WeRead Powered by ReaderPub
Panayam ng Tatlong Binata — Ikalawang Hati cover

Panayam ng Tatlong Binata — Ikalawang Hati

Chapter 20: ELECTO
Open in WeRead

Explore more books like this:

About This Book

A series of Tagalog moral tales centers on three young men and other villagers whose choices expose the effects of indulgent parenting, obsessive displays of wealth, and personal greed. Episodes depict a ruler who mandates wealth-sharing but forbids ostentation, a poor man given wrapped gifts whose contents spark suspicion and domestic conflict, and a communal crisis when a corpse clutching a mysterious letter provokes public revelation. Interwoven vignettes rely on everyday incidents, tests of honesty, and tragic outcomes to illustrate cautionary themes about spoiling children, social inequality, and the personal cost of vanity and deceit.



ELECTO


Ito'y siyang tubo nang man~ga magulang
na sa man~ga anak ay mapagpalayaw
kahi't gumawa man niyong kasalanan
ay di binibigyan nang kaparusahan.

Kapag namihasa sa ganoong gawa
ay ulol at ulol ang nagiging samâ
at sila ang bilang na nagpapalala
nang ugaling lihis mulang pagkabata.

At kung tumanda na't saka susupilin
ang asal na gayong karimarimarim
wala nang panahon at kung pipilitin
abang nagpalayaw ang patatan~gisin.




BRILLO


May isang mag Inang sanggol n~g maiwan
ang lalaking anak nang Amang namatay
kaya n~ga't malabis yaong pagmamahal
nang Inang may iwi sa anak na hiran.

Nang katabilan pa ang lagay nang bata
na di mawatasan halos magsalita
kapag inaglahi nang kahi't matanda
ang itinuturo'y mahalay na wika.

Hanggang sa lumaki ay nakagawian
pagbigkas nang bibig ay wikang mahalay
at kahi't sa harap niyong kamahalan
ang ibinubuga'y kasalaulaan.

Di na alumana ang bagay na yaon
na katulad niyong masidhing ulupong
Ina'y isang araw nama'y nagkataon
na may panauhing nan~gagkakatipon.

Anak ay dumating na galing sa sugal
at sa pagkatalo siya'y nagkautang
pagharap sa Ina ang wika ay bigyan
siya, nang salapi't may pagbabayaran.

Ina ay tumanggi't walang ikakaya
doon sa salaping hinihin~gi niya
kamandag na in~gat nan~ga'y ibinuga
niyong tinuruang anak na vivora.

Pinaglasayan na n~g wikang mahalay
ang Ina, nang anak na walang pitagan
Ina ay nagtaglay niyong kahihiyan
sa nan~garuroong panauhing tanan.

Kaya't ang mahalay na sabi nang anak
sa bibig nang Ina'y siya ring binigkas
anak ay nagtindig na likmua'y hawak
at doon sa Ina'y siyang ihahampas.

Tanang panauhin ay dumalo naman
dahilan sa Ina na nagsisisigaw
at lubhang malakas ang pananambitan
nang nagturong Ina niyong kataksilan.

Kaguluhan nila'y kahi't naapula
kapintasan nama'y sumabog sa madla
anopa't ang lahat nang makaunawa'y
Inang sinisising uliran nang sama.

Sila na ang lubos na naging hantun~gan
nang lahat nang taksil na magmamagulang
kaya nga't nabantog ang kanilang n~galan
ay di kabutihan kundi sa kasaman.

Yaong kapalaran kung sila'y dalawin
ay di mamalagi at umaalis din
parang sinasabik sa sandaling aliw
at kung magdalita nama'y sapinsapin.

Anopa't ang lahat nang sa Mundong silo
sa maginang yao'y walang nabibigo
ginagawa nilang aliwan nang puso
yaong walang awang hirap kung bumugso.


ELECTO


Kayong Ama't Ina na palatun~gayaw
at mapagsalita nang wikang mahalay
kayo ang sa anak ninyo'y umaaral
nang lahat nang man~ga likong kaasalan.

At ang nagtuturo sa man~ga inanak
nang bagay na man~ga di karapatdapat
kayo rin sa huli naman ang lalan~gap
nang bun~gang mapait sa binhing masaklap.

Tuwa mo'y kung ano nang bata pang munti
sa pagtuturo mo nang salitang sawi
kung lumaki nama't magkaroong sanhi
ang tubo mo'y luha't pagdadalamhati.

Sapagka't kung ano ang punlang pananim
ay siya rin namang bun~gang aanihin
balang isang puno ay iyong timban~gin
kung ilang ibayong papakinaban~gin.

Kaya karampatang in~gatan ang bata
sa ano mang bagay na makasasama
dito pa't sa isang buhay man ay huag
ang ban~gis nang dusang pilit ilalagda.


BRINDO


May katuwatuwang duling na dalawa
na nagkasalubong sa paglakad nila
binati n~g isa na tatawatawa
nanan~gis kunuwang sumagot ang isa.

Wika nang isa ay anong buhay mo't
ang lakad mo'y tila malayong tutoo
tugo'y mahalaga ang lakad kong ito
at ako'y nanggaling sa isang mediko.

Napasa mediko at ano ang dahil
tugon ay ang sanhi ay sa mata natin
at hinihiling kong ang ating paningin
ay mangyari lamang kanilang baguhin.

¿Ay ano ang naging panagot sa iyo?
tugon ay wala nang daan pang mabago
kanunuan natin ang may sala nito't
naganyak nanuod doon sa Calvario.

Sa Poong kay Jesus nang nababayubay
sa Cruz, at dahil sa sala nang tanan
niyong malagot na ang hinin~gang tan~gan
sa nin~gas nang kidlat sila'y nan~gasilaw.

Hindi magkawasto ang man~ga panin~gin
at sa katakutang walang makahambing
nan~gagtatakbuhang mata'y pasuliling
at di matutuhan yaong tutun~guhin.

Katunaya'y noong si Kristo'y buhay pa
ay wala nang gaya nitong ating mata
si Kristong gagamot sapagka't patay na
sa paggaling tayo'y wala nang pagasa.

Ito ang siya kong ikinalulumbay
kailan ma't aking magunamgunam
lagay natin n~gayo'y parang tinandaan
niyong lihis nilang kagagawan.

Kundan~gan ang sila ay pakialami't
walang kaguluhang di nakikipiling
at nakikigaya pa sila marahil
sa taksil na budhing man~ga mainggitin.

Naging pakinabang sa ganoong gawa
ang tin~ging mabuti nila ay napasamâ
sampung tayo n~gayo'y pinapalibhasa
nang walang pitagang matabil na dila.

Dulo'y kundi tayo makapagpipigil
laging basagulong makikita natin
kaya wala tayong dapat na sisihin
kundi silang naging sanhi nang hilahil

Sila'y naglakad na't ang kalang makita
ay linalapita't nananan~gis sila
dahilan sa matang wala n~g pagasa
na magkapanahong sila'y gumaling pa.

Balang makaalam nang kanilang sumbong
man~ga katuwaan ay walang kaukol
ang ganoong gawa nila ay patuloy
hanggang sa kanilang bahay ay humantong.


ELECTO


Matuwid ang gayong palagay n~g duling
kung tunay na ating didilidilihin
tanang may ugaling mapakialamin
madalas maramay sa man~ga hilahil.

At sa nangyaring man~ga kaguluhan
sila'y nalalahok kahi't di kaalam
ang di umaalis sa loob nang bahay
sa sandaa'y isa kung magkagayon man.

Yaong man~ga taong gawa'y man~gutiya't
walang kilos na di pamamalibhasa
anopa't ang gayong pamamalibhasa
siyang nagkakamit nang labis nang pula.

Kaya kapatid kong man~ga ginigiliw
gayong kagagawang lihis ay alisin
at doon ay walang papakinaban~gin
kundi yaong dusa't pulang sapinsapin.

Kinakailan~gan nating pagaralan
ang turo ni Kristong kapakumbabaan
sundin ang kaniyang man~ga bili't aral
nang tayo'y masama sa payapang bayan.

KATAPUSAN