula nang pagaauay at pagpapatayan, para nang nangyari sa man~ga anac ni Jacob at anac ni Hemor.

Minsa,i, naisipan ni Dina, na manaog, at ang nasa,i, manood nang babayeng tubo sa lupa ni Canaan na caniyang tinatahanan. Sa pagpapacial niya sa lupang iyon, ay naquita ni Siquem, nalugód at nagdamdam nang malaquing pagibig, hindi nacalaban sa lihis na nasá, inagao si Dina, itinanan at sinira ang caniyang pagca virgen. Nang magca gayon na,i, ualang pagcasiahan ang capighatian nitong napahamac na dalaga. Sa malaquing pag-ibig ni Siquem, ay hinihiling sa caniyang ama na siya,i, ipacasal cay Dina. Sa cahin~gian nang anac, ay napahinuhod ang ama, siyang namanhic cay Jacob, na ang anac niyang si Dina ay ipacasal cay Siquem. Nang nagsasalitaan ang dalauang magulang, ay narinig nang man~ga anac ni Jacob, natantó ang nangyari cay Dina, galit ay di hamac, nagbantang maghiganti, n~guni di ipinahalatá ang canilang masamang nasa. Sa cahin~gian ni Hemor ay hindi napahinuhod ang man~ga anac ni Jacob, hangang di sila nan~gaco na maquiquiugali sa canila, na susunód sa Ley nang Circuncision na utos nang Dios sa man~ga Hebreo.

Palibasa,i, daquila ang pagibig ni Siquem cay Dina, ay tinupad ágad ang pan~gaco. At di lamang siya, cun di lahat nang lalaquing siquimitas na canilang nasasacopan, ay pinagutusang sumunod. Nang may icatlong arao na sila,i, nasasaquitan ay linooban nang dalauang anac ni Jacob na si Simeon at ni Levi ang ciudad nang Siquem, casama ang canilang man~ga lingcod at pinagpapatay ang lahat nang lalaqui na ipinaquiramay si Siquem at ni Hemor, at quinuha si Dina. Nang macaalis na sa ciudad si Simeon at ni Levi, siya namang pumasoc at lumoob ang ibang man~ga anac ni Jacob. Sinamsam ang man~ga obejas, baca at asnos nang siquimitas, at dinalang bihag ang man~ga babaye sampo nang man~ga bata.[32]

!Laquing capahamacan ang naguing bun~ga nang pagpapacial na nagiisa ni Dinang quinapos sa palad! Nasira ang caniyang pagca virgen, hiyas nang isang dalaga, napahamac ang puri nang caniyang magulang at nagca utang nang maraming buhay ang caniyang man~ga capatid.

Cun si Eva disin ay, di nagiisang nanood nang halaman sa Paraiso, di sana pinan~gahasang tinucso nang demonio ó cun pinan~gahasan man ay may isang esposo na macasasansala.

Cun sa isang anac na dalaga, may manunuyo, ay matacot ang ina ò ama na sila ay paglingcoran nang baguntao, sapagca,t, cun magca gayon, ay macaquiquita nang daan na titira na tanghali ó sa gabi, sa man~ga oras na iyan ay ¿macailang cayang magtama nang mata, macailang magsasarilinan nang salitaan? Pagca nagca gayon na,i, daan na nang pagcapahamac; sapagca,t, ang pagtitin~gnan at ang pagnanasa nang masamá, ay di nagcacalayó, ang uica ni San Gregorio Nazianceno[33] Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, bago dumating ang saquit ay lagyan nang cagamotan:[34] ay ¿saan caya naroon ang bait nang isang ama ó ina, na nagpapahintulot na sa canilang bahay ay tumirá ang isang binata, sapagiimbót nang suyô? ¿di ang cahulugán nito,i, sila rin ang cumiquita nang daan at pan~ganib, na icapapahaman nang puri nang canilang anac na dalaga?

Di naman catampatang magpita nang salapî ang isang magulang sa lalaqui, sapagca,t, bucód sa ibinabaual nang Superior Gobierno at nang Señor Arzobispo D. Fr. José Seguí, ay itinutulad sa hayop ang canilang anac, na pinagbibili sa lalaqui. Di rin naman catampatan, na magparinig na nagcacailan~gan nang salapi, at nang houag mapaguicaang masaquim. Bucód dito naman, ay cun magcaayauan, ay hirap na nang pagsisin~gilan, at palibhasa,i, masáquit ang magbayad. Laquing casiraan nang puri nang isang dalaga, laquing cahihiyan nang isang magulang, cun magca hablahan at paghatolan nang isang justicia.

Marami pa at madlá, Urbana, ang masasaysay cong man~ga cahatolan na dapat alinsunurin nang magulang sa pagaalaga sa anac, n~guni at sa pagca,t, aco,i, lalauig na lubha ay ililiban co na sa ibang sulat ang man~ga cahatolang ucol sa magasaua.

Si Feliza, ay may inin~gat na bait na minana sa magulang, umiilag sa pan~ganib, at palibhasa,i, naquiquilala ang caniyang carupocan ang rosa nang caniyang pagca virgen ay pinaca aalagaan, quinucubcób nang tinic nang pagpapasaquit, dinidilig nang panalan~gin, at palibhasa,i, natatanto yaong uica ni Santa Maria Magdalena de Pazzis, ang calinisan, ay hindi mabubuhay cun di bacuran nang tinic, at di naman mamumulaclac, cundi batbát nang tinic. Caya uala acong sucat maihatol sa caniya, cun di ang ilagui ang loob sa cabaitan, magpasalamat sa Dios at ipinagtangcacal ang caniyang calinisan sa pan~ganib na icasisira, at ang tularan niya,i, yaong calolouang nagpasalamat sa Dios, at ang saysay: aco,i, magpupuring palagui sa iyo, Dios cong nagtangcacal sa aquin, at iniadía mo ang calinisan co sa capahamacan.[35]

Ang man~ga cahatolang ucol sa paglagay sa estado, ay sa susunod na sulat aquing ilalagay. Adios Urbana.—ISANG SACERDOTE

Ang sulat na ito, ina, nitong sacerdoteng hinin~gan co nang hatol, ay inaasahang co na paquiquinaban~gan nang maraming ina, at ni Feliza naman, n~gayong siya,i, dalaga pa, at gayon din naman cun siya,i, maguing ina. Ipagcaloob naua nang Lan~git na mangyari ang iyong magandang nása cay Feliza cun icararapat sa Dios. Aco po, ina,i, humahalic sa iyong camay, gayon din naman cay ama.—URBANA.


ANG PAGPAPATIBAY NANG LOOB


Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...


FELIZA: Di hamac ang pagpupuri co sa Dios, at pinagcaloobang ca nang matibay na dibdib, na dili nabagbág nang maulit na tucsò, na nagbantang sumirá nang cabaitan mo; nang timtimang loob na naca pagtiis nang hirap sa paquiquipaglaban. N~gayo,i, ang hatol co sa iyo,i, ang pananatili. Nagtagumpay cang minsa,i, houag cang malin~git, at di ca rin tatahanán. Ang buhay nang tauo dito sa ibabao nang lupa, ay palaguing paquiquipagbaca,[36] caya ihandá ang sandata, houag pasuboc, iubos ang lacás, tapan~gan ang paquiquipag-laban, at catatag capag dating nang digmá.[37]

Ang demonio,i, cun tumucsò sa isang may loob sa Dios nang laban sa calinisan, ay di natin sucat na malirip. Palibhasa,i, diyan naquiquita ang carupucán natin, ay diyan ca naman pagpipilitang ihapay. Daraanin ca muna sa paquiquipag capoua tauo, hihicayating cang maquipagsalitaang palagui sa quinahihinguilán nang loob, ibubulóng sa iyo na ualang pan~ganib, sacá isusunód ang pagpapalagáy nang loob at pagmamahalan, at capag ang puso ay natalian nang masamang pag-ibig ay taling casunód na ang masamang gauá. Caya ang biling co,i, ang ilaban mo sa ganitong tucsó,i, ang pagilah sa pan~ganib, pagtauag sa Dios, pagdating nang oras.

At cun sacali ma,i, ipahayag mo ang loob mo na si Amadeo ay maguing esposo mo, ay houag itulot, sa puso ang maraming pagibig, at ang alalahanin ay Santo at malinìs ang Sacramento Santo Dios ang may lalang, ang Hari nang malilinis na Angeles, ang Esposo nang man~ga Virgenes: caya tatangapin nang boong calinisan. Tangaping malinis at nang di ang sumpá nang Dios, cun di ang caniyang bendición Santá ang igauad sa iyong casabay nang Sacramento. Basahin mo Feliza, ang sulat na calampi nito, na ipinadadala sa iyo nang aquing Director[38].


CAHATOLAN

SA PAGLAGAY SA ESTADO


Isang Sacerdote cay Urbana.


URBANA: Sa sabi mo sa aquin na si Feliza ay nagcacailan~gan nang man~ga cahatolang ucol sa pagtanggap nang Santo Sacramento nang Matrimonio, minatapat cong isulat sa iyo at nang maipabasa mo sa caniya ang man~ga santong hatol, na sinipi co sa isang libro. Dito sinasaysay ang man~ga bagay na quinacailan~gan nang magsisipagasaua na ipagcacamit nang capalaran, at pagcacasundo nang esposo,t, esposa.[39]

Ang una-una,i, cailan~gan, na ang esposo,t, esposa,i, magcaparis nang uri at caugalian. Ang icalaua,i, ang pagiibigan. Ang icatlo,i, ang pagibig ay malagay sa catamtaman. Ang icaapat ay ang pagcacatiualaan nang loob. Ang icalima,i, ang babaye ay houag mapacalubha ang yaman sa lalaqui. Ang icaanim, ang edad ay magcaparis. Ang icapito, ang cagandahan nang babaye na hahanapin ay caiguihan lamang at huag lumabis. Ang icaualo,i, capoua mauilihin sa catahimican at mailaguin sa masasamang pagsasayahan. Ang icasiyam ay huag maiguin sa sugal na baual at malacas. Ang icasampo ay huag maramot at huag náman sambulat. Ang icálabing isa,i, capua banal at may tacot sa Dios. Ang icalabing dalaua,i, masipag at capua caauay nang catamaran. Ang icalabing tatlo,i, matanguihin sa pagcamamariquit. Ang icalabing apat ay loob na timtiman at mapagtiis nang hirap.

Cun ang lahat nang ito ay taglay nangsisipag asaua ay capilitang magcacasundo, ang uica Payo at panununtunan nang magandang capalaran. Cailan~gang magcaparis sa pagca ualang capayapaan, cundi magcagayon. Ang uica nang pitong pantas sa Atenas: ang babaye ay humanap nang caparis at gayon din ang lalaqui.[40] Ang lalaquing nagasaua sa babaeng mahal pa sa caniya ay di esposo ò asaua cundi alila ang casacapitan at parang humahanap lamang nang caniyang infierno. Gayon ang uica ni Flutano, Huag mong papag samahin sa pagaararo ang baca at asno, ang uica nang Dios sa santong sulat,[41] sapagca,t, sa di pagcacaparis nang canilang lacas at ugali, ay di naman magcacauasto sa paggaua.

Ang icalauang quinacailan~gan, ay ang pagibig, pagca,t, cun may pagibig, ang anomang hirap ay pagcaca-isang bathin, at mabigat man sacali,t, pinagtutulun~gan ay mamagaanin. Cun may pagibig, anomang masapit ay di maghihiualay. N~guni,t, cun ualang pagibig, ang munting hirap ay di matitiis, ang uica ni San Agustin, at palibhasa,i, di nagcacatulong nang pagbabatá.

Ang icatlong cailan~gan, ay ang pagibig ay houag lumabis, sapagca,t, cun lumabis, ay pan~ganib na mahulog sa catacot-tacot na panibughó. Pag ang alin man sa dalauá ay maguing panibughoin, malin~gat lamang sa matá nang asaua, ang acala,i, naglilo na; lumurá lamang sa durun~gauan, pinagbibintan~gan na may causap. At ang guinasasapitan ay ang magasaua,i, parang na sa infierno. Ang naninibugho,i, parang, isang verdugo sa panibughoin. Gayon din, naghihirap ang ipinaninibughó, sapagca,t, nasasactán ang loob sa paglililo na ipinagbibintang sa caniya. Caiin~gat ang magasaua sa panibughó, sapagca,t, nagpapamatá sa masamá. At cun ang isa,i, mapunó na ay niuiuica sa loob na caniyang titiquisin.

Ang icapat na cailan~gan ay ang pagpapalagayan nang loob, gayon ang uica nang haring pantás sa babayeng timtiman na pinagcacatiualaan nang puso nang caniyang esposo,[42] n~guni nacasisira rin naman ang malabis na pagcacatiuala sa asaua. Cun di nagca gayon si Samson cay Dalila, di disin nahulog siya sa camay nang man~ga filisteos, di disin napahamac ang caniyang buhay.

Ang icalimang cailan~ga,i, ang babaye ay houag yumamang lubha sa lalaqui; sapagca,t, cun magca gayo,i, ang babaye ang maguiguing lalaqui at ang lalaqui ang maguiguing babaye. Marami ang napapahamac na pagaasaua, sa pagca hindi esposa cun di pilac ang hinahanap.

Ang icaanim na cailan~ga,i, ang edad ay magcaparis; sapagca,t, cun magcacahiguitan nang malaqui, ay magcacaroon man nang pagibig, marahil ay di lumagui at cung magca gayo,i, mauauala ang pagcacasundó, at cun samain pa nang palad ay mararamay pati nang pagtatapat nang loob. Ayon sa bagay na ito,i, marami mang bagay na sucat masaysay ay hindi mangyari, at masisinsáy sa calinisan.

Ang icapitong hinihin~gi ay ang cagandahan nang babaye ay malagay sa caiguihan sapagca,t, cun lumabis, marahil ay di matahimic ang lalaqui sasaguian nang agam-agam na sa caramihan nang nalulugod sa caniyang esposa ay baca siya paglilohan. Gayon ang sabi nang daquilang Sacerdote nang Santa Iglesia na si San Juan Crisostomo.[43]

Ang icaualang cahin~gia,i, ang magasaua,i, capua maibiguin sa catahimican, nang di ang lalaqui man~gamba sa caligaligan nang babaye at nang di ang babaye caya naman ang maghinala sa lalaqui cun maquitang ualang palagui sa bahay at pagalagala, lalo,t, cun palabiro at mapag aglahi. Ito,i, tagubilin nang isang pantas sa Grecia.[44]

Ang icasiam ay capua umilag sa sugal sapagca,t, ang viciong ito ay pangsira nang pagaari, mula nang pagaauay nang magasaua, iquinalilimot sa Dios nang pagtupad nang catungculan nang pagca cristiano, nang pagcacalin~ga sa pamamahay, nang pagaral sa anac; at cun ang babaye ang matutong magsugal, ay lalong malaquing casiraan nang matrimonio. Maraming lubhang casaman ang napapaquinabang sa sugal. May isang babaye na mauilihin sa sugal, na maguing ilang oras man sa laró, ay di naiinip, at palibhasa,i, malaqui ang pagcaibig. Sa guinayon-gayon ay di dinatnan nang saquit. Gayon man ay di pinapansin at nagsugal din. Isang gabing na uupo siya sa sugalan, caraca-raca,i, sumuca siya nang dugó, inabot nang camatayan. Ang caniyang vicio ay sugal, sugal ang ipinagcasaquit, sugal ang iquinamatay. Sucat pang hinuhaan nang maibiguin sa viciong ito.

Ang icasampuong cahin~gian, ay capoua hindi masaquim sa salapi at di naman sambulat. Ang cailan~gan ay bait na icaquiquilala nang panahong tapat na ipagimpoc, at panahong ipagpapaquita nang magandang loob.[45] Ang masaquim sa salapi ay salat sa pagibig sa Dios, at malupit sa capua tauo; at ang di marunong magsimpan naman, ay malapit sa paghihirap.

Ang icalabing isang cahin~gian ay ang tacot sa Dios sapagca,t, pinagpapala nang Lan~git. Ang uica nang Dios Espiritu Santo,i, ang calolouang may tacot sa Dios, ay hinahanap at pinacamamahal at pagpapalain naman nang Dios.[46] Ang Dios ang canilang pinananaligan na magtatangcacal sa canila,i, ang mata naman nang Dios ay parating lin~gap sa nananalig at umiibig sa caniya.[47] Mapalad ang magasauang may tacot sa Dios mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa man~ga anac, mapalad hangang sa ca-apu-apuhan.

Ang icalabing dalaua,i, ang casipagan. Si Adan at ni Eva ay linalang nang Dios at paraisong puspós nang toua ang pinaglagyan sa canila, n~guni pinagutosan din na bagbaguin ang lupang iyon, at nang may pagca liban~gan.[48] Ang babayeng hinahanap at pinupuri nang haring Salomón ay ang may inin~gat na bait,[49] di ang may cagandahan at palibhasa,i, madaling lumipas,[50] cun di ang may cabanalan at may cabaitan, na sucat pagcatiualaan nang puso,[51] camahala,t, puri nang isang esposo, at dilang cayamanan na sa caniya,i, ipinamamahala nang dilang casipagan na di ang quinahihinguila,i, ang maghiyas at magpamuti nang labis na di nababagay sa caniyang calagayan cun di ang magca in~ga sa pamamahay, humanap nang lino at balahibo nang tupa na hinahabi,t, itinatalaga sa esposo at man~ga casambahay, dili cumain nang tinapay na di pinagpaguran;[52] ang babaeng itong caguilaguilalas na naghihiyas nang puri at cabaitan[53] at dilang cabutihan na sucat taglayin nang esposa at ina ay pinanguilalasan nitong pantas na hari at nauica na ualang caparis sa lahat nang babayeng anac sa Jerusalem.[54] Ang babayeng ito ay parang corona nang esposo, at palibhasa,i, iquinararan~gal sa bayan at parang camahalang taglay nang caniyang pan~galan na iquinatataas nang caniyang puri sa guitna nang caguinoohan.[55] Ang ganitong esposo ay capilitan mamahalin nang caniyang esposo at cabubuhosan nang boong pagibig pamimintuho,t, paggalang nang caniyang man~ga anac, at capalad-palaran ang ibabansag sa canilang ina.[56] Caya sa panguiguilalas nang haring Salomon, ay ipinagtatanong cung sino ang maca quiquita nang isang babayeng timtiman, na ang camahalan ay higuit sa camahalan nang lahat nang cayamanan sa mundó:[57] Mapalad, ang uica nang Dios Espírito Santo, ang lalaqui na may asauang banál.[58] Mapalad sa canilang pagsasama, mapalad sa canilang pagaanac, mahal hangang sa caapuapuhan. N~guni ang capalarang ito sa caraniuán, ay di ipinagcacaloob nang Lan~git, cun di sa lalaquing may inin~gat na cabanalan.[59] Caya ang babaye,t, lalaqui, magcaca-asaua, ay dapat capoua magtaglay nang casipagan, cabaitan at cabanalan. Sa catagáng uica,i, magsising isa magandang asal at nang magsising-isa naman sa magandang palad.

Ang icalabing tatlo, ay houag maibiguin sa malabis na pagmamariquit. Ang isang dalaga na nagnanasang magasaua, ay nauucol na magdamit nang mabuti at malinis, n~guni itutuntóng sa guhitt, sapagca paglumabis, ay maooui sa caparan~galan at pagpapa-ibig. Bucód dito nama,i, ang isang dalagang butihin ay sucat catacutan nang baguntauo, sapagca,t, ang uica ni San Basilio, ay cahit ang pilac ay maparis sa agos na pumapanhic sa bahay, ay madaling mauhos nang babayeng butihin, at sucat icapahamac nang isang lalaqui. Si Salomón ay hari na mayaman at marunong, minamahal nang bayan nang siya,i, bagong maghari. N~guni nang ang caniyang puso ay mabihag at alipinin nang man~ga babayeng butihin sa caniyang palacio, ay nabighaning sumambá sa man~ga idolo, sa pagbibigay loob. ¿Ano pa ang nangyari? Quinapootan nang bayan, dahil sa napilitang pinasaquitan ang caniyang caharian nang matataas na buis, at nang masunód ang masasamang cahin~gian nang mapagmariquit na man~ga babaye na inaalagaan. Sa lalaqui di ucol din naman ang magmariquit nang labis sa caniyang catauan at sa pamamahay; sapagca,t ipaghihirap nang asaua,t, anac.

Ang icalabing apat na cahingian ay ang babaye ay tahimic at matiisin. Ang mundó ay bayan nang dálita, na may hirap na titiisin sa magulang, may asaua,t, sa anac at dilang casambaháy. Cun ang babaye ay ualang loob na timtiman, na ipagtitiis nang hirap, ay ualang caguinhauahang cacamtan sa pagaasaua. Sapagca,t, di matutong magpuno sa pamamahay, at di maca sundó nang caniyang esposo. May man~ga babaye na cun titingnan ay naca guiguilio, at masayá ang muc-ha, at sa paquiquipagcapoua tauo ay cagandahang loob ang ipinaquiquita, n~guni sa munting, masira ang caibigán, ay ipinahahalata agad ang tinagong casamán. Ang mata,i, nanlilisic, ang in~gay nang bibig ay para nang sa campana, ang tinacáp-tacap ay parang manóc na putaquin, sa bibig ay nananambulat ang tun~gayao na anaqui,i, apóy sa himpapauid: ang man~ga babayeng ito,i, saan caya natin maipaghahalimbaua, cundi sa putacti na masaquit sumiguid, sa man~ga olopong na may tinagong camandág na talagá sa apóy sa infierno. Gayon ang uica nang ating P. J. C.: ¡oh lahi nang ahas at man~ga olopong! ¿papaano cayang macaliligtás cayo sa apóy sa infierno ó sa galit nang Dios, na nagbabalang magparusa sa inyo?

Pang-hinuhahan nang man~ga babaye ang parusang ibinibigay nang Dios sa isang babayeng palatun~gayao sa Cataluña, na sinalitá nang Señor Obispo D. Antonio Claret. May narinig, aniya aco, na isang babaye na nagtutun~gayáo, ay pinan~garalan co. Sa pan~gan~garal co i, tumahimic na saglit, n~guni nang málayo aco,i, umulit na naman. Dito,i, catacot tacot ang nangyaring parusa nang Dios. Namagá ang díla nang labis, na di macasiya sa bibig, nan~gin~ginig, at humihin~gal na tila malalagót ang hinin~ga. May tumauag sa aquin at nang mapa compisalán co, itong caaua-auang babaye; n~guni, ¡oh masamang capalaran! Hindi na nacapan~gusap, at di co naman naquitaan nang tandang pagcacaquilanlan nang caniyang pagsisisi.

Ito, Urbana, ang nacayanan nong sinipi sa man~ga casulatan na man~ga santong hatol, na ucol cay Feliza, sa iguinagayác nang loob na pagtangáp nang Santo Estado. Paquinaban~gan na na niya. Adios, Urbana—ISANG SACERDOTE.

Cun icao, Feliza, ay macapagtitiis nang hirap, macayayacap sa mabigat na cruz na pinapasán nang isang babayeng may asaua: uica co sa iyo,i, tangapin mo itong mabigát na pasán. Cun ang lahat na cabutiha,t, cabanalang hiyas nang isang babayeng timtiman na hinahanap ni Salomón at pinupuri nang Dios Espíritu Santo, ay di mo man iniin~gatan at nasusunód, ay pagsasaquitan mong sundin: uica co sa iyo,i, tangapin ang Santo Sacramento nang matrimonio. Cun si Amadeo,i, may inin~gat na bait, may tacot sa Dios, na para nang sabi mo, macapagbibigay sa iyo nang magandang halimbaua; cun icao,i, marapa ay maibaban~gon ca: cun mapasinsáy ca sa daang matouid ay maipapatnugot ca: cun inaacala mo na matimpi ang loob na maca pagtitiis nang taglay na hirap niyang mabigát na estado; cun nararamdamán mo na marunong magparaan nang mumunting casiraan at capintasan, na pilit maquiquita sa isang esposa, at palibhasa,i, babaye; cun naquiquilala mo, na ang caniyang ugali ay dili malupit cundi mabanayad at ang casiraan at capintasang taglay, palibhasa,i, tauo ay mapararaan mo: paganhing saysayin, cun nahahalatá mo na cayong dalaua,i; maca pagtitiisan, at ang mabigat na cruz, na cun sarilining pasanin ay di macacayanan, at cun pagtulun~gan ay mamagaanin: hatol co sa iyo ay ipahinuhod cay ina ang calooban mo sa caniyang calooban na si Amadeo,i, maguing esposo mo. Caya ang mabuti ay magmasid muna at magtanong tanong. Feliza ang Dios naua,t, si Guinoong Santa Maria, ang tumulong sa iyo. Adios, hangang sa isang sulat.—URBANA.