yaon ay gayon din kung hiling n~g Bayan.


Ako'y mamatay, n~gayong namamalas

na sa silan~ganan ay namamanaag

yaong maligayang araw na sisikat

sa likod n~g luksang nagtabing na ulap.


Ang kulay na pula kung kinakailan~gan

na maitim sa iyong liway-way,

dugo ko'y isabog at siyang ikinang

n~g kislap n~g iyong maningning na ilaw.


Ang aking adhika sapul magkaisip

n~g kasalukuyang bata pang maliit,

ay ang tanghaling ka at minsan masilip

sa dagat Silan~gan hiyas na marikit.


Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,

taas na ang noo't walang kapootan,

walang bakás kunot n~g kapighatian

gabahid man dun~gis niyong kahihiyan.


Sa kabuhayang ko ang laging gunita

manin~gas na aking ninanasa-nasa

ay guminhawa ka ang hiyaw n~g diwa

pag hin~gang papanaw n~gayong biglang-bigla.


Ikaw'y guminhawa laking kagandahang

ako'y malugmok, at ikaw ay matanghal,

hinin~ga'y malagot, mabuhay ka lamang

bangkay ko'y masilong sa iyong Kalan~gitan.


Kung sa libin~gang ko'y tumubong mamalas

sa malagong damo mahinhing bulaklak,

sa man~ga labi mo'y mangyaring ílapat,

sa kaluluwa ko halik ay igawad.


At sa aking noo nawa'y iparamdam,

sa lamig n~g lupa n~g aking libin~gan,

ang init n~g iyong pag hin~gang dalisay

at simoy n~g iyong pag giliw na tunay.


Bayaang ang buwan sa aki'y ititig

ang liwanag niyang lamlám at tahimik,

liwayway bayaang sa aki'y ihatid

magalaw na sinag at han~ging hagibis.


Kung sakasakaling bumabang humantong

sa cruz ko'y dumapo kahi't isang ibon

doon ay bayan humuning hinahon

at dalitin niya payapang panahon.


Bayaan ang nin~gas n~g sikat n~g araw

ula'y pasin~gawin noong kainitan,

magbalik sa lan~git n~g boong dalisay

kalakip n~g aking pagdaing na hiyaw.


Bayaang sino man sa katotong giliw

tan~gisang maagang sa buhay pagkitil:

kung tungkol sa akin ay may manalan~gin

idalan~gin Báyan yaring pagka himbing.


Idalan~ging lahat yaong nan~gamatay,

nan~gagtiis hirap na walang kapantay;

m~ga iná naming walang kapalaran

na inahihibik ay kapighatian.


Ang m~ga bao't pinapan~gulila,

ang m~ga bilangong nagsisipag dusa:

dalan~ginin namang kanilang mákita

ang kalayaan mong, ikagiginhawa.


At kung ang madilim na gabing mapanglaw

ay lumaganap na doon sa libin~gan't,

tan~ging m~ga patay ang nan~gag lalamay,

huwag bagabagin ang katahimikan.


Ang kanyang hiwaga'y huwag gambalain:

kaipala'y marin~gig doon ang taginting,

tunog n~g gitara't salterio'y mag saliw,

ako. Báyan, yao't, kita'y aawitin.


Kung ang libin~gan ko'y limót na n~g lahat

at wala n~g kruz at batóng mábakas,

bayang lina~gin n~g taong masipag,

lupa'y asarolin at kanyang ikalat.


At m~ga buto ko ay bago matunaw

máowi sa wala at kusang maparam,

alabók n~g iyong latag ay bayaang

siya ang babalang doo'y makipisan.


Kung magka gayon na'y aalintanahin

na ako sa limot iyong ihabilin

pagka't himpapawid at ang pan~ganorin

m~ga lansan~gan mo'y aking lilibutin.


Matining na tunóg ako sa din~gig mo,

ilaw, m~ga kulay, masamyong paban~gó,

ang úgong at awit, pag hibik sa iyo,

pag asang dalisay n~g pananalig ko..


Báyang iniirog, sákit niyaring hirap,

Katagalugang kong pinakaliliyag,

dingin mo ang aking pagpapahimakas:

diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.


Ako'y patutun~go sa walang busabos,

walang umiinis at verdugong hayop:

pananalig doo'y di nakasasalot,

si Bathala lamang doo'y haring lubos.


Paalam, magulang at m~ga kapatid

kapilas n~g aking kaluluwa't dibdib

m~ga kaibigan bata pang maliit

sa aking tahanan di na masisilip.


Pag pasalamatan at napahin~ga rin,

paalam estran~gerang kasuyo ko't aliw.

paalam sa inyo m~ga ginigiliw:

¡mamatay ay siyang pagkagupiling!



KATUNGKULANG GAGAWIN N~G M~GA
ANAK N~G BAYAN

(Dekálogong sinulat ni Andrés Bonifacio)

I

Ibigin mo ang Dios n~g boong puso.

II

Pakatandaang lagi na ang tunay na pagibig sa Dios ay siya ring pagibig sa Tinubuan, at iyan din ang pagibig sa kapwa.

III

Itanim sa iyong puso na, ang tunay na kahalagahan n~g puri't kaginhawahan ay ang ikaw'y mamatay dahil sa ikaliligtas n~g Inang-Bayan.

IV

Lahat n~g iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw'y may hinahon, tiyaga, katwiran at pag-asa sa iyong inaasal at ginagawa.

V

Pagin~gatan mo, kapara n~g pagiin~gat sa sariling puri, ang m~ga pasya at adhikain n~g K.K.K.

VI

Katungkulan n~g lahat na, ang nabibin~git sa malaking kapahamakan sa pagtupad n~g kanyang tungkulin ay iligtas sukdang ikapariwara n~g sariling buhay at kayamanan.

VII

Ang kaugalian natin sa ating sarili at sa pagtupad n~g ating tungkol ay siyang kukunang halimbawa n~g ating kapwa.

VIII

Bahaginan mo n~g iyong makakayanan ang sino mang mahirap at kapus-palad.

IX

Ang sipag sa paggawa na iyong ikabubuhay ay siyang tunay na sanhi n~g pagibig, pagmamahal sa sarili, sa iyong asawa't m~ga anak, sa iyong kapatid at m~ga kababayan.

X

Parusahan ang sinomang masamang tao't taksil at purihin ang mabubuting gawa. Dapat mong paniwalaan na ang tinutun~go n~g K.K.K. ay m~ga biyaya n~g Dios; na anopa't ang m~ga ninasa n~g Inang-Bayan, ay m~ga nasain din n~g Dios.

(Salin n~g nasa sa wikang kastila)



M~GA TALANG MATATAGPUAN SA AKLAT NA ITO


1521.—Ika 26 n~g Marzo, kaunaunahang pagdatal sa Pilipinas n~g m~ga kastila.

1863.—Ika 30 n~g Nobyembre, kapan~ganakan kay Andrés Bonifacio.

1872.—Ika 28 n~g Pebrero, pagbitay kiná Gomez, Burgos at Zamora.

1892.—Ika 26 n~g Hunyo, paglunsad ni Rizal sa Maynila.

1892.—Ika 7 n~g Hulyo, pagkakapabilanggo kay Rizal ni General Despujol, sa Fuerza de Santiago.

1892.—Ika 7 n~g Hulyo, pagkakatatag n~g "Katipunan."

1896.—Ika 1 n~g Enero, pagkakahalal sa m~ga magsisibuo n~g Pan~guluhan n~g "Katipunan."

1896.—Ika 1 n~g Enero, unang labas n~g pahayagan n~g "Katipunan" na ang pamagat ay "Kalayaan."

1896.—Buwan n~g Mayo, sinugo ni Bonifacio si Dr. Valenzuela kay Rizal.

1896.—Ika 5 n~g Hulyo, sulat n~g pinuno n~g sibil na si Sityar sa m~ga pinunong kastila sa Maynila.

1896.—Ika 5 n~g Agosto, paglunsad ni Rizal sa Maynila buhat sa Dapitan.

1896.—Ika 5 n~g Agosto, tinangka n~g m~ga "Katipunan" na iligtas si Rizal.

1896.—Ika 13 n~g Agosto, sulat n~g "cura" sa Sampiro kay Luengo.

1896.—Ika 17 n~g Agosto, pulong na idinaos n~g "Katipunan" sa "Kankong."

1896.—Ika 19 n~g Agosto, pagkatuklas n~g "Katipunan" ni P. Mariano Gil.

1896.—Ika 27 n~g Agosto, paglipat nina Bonifacio sa Balakbak.

1896.—Ika 28 n~g Agosto, pagkalagda n~g pahayag sa paghihimagsik.

1896.—Ika 29 n~g Agosto, pasyang pagsimula n~g paghihimagsik, na iniuutos sa pahayag ni Bonifacio.

1896.—Ika 29 n~g Agosto, pagkakalabanang mahigpit n~g m~ga "Katipunan" at kawal n~g kastila sa Balintawak at iba pa.

1896.—Ika 30 n~g Agosto, araw na ipinasyang pagsalakay sa Maynila.

1896.—Ika 30 n~g Agosto, ipinasya ni General Blanco na gawing pook n~g digmaan ang m~ga lalawigang Maynila, Bulakan at iba pa.

1896.—Ika 4 n~g Septiembre, kaunaunahang m~ga ipinabaril n~g m~ga kastila.

1897.—Ika 17 n~g Pebrero, pagkakapasok n~g m~ga kastilà sa Sapote.

1897.—Ika 17 n~g Pebrero, pagkapatay kay Evangelista.

1897.—Ika 12 n~g Marzo, halalan sa "casa-hacienda" sa Tejeros, Kabite.

1897.—Ika 24 n~g Abril, sulat ni Bonifacio kay Emilio Jacinto.

1897.—Ika 3 n~g Mayo, sulat kay Emilio Jacinto ni Antonino Guevara.

1897.—Ika 10 n~g Mayo, pagkabaril kay Bonifacio at sa kanyang kapatid na si Procopio.

1897.—Ika 4 n~g Agosto, Kasunduan sa Biak-na-Bato.

1898.—Abril, pagsimula n~g digmaan n~g España at Estados Unidos.

1898.—Ika 1 n~g Mayo, pagkakapalubog n~g m~ga pangdigmang dagat n~g m~ga amerikano sa m~ga pangdigma n~g m~ga kastila.

1898.—Ika 15 n~g Mayo, paglunsad ni Aguinaldo sa Maynila, buhat sa Hongkong.

1898.—Ika 24 n~g Mayo, pagtanghal n~g paghimagsik at pagiging Dictador ni Aguinaldo.

1898.—Ika. 12 n~g Hunyo, pagkukatanghal n~g uri n~g Pamahalaang sarili.

1898.—Ika 13 n~g Agosto, pagsuko n~g Maynila sa m~ga amerikano.

1898.—Ika 15 n~g Septiembre, pagkakaraos n~g unang kapulun~gang-bayan n~g pamahalaang sarili sa Malolos.

1898.—Ika 29 n~g Nobyembre, pagkakapagtibay n~g pan~gulong-batas (Constitucion).

1898.—Ika 20 n~g Disyembre, paghinto n~g digmaan n~g España at Estados Unidos.

1899.—Ika 4 n~g Enero, pagkakapagutos n~g Pan~gulong McKinley na ipakilala sa m~ga pilipino ang kapangyarihan n~g Estados Unidos.

1899.—Ika 21 n~g Enero, pagkakatatanghal n~g Republica Filipina sa Malolos.

1899.—Ika 4 n~g Pebrero, simula n~g labanan n~g m~ga amerikano at pilipino.

1899.—Ika 6 n~g Pebrero, pagkakapagtibay n~g Senado n~g Estados Unidos sa kasunduan n~g bayang ito at n~g España ukol sa Pilipinas.

1901.—Ika 23 n~g Marzo, pagkakadakip kay Emilio Aguinaldo.

1901.—Abril, simula n~g hayagang pagpaparan~gal kay Bonifacio sa daang Alvarado.

1902.—Pebrero, pagsuko ni General Lukban.

1902.Hunyo, pagsuko ni General Malvar.

1911.—Ika 3 n~g Septiembre, pagtatayo n~g bantayog sa m~ga Bayani n~g 96.

1920.—Ika 30 n~g Nobyembre, paghaharap in Senador Lope K. Santos, n~g bill ukol sa kaarawan ni Bonifacio na n~gayó'y batás na blg. 2946.

1921.—Ika 30 n~g Nobyembre, simula n~g pagiging araw na pan~gilin, alangalang kay Bonifacio.


Ang "Kartilyang Makabayang" itó, ay ginawâ sa pálimbagan ni Juan Fajardo, daang Avenida Rizal 640, Santa Cruz, Maynila. Sinimulán ang paggawa n~g ika 19 n~g Nobyembre n~g 1922, at natapos ang paglimbag nang ika 27 n~g tinurang buwán at taón.


HALAGA:

P0.40 ang sipi


P. 060 ang sipi na

sadyang balat


Paraparang sadyang

papel