WeRead Powered by ReaderPub
Si Tandang Basio Macunat cover

Si Tandang Basio Macunat

Chapter 17: ICATLONG SULAT NI PROSPERO
Open in WeRead

Explore more books like this:

About This Book

A visitor records a series of conversations with an elderly, sharp-witted villager who recounts his life from childhood through schooling, work, and community roles. He recalls formative lessons and the strict fairness of his teacher, reflects on family duties and everyday labor, and offers practical moral counsel. Interwoven with these anecdotes are sustained reflections on language use and the pressures of Spanish influence, together with cautions about careless reading and speaking. The narrative combines personal memory, local customs, and instructional asides to weigh private experience against shifting social and linguistic circumstances.

UNANG SULAT NI PROSPERO

Minamahal, na ualang casing mahal na capatid cong Pili. Ayon sa pañgaco co sa iyo, ay sumusulat aco ñgayon sa iyo, nang matalastas mo ang aquing calagayan, at ang paquiquiramdam co dini sa Maynila.

Bagay sa calagayan co,i, maiguing-maigui ang aquing lagay. Tatlo caming magcacasamang estudiante ang natitira dito sa bahay na ito: ang isa,i, taga Paco, ang isa nama,i, taga Bulacan, at saca aco; na cung pagmasdan mo cami ay tila cami mañga tunay na magcacapatid. Cung ano ang gusto nang isa,i, siyang gusto naming lahat, na sa macatouid: ayon-ayonan cami sa lahat nang bagay.

Pangagáling namin sa clase, ay lumalayao-layao cami nang caunting oras sa mañga calzada at sa mañga paseo; at cung minsan ay napaparoon cami sa mañga pagsasayauang bahay, na dito sa Maynila,i, marami.

Ang aming casera,i, mabait na mabait, at maamong-maamo, at bihirang-bihirang nagagalit. Umaayon siyang palagui sa cagustuhan naming tatlo, at cung sacali,t, cami ay cagalitan nang caniyang santulon na asaua, ay siya ang aming tagapagtangol.

Bagay naman sa aquing paquiquiramdam dito, ¡ay caguilio-guilio cong capatid! Ang masasabi co sa iyo, na ang damdam co,i, aco ay isang pobreng bulag, na ñgayon, ngayon lamang nacamulat nang mata.

Caya, nang aco,i, bago pa dito sa Maynila,i, pinagtatauanan acong parati nang aquing mañga casama, sapagca,t, palaguing aco,i, namamañga sa aquing paglacad. ¡Uala acong di pinagtatachan, uala acong di quinatitilihan! ¡Ang mañga almacen, ang mañga tindahan; ang mañga castila, na sari-sari ang soot at pañguñgusap; at sa catagang uica, ang lahat-lahat na mañga bagay-bagay, na naquiquita co,t, napapanood co dito,i, para-parang pinagtatac-han co!

Datapoua,t, ñgayon, ay iba na ang aquing caisipan, at iba naman ang calagayan nang aquing loob. Ñgayo,i, naquiquita co, na dito sa Maynila,i, naririto ang civilizacion. Ñgayo,i, naquiquilala co, na ang ating mañga ugali diyan sa ating bayan, ay malayong-malayo sa mañga ugali nang tauong civilizado. Caya ang pananamit, ang pañguñgusap, ang paqiquipagcapouatauo, ang mañga quilos, at ang iba,t, iba pang asal nang mañga tagarito,i, malayong-malayo sa naquiquita nati,t, inaasal diyan sa canitang bayan. Ano, pa,t, cung sa aquing pagcatalastas ñgayon, ay añgat na añgat tayo sa mañga dapat asalin nang tauo dito sa lupa.

Houag cang magalit, Pili, dahilan dito mañga sinasalita co sa iyo. Cung icao sana,i, macaluluas, at macapagmamasid ca nang mañga asal nang mañga tauong taga rito sa Maynila, ay segurong-segurong sasabihin mo, na ang lahat na ipinamamalita co sa iyo, at catotohanan at hindi casinoñgaliñgan.

Inaantay co ang casagutan mo. Cung sa ganang aquin, ay ipinañgañgaco co sa iyo na maalaman mo rin sa mañga sulat co, ang aquing isinasaloob na lahat.

Comusta nang maraming-marami si tatay at si nanay, pati ibang mañga camag-anac natin. Ipagpacomusta mo aco naman cay Doni anac ni Capitang Valer, at mag-utos ca nang balang maguing calooban mo dito sa cababa-babaan mong capatid, na si Prospero Baticot.


Malaquing-malaqui; malaqui, na di ganoon lamang, ang toua,t, saya nang mag-asaua ni cabezang Dales, nang mariñgig nila ang napapalaman sa sulat nang canilang anac na si Próspero. Minamariquit nilang totoo ang mga sinasalita roon ni Proper; at ang isip nila baga,i, nacarating na ang canilang anac sa cataluctucan nang carunuñgan. Caya, habang binabasa ni Felicitas ang naturang sulat, ay ualang lagot ang agos nang canilang luha at ang tulo nang canilang lauay, gaua nang malaquing toua nang canilang puso, at lalong-lalong lumaqui ang buhos nang canilang luha at lauay, nang basahin ni Pili yaong mañga uicang civilizacion, civilizado at iba pang mañga uicang castilang nahahalo roon sa sulat.

Tumutulo ring di hamac ang luha ni Felicitas habang binabasa niya ang sulat nang caniyang capatid; datapoua,t, itong luha ni Pili ay hindi galing sa toua, cundi sa malaquing calumbaya,t, capighatian nang caniyang loob.

Ay baquit caya ganoon?, ang itatanong sa aquin marahil nang mañga bumabasa nitong casulatan. Baquit caya ang iquinatotoua nang magulang ni Próspero, ay siyang icalulumbay nang caniyang capatid?

Sasaysayin co, sa aquing macacayanan, itong mañga bagay na ito.

Ang mag-asaua ni cabezang Dales, baga man mababait na tauo, at mabubuting cristiano, na parang sinasabi co sa itaas, ay capagsabata nila,i, ualang ibang guinaua, cundi magsimba nang madalas; magcompisal sa panahon nang Santong cuaresma, magrosario na gabi-gabi sa canilang pamamahay; at ang ibang oras at arao ay tinutucoy nila,t, sinasamantala sa pagtatrabajo at sa paghanap nang pagcabuhay. At liban dito,i, uala na.

Hindi sila bumabasa-basa nang mañga libro; hindi sila palamasid sa tauo; hindi sila marurunong na maghihinala sa capoua tauo: at paniualain silang totoo. Ano pa,t, hindi marunong na cumutcot at humanap sa ilalim nang manga salita nang tunay na cahulugang natatago sa licod nang manga paimbabaong uica. Ang balat lamang ang canilang tinitingnan, at hindi nila inuusisa ang nasacailaliman. At nang sabihin co sa catagang uica: ang mag-asaua ni cabezang Andrés ay sila ang tunay na cahalimbaua nang tinatauag naming manga tagalog na manga tauosa una.

Caya, nang mariñgig nila ang laman nang sulat ni Próspero, ay lubos na lubos ang canilang paniniuala, na ang canilang anac ay nacapag-aral na nang marami sa Maynila, at hindi mandin dumaan sa canilang pag-iisip ang paghihinala ó ang pagdidili-dili man lamang, na maca sacali,t, sumama ang asal ni Próspero doon sa Maynila.

Subali,t, si Felicitas, na bucod sa cabanalan, ay pinagcalooban din nang Pañginoon Dios nang isang matouid at matalinong isip, at nang isang matalas na pag-iisip, ay naquilala niyang capagcaraca, at hinañgo niyang agad doon sa mañga salisalita ni Próspero sa caniyang sulat, na ang caniyang capatid ay lumilihis na sa matouid na daan, ó cung sana sa lumalacad, ay tumutungtong sa mañga lanay ó cumanoy. At baga man pinaglalabanan ni Pili at iniuauacsi itong masamang cutog nang caniyang loob, ay hindi rin mapagpag-pagpag niya.

Dahilan dito,i, umiiyac siyang palagui, at hindi macacain nang mahusay, at hindi macatulog nang mahimbing, caya yumayat siya,t, namutla nang di hamac; at sa di matiis na niya itong gulo nang caniyang isip at loob, ay naparoon siya sa aming Padre Cura.

Itong si Felicitas ay mahal na totoo sa aming Cura, hindi alang-alang sa cagandahan nang catauoan ni Pili, (si Felicitas ay hindi maganda, bagcus may capañgitan), at hindi naman alang-alang sa ano pa mang bagay, na may cahalong paquinabang, cundi alang-alang lamang sa cabutiha,t, cagaliñgan nang caniyang caloloua. Caya, nang matanao nang aming Cura si Felicitas, at nang mapagmasdan ang caniyang catuang anyo, ay sinalubong siya sa cabahayan nang convento, at binati nang gayon:

—Ano, baga, iyan, Pili? Ano,t, icao,i, namumutla at nañgañgalumata? Icao baga,i, nagcasaquit?

—Uala, pó; ang sagot ni Felicitas uala, pó, acong anomang caramdaman, aua nang Pañginoon Dios; at cung caya, pó, aco,i, naparito sa inyo, sapagca,t, mayroon, pó, acong ipaquiquita sa inyong isang sulat ni Próspero.

—Sumulat na pala sa inyo iyan layas na iyan? ang masayang tanong nang Cura.

—Oo, pó.

—At ano ang laman nang sulat?

—Iba,t, iba, pó; at cung caya ipinaquiquita co po, sa inyo,i, nang maalaman co sa inyo póng mahal na labi ang totoong cahulugan nang mañga sinasalita ni Próspero. Ito, pó, ang sulat; inyo, pong básahin.

Dinampot nang aming Cura ang sulat sa iniabot sa caniya ni Felicitas, binuclat niyang tuloy, binasa nang dahandahan at tiniclop uli; at bago siya macapag-uica nang anoman, ay tinanong siya ni Felicitas nang gayon.

—Ano, pó, ang inyong tiñgin diyan? Ano, pó, ang inyong sapantaha diyan sa sulat na iyan? Ipinamanhic co, pó, at ipinag-aamo-amo co póng totoo sa inyo; na cung mangyayari sa inyo póng mahal na calooban, ay sabihin, pó, ninyo sa aquin ang tunay na cahulugan nang laman niyang sulat na iyan, na nacagugulong totoo sa aquing loob at bait, buhat nang dumating sa aquing camay at basahin co.

—Umupo ca muna, ang uica nang Cura, umopo ca muna, Pili, dini sa banco, sasabihin co sa iyo ang aquing sinasapantaha dito sa sulat na ito.

Naupo na si Felicitas sa bancong itinuro sa caniya, at tuloy nag-uica ang aming Cura nang ganoon:

—Itong sulat na ito nang capatid mong si Próspero, ay cung basahin nang paimbabao; ó basahin caya nang mañga hindi nacacaalam nang mañga ugali ninyong mag-ama at magcapatid; ó basahin baga nang mañga hindi nacapagmasid nang asal nang mañga tagalog; ó basahin caya nang mañga tauong ualang sariling pag-iisip; ay segurong-segurong sasabihin nila, na itong sulat na ito,i, mariquit at matino, at ualang ibang cahulogan cundi ang magbalita si Próspero sa inyo nang caniyang calagayan sa Maynila. Datapoua,t, cung sa canita ay iba na ang cahulogan, at malayong-malayo sa sucat acalain nang ibang tauo.

Cung sa ganang aquing, ang tuloy na uica nang Cura; cung sa ganang aquing, ay sasabihin co sa iyo, na malaquing-malaqui, at masamang-masama ang cahulogan nitong sulat na ito. Gaya, sumamá man ang loob mo, ay di co ililihim sa iyo, Pili, ang napasaloob co nang basahin co; at cung caya, gayon ang aquing gaua, ay maca sacali,t, bucas ó macalaua,i, sisihin aco nang ating Pañginoon Dios, dahilan sa di co pagsasabi sa iyo nang totoong nasasacalooban co, nang icao,i, cumucuhang tanong sa aquin.

Ang hinahañgo cong lamán sa ilalim nang mañga salisalita nang capatid mo dito sa caniyang sulat, ay ang siya,i, nahuli capagdaca sa silong iniumang sa caniya nang demonio, at caya, ang dating minamaitim niya, ay minamaputi niya ñgayon; at ang dating minamaputi niya,i, minamaitim niya ñgayon ... ¡Cahimanauari, magcamali aco dito sa aquing sapantaha ó paghihinala! ñguni,t, acala co,i, hindi aco lumalayo sa catotoohanan.

Habang nagsasalita nang ganito ang aming mahal na Padre Cura, ay uma-agos ang luha sa mata ni Felicitas, caya inosisa nang Cura sa caniya ang bagay at dahilan nang caniyang pag-iiyac, at ang sagot ni Felicitas ay ganoon:

—Paano, pó, hindi aco iiyac, at iyang din, póng sinasalita ninyo, ay siyang cumacalicot na palagui sa loob co?

—Itiguil mo iyang pag-iiyac mo, Pili, at uala cang ibang macacamtan sa pag-iiyac, cundi saquit lamang nang catauoan. Ipanalañgin mo si Próspero sa Pañginoon Dios, nang siya,i, amponin at iligtas sa dilang masasama....

—Siya, pó, ang aquing guinagauang parati: datapoua,t, ibig co pong maalaman sa inyo, cung ano cayang mabuting isagot co cay Próspero diyan sa caniyang sulat.

—Cung sa natuturang pagsagot, ay marami ang maisasagot mo sa caniya; subali,t, dito sa lagay nang capatid mo, tila,i, mauaualang halaga ang lahat nang casagutan mo, maguing ano ang iyong sabihin sa caniya.

—Baquit, pó, amo,i, gayon ang inyong uica?

—Caya gayon ang aquing salita, sapagca,t, ang lagay ni Próspero sa Maynila, ay siyang-siya nang lagay nang isang olila sa ama,t, ina, at capatid at camag anac pa, na ualang macapipiguil sa caniya, at uala naman siyang quinaaalang-alañganan. Ganoon man, ay sabihin mo sa caniya, na houag baga limutin niya ang mañga pagtuturo nang magulang mo sa caniya; nahouag mauili sa mañga lamang bayan at sa maririquit na salita nang mañga quinacasama niya; na houag maparahio sa mañga cagandahan nang mundo; at iba,t, iba pang ganito, na mamatapatin mong isagot.

Napaiyac nang panibago si Felicitas nang mariñgig itong sagot at hatol nang aming Cura, at pagcamaya-maya,i, nagpasalamat siya sa Cura, humalic-nang camay at nagpaalam na. Nang dumating siya sa caniyang bahay, ay sumulat cay Próspero nang ganito:


SULAT NI FELICITAS

Caguilio-guilio cong capatid: tinanggap co ang minamahal cong sulat mo, ay cung baquit, pagcabasa co,i, napaiyac acong totoo.

Hindi co masaysay nang maigui ang dahilan nitong aquing pag-iiyac, subali,t, tila aco,i, nagcagayon, sapagca,t, ang sapantaha co sa aquing loob na mag-isa, ay icao,i, iba na ñgayon sa dati.... At acala co,i, may catotoohanan itong aquing sinasapantaha, palibhasa,i, ang hinuhugot cong lamán sa sulat mo, ay maraming bagay-bagay ang minamasama mo ñgayon, na dati-dati ay minamaigui mo, at balictad, marami ang minamaigui mo ñgayon, na dati-dati ay hindi minamagaling mo.

Dahilan dito,i, nagugulong totoo ang aquing bait, na ang uica co baga sa aquing loob na sarili ay ganito: cung si Próspero,i, nasacatouiran, aco,i, uala, at cung aco,i, siyang nasacatouiran, si Próspero,i, malayo.

Caya aco,i, nagtanong at nagtanong sa mañga nacacaalam, at inosisa co pa, sa mañga sucat cong paniualaan, itong bagay na ito, at ayon sa canilang aral sa aquin, ay masasabi co sa iyo, na tila icao, ñga,i, siyang nagcacamali, at tumutongtong sa madulas na tungtuñgan, gaua, yata, nang cahañgalan mo.

Houag cang magalit sa aquin, Proper, dahilan dito sa mañga sinasalita co, at uala acong ibang hinahañgad dito sa mañga sabi cong ito, cundi ang cagaliñgan nang caloloua mo. Caya mayroon pa acong itatanong sa iyo.

Baquit icao,i, mauiuili ñgayon sa mañga sayauan, at naalaman mong dati na ito,i, baual na baual sa atin nang ating cagalang-galang na Padre Cura? Ano,t, pinupuri mo ñgayon ang mañga quilos-quilos, at ang mañga pananamit na dati-dati ay pinipintasan mo? Ano,t, minamasama mo ñgayon ang mañga mapapayapang ugali natin dito sa bayan, at minamabuti mo ang mañga maliligalig na asal nang taga riyan sa Maynila?

¡Ay caibig-ibig cong capatid! ¡Houag cang maparaya sa demonio, na cung saan-saan iniuumang niya ang mañga silo, at binabalutan pa niya nang sari-saring maririquit, nang macahuli siyang madali nang mañga caloloua nang tauo, at maihatid niya sa infierno!

Houag cang mauili, Proper; houag cang mauili, at houag cang maniuala sa mañga iba,t, ibinabalita sa iyo, cundi mo natatanto muna, na ang nagbabalita,i, mabait na tauo, at ang ibinabalita,i, totoo at magaling.

Alalahanin mong palagui, na, cung minsa,i, sa ilalim nang mababañgong bulaclac, at maririquit na damo, ay may nagtatagong ahas, na mabisa ang camandag.

Icao,t, icao,i, siyang inaalaala cong palagui, baca gaua nang cabataan mo,i, icao ay mapahamac.

Si tatay at si nanay, at gayon din ang mañga camag-anac natin ay nagpapacumusta sa iyo nang maraming-marami. Aua nang Pañginoon Dios, ay mabuti at ualang saquit caming lahat.

Ipinagtatagubilin cong totoo sa iyo, Proper, ang pagdarasal nang Santo Rosario gabi-gabi, nang icao,i, tuluñgan at ampunin nang mahal na Virgen sa lahat na mañga pañganib.

Ang Pañginoon Dios ang mag-iñgat sa iyo at sa ating lahat, at mag-utos ca, nang balang maguing calooban mo, sa iyong caauaauang capatid, na si, Felicitas Baticot.


Tinangap ni Próspero itong sulat nang caniyang capatid, at baga man minamahal niyang totoo, sa caniyang loob na sarili, ang mañga pañgañgaral ni Felicitas sa caniya; subali,t, palibhasa,i, iba na sa dati ang carunuñga,t, caasalang umuusbong at tumutubo sa caniyang bait at calooban, ay ipinaquita niya ang sulat ni Felicitas sa caniyang dalauang casamang estudiante, na ang uica niya baga:

—Tingnan ninyo itong sulat nang capatid cong dalaga; inyong basahin, at cung mangyayari sa inyong loob, ay sabihin ninyo sa aquin, cung ano cayang mabuting isagot co riyan.

Binuclat at binasa nang taga Paco, na ang ñgala,i, Julio, at nang taga Bulacan, na ang ñgala,i, Francisco, ang naturang sulat, at sabi ni Julio cay Próspero sa uicang parian ay ganito:

Seguro este hermana de Vd. demasiado beata tambien.

At ang uica naman nang taga Bulacan na si Francisco:

—Tila,i, santulon na totoo ang capatid mo.

—Siya ñga, ang sagot ni Próspero.

Maano,i, punitin mo, Proper, iyang sulat na iyan, ang sigao nang estudianteng taga Paco. Ganoon, ang tuloy na uica niya, ganoon ang ugali nang mañga beata-beatang taga rito man, at taga bundoc. Cundi mo sila,i, parisan sa pagdadasal nang marami; cundi mo sila,i, gayahan sa pagsosoot nang carmin, nang correa, nang cordon; cundi mo gauin ang ibang mañga cabaliuang guinagaua nila,i, masama ca nang tauo. Sabihin mo riyan sa capatid mo iyan, na siya,i, magdasal nang marami; magcolacion arao-arao; magsoot nang cilisiong mula sa paa, na hangang sa ulo, at houag maquialam siya sa iyo....

—Houag naman, Proper, ang biglang uica ni Francisco; houag cang sumagot nang ganoon sa capatid mo. ¡Ito naman si Julio,i, labis na magsasalita! Sumulat ca sa capatid mo, at sabihin mo lamang natanto mo ang láman nang caniyang sulat, at susundin mo nang lubos na pagsunod. Cung ganito ang sagot mo; acala co,i, matotoua siya, at hindi ica,i, paghihinalaan nang ano pa man.

Ito at ibang mañga ganito ang pinag-uusapan niyong tatlong magcacasamang estudiante; at baga man masaquit sa loob ni Próspero ang mañga salita nang caniyang mañga casama, lalong-lalo ang mañga uinica ni Julio; at cahima,t, pinaglalabanan pa nang caniyang bait ang pagtangap niyong mañga bucang bibig na yaon, ay tinangap din niya, at umayon sa masasamang sumbong sa caniya nang caniyang mañga casunong estudiante, at alinsunod sa gayong sumbong, ay gumanti siya sa sulat ni Felicitas nang ganito:


ICALAUANG SULAT NI PROSPERO

Caibig-ibig cong capatid na si Felicitas. Natatanto co ang lamán nang iyong mahal na sulat, at susundin co, na aquing macacayanan, ang mañga aral at bilin mo sa aquin subali,t, aco,i, napatacang totoo doon sa mañga salita mo, na ang uica mo baga; na tila aco,i, iba na ñgayon sa dati; na di umano, ang sabi mo pa, ay minamaigui co ñgayon ang dati cong minamasama, at minamasama co ñgayon ang dati cong minamamaigui: na acala mo,i, tumutungtong aco ñgayon sa madulas na tungtuñgan.

Saan di aco,i, magcacaganito, capatid cong guilio? Di baga sinabi co sa iyo sa nauna cong sulat, na, cung sana sa bulag, ay ñgayon lamang nacamulat aco, nang mata, at nacaquiquita nang maliuanang? Caya houag cang magalit sa aquin, Pili, cung iba ñgayon sa dati ang mañga catouiran at caugalian co, sapagca,t, ñgayong lamang luminao ang aquing pagtiñgin, na dati-dati ay malabo.

At cung ipahahayag co sa iyo ang totoong-totoong nasasacalooban co ñgayong oras na ito,i, sasabihin co sa iyo na hindi lamang hindi aco tumutongtong sa madulas na tungtuñgan, cundi bagcus uiuicain co sa iyo, na aco,i, nasasacatuoiran, at icao,i, uala.

Acala co,i, cung caya gayon ang salita mo ay sapagca,t, hindi icao,i, nacaaalis-alis diyan sa ating bayan; hindi icao,i, nacaquita-quita nang asal nang caramihang tauo; hindi icao,i, nacariñgig diñgig nang mañga bali-balita nang mañga bagay-bagay na nangyayari dito sa mundong ito. Caya minamasama mo ang mañga tauong hindi nagsisimba arao-arao, at hindi nagdadasal nang marami, ó hindi caya gumagaua nang mañga devosiong inuugali mong gauin; ñguni,t, hindi mo iniisip, na ang tauo,i, namamatay sa capighatian nang loob, cundi siya,i, lumayao-layao na miminsan-minsan sa mañga catouaan at casayahan.

Cung sa iyo, ay ituloy mo,t, ituloy ang iyong dating caugalian, datapoua,t, houag mo acong paghihinalaan sa anomang bagay, at marunong na acong cumilala ñgayon nang magaling at nang masama.

Houag mong masamain, Pili, itong aquing mañga salita, na hindi ñga masasama, baga man hindi mo pa rin natatalastas na maigui, gaua nang caquitiran at caiclian nang mañga itinuturo sa atin diyan sa canitang bayan.

Ibig co sanang dumating agad ang panahon nang pagvavacasion namin, nang aco,i, macapagsaysay sa iyo, nang maliuanag na maliuanag, nitong mañga bagay na ito, na, segurong-seguro,i, minamasama mong totoo ñgayon.

Cung may aua ang Pañginoon Dios, ay darating din ang tadhanang arao na ninanasang totoo nang loob co at saca tayo,i, macapagsasalita, at macapag-uusap nang balang nasasaloob natin.

Ipagcumusta mo aco cay tatay at cay nanay at sa lahat na, at sabihin mo cay nanay, na malacas ang pagtaba co,t, palagui dito sa Maynila. Ipagcomusta mo naman aco cay Doni, at mag-utos ca nang balang macacayanan nang mababa mong capatid na si, Próspero Baticot.


¡Sabihin pa ninyo, mañga bumabasa nitong historiang ito, ang pagnanañgis ni Felicitas, nang matanto niya ang napapalaman dini sa sulat na ito! Dibdib niya,i, ibig pumutoc sa malaquing capighatiang nasisilid doon; ang luha niya,i, ualang lagot; ang caniyang hicbi ay suson-suson; at uala siyang ibang sucat busan nang loob, cundi ang caniyang Cura at Confesor, ay doon ñga naparoon nang quinabucasan niyong pagtangap niya nang sulat ni Próspero.

Totoo ñga, na si Pili ay may ama at ina, subali,t, itong caniyang magulang, ay parang baliu ang tayo. Namamañga sila sa paquiquinig nang mañga minamariquit nilang salita ni Próspero sa caniyang mañga sulat, at hindi lamang hindi nila masabi, cung yaong mañga salitang yao,i, mabuti ó masama, cundi, ang masid ni Felicitas, ay minamaigui nila ang lahat, at doon ang quiling nang canilang loob, caya hindi siya sumanguni sa caniyang magulang.

Naparoon, anaquin, si Felicitas sa convento, at halos hindi pa nagbigay siya nang magandang arao sa aming mahal na Padre Cura, ay napaiyac siya at napasigao nang catacot-tacot.

Nagulat ang aming Cura, at agad-agad inusisa niya cay Pili ang bagay at dahilan nang caniyang pag-iiyac at pagsigao; at sa di macasagot at macapañgusap itong si Felicitas, gaua nang pananaghoy, na ga nacahahalang at nacasasara nang caniyang lalamunan, ay iniabut niya sa Cura ang sulat ni Próspero, na taglay niya.

Dinampot nang Cura ang naturang sulat, binuclat niya,t, binasa, at capagcaraca,i, naquita niya ang mabisang camandag na nagtatago sa ilalim nang mañga salita ni Próspero sa caniyang sulat; at tuloy nag-uica cay Felicitas nang ganito:

—Itiguil mo iyang pag-iiyac mo, Pili, at sinabi co na sa iyo, na, uala cang ibang masasapit diyan sa pag-iiyac mo, cundi isang mabigat na saquit.

Talastas co ñga, na ang lagay nang capatid mo,i, sucat icasindac at icaiyac mo, sapagca,t, masamang totoo ang caniyang tayo. Subali,t, pacacatantoiun mo naman, na ang gamot na quinacailañgan ni Próspero, ay hindi mo macucuha sa pag-iiyac.

Ang cahalimbaua nang capatid mo, ay isang puno nang cahuy, ó isang macetas caya, na itinatanim sa masama,t, pacat na lupa, na diliguin mo ma,t, diliguin maya,t, maya, ay hindi lumalago, at di man nanariua, cundi bagcus nalalanta, at tila,i, naghihimatay, at camatayan ding ualang sala ang caniyang casasapitan, cundi mo isalin, ang naturang cahoy ó macetas, sa ibang matabang lupa, na cahiyang niya.

Iyan din, pó, ang imic ni Felicitas, iyang din, pó, ang nasasaaquing calooban; subali,t, pó,i, mahirap na mahirap ipatalastas sa magulang co itong bagay na ito; palibhasa,i, ang boong acala at ang boong asa nila,i, si Próspero ay umiigui,t, umiigui, at hindi sumasama sa caniyang dating lagay nang caloloua,t, catauoan. Caya, pó, ipinamamanhic co sa inyo, na, cung baga,i, mangyayari sa inyo póng loob, ay pañgaralan, pó ninyo ang tatay at ang nanay co, at sabihin, pó, ninyo sa canila, paouiin na nila dito si Próspero.

—Oo, ang sagot nang Cura, oo, gagauin co,t, sasabihin co sa magulang mo iyang lahat nang iyan; ñguni,t, hindi co maipañgaco sa iyo, na macacamtan natin ang ating hinahabol, sapagca,t, ang damdam co,i, matigas na totoo ang loob nang tatay mo tungcol sa bagay na ito.

—Ang damdam co, pó,i, ang lalong mahirap na pabaliquin loob ñgayon, ay si nanay; at caya, pó, ganoon ang aquing salita,i, sapagca,t, ang pagmamasid co, po,i, natotoua nang labis na toua ang aquing nanay, nang basahin co ang mañga sulat ni Próspero, na iniñgatan niya, at pinababasa sa aquin nang madalas.

—Ating atuhan, ang uica nang Cura, ating atuhan. Ñgayo,i, umoui ca na, at houag cang umiyac, at houag mo namang alalahanin itong mañga bagay na ito. Sundin mo lamang ang una cong hatol sa iyo, na sa macatouid: ipanalañgin mo sa ating Pañginoon Dios ang capatid mong si Próspero nang siya,i, iadiya,t, iligtas sa dilang masasama, at ang Panginoon Dios na ang bahala.

Nagpaalam na si Felicitas, at nang dacong hapon niyong ding arao na yao,i, nagpasial ang aming Cura, at naparaan sa tapat nang bahay nina cabezang Dales.

Nang magdaan ang aming Cura sa calzada ni cabezang Andrés, ay nagcatong gumagaua-gaua ang mag-asaua ni cabezang Angi sa silong nang canilang bahay, at pagcatanao nila sa Cura, ay lumabas ang mag-asaua sa calzada, sinalubong ang Cura, hinalican nang camay, at pinaraan pa siya sa canilang bahay. Pinasalamatan sila nang Cura, at nagdahilan, na siya,i, maglalacad-lacad pa; subali,t, tumiguil siya, at nagcocono-conouari siya,i, nanonood nang mañga bulaclac na tumutubo sa loob nang bacuran nang canilang solar, at nagtanong sa naturang mag-asaua nang iba,t, ibang tungcol sa mañga bulaclac at ibang mañga pananim, na natanao doon; at caalam-alam nila,i, ang uica nang aming Cura:

—¡Seguro,i, si Próspero ang nagtanim niyang mga halaman na iyan!

—Siya ñga, pó, ang sagot ni cabezang Angi, siya ñga pó; sila póng dalauang magcapatid ni Pili ang nagtanim niyang lahat na mañga halaman na iyan.

—At ano caya, ang malamán na tanong nang Cura, ano caya ang lagay ni Próspero sa Maynila?

—Mabuti, pó, ang bigla,t, sabay na sagot nang mag-asaua ni Dales, mabuti, pó, aua nang Pañginoon Dios.

—¿Ay ano baga, hindi caya sumamá roon ang caniyang dating mabuting ugali?

—Ang damdam, pó, namin, ang sagot ni cabezang Angi, ang damdam, pó, namin, ay hindi siya sumasamá, cundi umiigui pa, pó, sa dati.

—Salamat, cung ganoon, ang uica nang Cura, salamat, cung ganoon, subali,t, iba ang aquing balita.

—¿Ano, pó, ang iyong balita? ang tanong nang mag-asaua.

—Ang balita co,i, masama na ñgayon ang caniyang ugali.

¡Segurong-seguro, pó, ang sigao ni cabezang Angi, segurong-seguro, pó,i, ang nagbalita sa inyo niyan ay ang amin pong Felicitas!

—Masasabi co, ang tugon nang Cura, masasabi co ang mañga nariñgig cong balita; datapoua,t, hindi co dapat ituro, cung sino-sino ang aquing quinaringgan. At nang sabihin co sa inyo ang totoo, ay pacatantoin ninyo, na masamang-masama ang tayo ni Próspero. Narahio siya capagdaca sa mañga hibo nang mundo at nang Demonio, at cundi ninyo paalisin, pacatalastasin ninyong maigui, cundi ninyo paalisin agad-agad siya sa Maynila, at paouiin dito, ay masama ang casasapitan niya, at masama naman ang casasapitan ninyo. Hindi aco manhuhula; subali,t, tila,i, hindi aco nagcacamali sa panghuhula cong ito.

Nang nariñgig nang mag-asaua ni Dales itong salita nang aming Cura, ay napaiyac sila capoua, at pagcamayamaya,i, nag-uica si cabezang Andrés nang ganito:

—Maca, pó amo, iyang mañga balitang iyang dumating sa inyo,i, hindi totoo; at talastas, pó, ninyo, na, cung minsan, ang gangabutil nang palay, ay ginagaua nang mañga bibigang tauo na casinglaqui nang latore nang ating Simbahan.

—Totoo iyang sinasabi mo, Andrés, at siya ñga ang caraniua,t, cadalasang nangyayari dito sa mundong ito: subali,t, cung sa ganang aquing, ay masasabi co sa inyo, na ang lahat na mañga ibinabalita co sa inyong tungcol cay Próspero, ay hinañgo co,t, sinimot sa mistula,t, tunay na bucal. Caya, cayo nang bahalang sumunod ó sumuay sa hatol co sa inyo, na paouiin ninyo baga, at patirahin dito sa bayan ang inyong anac.

—Baquit, pó, hindi, ang sagot ni cabezang Andrés, baquit, pó, hindi namin susundin ang inyong hatol? Asahan, pó, ninyo, na cung totoo ang ipinamalita, pó, ninyo sa amin, ay agad-agad cucunin co si Próspero sa Maynila, at ipagsasama co, pó, rito.

Nagpaalam na ang Cura, at ang uica,i, siya,i, maglalacad-lacad pa. Humalic uli nang camay si Dales at si Angi, at yumaon na ang Cura....

Dito, pó, ang uica ni tandang Basio sa aquin, dito, pó, sa binabasa co ñgayon, ay mayroong isang nota.

—Inyo póng basahin, ang sagot co.

—Ang nota pong sinulat nang tatay co,i, ganito:

Marami ang sucat cong ipagpuri sa tinuran cong Padre Cura namin; ñguni,t, ang iquinatotoua cong totoo sa nasabing Padre, ay ang caniyang ugali, na magsabi sa sangnaliuanag, at ualang palico-licong salita, nang totoong nasasacalooban niya, ó inaabot nang caniyang pag-iisip, na ualang binubucod siyang tauo.

Cunan ninyo siya nang sanguni sa ano pa mang bagay, at capagcaraca,i, sasabihin niya sa inyo, na yaong isinasanguni ninyo sa caniya,i, mabuti ó masama, ó cung dili caya, ay uiuicain sa inyo, na hindi quinacaya nang caniyang pagiisip ang paghatol sa inyo nang mabuti at matouid, tungcol doon sa bagay na isinasanguni ninyo sa caniya. At dito sa mañga paghatol niyang ito,i, hindi inaalumana niya, cung yao,i, icagagalit ninyo, ó icasasama nang loob ninyo sa caniya. Na sa macatouid; ang totoo at tapat ang inihahatol niya sa inyo, na ualang caalang-alañganan ni sa inyo, ni sa ca niya ni sa canino man.

—Hangan dito, pó, ang nota, ang sabi ni tandang Basio. Ñgayon, pó, aniya, ñgayon, po,i, cung gusto ninyo, ay itutuloy co, pó, ang aquing binabasang salita nang tatay co.

Ituloy, pó, ninyo, ang aquing sagot.

Nang umalis ang aming Cura, at maiuan nang mag-isa ang naturang mag-asaua, ay nag-uica si cabezang Angi sa caniyang asaua nang ganito:

—¿Ano baga, Dales? Totoo caya ang ipinamalita sa atin nang ating Cura?

—Ayauan co baga; subali,t, ang ating Cura ay hindi nagpapatotoo nang hindi natatanto niyang totoo. Ito lamang ang masasabi co sa iyo.

—¿Ay ano caya ang mabuti nating gauin, dito sa ating lagay?

—Ayauan co, ang sagot ni cabezang Andrés, ayauan co sa iyo. Icao ang bahalang mag-isip, cung ano caya ang mabuti diyan.

—Ang naisipan co, ang uica ni cabezang Angi, ang naisipan co,i, sumulat sa lihim cay Proper, at mag-usisa sa caniya, cung totoo, ó hindi totoo itong balitang dumating sa atin, at doon sa caniyang sagot, ay mahahañgo na natin ang dapat nating paniualaa,t, gauin.

—Ay siya, ang sagot ni Dales, ay siya, magpasulat ca na cay Pili, nang matanto nating madali itong mañga bagay na ito.

—¡E, é!, ang sigao ni Angi, ¡é, é!, hindi co ipagagaua cay Pili ang sulat na naisipan co.

—¿At ano?, ang tanong ni Andrés.

—Sapagca,t, ang damdam co,i, ang ating Pili ay caayon nang Cura, at ang Cura,i, caayon ni Pili, tungcol dito sa mañga locong balitang ito.

—Cung ganoon, ay icao ang bahalang magpagaua sa canino man niyang sulat na iyan.

Aco na ñga ang bahala, ang sagot ni Angi; houag cang mag-alaala.

Hindi co inusisa, at hindi co rin nabalitaan, cung sino caya ang sinuyo ni cabezang Angi, ó inupahan niya baga, sa paggaua nang caniyang sulat; datapoua,t, naalaman co, palibhasa,i, binasa co rin, naalaman co, anaquin, na ang laman nang nasabing sulat ay ganito:


SULAT NI CABEZANG ANGI

Caibig-ibig na ualang casing ibig cong anac. Cahimanauari datnan ca nitong aquing sulat, na ualang sacunang anoman sa caloloua,t, catauoan; cami naman dito, aua nang Pañginoon Dios, ay mabuti caming lahat.

Ang bagay at dahilan nang pagsulat co sa iyo, iniirog cong anac, ay nang maalaman co sa iyo rin, cung totoo, ó dili caya ang balitang dumating sa amin nang tatay mo; na di umano,i, icao ay panoo,t paganoon; na icao ay iba na sa dati; na ang ugali mo ñgayon ay malayong-malayo sa inuugali mo rito, at iba,t, iba pa.

Houag mong ilihim sa aquin, anac cong guilio, ang totoong asal at tayo mo riyan. Ipaquita mo, at ipahayag mo sa aquin ang balang iniisip mo, ang balang nasasacalooban mo, ang balang ginagaua mo, nang maalaman co ang totoong calagayan nang caloloua,t, catauoan mo, nang cata,i, gamutin ó hatulan nang matouid, cung baga,i, quinacailañgan mo ang hatol ó gamot.

Inaasahan namin nang tatay mo ang casagutan mo dito sa aquing sulat; subali,t, houag mong ilagay sa taquip nang sulat mo ang pañgalan ni Pili, cundi ang pañgalan co, ó ang pañgalan nang tatay mo.

Y no mas. Ang ating Pañginoon Dios,ang mag-iñgat sa iyo. Sumagot ca nang madali sa masintahin mong ina, na si Maria Dimaniuala.


Hindi aco marunong; hindi aco nag-aaral sa Maynila nang anoman; uala acong naalaman cundi bumasa at sumulat nang caunti; ang calabao ay siya ang aquing quinacasamang palagui; ñguni,t, gayon man, ay sa inaabot lamang nang aquing caunting pag-iisip, ay talastas co na cung ang tauong may casalanan, ay siya mong tanuñgin tungcol sa caniyang casalanan, ay itatatua niyang agad, (at siyang caraniuang naquiquita natin); ó cung dili caya, ay babauasan niyang ualang sala ang caniyang caculañgan.

At ito ñga ang nangyari cay Próspero. Inoosisa ni cabezang Angi sa caniya ring anac, cung totoo ó hindi totoo, na siya,i, (si Próspero baga), macasalanang tauo, at ang sagot ni Próspero, na siya,i, hindi macasalanang tauo.

¡Pagcalaqui-laquing camalian nina cabezang Angi dito sa pag-uusisang ito!

Ang pagcaalam co,i, na cung dito sa mañga cataonang ito,i, hindi dapat tanuñgin ang may catauoan, cundi ang ibang tauong may tapat na loob.

Itutuloy co uli ang pagsasalita nang mañga nangyari sa mag-anac ni cabezang Dales.

Tinanggap ni Próspero ang sulat nang caniyang ina; binasa niyang minsan, macalaua, macaitlo pa; guinunamgunam niyang maigui ang nañgapapalaman doon; at natulig siyang tuloy. At sa di maisip niya, cung ano cayá mabuting sagot sa caniyang ina, ay isinanguni naman niya itong bagay na ito sa caniyang mañga casamang estudiante.

Binasa ni estudianteng Francisco ang sulat ni cabezang Angi, at inabot niyang tuloy cay Julio, at pagcabasa nitong si Julio ang naturang sulat, ay nagtauataua siya, at ang uica cay Próspero.

—¡Mahirap ang tayo mo Proper!

—¿At ano? ang tanong ni Próspero.

—Sapagca,t, ang damdam co,i, marami ang nanunuboc at nagbabantay sa iyo. Subali,t, cung ibig mong sundin ang ihahatol co sa iyo, ay....

—Susundin co, ang biglang uica ni Próspero susundin co nang lubos na pagsunod, cung baga,i, matouid at tapat ang hatol mo sa aquin.

—Cung ganoon, ang ulit ni Julio, cung ganoon ay ito na,t, paquingan mo ang talaga cong sasabihin sa iyo. Ang pagcatalastas co, aniya diyan sa mga sulat nang nanay mo at nang capatid mong dalaga, ay ang sila,i, mañga beata-beatahan na hindi nila naalaman cung alin caya ang canilang canang camay, at para-parang natatacot sila, na maca icao,i, mapahamac dito sa Maynila, sapagca,t, ica,i, malayo sa canila, at hindi icao,i, naqui-quita nila. Dahilan dito,i, ang ano-anomang balitang dumarating sa canila tungcol sa iyo, ay cahima,t, gangabutil nang bigas lamang, ay guinagaua nilang ganga calabao nang laqui....

—¿Ay ano, ang tanong ni Próspero, ay ano caya ang dapat cong isagot sa canila?

—¡Apurado ca naman! ang sigao nang taga Pacong estudiante, ¡apurado ca naman!, hindi pa tapos ang aquing sinasalita, at nagtatanong ca na. Paquingan mo, hombre, ang tuloy na salita ni Julio; paquingan mo, hombre. Diyan sa mañga sulat nang nanay mo, at nang capatid mo, ay hinahañgo co,t, ga naquiquita co, na sila,i, ualang malisia at paniualaing totoo, caya ang hatol co sa iyo,i, ganito:—Sumulat ca sa canila, at sabihin mo lamang, na ang ugali mo ñgayo,i, mabuti at mabuting-mabuti pa sa dati; at asahan mo, na sila,i, maniniuala sa iyong sabi, at matutoua pa sila nang di biro-biro.

¡Tusong-tuso, ang uica nang estudianteng taga-Bulacan, tusong-tuso itong si Julio! Sundin mo ñga, Proper, ang caniyang hatol, na acala co,i, maigui; at bucod dito,i, cung ganoon ang sagot mo sa canila, ay hindi icao,i, paghihinalaan nang mañga nanay mo.

Umayon mandin si Prósper sa hatol nang mañga casama niya; at sumulat cay cabezang Angi nang ganito:


ICATLONG SULAT NI PROSPERO

Caibig-ibig at cagalang-galang cong ina: Tinangap co, pó ang minamatamis cong sulat ninyo, at nang aquing pong basahin, ay nalumbay na totoo ang aquing calooban.

Guinugunam-gunam co, póng maigui ang laman nang inyong sulat, at pinagbubulay-bulay co, po, cung ano,t, anong guinagaua co rito sa Maynila; at sa uala acong naalamang masamang guinagaua co rito, ay iniisip co, pó, cung sino caya ang baliu ó maopasalang tauong nacasira nang inyo póng mahal na capayapaan nang loob, nang pagbabalita sa inyo nang mañga sinoñgalin at maling balita, at uala rin, pó, acong maisip, na sucat cong pagbingtañgan; caya, po, ang totoo ang sasabihin co sa inyo.

Aco, pó, nanay, ay ualang guinagaua ditong masama, at ang ugali co, pó, ñgayo,i, hindi masama sa dati, cundi, acala co,i, maigui pa, pó, sa roon, palibhasa, pó,i, ñgayon, ay tumatalas-talas ang aquing pag-iisip, at lumilinao-linao ang aquin pong bait, at naquiquilala co, pó, ñgayon ang magaling at ang masama, na dati-dati di co, pó, nababatid.

Ang pag-aaral ay siya co póng pinagsisipagan, at uala, pó, acong ibang calibañgan, cundi ang paglacadlacad, na maminsan-minsan, sa mañga paseo at sa mañga calzada, pagcatapus nang aquing mañga obligacion.

Caya, pó, ipinamamanhic co, pó, sa inyo, nanay, na houag baga maniuala cayo sa mañga sabi-sabi nang mañga tauo, na ang cadalasan pó,i, naninira sila nang puri nang capoua tauo, gaua lamang nang canilang capanaghilian, ó casamaan nang ugali, ó nang canilang cahañgalan caya.

Ipagpacomusta, pó, ninyo aco cay tatay at cay Pili, at sa lahat nang camaganac at caquilala natin, at mag-utos, pó, cayo nang balang nasa inyong mababang lincod at masintahing anac, na si Próspero Baticot.


Di masaysay ang toua,t, saya ni cabezang Angi nang mapagtalastas niya ang cahulugan nitong sulat nang caniyang anac.

Tingnan mo, tingnan mo, ang uica niya sa caniyang asaua, tingnan mo Andrés, itong sulat ni Proper, at diyan maalaman mo ang totoong calagayan nang anac ta. Diyan lamang aco,i, naniniuala, sapagca,t, ang ating anac na iyan, ay hindi magbubulaan sa aquin. Caya sa maniuala ca,t, sa dili, ay sasabihin co sa iyo, na ang lahat na ibinabalita sa canita nang ating Cura, ay purong cagagauan ni Pili, na ang isip niya baga,i, tayo,i, para-parang masasama, at siya lamang ang maigui....

—Tiguilan mo iyang balita mong iyan, Angi, ang biglang sagot ni cabezang Dales, na tila,i, may cahalong galit; tiguilan mo iyang salita mong iyan, Angi, at houag mong pagbintañgan si Pili at houag mo siyang siraan nang puri. Ang ating Pili, ay hindi marunong magsinungaling, hindi marunong magbintang sa capoua tauo, hindi marunong mag-upasala; at cung baga sacali,t, siya,i, nagsalita sa iyo nang anomang bagay tungcol cay Proper, ay asahan mo, na iyan, ay hindi gaua nang casamaan nang loob ni Pili, cundi gaua lamang nang cahigpitan nang caniyang conciencia, ó gaua caya nang catalasan nang caniyang pag-iisip, na umabot sa hindi ta maabutan. ¡Salamat nang maraming-marami sa ating Pañginoon Dios, cung ang lagay nang caloloua,t, catauoan ni Proper ay maigui na para nang ninanasa mo,t, ninanasa co naman!, subali,t, houag mong paguicaan si Pili nang caunti mang uicang masama. ¡Marahil siya,i, nasa catouiran, at cata,i, malayo!

Pagcariñgig ni cabezang Angi nitong mainit na salita nang caniyang asaua, ay tumicom na siya, at mula noon, ay hindi pinag-usapan nila si Próspero, at hindi man sinambit nila ang caniyang pañgalan.

Ñguni,t, lumacad ang panahon, at sumapit ang arao na tadhana nang pagvavacacion; at ito na si Próspero, na dumating dito sa bayang sacay sa isang maganda at mariquit na cabayong may paso, na ipinasalubong sa caniya ni cabezang Angi doon sa Cainta. Uahi ang bohoc, quiling ang sombrero, mapuñgay ang tiñgin, maputi at matigas ang salaual at baro, botitos ay maquintab at maquipot, at pinañguñgusapan pa niya ang cabayo sa uicang castila.

Nagtatanuñgan sa plaza, cung sino caya yaong lalaquing dumaan doong matigas ang soot, at mabilis na parang quidlat ang tacbo nang cabayong sinasaquiyan niya; at ang mañga dalagang taga rito sa Tanay, na may pagcaosiosa nang labis, ay silang una-unang nagtatanuñgan at nagsasagutan.

—Iyan, pó, ang uica nang isa, ay ang anac ní cabezang Angi.

Iyan, pó,i, si Proper, na taga Ilaya, ang sagot nang iba.

—Iyan, pó, ang sagot nang caramihan, iyan, pó,i, ang estudianteng anac ni cabezang Dales.

—Iyan, pó, ang capatid ni Pili, ang sigao nang iba.

—Iyan, pó, ang uica naman nang isang dalaguitang naroroon sa plaza, iyan, pó,i, si "Batícot na cabanal-banalan", cung tauaguin naming mañga bata doon sa ilaya.

Pababayaan co itong mañga salitang ito, at sasabihin co lamang, na ang toua ni cabezang Angi ay lumalo nang di hamac sa dati, nang maquita niya ang anyo at quilos nang caniyang anac. Ualang di iquinatotoua niya cay Próspero. Ang caniyang lacad; ang pagsasalita; ang pagcudunday-cunday, at ang cabutingtiñgan pa sa pananamit, ay para-parang minamahal at pinupuri ni cabezang Angi. Caya pagpanaog ni Próspero sa bahay, ay tinatanao at tinatanao nang caniyang ina na hangan sa inaabot nang caniyang mata.

Subali,t, iba,t, iba ang lagay nang calooban nang isa,t, isa sa bahay ni Dales, at siya cong sasalitain ñgayon.

Ang tayo nang loob nang mag-anac ni cabezang Dales sa panahong yao,i, ganito:

Si cabezang Andrés ay nagmamasid na totoo cay Prospero, datapoua,t, namamalisa siya,t, hindi natututong mamintas ó magpuri caya sa ugali niya.

Ang puso ni cabezang Angi ay gaibig pumutoc, gaua nang malaquing toua niya, at ualang-ualang di ipinupuri niya sa caniyang anac.

Ang totoong caaua-aua,i, si Felicitas, at caya ganoon, sapagca,t, ñgayo,i, naquiquita na nang caniyang mata, at naririñgig nang caniyang taiñga, ang dati-dati ay sinasapantaha niya lamang at pinaghihinala. Caya ang cadalamhatian nang caniyang loob, ay lubhang mabigat. At saan di magcacagayon? Pinagmamasdan niya ang mañga ugali,t, asal ni Próspero, ay naquiquita niya, na pagcaguising nang caniyang capatid cung umaga, ay naghihilamus siya nang mahabang oras, linilinis niya ang caniyang ñgipin, sinusuclay ang buhoc at pinapahiran pa nang mañga pomada, sinasabon ang camay nang mababañgong sabong caniyang dala, at pagcatapos, ay magbibihis nang bago, cahima,t, malinis at matigas pa ang damit nasacaniyang catauoan, at tuloy nananaog, at gagalagala cung saan-saan, hangan sa siya,i, nagugutom. Pagcacain ay sulong na naman, na hindi siya tumitiguil sa bahay, cundi sa oras nang pagcain, at hindi sisipot cung gabi, cundi hating gabi na, at hindi maquiquipagrosario, at hindi naman tumutulong siya nang caunti man lamang sa caniyang ama, at hindi man naquiquialam ó nagtatanong-tanong tungcol sa pamamahay ó pagcabuhay nang magulang, na ualang-uala siyang guinagaua, cundi lumigao arao,t, gabi sa mañga dalagang nababalitaang maganda dito sa bayan, at siya na.

Saan di, anaquin, magcacagayon si Felicitas, at bucód sa mañga sinasalita co na, ay naquiquita rin niya, na ang pagsisimba man nang caniyang capatid, cung Domingo at piestang pañgilin, ay catua?

At totoo ñga. Cung magsimba si Prospero sa mañga lingo at mañga piesta, at tatayo-tayo siya sa pinto nang simbahan, (na siyang huling pumasoc at unang lumabas); at sinisilip-silip niya ang mañga dalagang dumaraan sa caniyang harap, at sinasabugan pa niya nang mañga uicang bulaclac, na cahalay-halay paquingan saan man, at lalong-lalo na sa mañga lugar na yaon.

At hindi lamang ito, cundi, pa naman, sa pagsasalitaan nilang dalauang magcapatid, ay hinañgo ni Felicitas na malinao na malinao, na mali at sinsay sa catouiran ang pag-iisip ni Próspero tungcol sa maraming bagay na ucol sa caloloua.

Itong lahat na ito, inuulit cong sabihin, ay naquiquita at pinagmamasdan ni Pili, at siyang iquinalulumbay na totoo nang caniyang loob, at iquinasisiquip nang caniyang dibdib.

Pagcatapos nang pagvavacasion ni Próspero, ay lumuas siyang uli sa Maynila, nang maituloy ang pag-aaral. Subali,t, hindi na pinañgatauoanan niya ang pag-aaral, cundi ang pagligao lamang, ang pagsusoot nang maririquit, at ang paglayao niya sa mañga catouaan dito sa mundo.

Dahilan dito sa mañga inougali ni Próspero doon sa Maynila, ay nagcautang siya nang marami, at nang dumating ang arao nang pag-eeksamen, ay nagkaroon siya nang nota nang reprobado.

Ñguni,t, itong lahat na mañga bagay na ito,i, inililihim niya,t, ipinagcacaila sa caniyang magulang; at nang siya baga,i, macabayad nang ibang mañga utang niya, ay sari-saring idinadaing at ipinagdadahilan sa caniyang ina sa mañga lihim na sulat, nang siya,i, padalhan nang caunting salapi.

Pinaquiquingan ni cabezang Angi ang mañga caraiñgan nang caniyang anac, at dala nang aua, (nang isang falsong aua), ay pinadadalhan din si Próspero nang caniyang ina nang salaping hinihiñging pagtago sa caniyang asaua at cay Felicitas; at dahilan dito sa falsong aua ni cabezang Angi sa caniyang anac, ay lalong-lalong nagmamalaqui si Próspero at nagmamayaman doon sa Maynila, at lalong-lalong nañgañgahas siya, at lalong-lalong nalulubog siya sa lanay, na dati niyang quinatutungtuñgan.

Hindi co iisaisahing salitain ang lahat nang cabañgauang guinaua ni Próspero doon sa Maynila, at mapapacahabang totoo itong aquing casulatan, caya lalactauan co ang marami, at sasabihin co lamang na si Próspero,i, nagtumira nang apat na taon sa Maynila, at liban sa naunang taon, ay uala na sa caniyang loob ang pag-aaral, cundi ang pagmamalibog: na hindi man pinaquiquingan niya ang pañgañgaral at pagbabala sa caniya nang caniyang catedrático, at cung caya nagcaroon siya nang nota nang reprobado na tatlong taong sunod-sunod. At bucod dito,i, nagcautang siya nang maraming calapastañganan, na linilisan cong talaga. Ñguni,t, itong mañga casalanan niya, ay hindi lamang hindi pinamamalayan niya sa caniyang magulang at mañga camaganac, cundi bagcus ay sari-saring paraan at susong-suson na cabulaana,t, casinoñgalingan ang caniyang guinamit, nang houag baga mahalata nila ang masama at cahabag-habag na calagayan niya. At gayon din ang caniyang guinaua, nang houag siyang cagalitan nang magulang dahilan sa hindi pagvavacasion niya dito sa Tanay nang dalauang tauong magcasunod.

Datapoua,t, palibhasa,i, sa ating Pañginoon Dios ay ualang sino, at palibhasa nama,i, ang lahat na mañga bagay-bagay dito sa mundong maraya,i, may catapusan; ay dumating din cay Próspero ang tadhanang arao, at dinaquip siya nang Justicia, at piniit sa bilangoan, dahilan sa mañga utang, at iba,t, ibang mañga cabaliuang guinaua niya sa Maynila.

Itong lahat nang ito,i, nagcataon sa catapusan nang icapat na taong magmula nang si Prospero,i, nag-aaral sa Maynila at casalucuyang siya,i, inaantay nang caniyang magulang dito sa Tanay, alinsunod sa caniyang pangaco, na siya,i, paririto at magvavacasion dini sa caniyang bayan.

Calumbay-lumbay ang nangyari sa mag-anac ni cabezang Dales dahilan dito. Tinangap nila ang isang sulat ni Próspero, at doon itinutucoy niya ang arao nang pag-alis niya sa Maynila, na patuñgo rito.

Malaqui ang toua nilang lahat nang mabalitaan nang ganoon, subali,t, ang toua ni cabezang Angi, nang matanto niya ang napalaman sa sulat ni Próspero, ay lumalo na di hamac sa lahat, palibhasa,i, mayroon nang tatlong taong di nasisilip-silip niya ang muc-ha nang caniyang caibig-ibig na anac, at gustong-gusto niyang maquita. Caya dala nang malaquing toua niya,t, nasang maquita ang caniyang anac, ay pinasalubuñgan niya si Próspero nang isang matuling at mariquit na cabayo doon sa Cainta, niyon ding arao na itinucoy ni Próspero sa caniyang sulat.

Nang magcaganito,i, nag-aantay ang magasaua ni cabezang Andrés, pati ni Felicitas nang pagdating nang canilang anac at capatid, at handa na ang caniyang pagcain pati bihisan. At sa di dumarating-dating nang macaanimas na, ay namamalisa silang lahat, at pinag-uusap-usapan nila ang dahilan nang gayong pagcaluat, at ang uica nang isa.

—¡Baca, nahulog si Próspero sa cabayo!

—¡Baca, hindi nacaquita siya nang bangca! ang sagot nang isa.

—¡Seguro,i, guinabi siya sa Taytay ó sa Binañgunan caya, at doon na siya,i, matutulog, at mag-aantay nang sicat nang liuayuay, ang uica naman nang isa.

Ganoon nang ganoon ang pinagsasalitaan at pinag uusapan nilang mag-anac, na hindi nagcacaisa ang canilang caisipan at narito na ang isang oficiales, na nangagaling sa Tribunal, at may tañgang isang oficiong sulat nang Sr. Alcalde mayor sa Maynila, na ang lamán ay ganito: cung sa uicang tagalog:

Gobernadorcillo sa Tanay.—Pagtangap ninyo nitong órden ó cautusan, ay papaharapin ninyo dito sa Alcaldia mayor ang dalauang catauo, na si D. Andrés Baticot at si doña Maria Dimaniuala ang mañga ñgalan, nang sila,i, macasagot sa sumariang guinagaua dito sa Juzgado, contra sa canilang anac na si Próspero Baticot dahilan sa mañga utang at ibang mañga capañgahasan.—Tuparin ninyo agad itong utos na ito at ipatanto sa aquin ang catuparan.—Alcaldia mayor sa.... sa icatlong arao nang buan na Junio nang taong 18 ...—Erizo.

Catacot-tacot ang pag-iiyacan at caguluhan nilang lahat nang matanto nila ang cahulugan niyong sulat nang Sr. Alcalde mayor. Ualang naalaman gauin, ualang naalaman sabihin.

Dinaluhan sila nang capitbahay at nang ibang tauong nacariñgig nang mañga sigauan nila, at hindi mapalagay-lagay ang canilang loob, pañgaralan man sila nang mañga uicang caalio-alio.

Di tuloy cumain nang hapunan, at di nahiga sila nang caunting oras man lamang niyong magdamag na yaon. At nang quinabucasan nito ay ipinagtagubilin ni cabezang Andrés ang caniyang pamamahay at ang caniyang anac na si Felicitas sa isang capatid niya, na si Juez na Godio ang ñgalan, at lumacad na silang mag-asaua, na patuñgo sa Maynila.

Di co man sabihin, acala co,i, mapaguauari rin nang sino mang bumabasa nitong aquing casulatan ang cadalamhatian nang loob at casicpan nang dibdib nang mag-asaua ni Dales sa canilang paglacad. Uala silang ibang nasa, cundi ang macarating silang agad sa Maynila, nang maquita nang canilang sariling mata, nang mariñgig nang canilang sariling taiñga, sa catagang uica: nang maalam nila ang totoong calagayan at ang mañga bagay-bagay na casalanan nang canilang anac na si Próspero. Caya uala sa canilang loob ang gutom at ang pagod. Sila,i, nagugutom nga,t, napapagod pa, ñguni,t, hindi nila inaalumana itong mañga hirap na ito, at ga hindi nila dinadamdam. Isa lamang ang iquinaiinip nila, ang calayuan baga nang linalacaran nilang daan; sapagca,t, gaua nang malaquing pagnanasa nilang dumating sa Maynila, ay minamalayo nilang totoo ang dati-dati ay minamalapit nila.

Cung sasaysayin co ang lahat na nangyari sa naturang mag-asaua doon sa Maynila, at ang lahat na naisipan nila, at ang lahat na dinamdam at iquinahirap nang canilang calooban, ¡Ay ina co! hindi matatapos-tapos itong aquing salita. Subali,t, palibhasa,t, ang naguing ugali co sa aquing mañga pagsasalita, ay houag gumamit nang maraming uica cung isasaclao co rin lamang sa caunti; at palibhasa,i, masama rin naman, cundi co salitain ang nangyari sa mag-asaua ni Angi doon sa Maynila, ay ito na ang talaga cong sasabihin sa tipid na uica:

Nang humarap ang mag-asaua ni cabezang Andrés sa Hocom, sa Sr. Alcalde mayor baga; at nang nariñgig nila sa bibig nang nasabing Sr. Alcalde, ang dami nang pinagcacautañgan ni Próspero; at ang capal nang salaping caniyang inutang, sampon nang ibang cabalia,t, capañgahasang guinaua niya, ay natilihan silang totoo, at caunting-caunting naboual at nanhimatay na capoua.

Datapoua,t, palibhasa,i, magulang ay nagpacatibay sila nang loob; at nang houag bagang mapahamac na lalo ang canilang anac, cahima,t, macasalana,t, palamara; ay nañgaco sila sa Sr. Alcalde, na sila,i, magbabayad nang lahat nang utang nang canilang anac pati nang mañga perjuiciong guinaua niya.

Naglagay sila nang fianzang hinihingi sa canila nang Sr. Alcalde, at hinañgo nila tuloy sa cárcel si Próspero, at capagcaraca,i, ipinagsama nila sa bangca, at sumuba silang tatlo dito sa Tanay.

Nang maguing dalauang lingong magmula nang pagharap nina Dales sa Sr. Alcalde, ay may dumating dito sa Tribunal, ang isang mahigpit na órden sa Maguinoong Capitan, na ang iniuutos baga doon, ay pacatantoin niya sa magulang ni Próspero Baticot, na sila,i, magdala ó magpadala, agad agad, sa Juzgado sa Maynila nang ganoong salapi, (hindi co maalaala ñgayong oras na ito, cung magcano ang lahat, subali,t, matatandaan cong maigui, na macapal na totoo,) at cung sacali,t, hindi sila magbayad ó macabayad nang nasabing cantidad, ay gapusin nang Maguinoong Capitan ang mag-asaua ni Dales, pati anac nila na si Próspero at ipaluas niya sa Maynila casama nang isang oficiales at mañga cuadrillero. At nang houag anang utos, magcacahalang ang anomang cataonan, ay embargohin niya capagdaca ang lahat nang pag-aari ni don Andrés Baticot pati nang sa caniyang asaua na si doña Maria Dimaniuala.

Ipinatanto nang Maguinoong Capitan cay cabezang Dales itong utos na ito, at hindi cumibo si Andrés, cundi itinuñgo ang ulo, at ang uica,i, siya,i, sunod-sunuran sa utos nang mañga Puno. Subali,t, nang aalis na ang aming Maguinoong Capitan, ay ipinamanhic ni cabezang Andrés sa caniya, na cung mangyayari sa caniyang loob, ay houag bagang ipaembargo niya muna ang canilang pag-aari, at siya,i, magbabayad at magbabayad nang lahat na ualang culang.

Pagcaalis nang Maguinoong Capitan, ay binilang ni Andrés ang salaping natatabi sa bahay at sa di umaabot nang calahati man lamang sa pagbabayad nang mañga utang, at ibang mañga perjuiciong sinabi sa canila nang Sr. Alcalde, ay ipinagbili niya ang canilang mañga hayop, at mañga palayang iba, na ualang natira sa canila, cundi tatlong calabao lamang, at caunting lupang bubuquirin.

Pagcaipon ni cabezang Dales nang hustong salapi, ay iniluas niya sa Maynila, at binayaran niya ang mañga utang na lahat, at umoui na siya dito sa Tanay.

Magmula niyon, ay nasira ang capayapaan sa sangbahayan nina cabezang Angi. Totoo ñga na hindi sila nagcacasiraan, at hindi naman sila nagtataniman; subali,t, sa loob man lamang, ay nagsisisihan silang lahat, dahilan sa nangyari, at nagtuturu-turuan nang casalanan nang isa,t, isa.

At saca, paglibhasa,i, dati-dati ay maguinhaua ang canilang tayo, at ñgayo,i, mahirap na, ay ga quinucutcot ang calooban nang isa,t, isa nang pag-aalaala nang canilang dating calagayan, at tila sumasama at tumatabang ang canilang loob, na cung minsa,i, tumutulo pa ang luha sa canilang mata. At cung caya ang uica co cañgina,i, nasira ang canilang capayapaan.

Nang mangaling si cabezang Andrés sa Maynila, nang macabayad na sa nasabing mañga utang, ay tinauag niya si Próspero, at pinañgusapan niya sa harap ni cabezang Angi at ni Felicitas nang ganito:

Proper, malalaquing totoo ang perjuicio at casiraang guinaua mo sa magulang mo,t, capatid. Hindi lamang naualan tayo nang pag-aari, cundi puri natin ay cacalat-calat sa bibig nang tauo. Ipinatatauad namin sa iyo itong lahat nang ito, datapoua,t, ipinamamanhic din namin sa iyo, na mula ñgayon, at magpumilit cang tumalicod sa masasamang ugaling pinag-aralan mo sa Maynila; mag-asal ca na nang asal cristiano, at tumulong ca sa amin sa paghanap nang pagcabuhay. Mahirap man tayo ñgayon, ay hindi tayo mauaualan nang macacain at nang pananamit natin, sa pamamaguitan nang tulong at aua nang Pañginoon Dios, cung tayo,i, masisipag sa trabajo. Malaqui ang aua at pag-ibig ipinaquita namin sa iyo, Proper, caya gantihan mo rin cami nang capoua aua at nang capoua pag-ibig. Ito lamang ang hinihingi namin sa iyo; subali,t, magiñgat ca rin, Proper, at houag mo acong biguian uli nang dahilan sa pagpaparusa sa iyo, sapagca,t, cung magcagayon, ay lulubusin co na.

Pinaquingan ni Próspero itong pañgañgaral at pagbabala sa caniya nang caniyang amba, at humiñgi siyang tuloy nang tauad sa magulang at capatid, at ipinañgaco pa niya, na hindi na siya gagaua uli nang anomang icagagalit nila ó icasasama nang loob.

Nang ito,i, matapos, ay nagsapol sila nang bagong buhay, sa macatouid: buhay nang mahihirap, at hindi na sila mayaman. ¡Subali,t, cataca-taca itong mag-anac ni cabezang Andrés! ¡Mahihirap man sila ñgayo,y, hindi ninyo mahahalata ang canilang cahirapan!

Dati sila,i, masisipag at mababait, na parang sinabi co sa itaas; caya nang sila,i, datnan niyong sacunang sinalita co na; ay ualang catiguil-tiguil sila.

Si cabezang Dales casama ni Próspero ay gumagaua sa buquid, sa bundoc ó sa bayan, na ualang tahan.

Si cabezang Angi ay nagbibigas ó lumalala nang banig.

Si Felicitas naman, dati-dati ay hindi nananaog sa bahay, cundi sa pagparoon sa simbahan, ó sa ibang bagay na totoong cailangan, ay gumagaua ñgayon nang sari-saring luto at pagcain, at itinitinda,t, ipinagbibili niya sa plaza, umaga,t, hapon. Caya hindi sila,i, nauaualaan nang anomang cailañgan, at ang canilang lagay ñgayo,i, nagcacaparis din, (cung sa tiñgin nang tauo), sa dati nilang calagayan.

At sa catunayan, ay magtanong cayo sa canino man dito sa bayan, at asahan ninyo, na hindi sasabihin sa inyo baga, na ang mag-anac na cabezang Dales ay mahihirap, cundi ang isasagot sa inyo, na sila,i, maguinhauang tauo, at mayayaman.

Ñguni,t, ¡oh carupuca,t, caiclian nang mañga bagay-bagay dito sa mundong maraya! Ang paimbabaong caguinahauaha,t, capayapaan nang mag-anac ni cabezang Andrés, ay hindi natagal.

Si Próspero, na nararatihan na sa mañga layao nang catauoan, ay nabibigatan siyang totoo ñgayon at nahihirapan sa pag-aararo, sa pagtaga nang cahoy at cauayan, sa pagpaparagos, at sa iba,t, ibang trabajong caraniuang gauin nang caniyang ama na si cabezang Dales.

Caya, nang maguing dalaua ó tatlong lingong magbuhat nang siya,i, tumutulong sa caniyang ama sa pagtatrabajo, ay dumaing siyang totoo sa caniyang ina, nang pamamaltos nang camay, nang saquit nang bayuang at nang pamamanhid nang litid nang boong cataouan niya. Quinauaan siya ni cabezang Angi, pinaligpit niya sa bahay, at ipinagamot sa mañga mediquillo dito sa bayan.

Nang magcagayon ay naaua naman si cabezang Dales sa caniyang anac, at hindi lamang hindi ipinagsama niya sa trabajo, cundi bagcus, ay ipinagtagubilin sa mahigpit cay cabezang Angi, na ipagamot sa mañga mediquillo, at alagaan niyang maigui.

Datapoua,t, pag naguing iilang arao, at nang mapagmasdan ni Dales, na ang caniyang anac, ay hindi gumagaling-galing, cung sa pagtatrabajo; ñguni,t, maigui at malacas siya, cung sa pagligao at paggala, ay nagalit na di hamac, at pinaguicaan tuloy si Próspero nang masasaquit na uica.

Sumama uli si Próspero sa caniyang amba sa pagtatrabajo, subali,t, hindi niya panañgatauoanan, at hindi man inaalumana niya ang paggaua, cundi nagdadahi-dahilan siyang palagui nang sari-sari, gaua lamang nang caniyang catamaran at masamang ugali.

Uala siyang cacusa-cusa nang munti man, at nang sabihin co nang biglang sabi; ay hindi siya gagaua nang ano-anoman, cundañgan ang mahigpit na lagay niya, at ang catacutan niya sa caniyang amba.

Itong lahat nang ito,i, pinagmamasdan ni cabezang Andrés, at cahima,t, iquinagagalit niyang totoo, ay pinipiguil na maigui ang caniyang calooban, at hindi niya pinag-uicaan ang caniyang anac nang anomang uicang may cahalong galit, cundi pinañgañgaralan niyang banayad na banayad, mangyari lamang mabago ang caniyang loob at ugali. Subali,t, baga man napaoo nang napaoo, at napapaayon nang napapaayon ang palamarang Próspero sa mañga pañgañgaral nang caniyang amba, ay cung sa gaua,i, hindi rin binabago niya ang caniyang masamang ugali, cundi ang caniya lamang ay siyang sinusunod.

Dahilan dito,i nagdadalamhating palagui ang loob ni Dales, at lalong-lalong naragdagan itong cadalamhatian nang caniyang loob, nang mabalitaan niya, ang mañga cabaliuang guinagaua ni Próspero sa mañga babayi, at ang mañga pagcacautang-utang niya cung saan-saan.

At sa di na natiis niya itong masamang asal nang caniyang anac, ay guinapos niyang minsan nang madaling arao, itinali sa isang haligui nang bahay, hinampas nang di biro-biro, at doon pinabayaan niyang maghapon at magdamag.

Nagmamacaauang totoo ang mag-ina ni Pili cay cabezang Andrés, at si Próspero nama,i, ualang calagot-lagot nang paghingi nang tauad, caya quinaauaan siya nang caniyang tatay, inalisan siya nang mañga tali, at tuloy pinañgusapan siya nitong maicsi, ñguni,t, malamán na salita:

Proper, ani cabezang Andrés, Proper, cung sana sa bangca, aco,i, tiguib na tiguib na, caya cung minamahal mo ang buhay mo at ang buhay co, ay magpacaiñgat ca na.

Natacot na totoo, si Próspero dito sa mañga uicang ito nang caniyang tatay, caya nagmabait siya,t, nagmasipag nang panibago. Datapoua,t, halos di pa bahao ang mañga sugat nang caniyang pigui, ay nauala na sa caniyang loob ang pagbabala pati pañgañgaral sa caniya ni cabezang Andrés, at nagsauli siya sa dati niyang masasamang caugalian.

Itong mañga suson-suson na capighatian nang loob ni cabezang Dales, ay dumamay rin sa caniyang catauoan, caya hindi nalaon, ay nagcasaquit siya nang isang mabigat at di maquilalang saquit, (palibhasa,i, uala sa catauoan, cundi nasasaloob), at baga man guinagamot siya nang mañga mediquillong taga rito, at nang taga ibang bayan, ay lumalala ang caniyang saquit, (na, uala sa caniyang catauoan cundi na sa caniyang calooban), at namatay tuloy, pagcatangap nang mañga santo Sacramento.

Segurong-seguro ang mañga bumabasa nitong aquing casulatan, ay nagiisip sa canilang sarili, ó nagnanasa cayang maalaman, cung ano baga ang naguing calagayan, ó buhay caya ni Felicitas, na magmula niyong unang pagvavacasion ni Próspero dini sa bayan, hangan dito sa pagcamatay nang caniyang ama. At nang matapatan co ang nasasaloob nang mañga bumabasa nitong tunay na historia, ay sasabihin co ang lahat nang naalaman co, dito sa caunting salitang susunod:

Nang nagvavacasion dito si Próspero, at natatantong maigui ni Pili ang caugalian, at ang iba,t, ibang caisipan nang caniyang capatid, tungcol sa mañga bagay nang caloloua, at sa mañga asal nang tauong cristiano, ay pinaroonan niyang uli ang aming Cura, at doon cumuha nang sanguni: at ang uica nang aming cagalang-galang na Padre Cura sa caniya,i, ganito:—Felicitas, uala acong naalamang gamot sa saquit ni Próspero, cundi ang siya,i, ialis nang magulang mo sa Maynila at ioui dito sa bayan.

Ayon dito sa hatol na ito,i, oras-oras ipinamamanhic ni Felicitas sa caniyang magulang, na houag baga paluasin nilang uli si Próspero sa Maynila, cundi patirahin na siya dito sa bayan, baca, aniya, baca, pó,i, mapahamac, cung mapalayo sa inyo.

Subali,t, hindi rin nacamtan niya ang cahiñgian, baga man siya,i, tinutuluñgan nang aming mahal na Padre Cura. Ang isinasagot cay Pili nang mag-asaua ni Angi, at ang minamatouid nila,i, ualang-uala silang naquiquitang masama cay Proper, cundi ang mañga gaua-gauang ugalit nang cabinataan, na, mauauala rin ainila, cung siya,i, mag-aaral pa nang caunti sa Maynila.

Sa icatlong taon nang pagcatira ni Prospero sa Maynila, ay may dumating dito sa bayan na isang balita, na di umano rao,i, si Próspero ay hindi na nag-aaral na siya,i, inuusig na palagui nang caniyang mañga pinagcacautañgan; na siya,i, hinabla sa Juzgado, cung macailan na dahilan sa gayong mañga bagay; na siya,i, paganoo,t, paganoon.

Itong balitang ito,i, hayag na hayag, at calat na calat dito sa boong bayan, caya si Felicitas, dala nang malaquing capighatian nang caniyang dibdib, ay isinumbong niya itong lahat na manga bagay na ito sa caniyang magulang, at nag-uica uli sa canila, nang mangyari ay paouiin na nila si Próspero dito sa bayan, nang maputol at matapos ang ganoong mañga carumal-dumal na pagbabali-balita nang tauo.

Pagsusumbong nang gayon ni Felicitas sa caniyang magulang, ay quinagalitan siya,t, pinañgusapan pa ni cabezang Angi nang ganito:—Houag cong magosiosa, Pili, at houag cang maquialam sa mañga gaua namin nang amba mo, at cami ang nacacaalam niyang mañga bagay na iyan, at hindi cailañgan na cami ay turuan mo pa. ¿Baquit icao,i, maniniuala sa mañga sabi-sabi nang tauo, na puro gaua nang canilang capanaghilian sa atin? Caya tahanan mo iyang salita mong iyan.

Nagolomihanang totoo si Felicitas pagcariñgig nitong pañguñgusap nang caniyang ina, at hindi na siya cumibo. Subali,t, sa di mapalagay-lagay ang caniyang loob, ay isinanguni niya sa caniyang Cura,t, Confesor itong lahat nang ito. Pinaquingan nang aming Cura ang mañga isinasanguni ni Felicitas sa caniya, at itinanong pa siya cay Pili ang iba,t, iba, at pagcatapos, ay naghatol siya cay Felicitas; na houag na siyang cumibo magpumilit siyang magpacabanal, at ipamahala na niya sa Pañginoon Dios ang lahat na yaon.

Sinunod ni Felicitas ang hatol at bilin nang aming Cura sa caniya, at hindi na siya umimic. Ang lahat na naquiquita niya,t, naririñgig tungcol cay Próspero, ay tinitiis niya sa caniyang sarili, at sa Pañginoon Dios inihahain.

Sasabihin co na ang lahat sa mañga catagang uica. Ang lagay ni Felicitas sa panahong yao,i, siyang-siya nang lagay nang isang macetas, na hindi dinidilig na nalalanta,t, nalalanta, natutuyo,t, natutuyo at sa calauna,i, namamatay. Ganito, anaquin, ang lagay ni Felicitas, nang inioui rito nang caniyang magulang si Próspero na mangaling sa Maynila, at nang maipagbili na nila ang canilang pag-aari, sa pagbabayad nang mañga utang niyong palamarang anac at capatid.