47.—Ang man~ga capangyarihan nang Kapisanan ay ito:

Una. Cupcupin at itangcacal ang man~ga catuirang quiniquilala sa mamamayan nitong Panucalá at pan~galagaan ang ganap na catuparan nang cautusan sa pagbaban~gon at iba pá.

Icalaua. Kumathá n~g m~ga cautusan, magpaliuanag sa m~ga cahulugan nito at paualan n~g bagsic ang m~ga naquiquilalang lipás na.

Icatlo. Ilagay sa catungculan ang mahalal na Presidente nang República capag nadin~gig ang unang Calatas nito sa pagbati.

Icapat. Aminin bago pagtibayin ang ano mang cayaring gauin sa m~ga taga ibang lupa at quilanlin muna ang pagcacailan~gan bago pairalin ang ano mang digma.

Icalima. Magbigay ó tumangui sa capahintulutang quinacailan~gan upang macapasoc ang m~ga sandatahang taga ibang lupa sa nasasacupan nang República.

Icaanim. Pasiyahin taon taon cung maquita ang hamong n~g Presidente n~g República ang Hocbong dagat at Hocbong cati na dapat gamitin sa panahon n~g capayapaan at ang maguiguing caragdagan sa arao n~g digma, at maglagay n~g man~ga cautusan tungcol sa cahusayan at paraang dapat sundin n~g m~ga naturang hocbo.

Icapito. Ipacana taontaon ang m~ga ambagan at ang pagaayau-ayau noon.

Icaualo. Pasiyahin ang dami nang magugugol sa pamamahala sa bayan at pagnoynoyin ang catoosan (cuenta) noon.

Icasiyam. Magtayo nang m~ga Aduana (pamahalaan sa m~ga lalauigan) at maglagay n~g man~ga Aransel ó Tandaan nang m~ga opang dapat sin~gilin sa m~ga calacal na idoong.

Icasampu. Magpasiya nang nauucol sa pamamahala, pagiin~gat at pagaaluas n~g m~ga pag aari n~g República at humiram sa n~galan nito n~g salapi cun baga't cailan~gan.

Icalabingisá. Magdagdag ó magbauas n~g m~ga Katungculang quinacailan~gan n~g isang matipid na pamamahala.

Icalabingdalaua. Pasiyahin ang halaga, timbang, uri at n~galan nang man~ga salapi, at gayon din ang huarang lalong madali at matuid n~g man~ga timban~gan at panucat.

Icalabingtatlo. Guisin~gin at pasulon~gin ang lahat nang paraan nang hanap-buhay at alisin ang man~ga nacahahadlang sa paglaqui.

Icalabingapat. Ilagay ang paraan n~g pagtuturo sa bayan sa boong nasasacupan n~g República at ituro ang man~ga patungtun~gang susundin sa paghuhusay sa man~ga malacas at sa man~ga maysaquit.

Icalabinglima. Magcaloob n~g man~ga Karan~galan at gantí, pati nang capatauaran sa sála, na ihamong nang Pamunoan.

Icalabinganim. At catapustapusa'y pasiyahin muna ang capanagutan n~g man~ga Kagauad n~g Pamunoan, at n~g Presidente n~g República cun ito'y mahahalinhan na.

48.—Ang lugal na pinagpupulun~gan nang Kapisanan ay lubhang cagalang-galang at di mapagpapahamacan at sino ma'y ualang macapapasoc doon cun may bitbit na sandata cahima't ang Presidente n~g República. At hindi rin macapapasoc dito ang m~ga sandatahan, liban na lamang cun ipatauag nang Presidente nang Kapisanan upang maoli ang cahusayan sa loob na guinambala nang man~ga di marunong magbigay puri sa sarili at sa hinahauacang catungculan.

49.—Ang alin mang Tagatayó ay macapaghaharap sa Kapisanan nang ano mang panucala nang cautusan, cailan ma't ito'y gauin sa sulat; at cun ipahayag nang Kapisanan na yao'y marapat pagpulun~gan at pagnoynoyin ay bibiguian n~g salin ang Tanun~gan upang paglini~gin nitó.

Hindi mapagbobotosan sa Kapisanan ang ano mang panucala, cun hindi maquita muna ang man~ga pinag usapan sa Tanun~gan.

Ang man~ga pacaná nang Kapisanan ay may bagsic nang cautusan, n~guni't hindi pa dapat sundin cun hindi pa ilinalat-hala yaon nang Presidente.

50.—Sa man~ga pagpupulong at iba pang nauucol sa panihala at cahusayan sa loob nitong Kapisanan ay ang susundin ay ang man~ga Tagobiling caniyang quinathá.

51.—Ang man~ga Tagatayó sa cabayanang calooban nang República pati nang tigisang pili sa man~ga tumatayo sa man~ga capit cabayanan ang naguiguing Laguing Paniualaan na, cun nasasara ang Kapisanan, ay man~gan~galaga sa ganap na catuparán n~g m~ga Cautusan at siyang tatauag sa man~ga capulong cun ito'y hin~gin n~g Presidente sa pagca't dumaan ang caguipitan ó may pagpupulun~gang lubhang malaquing bagay.


ICAPAT NA CASAYSAYAN.—Tungcol sa Tanun~gan (Senado).

52.—Ang Tanun~gan ay isang cabilugang lubos na cagalang-galang, na quinadoroonan n~g man~ga tauong lalong hirang dahil sa cahusayan n~g paquitang ugali at sa calaquihan n~g naalaman sa ano mang san~gá n~g carunun~gan at paghahanap-buhay.

Ito'y natatalagang magpaliuanag sa Kapisanan at sa Pamunoan sa canicaniyang usap na hinahauacan, upang ang lahat na itadhana nilong dalaua ay masamahang palagui n~g pagcatuga at catuiran; caya't ualang macaaaquiat dito sa mataas na luclucan cundi yaong m~ga piling mamamayan na nagpaquita n~g di caraniuang talas n~g isip at casipagan.

53.—Ang Tanun~gan ang una-unang magsisigasig sa icasusulong n~g pagtuturo sa bayan at n~g gaua sa lupa, gauang camay at gauang mag-calacal, pati n~g m~ga daong na calacalan at pangdigma; caya't pag-aaralan ang malayong inabot n~g m~ga iba't ibang lupa tungcol sa m~ga bagay na ito at iba pang icagagaling n~g República, ihahamong sa Presidente ang pagpapasoc dito n~g man~ga cagagauang hindi pa natatahacan n~guni't napagquilalang mabuti, cucupcupin ang m~ga tan~gi sa caramihan dahil sa talas n~g isip at sa m~ga natuclasang icagagaling n~g lahat at pasisiglahin ang loob n~g tauo sa pagtatayó n~g m~ga samahan at pagpapaquitaan n~g canicanilang gauang carunun~gan paris n~g m~ga peria at exposición at sa pagbubucas n~g mabibilis na daan n~g pagcacaabutan n~g m~ga iba't ibang bayan sa pamamagitan n~g man~ga limbagang marunong magpahatid tungcol cabaitan at catotohanan, palibhasa'y di nasosopalpalan nang casaquiman at cadayaan.

54.—M~ga Apo na tatayó sa Tanun~gan (Senador) at magbibibig sa canicanilang casamahan ang man~ga General at Almiranteng casalucuyang naglilincod; ang Rector ó namamahala sa bucal n~g carunun~gan (Universidad Central) at n~g m~ga Sanayang (Academia) itayó ucol sa alin man san~gá n~g dunong at alám; ang m~ga Decano n~g m~ga Sindicatong itayó n~g m~ga humahauac nang iisang hanap-buhay; at ang m~ga Director n~g m~ga bahay na natatalaga sa pagcacaauang gaua sa tauo, na pinan~gan~gasiuaan n~g Pamunoan.

Ang m~ga nasabing Rector n~g m~ga Sanayan gayon din ang m~ga Decano at Director ay hindi macatatayong Apo, cundi nila hin~gin sa Kapisanan na sila'y, biguian n~g capangyarihang itó sa pagca't ang canicanilang pinamamahalaan ay nacatutulong n~g malaqui sa cagalin~gan n~g lahat.

55.—Macahihin~gi din naman nitong capangyarihan sa Kapisanan at macahuhugot n~g isang Apo sa canila rin ang m~ga casangcap sa malalaquing samahan sa pagcacalacal at iba pang hanap-buhay na itayó n~g m~ga taga Pilipinas upang macapagbucas n~g m~ga mabibilis na daan at magcaabutan ang m~ga malalayong bayan ó di caya'y maisulong ang m~ga naturang hanap-buhay at guminhaua ang lahat.

56.—Ang ibang m~ga Apo ay pipiliin n~g m~ga tagapaghalal na ipalagay n~g capulun~gan n~g m~ga Propesor sa baua't Colegiong pagturuan n~g mataas na aral ó n~g carunun~gan, tig-isa ang baua't Colegio; n~g m~ga tagapaghalal na ipalagay n~g m~ga casan~ga sa baua't samahan sa pagcacalacal ó hanap-buhay na hindi nasasaclao n~g núm. 55, n~guni't bumabayad n~g m~ga ambagang pinacamalaqui sa lahat tungcol sa malinis na hanap na sumampa taontaon, tig-isa ang baua't samahán; n~g m~ga Director sa m~ga bahay na itayó sa pagcacaauang gaua sa m~ga cabayanan; at n~g m~ga umaambag na bumayad n~g malaqui sa lahat sa ambagan sa hanap-buhay.

57.—Ang m~ga cabayanang bumilang n~g limangpung tagapaghalal na paitaas ay pipili n~g tig-isang Apo; mula sa isang daan na paaquiat dalauang Apo; at tatlo mula sa isang daan at limangpu na paitaas.

Capag ang m~ga tagapaghalal n~g isang cabayanan ay di umabot sa limangpu ay pipisan sa m~ga tagacapit cabayanan upang macapili.

58.—Ang paghahalal sa m~ga Apo ay gagauin para n~g m~ga Tagatayó.

59.—Ang Tanun~gan ay magpapalit n~g m~ga Apo bauat apat na taon gaya n~g Kapisanan; n~guni't palaguing bucás.

Sa Presupuesto n~g calahatan ay maglalaan nang pang upa sa Presidente, Pan~galauang Presidente at m~ga Kagauad. Ang ibang Apo ay di tatangap n~g ano mang upa, n~guni't hindi magbabayad n~g ano mang ambagan habang humahauac nang Katungculan.

60.—Sa pamula n~g Tanun~gan at sa baua't taon n~g paghahalili ay ito'y bubucsan n~g Presidente n~g República at gagauin ang m~ga pag hahandang nabibilin sa núm. 45. na ualang maiiba cundi ang bilang n~g m~ga Kagauad na mababauasan at madadagdagan n~g Pamunoan alinsunod sa dami n~g gagauin.

61.—Ang lugal na pinagpupulun~gan n~g Tanun~gan ay lubhang cagalangalang para rin n~g sa Kapisanan at ang m~ga Apo ay di mapaquiquialaman sa canilang m~ga caisipan gaya n~g m~ga Tagatayó.

62.—Ang m~ga pulong n~g Tanun~gan ay hayag din at upang magcaroon n~g bagsic ang caniyang m~ga tadhana ay cailan~gang maharap ang dalauang icatlong bahagui man lamang n~g m~ga Apo.

Ang Presidente, ang Pan~galauang Presidente at ang m~ga Kagauad ay di macaliliban sa ano mang dahilan; n~guni't ang m~ga ibang Apo ay macapaghahalihalili n~g pagliban cun may pahintulot ang Tanun~gan, matiran lamang na palagui n~g dalauang icatlong bahagui. Sa panahon n~g cahigpitan at cahirapan ay ualang macaliliban.

63.—Ang Tanun~ga'y didin~giguing palagui nang Presidente na parang Sangunian sa lahat na ba gay na malaquing halaga at mabigat, n~guni't ang m~ga casagutan noo'y hindi macapipilit dito. Gayon may cun ang ano mang tadhana ay pagcaisahang macaitlo sa iba't ibang panahon ay cailan~gang icuhang sanguni sa Kapisanan upang pasiyahin cun dapat magcaroon n~g bagsic n~g cautusan.

Macapaghaharap din naman n~g ano mang panucala tungcol sa cautusan; n~guni't ito'y gagauing palagui sa Presidente n~g República na siyang magpapadalá sa Kapisanan cun minamagaling niya.

Sa m~ga pagpupulong at sa iba pang nauucol sa pamamahala at cahusayan sa loob ay susundin ang m~ga Tagobiling cathain nito ring Tanun~gan.

64.—Upang maguing Apo ay quinacailan~gan, bucod sa caraniuang casangcapan, ang mag taglay n~g tatlongpung taong sincad; sampahan n~g isang malinis na hanap na maliuag maparam at magcasiya sa isang buhay na catamtaman at sarili; at magcaroon n~g m~ga casangcapang nasasabi sa número 52 ó macagaua n~g malaquing paglilingcod sa bayan.

Ang katungculang Apo ay casing tagal n~g sa Tagatayó, at itong dalauang catungculan ay di mapipisan sa isang tauo at di rin malalangcapan n~g ano mang capangyarihan sa pagpaparusa sa tauong bayan.


ICALIMANG CASAYSAYAN.—Tungcol sa man~ga Sanguniang cabayanan at Sanguniang bayan.

65.—Pagcapaghalal n~g man~ga Tagatayo ay ang m~ga catiuala sa baua't cabayanan ay magbubucod-bucod sa apat na puctó, cailan ma't bauat puctó ay bumilang n~g pito catauo man lamang.

Cun ang bauat puctó ay di macaabot sa nasab ing bilang ay magbubucod sa dalauang puctó lamang.

Ang m~ga puctong ito ang maghahalili sa taon-taon ó bauat icadalauang taon sa Sanguniang cabayanan sa loob n~g isang capanahunan, at maquiquialam sa m~ga usap sa cabayanan na parang m~ga casanguni.

66.—Ang m~ga matanda sa bauat bayan ay magbubucodbucód sa dalauang puctó na siyang maghahalili baua't icalauang taon sa Sanguniang bayan.

67.—Ang m~ga catungculang ito ay nagbibigay puri, n~guni't ualang upa; gayon ma'y ang m~ga Kasanguni ay di magbabayad n~g ano mang ambagan sa canicanilang capanahunan.

68.—Sasangcap sa Sanguniang cabayanan ang Punong cabayanan na siyang Presidente, ang Punong bayan sa loob na n~g cabayan na siyang Pan~galauang Presidente, ang m~ga casanguning dinatnan n~g capanahunan sa cabilugan n~g m~ga catiuala at ang Kagauad n~g Pamunoang cabayanan; n~guni't ito'y di macapagbibibig ni macabobotos sa m~ga pagpupulong.

Ang Pan~galauang Presidente ang hahalang sa Presidente sa boong capangyarihan nitó.

69.—Sasangcap sa Sanguniang bayan ang Punong bayan na siyang Presidente, ang Pan~gulo sa loob nang bayan na siyang Pan~galauang Presidente, ang iba pang man~ga Pan~gulo at ang m~ga Kasanguning dinatnan nang capanahunan sa cabilugan nang m~ga matandá at ang Kagauad sa Pamunoang bayan na hindi macapagbibibig at di rin macabobotos.

Ang Pan~galauang Presidente ang siyang hahalang sa Presidente sa dalauang cutungculan nito na Presidente n~g Sangunian at Punong bayan.

70.—Tutungculin nitong m~ga Sangunian ang pagpapasiglá sa pagtuturo at pagaaral at gayon din ang pagpapasulong sa gaua sa lupa, paghahayop, gauang camay at pan~gan~galacal, at cucupcupin ang m~ga nacacatuclas n~g m~ga mabubuti at malalacas na paraan; gumaua n~g Tandaan n~g m~ga tauo at m~ga usap (Censo y Estadistica) at n~g yaman (Catastro) para n~g tandaan n~g m~ga lupain, bahay at hayop at iba pang pag aari; at man~galaga sa mahusay na pag gugol sa salapi n~g bayan, ihablá ang m~ga sumira noon at gauain ang canicanilang Presupuesto ó Kuruan nang magugugol.

Pan~gan~galagaan din naman nang m~ga Sanguniang cabayanan na sa bauat cabayanan ay magcaroon man lamang nang isang Colegio ó Aralán na magturo nang mataas na aral at nang isang limbagan, hindi lamang upang maquilala n~g lahat ang m~ga pacaná nang napupunoan, cundi naman upang macalat sa paraang itong mabisa ang pagcabucas nang isip at iba pang pagcaquilalang paquiquinaban~gan sa sariling pamumuhay n~g m~ga tauo at cagalin~gan nang lahat.

71.—Ang m~ga Kasanguni sa cabayanan ay may catungculang magpaaninao at maghamong sa Pamunoang cabayanan n~g lahat na m~ga pacanang nahihinguil sa caguinhauahan n~g cabayanan; maquialam sa n~galan nitó sa pamamahala n~g salapi n~g bayan: at magtangcacal sa m~ga duc-ha at di macacaya sa canilang m~ga usap sa Pamunoan.

Ang m~ga Kasanguning bayan ay magcacaroon n~g m~ga ganito ring catungculan sa canilang quinalalagyang bayan at mag hahalal n~g isa sa canila na maguiguing Pintacasing maquiquialam sa Hucuman, upang dito'y maganap ang m~ga cautusan n~g ualang quiquilin~gan ang sino man.


ICAANIM NA CASAYSAYAN.—Tungcol sa Presidente n~g República at caniyang Pamunoan.

72.—Ang Presidente at Pan~galauang Presidente n~g República ay ihahalal n~g m~ga cabilugan nang m~ga katiuala sa baua't cabayanan cahalintulad n~g paghahalal sa m~ga Tagatayó; n~guni't maquiquialam sa paghahalal bucod sa Punong cabayanan na pinaca Presidente ang m~ga Pintacasi n~g República sa bauat cabayanan na m~ga taga pagsiyasat casama n~g m~ga inihalal n~g m~ga catiuala, na siyang man~gan~galaga upang ang paghahalal ay madaos ayon sa ipinaguutos.

Ang Puno at ang m~ga Pintacasi ay hindi macabobotos; n~guni't susugpuing mahigpit ang suhulan at daya sa butusan.

73.—Ang m~ga tunay na casulatan n~g paghahalal sa bauat cabayanan ay ipadadalá n~g Puno sa Tanun~gan at ang matitirá sa archivo n~g cabayanan ay isang saling pinilmahan n~g naturang Puno, n~g m~ga Pintacasi at iba pang tagapagsiyasat.

Capag natangap n~g Tanun~gan ang m~ga casulatan sa paghahalal n~g lahat na cabayanan ay magpasabi sa Kapisanan ó sa Laguing Paniualaan cun nasasará, at ito'y magsusugo n~g tatlo catauong tagapagsiyasat na maqui-alam sa pagbibilang n~g botos.

Cun ualang macalicom n~g botos n~g dalauang icatlong bahagui man lamang n~g lahat na katiuala sa m~ga cabayanan ay uulitin ang paghahalal, n~guni't ang pag bubutusan ay ang m~ga nacalicom n~g lalong maraming botos hangan sa tatlo man lamang.

74.—Ang Pan~galauang Presidente ay ang macalicom n~g mahiguit sa calahati n~g botos at siya ang hahalang sa Presidente, cun ito'y mamatay ó magcaroon n~g tunay na capansanan bago matagpós ang capanahunan na limang taon.

Habang hindi siya humahalang ay di macagagamit n~g ano mang capangyarihan ucol sa caniyang sariling catungculan; n~guni't paghalang ay malilipat sa caniya ang boong capangyarihan n~g Presidente.

75.—Ang mahalal na Presidente ay ihaharap sa Kapisanan n~g hahalinhan at n~g Presidente n~g Tanun~gan, at cun malagay na sa talagang luclucan n~g Presidente n~g Kapisanan ay babasahin ang caniyang calatas sa pagbati at dito'y ipan~gan~gaco sa mahigpit na panghahauac sa sariling dan~gal at capurihan na pagpipilitan niya sa boong macacaya ang caguinhauan n~g bayan at mag bibigay nang halimbaua sa lahat sa pagyucó at pag galang sa m~ga cautusan sa pagbaban~gon at iba pang bagaybagay.

Pagcatapos n~g pagbasa ay igagauad n~g Presidenteng hahalinhan ang m~ga saguisag na pagcacaquilanlan nitong mataas na catungculan, at quiquilanling hauac na niya ang boong capangyarihan.

76.—Ang presidente ay siyang pinaca catauan n~g bayan, caya't siya'y dapat igalang at huag pagpahamacan at di mabibiguiang usap habang di naa-alisán nang catungculan.

Ang Presidente ay hindi iba cundi ang capatid at caibigan n~g lahat na taga Pilipinas, at caya lamang mauiuicang siya'y nacalalalo ay sa pagca't siya ang dapat man~guna sa pagpapasunod nang ugaling magandá at mahusay at sa cabutihan nang gaua sa bayan.

Utang niya sa caniyang sariling dan~gal at sa Dios ang mag taglay n~g isang ugaling ualang ipipintas, upang mapapurihan niya ang caniyang bayan sa harap n~g m~ga taga ibang lupa, at mag bigay sa caniyang m~ga cababayan n~g halimbaua n~g cabaitan at casipagan.

77.—Siya ang quinabobooan n~g capangyarihang magpasunod sa m~ga cautusan at nalalaganapan n~g capangyarihang itó ang lahat na bagay na quinacailan~gan n~g cahusayan sa loob n~g bacuran nang República at sa icapapanatag sa labas, ayon sa ibinibilin n~g m~ga cautusan sa pagbaban~gon at sa iba pang bagay.

78.—Ang Presidente ang mag lalathalâ n~g m~ga tadhana n~g Kapisanan upang mapilit sa pag sunod ang tauo; gayon ma'y cun inaacala niya na ang alin man sa m~ga tadhanang ito ay macagagambala sa cahusayan sa loob at sa capanatagan sa labas ay malalaguian niya n~g sansalâ (veto) sa ilalim n~g boo niyang capanagutan.

79.—Ang Presidente sa sarili niyang isip ó sa hamong n~g alin man sa caniyang m~ga Kagauad ay macapaghaharap sa Kapisanan n~g ano mang panucala n~g cautusan; n~guni't bago gauin yaon ay didinguin muna ang Tanun~gan.

80.—Bucod pa'y nauucol sa caniya itong m~ga malaquing capangyarihang susunod:

Una. Kumathá n~g m~ga atas at tagobiling quinacailan~gan sa pagtupad n~g m~ga cautusan at man~galaga na sa boong nasasacupan n~g República ay ualang maghari cundi ang madali at ganap na catouiran.

Icalaua. Gumaua n~g m~ga cautusan at bagong pacaná na inaacala niyang dapat ihamong sa Kapisanan ucol sa cagalin~gan n~g República, upang pagnoynoyin n~g nararapat.

Icatlo. Maghalal sa m~ga may catungculan sa bayan ayon sa m~ga cautusan.

Icapat. Acayin ang Hocbong dagat at Hucbong cati at pagayao-ayaoin sa paraang lalong nararapat sa pamamaguitan n~g m~ga Generales na lalong may catampatan na siyang pagsasalinan niya n~g Kapangyarihan.

Icalimá. Mag tuto sa paquiquipulong sa m~ga Pamunoang taga ibang lupa at maghalal n~g m~ga sugo at Consul na cacatauanin niya.

Icanim. Mamahala sa pagpapabubo n~g m~ga salapi at mag atas n~g m~ga pag-gugulan, n~g m~ga itinatalagá sa baua't san~gá n~g pamamahala sa bayan.

Icapitó. At catapustapusa'y man~galaga sa lahat n~g nauucol sa cahusayan at icatitimaua n~g bayan sa m~ga sáquit.

81.—Ang man~ga hanganan nang capangyarihan nang Presidente ay itong man~ga susunod:

Una. Sa ano mang dahila'y hindi masasan-sala ang pagcacatipon n~g Kapisanan sa m~ga panahon at pangyayaring nabibilin sa cautusan, at gayon ding hindi yaon mapipiguil at mapaghihiua-hiualay at cailan ma'y di magagambala ang man~ga pagpupulong at paglilining nitó.

Icalaua. Hindi siya macalalabas sa nasasacupan n~g República at di niya masisira ó maihihiualay at malalaguian nang ano mang capanagutan ang alin mang bahagui nang lupain nitó.

Icatló. Hindi macapagyayari n~g anomang tipanan at iba pang casundó at gayon ding hindi mapaiiral ang digmá at mapababalic at mapagtitibay ang capayapaan cun ualang pahintulot ang Capisanan.

82.—Ang man~ga pasiya nang Presidente nang República ay pipilmahang palagui nang Kagauad na nauucol; n~guni't hindi ito mananagot na casama niya cundi maquilala na itong Kagauad ang naghamong nang m~ga naturang pasiya.

83.—Hihirang ang Presidente sa m~ga Tagatayó at Apong halili na at quinaquitaan nang ugaling ualang ipipintás sa pag ganap nang catungculan ó di caya'y sa man~ga nag gugol nang malalaquing paglilingcod sa bayan, n~g m~ga Kagauad n~g Pamunoan na siyang tutulong sa caniya sa paglulutas nitong m~ga susunod na san~gá:

Una. Paquiquipanayam sa tagá ibang lupa at pagcacalacal.

Icalaua. Panihala sa loob na nacasasaclao sa cahusayan sa loob, sa pagtuturo at pagpapalayó sa m~ga sáquit.

Icatlo. Gauang bayan, at dito'y masasama pati n~g gayang lupa at gauang camay.

Icapat. Catuiran.

Icalima. Yaman.

Icanim. Digmang cati.

Icapito. Digmang dagat.

84.—Ang m~ga Kagauad n~g Pamunoan ay macahaharap sa Capisanan at Tanun~gan cailan ma't may ipagsasabi sa n~galan n~g Presidente ó sila'y turulin cayá n~g hayág nino man sa Kapulun~gang itó.

N~guni't cun pagbobotosan na ang dahil n~g canilang pagdayo ay lalabas at di maquiquialam dito.

85.—Hihirang din naman sa m~ga tauong nababanguit sa núm. 83 at sa m~ga Katiuala at Punong bayang halili na at quinaquitaan n~g ugaling ualang ipipintas, n~g m~ga ihahalal niyang Punong cabayanan, na siyang pagsasalinan niya n~g boong capangyarihan sa loob n~g cabayanang masacop nitó.

86.—At gayon ding hihirang sa tatlong iharap sa caniya n~g Sanguniang bayan n~g gagauing Punong bayan na cacatauanin niya sa baua't bayan. Upang mabilang sa m~ga ihaharap ay quinacailan~gang nagdaan sa pagca matandá ó Pan~gulo at di napapintas sa ugali.

Ang m~ga Pan~gulo na siyang catiuala n~g Punong bayan sa bauat nayon ay ihahalal n~g Punong cabayanan sa m~ga mapili n~g umaambag na may carapatán. Ang pagpili sa m ~ga Pan~gulo ay caparis din sa m~ga matandá.

87.—Ang catungculan n~g Punong bayan at man~ga Pan~gulo ay tatagal n~g dalauang taon; at ang m~ga Punong cabayanan ay apat, liban na lamang cun bago lumampas ang taning na ito ay mapagquilala n~g Presidente na ang cagalin~gan n~g boong República at ang sariling cagalin~gan n~g cabayanang quinalalaguian ay nagcacailan~gang siya'y halinhan nang iba.

88.—Sa bauat san~gá n~g pamamahala sa bayan ay magcacaroon n~g Lugal cagauad na siyang Pan~galauang Puno sa baua't Gauaran; sa bauat Pitac ay maglalagay n~g isang Oficial at m~ga catulong at manunulat na quinacailan~gan sa madaling paglulutas n~g man~ga usap.

Ang man~ga Katungculang ito ay maguiguing isang tan~ging hanap-buhay gaya naman n~g sa man~ga Hocom at sandatahan, at ualang macapapasoc dito cundi magdaan muna sa sungcaran, maguing sa hagdang mataas na buhat sa baitang n~g man~ga Katulong na paitaas, maguing sa mababa na quinalalagyan n~g man~ga manunulat at iba pang alagad na quinacailan~gan sa baua't sánayan.

Ualang maguiguing dahil n~g pagtaas dito sa dalauang hagdan cundi ang catagalan at ang man~ga tan~ging paglilingcod na gauin n~g may Katungculan, cun yao'y mapatotohanan at marapatin n~g Tanun~gan. Upang macalipat mulá sa mababa tun~go sa mataas na hagdan ay cailan~gan ding magdaan sa sungcaran.

89.—Ang lahat na Katungculan sa bayan cahit ano ang quinauuculan ay babayaran n~g catamtaman, liban na lamang ang man~ga nasasabing ualang bayad sa man~ga cautus an, at di matatalagahan n~g ano mang upa ang man~gahiualay sa Katungculang ito. Ang sino mang mapahamac sa pagtupad n~g Catungculan at dahil dito'y marapatin n~g Kapisanan na gantihin ang gauang yaon, ang bihis ay ibibigay na paminsanan sa halagang pasiyahin nito ring Kapisanan.

90.—Ang man~ga sanayán (oficina) n~g Bayan ay bubucsan umaga't hapon gaya n~g sa man~ga magcacalacal, at magtatayó lamang n~g man~ga calalaguiang tunay na quinacailan~gan sa madaling paglulutas n~g man~ga usap.

91.—Baua't Punong cabayanan ay magcacaroon n~g nasasacupan niyang man~ga oficial, catulong at manunulat na quinacailan~gan sa iba't ibang san~ga n~g pamamahala sa cabayanang nasasacop niya, at ang oficial na catiuala sa cahusayan sa loob ay siyang Kagauad na maguiguing pan~galauang Puno sa Sanayán n~g cabayanan.

Ang m~ga manunulat ay caniyang ihahalal capag nasungcad n~g Sanguniang-cabayanan.

Ang sino man~gatungculán sa cabayanan ay dapat macaalam n~g salitá dito.

92.—Baua't Punong bayan ay magcacaroon nang; isang kagauad hugot sa baitang n~g m~ga catulong at n~g m~ga manunulat na ihahalal niya, capag nasungcad n~g Sanguniang-bayan. Magcacaroon nang isang catulong na Comisario n~g Pan~galagaan na may bayad. (Comisario de Policía).


ICAPITONG CASAYSAYAN.—Tungcol sa panihala nang catuiran.

93.—Ang capangyarihan sa paghatol at sa pagpapatupad sa maguing hatol ay tataglayin lamang n~g m~ga Kapulun~gan (Tribunales) n~g catuiran at n~g m~ga Hocom, na uala ng magagaua cundi ang mag lapat n~g m~ga cautusan sa usap ó gauang ihablá.

94.—Itatadhana n~g m~ga cautusan ang pagcacasunodsunod n~g m~ga paraan at pag uusisang dapat gauin sa m~ga usapin sa boong nasasacop n~g República, at ang panununtunan ay ang camunting sabi at ang caliuanagan at lilipulin yaong man~ga gauing luma na ualang quinauuculan cundi ang mag acsayá n~g m~ga papel at ang pahabain mag parating man saan ang m~ga casulatang usap.

Bibiguian ang m~ga nahablá sa usap-sala n~g boong-caluagan upang magamit ang m~ga paraang quinacailan~gan nila sa pagliligtas sa canilang catauan sa ano mang calagayan n~g nasabing usap.

Catagalan n~g m~ga usap-sala ang anim na buan at pagcaraan nitong taning ay dudusahin nang mahigpit n~g m~ga Capulun~gan ang m~ga Hocom na di magpaquita n~g tunay na cadahilanan nang pagcabalam.

95.—Magcacaroon n~g iisa lamang sacdalan (fuero) sa lahat na usap sala at usap catuiran, bucod lamang ang m~ga sandatahan na magcacaroon n~g sariling sacdalan cun sila'y magculang sa man~ga Cautusang nauucol sa canilang casamahan; n~guni't masasacupan din sila n~g sacdalan n~g lahat cun sila'y magcasala sa paquiquisama sa man~ga tauong bayan.

96.—Aalisin ang man~ga Pintacasing hindi upahan n~g bayan, pagca't sa haharapin ay ang man~gan~gasiua ay ang tunay na may usap ó di caya'y ang man~ga Abogadong biguian nito nang kapangyarihan.

Gayon ma'y cun ang may ari ay ualang cáya at di macaquita n~g Abogadong magmacaalam ay macapaglalagay n~g m~ga tan~ging sugo na man~gatauan sa caniya, n~guni't ang m~ga sugong ito ay mapapara sa m~ga tunay na Abogado na bumabayad n~g ambagan dahil sa canilang katungculan.

87.—Ang m~ga cahalili, Hocom at iba pang may katungculang nacacapit sa san~gang itó ay mananagot na isa-isá sa man~ga gauang pagcuculang sa cautusan, at sino mang mamamayan ay macapaghahablá tungcol sa pagpapasuhol at masamang pag gamit n~g katungculan.

98.—Sa calooban n~g República ay magcacaroon nang isang kataastaasang Kapulun~gan n~g catouiran na mag bubucod sa quinacailan~gang Licmoan (Sala) na lalaguian n~g limang cahalili bauat isá; sa bauat calauacan (Region) ay lalaguian n~g isang Kapulun~gan (Audiencia ó Tribunal) na may tatlong cahalili; sa bauat Hucuman (Distrito Judicial) ay magcacaroon n~g isang Pan~gulong Hocom (Juez mayor); at sa bauat bayan ay isang Hocom na taga pamaguitan (Juez de Paz), na ihahalal n~g Presidente n~g Kapulun~gang nacasasacop capag naiharap n~g Sanguniang bayan ang man~ga mamayang lalong marapat sa catungculang itó cun may sariling pamumuhay.

Sa boong nasasacupan n~g República ay magcacaroon n~g anim na calauacan man lamang na iaayao sa m~ga lupang lalong nauucol ayon sa dami n~g m~ga tumatahan, at sa bauat calauacan ay magcacaroon n~g m~ga Hucumang macailan~gan sa madali at matuid na pag aayos n~g catuiran.

99.—Sa siping n~g m~ga Kapulun~gan n~g catuiran ay malalagay ang casamahan n~g m~ga Pintacasi n~g República na pinan~gun~gunahan n~g Punong Pintacasi.

Ang m~ga Pintacasing itó ang man~gag aalaga sa mahigpit na catuparan n~g m~ga cautusan at maquiquialam hindi lamang sa m~ga usap-sala at usap catuiran (Juicios criminales y civiles), cundi naman sa m~ga usap-bayan (expedientes administrativos). Sila rin ang macapagpapatotoo sa m~ga gaua at casundong ibig pagtibayin upang paniualaan.

Sa bauat cabayanan ay magcacaroon n~g isang Pintacasi na casingtaas n~g Pan~gulong Hocom, at cun dito'y magcaroon n~g dalauang Hucuman ay ilalagay sa Piling n~g Hucumang (Juzgado) uala sa loob n~g cabayanan ang isa pang Pintacasing catulong na capantay n~g kagauad n~g Hucuman.

Sa bauat Kapulun~gan ay magcacaroon din nang isang Pintacasi na casingtaas n~g Cahalili, n~guni't ito'y ualang paquiquialaman cundi ang m~ga usap sa Kapulun~gan: at sa calooban (capital) n~g República lalagay ang Punong-Pintacasi na siyang mag tututo sa m~ga ibang Pintacasing quinacailan~gan upang mapaquialaman ang m~ga usap sa cataastaasang Kapulun~gan at sa m~ga Sanayan n~g Pamunoan at gayon din ang paghuhusay at pamamahala sa casamahan.

Sa bauat bayan ay magcacaroon n~g isang Pintacasing-bayan na huhugutin sa m~ga kasanguning casalucuyan.

100.—Sa mataas na hagdan nang pan~gan~gatungculang-hocom ay macapapanhic cun mag daan sa suncaran mulá sa unang baitang n~g m~ga kagauad n~g Hucuman at m~ga Pintacasing catulong, at ang pagtaas ay para n~g sa pan~gan~gatungculang bayan dahil sa catagalan at sa malalaquing paglilingcod na pinatotohanan at minarapat n~g Tanun~gan.

Sa pan~gan~gatungculang itó ay ualang tatangapin sa hagdang mataas cundi ang m~ga Doctor sa catuiran (Doctor en derecho) at ang m~ga Abogado.

101.—Tatalagahan n~g Kapisanan ang m~ga naglilingcod sa pan~gan~gatungculang Hocom n~g catamtamang bayad, upang magcaroon sila n~g pitagan at casarinlang quinacailan~gan sa maluag na pagtupad n~g mahal nilang catungculan; at huag tutulutan na sa m~ga Kapulun~gan at Hucuman magcaroon n~g m~ga manunulat at iba pang alagad na tagá mababang hagdan na di bibiguian n~g catamtamang upa, upang mailagan ang masasamang gauing pinag apuhan na sa ilalim n~g yamungmong n~g Pamunoang castila.

102.—Ang lahat na cahalili sa cataastaasang Kapulun~gan ang hahatol sa Presidente n~g República capag naipahayag n~g Kapisanan na ito'y may casalanan, pagca nahalinhan sa catungculan.

At ang isang Licmoan nitó ring Kapulung~gan ang hahatol:

Una. Sa m~ga Kagauad n~g Pamunoan, pagnaipahayag n~g Kapisanan na sila'y may casalanan.

Icalaua. Sa m~ga Tagatayó at Apo, cun maipahayag na sila'y may casalanan n~g isang Paniualaang ipalagay n~g canicanilang casamahan.

Icatló. At sa m~ga cahalili nito ring Kapulun~gan at n~g m~ga natatayo sa calauacan at sa m~ga Pintacasing capantay n~g m~ga cahalili at sa m~ga Punong cabayanan.

103.—Iisang cabooan (Código) n~g m~ga cautusan ang iiral sa boong nasasacop n~g República at dito ipagsasaysay ang bilang n~g m~ga Hucumang itatayó gayon din ang m~ga capangyarihan n~g isa't isa at n~g bauat Capulun~gan ayon sa patuntun~gan nabibilin dito sa Panucala.

104.—Sino mang nalalagay sa pan~gan~gatungculang-hocom ay di macahihin~gi n~g ano mang upa sa m~ga usap-sala at usap-catuiran at iba't iba pang pag gamit n~g catungculan. Pagcatapos n~g m~ga usap ay babayaran ang costas n~g mahatulang magbabayad nito at ang cabooa'y guguling lahat sa m~ga papel-multá na itatahi sa m~ga sulat-usap.

105.—Sa baua't bahay-bayan ay magcacaroon n~g isang silid na parusahan, sa bauat Hucuman ay isang bilangoan at sa baua't Capu lun~gan ay isang Presidio.

Ang pasunod na icacana sa m~ga parusahang itó ay ang lalong nauucol sa pagcaaua sa tauo at sa pagbabalicloob n~g may m~ga sala.

106.—Ang m~ga Cahalili at Hocom pati naman n~g m~ga Pintacasi ay di mapaquiquialaman sa pag gamit n~g canilang capangyarihan at paris din n~g may m~ga catungculang bayan at sandatahan na di maaalisan n~g catungculan cun ualang usap at hindi maililipat sa ibang lugal cundi nila hin~gin ó dumating caya ang panahon n~g canilang pag taas, ayon sa ipinaguutos.


ICAUALONG CASAYSAYAN.—Tungcol sa man~ga ambagan.

107.—Ang Capisanan ang magpapasiya n~g gugugulin sa taontaon sa lahat n~g san~ga nang pamamahala sa bayan alinsunod sa Curuang (Presupuesto) iharap sa caniya n~g Kagauad sa Yaman, at siya ring mag aatas n~g m~ga ambagang macayang ibayad n~g isa't isa ayon sa panucalang (plan) iharap nito ring Kagauad. Sa pagbabayad n~g ambaga'y ualang maliligtas cundi ang m~ga Apo na hindi mahalal na Presidente, Pan~galauang Presidente at m~ga Kagauad n~g Tanun~gan; ang m~ga Punong-bayan, ang m~ga kasanguning bunot sa cabilugan n~g m~ga Catiuala at Matandá at ang m~ga Pan~gulo, na hindi magbabayad n~g anomang ambagan habang gumugusad n~g catungculan.

Hindi rin magbabayad ang m~ga tauong napapasoc sa sandatahan n~g República at ang pangcat n~g m~ga caual sa Hocbong dagat at Hocbong cati.

108.—Pipilitin na ang m~ga ambaga'y tapatan at huag pailalim, bucod sa magaan.

Ang ulohang ambagan (contribución ó capitación personal) ay babayaran n~g lahat n~g tauo na hindi magcacalaman~gan mula sa edad na labingualong taong singcad hangan sa di na macacaya sa gaua sa halagang maluag pasanin n~g m~ga duc-ha.

Ang ambagan sa hanap-buhay (contribución de rentas ó industrial) ay babayaran n~g m~ga sinasampahan n~g halagang lumalabis sa pagaagdon sa buhay na catamtaman, dahil sa hinahauacang pagaari ó hanap-buhay.

Ang ambagang bahay (contribucion urbana) ay dadalhin n~g may m~ga ari n~g bahay na inuupahan ó talagang paupahan.

109.—Macagagamit lamang n~g ambagang pailalim upang macupcup ang m~ga calacal nitong bayan ó di caya'y cun ang bigay na cabigatan ay may cauyang paquinabang, ó cun di ma'y upang mapiguil ang malabis na pagsusunodsunod sa catauan.

Caya't ang m~ga Aransel n~g m~ga pamahalaan sa lalauigan (Aduana) ay isusunod at ibabagay sa guinagamit sa m~ga capit lalauigan (puertos vecinos) at n~g marami sa m~ga ibang sacupan.

Ang papel na may tatac ay gagamitin lamang sa man~ga catibayan (títulos), sa m~ga multá at sa m~ga casundong itititic n~g ualang bayad n~g man~ga Pintacasi sa Pan~gulong Hucuman (Juzgados mayores), at ang papel na pangdigquit ó pangdiquit (timbre móvil) ay gagamitin lamang sa m~ga padalahan sa coreo, sa cauad (telégrafo) at suclian (giro).

Ang lotería ripa at ang m~ga patente sa juego at ang hulugan sa sabong ay maguiguing pan~git, na anino lamang n~g Pamunuang castila, sa pagca't sa haharapin ay ang lahat na laro ó ripang may tayaan ó pustahan ay maguiguing salang paguusiguin n~g may m~ga Kapanyarihan.

Ang m~ga sabun~gan ay mapaparis sa man~ga pareha n~g cabayo, at ipauubaya sa may ibig ang pagcacaná noon; n~guni't babahagui sa paquinabang ang Pamunoan. Kalaquihan na ang pahintulutan ang sabong sa catapusang lingó n~g baua't buan at sa capistahan n~g pagtatayó n~g República, at di na mangyayari sa ibang arao pa.

Sa lugal nito'y ang paiiralin ay ang m~ga Mangharan at peria (Esposiciones y férias), ang m~ga palabas at aliuang macapagsusulong sa m~ga hanap-buhay ó di caya'y macababago sa masasamang gaui ó cundi ma'y macapagtuturo n~g pagquilala tungcol gauang carictan (bellas artes.)

110.—Ang icatlong bahagui n~g man~gasin~gil sa bauat bayan ay iin~gatan sa Tagoan n~g cabayanan na pan~gan~galagaan n~g isang nan~gan~gatungculan sa yaman sa ilalim n~g pamamahala n~g Punong-cabayanan na siyang magaatas n~g pagcacagugulan at n~g m~ga Casanguning-cabayanan na mag hahalihalili sa catungculang umayon sa pagpapabayad.

Ang dalauang icatlong bahagui ay dadalhin sa Caloobang tagoan (Tesoro Central), na paaalagaan sa Banco n~g Pilipinas na uuyanan n~g m~ga tan~ging pagcacaloob, at ang maguiguing catibayan n~g salaping ito ay ang malinis na puhunan n~g nasabing Banco at cun culang pa ay ang m~ga pag aari n~g m~ga calamitang nan~gan~gasiua dito.

111.—Baua't Punong bayan ay tutulun~gan nang m~ga Pan~gulo sa paninin~gil bauat icatlong buan n~g m~ga ambagan, at ang masin~gil ay aalagaan n~g Kasanguning may pagaaring casiyang ipanagot, na siyang pipilma pagtangap sa m~ga tandaan n~g paninin~gil, hangan maisulong ang masin~gil sa Tagoan n~g cabayanan.

112.—Ang Sanguniang-bayan ang gagaua sa taon-taon n~g Curuan n~g pagcacagugulan sa bayan pati n~g panucala n~g m~ga ambagang dapat ipal agay sa caniyang nasasacupan cun may pagcucunan, at ipadadala yaon sa Sanguniang cabayanan na siyang magboboo sa m~ga Curuan sa bayan-bayan upang magcapisanpisan sa Curuan n~g boong cailan~gan n~g cabayanan.

Itong Curuan n~g cabayanan pati n~g panucala n~g m~ga ambagan sa boong Kabayanan at bauat bayan ay ipadadala sa Kagauad sa Yaman, upang mapalagay sa Curuan at Panucala n~g calahatan at mapagsiyasat at mapagnoynoy n~g Kapisanan.

Ang m~ga cailan~gan sa baua't bayan ay tatacpan n~g salapi sa cabayanan, caya't ipaguutos n~g Punong cabayanan n~g macapagpacuha sa Tagoan n~g halagang nasasabi sa Curuang napagtibay na ang bauat Punong-bayan na pipilma sa sulat-bayad (Carta ú orden de pago) ó recibo casama n~g Kasanguni sa Yaman.

Ang m~ga cailan~gan n~g Kabayanan ay tatacpan n~g salapi ding itó at cun magculang ay pupunan sa iniuucol sa calahatan.

113.—Ang m~ga olat (cuentas) ay magcacaroon n~g dalauang hanayan, isá sa pumasoc at isá sa lumabas, at dadalahin n~g m~ga Kagauad n~g Sanguniang bayan at may tungcol nito sa Pamunoang cabayanan: at sa taontaon ay ipadadala n~g m~ga Punong cabayanan sa Kagauad sa Yaman, upang mapag isá ang m~ga olat sa iba't ibang san~ga at maiharap sa Kapisanan.

114.—Ang Pamunoan ay di macauutang sa loob ó labas n~g República cundi quilanlin n~g Kapisanang yao'y cailan~gan at pasiyahin tuloy ang cahalagahan at ang paraang gagauin upang mabayaran n~g unti-unti.

115.—Ang m~ga Sanguniang bayan ang magtutungcol n~g m~ga Talaan n~g tauo at yaman ó pagaari (Centro, Estadística y Catastro), tan~gi ang Talaan n~g hayop, lupa at bahay (Registro de la propiedad) at n~g m~ga paglilipatlipat n~g m~ga bagay na ito, upang tumibay.

Dito sa m~ga huling gagauin ay macasisin~gil n~g camunting upa na siyang pagcucunan n~g magugol sa lahat n~g gagamitin at sa quinacailan~gang catulong at alagad sa Sanayang bayan, pati nang upa n~g Kagauad at n~g Comisario cun maaabot pa.

116.—Ang m~ga Hocom na tagapamaguitan ang magdadalá n~g Talaang bayan (Registro civil) na siyang pagtatandaan n~g pan~gan~ganac, pagcacasal at pagcamatay, at sa m~ga capagalang ito ay macasisin~gil n~g camunting upa na pagcucunan nang gagamitin at ibabayad sa Kagauad at iba pang; catulong sa Hucuman (Juzgado).


ICASIYAM NA CASAYSAYAN.—Tungcol sa Lacas n~g Bayan (Fuerza militar.)

117.—Sino mang mamamaya'y di macatatangui sa pananandata cun siya'y cailan~ganin ayon sa cautusan, n~guni't di mapipilit ang alin man hangan may magcusang pumasoc.

Ang Kapisanan ang magpapasiya sa taon-taon n~g dami n~g lacas sa dagat at cati na dapat in~gatan sa cahusayan sa loob at capanatagan sa labas n~g República.

118.—Magtatayó n~g m~ga aralán sa pananandata ayon sa m~ga houarang lalong mabuti na maquita sa iba't ibang lupa, na pagtuturuan n~g lahat nang paraan sa paquiquidigmá sa dagat at cati, at pipilitin na ang pangcat n~g m~ga caual ay matuto n~g m~ga bagay na nasasaclao n~g simulang aral (instrucción elemental).

Ang sino mang maghan~gad mula sa pangcat n~g m~ga caual hangan sa baitang n~g Sargento ay pahihintulutan sa panahong payapa na macapasoc sa m~ga aralan sa pananandata, upang macaaquiat s a pangcat n~g m~ga Puno (clase de Jefes).

Ang pagtaas ay manununton lamang sa catagalan ó sa malaquing paglilincod na napaglinao at natunayan sa pamamag-itan n~g isang hatulan.

119.—Ihahanay n~g Kapisanan sa pamamag-itan n~g nauucol na cautusan ang lahat na quinacailan~gan sa pagtatayó, paghuhusay at pamamahala na lalong mabuti n~g Hocbong dagat at Hocbong cati.

120.—Sa bauat baya'y ang m~ga bagong-tauong sumapit sa dalauangpung taong singcad ay papasoc sa sandatahan n~g República, bucod lamang ang man~ga nagaaral sa m~ga Colegio, Alulod nang carunun~gan (Universidad) ó Bucal n~g carunun~gan (Universidad central), na natatayó sa ibang bayan at ang m~ga hindi macacaya na may tunay na cadahilanan.

Sino ma'y ualang macatatangui sa pag gusad na itó at sa m~ga bagongtauo ring itó huhugutin ang macailan~gan sa m~ga alagang Hocbo (fuerza permanente) cun ualang mag cusa.

Ang m~ga naturang bagongtauo'y magbubucod sa dalauang puctó na maghahaliling gumusad sa bauat anim na buan, cun ang bauat puctó ay di nagcuculang sa dalauang pu catauo; n~guni't cun magculang ay gugusad na lahat sa loob n~g isang taon.

Sila'y pagpupunuan n~g Comisario n~g Pan~galagaan (Policía) at sila rin ang maguiguing lacas na taga pagalaga sa bayanbayan, upang maganap ang m~ga atas n~g Punong bayan at Hocom na tagapamaguitan na siyang malapit nilang Puno at n~g Punong-cabayanan na siyang lalong Puno.

Ang Comisario n~g Pan~galagaan ay bubunutin sa m~ga nahiualay sa sandatahan mula sa baitang n~g Sargento na paitaas, cailan ma't di naquitaan n~g ipipintas na ugali; siya'y babayaran at quiquilanling parang isang Teniente n~g Hocbo at siyang magtatayó at magtuturo sa caniyang acay na lacás na parang tunay na sandatahan sa Hocbo.

Ang nan~gapapasoc sa sandatahan n~g República ay di magbabayad n~g ano mang ambagan at pararamtan at pacacainin n~g Pamunoan sa bayan habang gumugusad n~g catungculan.

121.—Sa calooban n~g República at sa m~ga bayang malalaqui at daldalan n~g sarisaring tauo ay maglalagay n~g isang casamahan n~g m~ga Polisonte, at ang macapapasoc dito ay ang m~ga tauong may pinagaralan at quilalang may inin~gat na dan~gal at tuga ang pamumuhay, na mauauan~gis sa Comisario sa caupahan at catayuan.

Ang m~ga nasabing Polisonte ang siyang man~gan~galaga sa bayan at tutulun~gan n~g lacás na ibigay sa canila n~g Comisario sa paghuhusay, at malalagay para rin nitong Comisario sa ilalim n~g capangyarihan n~g isang Prepecto na babayaran at quiquilanling parang isang Capitan n~g Hocbo.

122.—Pipilitin na sa Hocbong cati at Hocbong dagat at sa m~ga Pan~galagaan ay tingnan n~g m~ga Puno ang canilang nasasacop na parang tunay na anac, cayá susugpuin n~g ualang aua hindi lamang ang paglabag sa Puno cundi naman ang masamang pasunod sa m~ga sacop.

123.—Sa panahon n~g digma ay papapagsandatahin ang m~ga lalaquing ualang asaua mula sa dalauangpu at isang taon hangan limangpu, at cun di pa magcasiya ito ay tatauaguin ang m~ga uala ring asaua mula sa labing ualo.