SA ESCUELAHAN.


Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...


FELIZA: Itong man~ga huling sulat co, sa iyo, na may nanucol sa calagayan mo, at ang iba,i, aral cay Honesto, ay ipinaoonaua co, na di sa sariling isip hinan~go, cun di may sinipi sa man~ga casulatan, at ang caramihan ay aral na tinangáp co cay Doña Prudencia, na aquing Maestra: at siyang sinusunód sa escuela namin caya ibig co disin, na sa ating man~ga camaganac, sa man~ga escuela sa bayan at man~ga barrio, ay magcaroon nang man~ga salin at pag aralan nang man~ga bata. Ipatuloy co ang pagsasaysay nang man~ga cahatolan.[4]

Si Honesto, bago pa sa escuela, ay pabebendicion muna cay ama,t, cay ina; sa lansan~gan, houag maquiquialám sa man~ga pulong at auay na tinatamaan, matouid ang lacád, houag ngin~gisi-n~gisi, manglilibác sa capoua bata, ó lalapastan~gan sa matandá, at nang houag mauica nang tauo, na ualang pinagaralan sa magulang. Cun magdaraan sa harap nang simbahan, ay magpupugay, at cun nalalapit sa pintoan ay yuyucód. Pagdating sa bahay nang maestro ay magpupugay, magbibigay nang magandang arao, ó magandang hapon, magdasál na saglit sa haráp nang man~ga santong larauan, na pinagdadasalán nang man~ga escuela, hihin~ging tulóng sa Dios at cay Guinoong Santa Maria, at nang matutong gumauá nang cabanalan, at maisaulo ang leccióng pinagaaralan. Cun sa escuela may pumasoc na sacerdote, capitan, mahal na tauo ó matandá, ay tumindig, magbigay nang magandang arao, ó magandang hapon, at houag uupó hangang hindi pinaguutusan. Ang galang na ito,i, houag icahihiyang gauin, sapagca,t, ang cagalan~gan ay capurihán nang gumagalang, at di sa iguinagalang. Ang batang may bait at dunong, ay capurihán nang magulang, at ang caniyang quilos, pan~gun~gusap at asal, ay nagsasaysay na mahal ang asal nang nagturong magulang. Pagpilitan mo na houag catamaráng pagaralan ang lección; cun di matutuhan, ay mag-tanong sa, capoua escuela ó sa maestro caya, houag mahihiya, sapagca,t, cung hiyas nang isang marunong ang suman~guni sa bait nang iba, ay capurihán naman nang isang bata ang mag-tanong sa marunong, sapagca,t, napahahalata na ibig matuto,t, maramtan ang hubád na isip, nang carunun~ga,t, cabaitan; cun di agád matutuhan ang lección, ay houag mabubugnót mag-tiagang magaral, sapagca,t, ang carunun~gan ay bun~ga nang catiagan.

Cun di tinatanong nang maestro, ay houag sasagót, at cun matatanong ay tumindig muna, at sáca sumagót. Gayon din ang gagauin sa matandá ó guinoong causap.

Pagbilinan mo, na huag magpahalata sa capoua escuela, na siya,i, nanaghili sa mariquit na gayac, carunun~gan cayamanan, camahalan nang capoua, bata, sapagca,t; maguiguing capintasan sa caniyang asal.

Sa capoua bata, houag magsasalitá nang nangyayari sa ating bahay, nang icamumura sa capoua tauo, at sa ating bahay naman, ay huag ipapanhic ang naquiquita sa escuela, sa lansan~gan at sa bahay nang iba, lalo na cun na-ooui sa paninira nang puri, at cung sacali magupasala sa tauo ay sauain, at cun umulí pa,i, parusahan.

Cun sacali macarinig sa capoua bata nang mura sa magulang ó camaganac na may bait ay ipagtangól nang banayad at matouid na sabi, at pagdating sa bahay ay ilihim at nang di pagmulan nang pagaaway. Turoan mong maquípagcasundó si Honesto sa capóua bata, houag manampalasang magmura manungayao, at cun sacali,t, may lumapastan~gan sa caniya ay ipagtangól ang catouiran nang banayad na uica, at cun sacali nauucol na isumbong sa maestro, ay houag daragdagan, houag magpaparatang nang sala sa iba, sa pagnanasang maca panghiganti, sapagca,t, ang manghiganti; ay an~gat sa camahalan nang asal.

Cung siya,i, magsasalitá,t, ayao paniualaan nang casalitáan, ay houag patotohanan nang sumpà, sapagca,t, ang manumpâ sa ualang cabuluhan ay tandâ nang cabulaánan.

Sa escuela, cun may maquitang cacanin, ay houag pa~ngahasang canin hangang di pagutusan, at nang di paguicang matacao.

Sa ano mang utos nang maestro, at ayon sa matouid, ay umalinsunod, at cun sacali,t, maparusahan ay houag mabubugnót, matamisin sa loob ang parusa,t, nang houag maquitaan nang capalaloan.

Cung macapagleccion na,t, pahintulutan nang maestro na omoui, ay lumacad nang mahusay, houag palin~galin~ga, magpatuloy omoui sa bahay, at pagdating ay magdasál, at pagcatapos, ay humalic sa camay ni ama,t, ni ina, at gayon din ang gagauin sa hapon.

Sabihin mo cay ina, na di co sila nililimot sa harapán ng Dios, at malayo man aco ay hinihintay co ang canilang bendicion: Adios, Feliza, hangang sa isang sulat.—URBANA.


SA SALITAAN.


Si Urbana cay Felisa—MANILA....


FELIZA: Sa malabis na cadun~goan nang man~ga bata cun quinacausap nang matanda ó mahal cayang tauo, ang marami ay quiquimiquimi at quiquilingquiling, hindi mabucsan ang bibig turoan mo, Feliza, si Honesto, na houag susundin ang ganoong asal, ilagay ang loob sa cumacausap sagotin nang mahusay at madali ang tanong, at nang houag cayamután.

Cung man~gun~gusap ay touirin ang catauan, ayosin ang lagay. Ang pagsasalitá naman ay susucatin, huag magpapalampás nang sabi, humimpil cun capanahonan, at nang huag pagsauaan. Cun naquiquipagusap sa matandâ ma,t, sa bata, ay houag magsabi nang hindi catotohanan, sa pagca,t, ang cabulaanan ay capit sa tauong traidor o mapaglilo.

Ang pagsasalitá ay sasayahán, ilagay sa ugali, ituntóng sa guhit, houag hahaluan nang cahambugán, at baca mapara doon sa isang nagsalitang hambog, na isinagót nang causap. Fúú, Fúú, na ang cahulugán ay, habagat, habagat. Huag magpalampás nang sabi at baca maparis doon sa isang palalo na sinagót nang caharáp: hintay ca muna amigo,t, cucuha aco nang gunting at gugupitin co ang labis.

Sa paquiquipagharáp, ay mabuti ang nagmamasid sa quinacausap, at cun macaquita nang mabuting asal sa iba, at sa iba,i, cahan~galan, ay dampotin ang cabaitan at itapon ang casamán n~guni, ang nagcamali ay houag alipustain, sapagca,t, ang magpautang nang masama, malao,t, madali ay pagbababayaran. Bago bigcasin ang bibig, ang sasabihin ay iisipin muna, at susundin yaong hatol ni San Agustin ang minsang bibitiuan nang dila ay paraaning macalaua sa quiquil, sa macatouid ay sa bait. Caiin~gat at ang sabihing masama sa minsang mabitiuan, ay di na madarampot.

Sa pagsasalitat,i, houag cucumpáscumpas, ilagan ang in~gay, at nang di nacabibin~gi; masama rin naman ang totoong marahan, sapagca,t, nacayayamót sa quinacausap.

Houag magnanasang maghari sa salitaan at magsabi nang icapupuri sa sariling catauan, sapagca,t, ang mapagmapuring tauo,i, bucód sa di pinaniniualaan, ay naguiguing catatauanan at pangalio sa salitaan.

Cun tumama nang isang hambóg, ay houag salansan~gin paraaning parang han~gin, at nang houag pagmulan nang usap.

Cun macatama nang isang matabil, na di nan~gan~gauit magsalitá, ay maghunos dili sa gayong asal, ilagan ang catabilán, sapagca,t, nacayayamot sa causap. N~guni,t, cun masama ang matabil na lubha, ay masamá rin naman ang magasal tan~gá, na nacatingalá na parang napahuhula. Ilagan ang catabilán, at ayon din ang catan~gahan.

Houag maghihicáb ó magiinat, at nang di uicaing nayayamót, ó pinauaualang halagá ang causap.

Sa pagbibiroan, ay houag bumigcás nang masaquit na sabi, na sucat damdamin nang causap. Ano pa n~ga,t, sa pagsasalita,i, angquinin yaong refran na caraniuang sabihin: ang masama sa iyo,i, houag mong gauin sa capua mo tauo.

Cun icao Feliza,i, may ipagdadalamhati, ó iquinapopoot caya sa casama sa bahay, at may pumanhic na tauo,i, huag cang magpahalatá nang calumbayan ó cagalitan; tipirin ang loob, sapagca,t, sa man~ga desgracia ó basagulo sa bahay, ay isang cagamutan ang lihim. At cun may isang secreto ó lihim, ay pacain~gatan mo, na parang isang mahalagang hiyas.

Sa pagsasalita,i, houag magasal pusóng ó bobo, sapagca,t, cun tapós na ang toua at salitá, at pagisip-isipin ang guinaua, ay ang natitira,i, cahihiyan at sisi sa loob na sarili.

Cun may pumupuri sa iyo, ay di dinadaan sa tuyà, ay isaloob mo yao,i, nagmulá sa caniyang magandang loob, at di sa inin~gat mong cabutihan, at gantihin mo nang maraming salamat. Cun may pinupuri ca sa haráp, ay iin~gatan mo ang pagbigcás nang sabi at baca uicaing siya,i, tinutuyá mo.

Huag ituturo nang daliri ang quinacausap; at cun sacali,t, matandá, guinoó ó mahal, ay houag iparis sa iba, at uicaing casintandá mo ó casing taas mo.

Cun macaquita nang bata, ay huag pintasan at tauanan ang caniyang cagandahan ó capan~gitan, sapagca,t, pan~git man at magandá, ay gauang lahat nang Dios; Gayon din naman, cun may ibang nagpaquita nang canilang gauá, ó magsaysay nang canilang abilidad ó carunun~gan, ay tapunan nang caunting puri, at palibhasa,i, siyang nasa.

Sa pagsasalita,i, cun may mamali ó magalan~gan nang pagsasabi, ay houag pan~gunahan. At cun macapansin nang calupitán ó iba cayang capintasan, ay paraanin, at sucat ang ilagan.

Ang quinacausap, ay houag camamalasin na parang may sinisiyasat, at houag namang italicód ang muc ha, na parang pinauaualang halaga ang quinacausap. Cun marami ang caharap, ay houag iisa lamang ang tatapunan nang salitá, at tatalicdán ang lahat, sapagca,t, mahahabag sa sariling calooban. N~guni,t, cun may mataas na tauo sa m~ga causap, ay siyang causapin, gayon man, ay di carapatang paualang halaga ang iba.

Cun darating sa isang pagpulong ay houag magusisa cun anong pinagsasalitaan, lalo, na at cun ibig ilihim.

Cun ang man~ga capulong iba,t, iba ang uri, may mataas, may mababa ay babagayan naman ang isa,t, isa nang ucol sa paquiquipagusap, houag magcuculang sa cani-caniyang calagáyan. Adios Feliza.—URBANA.


PARAAN NANG PAGSULAT.


MANILA.....


MINAMAHAL CONG CAPATID: Ang isang sulat ay isang pagsalin sa papel nang na sa isip at sa loob, pinagcacatiuala, at nang matantó nang pinagpapadalhán.

Ang sulat ay isang salitaan sa papel, caya ang letra ay dapat linauan, at ang pan~gun~gusap ay ilagay sa ugali.

Cun ang sinusulatan ay caibigan at capahayagan nang loob ay pahintulot ang humaba ang sulat, at palibhasa,i, marami ang masasaysay.

Cun ang ibig sabihin sa sulat, ay isang bagay lamang, at ang sinusulatan ay di caibigan, hindi catampatan ang magsaysay nang ibang bagay.

Ang sulat, ay ibabagay sa sinusulatan, at gayon din ibabagay ang paquiqui usap. Iba ang sulat nang mataás sa mababang tauo, at nang mababa sa mataás; iba ang sulat nang matanda sa bata, at nang bata sa matanda.

Ang gulang na cailan~gang gamitin nang bata sa matanda,i, hindi cailan~gan sa sulat nang matandá sa bata; maliban na lamang, cun sa bata ay may naquiquitang bagay na sucat igalang.

Ang di pagcatutong maghanay nang sulat, ang sumulat nang lihis sa reglas nang arte; na ang tauag ay gramática, ay nagsasaysay na ang sumulat ay culang sa pag aaral.

Salamat Feliza, at icao ay nagsaquit matutó; at si Honesto ay pinagsasaquitan mo.

Ang sumulat nang lihis sa regla, ay capintasán sa isang dalaga, at lalong pansin sa man~ga lalaqui.

Ang papel na gagamitin, ay malinis at fino, lalo cun ang sinusulatan ay di caratihan.

Ang sulat, bago ipadala, ay sarhan at laguian nang sello.

Pagtangap nang sulat, cun sa biglaan, ay catampatang saguting madali, at di man biglaan, ay dapat na sagutin, at ang di pagsagot, ay nagsasaysay na tayo ay culang sa pinagaralan.

Ang bigcás nang sabi, ay houag tataasan, at nang di mauica na tayo,i, nagpapalalo: ilagay sa catatagán at nang di icapintas sa atin.

May bago n~gayong caugalian na ang sobre ó taquip nang sulat, ay bucod na papel: ang sulat ay ipaloloob sa sobre, at sa licod ay di sinusulatan nang n~galan nang pinadadalhan.

Ang pliegong gagamitin ay boó, cahit man~ga ilang uica lamang ang itatalá sa papel.

Bago sumulat, ay isipin muna; at nang di tayo macapagbigay poot; lilinauan, at nang di i-ucol sa masama.

Cun maraming bagay ang sasabihin, ay pagbucdin-bucdin, at di dapat na pagpisanin sa isang pitac: at sa pinacadaquila ó mahalagang bagay ucol na simulán.

Ang letrang diquit-diguit na nacaguguló, ang dalauang uica na di paghiualayin, ang n~galan nang tauo, ciudad ó bayan na di punoan nang muyúscula ó letrang malaqui, ay pan~git sa isang lalaqui at capintasan sa isang babaye; gayon ang alin mang mali na laban sa regla nang arte.

Ang pagticlop nang sulat, ang paglalagay nang oblea ay pagbubutihin, at nang mahusay tingnan.

Ang lacre, ay na-aari rin namang ipagsará, n~guni madaling masira; ang obleang mabuting gamitin ay ang maliliit at maquiquintab.

Ang ticlop nang sulat ay matouid ang sa man~ga camahalan, na ang bansag ay de etiqueta at negocio, apat ang ticlop; sa itaas, sa ibabá, sa caliua,t, sa canan; at sa man~ga babayeng mahal at masisilang ay maquitid at maliit, gayon din ang manga billete.

Cun ang sinusulatan ay papel de esquelas, ang fecha ay ibaba nang firma, at dacong caliuá.

Ang cumatcat nang letra sa sulat, ay nacarurumi sa papel at nagbabansag nang di carunun~gan.

Salamat Feliza, at ang man~ga sulat ni Honesto na ipinaquita mo sa aquin, ay malilinis, at alinsunod sa reglas nang arte.

Gayon man, tingnan nang capatid nating bunso ang regla sapagsulat na ipadadala co.

Cay ama at cay ina, humahalic aco sa camay. In~gatan cayo nang Pan~ginoong Dios.—URBANA.


REGLA SA PAGSULAT


MANILA....


FELIZA: Alinsunod sa sinabi co sa iyo na aco,i, magpapadala nang reglas sa pagsulat, ipababasa mo cay Honesto itong m~ga casunod.

Pupunuan nang mayusculas ang m~ga pan~galan at apellido nang tauo, caparis nang Francisco Baltazar; ang sa mga caharian, Ciudad, bayan, provincia, bundoc, dagat, ilog, batis para nang España Maynila, Biñang, Batangas, Arayat, Océano, Pasig, Bumbun~gan; gayon din ang n~galan nang carunun~gan, para nang Teología, nang Artes, para nang Gramática, Poecia; gayon din ang n~galan nang manga catungculan, para nang General, Papa, Arzobispo.

Gayon man cun sa Oración ó isang sabing boó ang man~ga n~galan nang carunun~gan, artes, at iba pang sinabi co, ay di pinacapan~gulo, ay pupunuan nang letrang munti, caparis niton halimbauang casunod; si Benito at si Mariano ay capoua nagaral sa pandayan.

Feliza, turuan si Honesto nang matutong maglagay sa sulat nang man~ga notas ó tanda. Ang man~ga notas ay ito: Coma (,): Punto y coma(;): Dos puntos (:): Admiracion (!); Interrogacion (?): Paréntesis (): Puntos suspensivos (::::): Etcétera ó Etcétera (&c.): Acentos (áàâ): Rayas ó comillas—».

Ang Coma, ay ilalagay sa man~ga pag-itan nang man~ga pan~galan: Vito, Teodoro, Pedro; gayon din sa pag-itan nang baua,t, isang Oración, cun di pa tapos, ang cahulugan nang ibig saysayin; para nitong halimbauang casunod; si Eva,i, tinocso nang demonio, ay nagcasala sa Dios, at si Eva naman ang humicayat cay Adan.

Ang Punto ay ilalagay sa catapusan nang Oración; cun dito,i, nabobuo, ang cahulugan nang ibig nating sabihin sa papel.

Ang Punto y Coma, ay tanda nang pagcacaiba ó pagcacalaban nang cahulugan nang magcacasunod na sabi ó Oración, caya sa pag itan ilalagay itong man~ga uicang datapuoa, n~guni, gayon man, Tingnan itong halimbaua: ang tauo,i, binig-yan nang Dios nang bait at loob; n~guni,t, sumuay sa caniyang man~ga utos.

Ang dalauang Punto, ay inilalagay, at nang maalaman na hindi pa tapos ang ating ibig sabihin ay ga uari tapos na; inilalagay, at ang cahulugan ay may cahulugan pa. Tingnan itong halimbaua: ang man~ga cahatulán nang Santo Evangelio, ay Santo; at laban sa cahatulan nang mundo.

Ang Paréntesis, ay inilalagay sa puno at dulo n~g Oración, na nagpapalinao nang sabi; n~guni,t, cun alisin man ay di nacasisira nang cahulugan. Tingnan itong halimbaua: cun icao ay magcasala (houag din nauang itulot nang Dios,) ang gamot, ay ang magsisi.

Ang Interrogación, ay parang S na baligtad, at sa ulo,i, may punto; inilalagay sa isang tanong. Tingnan itong halimbaua: ¿Icao ay cristiano na?

Ang Admiración, isang tanda na nagpapaaninao nang tunog na ibig nating ibigay sa pagtataca ó daing; ang tanda, ay isang guhit na patindig, sa ulo ay may punto; caparis nitong halimbaua: ¡Ay at aco,i, napahamac ¡Laquing caululán nang tauong nan~gan~gahas magcasala! Ang Puntos suspensivos, ay inilalagay, at ang cahulugan, ay ang cahatulang guinagamit natin, ay di sarili, cun di sa iba: quinucuha ang cailan~gan at iniiuan ang hindi. Inilalagay rin naman sa pinuputol na sabi, at di itinutuloy caparis nito; dan~gang pinanonood tayo nang Dios ay:::

Ang uicang Etcétera, na ang tanda ay ito &c. ang cahulugan, ay ang ating sinaysay, ay sucat na, iniiuan ang iba, at nang di macasamá.

Ang Acentos, ay man~ga guhit na para nito áàâ na cung ilagay sa ibabao nang vocal, humahaba, ó diyan binibigatan ang bigcas nang sabi. Tingnan dito sa dalauang uica: Hába, Habá.

Ang man~ga Comillas ó Rayas, ay nagsasaysay na ang lahat na talata na may lagay sa guilid, ay sipi sa iba; guinagamit, at pangtibay sa ipinahahayag sa atin.

Ang Guion, ay nalisan co. Ito,i, isang guhit na pahigá, na inilalagay sa dulo nang talata. Cun ang isang uica,i, hindi magcasiya sa talata, ay binabahagui sa dalauang magcasunód. Ang sang bahagui ay sa itaas, ang isa,i, sa casunód, at sa pag-itan nang uica, ay may Guion, ó guhit, para nito: May-nila, Mali-bay.

Ang Punto naman, ay naquiquilala sa tandang ito [.] Inilalagay, cun buo,t, tapos na ang caisipan natin, na ibig nating isaysay sa isang, oración, at ang casunod pinupunuan nang letra Mayúscula.

Cun mangyayari disin, ay dapat pagsaquitan n~g man~ga maestros at maestras na ang man~ga batang escuela, ay matutong bumasa nang sulat; at sumulat, bucod sa ibang bagay na dapat ituro. Hindi ang maca yari lamang nang letra, cun di maca sulat nang tapát. Ang sulat na lihis sa reglas, ay bucod sa nacaiinip basahin, ay nacasisira nang cahulugan, at nagsasabi ang di caalamang sumulat.

Ituro mong magaling, Feliza, cay Honesto itong man~ga reglas na aquing padala sa iyo, at marahil ay hindi lamang siya ang maquiquinabang. Isulat mo sa aquin cun caniyang sinusunod. Adios capatid co.—URBANA.


TAPAT NA CASIPAGAN

NANG BATA SA PAGAARAL


PAOMBONG....


URBANA: Tinangáp co ang man~ga sulat mo aco,i, napapasalamat sa iyo at cami ni Honesto ay pinagsasaquitan mong matuto.

Aquing iniutos sa caniya na pagaralan itong man~ga reglas na padala mo; tinangap nang boong toua at nagsaquit magaral. Sa caniyang pagpipilit ay natuto; at ang uica mo na di lamang siya ang maquiquinabang ay pinatutuhanan. Nang matutuhan na, ay itinuturo naman sa iba; at palibhasa,i, ang magaling ay hindi matahimic sa isa cun di sa calahatan. N~gayon ang man~ga escuela,i, nagcacahayahan, nagpapaquitaan nang cani-canilang sulat at cun may mabating mali nang capoua bata, ay binabago ang sulat. Ang sulat cong ito ay letra ni Honesto. Adios Urbana.—FELIZA.


SA CATUNGCULAN SA BAYAN.


Si Urbana cay Feliza.—MANILA ...


FELIZA: Si Honesto,i, cun macatapos na nang pag-aaral matutong bumasa nang sulat, sumulat, cuenta at dumating ang capanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang siya,i, gauing puno sa bayan, caya minatapat co sa loob na isulat sa iyo ang caniyang aasalin, cun siya,i, magca catungculan, at ang sulat na ito,i, in~gatan mo at nang may pagcaaninauan cun maguing cailan~gan. Ang m~ga camahalan sa bayan, ang cahalimbaua,i, corona na di ipinagcacaloob cun di sa may carapatan, caya di dapat pagpilitang camtan cun di tanguihan, cun inaacala na di niya icamamahal, sa macatouid, cun di mapapurihan ang camahalan. Ang corona, camahalan at caran~galan, ang dapat humanap nang ulo na puputungan, at di ang ulo ang dapat humanap nang coronang ipuputong. Ang caran~galan, sa caraniuan, ay may calangcap na mabigat na catungculan, caya bago pahicayat ang loob nang tauo sa pagnanasa nang caran~galan, ay ilin~gap muna ang mata sa catungculan, at pagtimbangtim, ban~gin cun macacayanang pasanin. Pagaacalain ang sariling carunun~gan, cabaitan at lacas, itimbang sa cabigatan nang catun~gculan, at cung ang lahat nang ito,i, magcatimbang-timbang, saca pahinuhod ang loob sa pagtangap nang catungculan, n~guni hindi rin dapat pagnasaan at pagpilitang camtán, cun di ang tangapin, cun pagcaisahan n~g bayan, at maguing calooban nang Dios.

Ang magnasang magcamit nang camahalan sa bayan, sa caraniuan ay hindi magandang nasa, sapagca ang pinagcacadahilanan ay di ang magaling na gayac nang loob na siya,i, paquinaban~gan nang tauo, cun di ang siya ang maquinabang sa camahalan; hindi ang pagtitiis nang hirap sa pagtupad nang catungculan, cun di ang siya,i, maguinhauahan; hindi ang siya,i, pagcaguinhauahan nang tauo cun di ang siya,i, paguinhauahin nang tauong caniyang pinagpupunoan.

Ang masaquim sa camahalan, sa caraniuan ay hindi marunong tumupad nang catungculan, sapagca,t, hindi ang catungculan, cun di ang camahalan ang pinagsasaquiman; salat sa bait, sapagca,t, cun may inin~gat na bait, ay maquiquilala ang cabigatan, ay hindi pagpipilitan cun di tatanguihan, caya marami ang naquiquitang pabaya sa bayan, ualang hinaharap cun di ang sariling caguinhauahan; ang mayaman ay quinacabig, at ang imbi ay ini-iring. Caya Feliza, in~gatan mo si Honesto, pagdating nang capanahonan, tapunan mo nang magandang aral, nang houag pumaris sa iba na ualang iniisip cun di ang tin~galin sa caibuturan nang camahalan, sucuan igalang at pintuhoin nang tauo sa bayan.

Huag limutin ni Honesto, na ang caran~galan sa mundo, ay para rin nang mundo, na may catapusan; ang fortuna ó capalaran nang tauo, ay tulad sa rueda na pipihit-pihit, ang na sa itaas n~gayon, mamaya,i, mapapailaliman, ang tinitin~galá n~gayon, bucas ay mayuyuracan, caya hindi ang dapat tingnan lamang, ay ang panahong hinaharap, cun di sampo nang haharapin. Itanim mo sa caniyang dibdib, ang pagtupad nang catungculan, na sacali ay tatangapin niya, sapagca,t, may pagsusulitan may justicia sa lupa,t, may justicia sa lan~git; ang malisan nang justicia rito, ay di macaliligtas sa justicia nang Dios.

Houag magpalalo, sapagca,t, ang puno at pinagpupunoan, ay di man magcasing uri, ay isa rin ang pinangalin~gan, isa ang pagcacaraanan at isa rin naman ang caoouian; Dios, ang pinangalin~gan magdaraang lahat sa hocoman nang Dios at Dios din naman ang caoouian.

Houag magpaquita nang calupitan sa pagnanasang igalang nang tauo, sapagca,t, hindi ang catampalasanan, cun di ang pagtunton sa matouid, at pagpapaquita nang magandang loob, ang iguinagalang at minamahal nang tauo. Mahal man, at cun malupit, ay di mamahal, cun di quinalulupitan, at pagca talin~gid ay pinag lililohan nang caniyang pinaglulupitan. Ang capurihan nang mahal na tauo ay na sa pagmamahal sa asal, at pagpapaquita n~g loob, paninihag nang puso nang tauo; n~guni ang pagmamalaqui at pagmamataas, ay tandang pinagcacaquilanlan nang caiclian nang isip, at pinagcadahilan nang pagcapoot nang caniyang capoua.

Cailan ma,i, houag lilimutin nang puno ang caniyang catungculan, lumin~gap sa lahat, mahal man at hindi, sapagca,t, cun ang paglin~gap niya ay laganap sa lahat, ay di lamang siya ang mamahalin nang tauo, cun di sampo nang caniyang familia, at sa panahon nang caguipitan, ay di magpapabaya ang caniyang pinagpaquitaan nang magaling.

Pacatatandaan, na ang isang guinoo, ó mahal na marunong tumupad nang catungculan, tapat na loob sa m~ga caibigan, mapagampon sa man~ga mabababa, maauain sa mahirap, ang ganitong mahal ay ligaya at capurihan nang bayan, at hari nang lahat nang pusò. Sa catagang uica,i, ang tunay na camahalan, ay na sa pagmamahal sa asal, at paggaua nang magaling.

Unti-unti, Feliza, na ipaquiquilala mo cay Honesto ang cahalagahan nang mahal na asal, nan pag-tuntón sa matouid at cagandahan nang loob. Italà mo sa caniyang dibdib, na ang báculo trono, corona ma,t, cetro ay ualang halaga, cun di napapamutihan nitong mahahalagang hiyas, Ipahayag mo cay ama,t, cay ina ang cagalan~gang co sa canila. Adios, Felisa, hangang sa isang sulat.—URBANA.


PAGIIBIGAN.


Si Urbana cay Feliza.—MANILA....


FELIZA: Ang marunong maquipagcapua tauo, saan saan ma,i, pinacamamahal, at isang tandang pinagcacaquilanlan, na may pinagaralang bait. Sa paquiquipagusap nang isang pinagpupunoan sa caniyang puno, ay di lubhang maquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, sapagca,t, sa tacot ó sa alang alang, ay nacapagpapangap nang mahal na asal na uala sa dibdib, n~guni,t, sa paquiquisama, ó sa paquiquipag-usap sa caniyang caparis, ay diyan naquiquilala ang marunong maquipagcapoua tauo, at ang hindi; ang may mahal na asal, ó asal timaua, ang may tapat na loob, at ang lilo, ang may pinagaralang bait, at ang ualá, sapagca,t, ang uala ay capag nalin~gat, ay nailoloual ang laman nang puso dahil sa pagpalagayan nang loob.

Sa pagpapalagayan nang loob ay di na cailan~gan sundin ang man~ga ceremonias at cagalin~gang ucol sa man~ga puno; n~guni, bagay-bagay rin naman ang pagpapalagayan nang loob. Cung sumisinsay na sa matouid, na pinagcacadahilanang ipahayag sampo nang casalaulaan; ito,i, isang caasalang nauucol lamang sa tauong salát sa cabanalan at sa calinisan, caya malaqui man ang pagiibigan ay di dapat iloual ang boong nasa sa loob. May isa namang pagpapaquita nang loob na may halong pag-imbot, na di ang hinahan~gad ay ang tunay na pagiibigan, cun di ang siya,i, maquinabang sa tinatauag na caibigan. ¡Malupit na pagibig na laban sa mahal na asal! Ang man~ga caibigan ito ay maipaghahalimbaua sa alamid, na nagdaya sa ouac, na sinasalita sa Fábula: May isang ouac na nagnacao nang queso,i, napailanglang nang lipád at tumuntong sa san~gá nang mataas na cahoy. Nang maquita nang alamid ang queso sa bibig, ay binati nang boong galang at quinausap. Di macacailan, aniya na aquing narinig, na sa balita,i, di sucat na maniuala, n~gayon co natanto na ang sabing ito,i, may catotohanan. Di anhin ang sabi, icao, sacdal itim, mapanood quita,i, mauiuica cong maputi capa sa busilac: daig mo ang cisne talo mo ang yedra, at cun sa huni disin, ay dadaiguin mo ang man~ga ibon, para nang pagdaig mo sa culay nang balahibo, ay uiuicaing co, na icao ang hari nang lahat nang ibon. Sa ganitong puri ay napa-ilanglang ang isip nang ouac, pinagbuti ang tayo, ipinamayagpag ang pacpác, at sinabayan nang huni, nabucsan ang tucá; nalaglag ang queso,i, quinain nang alamid. Sa ang ouac ay magcagayon, ay nagdalá nang malaquing hiya, at naquilala na siya,i, inaring ulol, at pinagdayaan nang alamid.

May pagpapalagayan nang loob, na bun~ga nang tapat na pagiibigan. Sasaysayin co Feliza, ang man~ga regla na dapat alinsunurin. Magbibigay luhód sa casama ó caibigan, pagbibigyang honor ó puri, n~guni ang pagbibigay ay tapat sa loob, at di paimbabao. Houag magnasaang pintuhoin at igalang nang caibigan cun di mamahalin, na para nang pagmamahal niya sa sarili. Hindi ang isa lamang ang magpapaquita nang loob, cun di capoua magpapaquitaan. Hindi maghahanapan nang cagalan~gang ucol sa naquiquilalang puno; datapoua,i, ibinabaual naman ang calapastan~ganan. Cun ang isa,i, naquiquitaan nang casiraan, ay dapat sabihin nang isa, nang banayad at mahusay na sabi, nang houag mapulaan ang caibigan; dapat naman tangapin nang pinagsasabihan ang magandang hatol nang nagtatapat loob sa caniya. Cun ang caibigan ay maquitaan nang cabaitan at tapat na loob ay pagsasangunian, at di naman dapat pagcaitan nang magandang hatol ang nunuhang sanguni. Cun ang isa,i, pinaguupasalaan, ay dapat ipagtangól nang nacaririnig na caibigan, ipahahayag ang caniyang cabutihan at nang houag masiraan nang puri. Maglilingcód at sasaclolo sa panahón nang caguipitan at casacunaan; sa catagang sabi,i, ang caibigan ay naquiquilala, sa bilangoan sa saquit at sa camatayan. Ang pagiibigan, ay isang caguilio-guilio na tanicalang guintó, na tumatali sa dalauang pusó; n~guni,t, mahirap hanapin, at palibhasa,i, mahalagang tanicalá. Caiin~gat si Honesto sa pagiibigan, malasin cun sino ang pinagcacatiualaan nang caniyang puso; tingnan cun tapát na loob, mahal na asal, may pinagaralang bait, marunong sumaclolo sa arao nang panganib at cun maquita niya itong may man~ga halagang hiyas saca naman ipagcatiuala ang caniyang loob. N~guni, at cun sa bala na, ay maquiquipagibigan cun masaui sa palád na tumama nang malupit na asal, salat sa cabaitan, ualang hinahan~gad cun di ang sarili niyang paquinabang, ay mapapahamac ang canilang bunsó; masisira ang magandang asal na tinangap sa ating magulang, at matatapos ang cabaitang sa iyo,i, pinagaralan.

Papamihasahin mo naman ang caniyang puso sa paggaua nang magaling sa iba, n~guni, sa bagay na ito, iilagan ang pagimbót na siya,i, gantihin sa ipinautang na loob. Cun may gumauá nang magaling sa caniya ay pasasalamatan, quilanlin ang utang, at gumanti sa capanahonan, sapagca,t, isang capalamarahán, isang casiraan nang puri, ang di cumilala sa utang na loob. Adios, Feliza.—URBANA.


SA PIGUING.


Si Urbana cay Feliza.—MANILA....


FELIZA: Cun icao at ni Honesto, ay maanyayahan sa isang piguing, ay dagdagan ang in~gat at maraming lubha ang pagcacamalan. Pagdating nang bahay, ay magbibigay nang magandang gabí, ó magandang arao sa may bahay sacá isusunod ang man~ga caharap, houag magpapatuloy sa cabahayan hangang di inaanyayahan, bago lumucloc ay hintin muna na pagsabihan, at houag pipili nang mahal na loclocan, sapagca mahan~gay ipagutos nang may bahay na umalis ca sa mababa at umaquiat ca sa mataas, na cun na sa mataas ay paalisin at ituro sa mababa. Sa paguumpocan ay caiin~gatan ang quilos, tin~gin at pan~gun~gusap, at baca maquitaan nang cagaspan~gan, ay cahiyahiya.

Sa isang piguing ay maraming lubha ang masasamang gauang naquiquita, na laban sa calinisan sa cabaitan at sa camahalan nang asal.

May maquiquita cang guinoó, na palibhasa,i, inaaring mataas nang iba, ay guinagaua ang asal na di nagpipitagan sa may bahay. Palin~gap-lin~gap ang mata, sa magcabi cabilang suloc, tinitingnan ang handa, at pag may di naibigan ay pinipintasán, na halos murahin ang may piguing.

May maquiquita ca naman, na pagpanhic sa bahay, ang sombrero,i, na sa ulo, ang baston ay di mabitiuan; di nagpupugay sa may bahay, pagbucá nang bibig ay nacatutulig, at pagsasalita,i, siya ang marunong, siya ang may bait siya ang matapang, ang mayaman at mahal na asal; bago,i, na ang pang-sira sa piguing na paris niya. Ang lahat na ito ay sucat ilagan. Sa madlang bagay na inihahanda nang may piguing, hindi mauaualan nang sucat cauiuilihan nang mata: cun may ipaquita ang may bahay, na parang ipinagpaparan~galan, cun may cabutihan ay taponan nang caunting puri, at cun may capintasan man ay magualang bahala houag pupulaan, at nang di ang dalamhati ang matubo nang caua auang nagpagod. Cun nangaanyaya sa pagcain ang may piguing, ay houag magpapauna sa lahat, nang houag uicaing salangapang n~guni,t, masama rin naman ang pinagcacahirapang anyayahang, sapagca,t, quinayayamotan.

Sa lamesa, ay sabihin mo cay Honesto, na cun macaquita nang bata na naquiqui guiit sa matanda, idinuducot ang camay, naquiquicain, ay di ina-anyayahan, ay pacailagan ang gayong masamang asal sapagca,t, nacasisira nang puri sa ma~gulang at nauiuica, na di tinuroan nang magandang caasalan. Houag maquiquiloclóc sa matatanda, cun di pagutusan at pilit pilitin. Sa pagcain, ay iilagan ang pag uubó, at cun hindi mangyari ay tumindig, gayon din naman ang paglura, pagdahác, pagsin~ga, ang pagbahin, at cun di maiilagan at cun minsan ay mabiglaanan, lumin~gon sa cabila, tacpan ang bibig nang panyó, at nang houag mahalatang lubha. Ilagan nang bata ang pagcamot camot, at iba pang gauang cahan~galan sa pagcain. Houag magpapauna sa matatandá sa pagsubo; houag magsasalita cun di tinatanong, at cun matanong naman ay sumagot nang maicli at banayad; n~guni, lilinisin muna ang bibig nang servilleta cun mayroon, at cun ualá ay panyó at houag sasagót nang lumilinab ang bibig at namumualan. Houag magpapaquita nang galit sa naglilingcód sa lamesa, sapagca,t, isang caualan nang bait, na para rin naman nang cumaing namumunó ang bibig, nagdudumali dalás-dalàs at malalaqui ang subo, di pa nalululón ang isa,i, susundan na naman, ó namumutictic ang canin at naglilináb; sapagca,t, mahahalata ang catacauan at casalaulaan. Ang pagcain ay banayad, ang subo ay catamtaman, hindi malalaqui at dalás-dalás, patun~gó ang mata at di nagmamasid sa quinacasalo, ay tandang pinagcacaquilanlan nang cabaita,t, cahinhinan. Iilagang marumhan ang mantel, lamesa, nang sabao, alac ó tubig nang di mapahamac, cun ang hinahauacan ay vaso, cuchara, ó copa, ay houag punuin, at nang di mabubó. Ang magpaquita nang lambing at magpairi iri ay nacamumuhi sa bata. Ang humimod sa daliri, hipan ang mainit na sabao, lamasin ang ulam, manguipaldal ang pingang quinacanan, cagatin ang ulam, at saca isauli sa pinangalin~gang pingan; uminom sa copa nang alac, ó vaso nang tubig na di nililinis ang labi, ay pauang casalauaang nacapandidiri sa nacacaquitang tauo. Ang uminom nang alac, ay masamang tingnan sa bata, at lalong masama ang mahalatang maibiguin sa alac. Cun matanda at iinóm ay maglagay sa copa nang caniyang mauubos, acalain ang maiinóm, sapagca,t, cun may matirá, ay pandidirihan nang iba, at bago uminóm ay linisin ang bibig, gayon din naman cun matapos. Hindi nauucol na magpainóm sa isang copa ó vaso cun maraming magagamit, sapagca,t, cun mainuman n~g isa ay pandidirihan nang iba. Cun baga,t, nagtatagayan, ay houag pipilitin ang capoua na painomin nang di macayanan, nang houag, macapahamac, at nang di siya ang pagcadahilanan nang pan~gun~guaad nang masama, paggaua nang di matouid, cun baga,t, mapagdimlan na ang isip. Cun hihin~gi nang alac, ay houag ipan~gusap nang malacás, cun di ihiuatig lamang sa namamahala. Houag nagpapahulí sa lahat sa pagcain, at houag namang magpapauna nang pagtindig, cundi paunahin ang matanda. Cun may í aabot sa iba, magoui nang ulam at ano mang bagay, ay houag lamasin at nang di pandirihan. Ang maganyayang mulán ang pagcain, ay na-uucol sa may piguing at di sa pinipiguing, at nararapat naman na sayahan ang muc há nang nagaanyaya at nang di maquimi ang inaanyayahan. Ang magsucbit nang matatamis ó maglagay sa bulsa nang ano mang macacain, ay isang catacauang nacahihiya; n~guni, cun may matanda na magaabot sa bata, ay dapat tangapin at cacaraca,i, pasalamatan ang nagmagandang loob.

Cun darampót nang vaso nang tubig, ay tingnan muna cun malinis ang daliri, at nang di marumhan ang hahauacan; houag isusubo ang daliri sa loob, sapagca,t, cun maquita nang maselang matá, may mandidiri. Sa pag inóm, cun mangyayari ay gamitin ang dalauang camáy, ang man~ga daliri ay sa dacong puno, houag ipapatong sa labi nang vaso ó saro at nang di casuclamán. Pagtindig ó bago umalis sa dulang, ay magpapasalamat sa Dios; n~guni, ang dapat mamuno ay ang may bahay, ó may piguing; at cun may sacerdoteng casalo ay sa caniya nauucol, at pagcatapos, ay magpasalamat sa may bahay. Nauucol disin na ituro nang magulang, ó maestro sa escuela ang pag bebendición sa dulang, ang pagpapasalamat sa Dios, sa man~ga bata, gayon din naman ang magandang cahatulan na isinulat co, sa iyo Feliza, laquing caligayahan ang aquing cacamtan, cun si Honesto,i, maquita co, na marunong maquipagcapoua tauo at sa paquiquipagharáp sa puno sa bayan, sa man~ga sacerdotes, sa matatandá, maguinoó, sa capoua bata, at itinutunton sa guhit ang asal, quilos at pan~gun~gusap. Quiquilanling cong utang cay ama, cay ina,t, sa iyo, cun sa isang piguing ay di magpaquita nang catacauan, cahan~galan, cun di cabaita,t, cahinhinan, sapagca,t, maguiguing capurihan nang umaral na magulang at caran~galan mo naman; ¡oh Feliza! sapagca,t, catulong ca sa pagcacalin~ga. Adios, hangang sa isang sulat.—URBANA.


SA CALINISAN


MANILA....


MINAMAHAL CONG CAPATID: Alinsunod sa pagsunód co sa cahin~gian mo na isulat co sa iyo ang mágandang aral na aquing tinangap sa maestra, ay minatapat co na dito,i, ipahayag sa iyo ang ayon sa calinisan. Tanto co na icao at si Honesto hinguil sa magandang asal na ito, n~guni dito,i, siya co ring saysay at ang aquing nasa,i, siyang cauilihan nang iyong loob at panatilihan, sapagca,t, ang cahusayan nang calinisan sa asal ay salamin nang calinisan nang caloloua.

Pagca tapos nang pagpupuri sa Dios, ang pagpilitan nang tauo ay ang paglilinis nang catauan, na para nang aquing sinaysay sa man~ga unang sulat, ay isusunod ang pagsisicap na ang damit na isosoot ay malinis; at ang calinisang ito ay di dapat limutin nang tauo sa bahay man, sa simbahan at sa lansan~gan man sapagca,t, ang calinisan at cahusayan sa batá ó binata, sa may asaua, ó sa dalaga ay hiyas na quinalulugdan nang mata at quinauiuilihan nang loob. Ang calinisan at cahusayan, anaquin; sapagca,t, malinis man at mariquit ang damit, cun ualang cahusayan, ay di nagbibigay dilag sa dinaramtan. Bucod sa calinisan at cahusayang hinihin~gi, ay cailan~gan din naman ang pagbabagay-bagay sapagca,t, napatataua ang hindi marunong magucol ucol nang damit, na caparis nang lucsa na sa pula; gayon din naman ang pagsasalit nang may halagang cayo sa duc ha at abang damit.

Cun ang pananamit na di nagcacabagay-bagay ay nacatataua, ang pananamit na mahalay ay nacasusuclam at nacaririmarim.

Cun magsoot ang isang babaye nang barong nan~gan~ganinag, ualang tapapecho ó panaquip sa dibdib, ay nacasusuclam tingnan, at ang may panaquip man ay di rin naitatago ang catauan at cahit paganhin ang barong nan~gan~ganinag sa isang babaye ay masamang tingnan, sapagca,t, naquiquita ang calahati nang catauan.

Salamat, Feliza, sa íyong magandang ugali, na pinagsususón mo ang baro, at iniin~gatan mong maquita nang matá ang iyong catauan. Ang magluang nang bilog, ang mamaro nang maicli, ang babaye na di marunong magin~gat nang caniyang pagquilos, ay parang itinatanyag ang catauan sa mata nang tauo.

Sucat alalahanín nang man~ga namamaling binibini ang malinis na uaní nang isda, na tinatauag na Pesmulier. Ang isdang ito, ang sabi, ay may suso sa dibdib, ang palicpic ay malalapad: pagnahuli nang man~gin~gisda, caraca raca ay ibanababá ang palicpic at itinataquip sa dibdib at nang di maquita. ¡Magandang caasalan na sucat pagcunang halimbaua nating man~ga babaye! Casunod nang calinisan sa pananamit ang calinisan at cahusayan sa pamamahay; sapagca,t, ang carumihan at caguluhán ay nagbabantóg sa nananhic na ang namamahay ay culang sa bait, anyaya at magasó. At nang pagcaratihan mo, Feliza, ay hatol co sa iyo na anomang gamitin mo ay isauli sa pinagcunang lugar, at bago isauli ay linisin cun narumihán. Ang hagdanan, cocina at hihigan ang nagsasaysay nang calinisan nang may bahay, caya dapat pagiin~gatan.

Sucat na tandaan nang isang dalaga na siya ma,i, maganda, mayaman at marunong maghiyas cun di marunong mamahay, ay uala ring halagá sa marunong magmasid: sapagca,t, ang babaye ang nagiin~gat nang susi nang caran~galan sa pamamahay, caran~galang sinisira nang sambulat na babaye.

Cun ang calinisan ay hinihin~gi, sa tauo sa sariling catauan at sa pamamahay ay hinihin~gi rin naman sa pagharap sa tauo. Ito ang dahilan at pan~gun~gusap quilos, pagtin~gin at boong caasalàn ay sucat in~gatan na houag maquitaan nang casalaulaan ó anyong masama na icapipintás.

Cun tayo,i, naquiqui usap ay houag i-abot ang camay cun baga,t, marumi at nang di pangdirihan: at sacali,t, hin~gin, ay itangui at isaysay ang cadahilanan.

Sa pagcain, ang ano mang bagay na ating gamitin at marumihan nang camay ó nang ating bibig ay di dapat i-abot sa casalo.

Ano mang gamit natin sa pamamahay ay houag ipagamit sa iba cun pangdidirihan, maliban na lamang cun na sa caguipitan at ualá nang magamit na iba, at capos naman sa panahong sucat ipaglinis. Sa pan~gin~gibang bahay naman ay dapat ang pagiin~gat. Sa paggamit nang casangcapan nang may bahay ay di ucol ang ualang uastó, ualang cahusayan at calinisan, sapagca,t, nacamumuhi.

Ang manhic sa ibang bahay na di malinis ang chapin ó paá, ay nacagagalit sa may bahay, caya dapat maglinis muna sa pamahiran nang paá.

Sa pagpanhic sa hagdanan ay houag mananabaco, lalo,t, cun ang sinasadya ay tauong mayselan. Cun macapanhic na, macapag bigay galang sa may bahay, houag caracaraca,i, umupó cun di cun pagutusan: at sacali,t, dumating ang ibang tauo ay alayan nang loclocan, at cun bagá ualá nang iba cun di ang inu-upoan natin ay siyang i-alay.

Ang man~gahas bumuclat nang libro ó sulat, ó dumampót caya nang ano mang bagay na maquita sa mesa, ay asal nang tauong hamac.

Ang magsalitá nang nacasusuclám sa caharáp ay masamang paquingan, at totoong pan~git sa isang binibini.

Gayon man, ang magandang caasalan ay naguiguing viciong nacacamuhi, cun pinalalampas sa guhit. Nacapopoot sa man~ga casambahay, at sa sinasamáng palad na nacacasama sa man~ga paglacad sa cati, sa paglayag sa caragatan, ay nacápagbibigáy poot cun maquita na ang anomang malapit, anomang maamóy, anomang mahipo ay pinangdidirihan.

Nacálulucod tingnan ang malinis sa pamamahay, sa pananamit, sa m~ga paggauá at sa boong caasalan: n~guni ang lahat nang bagay dito sa mundó ay dapat ituntóng sa guhit, na di ucol na lampasán. Ang cahusayan at calinisan ay hiyas na hinahanap sa babaye at gayon din sa lalaqui, n~guni alalahanin na ang ating man~ga casangcapan, damit at madlang pagaari sa mundo at talagang ipaglilingcod sa tauo. Caya cahima,t, mahalaga ang anomang pagaari, ay di sucat mahalin nang ating puso, di dapat na pagubusan nang ating lacás.

Cun sa pagmamahal sa asal, at sa calinisan ay nágcuculang ang man~ga babaye, ay lalo ang man~ga lalaqui.

Namamasdaan n~gayon ang mamaro nang maicli, ang salauál ay manipis at madalang, ¿ano ang sinasaysay nang asal na ito?

Ang sinasaysay ay casalaulaan, caculan~gan nang hiya at bait nang sumusunod sa mahalay na moda.

¡Masamang casalan na pangsira sa man~ga caloloua, nunucao nang galit nang Dios na tayo, parusahan!

Ipagcaloob nauá nang Lan~git na maliuanagan: ang nagcacamaling bait nang cabinataan.

In~gatan ca nang Dios, Feliza.—URBANA.