Ang gamot sa babaying pinananaugan, ó linalabasan nang maraming dugo, na ang tauag nang castila doo,i, flujo de sangre.
476. Ang gagauin sa babaying linalabasan ó pinananaugan nang maraming dugo ay gayon. Cun baga dating saquit niya yaon at malimit siyang daanan noong hirap na yaon, ang unang cailang̃an doon, ay ang husayin ang pagcain at ang pag-inom. Saca bibig-yan ang maysaquit nang bilin sa número 24 at nang sa número 32.
477. Datapoua cun hindi dating saquit niya yaon, cundi dinaraanan cun minsan lamang nang siya,i, pinanaugan nang maraming dugo, ay gagamutin para nang pag-gamot sa babaying buntis na talagang ma-cucunan, na yao,i, aquing ituturo sa párrafo 479.
Ang gagauin sa babaying buntis na nagcacasaquit saquit, at sa tila macucunan.
478. Ang mang̃a babaying buntis ay dinaraanan nang pagsaquit nang ng̃ipin at ulo, at cun minsa'i, dungmuroual, at ga ibig nilang sumuca cun umaga. Ang totoong gamot dito,i, ang pagsasangra.
479. Cun minsan naman, cun nahuhulog ó lungmulucso ang babaying buntis ó cun lungmacad nang matulin, ó nahirapan nang pag-gaua, ó cun inarauan, ó cun sungmusuca, ó nagalit, ó natacot, ó cun nacainom nang maraming alac ó cha, ay sungmasaquit ang caniyang bay-auang na yaong saquit ay ungmaabot hangang hita, bago sumunod doon ang pagsaquit nang tiyan, na dahil doo'i, nahahalatang macucunan siya. Ang gagauin doo'i, gayon: Pinahihiga capagcaraca ang maysaquit, pinipilit siyang tungmahang ilang arao doon sa hihigan, na mababa ang ulo, na ualang quibo, at ualang imic man; sasangrahan agad sa camay hangang sa macuha ang timbang ualo ó siyam na pisong dugo. Houag pacanin nang carne, itlog, ó sabao nang carne, cundi canin, gatas, etc. na malamig cun canin. Touing icalauang oras, ay iinumin niya ang timbang isang salaping salitre ó nitro número 20. Bucod doon ay iinuming parati niya ang bilin sa número 2. Mayroong babaying mataba,t, marugo na datihang nacucunan sa tacdang panahon. Ang maigui sa caniya, ay magsangra cun malapit lapit na ang arao ng̃ pagdaan sa caniya niyong hirap na yaon. Maigui rin sa caniya ang mang̃a turo co dito rin sa párrafong ito.
Ang gagauin cun mahirap ang pang̃ang̃anac nang babayi.
480. Maraming totoong babayi, ang namamatay dahil sapagca ualang naalamang anoman ang mang̃a hilot, at ang mang̃a nagsisitulong sa babaying nang̃ang̃anac. Ano mang bagay na nariring̃ig nilang magaling sa nang̃ang̃anac guinagaua pagcaraca, lalo pa cun turo nang matanda, ó nang mang̃a mang̃agamot na mangmang, na hindi man marunong bumasa. Ang marahil gauin nang mang̃a hilot na hindi maalam doon sa babaying nang̃ang̃anac, ay pinaiinomin ang catauan nang castor, luya, sambong, ruda, lang̃is nang ambar, alac, triaca, café, aguardiente ó tubig nang anis ó hinojo. Itong lahat na bagay pauang masama (ani Tissot) at parang lasong totoo, sapagca nacalalauo,t, nacaliliuag sa pang̃ang̃anac, dahil sa cainitan nang mang̃a gamot na yaon, at yaon din naman ang nagpapainit, at ang ga nagpapatigas ó nagpapaunat sa bahay tauo; pati nang mang̃a daraanan nang bata cun ipang̃ang̃anac, ay namamaga rin dahilan doon at cungmiquipot. Bucod doon ang babaying pinaiinom noong mang̃a maiinit na yao,i, ang caniyang marahil masapit, ay ang siya,i, panaugan nang maraming totoong dugo, at matutuluyang mamatay sa loob nang ilang oras.
481. Ang totoong sucat gauin sa babaying nang̃ang̃anac, ay ang sasabihin co ng̃ayon, na yao,i, pauang aral ni Tissot at ni Buchan, na sila ang totoong dapat paniualaan, sapagca bihasang totoo sila doon sa mang̃a bagay na yaon Cun mayroong babaying nang̃ang̃anac na dating malacas siya,t, hindi masasactin at hindi rin sala ang hichura nang caniyang catauan, cun baga mahirap ang caniyang pang̃ang̃anac, ay houag siyang dumag-is cun hindi panahon at siya,i, bagcus hihina. Masama ring lamasin, ó iriin nang mang̃a tauo ang caniyang tiyan, sapagca yao,i, macacamatay sa bata, at ang isa pa,i, ualang paquinabang doon sa gauang yaon. Ang mang̃a maiinit na gamot na aquing tinuran sa párrafo 480, na sinundan nito ay masama naman. Ang bagay na bagay sa caniya ay gayon: Sasangrahan agad siya sa camay, sapagca yaon ang nacacaualang madali nang mang̃a pagsaquit nang catauan, at nacacalubay sa mang̃a casangcapan nang nang̃ang̃anac. Hangang di lumabas ang bata,i, houag pacanin ang may catauan; datapoua mabibig-yan siya nang durog na tinapay na luto sa tubig. Toui siyang iinom, ang ipaiinom ay ang tubig na pinaglutuan nang caunting tinapay rin. Susumpitin naman siyang macaitlo cun arao, at macaitlo cun gabi, nang tubig na pinaglagaan nang culutan, na may casamang caunting lana, ó lang̃is na bago nang niyog. Saca pinalulucloc na parati ang babayi sa tapat nang isang palioc na puno nang tubig na mainit, at pinasising̃auan siya roon, sapagca ang sing̃ao nang mainit na tubig ay nacacalambot agad sa catauan. Bucod dito,i, lalahiran nang mantica ang loob nang caniyang punong catauan. Doroonan naman sa ibabao ng̃ tiyan nang mang̃a basahang babad sa mainit na tubig, na ito,i, totoong buti rin. Ang mang̃a itinuturo co ng̃ayon na pauang ualang liuag, ay hindi mahirap gauin, at hindi rin nacacaano sa bata at sa babayi, at maraming totoong babayi ang nacacapang̃anac na maigui capag sinusunod nila yaon.
482. Ng̃uni cun sala ang lagay nang bata sa tiyan ó cun sala ang catauan nang babayi, ay hindi magcacasiya ang mang̃a itinuro co sa párrafong sinundan nito. Cun masama ang lagay nang bata sa tiyan ó cun sala ang paglabas, ay cailang̃ang hanapin ang isang marunong na hilot, at ang gagauin niya ay gayon: Ang tiyan nang babaying nang̃ang̃anac idiriin nang camay sa mang̃a taguiliran, at sa ibabao ng̃ tiyan din na paitaas, nang mahina hinang pagdiriin, nang umurong ang bata, cun sala ang paglabas. Pag napasauli na ang bata sa loob, ay ipinaanyo roon ng̃ hilot ng̃ lumabas na mahusay. Cun baga patay ang bata sa tiyan ang gagauin sa babayi, ay yaon ding mang̃a bilin sa párrafo 481.
Ang mang̃a saquit na marahil sumunod sa pang̃ang̃anac nang babayi.
483. Ang mang̃a saquit na marahil humalili sa pang̃ang̃anac ng̃ babayi ay lima. Ang nauuna ay cun siya,i, binubusan ng̃ maraming dugo. Ang icalaua,i, ang pamamaga nang bahay tauo. Ang icatlo,i, cun hindi lungmalabas yaong ugaling lungmalabas na dugo sa mang̃a babaying nang̃ang̃anac. Ang icapat ay ang gatas, cun hindi husay ang pagpatung̃o sa mang̃a suso nang babaying. Ang icalima,i, cun hindi lungmalabas ang inunan.
484. Cun baga nang macapang̃anac ang babayi, binubusan siya nang maraming totoong dugo, ang gagauin doo,i, sasangrahan, at susundin ang ibang mg̃a bilin sa párrafo 479. Bucod dito,i, lalag-yan siya sa tiyan at sa bay-auang, pati sa mg̃a hita nang mang̃a basahang babad sa tubig at sa sucang matapang na magcasingdami, na yaon ay papalitang parati pagca tuyo tuyo na, at inaalis tuloy pag ungmuunti na ang paglabas nang dugo.
485. Ang pamamaga nang bahay tauo sa loob nang catauan nang babayi caya na-aalaman, sapagca masaquit ang tiyan, at tila nauunat. Cun hipuin, ay lalo pang sungmasaquit. Bucod doon mayroong naquiquitang manchang mapulapula, na nangagaling sa ilalim nang pos-on, at ungmaabot hangang pusod. Cun ang may cataua,i, lungmulubha ay ungmiitim yaong mancha, na yao,i, masama at mamamatay ang maysaquit. Ang isa pa roon ang may cataua,i, totoong hina, at ang muc-ha,i, nag-iiba. Tila nasisira-sira ang bait niya; hindi siya nauaual-ang parati nang lagnat; ang pulso,i, mahina,t, matigas; cun minsan sungmusuca siya, ó nagsisin-oc; parating ibig niyang manabi, at cun minsan hindi ungmiihi. Doon sa punong catauan niya mayroong lungmalabas na tubig na mabaho, mapulapula,t, mahapdi, itong ganitong lagay ay masama,t, mapang̃anib ang buhay nang babayi. Ang magaling doon ay gayon: Ang maysaquit ay sasangrahan; saca susumpitin nang malimit nang malacucong tubig. Susumpitin naman sa loob nang caniyang punong catauan nang tubig na malacuco rin, ó nang tubig na may casamang gatas. Sa ibabao nang tiyan ay lalag-yang parati nang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay, na hinulugan nang salitre, timbang saicaualo sa isang botella, at siya rin ang caniyang iinumin. Totoong buti namang doonan sa tiyan nang gatas na malacucong tinubigan.
486. Cun hindi lungmalabas ang dating lungmalabas na dugo sa mang̃a babaying nang̃ang̃anac, na yao,i, nacacahila nang maraming saquit na malalaqui, para nang pamamaga nang tiyan; ang gagauin sa maysaquit ay yaon ding mang̃a bilin sa párrafo 485, na sinundan nito. Ang mang̃a mainit na gamot na sinabi co sa párrafo 480, ay totoong sama doon, at parang lason sa maysaquit.
487. Ang babaying nang̃ang̃anac, ay linalagnat cun minsan nang malaqui, cun bagong nagcacagatas ang caniyang suso; at ang maigui sa caniya, nang houag siyang lagnatin ay pasusuhin ang bata pagdaca, mula sa arao nang caniyang pang̃ang̃anac; at nang mauala ang lagnat na malaqui na dala nang gatas, ay magaling ang pag-inom nang tubig na pinaglagaan nang cebada ó palay na may salitreng casama, ayon sa turo sa párrafo 485, at ang pagsumpit nang tubig na malacuco.
488. Yaong mang̃a babaying mahina na di inaalagaang maigui, capag sila,i, nacapang̃anac, ó cun nagsasaoli agad sa canilang dating guinagaua, ay nagcacasaquit, sila cun minsan nang sari saring saquit, na ang dahilan noon ay ang di paglabas nang ugaling lungmalabas na dugo sa mang̃a nang̃ang̃anac. Caya sapagca nagugulo, at hindi husay ang pagbucod nang gatas sa suso,i, sinisibulan ang may catauan cun minsan nang mang̃a sibol, na ang tauag nang mang̃a medicong castila doo,i, depósitos lácteos. Itong mang̃a ganitong sibol ay totoong sama at lalo pa cun tungmutubo sa loob nang catauan; ng̃uni marahil sumibol sa mang̃a hita. Ang gagauin agad doo,i, paiinumin ang maysaquit nang bilin sa número 58, at tapalan ang sibol nang bilin sa número 59. Itong mang̃a gamot na ito ay nacacauala nang sibol sa calauonan; datapoua cun baga nagnanana, ay cailang̃ang hiuain nang marunong, at gagamutin para nang baga sa párrafo 253.
489. Cun minsan naman ang mang̃a suso, ay yaon ang sinisibulan, sapagca ang gatas ay napapataha,t, ga natutulog doon; at cun hindi gamutin pagcaraca itong ganitong mang̃a pamamaga nang suso, ang sibol ay tungmitigas na cun malauon naguiguing cáncro, na sa lahat na saquit yaon ang lalong masama,t, mahirap. Ang gagauin doon ay tapalan macalaua maghapon nang tinapay at gatas hangan sa pumutoc at magnana, ayon sa turo ni Buchan. Ito,i, gagauin cun baga nahahalatang puputoc at magnanana. Datapoua cun ang bucol sa suso ay lauon nang tungmubo, at hindi masaquit, ay houag tapalan nang anoman. Ang mang̃a tapal na mayroong taba ay masama roon. Cun baga ang sibol ay naguing cáncro na, ang magaling lamang doon ay ang turo sa número 60; at ang may catauan ay palolonoquin nang bilin sa número 57, na nacacagaling cun minsan sa calauouan. Itong lahat ay uica ni Tissot.
490. Ang mang̃a babaying nagpapasuso, nahihirapan cun minsan dahil sa napapacnos ang mang̃a utong nang suso nila. Ang pag-gamot doo,i, ualang liuag. Magtunao ca sa isang taza nang caunting pagquit, at isang gayon ding lang̃is na bago nang niyog, at yaon ang ilahid doon. Ang bilin sa número 66 ay mabuti rin. Cun hindi nauauala yaong saquit na yaon, ay purgahin nang caunting maná ó ruibarbo.
491. Cun baga mayroong babaying nacapang̃anac na, at hindi lungmabas ang inunan, ang mabuti doo,i, sangrahan sa camay cun baga malacas ang babayi, at gauin ang ibang mang̃a bilin sa párrafo 481. Ang gaua nang iba,i, ang isang sariuang taying cabayo tinutunao sa alac sa misa at ipinaiinom sa maysaquit. Ang guinagamit nang iba,i, ang taying tuyo. Cun hindi rin lungmalabas ang inunan, at mayroong marunong na tauo,i, lahiran muna ang caniyang camay ng̃ mainit na lana, at ipasoc niya sa loob na marahan-dahan, at caniyang hilahin mayamaya. Datapoua ang uica nang ibang maaga médico, na bihirang babayi ang nabubuhay cun hilahin ang inunan.
Nota. Cun minsan ang babaying bagong nang̃anac ay linalagnat siya nang lagnat na may casamang butil na marami sa catauan, na yao,i, pinang̃ang̃anlang lagnat na daua, na sinaysay na sa capítulo 59.
Ang gamot sa sangol cun hindi iniilaguin niya ang caunaunahang ugaling ilaguin nang mang̃a bagong pang̃anac na bata.
492. Ang mang̃a batang bagong pang̃anac ay puno ang canilang sicmura sampon nang mang̃a bituca nang duming maitim na malapot at malagquit, na cundi iilaguin agad nang sangol, ay mapang̃anib ang caniyang buhay. Caya nang lumabas yaong duming yaon sa catauan nang bata, ang gagauin doo,i, gayon: Houag munang pasusuhin ang bata hangang di macalalo ang isang boong arao. Painumin ang bata nang tubig na sinamahan nang caunting azúcar ó pulot. Bucod dito,i, mapaiinom ang bata touing icapat na oras ng̃ jarabe de chicorias (dilang usa) na sinamahan nang caunting maná. Ng̃uni, ang uica ni Buchan, na ang lalong magaling sa lahat na gamot, ay pasusuhin ang bata capag naiibig niyang sumuso, sapagca ang unang gatas nang babayi ay nacacapurga sa mang̃a sangol.
Ang gamot sa mang̃a sangol cun ungmaasim ang nadoroon sa canilang sicmura.
493. Ang gatas na sinususo ng̃ mang̃a bata ay marahil umasim sa mang̃a sicmura nila, na doon nangagaling ang mg̃a cólico, ang mang̃a convulsión, ang pag-iilaguin ó ang pagsuca nila. Ang magaling doon ay ang jarabe de chicorias (dilang usa); at nang houag daanang uli ang bata noong saquit na yaon, ay paiinumin arao-arao macaitlo nang timbang calahating saicaualo ang isang inom, nang bilin sa número 61, cun malaqui ang saquit; datapoua cun munti ang saquit, ay sucat na sa caniya ang isang inom ó dalaua arao-arao. Ang aceite de almendras ay masama roon.
494. Ang mang̃a sangol ay malimit daanan nang cólico sa mang̃a unang bouan nang canilang buhay. Ang magaling doon ay sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla, na hinulugan nang caunting sabón, ganga bot-o nang pimienta calaqui. Cun minsan masamang sumpitin ang bata; at cun gayon ay na-aari ang mang̃a calillang sabón ó pulot. Nacaguiguinahaua sa mang̃a batang dinaraanan nang cólico ó nang pagsaquit nang tiyan nang isang basahang babad sa mainit na tubig na pinaglagaan nang manzanilla at caunting triaca, na itatapal sa tiyan.
Ang pagpambo sa mang̃a sangol.
495. Ang boong catauan nang batang bagong pang̃anac ay puno nang libag, na gaua nang caniyang linang̃uyang tubig sa loob nang bahay tauo. Nang macuhang madali yaong libag na yaon sa catauan niya, ang magaling sa lahat, ay pambohan nang dalauang bahaguing tubig at nang isang bahaguing alac, na yao,i, itutuloy nang ilang arao. Cun baga malapot at malagquit yaong libag na yaon, na cungmacapit sa catauan nang bata, ay ma-aalis nang tubig na pinaglagaan nang manzanilla na may casamang sabón na ganga patani calaqui.
496. Ang mang̃a bata,i, maigui pambohan pag nacalalo na ang labingdalaua, ó labinlimang arao nang pang̃ang̃anac sa canila. Ang ipapambo roo,i, ang malamig na tubig na ualang calahoc na anoman. Itong gauang ito,i, magaling gauin arao-arao, sa panahon man nang tag-guinao ó tag-sigua, sapagca totoong nacacapagpalacas sa catauan nang bata. Ang hindi lamang babasain ay ang tuctoc nang ulo, yaon bagang nahihipong malata sa itaas nang ulo nang mang̃a bata. Pagca napambohan na ang bata,i, masamang paramtan ng̃ maraming damit. Ang mang̃a batang maysaquit ay houag pambohan.
Ang gagauin sa batang nagcacasaquit cun sinisibulan nang ng̃ipin.
497. Ang ugaling panahon nang pagsibol nang ng̃ipin sa mang̃a bata,i, sa icaanim ó sa icapitong bouan nang canilang buhay. Ang unang sungmisibol ay ang sa harap; sungmusunod ang mang̃a pinacapang̃il, at ang catapusang sungmisibol ay ang mang̃a bag-ang. Sa dacong icadalauang puong taon nang buhay ng̃ tauo, mayroon namang sungmisibol na apat na bag-ang din, na ang pang̃alan nang mang̃a tauo doo,i, ang bag-ang nang bait.
498. Ang batang nagcacasaquit, cun sinisibulan nang ng̃ipin, ay cailang̃ang sumpitin nang tubig na pinaglagaan nang culutan lamang, ó purgahin caya ng̃ mahinang purga, parang magnesia ó ruibarbo, ó hojas de sen. Ng̃uni cun dinaraanan nang pagiilaguin ang bata, ay hindi cailang̃an ang sumpit at ang purga. Masama naman pacanin nang marami. Datapoua mabuti painumin nang maramirami sa dati. Ang mg̃a ng̃idng̃id ay lalahiran nang macaitlo ó macaapat arao-arao nang pulot puquiotan. Magaling na totoo sa mang̃a batang nagcacasaquit, at sa nag-uubong parati cun sinisibulan nang ng̃ipin, ang sahing na tutunauin sa apoy bago ilatag sa basahan, at itapal sa licod nang bata sa pag-itan nang dalauang balicat.
Ang gamot sa batang may bulati sa tiyan.
499. Caya nahahalatang mayroong bulati sa tiyan nang bata, sapagca siya,i, dinaraanang parati nang cólico. Cun umaga mayroong maraming lauay sa caniyang bibig, at ang hining̃a ay iba sa rati ang amoy na tila maasim; ang ilong ay parating quinacamot at macati. Cun minsan nananab-ang nang pagcain; cun minsan malacas cumain; idinaraying ang sicmura, ó sunmusuca caya cun minsan; hindi manabi siya; datapoua ang marahil dumaan sa mang̃a batang gayon ang sila,i, nag-iilaguin nang tila hilao; ang tiyan ay malaqui, at ang ibang cataua,i, yayat; ang maysaquit ay mahina, at ga namamanglao; ang palibot sa mata,i, tila morado ang color; ang muc-hâ,i, nag-iibang parati; ang may catauan nauuhao at cun natutulog, tila naguiguicla; bucod dito,i, nang̃ang̃alitngit. Mayroong batang hindi lumagay cun mayroong bulati; dinaraanan cun minsan ang gayong maysaquit nang síncope ó convulsión. Cun minsan nahihilim, ó pinapauisan nang malamig; lungmalabo ang pagting̃in nang may catauan, pati nang voces niya,i, hungmihina. Ang mang̃a ng̃idng̃id ay tila nabubuloc. Cun minsan nagsisin-oc na parati ang may catauan; ang pulso ay munti at hindi husay; cun minsan may ubong caunti na ualang inilulura. Cun doon sa iniilaguin nang may catauan mayroong naquiquitang tila boto nang melón ó calabaza,i, caalam-alam mayroon sa caniyang tiyan na bulating mahaba na may casucasuan malapad at maputi, na pinang̃ang̃anlang tenia ó solitaria.
500. Maraming totoong bagay ang iguinagamot sa saquit na ito. Ang isang totoong galing sa saquit na yao,i, ang bung̃a nang niyogniyogan. Ang tatlong bung̃a ay sucat na sa batang mayroon tatlong taon; ang apat na bung̃a sa mayroong apat na taon, at ang lima sa ang edad niya ay limang taon. Itong bung̃ang ito ipinacacain sa batang maysaquit cun umaga bago siya cumain; ng̃uni cun baga may lagnat, hindi sucat pacanin noon. Ang maysaquit na pinacain nang niyogniyogan cun umaga, ay pupurgahin nang bilin sa número 63. Itong mang̃a sinabi co, siya ang gamot sa mang̃a bulating mabibilog. Itong mang̃a batang malimit magcabulati sa tiyan ay masamang pacanin nang mang̃a maliuag matunao sa sicmura, para nang mang̃a hilao na bung̃a nang cahoy, ó mang̃a gulay na hindi lutong maigui.
Nota. Nang mapalabas ang bulating maputi na mayroong ulo, at mang̃a casucasuan na tinatauag na tenia ó solitaria, ay painumin ang maysaquit na matanda nang tubig na pinaglagaan nang balat nang ugat nang granada. Datapoua houag painumin pagdaca nang marami macacasama sa caniya. Ang isa pang totoong malacas na gamot sa lahat na bagay na bulati ay ang dagta nang papaya, yaon bagang nangagaling sa bung̃ang mura na sinusugatan nang tumulo. Ang mang̃a bata,i, binibig-yan nang timbang saicapat hangan sa timbang cahati noon, at linalahucan nang gatas nang calabao ó cambing; ang matandang tauo,i, binibig-yan nang marami. Cun ualang gatas na calahoc ang dagta,i, hindi maiinom nang tauo.
Ang gagauin sa mang̃a batang dinaraanan nang convulsión para nang suba, sauan, taon, ó alferecía, at ang iba pa, pati nang gamot sa batang tila hinihica na maing̃ay ang paghing̃a, na ang pang̃alan sa gayong saquit ay croup.
501. Cun mayroong batang dinaraanan nang suba, sauan ó ibang bagay na convulsión, caalamalam ang totoong pinang̃agaling̃an noong mang̃a saquit na yao,i, ang maasim sa sicmura, ó ang pagsibol nang ng̃ipin, ó ang bulati, ó ang hindi paglabas nang unang iniilaguin nang batang bagong pang̃a-nac. Cun gayon ay susundin ang mang̃a turo sa párrafo 414 at 415, at gagauin ang mang̃a bilin sa mang̃a capítulo 81, sa 82, sa 84 at 85. Ng̃uni bucod doon sa mang̃a dahilang yaon, mayroong tatlo pa mandin na cun minsan nacacapagdala nang convulsión sa mang̃a bata, sa macatouid: cun mayroong mang̃a bagay na nabubuloc sa sicmura,t, tiyan nang bata, na yaon ang isang dahilan. Ang icalaua cun ang gatas nang nagpapasuso ay masama; at ang icatlo, cun ang bata,i, nalalagnat, lalo pa cun tiniticdas ó binubulutong.
502. Caya nahahalatang mayroong nabubuloc sa sicmura nang bata, sapagca pinacain ó pinasuso nang marami na hindi macayanan nang caniyang sicmura, ó sapagca pinacain nang sarisaring bagay na hindi nagcacaayon. Bucod dito ang gayong bata,i, nananab-ang nang pagcain; natatamlay siya, at hindi natutulog nang mahimbing. Ang dila niya,i, marumi; ang color nang balat ay masama, at lungmalaqui ang tiyan. Cun baga caya quinoconvulsión ó cungmiquinal ang catauan nang bata ay dahil dito, ang magaling doo,i, houag pacanin nang marami; sumpitin nang malacucong tubig at purgahin nang jarabe nang chicoria (dilang usa) ó nang caunting maná.
503. Cun minsan naman caya sinasauan, ó sinusubaan ang bata, sapagca ang gatas nang nagpapasuso sa caniya ay masama; sa macatouid, cun ang nagpasuso ay nagagalit nang malaquing pagcagalit, ó namanglao, ó natacot, ó napagod nang paggaua, ó nainitan, ó nacacain nang mang̃a cun ano ano, ó nagcasaquit, ó nacainom nang alac, ó cun pinananaugan nang panahon, cun datidating sungmasama ang caniyang pagcaramdam, cun pinananaugan siya nang sa panahon. Cun ang babaying nagpapasuso sa bata dinaanan noong mang̃a bagay na yaon, ang gatas niya,i, sungmasamá at nacacapagcasaquit sa sungmususo, na cun minsa,i, iquinamamatay niya agad. Ang mabuti doo,i, gayon: Ang bata houag pasusuhin nang babaying maysaquit, hangan di mauala ang caniyang masamang pagcaramdam; ang bata,i, susumpitin naman, at paiinumin nang maraming tubig na malamig; ang ipacacain sa bata sa dalaua ó tatlong arao ay atole ó tinapay na durog sa tubig, na ualang gatas. Cun hindi pa nauauala ang saquit nang bata, ay painumin nang timbang piso, ó tatlong salapi nang jarabe nang chicorias (dilang usa). Magaling din ang maná, na cahati ang timbang. Ang babaying nagpapasuso,i, maigui magsumpit siya, at ang gatas na masama palabasin sa suso.
504. Cung baga ang convulsión nang bata sungmasama sa bulutong, ó ticdas, ó sa ibang bagay na lagnat, ay hindi cailang̃an ang ibang gamot doon, cundi ang iguinagamot sa saquit na casama nang convulsión.
Nota. Mayroong batang dinaraanan nang mahirap siyang macahing̃a, naanaqui hinihica; ang tauag nang mang̃a medico sa gayong saquit ay croup. Ang maigui doo,i, ibabad ang paa nang bata sa mainit na tubig, at cunan nang dugo, bago sumpitin agad nang culutan na magaling samahan nang timbang cahating ingo, na yaon ang isusumpit doong parati; maigui rin doon ang isang tapal na sahing sa pag-itan nang dalauang balicat, ayong sa turo co sa párrafo 498; mabuti namang lag-yan nang isang fuente.
505. Ang triaca ay masama sa mang̃a batang dinaraanan nang convulsión. Datapoua mabibig-yan din nang triaca, pagca guinagaua na ang mang̃a itinuturo co sa capítulong ito, at hindi rin nauauala ang convulsión. Gayon din cun mapang̃anib na totoo ang buhay nang bata, ó cun ang pinagmul-an nang convulsión ay ang siya,i, natacot mabibig-yan din nang triaca.
506. Mayroong malimit daanan nang sauan, suba, ó nang ibang bagay na convulsión. Ang pag-gamot sa gayong bata ay maliuag. Magaling doon ang quina (dita) número 14, at pambohan sa malamig na tubig.
Aral na nauucol sa pangsasangra sa mang̃a maysaquit, pati na pagpapacapit sa linta.
507. Dalaua ang dahilan na sucat ipagsangra sa tauo: ang nauuna, cun marugo ang may catauan; ang icalaua, cun ang dugo niya,i, ungmiinit na yao,i, pinang̃ang̃anlang inflamación de sangre.
508. Sa mang̃a sasabihin co ng̃ayon mahahalatang marugo ang may catauan; sa macatuid: Cun siya,i, malacas cumain; cun siya,i, cungmacain nang maraming carne, ó ungmiinom nang alac; cun hindi sungmasama ang damdam nang caniyang sicmura; cun mahaba ang caniyang tulog, cun hindi siya binabaling̃oyng̃oy, ó hindi binubusan ó pinananaugan nang maraming dugo. Cun gayo,i, marugo ang may catauan. Gayon din, cun dati na siyang binabaling̃oyng̃oy, at saca nauala sa caniya yaon; cun ang pulso,i, puno at malacas; cun ang color nang balat niya ay mapula sa rati; cun ang caniyang pagcatulog ay mahaba sa rati, at hindi lubhang mahimbing; cun ga hinahapo agad pagca siya,i, gungmagaua nang anomang gaua, ó cung lungmalacad; cun baga siya,i, nalilio, lalo pa cun ibinababa niya ang ulo, at biglang itinataas; ang pagsaquit nang ulo cun hindi dating sungmasaquit; cun mainit ang pagcaramdam nang may catauan; cun ang caniyang pagcaramdam ay ga tinutudloc siya nang carayom sa boong catauan; lalo pa cun siya,i, napagal nang pag-gaua nang anoman; cun gungmiguinhaua ang pagcaramdam cun siya,i, binaling̃oyng̃oy. Cun nararamdaman nang may catauan ang marami dito sa mang̃a tinuran co ng̃ayon, ay mabuti sangrahan; ng̃uni cun ang isa ó dalaua lamang sa mang̃a sinabi co ng̃ayon ang caniyang nararamdaman ay hindi sucat sangrahan.
509. Ang cainitan nang dugo na yao,i, isa pang dahilan na sucat ipagsangra sa maysaquit, ay sungmasama sa mang̃a saquit na sarisari, na paraparang aquing nasaysay na, sa canicaniyang capítulo, na doon babasahin ang gagauin.
510. Ang hindi sucat sangrahang hamac cundi utos nang marunong na médico, ay ang mang̃a sasabihin co ng̃ayon, sa macatouid: ang mang̃a matatanda na, na gungmagamit sa anim na puong taon, at ang mang̃a sangol; ang dati nang mahina ang catauan; cun ang pulso nang may catauan ay munti, malambot at mahina, ó cun sa pagtiboc nang pulso mayroong pagca liban; cun namumutla ang balat nang may catauan; ó cun nanlalamig at namamaga (na malambot hipuin) ang mang̃a paa,t, camay niya; cun ang sicmura ay lauon nang panahong gulo; cun binabaling̃oyng̃oy nang malacas; cun sinisibulan ang may catauan nang maraming bucol. Ang pagsasangra ng̃a sa tauo sa gayong mang̃a lagay ay masama, cun hindi batol nang maalam na médico, ó cun ualang sadyang bilin dito sa librong ito.
511. Sa lupa nang castila, ang maysaquit na sinasangrahan, ay nacucunan nang timbang ualo ó sangpouong pisong dugo sa isang pagsasangra, sapagca ang castila ay marugo. Dito sa Filipinas ang tagalog na hindi lubhang cungmacain nang carneng marami hindi sucat cunan nang gayong caraming dugo. Sucat na roon, (ani P. Clain) ang timbang tatlo ó apat na pisong dugo, ó ang ga isang taza carami. Ang pagsasangra ay hindi maliuag matutuhan nang alin mang tauo, cun naquitang minsan ang paraan. Ang tauo,i, masasangrahan sa alin mang ugat nang caniyang catauan; houag lamang doon sa mang̃a ugat na nadoroon sa piling nang may tungmitiboc na pulso.
512. Cun ualang marunong sumangra, na-aari ang linta ó ang ventosa. Ang anim, ó ualo, ó sampouong linta pinacacapit sa laman nang tauong cucunan nang dugo; at nang cumapit ang linta, ay maigui basain ang laman nang mainit na tubig, ó lahiran nang dugo nang sisiu, ó azúcar; madali ring pigain ang dulo nang isang pacpac nang sisiu. at basain ang laman niyong pinacatubig na lungmalabas doon din sa dulo nang pacpac, na nababaon sa catauan nang manoc. Nang bumutao ang linta, cun baga hindi siya cusang bungmubutao, ay basain ang ulo niya nang suca, ó lapitan nang isang baga. Yaong lugar na quinapitan nang linta,i, maiguing hugasan nang tubig na sinucaan, nang mauala ang pinaca camandag nang linta. Cun hindi ungmaampat ang dugo ay tacpan ang sugat nang gaboc nang papel sangley na sinunog ó nang quinayod na culatculat, ó yaong tila cabuting sungmisibol sa mang̃a cahoy para nang turo sa párrafo 316 ó sa 293. Datapoua cun minsan lalong madaling maampat ang dugo, pag hindi tinacpan ang sugat nang anoman; sapagca ang dugong lungmalabas palibhasa,i, tungmitigas ay siyang cusang nagpapaampat sa ibang dugo. Maigui rin ang bahay ng̃ anlalaua. Cun ventosa ó tandoc ang gagamitin, ay cadlitan muna ang maysaquit, bago tacluban nang ventosa ó tandoc ang lugar na quinadlitan. Datapoua ito,i, malauon at hindi totoong magaling.
Aral na nauucol sa pag purga at sa pagpapasuca sa mang̃a maysaquit.
513. Cailang̃ang purgahin ó pasucahin ang tauo, cun mapait ang caniyang bibig; cun ang dila pati nang ng̃ipin ay marumi; cun mayroong masaquit sa tiyan, ó sa sicmura, na yao,i, hang̃ing nacuculong doon, na ang pang̃alan nang castila sa gayo,i, flatos: cun ang may catauan ay nanab-ang nang pagcain, ó cun naiibig niyang sumuca; cun ang isinusuca niya,i, mapait; cun tila may mabigat sa sicmura, sa bayauang at sa tuhod; cun hindi malacas na para nang dati ang caniyang catauan; cun sungmasaquit ang ulo, ó cun nalilio ang may catauan, ó cun siya,i, nahihilim; cun hindi husay ang caniyang pananabi, na cun minsan malabnao at marami cun minsan caunti at matigas ang inaiilaguin niya; cun ang pulso ay mahina at hindi lubhang husay na para nang dati.
514. Cun nararamdaman nang may catauan ang marami dito sa mang̃a sinabi co ng̃ayo,i, maigui big-yan siya nang purga, ó pasuca; ng̃uni cun minsan ang purga,i, magaling pa sa pasuca doon; at cun minsan ang pasuca magaling na lalo sa purga. Caya ng̃a yata nang maalaman ng̃ mangagamot cun cailan bagay doon ang purga, cun cailan ang pasuca ay tatandaan niyang maigui ang sasabihin co ng̃ayon: Cun ang bibig nang may catauan ay mapait, at ga parating ibig niyang sumuca, ó siya,i, sungmusuca ng̃a, ay maigui pasucahin; sapagca ang masama ay ang sicmura. Datapoua cun ang nararamdaman nang may cataua,i, hindi itong mang̃a bagay na ito, cundi ang ibang mang̃a sinabi co sa párrafo 513, magaling sa caniya ang purga sa pasuca, lalo pa cun mayroong hang̃in sa tiyan, ó sa sicmura, ó cun masaquit ang bayauang; at tila mayroon siyang nararamdamang mabigat sa tuhod.
515. Masamang purgahin, ó pasucahin ang aquing sasabihin ng̃ayon, sa macatouid: ang nalalagnat na tauo sa oras nang pagcalagnat niya, cun baga siya,i, nalalagnat nang malaqui; ang tuyo ó payat na totoo ang caniyang catauan; cun ang pinagmul-an nang saquit ay cahinaan nang catauan; cun pinanaugan nang sa panahon ang babayi; cun ang may cataua,i, nagcasaquit, at ang caniyang saquit ay nauauala na sa pauis, ó sa pag-iilaguin, ó sa pag-ihi, ó sa pag-babaling̃oyng̃oy; ang tauong piyohin, cun dinaraanan nang saquit na yaon; gayon din cun totoong hina ang mang̃a litid nang may catauan.
516. Mayroong tauo na mabibig-yan nang purga (cun baga cailang̃ang purgahin) bago masama roon ang pasuca, sa macatouid: ang tauong marugo párrafo 508; ang binabaling̃oyng̃oy; ang lungmulura ó sungmusuca ng̃ dugo; ang babaying pinanaugan nang maraming dugo, at ang mang̃a babaying buntis. Itong mang̃a ganganito,i, hindi sucat pasucahin; datapoua mabibig-yan sila nang purga.
517. Cun mayroong tauong pinurga ó pinasuca, at siya,i, nag-iilaguin, ó sungmusuca nang totoong daming lubha, ó nahihirapan siyang totoo nang pagsuca, ó nang pag-iilaguin, ó cun siya,i, nadedesmayo, ó dinaraanan nang convulsión ó pagquinal nang catauan gaua nang pasuca ó purga, ang magaling ay painumin nang malacucong tubig ó gatas ó azúcar, ó pulot, ó nang tubig, na pinaglagaan nang cebada. Saca susumpitin nang tubig na may casamang gatas at pula nang itlog. Magaling ding tapalan ang maysaquit sa tiyan nang mang̃a basahang babad sa mainit na tubig, na sinamahan nang caunting triaca. Cun napapacarami ang pag-iilaguin nang maysaquit, at hindi siya nalalagnat, at hindi rin mainit ang pagcaramdam niya, ang isumsumpit sa caniya na itinuro co sa itaas, ay malalahocan nang caunting triaca. Cun ang maysaquit, ay sungmusuca nang totoong lacas at hindi siya nag-iilaguin, ay lilimitan ang pagsumpit na may casamang lana, ng̃uni houag lagyan nang pula nang itlog. Maigui namang basain ang camay at ang paa, pati nang pouit at tiyan nang maysaquit nang tubig na malacuco.
518. Cun minsan masama sama man ang pagcaramdam nang tauo,i, hindi cailang̃an siyang purgahin ó pasucahin. Sucat na roon cun minsan ang siya,i, uminom nang maraming malamig na tubig, at lumiban siya sa isang pagcain arao-arao, at houag siyang cumain nang mang̃a maliliuag matunao sa sicmura niya.
519. Cun mayroong tauong pasusucahin, ay doon sa mang̃a número 34 at sa 35, maquiquita nang mangagamot ang ugaling pasucang guinagamit sa mang̃a castila, sa macatouid, ang tártaro emético at ang ipecacuana. Ang ibang mang̃a pasucang bilin doon sa número 34 at sa 35, ay paraparang magaling din, at ualang liuag. Ang mangagamot ay macapipili doon nang balang caniyang ibig. Cun mayroong pupurgahing tauo, ang bilin sa número 21, sa macatouid, ang jalapa, sen at crémor ay totoong buti. Datapoua cun ang pupurgahin ay babaying buntis, sucat na roon ang maná ó cañafistula timbang cahati. Magaling din sa mang̃a babaying buntis, cun cailang̃ang purgahin ang timbang sa icaualong ruibarbo na ibababad na magdamag sa isang tazang tubig, bago inumin nang babayi cun umaga yaon ding tubig na pinagbabaran noon, na ito,i, gagauing ilang arao. Sa mang̃a babaying nang̃anac ay sucat na roon yaon ding purga nang maná ó cañafistula timbang cahati, cun baga cailang̃ang purgahin ayon sa turo sa párrafo 513 at 514, at capag nacalalo na ang isa ó dalauang arao nang caniyang pang̃ang̃anac. Datapoua bago purgahin nang maná ó cañafistula ay mabuti sumpitin muna nang tubig na pinaglagaan nang culutan na ualang asin, at cun baga gunmagaling ang caniyang pagcaramdam, ay houag nang ituloy ang purga. Gayon din ang gaua sa babaying buntis, bago ituloy ang pagpupurga sa caniya. Ng̃uni ang maiguing isumpit doon ay ang sabao nang sisiu na ualang asin, ó atoleng canin na sinamahan nang dalauang pula nang itlog at caunting azúcar. Ang casucatang isumpit doon, touin susumpitin ang babaying buntis ay calahating tagayan carami; at cun hindi nauauala ang casaman nang caniyang pagcaramdam, ay purgahin ng̃ maná ó cañafistula para nang uica co sa itaas. Ang pasuca ó purgang dapat sa tauong nagcacasaquit nang anomang bagay na saquit ay doon hahanapin nang mangagamot sa mang̃a capítulong quinasusulatan nang saquit nang may catauan.
520. Ang timbang nang ipinupurga ó ipinasusuca sa tauo, na nabibilin dito sa librong ito, ay sucat, ó bagay sa lalaquing matanda,t, malacas; cun hindi naniniya yao,i, mararagdagan pa nang sa icapat ó sa icatlong bahagui noong timbang na yaon; at cun hindi pa mandin magcasiya ang gayong carami, ay houag nang daragdagan, macacamatay sa tauo yaon. Ang gagauin lamang doon pagca binibig-yan nang purga ó pasuca, at hindi siya nag-iilaguin ó sungmusuca ay painumin nang isang tazang malacucong tubig, na sinamahan nang asin, timbang tatlong saicaualo sa anim na tazang tubig, at palacarin siya sa bahay.
521. Ang tauong pupurgahin ó pasusucahin, ay hindi sucat cumain muna nang marami sa loob nang̃ isang arao, cun quinabucasang talagang bibig-yan siya nang purga ó pasuca; magaling naman ang siya,i, uminom nang ilan tazang tubig na malacuco doon din sa arao na yaon, bago magpurga nang quinabucasan. Cun pinainom na nang pasuca ang may catauan, ay houag siyang iinom muna hangang hindi maramdaman niyang magsusuca na; at pagca siya,i, sungmusuca na, ay cailang̃ang uminom siyang parati nang malacucong tubig, ó tubig na pinaglagaan nang caunting manzanilla. Ang tauong pinurga, ay mabuting painumin nang sabao ó nang tubig na malacuco, na may azúcar ó pulot na casama, hangang siya,i, nag-iilaguin. Masama namang magpahang̃in ó lumabas sa bahay, cun hindi pa nacacalalo ang isang arao at ang isang gab-i, cun baga sampaloc ó cañafístula ang ipinurga sa caniya; ng̃uni cun ibang bagay ang ipinurga doo,i, houag siyang lumabas sa bahay hang̃ang di macaraan ang dalauang arao at ang dalauang gab-i.
522. Cung cailang̃ang purgahin, ó pasucahin ang tauo, ay cailan mang panahon mapupurga ó mapapasuca siya; at hindi sucat bacayan ang arao ó ang bagong bouan, para nang guinagaua nang mang̃a mangagamot na mangmang, na maraming totoong tauong caauaaua ang inaalsan nila nang buhay, sapagca hinihintay ang gayong arao nang bouan sa pag-gamot sa mg̃a maysaquit. Cun minsan cun nacalalo ang carampatang panahon, na gagaling siya sana cun pinurga ó pinasuca, ay hindi na maari ang siya,i, gumaling, at ang arao pati nang bouan na guinaua nang ating Pang̃inoong Dios dahilan sa tauo, yao,i, guinagauang paraan nang mang̃a mang̃agamot na hunghang, nang pananampalasan sa buhay ng̃ tauo. Gayon din cun malaqui ang saquit nang babayi at cailang̃ang purgahin, bagaman siya,i, dinatnan nang sa panahon ay capilitang purgahin.
Casaysayan na nauucol sa pulso nang tauo.
523. Ang pulso nang tauong matanda, na ualang saquit ay tungmitiboc ng̃ macaanim na pouo, hangan sa macapitong pouo sa loob nang isang minuto. Ang isang oras mayroong anim na pouong minuto. Cun ang tauo,i, nacalalo na sa anim na pouong taon ng̃ caniyang edad, ay dungmadalang dalang sa rati ang pagtiboc ng̃ pulso niya. Cun ang tauo ay bata pa, na hindi ungmaabot sa labing ualo, ó dalauang puong taon nang caniyang edad, ay matulin ó madalas ang pagtiboc nang pulso; ang sa mang̃a sangol lalo pang matulin. Manaa ang isa pang pinagcacaquilalanan ng̃ cahusayan ó caguluhan ng̃ pulso, ayon sa aral ni Solano na médicong castilang marunong na totoo sa una. Cun mula sa isang paghing̃a nang tauong ualang saquit at tahimic ang lagay hangan sa ungmuuli yaong isang paghing̃a, tunmitiboc ang pulso nang macaapat; ay totoong galing at husay. Ang macalimang tumiboc sa loob ng̃ isang boong paghing̃a,i, masama sama na nang caunti. Cun macaanim tumiboc ay masama na, at may lagnat na malaqui ang may catauan; at cun sa isang paghing̃a ay tumiboc nang macapito ó macaualo ay malubhang totoo ang maysaquit. Sa macatouid, sa loob ng̃ isang boong paghing̃a ng̃ tauong ualang saquit, ang pulso ng̃ matandang tauo,t, malacas, at tungmitiboc na macaapat ó mahiguit higuit doon; sa loob nang dalauang paghing̃a ay macaualo, ó macasiyam tumiboc. etc.
524. Nang matalastas nang mang̃agamot ang mang̃a nauucol sa casaysayan ng̃ pulso, ay tatandaan niya ang aquing sasabihin dito ng̃ayon: Ang pinang̃ang̃anlang pulso (yaon bagang nararamdamang tungmitiboc sa catauan ng̃ tauo) yao,i, dugô lamang, na napaparaan sa caniyang pinaca alulod ó canal. Ang canal na dinaraanan nang dugo ay dalauang bagay; ang isa,i, pinang̃ang̃anlan nang castilang arterias, na yaon ang tungmitiboc na hindi rin naquiquita nang mata, sapagca malalim lalim sa laman ang quinalalag-yan. Ang icalauang bagay na pinaca alulod na dinaraanan nang dugo ay hindi tungmitiboc, at naquiquita nang mata, na yaon ang pinang̃ang̃anlang ugat nang tagalog, sa uicang castila,i, venas; na yaon din ang hinihiua nang lanceta, cun ang tauo,i, sinasangrahan. Ang dugo naman nang tauo ay parati nang parating lungmalabas, at ga tinatapon nang puso nang malacas na pagca tapon, na pinaaabot hangan sa mang̃a caduluduluhan nang catauan. Itong pagtulac ó pagtapon nang puso nang dugo hangan sa mang̃a catapusan nang catauan ay yaon ang pulso, at ang nahihipo doon ay ang dugong nangagaling sa puso, na napapatung̃o sa mang̃a casangcapan nang catauan. Cun ang dugong nangagaling sa puso ay dungmaraan sa pinag̃ang̃anlang arterias, ay nararamdaman doon ang pagtiboc nang pulso Datapoua cun ang dugo ay ungmooui ó nagsasaoli sa puso, ay hindi dungmaraan sa arterias, cundi sa venas ó sa ugat na nadoroon sa dacong ibabao nang laman nang catauan. Caya cun mahina ó hindi husay ang pagtapon nang puso nang dugo, ay mahina rin at hindi husay ang pulso, na dahil doon naquiquilalang maysaquit ang tauo.
525. Caya ng̃a yata touing sabihin sa librong ito, na ang pulso,i, malacas, ó mataas, ó puno, ang cahologan noon ay ma-aalaman na nang mangagamot ayon sa turo cong una. Gayon din ang mahinang tumiboc, ó mababa ó munti sucat maquilala nang alin mang tauo. Ang pulsong lungmiliban, ay na-aalaman ding nang lahat, sa macatouid: na yao,i, cun tungmitiboc nang macailan, saca napapatahan ó lungmiliban nang isang pagtiboc. Mahahalatang malacas pa ang maysaquit, cun idiin nang malacas lacas nang mang̃a daliri nang camay ang canyang pulso, at cun baga idiin man nararamdaman din ang pulso, ang may cataua,i, malacas pa. Ang isa pang totoong cailang̃ang maalaman nang mang̃a mangagamot, ay ang pinang̃ang̃alang pulsong matigas, na caya gayon ang tauag doo,i, sapagca cun tumiboc, ay anaqui cahoy, ó tangso, ó cuerdas nang guitarra ang nararamdaman, ó ang hungmahampas sa daliri nang pungmupulso doon. Caya cun ang pulso,i, matigas, cailang̃ang sangrahan ang maysaquit. Ang pulsong malambot magaling pa sa matigas; cun ang pulso,i, munti, madalas, at matigas pa, ay malaqui ang pang̃anib nang maysaquit. Mayroon namang pulsong hindi husay ó gulo; sa macatouid, cun mula sa isang pagtiboc hangan doon sa isa, ay hindi magcasinglauon ang mang̃a pag-itan.
Ang mang̃a uusisain nang mangagamot cun siya,i, tinatauag nang maysaquit.
526. Bago gamutin ang maysaquit, ay cailang̃ang maalaman, at usisain munang maigui, cun ano caya ang saquit niya. Ang lalong maliuag sa lahat ay ang pagquilala nang mang̃a saquit; ng̃uni sa mang̃a isusunod cong sasabihin dito, ay mahahalata cun minsan cun anong bagay na saquit ang nadoroon sa may catauan. Caya nang mausisa yaon, at nang matapatan nang gamot ang saquit, ay ito at ito ang itatanong sa maysaquit. Gaano catanda ang maysaquit. Cun hindi siya dating masasactin. Alin ang oficio niya, ó ang caniyang guinagauang dati. Anong quinacain niya. Cun ungminom nang alac. Cun siya,i, lungmalacad ó nananaog sa lupa. Cun lauon nang siya,i, maysaquit. Cun anong nararamdaman niya noong hindi pa nagcacasaquit, at nang bagong magcasaquit siya. Cun napacarami ang caniyang cain ó ang caniyang inom nang malapit nang magcasaquit siya. Cun napagal siyang totoo nang pag-gaua ó paglacad. Cun nacacatulog siya. Cun namanglao ó nagalit. Anong nararamdaman niya arao-arao, hangang siya,i, maysaquit na. Cun siya,i, nalalagnat. Cun ang pulso,i, matigas ó malambot. Cun siya,i, malacas ó cun mahina na. Cun siya,i, parating higa, ó cun nacacabang̃on. Cun nag-iibang parati ang caniyang pagcaramdam. Cun siya,i, tahimic ó cun hindi mapalagay. Cun siya,i, naguiguinao ó hindi. Cun ang balat ay tuyo,t, mainit. Cun ang balat nang cataua,i, namumula, ó namumutla, ó dilao, ó morado. Cun mayroong tila mancha sa balat ó cun sinisibulan nang mang̃a tila butil. Anong color niyong mang̃a pinacabutil, at cailan ang paglitao sa balat. Anong nararamdaman niya nang macasibol yaong mang̃a butil na yaon. Cun mabaho ang catauan nang maysaquit. Cun mabaho ang hining̃a. Cun dinaraanan nang desmayo. Cun sungmasaquit ang ulo, ang lalamunan, ang dibdib, ang sicmura, ang tiyan, ang bay-auang, ó cun alin ang masaquit, at alin ang lalong masaquit. Cun sungmasaquit pa mandin cun hipoan. Cun ang dila nang maysaquit ay maputi, ó marumi, ó tuyo. Cun nauuhao siya. Cun mapait ang bibig. Cun dungmuroual, ó sungmusuca, ó nananab-ang nang pagcain ó cun ibig niyang cumain. Cun nauunat ang tiyan. Cun ugali ang caniyang pananabi. Anong color nang ihi. Cun mayroong namamaga sa caniyang catauan. Cun siya,i, pinapauisan. Cun lungmulura, ó cun anong inilulura niya. Cun nasisira ang bait. Cun guinhaua ang paghing̃a. Cun maquintab ang mata. Cun anong iguinagamot sa caniya, cun pinurga siya, ó pinasuca, ó sinangrahan caya. Maano caya siya nang siya,i, magamot nang gayon. Cun dati nang saquit niya yaon. Cun siya,i, binabaling̃oyng̃oy na dati. Cun dati siyang guinagalis, ó binubuni etc. Cun siya,i, linuluslusan. Cun ang saquit niya ay saquit nang caniyang camag-anacan.
527. Ang cailang̃ang itanong naman sa mg̃a babaying maysaquit, ay ang mang̃a ito pa. Cun siya,i, dinaraanan na nang sa panahon. Cun marami, ó caunti, ó para nang dati. Cun may panahon ng̃a siya. Cun siya,i, buntis, at gaano calauon ang caniyang cabuntisan. Cun siya,i, bagong galing sa pang̃ang̃anac. Cun magaling ang caniyang pang̃ang̃anac. Cun lungmabas ang ugaling lungmalabas na dugo sa nang̃ang̃anac. Cun mayroon siyang gatas. Cun siya rin ang nagpapasuso sa bata. Cun mayroong sungmunod na saquit doon sa caniyang pang̃ang̃anac.
428. Ang cailang̃an usisain nang mang̃agamot na bagay sa mang̃a bata, ay gayon: Gaano ang edad nang bata. Ilan ang caniyang ng̃ipin. Cun ang bata,i, nagcacasaquit na gaua niyong pagsibol nang ng̃ipin. Cun ang bata,i, binubulutong. Cun nag-iilaguin nang bulati. Cun lungmalaqui ang tiyan. Cun mahimbing ang tulog. Cun nahulog, ó cun inihulog nang nag-aalaga doon.
Casaysayan nang timbang nang mang̃a iguinagamot nang mang̃a médico sa mang̃a maysaquit.
Ang isang libra mayroong labing anim na onza, ó labing pitong piso. Ang isang piso,i, mayroong ualong saicapat. Ang isang saicapat ay dalauang saicaualo naman. Ang isang saicapat ay ga sandaang butil na trigo ó palay na hindi pili. Ang isang piso ay dalauang salapi. Ang isang piso at saicaualo ay isang onza. Ang isang piso naman ay catimbang nang labing pitong saicaualo.
Ang laman nang isang botellang ugali, ay mahiguit sa isang tagayan, ó apat na malaquing tazang chocolatihan mahiguit pa, na yao,i, isang libra rin. Ang laman nang isang ugaling cuchara ay ang saicaualong bahagui nang isang tazang malaquing chocolatihan.
Dito sa librong ito cailan man itinuturo co ang timbang nang gamot, ay ang ibibigay sa lalaquing maysaquit na matanda, mula sa labin ualong taon edad hangan sa limang pouang taon. Mula sa labing dalauang taon, hangan labing ualo, ay sucat doon ang dalauang sa icatlong bahagui nang nabibilin doon; at cun uala pang labing dalauang taon, ang bata, ay binabauasan pa mandin ang timbang; sa mang̃a sangol na iilan lamang bouan ang edad, ay casiyahan doon ang isang sa icalabing anim na bahagui nang gamot na itinuturo dito sa librong ito.
sa mang̃a maysaquit, na yaon ang nabibilin sa mang̃a párrafo nitong libro.
Ang isang dacot nang bulaclac nang alagao, at ang timbang dalauang pisong pulot, sampon nang tatlong salaping sucang matapang ay ilalagay sa palioc na malinis (houag sa cauali ó tacho.) Saca bubusan nang apat na tagayan tubig na cungmuculo; hahaluin yaong lahat nang isang cuchara ó patpat, nang mapalahoc ang pulot sa tubig; saca tatacpan ang palioc, at cun malamig na,i, sasalain sa sinamay.
Ang timbang dalauang pisong cebada (palay cun ualang cebada) huhugasan muna nang tubig, bago ilaga sa limang tagayang tubig, hangan sa pumotoc ang mang̃a butil; pagcalaga na, ay huhulugan nang timbang saicapat at sa icaualong salitre; saca sasalain sa sinamay at lalag-yan nang timbang tatlong salaping pulot, at timbang pisong suca.
Ang timbang dalauang pisong cebada (ó palay cun ualang cebada) ay huhugasan muna nang tubig, bago ilaga sa limang tagayang tubig, hangang sa pumutoc ang butil. Ang timbang cahati ó dalauang saicapat na cremor tártaro (na cun tauaguin nang tagalog ay crémor lamang) ay isasama doon sa ibang inilalaga; pagca laga na,i, saca salain sa sinamay.
Nota Sa saquit nang lagnat nang apdo párrafo 196, sa lagnat na pang̃iqui na camuc-ha nang lagnat na buloc párrafo 218, pati sa saquit na culebra párrafo 231, magaling pa sa cebada ang timbang apat na pisong ugat nang grama (hincacauayan ó quinacauayan) na yao,i, ilalagang casama nang crémor, para nang itinuro co na.
Ang timbang apat na pisong bot-o nang melón, calabasa, ó pacuan (sandía) babayohing maigui sa babay-ang bató, ó sa lusong man, at huhulugang mamayamaya nang isang tagayang tubig, bago salain sa sinamay; saca babayohing uli yaong natira sa sinamay, na pinagsalaan noong una, at doroonan din nang isang tagayang tubig, bago salain para noong isa. Uul-in pa manding babayuhin ang natirang latac, at huhulugan naman nang isang tagayang tubig; saca sinasala rin sa sinamay, at yaong tatlong tagayang tubig ay lalag-yan nang timbang isang salaping azúcar.
Ang dalauang dacot na culutan didicdiquin nang sumandaling oras calauon bago ilaga sa isang tagayang tubig; pagca laga,i, sasalain at sasamahan ang tubig nang timbang pisong pulot.
Nota. Mayroong tauo na hindi manabi, sumpitin man nang may culutan, cundi sumpitin nang tubig na malacuco lamang. Masama namang isumpit sa tauo ang mainit, cundi malacuco cailan man ang isusumpit doon.
Ang isang tagayang tubig na pinaglagaan nang cebada (ó palay) huhulugan nang isang dacot na bulaclac nang culutan, at ilalaga sa apoy.
Bumayo ca sa babay-ang bato ó sa lusong man nang dahon nang tagolinao ó dahon nang sigandagat (borraja), bago pigain mo sa sinamay; ang gatang tungmutulo ay pabayaan munang luminao, at pagca malinao na, ay isinasaling marahang-marahan sa isang tagayan; at ang timbang tatlong piso nitong gatang nacuha sa tagolinao ó sigandagat ay isasama sa tatlong tagayang tubig, na pinaglagaan nang cebada (ó palay).
Nota. Ang sigandagat ay damong mabolo. Ang taas ay tatlo ó apat na dangcal. Ang bulaclac ay tila azul, at apat ang bot-o, na yao,i, matigas, maitim, malandas at maquintab.
Ang timbang pisong ojimiel at ang timbang limang-pisong tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, ay huhulugan mo nang timbang isang saicaualong ugat nang bacong na catulad nang lasona, (escila): at pabayaang babad doon nang halagang calahating arao, ó ilapit sa apoy na ga isang oras calauon, nang mayaring madali. Cun hindi minamatapang mo ito, ay atuhin mo ang bilin sa número 77.
Nota. Ang ojimiel ay gayon ang paggaua. Ang dalauang tagayang pulot ay hinuhulugan nang isang tagayang suca, at yaon ang pinang̃ang̃anlang ojimiel.
Nota Ang ugat nang bacong ay igagayac muna nang gayon: Ang ugat na bagong nahucay sa lupa, ay hinuhubdan nang mang̃a unang balat na tila tuyo; ang malinis ipinapasoc sa horno, at iniluluto doon parang tinapay; saca inaalis doon, bago hiuain nang matalim na patpat na cauayan. Saca butasan ang mang̃a caputol nang matilos na cahoy, nang masootan nang bitbitan, at isinasabit na bucod bucod, nang houag magcadaiti, at nang matuyo. Datapoua cun ualang bacong na handa para nang uica co ng̃ayon, ay naari ang bagong hucay sa lupa, di man magaling na totoo yaon.
Nota. Ang bacong ay dalauang bagay: Ang ugat nang isa ay boo, na ualang baloc na maraming suson suson. Ito,i, hindi sucat gamitin at masama. Ang ugat noong isang bagay na bacong ay catulad nang lasona na may maraming balat na susong-suson. Ito ang magaling gamitin.
Bagaybagay ang mang̃a tapal na nacacabauas nang pagsaquit nang mang̃a casangcapan nang catauan nang tauo. Alin man sa isusunod cong sasabihin dito ng̃ayon ay magagamit nang mangagamot, sapagca isa rin ang cabagsican nang lahat.
Ang mang̃a basahang babad sa tubig na pinaglagaan nang bulaclac ó dahong mura nang culutan.
Ang mang̃a supot na munti na sinisidlan nang bulaclac ó dahong mura nang culutan ó alagao ó manzanilla, na inilalaga muna sa tubig ó gatas.
Yaon ding mang̃a bulaclac ó dahong murang yaon, na luto sa tubig ó gatas, na inilalatag sa damit bago itapal.
Ang tinapay na durog, na binasa nang gatas, na minamasa muna nang caunti, bago ilatag sa damit at itapal. Na-aari ang tapal na canin, na lutong maiguing maigui.
Ang timbang pisong espíritu de azufre, sasamahan nang jarabe nang olasiman timbang anim na piso. Ang pag-gaua nang mang̃a jarabe,i, doon nasasaysay sa número 15.
Nota. Cun ualang espíritu de azufre, ang timbang apat na pisong gata nang dayap, ay samahan mo nang timbang anim na pisong jarabe nang olasiman, at yaon ang pinaca espíritu de azufre. Cun ualang jarabe nang olasiman ang iyong gagamitin ay ang pulot poquiotan, ó pulot sa tubo, timbang anim na piso. Itong turo co sa nota,i, totoong galing, at casingtapang nang espíritu de azufre.
Ang timbang dalauang pisong maná at ang timbang isang salaping sal de sedhtz ay tutunauin sa isang tazang tubig na mainit bago salain. Cun ualang mapagquitaan noong mang̃a gamot na yao,i, itong isa ang gagauin.
Nota. Ang timbang cahati nang hojas de sen, at ang timbang saicaualong nitro ó salitre, ibabad mo sa dalauang tazang tubig na mainit na pinaglagaan nang culutan, at pag malamig lamig na ang tubig, ay salain. Cun ualang hojas de sen, ay na-aari ang dahong tuyo nang acapulco, timbang cahati. Ang acapulco cundi ilaga,i, mahina ang cabagsican. Caya doon sa dalauang tazang tubig nang culutan ilaga mo ang acapulco hangan sa maiga ang isang taza sa mahinang mahinang apoy; saca ihulog ang salitre, at salain.
Ang isang caracot na bulaclac nang alagao at ang calahating dacot na yerbabuena ay ihulog mo sa tatlong tagayang tubig na cungmuculo pa; at pagca malamig lamig na,i, sasalain mo, at sasamahan nang timbang tatlong pisong pulot.
Ang dalauang caracot nang bulaclac nang alagao ihuhulog sa tatlong tagayang tubig na mainit na totoo, at sasalain cun malamig lamig na.
Ang timbang pisong balat nan guina babayuhin nang maliit, at gagauing ualong bahagui; ang timbang sa icapat noon ay isang inom.
Nota. Sapagca dito sa Filipinas maliliuag at mahal ang quina ay magagamit ang balat nang cahoy na pinang̃ang̃anlang dita. Ang gagauin lamang doon ay cacayurin nang sundang ang ibabao nang balat. Saca aalisin naman ang dagta, bago ibilad sa arauan nang ilang oras calauon, at bayuhing para nang guinagaua sa quina. Ang timbang isang salaping balat nang dita gagauin ding ualong bahagui, at ang isang bahagui ay isang inom.
Ang paraan nang pag-gaua nang mang̃a jarabe ay gayon: Anomang bagay na ibig mong gauing jarabe para nang olasiman, tagulinao, etc. babayuhin mong sariua, bago pigain, at capag malinao na ang gata,i, dinoroonan nang isang gayon ding timbang na azúcar ó pulot man; saca pinalalapot sa apoy. Cun gagaua ca nang jarabe nang yerbabuena ó camaria (artemisa), cun ibig mong bayuhin, para nang guinagaua sa olasiman, ay bayuhin mo; cun ibig mo naman, ay ilaga mo sa tubig bago samahan nang isang gayon ding azúcar ó pulot, ó nang timbang cahati noon, ó nang sa icatlong bahagui, ayon sa calapnauan ó calaputan nang gata; saca pinalalapot sa apoy. Cun jarabe nang dayap ó granada ang gagauin pinalalabas din muna ang gata, bago lahucan nang azúcar. Ang jarabe nang suca, pagcaraca,i, linalag-yan na nang azúcar. Itong mang̃a pagluluto nang mg̃a maasim, ay hindi sucat gauin cundi sa palioc, at masama roon ang bacal at tangso.
Nota. Cun ang maysaquit ay malubha at hindi na magaua ang jarabe, ay ilaga mo, ó isama mo sa mainit na tubig yaong gagauing jarabe, sampon nang azúcar ó pulot, at yaon ang aariin mo munang parang jarabe.
Ang isang inom nang jarabe nang adormideras rubras ó amapolas: (ang isang inom ay ang timbang piso hangan sa dalauang piso). Datapoua sa saquit na anayo (capítulo 62) ang maysaquit ay binibig-yan touing calahating oras nang dalauang cuchara nitong jarabeng ito. Pagca pinainom na siya nang ualong cuchara, at hindi pa gungmagaling, ay paiinumin nang ualong cuchara pa; datapoua houag limitan ang pagpapainom, cundi touing oras ang isang cuchara lamang.
Itong gamot ay cailang̃ang bilhin sa Maynila.
Nota. Cun ualang mapagquitaan nitong gamot na ito,i, gayon ang iyong gauin. Ang maysaquit ay big-yan nang isa ó dalauang píldoras ng̃ talampunay na bilin sa número 57, na ganga balatong calaqui sa isang cucharang tubig. Sa saquit na anayo, na sinasaysay sa capítulo 62, ang maysaquit ay bibig-yan touing calahating oras nang isang píldoras lamang na malaqui pa sa balatong; at pagca nacalon-oc na nang apat ó limang píldoras, ay itinatahan na.
Maghulog ca nang timbang pisong pulot sa isang tagayang suerong malinao nang gatas nang cambing, ó baca, ó tupa.
Ang timbang anim na saicapat nang maputing sabóng castila (jabón), ang timbang saicaualo nang extracto nang chicoria (dilang usa) ó tagulinao, at cun mayroong goma armoniaco ang timbang saicaualo noon, sampon nang jarabe nang culantrillo ang timbang na iyong mamagaling̃in ng̃ macagaua ca nang pildoras, ó pelotillas, na ang timbang ng̃ baua,t, isa ay tatlong butil na trigo.
Nota. Ang pag-gaua nang mang̃a extracto doon ituturo co sa número 29.
Maglaga ca nang rosas na mapula, ó culutan cun ualang rosas sa isang tagayang tubig, bago lahucan mo nang timbang dalauang pisong suca at isang gayon ding pulot; at cun mainit pa ay yaon ang ipagmumumog nang maysaquit.
Nota. Ang ipagmumumog nang nagcacasaquit nang saquit na sinaysay co sa párrafo 70, ay hindi culutan, cundi mg̃a talbos nang sambong ang ilalaga sa isang tagayang tubig, bago lag-yan nang timbang dalauang pisong pulot.
Ang timbang pisong pasalitre, gagauing labing anim na bahagui; ang isang bahagui, ó ang timbang saicaualo ay isang inom.
Ang timbang saicaualong jalapa at ang timbang saicaualong crémor ay babayuhi,t, hahaluin mong maigui capoua, bago ihulog mo sa isang tazang tubig na mainit-init, na pinaglagaan nang timbang saicaualong hojas de sen. Itong purga,i, caiguihan sa malacas na tauo. Datapoua cun mahina ang maysaquit ó cun bata pa siya,i, binabauasan ang timbang nang purga, at ibinabagay sa caniyang edad at sa caniyang calagayan.
Cun baga napacatapang ang purga, at ang maysaquit ay lungmulubha dahilan doon, ay gagamutin ayon sa turo sa párrafo 445.
Cun baga sungmasaquit ang tiyan, nang mapurga siya, at hindi nag-iilaguin, ay sumpitin nang tubig na mainit-init na pinaglagaan nang culutan.
Ang isa pang tandaan nang mangagamot, na hindi sucat tapang̃an pagcaraca ang purga doon sa bagong pinupurgang tauo, sapagca hindi pa na-aalaman ang nacacayanan nang caniyang catauan.
Nota. 1. Cun ualang mapagquitaan nang mang̃a bilin sa itaas, itong ibang mang̃a sasabihin co ng̃ayon ay siya ang gagamitin, sapagca totoong igui naman, at ang isa pa,i, dito rin sa lupang ito naquiquita. Datapoua houag mong isasangcap sa purga ang hindi tuyong tuyong damo, sapagca cun sariua,i, hindi natatalastas ang cabagsican. Cun icao,i, masipag sipag na tauo, ay dapat mong itanim sa iyong bahay ang mang̃a cailang̃an sa purga, nang houag cang maliuagan nang paghanap cun talagang gagamitin. Ang purgang gagauin mo ay gayon:
Pagca gabi ay mag-init ca nang dalauang tazang tubig sa munting palioc na may taquip. Pagtalagang cuculo na,i, ihulog mo roon ang timbang cahating dahon nang acapulco, na iyong gagayatin muna, at tuloy pacuculuin mo nang sumangdaling oras calauon. Saca babauasan mo ang apoy, at bayaan mo roon ang palioc na may taquip sa mahinang mahinang apoy nang dalauang oras calauon, at hangan sa maighan nang calahati nang tubig, bago ahunin mo, at houag mong quiquiboing magdamag. Quinabucasan nang umaga,i, salain mo, sa damit, at pigain nang malacas, at cun ibig mo,i, doonan nang caunting azúcar. Initin mong tuloy sa apoy itong tubig nang acapulco, at pag mainit-init na,i, hulugan mo nang timbang saicapat na sang̃a nang bulacan sa Cebú, na didicdiquin mo nang pinong pino, at siya ang ipaiinom sa maysaquit. Ang ugat nang bulacan caalam-alam ay matapang pa sa sang̃a; ng̃uni hindi co pa inaatong guinagaua. Tandaan nang mangagamot, na hindi sucat gamitin ang bulacan sa tagalog cundi ang sa Cebú na may dalauang manchang munting morado sa dulong itaas nang tangcay nang dahon. Ang mang̃a bulaclac naman ay nag-iisa isa sa pinacaquiliquili nang dahon. Ang bot-o nang bung̃a,i, apat. Ang bulacan sa Cebú maquiquita sa Maynila at sa Batang̃an.
Nota 2. Ang purgang guinagamit nang ibang mang̃a tauo,i, ang dalaua ó tatlong dahon na ganga dahon nang yerbabuena calaqui, nang pinang̃ang̃anlang salago, na yao,i, canilang isinasama sa hicho at ng̃inang̃ang̃a. Datapoua ang ibang tauo,i, naiibay noon. Caya malaquing galing dito ang turo co sa itaas nota 1.
Ang timbang tatlong salaping ugat nang china (obat) na gagayatin muna, sampon nang timbang dalauang saicapat balat nang cayutana ay bubusan sa palioc nang apat na tagayang tubig na mainit. Saca pinacuculo nang isang oras calauon sa apoy na mahina hina, bago salain. Maiinom ang dalauang tagayang maghapon. Itatapon ang unang lagang tubig.
Nota. Cun hindi nacagagaling sa maysaquit ang obat ay atuhin ang catauan nang macabuhay na mapait timbang cahati. Cun ualang cayutana,i, naari ang dahon nang saga na ang timbang ay isang salapi.
Ang timbang piso nang laman nang bung̃a nang sampaloc (tamarindo) pati nang timbang saicaualong salitre, pinacuculo muna capoua sa isang tazang tubig, bago samahan nang timbang dalauang pisong maná at salain.
Nota. Cun hindi macabili ang maysaquit nitong mg̃a bagay na ito,i, ang turo sa nota ng̃ número 11, yaon ang gauin; at cun ualang hojas de sen ang timbang cahating dahon nang acapulco na patutuyoin muna sa arao ay magaling din; datapoua pag napainom ang maysaquit nitong mg̃a bilin dito sa nota, ay cailang̃ang painumin pa ng̃ tubig na pinaglagaan ng̃ culutan.
Ang timbang pisong crémor, gagauing ualong bahagui; ang isang bahagui isang inom.
Nota. Ang crémor ay na-aaring ipainom sa babaying buntis, pati sa nang̃anac, cun macalalo na ang isang arao ng̃ caniyang pang̃ang̃anac, at bucod dito cun totoong cailang̃ang gamutin cun baga malaqui ang caniyang saquit.
Ang timbang isang butil na palay nang kermes mineral, na bibilhin sa botica. Itong gamot na ito,i, totoong tapang. Caya hindi sucat ibigay sa mang̃a mahihinang tauo.
Ang timbang pisong ugat nang contrayerba (dusu, ó dusug, ó guisol) at ang timbang saicaualong salitre, ay lutuin nang halagang calahating oras sa tatlong tagayang tubig bago salain.
Ang calahating dacot nang baua,t, isang damo, na aquing sinabi na sa número 9, at ang timbang isang salaping sabón sa castila, na cacayurin muna nang sundang, ay ibababad sa dalauang tagayang tubig na mainit na may casamang alac sa misa, ga isang taza carami. Saca sinasala sa sinamay at pinipiga nang malacas.