WeRead Powered by ReaderPub
Si Tandang Basio Macunat cover

Si Tandang Basio Macunat

Chapter 20: VI
Open in WeRead

Explore more books like this:

About This Book

A visitor records a series of conversations with an elderly, sharp-witted villager who recounts his life from childhood through schooling, work, and community roles. He recalls formative lessons and the strict fairness of his teacher, reflects on family duties and everyday labor, and offers practical moral counsel. Interwoven with these anecdotes are sustained reflections on language use and the pressures of Spanish influence, together with cautions about careless reading and speaking. The narrative combines personal memory, local customs, and instructional asides to weigh private experience against shifting social and linguistic circumstances.

Nang naririto na sa bayan si Próspero, at natantong uli ni Felicitas ang caniyang asal at ugali, ay sumaquit na lalo ang caniyang loob, caya baga man pinagticahan niya, na hindi na siya quiquibo; ay hindi rin matiis, palibhasa,i, inaari niyang malaquing casalanan ang di pagsasabi nang totoo sa caniyang capatid; at dahilan dito,i, sinira niya ang caniyang dating pagtitica, at pinañgaralan niya si Próspero, (cung macailan), sa mañga lihim, at sa mañga banayad na banayad at mahusay na pañguñgusap. Datapoua,t, sa di siya,i, paquingan ni Proper, cundi siya pa ang quinagagalitan at pinag-uiuicaan nang masama, ay itinicom niya ang bibig, at hindi na siya umimic nang munti man. Pinagsisipagan niya lamang ang paggaua, nang siya,i, macatulong-tulong sa caniyang magulang sa paghanap nang pagcabuhay; guinaganap niyang ualang sala ang caniyang mañga dating devosion, at hindi na siya naquiquialam sa ano pa mang bagay.

¡Naca-aaua mandin si Felicitas, cung pagmasdan ninyo ang caniyang casipagan at panoorin ninyo ang caniyang muc-hang payat, putlain at malumbayin pa!

Ito, inuulit cong sabihin, ang calagayan nang loob at catauoan ni Felicitas doon sa panahong yaon, at nang mamatay ang caniyang amba.

Ñgayo,i, itutuloy co na ang pinutol cong salita.

Nang mautas na si cabezang Andrés at malibing na sa panteon, at natapos ang pagsisiam, naugaling gauin naming mañga tagalog, ay tinauag ni cabezang Angi ang caniyang anac na si Próspero at pinañgusapan nang ganito:

Proper, anac co, talastas mo na ang pagmamahal namin sa iyo, caya ipinamamanhic namin sa iyo, na icao,i, magbait na, at pañgasiuaan mo ang caunting pag-aaring itinira sa ating nang nasira mong amba. Naalaman mo rin, na ualang ibang sucat nating asahan pagcabuhay, cundi ang ating sariling hanap, caya gumaua tayong para-para, at hindi tayo mauaualan nang macacain sa tulong at aua nang ating Pañginoon Dios.

Pagcatapos nitong salita ni cabezang Angi, ay ipinañgaco ni Próspero sa caniyang inda at capatid, na siya,i, magbabait na, at hahalili sa caniyang nasirang ama, sa pañgañgasiua nang canilang pag-aari; at ang uica pa:—Nanay, houag, po, ninyong alaalahanin ang ano pa mang bagay sa ating pamamahay; at acong bahala sa lahat.

Naniuala si cabezang Angi sa pañgaco nang caniyang anac, at naniuala naman si Felicitas; subali,t, iba ang nangyari.

Naalaman na nang mañga bumabasa nitong aquing casulatan, na si Próspero,i, ualang cacusa-cusa sa trabajo, naalaman din nila, na cung caya,i, gumagaua-gaua si Proper nang daco noong arao,i, alang-alang lamang sa catacutan niya sa caniyang namatay na ama; at natatanto naman nila, na si Proper ay ualang caisipisip at ualang catiñgintiñgin sa caniyang pamamahay. At nang ipahayag co ang totoong nasasacalooban co,i, sasabihin co pa ñgayon, na ang pagcamatay ni cabezang Dales, ay iquinalumbay ni cabezang Angi nang di hamac, at iquinabacla nang loob ni Felicitas; datapoua,t, bagay cay Próspero,i, ang damdam co,i, siya,i, natotoua, nang malaquing toua, baga man nagcucunouari siya,i, nalulungcot.

Dito sa mañga susunod na salita,i, maquiquilala ang pagcatotoo nitong aquing paghihinala.

Ayon sa pañgaco ni Próspero sa caniyang ina at capatid, na siya baga,i, mañgañgasiua na lahat, na para nang guinagaua nang caniyang tatay, ay ipinagcatiuala sa caniya ni cabezang Angi ang pamamahala sa mañga hayop, at sa mañga lupang bubuquiring natitira pa sa canila.

Nang magcagayon, ay isip ninyo,i, tototoohanin ni Próspero ang caniyang pañgaco. Uala siyang catiguil-tiguil. Mamaya,i, pinaliligoan niya ang canilang tatlong calabao; mamaya,i, nangdadamo siya, ó nañgañgahoy caya; ñgayo,i, pinag-iigui niya ang bacuran nang canilang bahay, ó linilinis ang canilang looban; ó cung dili caya,i, naghuhusay-husay siya nang mañga casangcapan sa pamamahay. At ang lalong caguila-guilalas dito,i, hindi na siya nagsasalual sa mañga gauang ito, cundi mañga putol lamang. ¡Subali,t, itong casipagang ito,i, hindi natagal!

¿At sa di gayon? ¡Uala na siyang quinatatacutang ama! ¡Ang caniyang ina at capatid ay hindi niya quina-aalang-alañganan nang munti man! At ang lumalalo sa lahat: ¡ay ualang-uala sa caniyang calooban, ang pagbabalic loob sa Pañginoon Dios! Caya,i, nanariua nang panibago sa caniyang puso, ang quinararatihan niyang masasamang ugali, at nagsauli rin sa dati.

Dahilan dito,i, uala pang sangbuan siya sa caniyang bagong pagcalagay ó catungculan, ay namatay sa gutom ang isang calabao nila, gaua nang capabayaan ni Próspero.

Sumapit ang panahon nang pagtatanim, at ang caunting palayan nila,i, hindi natamnan, dahilan sa capabayaan ni Próspero.

Pagcamaya-maya,i, nauala, rao, ang uica ni Próspero, ang isa pa nilang calabao, bago-bago,i, nang usisain ni cabezang Angi ay nabalitaan niya, na di umano,i, ipinagbili ni Proper sa pagbabayad nang ibang mañga utang niya.

Sa catagang uica: hindi pa naboo ang sangtaong arao magmula nang pagcamatay ni cabezang Andrés, ay dinaquip si Próspero nang justicia at piniit sa tribunal, dahilan sa paghahabla sa caniya nang maraming tauo.

Humarap si cabezang Angi sa Tribunal at inusisa niya doon itong nangyaring ito sa caniyang anac, at ipinahayag sa caniya nang Maguinoong Capitan, na cung caya napepreso doon si Proper, ay dahilan sa cacapalan nang caniyang utang, na hindi binabayaran, at dahilan naman sa mañga reclamo ni Capitang Juan Gavi, bagay sa caniyang anac na dalaga, at mañga habla ni cabezang Teo Mauiling tungcol sa caniyang asaua, at cung ano-ano pang sinabi nang Maguinoong Capitan.

Nang mariñgig ni cabezang Angi ang mañga sinasalita sa caniya nang aming Capitan, ay namutla siya,t, nasindac na totoo, na hindi macaquibo, at hindi macapag-uica, at hindi man macaiyac; tila mandin nahahalañgan ang caniyang lalamunan, at natutuyo ang luha nang caniyang mata caya nang pagmasdan nang Maguinoong Capitan ang masamang tayo ni cabezang Angi, ay pinaoui siya, at ang uica sa caniya:

—Cayo, pó,i, umoui muna, cabezang Angi, at mapalagay-lagay, pó, cayo nang loob, at bucas, pó, nang umaga, cung may aua ang Panginoon Dios, at tayo,i, nabubuhay pa, ay pumarito cayo, at atin pong husain itong mañga bagay na ito.

Umoui ñga si cabezang Angi, at sinamahan nang isang oficiales na camag-anac niya, na baca cung mapaano siya sa daan, at nang dumating sa bahay, ay sinalubong siya ni Felicitas sa catapusan nang hagdan. Pumanhic si cabezang Angi, at biglang bigla,i, niyapus niyang totoo itong si Felicitas, at napaiyac nang catacottacot. Naghimatay tuloy si Pili nang maquita ang anyo nang caniyang inda, at cundañgan ang officiales na casama ni Angi, ay naboual at napagulong sa hagdan ang mag-ina.

Nang magcaganito,i, sumigao ang oficiales, at dinaluhan sila tuloy nang mañga capitbahay, at nang manga camag-anac, at malaquing totoo ang nangyaring ligalig doon, gaua nang caramihan nang tauo.

Ang iba,i, gumagamot-gamot cay Pili.

Ang iba,i, umaalio, alio cay cabezang Angi.

Ang iba,i, humahanap nang mediquillo, at ang iba nama,i, cumacaon nang confesion.

Gulong-gulo silang lahat, na ualang ibang naquiquita,t, naririñgig, cundi utos dito, utos doon, tauag sa magcabi-cabila, at tacbuhan nang lahat.

Subali,t, nang dumating ang aming mahal na Padre Cura,i, tumahimic nang caunti ang mañga tauo, dahilan sa malaquing pag-ibig at caalang-alañgan nila sa caniya.

Pagcapanhic nang aming Cura sa bahay ay inusisa agad sa mañga tauong caharap ang bagay ó dahilan nang pagcacasaquit at paghihimatay ni Felicitas, at capagcaraca,t, sinaysay nang oficiales ang caniyang naquita,t, naalaman.

Nilapitan tuloy nang Cura ang maysaquit: pinulsuhan: tiningnan ang lagay nang muc-ha; tinauag pa niya nang malacas si Felicitas; at sa di cumiquilos-quilos ang maysaquit, ay agad-agad nagsoot ang Cura nang roquete at estola, pinagcalooban niya ang nanghihimatay nang caniyang mahal na absolución, at tuloy pinahiran nang Santong Lana.

Hindi namatay si Felicitas doon sa pagcacasaquit na yaon, datapoua,t, naguing sampuong oras bago siya,i, masaulan nang pag-iisip; at nang siya,i, pagsaulan nang ganoon, ay nagcataong naroroon ang aming Padre Cura.

Pinagmamasdan siyang maigui nang aming Cura, pati nang ibang mañga caharap doon, na lubhang marami, at naramdaman nila, na madalas na madalas ang paghibic ni Felicitas, at malacas ang tulo nang luha sa caniyang mata, caya lumapit ang Cura, at quinausap si Pili nang ganito:

—¡Felicitas, Felicitas!

—Pó, ang sagot ni Pili.

—¿Naquiquilala mo aco?

—Oo pó.

—¿Sino baga aco?

Cayo, po, ang aming Cura at aquing Confesor.

—¿Ay anong nararamdaman mo? sabihin mo sa aquin baca mayroon acong naalaman gamot.

—Uala, pó, acong nararamdamang anomang saquit.

—¿At ano,t, icao,i, umiiyac?

—Ay auan co, pó, cung baquit hindi co, pó, mapiguil-piguil itong aquing luha.

—Houag mong piguilin ang uica nang Cura, houag mong piguilin, Felicitas, iyang luha mo: pabayaan mong tumulo at umagos, at siyang macaguiguinhaua sa iyo.

Itinanong tuloy nang Cura sa caniya cung ibig niyang magcompisal, at ang sagot ni Pili ay ganoon:

—Houag pó, muna, Amo, at tila,i, hindi pa mahusay ang aquing pag-iisip. Sa iba pong oras ay ipasusundo co cayo cung baga hindi pó ninyo minamasama.

—¿Baquit mamasamain co iyan? ang uica nang Cura; magpasabi ca lamang sa Convento, at aco,i, paririto agad.

—¡Salamat, pó, Amo, ang Pañginoon Dios ang gumanti sa inyo!

Tumindig na ang aming Cura sa quinauupuang bangquillo, at nagpaalam na, subali,t, bago siya,i, umalis, ay nagbilin cay cabezang Angi nang mañga gamot, na dapat niyang gauin sa maysaquit.

Dalauang arao lamang nacahiga si Felicitas sa banig; at nang siya,i, malacas-malacas na, at nacapagbañgon, ay isinanguni sa caniya ni cabezang Angi, cung ano-ano caya ang mabuting gauin sa pagbabayad nang mañga utang ni Próspero; at ang sagot ni Felicitas ay ganito:

—Cayo póng bahala, nanay. Gauin pó, ninyo ang balang minamatapat nang inyong calooban, at aco po,i, sunod-sunoran sa inyo, at tutuluñgan co po, cayo, sa boong macacayanan co, sa paghanap nang macacain natin.

Alinsunod dito sa mabuting paquiquiayon ni Felicitas sa caniyang ina, ay ipinagbili ni cabezang Angi ang canilang calabao na isang natitira; isinanla niya ang canilang mañga palayan, at naparoon siyang tuloy sa Tribunal; at doon sa harap nang Maguinoong Capitan, at nang ibang mañga sacsi, ay nagbayad siya nang mañga utang ni Próspero.

Datapoua,t, hindi rin natapos ang gulo at paghahablahan, sapagca,t, ang mañga naturan co, na si Capitang Juan at si cabezang Teo,i, hindi pumayag sa capamanhican ni cabezang Angi at sa cahatulan nang aming Maguinoong Capitan, cundi itinuloy nila ang canilang usap sa Juzagado, sa Maynila, at dahilan dito,i, tinauag si Próspero nang isang órden nang Señor Alcalde mayor at inihatid sa Maynila, at doon piniit siyang uli sa bilanguan.

Marami sana ang masasabi co tungcol dito sa bagong nangyaring ito; subali,t, nang houag baga,i, mapacahaba ang aquing salita, ay lalactauan co ang marami at malamán na mañga bagay-bagay, at sasabihin co lamang itong mañga susunod:

Sa malaquing pag-ibig ni cabezang Angi, na macaligtas at macalabas sa carcel ang caniyang anac, na si Próspero, at macaoui dito sa bayan, ay ipinagbili niya ang lahat-lahat nang pag-aari nila; pati bahay, pati solar, pati alhajas, na ualang-ualang natira sa canilang mag-ina ni Felicitas, cundi ang canilang damit lamang.

Iniluas ni cabezang Angi ang salaping inipon niya; at ang iba,i, ibinayad niya sa abogado ni Próspero; ang iba,i, ibinigay sa alcaide sa carcel, nang siya baga,i, pahintulutang dumalao sa caniyang anac; ang iba,i, guinugol niya sa caniyang pagcain; at ang iba,i, isinabog niya cung saan-saan, mangyari lamang siya,i, tuluñgan sa pagtatangol cay Próspero.

Bucod dito,i, napaampon siya sa lahat nang mañga caquilala at di caquilala niya, at nang sabihin co sa madaling salita; ay ualang di guinaua niyang capamanhican sa pagcacaliñga sa caniyang anac.

Datapoua,t, naubos ang salaping dala niya, napagod siya nang di hamac, nang calalacad dito,t, doon, at hindi lamang hindi pinaquingan ang caniyang pag-iiyac, at ang mañga caraiñgan nang caniyang mañga caquilala at camag-anac, na pinintacasi niya, cundi bagcus ay nanaog ang isang mahigpit na hatol at sentencia, na ang iniuutos doon, ay:—ipadala agad sa Balabac si Próspero "Baticot anac ni don Andrés Baticot at ni doña María Dimaniuala, na taga Tanay; dahilan sa caniyang masasamang caugalian at antecedentes at dahilan sa mañga perjuiciong guinaua at guinagaua niya sa caniyang capoua tauo."

Ayon dito sa utos na ito,i, dinala ñga si Próspero doon sa Balabac, at doon dao,i, namatay, ang balita nang tauo.

Sa uala nang magaua si cabezang Angi sa Maynila, ay umoui rito; datapoua,t, bago siya,i, macarating dini, ay nagpalimos sa mañga bayan-bayang dinadaanan niya, palibhasa,i, uala siyang bauon, at uala namang cuartang ibibili nang cacanin. Caya, gaua nang malaquing cahihiyan, capagura,t, calumbayan niya,i, bangcay na mistula ang caniyang anyo, nang siya,i, dumating dito sa bayan.

¡Caunting namatay na patuluyan si Felicitas, nang maquita niya ang caaua-auang lagay nang caniyang inda! Nguni,t, nagpacalacas siya nang loob; inaliu pa ang caniyang ina; binihisan niya; pinacain; pinahiga sa banig, at ang lahat na,i, guinaua niya, nang macatulong at macapagbigay guinahaua sa caniyang iniibig na ina. ¡Pati catauouan niya,i, nalimutan, dahilan sa pag-aalila,t, pamimintuho sa caniyang ina!

Nang mahusay-husay na si cabezang Angi, ay inusisa sa caniya ni Felicitas ang lagay ni Próspero. Sinaysay ni cabezang Angi ang lahat, na ualang inilihim, at nang mabalitaan ni Pili ang nangyari sa caniyang capatid, ¡ay ina co! parang natangal ang lahat nang litid nang caniyang cataouan, caya magpacalacas-lacas man siya,t, magpacatibay-tibay man nang loob, ay nahapay rin siya.

Sinabi co cañgina, na ang catauoan ni Felicitas doon sa panahong yaon, ay buto,t, balat lamang. Subali,t, gayon man, ay sapagca,t, ang caniyang cabanala,i, malaqui, at caniyang caloloua,i, buhay na buhay, ay pinipilit nang pinipilit niya ang caniyang catauoan sa pagtatrabajo, at nacagagaua-gaua rin siya nang icatutulong sa canilang paghahanap buhay. Datapoua,t, nang mariñgig niya sa caniyang ina, ang quinasapitan ni Próspero, ay naualan siya nang dating catibayan nang loob, at napahiga na sa banig, na hindi na siya nacapagbañgon.

Nang magcaganito,i, ipinatauag ni Felicitas na agad-agad ang aming Cura at caniyang confesor, at doo,i, nagcompisal siya nang mahusay, at nang quinabucasan niyo,i, dinalhan siya nang Santo Viático, at pinahiran siyang tuloy nang Santo Oleo.

Nang dacong hapon niyon ding arao na yaon, ay dinalao si Pili nang aming cagalang-galang na Padre Cura, at inusap ang maysaquit nang ganoon:

—¿Felicitas, baca mayroon cang caramdaman sa catauoan mong iquinahihiya mong sabihin?

—Ualang-uala, pó, ang banayad na sagot ni Felicitas, ualang-uala, pó, Among nararamdaman acong saquit sa aquing catauoan cundi isang malaquing cahinaan lamang.

—¿Baca caya, ang ulit nang Cura, sa bulong lamang, at sa lihim na salita, baca caya may nacasusucal nang calooban mo? Cung baga mayroon, ay houag mong ilihim sa aquin, cundi sabihin mo,t, ibulong sa aquin, nang cata,i, gamuti,t, hatulan.

—Ualang-uala, pó, Among nacasusucal nang loob co ñgayong oras na ito, cundi ang pag-aalaala co lamang sa aquing ina at sa aquing capatid, na baca, po,i, cung mapaano sila dito sa mundo.

—¿Masama, baga, ang bagong tanong nang Cura cay Pili, masama baga ang loob mo sa capatid mong si Próspero?

—Uala, pó, ang sagot ni Felicitas, uala, pó; hindi aco nagagalit sa aquing capatid, at uala naman acong masamang loob sa caniya, cundi bagcus, ay quinacaauaan co, pó, siyang totoo, at ipinanalañgin co siyang oras-oras sa Pañginoon Dios, nang siya po,i, biguian nang Pañginoon Dios nang buhay at gracia. Datapoua,t, mayroon pó, acong ipagcocompisal sa inyo ang ibang bagay, tungcol din dito sa itinatanong pó, ninyo sa aquin, na baca sacali,t, aco,i, nagcasala sa harap nang ating Pañginoong Dios.

Tila, pó,i, aco,i, mamamatay na, subalit, ang pagcatalastas co, po,i, hindi ang anomang saquit nang catauoan co ang iquinamamatay co, cundi ang malaquing capighatiang dinamdam nang aquing loob, dahilan sa mañga guinaua ni Proper magmula niyong siya,i, nag-aaral sa Maynila, na hangan ñgayong panahong ito. Caya, pó, cung itong di co pagtitiis nang mañga caculañgan nang aquing capatid, ay naguing casalanan co sa harap nang ating Pañginoon Dios, ay iquinucumpisal co, pó, sa inyo itong aquing casalanan, at inihihiñgi cong tauad sa Pañginoon Dios at sa inyo, at inaantay co, pó, ang inyong mahal na absolucion dito sa aquing casalanan, na pinagsisisihan cong totoo.

Pagcapagcompisal nang ganito ni Felicitas, ay binuloñgan siya nang aming Cura nang caunting oras at binendicionan niyang tuloy.

Pagcatapos na pagcatapos nito,i, biglang sumigao si Felicitas nang gayon:—Amo, ina, Proper at cayo pong lahat, ay patauarin, pó, ninyo aco, at aco,i, tinatauag na nang ating Dios at Pañginoon.—At nang macasigao nang ganoon, ay napatid ang caniyang hiniñga.

Uala acong naquita, at uala rin acong nabalitaang libing na para nang guinaua sa bangcay ni Pili.

At caya,i, nagcaganito,i, sapagca,t, si Felicitas ay naquiquilala nang boong bayan; naalaman din nang bayan ang caniyang ugali at cabanalan; at napagtatalastas naman nang lahat ang mañga hirap nang catauoan at loob na dinaanan niya; at cung caya, sa isang cusa nang loob, na ualang nagtutulac sinoman, ay pinagcaisahan nang lahat nang mañga dalaga dito sa bayan, na mag-ambag sila nang macacayanan, nang magaua cay Felicitas ang isang mahal na libing.

Ayon dito sa pinagcasundoan nang mañga dalaga, ay nagsidalo silang lahat sa bahay nang patay, at ang iba,i, nagdala nang candila, ang iba,i, nagdala nang damit na igagaua nang sapot, at iba,i, may taglay na mañga puntas-puntas at mañga listong igagayac sa saplot at sa ataul, (cabaon), at lahat-lahat na para-para,i, nananahi at tumutulong sa anomang gagauin, at nag-abut pa cay cabezang Angi nang ambag na salaping canilang nacayanan.

Ang mañga campana sa Simbahan ay ualang tiguil magmula nang mamatay si Pili. Maya,t, maya,i, nagpeplegaria.

Nang sumapit ang oras nang paglilibing, ay nagsiparoon sa quinamatayang bahay ang lahat nang mañga dalaga, na pare-parejo ang canilang mañga soot, at pauang may dalang candila, at nag-aagauan sila nang paglalabit nang ataul.

¡Matotoua ang sino mang macapanood sa calzada niyong libing na yaon, at segurong-seguro,i, hindi aacalain niya, na yao,i, isang libing, cundi ang sasabihin niya, na yao,i, isang procesion nang mahal na arao!

Ang soot naman nang aming Cura at nang mañga sacristan, at ang mañga gayac sa Simbahan, ay pulos na primera clase.

¿Ano pa? Ang canta nang mañga cantores, ay tila mandin maririquit sa dating quinacanta nila sa mañga libing. Caya ang uica co cañgina, na uala acong naquita, at uala acong nabalitaan libing, na para nang guinaua cay Pili....

Natapos na ang libing, at ibinaon sa panteon ang bangcay ni Felicitas, at nagsioui na sa cani-canilang bahay ang mañga naquiquipaglibing sa caniya.

Naiuan nang mag-isa si cabezang Angi dito sa mundo, at sa uala siyang pag-aari, at sa ualang macacain, at sa ualang pagtitirhang bahay, ay naquisuno siya sa isang camag-anac niya, na maigui-igui ang pagcabuhay. At baga man mabuti ang pagtiñgin at pag-aalaga sa caniya nitong caniyang camag-anac, ay hindi gumagaling-galing ang loob ni cabezang Angi. Caya palaguing nalulumbay siya,i, nalulungcot, at hindi natutuyo-tuyo ang luha sa caniyang mata, gaua nang malaquing pighati, at hindi nalauo,i, naratay sa banig at namatay rin....

CATAPUSAN

Natatanto na nang mañga bumabasa nitong aquing casulatan, ang naguing buhay at camatayan ni na cabezang Andrés Baticot.

Subali,t, bago co tapusin itong aquing isinusulat, ay mayroon acong ipauunaua sa canila.

¿Baquit caya ang mag-anac ni cabézang Dales, na mababait na tauo, at dati-dati ay mayayaman, na parang sinabi co sa itaas, ay naguing mahihirap, na macain man ay uala?

Baquit caya ang cadalamhatian nang loob, ay siyang iquinamatay ni cabezang Dales, ni cabezang Angi, at ni Felicitas?

Ay ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing pagcatalastas, cundi ang malaqui at locong pag-ibig nang mag-asaua ni Dales, na ang canilang anac na si Próspero,i, mag-aral sa Maynila.

Ualang-ualang ibang dahilan, cung sa aquing acala, cundi ang catigasan nang ulo nang naturang mag-asaua, at ang caayauan nilang maquinig nang mañga matotouid na hatol nang aming Padre Cura, at nang mañga mahigpit na capamanhican sa canila ni Felicitas, na houag bagang papag-aralin nila si Próspero sa Maynila.

¡Cahimanauari, ay paquinabañgan nang aquing capoua tagalog itong caunti cong capaguran sa pagtatala dito sa papel na ito nang mañga naquita nang aquing mata, at nariñgig nang aquing taiñga!

¡Mag-aral na ang mañga magulang, at mag-aral pati ang mañga anac dito sa tunay na salitang ito nang casasapitan nila capoua, cung paañgatin nang mañga magulang ang canilang mañga anac sa tapat na calalaguian, at ilipat ó icana caya sa hindi tapat ó cahiyang na calagayan.

Sa bayan nang Tanay, sa icadalauangpuo,t, isang arao nang buan nang Abril nang taong sanglibo ualong daan, tatlong puo,t, tatlo.


Antonio Macunat.


V

Pagcatapos nang pagbasa nito,i, tiniclop ni tandang Basio ang librong caniyang tañgan, pinahiran nang paño ang caniyang mata, at ang uica sa aquin:

—Tapus na, pó, ang historiang isinulat nang aquing nasirang ama. ¿Ano, pó, ang inyong tiñgin, ó sabi caya sa mañga napapalaman dito sa salitang ito?

—Minamabuti co pó, ang sagot co, minamabuti co pó, ang lahat, subali,t, tila, pó,i, ang tatay ninyo ay hindi caraniuang indio, cundi, ang bintang co po,i, siya,i, nag-aral din nang caunti.

—Uala pó, ang uica nang matanda, uala po. Ang tatay co pó, ay paris co ring ualang pinag-aralan cundi ang bumasa, sumulat, ang dasal at caunting cuenta, at pagcatapos niyon, ay hindi na humiualay siya sa calabao. Uala po, caming pinagcacaibhang dalaua nang tatay co, cundi ang siya,i, matino ang bait at matalas ang pag-iisip, at aco po,i, hindi.

Hindi na aco sumagot sa mañga catouiran ni tandang Basio, sapagca,t, aco,i, nag-aantoc na. At saan di aco,i, mag-aantoc? Ang pagbasa niya,i, madalang na madalang, palibhasa,i, matanda na siya, at malabo-labo na ang caniyang mata, caya matagal nang totoong bago matapos ang pagbasa niya nang historiang isinulat nang caniyang ama. Sumisicat na ang liuayuay nang ito,i, matapos, at cung caya,i, nagpaalam na aco sa caniya, at ipinañgaco co sa caniya, na pagcapahinga co nang caunti, ay babalican co siya.


VI

Pinaroonan co ñga uli ang aquing caibigan na si tandang Basio nang dacong hapon niyong ding umagang yaon, at pagcatapos nang pagcocomustaha,t, pagbabatian namin, ay inusisa niyang pilit sa aquin, cung ano ang isinasaloob cong tungcol sa laman nang historiang isinulat nang caniyang amba, at ang aquing sagot ay ganito:

—Sinabi co na pó, sa inyo cañginang madaling arao, bago tayo,i, maghiualay, na minamariquit co ang lahat na sinasalita roon nang inyong ama. Datapoua,t, ngayo,i, dadagdagan co ang aquing sinalita cañgina, at sasabihin co pó, sa inyo, na ang nangyari sa mag-anac ni cabezang Andrés Baticot, ay hindi caraniuang nangyayari sa iba, cundi parang isang pagcacataon lamang; caya hindi dapat na cayo pó,i, tumungton diyan sa nangyaring iyan, sa pagpapatibay nang pasiya ninyo, na di umano,i, masamang totoo, na ang mañga indio,i, nag-aaral nang uicang castila, ó iba pang bagay na carunungan sa Maynila.

Hindi co pó, sinasabi, ang matinding sagot sa aquin nang matanda, hindi co, pó sinasabi na ang lahat, na pag-aaral sa Maynila,i, quinasasapitan ó casasapitan caya na para nang nasapit ni Próspero at nang caniyang magulang, at mayroon din hindi nagcacagayon; subali,t, maniuala, pó, cayo sa aquin, na sa sangdaang estudianteng nag-aaral sa Maynila ay ang siam na puo,i, napapasama sa catouan ó sa caloloua, ó sa catauoa,t, caloloua na para-para; at salamat pa, pó, cung ang sampuong natitira,i, umiigui, at hindi lumilihis sa matouid na daang patuñgo sa Lañgit.

—¡Seguro, po, ang uica co cay tandang Basio, seguro, po,i, iyang lahat na sinasabi ninyo,i, pauang paghihinala nang inyong loob!

—Hindi, pó, paghihinala nang loob co itong aquing sinasabi cundi mañga catotohanang maliuanag na maliuanag, na siyang naquiquita nang aquing mata, at naririñgig nang aquing tayiñga. At nang cayo, pó,i, maniuala sa aquin, ay pacatantoin, pó, ninyo, (cung baga hindi pa ninyong pinagmamasdan), na caming mañga indio,i,, catuang totoo. Cung cami, pó,i, nagcacaalam-alam nang caunti, ó nagcacaroon caya nang munting catungculan, ay nagpapalalo, pó, caming totoo, (tabi sa iilang di gayon), sa aming capoua, at dahilan, pó, rito sa buloc na capalaluang ito,i, napapahamac cami, at ipinahahamac pa namin ang aming capoua tauo.

—¡Tila, pó,i, napapacalabis ang inyong sapantaha tungcol sa mañga bagay na ito!, ang uica co.

—¡Maca, pó, ang sagot nang matanda, maca, pó, ñga,i, mali itong aquing sapantaha! Ñguni,t, sasabihin co, pó, sa inyo, na cung inaabot nang aquing sariling pag-iisip, at sa pinagmamasdan co sa mañga tagarito ma,t, sa taga ibang bayan dito sa habang buhay cong ito,i, tila, pó, aco,i, nasasacatouiran at catotoohanan; caya, pó, hangan macacayanan co, ay pagbabaualan co,t, hindi co, pó, pahihintulutan ang aquing mañga anac, at ibang mañga camag-anac at caquilala, na mag-aral sila nang uicang castila, ó iba cayang carunungang di bagay at ucol sa canilang calagayan at pagcaindio. Ang cauicaan co, pó,i, para nang nariñgig cong madalas sa aquing amba. Ang Hari, ay mañgasiua sa caniyang pinaghaharian; ang anloagui, ay maghasa nang maghasa nang caniyang mañga pait at catam; ang ama,t, ina, ay mag-alila sa canilang mañga anac; at ang mañga indio, ay mag-alaga nang canilang calabao. Cung aco po,i, nagcacamali dahilan sa lubos na pagsunod co nitong mañga casabihang ito nang aquing tatay, at ... patauarin aco nang ating Pañginoon Dios.

Dito sa matapang na salita at mainit na sagot ni tandang Basio, ay uala acong naalamang isagot, caya binali co,t, pinatid ang pinag-uusapan namin nang matanda, at ang uica co baga, sa caniya.

—Bucas, pó, nang umaga, cung may aua ang Pañginoon Dios, ay luluas na, pó, aco.

—Madali, pó, naman cayo, ang biglang sagot ni Basio at nang caniyang asaua at mañga anac.

—Uala, pó, acong magaua, at aco,i, tinatauag na sa Maynila; caya cung mayroon, pó, cayong ipag-uutos sa aquin, ay inyo póng sabihin, at tutuparin co.

—Salamat, pó, ang sabay na tugon nang lahat na mag-anac, salamat, pó. Ang Pañginoon Dios ang sumama sa inyo, at houag, pó, cayong madala sa amin, at cami, pó,i, tumatalaga sa inyo oras-oras.

Nagpasalamat aco sa canilang lahat at nagpaalam na, at nang quinabucasan niyo,i, umoui na aco sa Maynila.

Magmula niyong panahong yaon hangan ñgayon oras na ito,i, hindi co malilimutan ang aquing caibigan na si tandang Basio Macunat, at madalas na madalas na inaala-ala co ang caniyang matotouid na catouiran.

FIN.