CAPÍTULO 16.

Ang Gamot Sa Quinagat Nang Mang̃a Hayop Na May Camandag.

Gamot sa quinagat nang pocquiotan, laiuan, potacti, amboboyog, lamoc, ó lang̃ao na may camandag.

145. Cun mayroong quinagat na tauo, niyong mang̃a hayop na yaon, ang gagauin ay gayon. Bunutin muna ó sunquitin nang carayom ang panuca nang hayop na cungmagat; saca basaing parati yaong lugar na masaquit nang basahang babad sa tubig lamang, ó sa tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao; ó tapalan nang tinapay na minasa sa gatas at pulot; bañosan ang maysaquit hangan tuhod nang tubig na malacuco; houag pacanin nang marami cun gab-i; painumin siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao. Ang lana ó lang̃is nang niyog ó ang lang̃is sa castila, cun ilahid agad sa lugar na quinagtan nang hayop, ay nacauauala nang pamamaga, pati nang pagsaquit. Datapoua cun minsan hindi cailang̃ang gumaua nang anoman, doon sa quinagat niyong mang̃a hayop na yaon, at ang saquit siyang cusang nauauala. Cun baga maraming hayop ang nacacagat, ay sangrahan, ó cunan nang dugó ang may catauan.

Gamot sa quinagat nang ahas.

146. Ang magaling gauin sa quinagat nang ahas, ay cadlitan ang sugat, pag binigquisan muna sa ibabao nang quinagtan na casangcapan, saca tinatacluban nang ventosa, ó ipinasisipsip sa ibang tauo. Ang sugat ay lahiran nang lang̃is na mainit-init ó lana man, at ang maysaquit ay painumin din nang lang̃is hangan sa siya,i, sumuca. Saca humanap ca nang buto nang mostaza at isang bigquis nang damo na ang pang̃ala,i, coclearia (Taquip susó ó taquip cuhol) at bauang, itong tatlong bagay babayuhin: saca pigain, at ang gatá ipaiinom sa maysaquit, at caalam-alam gagaling. Cun ualang buto nang mostaza, ang dahon ay na-aari.

147. Cun hindi pa gungmagaling ang maysaquit, mag-init ca nang caunting tubig na hinulugan nang caputol na pepita sa catbalonga, at pag mapait na ang tubig, ay ipainom mo sa maysaquit, at ang lugar na quinagta,i, cadlitan muna nang magdugo, bago tacluban nang caputol na pepita rin, na linauayan muna. Pag cumapit ang pepita doon sa sugat, ay bayaan doon hangan sa siyang cusang malaglag. Itong gamot na ito,i, totoong buti. Cun ualang pepita, ay lag-yan nang caputol na sung̃ay nang usa na sinunog, número 30.

148. Cun ualang pepita, ó sung̃ay nang usa, ó lang̃is man, ang dumi nang tauo na-aari rin; caya ang timbang cahati, ó tatlong bahagui, ó isang salapi noon ay iyong tunauin sa tubig, ó sa alac, at ipainom sa maysaquit; itong gamot na ito,i, nacagaling sa marami. Maigui ring ipang̃uya sa maysaquit ang isang sang̃a nang macabuhay na mapait hangang malasahan niya ang pait.

149. Ang pinang̃ang̃anlang agua de luz, ay yaon ang mabagsic sa lahat na gamot. Caya cun mayroong quinagat nang ahas, paiinumin nang tubig na dinoonan nang lima ó anim na capatac na agua de luz, na ito ay gagauing macaapat sa isang oras, ayon sa calubhaan nang maysaquit; cun gungmagaling-galing na siya,i, dinadalang̃an ang pag-inom; at arao-arao paiinumin din nang caunti, pati nang lugar na quinagtan ay lalahiran nang ilang capatac noon ding agua de luz. Datapoua cun pinainom na ang maysaquit nang maraming agua de luz, at hindi rin gungmagaling, ang boong catauan niya ay pahiran nang lang̃is, bago painumin nang agua de luz. Ang agua de luz cailang̃ang bilhin sa, botica.

150. Bucod doon sa mang̃a bagay na sinabi co ng̃ayon na magaling igamot sa tinuca nang ahas, mayroon namang iba, na magagaua rin sa maysaquit nang madaling gumaling. Caya pagca yari na yaong mang̃a bilin sa párrafo 146, 147, 148, mabuting painumin ang maysaquit nang tubig na may gata nang dayap ó nang tubig na sinucaan. Maigui rin (pag nahuhugasan na nang tubig, ó alac ang sugat) pasuin yaon ding sugat nang isang tabaco, ó nang laman nang bung̃a nang boboy.

Gamot sa quinagat nang atangatang sa uicang castila,i, alacrán.

151. Ang pag-gamot sa quinagat nang atangatang ay para nang guinagaua sa quinagat nang ahas; bubunutin muna lamang ó susunquitin nang carayon ang pinacapanuca nang hayop, cun baga nababaon sa laman; saca ang mang̃a turo sa párrafo 146, sa 147 at sa 148, susunding gagauin sa maysaquit.

Gamot sa quinagat nang gagamba.

152. Cun mayroong quinagat nang gagamba ang gagauin doo,i, gayon. Bumayo ca nang bauang at triaca, at itapal mo sa lugar nang quinagtan nang hayop. Ang totoong galing dito,i, patacan yaon ding lugar nang dagta nang hauili ó as-is ó tibig, na macalaua ó macaitlo. Datapoua cun baga mayroong tauong nacalunoc nang gagamba casama nang ibang quinain, cailang̃ang pasucahin nang lang̃is. Ang guinagaua sa quinagat nang ahas, yaon din ang maigui rito: caya cun baga hindi nacagaling ang dagta nang hauili, at ang tapal na bauang at triaca, susundi,t, gagauin ang mang̃a bilin sa párrafo 146, sa 147, at sa 148. Ang magaling sa lahat ay ang pepita sa catbalogan, ayon sa sinabi co sa párrafo 147; ito,i, totoong daling nacaguiguinhaua sa maysaquit.

Gamot sa quinagat nang buaya ó pating.

153. Cun mayroong tauong quinagat nang buaya ó pating, ang gagauin doon ay hugasa,t, linising maigui ang sugat nang alac na malacuco. Doonan nang asin ang sugat lag-yan nang caputol na sung̃ay nang usa na sinunog número 30; at pag bumutao ang sung̃ay, gamuting para nang guinagaua sa ibang sugat.

Gamot sa natibo nang pagui, lupo sombilang, canduli, ó ibang bagay na isda na ang tinic ay may camandag.

154. Ang gamot sa natibo nang mang̃a isdang yaon ay ang gata nang dayap, na ipinapatac sa masaquit, pagbinunot muna ang tinic. Cun ualang dayap, ay naari ang dagta nang dahon nang camote, ó ang maasim ang dalandan, ó ang suha, ang colobot, ó lucban man. Magaling din ang tapal nang mang̃a chileng binayo na may casamang suca. Gayon ding maigui rito ang bung̃a nang pepinillo de S. Gregorio (pacupis, salagsalag, tabuboc, halahala, pocotpocot) na pinang̃ang̃anlan naman nang mang̃a castila na coloquíntida; ang bung̃a nitong damong ito ay binabayo at itinatapal; at ang maysaquit pinaiinom nang caunti noon, ga anim ó pitong butil na palay ang timbang, nang siya,i, sumuca, ayon sa bilin sa nota nang número 34. Cun hindi mauala ang pamamaga nang quinagtang lugar, ay maiguing tapalan nang dahon nang dapdap na mainit init. Cun ang tinic ay hindi mabunot, ay gamutin ang maysaquit para nang turo sa párrafo 285.

Gamot sa quinagat nang cocac, isa bagang hayop na catulad nang palaca.

155. Ang cocac ay ualang ng̃ipin, datapoua ang pinacang̃idng̃id noon ay matigas; caya cun mayroon quinagat noong ó cun mayroong nacacain nang cocac, ang gagauin doo,i, para nang bilin sa itaas sa quinagat nang gagamba, párrafo 152; ó gamutin para nang quinagat nang ahas, cun hindi siya gungmagaling. Aco,i, nacaquita nang isang tagalog, na munti nang namatay dahilan sa pagcain nang cocac.

Gamot sa quinagat nang olupihan, ó olahipan, na ang pang̃alan nang castila doo,i, ciento piés.

156. Nang maualang madali nang pagsaquit ang lugar na quinagtan nang olupihan, ay loloopin nang tatal nang molauin na sinunog; saca tapalan nang chile at bauang na binayo. Maigui ring tapalan nang dahon nang tabacong mura, na binayo rin. Ng̃uni totoong buti sa saquit na ito, ang pepita sa Catbalogan, ayon sa turo sa párrafo 147.

Gamot sa natilas na tauo, pati sa naligas.

157. Mayroong isang ood na ang pang̃ala,i, tilas sa uicang tagalog, at sa uicang bisaya,i, basul; yaong hayop na yaon ay hindi nang̃ang̃agat; datapoua,i, salang mapasayad sa balat nang tauo,i, cungmacapit at nababaon sa laman ang balahibo noong hayop na yaon. Ang gamot sa natilas, ay ang draconcio (panaquilon); quinacayod ang laman nang pinacacatauan nitong damong ito, at itinatapal sa masaquit; at totoong daling lungmalabas ang mang̃a balahibo nang hayop, at nababahao ang sugat na malauo,t, may nana man. Cun ualang panaquilon, ay alin mang bagay sa sasabihin co ng̃ayon, ay ma-aari. Ang dahon nang nami ay nacacabunot naman nang balahibo nang tilas. Ang sa papayang dahon, na maputi at malanta na ay maigui rin. Magaling doon sa masaquit, ang pahiran nang pagquit na uinisican nang lang̃is, at nang pinalambot sa apoy, at saca paraanin nang mariin doon sa masaquit ang ilang buhoc nang babayi, na hinahauacan sa dalauang camay, at madadala tuloy nang buhoc ang mang̃a balahibo nang tilas.

Nota. Ang tauong dungmaraan sa ilalim nang cahoy na pinang̃ang̃anlang ligas, cun baga siya,i, nahuhulugan nang hamog na nangagaling doon, ay sinisibulan ang may catauan nang mang̃a butil na masaquit, at ang gamot doo,i, cuscusin nang caputol na bung̃a nang salagsalag ó pacupis (pepinillo de san Gregorio.)

Gamot sa pinasucan sa taying̃a nang antipalo, cun otdo

158. Ang hayop na pinang̃ang̃anlang antipalo, ay catulad nang olopihan, munti lamang doon, at marami ang paa. Itong hayop na ito,i, sungmusoot sa taying̃a nang tauo. Ang pinang̃ang̃anlan nang tagalog na otdo ay catulad nang bulati, munti lamang ang catauan, mabilog, malandas na totoo, maquintab ang balat,at ga mariquit tingnan. Ang otdo ay hindi rin nang̃ang̃agat sungmosoot lamang sa taying̃a nang tauo. Caya cun mayroong tauong sinuutan sa taying̃a, nang otdo, ó antipalo, bumayo ca nang caonting isdang tuyo, ó bagoong, at idoon mo sa taying̃a, at lalabas ang hayop. Cun ibig mong patayin ang antipalo sa loob nang taying̃a, ay bumayo ca nang isang bigquis na locoloco, (albahaca silvestre) lag-yan mo nang caunting tubig; saca pigain, at ang gata,i, idoon mo sa taying̃a, at mamamatay ang hayop.

159. Cun minsan ang tauo,i, pinapasucan sa taying̃a nang mang̃a hayop na munti; at ang mabuti sa lahat doo,i, pahigain nang pataguilid ang may catauan, at sidlan nang tubig ang taying̃a, at pagcaraca lalabas ang hayop.


CAPÍTULO 17.

Ang bulutong na ang tauag nang castila doo,i, viruelas.

160. Bago lagnatin ang tauong bubulutung̃in siya,i, ga namamanglao muna; madaling pauisan siya, at nananab-ang nang pagcain. Ang muc-ha,i, ga nag-iiba, pati nang mata,i, macuyad; saca naghahalihalili ang pagdaan nang init at nang guinao sa may catauan. Sungmusunod dito ang isang malaquing guinao, at tuloy hungmahalili sa guinao ang isang malaquing lagnat, na may casamang saquit nang ulo,t, bayauang. Ang maysaquit ay sumusuca naman, ó ibig sumuca. Nahahalatang darami ang bulutong, cun maquintab ang mata nang maysaquit, cun siya,i, sungmusucang parati, at ang bay-auang ay masaquit na totoo; cun nagbabalisa, at parating bibilingbiling ang maysaquit; ó cun baga bata, cun hilim na parati, cun ang bulutong ay lungmilitao sa icatlong arao, ó sa icalaua caya; sapagca cun maagang lumitao ang bulutong ay lalo pang mapang̃anib ang maysaquit.

161. Ang lagnat nang bubulutung̃in ay iilang oras lamang ang calac-han; saca ungmuunti ang lagnat at pinapauisan nang malaqui. Sa catapusan nang lagnat, sa icatlo ó icapat na arao ay lungmilitao ang bulutong na casabay nang pauis na sungmusunod sa lagnat. Ang unang sinisibulan nang bulutong ay ang muc-ha, saca ang camay; sungmusunod ang bias nang camay, ang liig at ang ibabao nang dibdib. Pagca ganito ang lagay nang maysaquit, at talagang hindi siya lulubha,t, bubulutung̃in nang marami,t, masamang bulutong, ang lagnat ay ungmuunti ó hindi lamang nauauala; saca dungmarami ang bulutong, at sungmisibol sa licuran at sa pig-yi, sa tiyan, sa hita,t, sa mang̃a paa; cun minsan maraming totoong bulutong ang sungmisibol sa talampacan. Ito,i, mahirap sa maysaquit; sapagca dahilan sa cacapalan nang balat noong lugar na yaon ay maliuag sumibol na madali. Ganoon ang inaasal nang bulutong na magaan.

162. Dahilan sa pagsibol nang mang̃a bulutong ang balat nang catauan ay nauunat at namamantal. Ang unang namamaga ay ang muc-ha, pati nang liig; at dahilan sa pamamagang yao,i, nagsasara ang mata cun minsan. Saca sungmusunod na namamaga ang camay; hungmahalili ang paa; at gayon din ang ibang mang̃a casangcapan.

163. Cun ang bulutong ay marami, ang maysaquit ay lalagnating uli, cun malapit nang magnana ang bulutong. Ang pagnanana nang bulutong ay sa icasiam na arao hangan sa icalabingtatlo. Doon nauuhao at nahihirapan ang maysaquit, at hindi siya matutong lumagay; at cun malaqui ang saquit hindi macatulog siya, at tila nahuhung-hang; cun minsan ay hilim, at mapang̃anib ang caniyang buhay. Ang pulso,i, totoong dalas pagca gayon; datapoua cun nauauala na ang pamamaga nang muc-ha at nang liig, ay hindi na lubhang mapang̃anib ang buhay nang maysaquit.

164. Ang isa pa namang marahil dumaan sa binubulutong ay ang pagsaquit nang lalamunan; ang isip nang nag-aalaga sa maysaquit, na ang lalamunan ay sinisibulan din nang bulutong; datapoua ang dahilang totoo nang pagsaquit nang lalamunan, ay ang pamamaga nang mang̃a casangcapan nang catauan, ang cainitan nang dugo, at ang calaquihan nang lagnat, sapagca sa lalamunan ualang sungmisibol na bulutong; caya cun hindi marami ang bulutong, at hindi rin malaqui ang lagnat, ay hindi sungmasaquit ang lalamunan, ay parating lungmulura ang maysaquit na hindi siya macapagpahing̃a. Ito,i, nacacahirap sa caniya, lalo pa cun napapacnos nang calulura ang mang̃a labi, ang mang̃a loob nang pisng̃i, ang dila, at ang ng̃alang̃ala; datapoua mahirap man itong paglura, ay totoong nacacagaan sa saquit.

165. Ang mang̃a sangol ay sinusubaan cun sila,i, sisibulan nang mang̃a bulutong, datapoua,i, hindi sucat alumanahin yaon; alintana masamang subaan, cun baga nacaurong ang pagsibol nang bulutong, ó cun magnanana na. Cun minsan naman binabaling̃oyng̃oy ang binubulutong bata ma,t, matanda man; at ito,i, magaling na totoo sa maysaquit.

166. Ang nalalagnat na, dahil sapagca siya,i, bubulutung̃in, ay hindi sucat painumin nang mang̃a maiinit na nacapagpapa-pauis; caya ang alac, ang triaca, ang mainit na silid at ang maraming damit ay nacacalubha sa maysaquit. Maraming lacsang tauo ang namatay dahilan doon sa mang̃a ganoon.

167. Cun dahilan sa lagnat nahahalata na, na bubulutung̃in ang tauo, pagcaraca,i, ang saquit ilalagay sa husay (capítulo 4); at touing umaga,t, hapon ay babañusan nang malacucong tubig hangang tuhod. Dahil dito sa pagbabaños na ito, ay dungmadalang ang bulutong sa ulo. Ang pagsumpit ay isa pang nacauauala nang pagsaquit nang ulo, caya ang maysaquit susumpitin arao-arao at cun munti ang lagnat, at hindi talaga siyang bubulutung̃in nang marami, ang baños, ang pagsumpit, at ang husay sa capitulo 4, ay magcasiya na. Saca mabibig-yan ang maysaquit nang alin man doon sa bilin sa mang̃a número 1, 2 ó 4, cun siya,i, matanda; datapoua cun sangol ang maysaquit, at hindi nalalagnat, bibig-yan nang gatas na dinoonan nang tubig; na pinagbabaran nang alagao; itong tubig ay calahati nang gatas. Datapoua cun hindi pungmapayag ang bata roon, ay samahan lamang nang tubig. Sa mang̃a matatanda,i, ang mang̃a bung̃a nang cahoy na luto sa tubig at ang tinapay ay magaling din, cun naiibig nila. Datapoua masama roon ang carne, ang sabao, ang itlog at ang alac. Mapapainom namang; parati ang maysaquit nang suero número 50 ó nang gatas nang baca na inalsan muna nang pinacataba. Cun hindi malaqui ang saquit, itong mang̃a bagay na sinabi co ng̃ayon ay siya na; datapoua pag natutuyo-tuyo na ang mang̃a bulutong, cailang̃ang purgahin ang maysaquit nang bilin sa número 11: at pag nacaraan nang anim na arao, siya,i, capupurgahin pa noon ding purgang yaon. Pag napurga nang minsan ang maysaquit, ay macacacain na siya nang mang̃a gulay at tinapay.

168. Datapoua iba ang gagauin pagca malaqui ang saquit nang bubulutung̃in. Sapagca cun ang lagnat ay malaqui, at matigas ang pulso, at masaquit na totoo ang ulo, pati nang bay-auang, ay cailang̃ang sangrahan ang maysaquit sa camay. Saca pag nacalalo ang dalauang oras ay susumpitin: at cun hindi ungmunti ang lagnat, at lalo pa cun matigas ang pulso, at ang maysaquit ay naghihilim, ó tila nasisira ang bait, ay cailang̃an sangrahang minsan pa, ó macalaua man, sa mang̃a unang dalauang; arao, cun hindi nauauala ang malaquing cahirapan nang lagnat. Gayon din, cun ganoon ang lagay nang maysaquit, ay susumpiting macaitlo, ó macaapat maghapon, at babañosan sa paa hangan tuhod na macalaua maghapon din. Saca inaalis ang maysaquit doon sa quinahihig-an, at pinalulucloc sa luclucan sa isang silid na maaliualas, hang̃an sa siya,i, macapagtiis doon. Ualang ibang ipaiinom sa caniya cundi ang bilin sa número 2 ó 4; at cun hindi rin ungmuunti ang lagnat, touing oras ay paiinumin nang isang cuchara nang bilin sa número 10. Pag nacasibol na ang bulutong palibhasa,i, doon hindi na malaqui ang lagnat, houag gauin sa maysaquit itong lahat na sinabi co ng̃ayon, cundi ang inacala lamang na macacasiya sa caniyang calagayan; at cun totoong naual-an nang lagnat ang maysaquit, ang gagauin lamang sa caniya,i, ang mang̃a bilin sa párrafo 167 na sinundan nito.

169. Cun magnana na ang bulutong, cun minsan lalagnatin uli ang maysaquit; at ang gagauin doon ganito. Ang isusumpit sa caniya ay ang suero, pulot, lang̃is, at asin; cun ualang suero, ay na-aari ang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay. Macaitlo cun umaga paiinumin nang tatlong taza nang bilin sa número 32. Cun baga malaqui ang lagnat nang maysaquit, ay paiinumin touing oras nang isang cuchara nang bilin sa número 10, ó damidamihan cun baga cailang̃an. Ang maysaquit ay inaalis sa hihigan, at inililipat sa silid na maaliualas, at arao at gab-i doon pinalulucloc sa luclucan, bucas ang dung̃auan (cun arao) hang̃an umunti ang lagnat. Itong ganitong gaua ay totoong igui sa maysaquit at di man matulog siya,i, ay hindi naman ma-aano, baquit macacasama bagcus sa caniya ang pagtulog; at ang isa pang hindi icatutulog niya, ay ang malimit na paglura, na masamang tumahan at mauala. At nang siya,i, lumura nang maguinhaua ay susumpitin parati sa loob nang bibig nang tubig na may casamang pulot, nang isang sumpit na munti, na cauayan man. Gayon ding mabuting sumpitin ang maysaquit sa ilong nang malinisan, at nang macahing̃a siya nang maloualhati. Cun baga malaqui pamamaga nang muc-ha at nang liig, ay doonan ang maysaquit sa talampacan nang tapal na itinuro sa número 9; at cun hindi nagcacasiya ito, ay lag-yan sa talampacan din nang parapit número 36, at mauauala ang pamamaga nang muc-ha,t, liig.

170. Cung malaqui ang saquit nang binubulutong, ang mang̃a mata,i, nagsasara at ang bagay roo,i, ang gatas na tinubigan na ibabasa roong parati; maigui rin cun minsan ang basain nang tubig na pinagbabaran nang casubha, ó bulaclac nang alagao. Nang houag sibulan sa mata ang maysaquit nang mang̃a cun anoano, ay mag-ing̃at siya sa pagcain nang marami, pati sa carne at alac; cun gayon pag nauala ang bulutong, ay hindi siya sisibulan nang anoman sa mata.

171. Cun ang bulutong ay maputi na,t, puno nang nana, ay malaquing galing sa maysaquit ang hiuain nang dulo nang gunting ó carayom man isa nang isa, at palabasin ang nana. Caya guinagaua ito,i, nang houag macamatay sa maysaquit ang malaquing pamamaga nang boong catauan niya; saca dahil doon sa paghiuang yao,i, lungmalabas ang pinaca camandag nang mang̃a sungmibol na bulutong, na palibhasa,i, hindi pinalalauong pinatatahan sa laman nang tauo, ay hindi lungmalalim ang mang̃a hucay nang bulutong, at hindi nasisira ang hichura nang muc-ha; bucod dito ang balat ay lungmulubay; nauauala ang pagcati, at ang pamamantal nang muc-ha,t, liig. Ang paghiua nang bulutong ay ualang liuag, at hindi nararamdaman man nang may catauan. Caya cun hihiuain ang bulutong, ay maghahanda ca nang gunting na matulis ang dulo, ó carayom man, at isang basahang malinis, at saca tubig na malacuco; at pagca marami na ang nahiuang bulutong, ang nanang tungmutulo ay pinapahira,t, inaalis nang basahang babad sa malacucong tubig; saca inuutas hinihiua ang ibang mang̃a bulutong para nang guinaua sa una. Sa loob nang ilang oras ang mang̃a bulutong ay napupuno uli nang nana, cailang̃ang hiuaing uli; cun minsan hangang sa macaanim hinihiua. Itong gauang ito,i, nacauauala nang malaquing pang̃anib nang buhay nang binubulutong, sapagca inaalis ang pamamaga pati nang nana.

172. Masamang totoo sa saquit na ito ang triaca, ang láudano, ang jarabe de adormideras, ang jarabe nang carabu, ang píldoras nang estoraque (camanguian) ang sa cinoglosa; ano pa,t, ang lahat na nacacapagpatulog, ay masama sa saquit na yaon.

173. Cun baga ang bulutong ay ungmuurong sa loob nang macasibol na, ay mahirap ang lagay nang maysaquit; caya ang gagauin doo,i, houag big-yan nang mang̃a mainit, ó yaong mang̃a bagay na ipapauis; painumin lamang nang marami nang turo sa número 12, at parapitan sa mang̃a binti nang bilin sa número 36. Cun minsan ay umuuling sungmisibol ang mang̃a bulutong, pag sinangrahan ang maysaquit.

174. Itong saquit na bulutong ay mahirap; caya ang aayao magcasaquit nang gayon, siya,i, magpatanim nang bulutong vacuna sa caniyang catauan. Datapoua cun siya,i, magpapatanim nang bulutong, ay cailang̃ang totoo ang siya,i, humanap at pumili nang magaling na bulutong, doon baga sa tauong yaon na hindi pa binubulutong; at ang isa pa,i, cailang̃ang hintin ang carampatang panahon nang pagca hinog nang bulutong, na yao,i, ang icasiyam na arao na boo. Pagca hinog na ang bulutong, na cucunan ó pangagaling̃an nang nanang itatanim sa ibang tauo, ang magtatanim nang bulutong ay maghahanda nang isang lancetang matulis ang dulo. Itong dulo nang lanceta,i, ibabad, ó isasaosao doon sa nana nang bulutong na hinog; pagca napasaosao doon ang dulong yao,i, pagcaraca ito ring dulong may dalang nana, siya ang icacadlit ó itudtudloc sa ibig tamnan nang bulutong, doon sa ibabao nang caniyang sico, sa bias baga. Itong tudloc ay tatlo sa balang isang camay, at ang pag-itan nang mang̃a tudloc ay isang daliring mahiguit. Pag nacasibol na itong bulutong ay pagmamasdang magaling, cun yao,i, bulutong na totoo, ó hindi; at cun hindi totoong bulutong, ay cailang̃ang magpatanim uli ang may catauan.

175. Cun panahong tag-bulutong, ang aayao bulutung̃in houag cumain nang marami, lalo pa cun gab-i; saca pipili nang magaling na cacanin, at houag siyang tumiquim nang mang̃a ano-ano. Ang mang̃a gulay ay lulutoing magaling. Houag cumain nang bung̃a nang cahoy, cun hindi hinog na totoo. Mag-ing̃at siya sa mang̃a calamay, suman, empanada, etc. at pauang masama. Itong ganitong asal ay caya naquiquilalang nacagagaling sa mang̃a sangol, sapagca cun gayo,i, hindi namamaga ó lungmalaqui ang canilang tiyan. Ang canilang muc-ha ay masaya, guising ang canilang loob, at hindi sila macuyad. Magaling din sa mang̃a bata sa panahong tag-bulutong, ang sila,i, pambohan, ó bañusan man lamang sa tubig na malacuco cun gab-i. At saca painuming parati nang suero, cun baga ang bata,i, hindi yayat ó magasactin; at cun yayat hindi sucat big-yan nang suero. Cun gayon ang gaua nang tauo,i, bulutung̃in man siya, ó ang caniyang mang̃a anac ay caalamalam hindi lalaqui ang saquit.


CAPÍTULO 18.

Ang saquit na ticdas sa provincia nang Batang̃an ay toco, na ang tauag nang castila doo,i, sarampión.

176. Bago ticdasin ó tocoin ang tauo ay nag-uubo siya muna nang ilang arao; itong pag-uubo ay ualang casamang lura. Saca ang tutucoin ay natatamlay at dinaraanan nang init at guinao na halihalili; ang saquit nang ulo ay malaqui, cun matanda ang tauo; cun bata,i, naghihilim; totoong saquit nang lalamunan; namamaga ang bubong nang mata; hindi macating̃in sa liuanag ang maysaquit; ang mata,i, lungmuluha, at ang lungmalabas ay mahapdi. Mayroon namang iba, na malimit bumahing, at sa ilong may lungmalabas na catulad nang sa mata. Lungmalaqui tuloy ang init at ang lagnat; ang maysaquit ay nag-uubo; cun minsan ibig sumuca; sungmasaquit ang bay-auang; nag-iilaguin siya cun minsan nang malimit; ang ibang maysaquit ay pinapauisan; ang dila,i, maputi, at cun minsa,i, nauuhao ang may catauan.

177. Sa icapat ó icalimang arao, at cun minsan sa icatlo, ang muc-ha,i, linalabasan nang maraming totoong anaqui manchang mapupula, na ang cahalimbaua,i, pinagcagtan nang pulgas. Ang boong muc-ha ay namamaga naman tuloy; cun minsan ay nagsasara ang mata. Tungmutuloy ang pagsibol nang toco sa dibdib, sa licod, sa mang̃a camay, sa hita at sa paa. Ang sa dibdib at ang sa licod ay marami. Cun minsan, ang tiniticdas ay binabaling̃oyng̃oy, at nauauala tuloy ang saquit nang caniyang ulo, pati nang sa mata,t, lalamunan. Sa icatlo, ó icapat na arao nang macasibol ang toco, ay hindi na totoong mapula yaong mang̃a pinacabutil, at nang̃atuyo-tuyo na, at nang̃alalaglag na, pati nang balat nang catauan ay natutuyo rin, at nahuhulog, at iba ang hungmahalili doon. Sa icasiyam ó icalabing isang arao ay hindi na naquiquila ang ticdas at malinis na ang balat nang catauan.

178. Datapoua mauala man itong mang̃a bacas nang ticdas, hindi pa gungmagaling ang maysaquit; alintana cun siya,i, dinaanan nang malacas na pag-iilaguin, ó pagsuca, ó cun siya,i, pinauisan nang malaqui, sapagca cun gayon ay nauauala ang lahat na caniyang saquit. Datapoua cun hindi nacuha sa mang̃a ganoong paraan ang camandag nang saquit, at ang tinicdas hindi guinamot nang paanyo, ayon sa sasabihin sa párrafo 179, ang saquit ay sa baga napapatung̃o; at cun ganoon magsasaoli ang pag-uubo, ang lagnat at ang di lumagay ang maysaquit. Itong pag-uubong ito,i, totoong nalalauon, at malacas lumaban sa mang̃a gamot. Datapoua pagca guinagamot pagcaraca nang husay na pag-gamot ang tauong tiniticdas, ó tinotoco, ay hindi mahirap ang catapusan nang saquit, at ualang natitirang bacas na masama. Ang pag-gamot doo,i, ganito.

179. Cun baga malaqui ang lagnat, at ang pulso ay matigas, at malaqui ang casiquipan nang dibdib, cailang̃ang sangrahang minsan ó macalaua ang titicdasin. Sinusumpit, at binabañusan sa mainit-init na tubig naman hangan tuhod, para nang guinagua sa bubulutong̃in ayon sa turo sa párrafo 168 nang capítulong nacalalo. Saca binibig-yan nang bilin sa número 2 ó 4, na iinumin niyang parati; ó cun aayao noo,i, ang tubig na pinagbabaran nang bulaclac nang alagao, na ang sa icalimang bahagui ay gatas. Pinasisipsip ang maysaquit nang sing̃ao nang mainit na tubig, na yaon ang totoong bagay doon, nang mabauasan ang saquit nang lalamunan at ang pag-uubo, pati nang pagsiquip nang dibdib. Pagca hindi na totoong mapula ang mang̃a pinacabutil nang catauan (na yao,i, sa icatlo ó sa icapat na arao nang macasibol) ay pinupurga ang maysaquit nang bilin sa número 23. Saca inilalagay sa husay, at pagca lumalo ang dalauang arao nang pagpupurga sa caniya, ay gagauin doon ang ugaling guinagaua sa maysaquit na magaling-galing na, sa capítulo 5. Cun baga sa paglitao nang ticdas ó toco, ang maysaquit ay dinaraanan nang hirap na malaqui, ay gagamutin para nang turo doon sa párrafo 168, na siya rin ang guinagaua sa binubulutong.

180. Cun hindi guinamot nang gayon ang tiniticdas, siya,i, dinaraanan cun minsan nang sinabi co sa párrafo 178, at cun gayon ay gagamutin para nang turo sa párrafo 179, na sinusundan nito; houag lamang sangrahan cun hindi malaqui ang saquit. Ang mang̃a sangol na matataba man, cun baga masama ang canilang color, hindi rin sucat sangrahan. Datapoua paiinumin nang bilin sa número 8, at pararapitan sa mang̃a binti. Ang tauong tiniticdas ay cailang̃ang mag-ing̃at sa hang̃in.

181. Cun minsan dahilan sapagca uinaual-ang halaga ang pag-uubo na ugaling sumunod sa toco ó ticdas, na hindi guinamot nang husay, ay linalagnat ang maysaquit nang lagnat na hindi mangyaring mauala; at caya gayon ay mayroong sungmisibol sa baga. Maraming bata ang namamatay dahilan doon; at bago mamatay dinaraanan nang pag-iilaguing masama,t, totoong baho. Pagca gayon, ay gagauin ang mang̃a turo sa parrafo 46, yaon lamang tatlong bagay na sinabi roon, sa macatouid ang polvos número 14, ang gatas, at ang pagsacay ó ang paglacad. Datapoua sapagca ang mang̃a sangol ay aayao uminom noong polvos na yaon, ay gatas lamang ang ipaiinom sa canila, at houag big-yan nang ibang bagay na cacanin.

182. Mayroon namang tauo, na pagca tinicdas na hindi mangyaring mauala sa caniya ang pag-uubong malaqui, na ualang inilulura, at saca ang dibdib, pati catauan ay totoong init; nauuhao siya naman, at tuyong tuyo ang balat, sampon nang dila. Sa ganitong lagay nang maysaquit bagay ang baños hangan tuhod nang tubig na malacuco; ang pag-inom nang gatas na tinutubigan, at ang pagsipsip nang sing̃ao nang mainit na tubig número 53. Cun hindi pa mandin natatalo nitong mang̃a ganito ang caniyang saquit at may ubo pa, ay sangrahan agad sa camay ang maysaquit, at cun hindi gauin ito, cun minsan ay lulubha.

Nota. Sa Provincia nang Batang̃an pinang̃ang̃anlang ticdas ang isang saquit na catulad nang bolutong, na yao,i, siyang cusang nauauala.


CAPÍTULO 19.

Ang lagnat na malaqui na ualang hibas, na pinang̃ang̃anlang lagnat na maning̃as na yao,i, isang bagay na tabardillong dala nang cainita,t, cabagsican nang dugo.

183. Itong saquit na ito ay isang bagay na tabardillo, na dala nang cabagsica,t, cainitan nang dugo. Caya naquiquilala, na yaon ay dala nang dugo, sapagca ang pulso ay matigas at puno, na lalo sa ibang mang̃a saquit. Ang init nang cataua,i, malaquing malaqui; nauuhao ang maysaquit; ang mata, ang ilong, ang mang̃a labi, ang dila, at ang lalamunan, ay tuyong tuyo. Ang saquit nang ulo ay malaquing totoo, at pag lungmalaqui ang lagnat cun hapon, cun minsan tila nasisira ang bait nang maysaquit. Ang paghing̃a ay mahirap hirap; may ubong caunti; na ualang nacucuha, at hindi naman masaquit ang dibdib. Ang maysaquit hindi manabi; ang ihi ay caunti, mapula, at ang damdam nang may catauan ay mainit cun umihi; ga nang̃ing̃inig ang catauan, at lalo pa cun natutulog; cacaunti ang caniyang tulog, datapoua cun tingnan anaqui siya,i, ga naghihilim na parati, ó ga nalilibang ang caniyang loob, na dahil dito,i, hindi namamasdan niya ang guinagaua nang mang̃a tauo sa caniyang piling; bahag-ya na pinapauisan siya nang caonsic; datapoua ang caramihan nagcacasaquit nang gayon, ay ang balat nang canilang cataua,i, tuyong tuyo. Itong mang̃a tanda nang saquit na ito, ay catungculan nang mang̃a médicong pag masdan nilang maigui, nang houag magcasala ang pag-gamot sa mang̃a caaua auang maysaquit; cailang̃an namang usisain, at pacatalastasin nila ang pinang̃ang̃anlang pulsong matigas, na pagca gayon, ay cailang̃ang sangrahan ang maysaquit. At sapagca ang lahat na bagay na lagnat ay mayroong caniyang mang̃a tanda, caya bago gamutin ang maysaquit ay cailang̃ang tingnan muna, at tanung̃in nang lahat na caniyang nararamdaman, ó cun ano caya ang pinagmul-an nang caniyang saquit; at nang maalaman nang mangagamot ang caniyang itatanong sa maysaquit, ay basahin niya ang capítulo 90; at ang mang̃a aral na nauucol sa pulso, ay hahanapin niya doon sa capítulo 89.

184. Ang pinangagaling̃an nitong saquit na lagnat na maning̃as ay ang calaquihan nang pag-gaua, ang init nang arao, ang pagcapuyat, ang pag-inom nang alac na marami, ang pagcain nang mang̃a bagay na mainit, ang casam-an nang panahon, cun parati bagang maalis-is at lauon nang hindi ungmuulan, at ang paghiga sa lupang basa.

185. Ang maysaquit ilalagay agad sa husay (capítulo 4): houag siyang pacanin, cundi macalaua maghapon; at cun malubha,i, houag pacanin minsan man.

186. Sasangrahan ang maysaquit minsan ó macalaua, ó macaitlo man, hangang lumambot ang pulso; sa unang pagsasanggra ay cucunan nang maraming dugo; sa loob nang apat na oras ay inuuling sinasangrahan; cun minsan ay hindi magcasiya ang macaitlo sangrahan ang maysaquit; cun baga ang pulso ay lungmalambot sa unang pagcuha nang dugo,i, itinatahan ang pagsasangra; datapoua cun baga ungmuuling tungmitigas ang pulso, ay itinutuloy ang pagsasangra.

187. Macalaua, ó macaitlo maghapon ay susumpitin ang maysaquit nang bilin sa número 5. Saca babañusan sa tubig na malacuco hangan tuhod cun umaga at cun hapon, at doon din sa tubig na yao,i, ibabad pati nang caniyang camay. Sa dibdib at sa tiyang ay lalag-yan nang basahang babad sa tubig na malacuco rin. Ang ipaiinom na parati sa maysaquit ay ang bilin sa número 7. At cun malaqui pa ang lagnat niya nang masangrahan na ay paiinumin touing oras nang isang cuchara nang bilin sa número 10, hangan umunti ang lagnat; at pagca munti na ang lagnat, ay houag limitan itong pagpapainom sa caniya nang bilin sa número 10; at siya na ang minsang painumin noon, touing icatlong oras, ó macaualo sa isang arao.

188. Cun binabaling̃oyng̃oy ang maysaquit, ay maigui sa caniya yaon. Cun nauauala na ang malaquing catigasan nang pulso, at hindi na lubhang malaqui ang saquit nang ulo, at marami rami na ang ihi niya, at ga mayumiyumi na ang dila, ay magaling-galing na ang lagay nang may catauan. Saca doon sa dacong icasiyam na arao nang caniyang pagcacasaquit hangan sa icalabing apat ay dinaraanan siya cun magcaminsan nang hirap na ilang oras calauon, at saca siya,i, nag-iilaguin ó ungmiihi nang marami, ó pinagpapauisan nang malaqui; ang bibig at ang ilong mula roon, ay hindi na totoong tuyo; nauauala naman ang uhao, at ang maysaquit ay malacas-lacas na at nacacatulog.

189. Pagca gayon ang lagay nang maysaquit ay paiinumin nang bilin sa número 23, at ilalagay sa husay ang maysaquit na magaling-galing na capítulo 5. Saca pag nacalalo ang ualo ó sampuong arao, ay pupurgahing uli noon ding bilin sa número 23.

190. Mahahalatang hindi gagaling ang maysaquit cun ang pulso,i, hungmihina,t, hindi lungmalambot; cun hindi lungmilinao ang ulo; at cun mahirap sa rati ang paghing̃a; cun ang ilong, ang mata at ang bibig ay tuyo pa mandin sa rati, at ang voces ay nag-iiba. Lalo pang mapang̃anib ang maysaquit, cun nasisira ang bait, at balisang parati, cun tungmiting̃in sa magcabicabila, at ang tiyan ay namamaga. At cun hindi itahan ang caniyang mang̃a camay; cundi anaqui parating mayroon siyang hinahanap, ay malapit nang mamatay cun gayon.


CAPÍTULO 20.

Ang lagnat na malaqui na dala nang apdo na pinang̃ang̃anlan nang castilang calentura pútrida ó lagnat na buloc, na yaon naman ang icalauang bagay na tabardillo.

191. Ang lagnat na maning̃as na sinaysay co sa capítulong natalicdan ay dala nang cainitan nang dugo; datapoua ang sasaysayin co ng̃ayo,i, dala nang mang̃a sarisaring bagay na tungmataha,t, nabubuloc sa sicmura, sa mang̃a bituca, ó sa ibang lugar sa loob nang catauan. Itong lagnat na ito,i; tinatauag nang castilang lagnat na buloc ó lagnat nang apdo.

192. Bago lagnatin ang tauo nang gayong lagnat ay nanab-ang muna siya nang pagcain nang ilang arao; hindi mahimbing ang pagtulog; ang bay-auang pati nang tuhod, ay sungmasaquit; mapait ang bibig cun umaga; mabigat ang ulo, at cun minsa,i, masaquit na totoo: ang may cataua,i, natatamlay. Pagca nalauon nang gayon nang ilang arao, ay guiniguinao muna ang maysaquit; hungmahalili dito ang isang init na salabsab. Ang pulso cun guiniguinao ang maysaquit ay munti at matulin; datapoua pagca nalagnat na, ay lungmalaqui, at cun minsan tungmitigas din; datapoua sa ganitong saquit ay hindi lubhang matigas para doon sa lagnat na maning̃as, alintana cun nagcacasama-sama itong dalauang bagay na lagnat, at cun minsa,i, magcasama ng̃a: Ang saquit nang ulo ay hindi matiis nang laqui; bucod dito ang maysaquit ay nauuhao; ibig niyang sumuca; at cun minsan ay sungmusuca; ang bibig ay mapait, at caunti ang inaiihi niya. Cun umaga ang lagnat ay ungmunti, at ang pulso ay magaling-galing; at di man mahirap na totoo doon ang damdam nang maysaquit siya,i, totoong anaqui pagod. Ang dila,i, maputi,t, marumi, pati nang ng̃ipin; at ang hining̃a,i, mabaho. Mayroong maysaquit na pinapauisan, mayroong hindi; at pauisan man ay hindi rin gungmagaling; arao-arao lungmalaqui ang lagnat, at sa balang oras; cun minsan naman malimit ang paglaqui at ang pag-unti nang lagnat sa loob nang isang arao; at ang cahulugan noong gayo,i, hahaba ang saquit. Mayroong ibang maysaquit na sinisintacan sa dibdib, at ang inilulura niya ay madilao.

193. Cun itong lagnat na buloc ay pinabayaang hindi guinamot, ó cun masama ang pag-gamot, ó cun ang gamot ay natatalo noong lagnat na yaon, ay lungmalaqui ó hungmahaba ang lagnat na ualang hibas. Namamaga ang tiyan; nasisira ang bait nang maysaquit; ang pulso,i, golo, munti at matulin, hindi nacacaalam tauo ang maysaquit, parati siyang nag-uiuica, at doon din sa quinahihig-an ay napapailaguin; ayao siyang tumangap nang anomang gamot. Cun minsan ay linalabasan nang manchang mumunti sa liig, sa licod at dibdib, na ang color ay moradong itim. Anomang lumabas sa caniyang cataua,i, mabahong totoo. Cun minsan ay ga cungmiquinal ang caniyang catauan, at marahil ang muc-ha; tihaya ang paghiga niya; at siya,i, ungmuusos na patung̃o sa paahan nang hihigan; parati ga mayroon siyang dinarampot nang camay. Ang pulso,i, bahag-ya na nararamdaman, at totoong unti at matulin, na hindi mabilang ang mang̃a pagtiboc; nagbabalisa ang maysaquit, mayroong pauis na masama sa dibdib, at namamatay tuloy.

194. Datapoua cun hindi lubhang malaqui ang saquit, ó cun maigui ang pag-gamot doon, ay ang maysaquit nananatili sa lagay na yaon na sinaysay co sa párrafo 192; hindi siya lungmulubha, at hindi rin dinaraanan nang mang̃a sinabi co sa párrafo 193, na linaluan nito, bagcus ungmuunti ang lagnat at ang saquit nang ulo; ang pag-iilaguin ay malacas sa rati, at nacacaguinhaua sa caniya, at gayon din ang pag-ihi; nacacatulogtulog na ang maysaquit; ang dila,i, lungmilinis, at magaling-galing na ang pagcaramdam nang may catauan.

195. Cun hindi malaqui ang saquit, sa loob nang ilang arao, ay magaling na ang may catauan. Cun malaqui ang saquit, ó masama ang pag-gamot, ay namamatay ang tauo sa icasiyam na arao, ó sa icalabing ualo, ó icadalauang puo; at cun minsan naman naghalihalili ang paglubha at ang pag-galing galing, at namamatay ang maysaquit sa dacong icapat na puong arao. Mayroon namang ibang maysaquit na mapang̃anib na parati, nacalalo man ang anim na lingo, datapoua ito,i, gaua nang pag-gamot, sapagca ang ugaling catapusan nitong lagnat na buloc ay sa icalabing apat hangan sa icatlong puong arao.

196. Ang gagauin sa ganitong saquit, ay ang idirito cong isusulat ng̃ayon. Ang maysaquit ilalagay agad sa husay (capítulo 4); at husay man ang caniyang ugaling pananabi, ó nag-iilaguin man siyang cusa nang malacas-lacas, ay susumpitin arao-arao na ualang liban. Ang caniyang iinuming parati ay ang limonada número 33, ó ang bilin sa número 3. Na-aari naman ang tubig na dinoroonan nang azucar at suca. Cun baga ang pulso,i, malacas at matigas, at bucod dito cun ang maysaquit ay malacas naman, ay masasangrahan hangang macalaua, at lalo pa cun siya,i, nainitan ayon sa sabi co sa parrafo 184. Datapoua cun hindi matigas ang pulso, ay hindi sucat sangrahan, at macacasama sa caniya yaon. Pagca ang maysaquit pinaiinom na parati sa loob nang dalauang arao nitong mang̃a turo co ng̃ayon; cun baga ang bibig ay mapait pa, at ibig niyang sumuca, ay paiinumin nang bilin sa número 34. Itong polvos na ito,i, hindi sucat inuming minsanan, at totoong tapang yaong pasucang yaon. Pag ang maysaquit ay sungmusuca na, ay paiinumin agad nang maraming malacucong tubig nang houag siyang mahirapan niyong pagsucang yaon. Datapoua cun hindi mangyaring maquita nang médico itong bilin sa número 34, painumin ang maysaquit nang biling sa número 35 na siya ang totoong bagay sa tagalog dito sa saquit na ito; ang iguio isinasama sa isang tazang tubig na malacuco, na minsanang inumin; at pagcasuca na nang maysaquit, ay binibig-yang parati nang tubig na malacuco, nang siya,i, macasuca nang maloualhati. Itong mang̃a pasuca ay hindi sucat ibigay sa maysaquit, cun matigas ang pulso, ó cun hindi ungmuunti unti ang lagnat, ó cun yayat na totoo ang maysaquit. At nang maalaman nang mangagamot, cun cailan mapapasuca ang maysaquit, ó cun cailan hindi sucat pasucahin, basahin niya muna ang capítulo 88, nang houag magcunpapaano ang caniyang pag-gamot sa tauo. Cun minsan mabibig-yan pagcaraca nang pasuca ang maysaquit, cun totoong mapait ang caniyang bibig, at cun ibig niyang sumucang parati nang macuha agad sa sicmura yaong mang̃a maruruming bagay na naroroon. Cun tumahan na ang pagsuca, ay bibig-yan uli ang maysaquit nang bilin sa número 3, ó nang limonada, ó nang tubig na sinucaan na may azucar din para nang uica co cang̃ina dito rin sa párrafong ito. Houag bibigyan nang sabao ang maysaquit, at masama. Saca itutuloy ang pag-gamot doon para nang sa mang̃a unang arao; at touing umaga ay paiinumin ang maysaquit nang bilin sa número 32 ó nang sa icapat na bahagui lamang nang bilin sa número 35, cun baga maliuag hanapin ang sa número 32; datapoua cun malaqui ang lagnat, ay lalong magaling ang sa número 32. Itong purga, caya itinutuloy guinagana arao-arao, sapagca ang dahilan noon lagnat na buloc, ay ang nang̃aroroong marumi sa sicmura,t, bituca, na cailang̃ang palabasin. Cun baga hindi rin nauauala ang calaquihan nang lagnat, ang tiyan ay namamaga nang caonti, at hindi ungmiihi nang marami ang maysaquit, touing icalauang oras ay painumin nang isang cuchara nang bilin sa número 10; at cun malaqui ang saquit ay oras oras paiinumin. Itong gamot na ito,i, nagpapababang madali nang lagnat. Datapoua cun hindi pa mandin ungmuunti ang lagnat, cun masaquit ang ulo at malinao ó hindi lumagay ang maysaquit, ay pararapitan siya sa mang̃a binti ayon sa turo sa número 36, at pabayaan doon nang malauon ang parapit; at cun ang lagnat ay malaquing totoo, ay houag pacanin nang anoman ang maysaquit. Cun baga hindi sucat painumin nang pasuca ang maysaquit, ay big-yan cun umaga nang bilin sa número 24, timbang tatlong bahagui, na uubusin sa tatlong inom, na ang pag-itan nang isa,t, isa, ay isang oras. Quinabucasan nang umaga ay gayon din ang ipaiinom sa caniya. Pagca magaling-galing na ang maysaquit, ay mayroong oras na hindi na siya nalalagnat ay itinutuloy ang bilin sa número 3, at touing arao pinaiinom nang bilin sa número 24 timbang cahati ang isang inom. Ito,i, nacacauala nang masamang bacas nang saquit. Cun magaling na sa rati ang maysaquit, at pinurga na siya at malinis ang dila, datapoua nalalagnat pa siya minsan arao-arao nang ilang oras lamang calauon, ay paiinumin agad pag umunti ang lagnat, nang timbang isang salapi nang bilin sa número 14, sa apat na inom, na yao,i, itutuloy gagauin nang ilang arao. Cun ang maysaquit hindi na nalalagnat ay houag siyang cacaing mahabang arao nang carne ó isda, dahil sapagca hindi macacayanan pa nang caniyang sicmura; at saca siya,i, magpilit lumacad.


CAPÍTULO 21.

Ang lagnat na sucab, na ang tauag nang castila doo,i, maligna, na siya naman ang icatlong bagay na tabardillo.

197. Ang lagnat na sucab, caya ganoon ang pang̃alan, ay sapagca malaqui ang pang̃anib nang maysaquit, at saca cun tingnan, ay anaqui munti ang caniyang saquit.

198. Caya naquiquilala itong lagnat na masama, sapagca ang maysaquit ay pagcaraca,i, mahina at malata na, gaua nang malaquing pagcabuloc nang mang̃a bagay na iquinahuhusay nang cagaling̃an nang catauan nang tauo.

199. Ang pagcain nang carne ó isdang buloc, ang pagcain naman nang maraming carne, ang hindi pagcain nang mang̃a gulay, ó bung̃a nang cahoy, ó nang mang̃a maasim, ang pagtahan sa piling nang mang̃a laua, cun ang tubig ay tahan, ang pagtahan sa bahay na siquip, na may maraming tauo, ang caruc-haan, ang capanglauan at ang casam-an nang panahon, ay yaon ang pinagmumul-an nitong saquit, ó lagnat na sucab.

200. Ang nalalagnat nitong masamang lagnat pagdaca,i, nanghihinang totoo, doon man sa mang̃a unang arao nang caniyang pagcacasaquit, na hindi maisipan ang dahilan nang caniyang biglang panghihina; pati loob niya,i, hapay, na hindi inaanomana niya yaon man caniyang saquit. Ang mucha,i, totoong daling nag-iiba, at ang mata,i, lalo pa, naghahalihalili ang init at ang guinao; cun minsan ay masaquit ang ulo at bay-auang, at cun minsa,i, hindi; cun bagong nagcacasaquit ang tauo,i, cun minsan naliliyo, na ito,i, masama. Hindi siya nacacatulog nang mahimbing, at cun minsan tila naghihilim; ga sira-sira ang bait nang maysaquit, at anaqui nang̃ang̃arap ó nag-uiuicang parati, at ang caniyang pag-uiuica ay anas. Naquiquilala sa muc-ha nang maysaquit na siya,i, ga naguiguicla, at ga nalilibang ang caniyang loob; mayroong namang iba na ang canilang daying, ay mayroon silang mabig-at sa dibdib, ó anaqui siquip ang canilang puso; ang muc-ha, ang camay, at ang paa cungmiquinal cun minsan ó ga nanglulucso ang laman; mayroong iba, na hindi macapag-uica, hindi macaring̃ig, at hindi macaquita. Ang voces ay nag-iiba ó nauauala. Cun minsan mayroong masaquit sa tiyan, at ito,i, masama, at caalamalam ang bituca,i, nabubuloc. Ang dila cun minsan ay magaling, cun minsa,i, madilao na maitim. Ang tiyan cun minsan ay malambot; cun minsan nauunat. Ang pulso,i, mahina,t, madalas sa rati. Ang balat ay linalabasan nang mang̃a manchang tila morado, lalo pa sa liig, sa mang̃a balicat at sa licod; cun minsan ang mancha ay anaqui pasa, na gaua nang palo. Ang ihi hindi luto, at cun minsan ang color noon, ay maputi. Ang inaiilaguin nang maysaquit ay totoong baho at tila maitim-itim, na ito,i, masamang totoo, cun hindi rin gungmiguinhaua ang maysaquit niyong pag-iilaguing yaon. Cun minsan ang color noon, ay susugat, na ang color ay morado. Cun minsan naman binubuculan ang sing̃it, ang quiliquili, ó ang dacong taying̃a. Ang maysaquit ay nanghihina pa mandin; ang bait niya,i, nagugulo; tihayá ang caniyang lagay; at namamatay na may pauis na malaqui. Cun minsan ang iquinamamatay niya,i, ang siya,i, binabaling̃oyng̃oy nang malacas. Dito sa lagnat na ito,i, touing hapon mayroong paglaqui, para nang sa ibang lagnat.

201. Ang pagcamatay nang mang̃a nagcacasaquit nitong ganitong lagnat na sucab, ay sa icapito, ó icaualong arao, datapoua lalo pang marami ang namamatay, na nacalalalo sa lima ó anim na lingo. Caya gayon, sapagca iba at iba ang calacasa,t, cabagsican nang saquit. Mayroon cun minsang tauo, na sa mang̃a unang arao nang caniyang pacacasaquit, bahag-ya na naniniuala ang may catauan na siya,i, maysaquit.

202. Sucat umasa ang maysaquit na siya,i, gagaling, pagca ang caniyang pulso ay lungmalacas sa rati, cun ang loob ay tungmatapang-tapang, at ang color nang ihi ay nagsasauli na sa ugali; cun ang ulo ay malinao-linao, cun may pauis na mainit, na hindi nacacahirap sa caniya, ó cun nauauala ang pamamaga nang tiyan, at bucod dito ang pulso hindi na madalas tumiboc. Ang nagcacasaquit nang gayo,i, malauon bago lumacas na para nang dati.

203. Dito sa saquit na ito, ay cailang̃ang totoo ang magaling na hang̃in. Caya ng̃a doon sa quinadoroonang silid nang maysaquit ay cailang̃ang magsunog na mamisan-minsan nang suca, at ang isang dong̃auang parating bucas. Anomang ipaiinom ó ipacacain sa maysaquit ay lalahucan nang maasim. Ang maysaquit ay mapapainom nang tubig na linag-yan nang gata nang acedera (taying̃ang daga ó alibambang); ang linugao ay doroonan nang ilang capatac nang gata nang dayap; ang bung̃a nang sapinit na hinog, ang dayap, at ang dalandan, ay macacain nang maysaquit. Ang damit nang hihigan touing icalauang arao ay papaltan nang ibang damit na malinis at tuyo.

204. Sa nang̃agcacasaquit nang ganitong saquit ay bihirang-bihira ang cailang̃ang sangrahan. Gayon din ang pagsumpit, ay hindi rin cailang̃an sa saquit na ito; bagcus macacasama cun minsan. Ang iinumin parati nang maysaquit ay ang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay, na ang anim na vaso ay dinoroonan nang timbang cahati nang bilin sa número 10. Na-aari namang ipainom na parati sa maysaquit cun ualang iba ang limonada. Saca painumin nang bilin sa número 35; ito,i, cailang̃ang totoo na gauin agad, cun bagong nagcasaquit ang tauo; datapoua cun hindi guinauang tambing, at ang maysaquit ay malacas-lacas pa, at bucod dito ang pulso,i, hindi matigas, ay mapapainom pa noong pasucang yaon, nacalalo man ang dalauang puong arao nang caniyang pagcacasaquit. Marahil cailang̃ang ipainom sa maysaquit hindi miminsan lamang cundi maquiilan ang saicapat na bahagui noon ding bilin sa número 35; at saca cun dahil sa pag-inom noong pasucang yaon, ay nacuha na ang caramihang bagay na marumi na iquinalalagnat niya, ay paiinumin touing icatlong arao, ó cun minsan arao-arao nang bilin sa número 38. Itong gamot na ito,i, nacacapagpalabas nang mang̃a maruruming bagay na nang̃abuloc sa loob nang catauan, pati nang bulati na marahil sumipot sa saquit na ito ay yaon cun minsan ang dahilan nang mang̃a inaasal nang maysaquit. Cun baga ang balat nang maysaquit ay tuyo dahilan sa calimitan nang pag-iilaguin, ang ipaiinom doon hindi ruibarbo, cundi ang bilin sa número 39 timbang saicaualong mahiguit. Ang gamot sa número 38 at 39 (ang cailang̃an nang maysaquit doon sa dalaua) iniinom cun umaga, at pag nacalalo ang dalauang oras, paiinumin ang maysaquit nang bilin sa número 40, na ito,i, gagauin touing icatlong oras, bago gauin namang uli cun umaga yaon ding bilin sa número 38 ó 39; saca itutuloy gagauin pa ang sa número 40, hangan sa gumaling-galing ang maysaquit. Cun ang maysaquit ay mahinang-mahina, ang bilin sa número 40 samahan nang bilin sa número 41. Magaling ding painumin maminsan-minsan ang maysaquit nang alac sa Misa. Cun malacas ang pag-iilaguin nang maysaquit ang isang pelotilla nang bilin sa número 41, ay samahang minsang ó macalaua maghapon nang triaca, ga tatlong butil nang maiz carami. Cun baga hindi rin lungmalacas ang maysaquit, cundi tila hindi nacacaramdam, ay capilitang doonan nang parapit sa mang̃a binti ó sa batoc número 36; pag natuyo ang mang̃a parapit, ay pinapaltan nang ibang bago. Ang mang̃a parapit iniiuan doon nang mahabang arao.

205. Cun ang maysaquit ay magaling-galing na, sapagca mayroong oras na siya,i, hinihibasan na nang lagnat, agad-agad ay paiinumin doon sa oras na yaon nang bilin sa número 14, timbang cahati ó isang salapi; quinabucasan ay babacayan din ang oras nang pagca uala nang lagnat, at capapaiinumin pa noon ding bilin sa número 14. Saca itinutuloy rin sa ilang arao; datapoua ang iinumin lamang nang maysaquit ay timbang cahati. Cun hindi na nalalagnat ang maysaquit, ay ilalagay siya sa husay nang mang̃a maysaquit na magaling galing na, capítulo 5; at cundi siya lumacas, ay pacacanin nang timbang cahati nang bilin sa número 42; at cun lauon nang nacacain ang maysaquit, ay pacacaning uli noon ding bilin sa número 42, timbang cahati rin. Datapoua lalo pang magaling sa bilin sa número 42 ang bilin sa número 14, na iinumin niya cun umaga, timbang saicapat ó cahati.

206. Ang nalalagnat nang ganitong lagnat, cun minsan ay dinoroonan sa noo nang mang̃a sisiu, calapati, ó ibang hayop na biniac, sapagca ang isip nang mang̃a mangagamot, na nacucuha at nadadala niyong mang̃a hayop na yaon ang pinacacamandag nang saquit; datapoua masamang gauin ito, sapagca nacacahirap at nacacalubha bagcus sa maysaquit.

Nota. Cun minsan itong lagnat na sucab sungmasama sa bulutong, sa tigdas, pati sa ibang mang̃a saquit; cun gayo,i, pang̃anib na buhay nang maysaquit.