The Project Gutenberg eBook of Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas

This ebook is for the use of anyone anywhere in the United States and most other parts of the world at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this ebook or online at www.gutenberg.org. If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook.

Title: Panukala sa Pagkakana nang Repúblika nang Pilipinas

Author: Apolinario Mabini

Release date: February 8, 2005 [eBook #14982]
Most recently updated: December 19, 2020

Language: Tagalog

Credits: Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG
Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by
University of Michigan.

*** START OF THE PROJECT GUTENBERG EBOOK PANUKALA SA PAGKAKANA NANG REPÚBLIKA NANG PILIPINAS ***
[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is
marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa
upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon
ay hindi na ginagamit.]

Panukala


PANUKALA SA PAGKAKANA

NANG

REPÚBLIKA NANG PILIPINAS

MEY PAHINTULOT ANG GOBIERNO.

KAVITE

Limbagan, sa kapamahalaan ni M.Z. Fajardo

1898.



Sa M. Presidente nang Gobierno Revolucionario ó Pamunoang Tagapagbañgong puri,

Si Apolinario Mabini, taglay ang puspos na galang, ay dumudulog po sa inyo at nagsasaysay:

Sa pagka't di nalilin~gid sa kaniya na sa ganitong kapiitan nang bayan ay may katungkulan ang sino mang taga Pilipinas na umabuloy sa boong makakaya sa pagtatayo n~g lubhang malaking gawa n~g ating pagbabagong buhay, at natatanto din ang pagkakailan~gang magcaroon ang bayan n~g kamunti man lamang pagkaaninaw tungcol sa katatayoan at pagkabuhay n~g isang bayang nagsasarilí, upang macapamili n~g lalong maigui, ay sumulat n~g isang munting libro na ang Pamagát ay «PANUKALA SA PAGKAKANA NANG REPÚBLIKA NANG PILIPINAS».

Sa pagka't walang nakahihila sa kaniya kundi ang nakaisaisang han~gad na paquinaban~gan n~g kaniyang m~ga kababayan ang kamunti pa niyang lakas, ay namamanhik sa inyo na mangyaring ipalimbag at ipakalat ang nasabing libro at magpasin~gil sa kan~gino mang magcailan~gan nito n~g halagang maaabot n~g lahat na hanap-buhay, upang magamit yaon sa m~ga kailan~gan sa Pagbaban~gong puri (Revolución) gaano man ang halagá.

In~gatan po kayo n~g Dios na mahabang panahon. Tan~gway ikalima n~g Julio n~g taong isang libo walong daan at siyam na pu't walo.

Apo Mabini



GOBIERNO REVOLUCIONARIO N~G PILIPINAS 6 NANG JULIO NANG TAONG 1898.

Ayon sa kahin~giang nan~gun~guna, ay limbaguin at ikalat ang librong sinasabi, na ang halaga ay isang peseta bawat isa, na iuukol sa mg~a kailan~gang sinasabi n~g gumawa.

E. AGUINALDO.



SA BAYANG PILIPINAS

Sa pagca't talastas co na ang pagbaban~gon ay isa lamang paghahalili ó pagiiba caya, ay quinusá cong yao'y siyang maguing dahil nang iyong ganap na pagbabagong buhay at pagbabalat cayó.

Sa bagay na ito'y idinulot co sa iyo ang tunay na sampong utos nang Dios, upang mataroc mo na ang bait, ang iyong sariling calooban ang nacaisaisang matibay at uagás na patungtun~gan nang pagaalaga sa iyong ugali, at gayon din naman ang casipagan ang siya lamang lalong matibay na haligui nang pagpapalaqui sa iyong catauan. Dahil dito'y mapaquiquilala mo na ang tunay na capurihan, ang uagás na camahalan ay di naquiquita sa dugó; cundi sa ugali nang tauo na linalang sa hin~ga nang bait at sa himas nang malinis na gaua.

Kinusa co rin namang iguhit doon ang simuláng mapagcucunan mo nang dapat asalin sa iyong bayan, na hindi pa na-aabot nang iyong pagiisip, alang-alang sa pan~gan~galaga at pagpupuyat nang nagpapangap mong ina na malapit pang di palac sa inang pan~gaman ó inali; ibig cong ipaquilala sa iyo na ang cagalin~gan nang isa ay di macacatumbas nang cagalin~gan nang lahat, na ang isang tauo ay ualang halaga cun ititimbang sa isang bayan hari nan~gang iuacsí iyang caraycotan at di tantong paghahan~gad nang iyo lamang na pagcapadasaling na siyang dumadagan at umiinis sa iyo, iyang capanaghilian at pagmamapuri na nacaduduahagui sa iyo at ang cahambugan at catabilang iquinahahalay mo. Kinacailan~gang tunay na butasan mo ang iyong man~ga ugat nang lumabas na paminsanan iyang buloc at masamang dugong isinilid nang iyong ina-inahan, upang yao'y quilanlin mong utang sa caniya magpacailan man.

Ito n~ga't di iba ang pagbabagong ugali na hinaha~gad co: and pagbabalat cayó ay maquiquita mo dito sa Panucala sa panahong sasapit. ¿Nataosan co caya ang aquing hinaha~gad?

Icao na ang magsabi, yayamang dahil lamang dito caya aco cumucuhang tanong sa iyo; n~guni't ang masasabi co lamang ay cung pagninilayin mo ang aquin man~ga gaua, ay, maquiquilalang pilit na uala acong ibang pacay cundi ito: una ay turuan ang man~ga tauo; saca biguian sila nang lalong malalaquing caluagan at calayaan, nang pagsaquitan nang baua't isa sa boó niyang caya ang lalo niyang minamabuti sa daan nang magaling at nang catouiran; bago co ibubucas ang pintó nang pamamahalá sa bayan sa ma~ga marurunong, nang canilang usiguin at lipulin nang ualang saua at humpay ang masamang gaui na binanguit co sa itaas, upang ang man~ga quilos nang naturang pamamahalá ay sumunod sa atas nang bait, maquisama sa gauang magaling at tumun~go lamang sa catouiran; tuloy namang aanyayahan nang pacundan~gan ang man~ga tumutulong nang lalong malaqui sa man~ga dadalhin nang bayan, nang pagtatangquilic nang lahat na gumagaua nang magaling at nang pitagan ang man~ga babaying may puri; at catapustapusa'y sa capupunan nang lahat nang ito ay uala acong quiquilin~gan at uala namang cacabiguin sa pamamahagui nang man~ga paquinabang at dadalhin sa bayan, upang maitayó co ang casamahan nang man~ga tauong mahal, hindi sa dugó at hindi rin sa man~ga caran~galang paquitang tauo, cundi sa puso at tunay na carapatan nang bauat isa.

Naquita mo na't itong pacay ay mahirap at malaqui; n~guni't sa iyo aco umaasa, palibhasa'y icao ay malaqui rin at malacas pa.

Naualan ca nang man~ga anac na daquila at hindi mapapalitán, n~guni't a>ualang cailan~gan: gumaua tayo at umasa at ang Dios ay laong malaqui sa lahat.

Mayo nang 1898.



ANG TUNAY NA SAMPUNG UTOS NANG DIOS

Una. Ibiguin mo ang Dios at ang iyong puri n~g lalo sa lahat n~g bagay: ang Dios na siyang bucal n~g boong catotohanan, n~g boong catuiran at boong lacás; ang paghahan~gad n~g puri ang siya lamang macaaaquit sa iyo na huag magbulaan, cundi laguing manuto sa catuiran at magtaglay n~g casipagan.

Icalaua. Sambahin mo ang Dios sa paraang lalong minamatuid at minamarapat n~g iyong bait at sariling calooban, na cun tauagui'y consiensia; sa pagca't sa iyong consiensia na sumisisi sa gaua mong masama at pumupuri sa magaling ay doon nan~gun~gusap ang iyong Dios.

Icatlo. Sanayin mo at dagdagan ang catutubong alam at ta las n~g isip na ipinagcaloob n~g Dios sa iyo sa pamamagitan n~g pagaaral, at pagsaquitan mo sa boong macacaya ang gauang quinahihiligan n~g iyong loob, na huag cang sisinsay cailan man sa daan n~g magaling at n~g catuiran, n~g mapasa iyo ang lahat na bagay na dapat mong cailan~ganin at sa paraang ito'y macatulong ca sa icasusulong n~g calahatan: cun gayo'y magaganap mo ang ipinatutungcol sa iyo n~g Dios sa buhay na ito, at cun ito'y maganap mo'y magcacapuri ca at cun maypuri ca na'y ipatatanghal mo ang calualhatian n~g iyong Dios.

Icapat. Ibiguin mo ang iyong bayan ó Inang bayan na ca-icalaua n~g Dios at n~g iyong puri at higuit sa iyong sarili, sa pagca't siya ang nacaisa-isang Paraisong pinaglaguian sa iyo n~g Dios sa buhay na itó; bugtong na pasunod sa iyong lahi; nacaisa-isang mamamana mo sa iyong m~ga pinagnuno; at siya lamang pagasa n~g iyong inanac; dahil sa caniya'y humahauac ca n~g buhay, pagibig at pagaari; natatamo mo ang caguinhauahan, capurihan at ang Dios.

Icalima. Pagsaquitan mo ang caguinhauahan n~g iyong bayan n~g higuit sa iyong sarili at pagpilitan mong siya'y pagharian n~g cabaitan, n~g catuiran at n~g casipagan: sa pagca't cun maguinhaua siya'y pilit ding guiguinhaua icao at ang iyong casambahay at camaganacan.

Icaanim. Pagpilitan mo ang casarinlán n~g iyong bayan. Sa pagca't icao lamang ang tunay na macapagmamasaquit sa caniyang icadadaquila at icatatanghal, palibhasa'y ang caniyang casarinlan ang siya mong sariling caluagan at calayaan, ang caniyang pagca daquila ang magdadala sa iyo n~g lahat mong cailan~gan at ang caniyang pagcatanghal ang siya mong cabantugan at cabuhayang ualang hangan.

Icapitó. Sa iyong baya'y huag cang cumila la sa capangyarihan nino mang tauo na hindi palagay ninyong magcacababayan, sa pagca't ang boong capangyariha'y sa Dios ang mumula at ang Dios ay sa consiensia n~g bauat tauo nan~gun~gusap; caya't ang sino mang ituro at ihalal n~g man~ga consiensia n~g lahat na mamamayan ang siya lamang macapagtataglay n~g uagas na capangyarihan.

Icaualó. Ihanap mo ang iyong bayan n~g República, yaon bagang ang lahat na nagpupuno ay palagay n~g man~ga namamayan, at huag mong payagan cailan man ang Monarquía ang pagcacaroon baga nang hari; sa pagcat ualang binibigyan ang hari nang camahalan cundi ang isa ó ilan lamang na maganac upang maitanghal ang sarili niyang camaganacan, na siyang pangagalin~gan nang lahat na maghahari; hindi ganito ang República na nagbibigay n~g camahalan at carapatan sa lahat ayon sa bait n~g bauat isa, nang pagcadaquila alangalang sa caluagan at calayaan at n~g casaganaan at cadilagang tinataglay n~g casipagan.

Icasiam. Ibiguin mo ang iyong capua tauo paris n~g pag ibig mo sa iyong sarili, pagca't biniguian siya n~g Dios at gayon din naman icao n~g catungculang tulun~gan ca at huag gauin sa iyo ang di niya ibig na gauin mo sa caniya; n~guni't cun ang iyong capua ay nagcuculang dito sa camahalmahalang catungculan at nagtatangca n~g masama sa iyong buhay at calayaan at pag aari, ay dapat mong ibual at lipulin siya pagca't ang mananaig n~gayo'y ang cauna-unahang utos n~g Dios na mag in~gat ca at ini-in~gatan quitá.

Icapú. Laguing itatan~gi mo sa iyong capua ang iyong cababayan at lagui namang aariin mo siyang tunay na caibigan at capatid ó cundi ma'y casama, palibhasa'y iisa ang inyong capalaran, iisa rin naman ang inyong casayahan a t cadalamhatian, at gayon ding nagcacaayon ang inyong m~ga hinahan~gad at pag-aari.

Caya't habang tumutulay ang m~ga patuto n~g m~ga bayan na ibinan~gon at inaalagaan n~g pagcacanicaniya n~g m~ga lahi at angcan, ay sa caniya lamang dapat cang macuisama at tunay na maquipagisa sa hinahan~gad at pagaari, upang magcalacas ca sa paquiquibaca sa caauay ninyong dalaua at sa paghanap nang lahat na quinacailan~gan sa cabuhayan n~g tauo.


Unang tagobilin.—Tayo ay tinuruan at binihasa n~g Pamunoang castila at m~ga Paring religioso sa laguing pagtataas nang ating man~ga mata at ating pag-iisip sa isang balobalong lan~git, upang bayaan natin sila sa pagtatamong hinusay n~g m~ga cagalin~gan dito sa lupa. Caya't lason sa canila ang macaquita at macabasa tayo n~g m~ga librong macapagtuturo sa atin n~g m~ga catotohanang ito, na cung maganap natin ay matatamong ualang sala ang caguinhauahan sa buhay na ito at sa cabila'y ang calualhatian at cabuhayang ualang hangan.

Icaluang tagobilin.—Ang inang bayan ay hindi lamang ang cabayanan provincial, hindi lamang ang bayan (pueblo) at lalong hindi ang lugal na pinan~ganacan sa baua't isa; ang lahat na cabayanan, ang lahat na bayan at ang lahat na lugal na tinubuan nino mang taga Pilipinas, cahit ano ang caniyang sinasamba at ano man ang caniyang salita, ang siyang tunay na Bayang Pilipinas na ina nating lahat.



PANUKALA SA PAGBABAN~GON
NANG
REPÚBLICA NANG PILIPINAS


UNANG CASAYSAYAN.—Tungcol sa man~ga taga Pilipinas.

I.—Man~ga taga Pilipinas: una ang man~ga tubo sa lupang nasasacop n~g República n~g Pilipinas; icalaua ang man~ga anac n~g ama ó inang taga Pilipinas, cahi ma't tubo sa ibang lupa; icatlo ang man~ga taga ibang lupa na nagcaroon n~g catibayan n~g pamamayan dito; icapat ang man~ga cahit ualang catibayan ay nabilang na sa man~g a mamamayan sa alin mang bayang sacop n~g República.

Naaalis ang pagca taga Pilipinas cung lumipat n~g pamamayan sa ibang lupa ó tumangap caya n~g catungculan sa ibang Pamunoan n~g ualang pahintulot ang sa República.

Nabibilang sa man~ga taga ibang lupa: una ang man~ga tubo dito sa República, cung ang magugulang ay man~ga taga ibang lupang hindi nalipat dito n~g pamamayan; icalaua ang man~ga anac n~g amang taga ibang lupa, cahit ang ina'y taga rito, cailan ma't quinilala n~g ama ang anac upang masunod sa caniyang pinamamayanan.

Macahihin~gi sa Kapisanan (Congreso) n~g catibayan sa paglipat dito n~g pamamayan ang man~ga taga ibang lupang natitira dito alang alang sa alin man sa man~ga cadahilanang ito: una sa pagca't nacapagasaua sila sa babaying taga rito; icalaua sa pagca't may natatayo silang hanap-buhay dito sa capuluan ó nacatuclas caya n~g ano mang mapagquiquitaan na malaquing halaga, ó may lupain caya ó bahay na ipinagbabayad n~g malaquing ambagan, ó may calacal cayang pinamumuhunanan nila n~g sarili at malaquing halagá ayon sa acala n~g Capisanan: at icatlo sa pagca't nacagaua n~g malalaquing paglilincod sa icagagaling at icatitimaua n~g República.

Mabibilang sa man~ga mamamayan dito sa Pilipinas ang man~ga anac nang man~ga taga ibang lupang natitira dito, cun pagsapit sa dalauangpu at isang taong ganap ay mamayan dito at humauac nang ano mang hanap-buhay na may casaysayan at tumalicod sa pinamamayanan n~g caniyang magugulang sa harap nang catampatan may capangyarihan.

2.—Ang man~ga taga ibang lupa ay macatatayo cailan ma't ibig nila sa lupang nasasacop nitong Capuluan, at macapaghahauac n~g hanap-buhay ó ano mang catungculan na hindi hinihin~gan nang man~ga cautusan n~g catibayang galing sa may man~ga capangyarihan dito sa Pilipinas.

Ang hindi nalipat dito n~g pamamayan ay hindi macahahauac n~g catungculang may taglay na capangyarihan sa bayan ó macapagpaparusa caya sa tauong bayan.

3.—Ang sino mang taga Pilipinas ay may catungculang manandata at magtangol sa bayan cun siya'y cailan~ganin ayon sa cautusan, at umambag naman n~g nauucol sa caniyang pagaari sa man~ga cailan~gan n~g bayan.

Hindi ipahihintulot sa alin mang cautusan na mabayaran nang salapi ang paglilincod sa sandatahan; n~guni't hindi gagamit sa hocbong pangdigma nang tauong dinaan sa pilit haban mayroong maquitang maglincod n~g kusa.

Sino may hindi mapipilit magbayad n~g ambagang hindi ipinacacana at tinatangap n~g Capisanan.

4.—Ang sino mang taga Pilipinas at taga ibang lupa ay hindi mapipiit cundi siya pagbuntuhan nang man~ga hinalang may caliuanagan at catuiran na siya ang may sala, ó cun siya caya'y nasuboc sa pag gaua nang casalanan.

Ang sino mang piitin ay ibibigay pagdaca sa Hucom na may capangyarihan, at ito'y siyang magmamacaalam sa ilalim nang boo niyang pananagot na huag gamitan ang napipiit n~g ano mang gauing pagpapasigao at pagpapahirap at agad-agad susugpuin ang ano mang maquitang paglabag sa capurihan at mabuting pinagaralan. Capag tinangap n~g naturang may capangyarihan ang alin mang napipiit ay uusisaing agad-agad cun ito'y din ala sa ibang lugal ó cun pinahirapan, at alin man dito ang nagaua ay gagamitin capagdaca ang paguusig na catampatan laban sa man~ga nagculang.

Ang alin mang pagpiit ay pauaualang bagsic ó isusulong sa pagcabilango sa loob nang pitongpu at dalauang oras mulang isulit ang napiit sa Hucom na may capangyarihan. Ang pasiyang isadya sa alin man sa cabagayang yaon ay ipatatanto sa may han~gad sa loob n~g nasabing panahon ó tacdá.

5.—Hindi mabibilango ang sino mang taga Pilipinas cun ualang utos ang Hucom na may capangyarihan.

Ang pasiyang capalamnan nitong utos ay pagtitibayin ó pauaualang bagsic, capag nadin~gig ang tinuturang may sala sa loob n~g pitongpu at dalauang oras na susunod mulang magaua ang pagbibilango.

Ang sino mang tauong mapiit ó mabilango sa caparaanang nasisinsay sa ipinaguutos ó sa man~ga gauang di nabibilin sa cautusan ay pauaualan agad sa cahin~gian niya ó nino mang mamamayan. Ibibilin nang cautusan ang paraan nang madaling paggaua n~g pagpapaluag na ito at gayon din naman ang man~ga quinacailan~gan upang lapatan n~g mabilis na parusa ang man~ga nagsigaua nang di nadadapat na pagpiit ó pagbibilango.

6.—Ualang macapapasoc sino man sa pamamahay nino mang taga Pilipinas ó taga ibang lupang natitira dito, nang ualang pahintulot ang maybahay, liban na lamang cun acalain n~g Hucom na di maipagpapaliban ang paguusisang ito, at cun magcaganito'y idadaos yaon sa paraang nabibilin sa cautusan.

Ang paghahalughug n~g man~ga casulatan at casangcapan ay gagauin palagui sa harap n~g mayari ó nang isang casambahay nito, at cun uala ay sa harap nang dalauang sacsing cahangan ó cababayan.

7.—Hindi mapipiguil at hindi rin mabubucsan nang Punongbayang hindi Hucom ang man~ga sulat na inihulog sa coreo.

8.—Ang lahat nang pasiya tungcol sa pagbibilango, sa paghahalughug nang bahay ó sa pagpiguil nang sulat ay magcacaroon nang cadahilanan.

9.—Sino mang taga Pilipnas ay di mapipilit magbago nang bahay ó n~g lupang tahanan, cun hindi ito ipagutos sa hatol na ilinagdá nang catampatang may capangyarihan, capagnadin~gig ang may usap, sa man~ga bagay na nabibilin sa cautusan.

10.—Hindi maicacapit cailan man ang parusang samsamin ang man~ga pagaari at sino ma'y hindi maaalisan nang caniyang pamumuhay, cundi yaon iutos nang may capangyarihan sa napagquiquilalang icagagaling nang lahat; n~guni't cun magcagayon ma'y papalitan nang nauucol sa halagá.

Cun hindi magcacaganito'y aamponin n~g man~ga Hucom at ibabalic ang pagaari sa inalisan.

11.—Hindi rin maicacapit cailan man ang parusang patayin, sapagca't ang tapat na parusang nauucol sa catouiran ay di dapat tumun~go sa ibang bagay cundi sa pagbabago at pagbabalic loob n~g may sala, cailan ma't ito-y itutulot n~g hayag na pagbabayad sa nagauang sala.

Natatan~gi lamang dito ang paglabag n~g man~ga sandatahan sa harap nang caauay, sa pagca't cun magcacaganito'y maaalisan n~g buhay ang tunay na may sala, cun mahihila ang boong hocbo sa gauang masama pag hindi ito guinaua.

12.—Ang República palibhasa'y isang Katipunan ay di nagtalaglay n~g ano mang religion, cundi ipinauubaya sa consiensia nang baua't catauo ang boong capangyarihan sa pagpili nang inaacala niyang lalong marapat at matouid.

Caya't sa loob nang bacuran nitong Pilipinas ay di maliligalig ang sino man dahil sa man~ga caisipang tinataglay niya tungcol sa religión at sa pag gamit nang pagsambang minamagaling niya, at ang hindi lamang ipahihintulot ay ang hayag na pagsalansang sa ugaling minamabuti nang lahat nang tauo.

Gayon ma'y di magagaui nang ualang pahintulot ang may capangyarihan ang ano mang hayag na pagbibigay puri sa isang religión.

13.—Ang sino ma'y macapipili at macapagaaral nang gauang lalo niyang minamabuting tunculin sa paghahanap-buhay.

Ang sino mang mamamayan dito ay macapagtatayo at macapaglalagay nang bahay na talagang pagtuturuan ó pagaaralan ayon sa man~ga cautusan.

Ang Pamunoan ang magbibigay nang man~ga catibayan tungcol sa ano mang catungculan at siyang magsasabi nang man~ga casangcapang dapat taglayin nang lahat na magsipaghan~gad noon at nang paraang dapat pagcaquilanlan nang canilang carapatan.

Isang tan~ging cautusan ang magsasabi n~g man~ga catungculan nang man~gagsisipagturo at n~g man~ga patungtun~gang dapat sundin sa pagtuturo sa man~ga bahay na palagay nang bayan.

14.—Ang sino mang mamamayan ay may catouirang:

Macapagpahayag nang caniyang man~ga caisipa't inaacala, maguing sa bibig maguing sa sulat, at macagagamit nang limbagan ó nang iba pang ganitong paraan na hindi mapaquiquialaman at mababago nino man.

Magcatipon n~g tahimic at hinusay.

Man~gagsama at man~gaglamita sa anomang cabuhayan n~g tauo.

Macapagharap na isa-isa ó pisan-pisan n~g ano mang cahin~gian sa Kapisanan (Congreso), sa Tanun~gan (Senado), sa Presidente n~g República at sa iba't ibang may capangyarihan.

Gayon ma'y hindi pahihintulutan cailan man sa loob n~g lupain n~g República na matira ang man~ga Kapisanan n~g man~ga paring religioso na may sinusunod na Puno sa Roma sa piling n~g Papa. Ang malalabi lamang dito ay ang man~ga Katipunan (Congregaciones) ó Kapatiran (Hermandades, Cofradías) na lubos na nasasacupan n~g Obispo.

Hindi pahihintulutan ang ano man Katipunan ó casamahan tungcol sa magaling, cun ang casulatang pinagcayarian sa pagtatayo noon ay di naquiquita at minamagaling n~g tunay na may capangyarihan, bucod lamang ang m~ga samahan ó lamitahan sa pan~gan~galacal at ano mang hanap buhay.

Ang capangyarihan sa paghaharap n~g ano mang cahin~gian ay di magagamit n~g alin mang casamahan n~g sandatahan. Hindi rin macagagamit noon ang sino mang tauong nabibilang sa m~ga sandatahan, cundi alinsunod sa ipinag-uutos sa caniyang casamahan at cung natutungcol dito.

15.—Ualang maca pag bibigay usap at macahahatol sa sino mang namamayan cundi ang Hucom ó Tribunal na may catampatan, alinsunod sa cautusang nan~gun~guna sa, pag gaua n~g casalanan at sa paraang nabibilin sa cautusang itó.

16.—Ang m~ga namamayang sumapit sa dalauangpu at isang taong sincad at hindi hampas lupa at hindi rin binibiguiang usap at nahatulan sa ano mang casalanan, ay macapipili at macapaghahalal sa ano mang catungculan sa bayan; n~guni't upang mapili sila ay quinacailan~gan bucod dito na matutong bumasa't sumulat at mag taglay n~g iba pang casangcapang hinihin~gi n~g cautusan sa baua't catungculan.

Tatauaguing hampas lupa ang m~ga ualang napagquiquilalang hanap-buhay, ó di caya'y ualang pinagcacaquitaan cundi ang laro.

17.—Ang m~ga babaying taga Pilipinas ay di macahahauac n~g ano mang catungculang may capangyarihang maca pag parusa sa tauong bayan; n~guni't macahahauac n~g m~ga di nag tataglay n~g capangyarihang ito, cun nacacapit sa canilang catayuan at cailan ma't sila'y di namumuhay n~g halaghag at mag taglay n~g m~ga casangcapang hinihin~gi nang cautusan.

Ang calaman~gan nila'y hindi papasoc sa sandatahan at di mag babayad n~g ambagang iatac ó iayao sa baua't catauo ó ulohang ambagan; n~guni't mag babayad n~g nauucol sa catungculan ó hanap-buhay na canilang hauacan. Ang m~ga nag babayad n~g ambagan na sumapit sa dalauangpu at isang taong sincad, at di nasusucuban n~g capangyarihan n~g magulang ó nang asaua, ay magcacaroon nang catuirang macapaghalal sa ano mang catungculan sa bayan, liban na lamang cun iuala nila ang capangyarihang ito sa pamumuhay na halaghag ó sa pagca't sila'y binibiguiang usap ó nahatulan sa ano mang casalanan.

Ang m~ga babayi ay macapag-aaral n~g ano mang san~ga n~g carunun~gan maguing sa isip maguing sa quimotin ó talas n~g camay sa m~ga sanayang palagay n~g bayan at macahahauac n~g ano mang catungculang na uucol sa m~ga catibayang canilang macuha.

18.—Itititic n~g m~ga cautusan ang m~ga patuntun~gang quinacailan~gan upang quilalanin sa man~ga mamamayan at houag mapuing nino man ang m~ga catuirang quiniquilala sa canila n~g casaysayang itó sa paraang hindi maca aapi sa calahatan at sa may m~ga capangyarihan.

Pasisiyahin din naman ang pananagot na aacoin n~g m~ga Hucom at iba pang may capangyarihan na sumalansang sa m~ga catuirang itó, pati nang parusang lalapat sa canilang catauan ó nang casiraang sasapit sa canilang pag aari.

At gayon din ihahanay ang m~ga patuntun~gang naaayos sa cabaitan at matuid upang mapag tibay sa m~ga babaying may puri ang galang at pacundan~gang dapat ibigay sa canila n~g m~ga lalaqui at ang calaman~gang dapat iparaya sa canila n~g bayan sa boong panahon, dala n~g mabuting aral at magaling na ugali.

19.—Ang m~ga catuirang nabibilin sa una, icalaua at icatlong pangcat n~g núm. 14 ay di masasansala muna, at ang m~ga taning na natatalá sa m~ga bilang na 4 at 5 ay di mapaglalaonlaon sa cabooan ó isang bahagui n~g nasasacupan n~g República, cundi may cahanganan at sa pamamag-itan n~g isang cautusang buhat sa Kapisanan, capag yao'y quinacailan~gan n~g catibayan n~g bayan sa panahon n~g caguipitan.

Liban na lamang cun ang Kapisana'y nasasará at totoong mahigpit ang pagcacailan~gan, at cun magcaganito'y maipacacana n~g Pamunoan sa ilalim n~g boo niyang pananagot at pag naicuhang sanguni sa Tanu~gan ang pagsansala n~g catuiran at pagpapahaba n~g taning na nababanguit sa itaas; n~guni gayon ma'y caracaraca'y ipagbibigay alam sa Kapisanan cailan ma't ito'y mangyayari.

At sa cailan pa ma'y hindi na macasasansala n~g iba pang catuiran at macagagaua n~g iba pang pagbago, liban sa nasabi na, at cun cahi ma't pairalin ang gaui n~g digma ay ang may m~ga capangyarihan sa sandatahan ay pilit yuyuco sa m~ga catuirang quiniquilala dito at di macagagamit n~g parusang di nabibilin sa utos.


ICALAUANG CASAYSAYAN.—Tungcol sa República nang Pilipinas.

20.—Ang República n~g Pilipinas ay ang Katipunan n~g m~ga namamayan dito, na natatayó sa lupaing nasasaclao n~g m~ga Puló n~g Luzong, n~g m~ga Bisaya at Mindanao, n~g capuluan n~g Joló at n~g iba pang m~ga pulopuloang nacacapit sa m~ga sinabing itó at nasasa loob n~g calauacang tinatauag n~g una pa na capuluan n~g Pilipinas.

Ang Marianas, ang Carolinas at iba pang nasasacop n~g Pamunoang castila dito sa Oceania ay malalaquip sa República cun sila'y talagang maquipag-isá sa m~ga taga Pilipinas sa gauang pagbaban~gon n~g casarinlan ó sariling basaysay.

21.—Ang lupain n~g República ay pagtatan~gitan~giin sa man~ga nayon, at baua't isa nito'y pamamahayan n~g ilang maganac na napopooc sa isang lugal.

Ang pooc n~g man~ga nayon ay tatauaguing bayan at ang pooc n~g man~ga bayan ay pan~gan~ganlang cabayanan. Ang Kapisanan n~g man~ga cabayanan ay siyang Katipunang tinatauag na República n~g Pilipinas.

22.—Ang República n~g Pilipinas ay namumuhay n~g sarili at ang pamahalaan niya ay ang nababagay sa caniyang pan~galan, sa macatuid ay ang pamamahala n~g isang República.

Caya n~ga't mula sa Presidente hangang sa lalong maliit na may capangyarihan ay sa tauong bayan huhugutin at ualang ibang gagaoing patungtun~gan sa pagpili cundi ang uagas na carapatan at lubos na caran~galan at capurihan at iba pang cahusayan n~g ugali na ipaquita n~g isa't isa.

Ang lahat na catungculang hindi ihalal n~g bayan, cahit ano ang uri at gaano man ang halaga ay dadaaning lahat sa sungcaran, upang mahirang ang lalong marapat, at ang matayó doon ay di mapupuing n~g pagayon lamang.

Ang matatan~gi lamang dito ay ang m~ga Kagauad nang Pamunoan at ang m~ga Punongcabayanan at Punongbayan na ipalalagay n~g Presidente, n~guni't sa paraang nabibilin sa Panucalang itó.

23.—Ang capangyarihan sa pagcat-ha n~g cautusan ay tataglayin n~g Kapisanan, casama ang Presidente n~g República na inaalalayan n~g Tanun~gan.

Ang nan~gan~gasiua sa pagpapatupad n~g m~ga cautusan ay ang Presidente nang República na tinutulun~gan nang m~ga Kagauad nang Pamunoan at inaalalayan n~g Tanun~gan.

At ang capangyarihan sa paghatol ay tataglayin nang m~ga Tribunal ó Kapulun~gan nang catuiran at nang m~ga Hucoman.


ICATLONG CASAYSAYAN.—Tungcol sa Kapisanan (Congreso).

24.—Ang Kapisanan ay isang Katipunan nang man~ga Tagatayong inihalal n~g m~ga umaambag na may carapatán, upang man~gatauan sa canila at magtangcacal sa m~ga catuiran at pagaaring nasasaclau nang canilang Cabayanan at nang boong Repú

Umaambag na may carapatán ang m~ga lalaquing may taglay nang m~ga casangcapang nabibilin sa núm. 16 at ang m~ga babaying nasasaclau sa icalauang pangcat nang núm. 17.

25.—Upang mahalal na Tagatayo ay quinacailan~gan, bucod sa m~ga casangcapang naulit na nang núm. 16, na ang mahalal ay magtaglay nang dalauangpu at limang taong singcad at nagtutumirá sa bayan ó cundi ma'y sa cabayanang quinalalagyan n~g m~ga pumipili; sampahan n~g isang hanap na malinis at maliuag na maparam na maguing pang agdon sa buhay na catamtaman at di naguiguing utang sa iba; huag magtan~gan sa bayan ó sa cabayanan nang capangyarihang macapagparusa sa tauong bayan; at quilanlin siyang isa sa man~ga namamayang lalong marunong at may sinimpang sariling dan~gal nang caramihang tauo.

26.—Hindi macapaghahalal at gayon ding hindi mahahalal na Tagatayo ang sino mang humanap nang botos ó man~gaco nito sa can~gino mang tauo.

Ang sino mang may capangyarihan na magcupcup at tumulong sa alin mang naghahan~gad ay hahalan~gan sa catungculan at cacapitan nang usap na nababagay sa caniyang masamang quilos.

27.—Ang catungculan nang Tagatayo ay siyang lalong maran~gal sa lahat na mahahan~gad n~g taga rito sa Pilipinas, sa pagca't ang caniyang capangyarihan ay lubhang mataas at pinaquiquinang n~g di mayabang na urian n~g suyo sa bayan.

Sucat na lamang ang naturang catungculan na maguing tactac na di mapapaui n~g capurihan sa maguin dapat sa caniya alang-alang sa cahusayan n~g paquitang ugali at calaquihan n~g na aalaman at casipagan; siya ang catibayan; di mapupuing n~g sariling dan~gal at pag ibig sa bayan.

28.—Ang patungtun~gang dapat alinsunurin sa paglalagay n~g Tagatayo sa bayan ay ang dami n~g man~ga umaambag na may carapatan, at n~g matanto ito ay ipacacana n~g Pamunoang Tagapagban~gon, caracaracang matamó ang tagumpay at quilanlin ang casarinlan n~g Pilipinas, ang paggaua sa madaling panahon n~g isang Censo ó Talaan n~g man~ga mamamayan, at tuloy ipahahayag ang man~ga tagubiling quinacailan~gan n~g huag magculang at mamali.

—Sa Talaang ito maquiquita ang dami nang tauo at n~g man~ga umaambag na may carapatán at gayon din naman ang bilang n~g man~ga catiualang matun~god sa baua't bayan at n~g m~ga Tagatayó n~g baua't cabayanan, ayon sa man~ga susunod.

29.—Ang man~ga cabayanang bumilang n~g dalauang pu at limang libong mamamayang may carapatán ay magcacaroon n~g isang Tagatayó.

Cun humiguit sa dalauang pu at limang libo hangan limangpung libo ay dalaua; paglampas n~g limangpu hangan pitongpu at limang libo ay tatlo; cun lumampas pa dito hangan isang daang libo ay apat; at lima cun lumabis pa n~g paacyat.

Ang calabisan sa man~ga naturang bilang ay di macadadagdag n~g Tagatayo cundi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan.

30.—Ang man~ga bayang di macaabot sa isang libong mamamayan na may carapatan ay pipili n~g isang catiuala lamang; cun lumabis sa isa hangan limang libo dalaua; tatlo cun lumampas hangan sampung libo; apat cun lumampas pa hangan labinglimang libo: at lima cun lumabis pa nang paacyat.

Ang calabisan sa man~ga bilang na ito ay di macadadagdag pag hindi umabot sa isang libo man lamang na umaambag na may carapatan.

31.—Bauat nayong bumilang n~g limangpung mamamayang may carapatan ay pipili n~g isang matanda; paglabis sa limampu hangan isang daan ay dalaua; mahiguit sa isang daan hangan isang daan at limampu, tatlo; mahiguit na isang daan at limampu hangan dalauang daan, apat; at lima pag labis sa dalauang daan na paacyat.

Ang di bumilang nang limampu man lamang ay lalaquip sa man~ga capit nayon sa pag pili nang matandá.

Ang calabisan na di umabot sa tatlong pu man lamang ay di macadadagdag n~g bilang n~g man~ga matandá.

Ang loob n~g bayan ay isang tunay na nayon.

32.—Hindi mahahalal na matandá at catiuala ang hindi maaaring mahalal sa ano mang catungculan sa bayan ayon sa bilin n~g núm. 16 nitong Panucala, at ang ualang sariling basaysay at pamumuhay.

Hindi rin mahahalal ang man~ga tumatan~gan n~g capangyarihang magparusa sa tauong bayan, at gayon ding hindi magagauang matandá ang nagtutumirá sa ibang bayan ni catiuala ang taga ibang cabayanan, at bucod pa'y itong catiuala ay cailan~gang matuto n~g salitang bayan (idioma oficial).

33.—Ang paghahalal sa man~ga matandá ay gagauin sa buan n~g Septiembre n~g taong nan~gun~guna sa pagbubucas n~g Kapisanan. Sa pag gaua nito ay magsasadya ang Punong bayan sa baua't nayon, upang ang paghahalal ay maidaos ayon sa ipinaguutos.

Ang pag hahalal sa m~ga Katiuala ay gagauin sa buan n~g Octubreng susunod at dahil dito'y lalacbayin nang Punong cabayanan ang baua't bayan.

34.—Sa arao na tadhana n~g m~ga nasabing Puno ay mag titipon ang m~ga may carapatán sa baua't nayon at ang m~ga matandá sa baua't bayan at pasisimulan ang pulong, pag papauna n~g Puno sa m~ga caharap na ang tunay na mag sasangalang sa capurihan at cagalin~gan n~g lahat ay hindi iba cundi ang man~ga tauong tuga at may puring inin~gat, marunong cumilala at sumunod sa catuiran at masipag; caya't ang macapagsanla nitong tatlong hiyas ang siya lamang dapat macahiram n~g pananalig n~g bayan.

Isusunod dito ang paghahalal n~g dalauang tagapagsiyasat na maquiqui-agapay sa Puno at nang isang Kagauad na lulucluc sa harap nito at siyang mag tititic sa casulatan n~g lahat na mangyari sa pulong, at itong tatlo catauo ay ituturo at huhugutin n~g m~ga caharap sa canila ring nan~gagcacapisan at siyang maquiqui-umpoc sa Puno sa Tribunal nang paghahalal.

Saca itatanong n~g Puno sa m~ga caharap cun may ibig mag saysay n~g pagsusuhulan sa paglicom n~g botos, at cun mayroon ay sa oras ding yao'y palalaguian n~g ganap na caliuanagan at catotohanan, na hindi na isusulat ang ano mang pag uusisa. Cun totoo ang hablá ay aalisan n~g capangyarihang macapag halal at mahalal naman ang sino pamulpugan n~g casalanan, at ito rin ang gagauin sa sino mang mag ban~gon n~g paratang; at ang maguing hatol dito ay di mababago nino man.

Cun magcaroon nang usapan tungcol sa tinataglay na carapatan nang alin man sa manga caharap ay ang Tribunal ang magpapasiya nang lalong matouid at sa maihatol sa oras ding yaon ay ualang macasasalangsang at macasusuay.

Pagtutuluyan ang pagpili sa man~ga matanda ó catiuala, at sa bagay na ito ay lalapit na isá-isá sa Tribunal, nan~gun~guna ang man~ga marunong bumasa at sumulat at sasambitin ang pan~galan nang man~ga tauong napipili na isusulat nang cagauad sa harap nang napili sa isang talaang natatalaga. Cun ang napili ay di maalam bumasa ay macapagsasama nang isang marunong sa man~ga caharap, upang maquilala niya na ang pan~galang caniyang sinambit ang siyang isinulat. Dito at sa alin mang paghahalal ay ang bumutos sa caniyang sarili ay maaalisan nang botos.

Cun matapos ang pilian ay bibilan~gin nang Puno at n~g man~ga tagapagsiyasat ang man~ga botos at itititic n~g Cagauad sa casulatan ang ano mang mangyari. At cun mayari na ang casulatan ay babasahin n~g malacas nito ring cagauad at cun ualang bumati at tumotol ó pag naititic ang ano mang ipacli, ay pagpipirmahanan nang man~ga caharap cun ang pinili ay man~ga catiuala, at cun matandá ang man~ga nahalal ay ang pipilma ay ang man~ga casangcap sa Tribunal lamang.

At lulutasin ang pulong pag nabiguian ang m~ga nahalal n~g tig-isang salin n~g casulatang guinaua, sa may pilma nang Tribunal sa bauat salin, at matitira ang sinalinan sa Archibo ó Tagoan nang man~ga casulatan nang bayan.

35.—Upang mahalal ang sino man namamayan quinacailan~gang malicom niya ang mahiguit sa calahati n~g man~ga botos.

Ang m~ga may carapatan cahit ano ang catungculang hinahauacan ay di macapagtataglay nang lalabis sa isang botos, at ang m~ga taga pag usisa at cagauad ang huling pipili sa lahat.

Ang Punong nan~gu~guna sa paghahalal ay di bobotos; n~guni't pagnagca patas ay maiquiquiling niya ang caniyang pasiya upang macahiguit ang caniyang magalin~gin.

Hindi maaaring maquisalamuha sa pulong ang sino mang magbitbit nang sandata.

36.—Sa unang lingo n~g buan n~g Noviembre ay man~gagtitipon sa loob n~g cabayanan ang m~ga catiuala n~g baua't bayan na dala ang m~ga saling magpapaquilala nang canilang hauac na capangyarihan, upang maihalal ang m~ga Tagatayong nauucol sa cabayanan.

37.—Ang pulong ay pan~gu~gunahan n~g Punong cabayanan sa bahay na itinalagà nito at gagauin itong man~ga paghahandá: ipaquiquita n~g baua't catiualá ang saling dala niya; ihahalal at huhugutin sa nan~gagcacapisan ang pagcacaisahan nang marami na tatlong taga pagsiyasat at isang Kagauad na siyang magnonoynoy sa m~ga saling iniharap, at n~g tatlong sugó na magsisiyasat sa salin nitong apat na nahugot; at bago babasahin ang man~ga Pangcat nitong Panucala na nagsasabi n~g paghahalal.

Sa quinabucasa'y magtitipon oli at dito'y pagnaipagpauna n~g Puno ang nabibilin sa unang pangcat n~g núm. 34 ay ipababasa n~g malacas ang pinagcatoosan n~g man~ga tagapagsiyasat at Kagauad gayon din ang sa man~ga sugó, at ang pasiyahin n~g caramihan sa man~ga bating ipaclí sa man~ga salin ó catiuala ay siyang susundin n~g ualang tutol sa pangyayaring yaon lamang.

Bago gagauin nang Puno ang tanong na nasasabi sa icalauang pangcat nang naturang número 34 at gagauin din naman ang iba pang nabibilin sa pangcat ding ito. Sacá idadaos ang paghahalal nang man~ga Tagatayó sa paraang sinasaysay nang icapat na pangcat nang naulit na número.

Cun matapos na ang paghahalal ay tutuusin nang Puno pati nang man~ga tagapagsiyasat at nang cagauad ang man~ga botos at mahahalal ang macalicom nang mahiguit sa calahati. Cun ualang macatipon nang ganito carami ay pagbobotosang muli ang man~ga nagcaroon nang lalong maraming botos hangan matagpoan ang bilang na hinahanap.

At catapustapusa'y ititic nang Kagauad ang casulatan at pagcayari babasahin nang malacas at pag napalagay ang man~ga bating itutol ay pipilma ang lahat na caharap, at lulutasin ang pulong capag nabiguian nang tig-isang salin ang man~ga nahalal, na pipilmahan nang Puno, nang man~ga tagapagsiyasat at n~g Kagauad.

Sa Kapulun~gan nang m~ga matandá cun ihalal ang m~ga catiuala ay ang pagsisiyasat n~g m~ga salin ay gagauin sa oras ding yaon n~g Tribunal, capag naipabasa ang m~ga salin n~g tagapagsiyasat at Kagauad na nahugot. Cun batiin at paualang halagá ang salin n~g alin man sa nahugot na ito ay hahalan~gan n~g ibang pagcaisahan n~g caramihan.

38.—Cun mamatay ó di macacaya ang alin man sa m~ga Tagatayó ay dadayo at haharap sa Kapisanan ang m~ga nagcaroon n~g mababang bilang n~g botos sa m~ga napili, cun umabot sa mahiguit sa calahati at cun hindi ay mas gagaua n~g bagong paghahalal sa paraang nasabi na.

39.—Ang catungculan n~g Tagatayó ay di malalangcapan n~g iba pang catungculan ano man ang uri at bagay, at hindi macahahauac noon ang maytan~gang capangyarihang magparusa sa tauong bayan sa loob n~g cabayanang pinag gauan n~g paghahalal.

Ang m~ga Tagatayo'y hindi muling mahahalal cundi mahalinhan muna at macaraan ang caniyang capanahunan.

40.—Ang baua't Tagatayo'y may catungculang man~galaga sa m~ga catuirang quiniquilala nitong Panucala sa m~ga namamayan at magsigasig n~g icaguiguinhaua n~g República at n~g cabayanang caniyang tinatayuan.

41.—Upang matambin~gan ang capagalan n~g m~ga Tagatayó ay tatalagahan sila n~g canicanilang cabayanan nang catampatang upa sa caniyang Presupuesto ó Tandaan nang magugugol at nang pagcucunan nang gugugulin.

42.—Sino ma'y di macatatangui sa catungculang Tagatayô, Catiuala ó matanda man, sa pagca't ito'y isang suyong dapat gugulin n~g sino man sa caniyang bayan, cun may puri at dan~gal na sinimpan at may pagtin~gin sa sariling cagalin~gan.

43.—Sa unang arao n~g baua't taon ay man~gagtitipon ang man~ga Tagatayó sa calooban (capital) n~g República at gagauin ang hayag na pagbubucas nang Kapisanan, tuloy babasahin ang taonang calatas n~g Presidente n~g República nito ring Presidente, ó di caya'y n~g Presidente n~g Kapisanan cundi taon n~g pagbabago.

Ang man~ga abala at pagpupulong n~g Kapisanan ay mumulan sa nasabing arao hangang catapusan n~g buan n~g Marzo sa taontaon. Ang man~ga pulong ay hayagan at hindi macapagpupulong nang lihim cundi mapagquilalang yao'y cailan~gan.

Ang panahon nang pagcacabucas ay mapalalaon n~guni't catagalán na ang isa pang buan, una cung yao'y hin~gin nang Presidente nang República at icalaua cung yao'y mapagquilalang cailan~gan nang dalauang icatlong bahagui nang m~ga Tagatayó.

44.—Ang capanahunan n~g nan~gagcacapisan ay tatagal n~g apat na taon, at cung ito'y macaraan ay papalitan ang man~ga datihan n~g bagong Tagatayo.

45.—Sa unang taon n~g pagcacatayo n~g Kapisanan at sa pagpapalit ay ang pagbubucas ay gagauin nang Presidente nang República na cun macatapos n~g pagbasa nang Calatas ay man~gan~gasiua nang pagtatayó nang dalauang Paniualaan na pagcaisahan n~g marami, isa ay lima catauo ang sangcap na siyang magsisiyasat nang lahat nang salin nang iba nilang casama at ang isa'y lalaguian nang tatlo catauo na sisiyasat nang man~ga salin nitong limang nauna.

Ang m~ga Paniualaang ito ay siyang magbibigay saysay quinabucasan tungcol sa cayarian ó caculan~gan nang naturang m~ga salin at siyang magmamacaalam na ualang pucnat sa m~ga paghahandang gagauin, han~gan mapasiya at pagcaisahan nang marami ang m~ga iban~gong usapan tungcol sa cayarian nang m~ga salin at calagayan nang m~ga Tagatayó. bago lumampás ang sampong arao. Sa susunod nang taon gagauin, pagcatapos nang pagbubucas, ang m~ga quinacailan~gan sa pagpapasiya sa m~ga salin at calagayan nang m~ga Tagatayóng maharap na bago.

Caracaraca'y huhugot dito rin sa nan~gagcacapisan at sa butusang lihim nang pagcaisahan nang mahiguit sa calahati na isang Presidente, isang Pan~galauang Presidente at tatlong Kagauad, at lulutasin ang paghahanda capag naisulat sa Presidente n~g República ang man~ga paghahalal na itó.

46.—Ang man~ga Tagatayo'y hindi mapaquiquialaman tungcol sa canilang man~ga caisipan at di sila masisisi dahil dito nino mang may capangyarihan sa ano mang paraan.

Habang bucás ang Kapisanan ay di mabibigyang usap ang sino mang magcasala hangan di naquiquilala ang casalanan nang isang Paniualaang ipalagay nito ring Kapisanan. Ang m~ga habla sa ano mang casalanan habang nasasará ay mabibigyang usap na di na magdadaan sa alin mang Paniualaan, n~guni't ang kapulun~gang hahatol ay magpapasabi sa laguing Paniualaan at dadali-daliin ang usap upang matapos agad. Samantalang ganito'y ang may usap ay di macahaharap sa m~ga pulong nang Kapisanan hangan di maquilalang siya'y ualang sala.