[193] Babaeng ayon sa mg̃a hang̃ál ay catiyáp ng̃ diablo. Nawawang̃is sa asuwang na pinaniniwalaan ng̃ mg̃a tagalog na mangmang.—P.H.P.
[194] Dahil sa nawawangking totoo ang pinaniniwalaang "asuwang" ng̃ mg̃a tagalog sa pinaniniwalaang "bruja" ng̃ mg̃a europeo'y inaacala cong ang nagdalá rito ng̃ ganyáng malíng sapantahà'y ang mg̃a fraile ó ang mg̃a castilang mangmang, na gaya rîn ng̃ maraming mg̃a pamahîing dî dating kilala ng̃ mg̃a tagalog cung dî ng̃ maparito na lamang ang mg̃a taga España—P.H.P
[195] Lucio Dominico Nerón, malupít na emperador sa Roma; ipinapatáy niyá ang canyáng ináng si Agripina at si Britânico, hinatulang mamatáy ang tagapag-alagà sa canyáng si Burro, ang canyáng maestrong si Séneca, si Lucano at ibá pang mg̃a caguinoohan; pinag-usig ang mg̃a cristiano at sinunog ang Roma. Ipinang̃anác ng̃ taong 37 at namatáy ng̃ taóng 68.
[196] Ang nag-aaral ó ang sumusunod sa filosofía ó marunong ng̃ filosofía, na isáng carunung̃ang nauucol sa cahulugán, calagayan, pinagmumulaan at naguiguing bung̃a ng̃ mg̃a bagay bagay.
[197] Ang pang̃ing̃ilin sa anó man, lalong-lálò ang mahigpít na pagpipiguil na huwág gumawâ ng̃ anó mang bagay na masamâ, na siyang ibig ng̃ Dios na ating sundìn, ayon sa profeta Isaias LVIII. 3-7.—Tungcól sa ayuno ng̃ catawán, ang pagkabawal bagá ng̃ pagcaing anó man, minsan lamang na ipinag-utos na sapilitang súsundin ng̃ mg̃a israelita sa araw ng̃ pagsisisi, ayon sa Levítico XVI. 29, 31, na doo'y ang salitáng: "papagpipighatiin ninyó ang inyóng cálolowa," caraniwang ang inaaring cahulugán ay mag-ayuno; sa pagca't ang ayuno sa mg̃a judio'y tunay ng̃ang isáng araw ng̃ pagpipighatî at pagpapacabábà. Walâ na acóng ibá pang nakita tungcól sa ayuno sa mg̃a cautusáng lagdâ ni Moisés. Ipinag-uutos ang iláng araw na pag-aayuno ng̃ panahóng nabibihag ang mg̃a judío sa Babilonia, ayon sa sabi ni Zacarías VII. 1-7; VIII. 19, bagá man hindî sinasabi roon ang mg̃a pinagcadahilanan ng̃ gayóng tadhanà. Gayón man, manacânacáng ipinag-utos na mang̃ag-ayuno ang lahát dahil sa mg̃a tang̃ing nangyayari, datapuwa't hindî tadhanang iparati ang pag-aayuno, cung dî sa panahóng lamang na iyón; gaya na ng̃a ng̃ magcatipon ang mg̃a taga Atispa ay nang̃ag-ayunong lahát ayon sa sulat ni Samuel VII. 6.—Nag-utos din si Josaphat na mag-ayuno ang lahát ng̃ mg̃a judío, dahil sa pakikibaca sa mg̃a Moabita at Ammonita, ayon sa 2.a Crónica XX. 3.—Gayón ding mg̃a pag-aayuno ang guinawâ ng̃ iba't ibáng mg̃a cautusán ng̃ mg̃a judío, at sa pagca't ang Cristianismo'y religióng ucol sa lahát ng̃ mg̃a bayan, hindî na ng̃a ipinag-utos sa mg̃a Cristianong sapilitan ang pag-aayuno, ayon sa makikita natin sa mg̃a Santong Evangelio. Ang pag-aayuno'y cusà ng̃ calooban at dapat ganapíng hindî sa pagpaparang̃alan, at gagawing tandâ ng̃ taimtím na pagsisisi sa mg̃a casalanan, ayon cay San Mateo, VI. 16.
[198] Pangpintá sa mukhâ at ng̃ pumulá.
[199] Pagsasanay sa paggamit ng̃ sandata at ng̃ mg̃a kilos ng̃ pagcasundalo.
[200] Ang mg̃a canta't mg̃a tugtog na magcasaliw; at ang ibig sabihin dito'y may tacapan at may paluan.
[201] "Pedál", tapacán sa piano, at ang ibig sabihi'y may sicarán pa.
[202] Sa wicà natin ay waláng tunay na catumbás ang sabing "escándalo" na ang isá sa mg̃a cahuluga'y ang pagtatalong nacapagcacasala ó nacababagabag sa iba.
[203] Sawicaíng ang cahuluga'y capanig ng̃ may mg̃a caisipang tulad sa adhicain ng̃ mg̃a fraile.
[204] Ang cacampi ni Cárlos na ibig maghári sa España.
[205] Curang malìit ó curacuráhan.
[206] Láng̃aw na patáy. Mapagpataypatayan samantalang nag-iísip ng̃ mg̃a catampalasanang gawâ.
[207] Ang caraniwang tawaguing "pozuelo" ó tasang lalagyán ng̃ chocolate.
[208] Isang casabihang catumbás ng̃ ¡abá! ¡nacú! ¡diaske! at iba pang nagpapakilala ng̃ towâ, gálit, pagtatacá.
[209] Malapot sa wicang castila'y "espeso", caya chocolate ¿eh? ang sinasabi ng̃ cura pagca chocolateng malapot ang ibig.—Malabnaw sa wicang castila'y "aguado", caya't chocolate ¿ah? ang sabi pagca ang ibig ay malabnaw.
[210] Caraniwang tawaguin ng̃ mg̃a tagalog ang fiesta ng̃ lahat ng̃ mg̃a santo, na "Todos los Santos", baga man ito'y wicang castila.
[211] Ang sumusulat ng̃ mg̃a libro ng̃ mg̃a casaysayan ng̃ mg̃a nangyari ng̃ panahong nacaraan na.
[212] Dating caharian ng̃ mg̃a itím na tao sa Guinea, at colonia francesa mulâ ng̃ 1892.
[213] Tinatawag ding Calvario, na ang cahuluga'y timbunan ó lalagyán ng̃ mg̃a bung̃ô. Ang Calvario ó Gólgota'y na sa ibabâ ng̃ Jerusalem at caugalîan ng̃ mg̃a judíong doon patayín ang mg̃a tulisán at magnanácaw. Diyán ng̃a ipinácò sa Cruz si Jesús, ang Dakilang Banál na hinatulang mamatay roong tulad sa isáng imbíng magnanácaw. Sa bundoc din ng̃ Gólgota naroon ang halamanan ni José de Arimathea na pinaglibing̃an sa bangcay ng̃ Mananacop. S. Mateo XXVII. 33: Marcos XV. 22; Lúcas XXIII. 32; Juan XIX 17, 41.—Sinasapantáhà ng̃ ibáng iyón din ang bundóc "Moriah", na pinagdalhán ni Abraham sa canyáng anác na si Isaac upang patayín, sa pagtalima sa utos ng̃ Dios. Génesis XXII. 2.—P.H.P.
[214] Ang guang na sadyáng inilálagay sa mg̃a pader ng̃ mg̃a libing̃an, at doon inilílibing ang mg̃a bangcáy na may cabaong, sa pamamaguitan ng̃ mahál na bayad sa párì ó cura ng̃ bayan.—May mg̃a bayang tagalog na tinatawag na "bútas" ang "nicho."
[215] Isáng cruz na catulad ng̃ guinagamit ng̃ una sa Bizancio pa ng̃ayo'y Constantinopla.
[216] Parrarayo, pangpatiguil ó pangpahintô ng̃ lintíc. Isáng casangcapan ó aparato na cung ilagay sa taluctóc ng̃ isáng edificio ay nacacatawag ng̃ electricidad ó ng̃ lintíc at inihahatid itó sa pamamag-itan ng̃ isáng cáwad sa isáng lugar na hindî macasásakit canino man. Natuclasán ang paggawâ ng̃ "parrarayo" ni Benjamin Franklin ng̃ taóng 1732. Ang caraniwang táas ng̃ parrarayo'y ánim hanggáng labíng dalawáng metro, at natatangkilic na dî pinúputucan ng̃ lintíc ang paliguidliguid ng̃ kinátatayuan na ang sucat ng̃ sacláw ay ang lambál ó ibayo ng̃ sucat ng̃ taás. Si Benjamin Franklin ay pantás na diplomático, físico at economista, na gumamit ng̃ boóng cáya upang magtamó ng̃ casarinlán ang canyáng Inang Báyang Estados Unidos ng̃ América. Ipinang̃anác siyá sa Boston ng̃ 1706, at namatáy ng̃ 1790.—P.H.P.
[217] Caraniwang tinatawag ng̃ catagalugan "tumbá", marahil sa túro ng̃ mg̃a fraile. Pinagpapatongpatong na mg̃a mesa ó balangcás na anó man, tinatacpan ng̃ damit na maitím at doon guinágawâ ang mg̃a ceremoniang ucol sa mg̃a patáy.
[218] Ang mg̃a cahirapang tinitiis ng̃ mg̃a banál na cálolowa sa Purgatorio.
[219] Ang samaháng ang palatuntuna'y ang pagsisicap na camtán ang mg̃a calayâan.
[220] Sa pagkikibit ng̃ balicat ay ipinakikilalang hindî niyá dinaramdam ó hindî niyá sinasakit ng̃ loób ó sa canya'y waláng halagang sabi ó balitang náriring̃ig.
[221] Sa capangyarihan.
[222] Sa casalucuyan, sa horas ding iyón.
[223] Ang cahulugán ng̃ pang̃alang Zoroastro'y: "ang lalong magalíng sa mg̃a anác ng̃ mg̃a táo.—Si Zoroastro'y pantás na filósofo na bumago ng̃ religión persa.—P. H. P.
[224] Ang librong kinapapalamnan ng̃ mg̃a aral ni Zoroastro. Tinatawag ding "Zindavesta" ang librong ito.—P. H. P.
[225] Hindî malilimutang filósofo griego na ipinang̃anác sa Egina ng̃ taóng 429 ng̃ dî pa ipinang̃ang̃anac si Jesucristo.—Ang mg̃a pang̃ulong librong sinulat niyá'y "Ang República" at ang "Salitaan ng̃ dalawá". Ang pang̃alan niyá'y Aristocles, ng̃uni't pinang̃alanan siyá Sócrates ng̃ Platón, dahil sa calaparan ng̃ noó. Siyá'y naguíng discípulo ni Sócrates at naguíng maestro ni Aristóteles.—P. H. P.
[226] Bantog na escritor at naturalista latino. Ipinang̃anác ng̃ taóng 23 at namatáy ng̃ taóng 79.
[227] Patriarca sa Constantinopla. Namatáy ng̃ taóng 271.
[228] Hindî malilimutang poeta na cumathâ ng̃ "Eneida", na doo'y sinásaysay ang pinagdaanang búhay ng̃ troyaneng si Eneas. Siyá rin ang cumathâ ng̃ "Las Eglogas" at ng̃ "Las Geórgicas."
[229] Bantóg na papang nagpatanghál at nagpakináng na lubhâ sa Pontificado.
[230] Balitang poeta sa Italia ng̃ Edad Media. Ipinang̃anác sa Florencia ng̃ 8 ng̃ Mayo ng̃ 1265 at namatay ng̃ 14 ng̃ Septiembre ng̃ 1321. Ang pang̃alan niyáng tunay ay DURANTE at ang DANTE ay palayaw. Ipinalimbag niyá ang mg̃a librong Vida Nueva, Canzones, El Infierno, El Banquete, De Vulgari Eloquio, El Purgatorio, De Monarchia Mundi, La Divina Comedia at iba pa. Ganitó ang saysáy niyá sa canyáng sinulat na librong "De Monarchia Mundi:" Hindî sa mg̃a cónsul ang mg̃a namamayan at hindî sa harì ang nación, cung dî pabaligtad: sa mg̃a namamayan ang mg̃a cónsul at sa nación ang harì. Hindî itinatag ang mg̃a ciudad at ng̃ pag-uculan ng̃ mg̃a cautusán; itinatag ang mg̃a cautusán at ng̃ iucol sa mg̃a ciudad. Cayâ ng̃a't ang mg̃a tumatalima sa mg̃a cautusán ay hindî pinapagsama sa isáng báyan upang maguing tagapaglingcód sa naglálagdâ ng̃ mg̃a cautusán: cung dî ang naglalagdâ ng̃ mg̃a cautusán ang siyáng tagapaglingod sa báyan, at iba pa." Hindî minamagalíng ni Dante na ang papa'y magcaroon ng̃ capangyarihan sa búhay at pamumuhay ng̃ catawan, at dahil sa panucalà niyang canyáng itóng isinaysay sa canyáng mg̃a casulatan, siya'y pinag-usig ng̃ mg̃a papa, mg̃a cardenal at ng̃ lahát ng̃ mg̃a cacampí sa ang hang̃ad na ang papa'y magcaroon ng̃ capangyarihang hárì. Labingdalawang taón ng̃ patáy siyá'y ipinag-utos pa ng̃ cardenal del Poggetto na cunin sa baunan ang canyáng bung̃ô at mg̃a butó, sunuguin at itapon, sa pagca't excomulgado raw siyá, bagay na hindî natuloy, salamat sa paghadlang ng̃ maraming mg̃a mamamayan. Siya'y poeta, filósofo, soldado, músico, filólogo, publicista, político, mabaít na táong bayan, nagtayô ng̃ isáng arte, siyá ang masasabing humusay at nagtatag ng̃ wicang italiano, naguing punò ng̃ canyáng ciudad republicana, nápatapong madalás dahil sa pagtatanggol ng̃ catuwiran ng̃ bayan, at sa kinatapuna'y halos nagpalimos ng̃ kinacain, teólogo, masicap na apóstol ng̃ caisipáng di dapat magharì ang papa, hinatulang sunuguing buháy ng̃ isáng tribunal revolucionario, at pinag-usig ng̃ boong calupitán ng̃ tribunal ng̃ Inquisicióng nagparatang na siyá'y hereje, bago'y banal na binyagan; ng̃uni't sa cawacasa'y inilagay ang canyáng larawan sa Vaticano, sa casamahán ng̃ mg̃a Doctor ng̃ Iglesia Católica, at ang mg̃a butó niyá'y iniing̃atan ng̃ boong galang sa catedral ni Santa María del Fìore; mg̃a cagagawang nagpapakilalang maliwanag na ang mg̃a papa'y nagcacamali ring gaya ng̃ lahát ng̃ tao at hindî catotohanang ang mg̃a papa'y "infalible", hindî nagcacamali. Itó ng̃â sa maiclíng salitâ ang carilagdilagang buhay ni Dante, na ilinagdà co rito't ng̃ mapanghinularan.—P.H.P.
[231] Ministro ng̃ religión ni Brahma.
[232] Ang mg̃a sumusampalataya sa religión ni Budha.
[233] Barquero ni Aqueronte sa ílog ng̃ infierno. Si Carón ó Caronte ang tunay na larawan ni Camatayan sa cabang̃isang walang habág canino man, sa bata't matanda, sa maganda't pang̃it, sa lalaki't babae—P. H. P.
[234] Ang isá sa mg̃a pintuan ng̃ infierno.
[235] Ang mg̃a táong ang pakikipabaca ang guinágawáng hanap-búhay.
[236] Poeta ng̃ mg̃a unang "celta".
[237] Hindî lamang tinatawag na máng̃ang̃aso (cazador) ng̃ mg̃a castilà ang nanghuhuli ng̃ usá, baboy-ramó at iba pang hayop sa pamamag-itan ng̃ mg̃a aso, cung dî ang nanghuhuli ó pumapatay ng̃ sinabi ng̃ mg̃a hayop sa pamamag-itan ng̃ mg̃a sandata, ng̃ mg̃a silò ó ng̃ mg̃a patibóng.
[238] Ang mg̃a caugaliang guinagawa ng̃ bawa't religión sa canilang panapalang̃in at pagpupuri sa Dios; at sa iba pang mg̃a bagay.
[239] Templo at ciudadela ng̃ Roma, na na sa ibabaw ng̃ isang bundóc at doon pinuputung̃an ng̃ corona ang mg̃a nang̃agtatagumpay sa pakikibaca. Dating casiping ng̃ Capitolio ang tinatawag na "Roca Tarpeya", malaking bato, na doo'y pinatátayo ang mg̃a may casalanan at bago itinutulac sa bang̃ín at ng̃ doo'y mamatay. Nanggaling ang pamagát na Tarpeya sa pang̃alang ganito rin ng̃ isáng dalagang taga Roma, na nagbilí sa mg̃a sabino ng̃ ciudadela ng̃ Roma, at pagcatapos ay ang mg̃a sabino rin ang pumatáy sa canyá, carapatdapat na ganting pálà sa lahát ng̃ gaya niyáng tacsíl.
[240] Doctor ng̃ Iglesia Católica, na namatáy ng̃ taóng 217.
[241] Isá sa mg̃a lalong bantog na párì ng̃ Iglesia Católica, na taga pagpaunawà ng̃ mg̃a Santong Casulatan. Ipinang̃anác ng̃ 185 at namatáy ng̃ 243.
[242] Obispo sa Lyon at masigasig na caaway ng̃ mg̃a "gnóstico", hanggáng sa sumulat ng̃ isáng librong pinamagatán niyá ng̃ "Tratado de las herejías."
[243] Ng̃ayo'y cacasamahin catá sa Paraiso.—S. Lúcas XXIII, 43.
[244] Concilio ecuménico na guinawa sa ciudad ng̃ Trento, sacop ng̃ Austria, ng̃ 1545 hanggang sa 1563.
[245] Protestante, ang cahuluga'y "tumututol". Tinatawag na protestante ang mg̃a sumasang-ayon sa pagtutol na guinawâ ni Lutero sa "dieta" sa Spira ng̃ taóng 1529. Si Martín Lutero ay dating fraileng agustino. Siyá'y tubo sa Eisleben, Sajonia, at ipinang̃anác ng̃ taóng 1483 at namatay ng̃ 1546.
[246] Ang sacerdote ng̃ Iglesia Griega na hindî cumikilala sa capangyarihan ng̃ Papa.
[247] Librong dakilang kinálalagyan ng̃ Luma at Bagong Testamento.
[248] Pang̃alang bigay sa mg̃a príncipe sarraceno na cahalili ni Mahoma.
[249] Pang̃alawang pinsan ni Mahoma; isá sa lalong mababang̃is na tagapaglaganap ng̃ secta ni Mahoma.
[250] Pagbilang na guinágawâ sa ano mang bagay.
[251] Isá sa tatlóng mg̃a Furia Gorgona caaway ni Minerva. Pinugutan ng̃ ulo si Medusa ni Perseo. Ang mg̃a pang̃alan ng̃ tatlóng Furia ay Medusa, Euriale at Estenio: ang táong matitigan ng̃ alín man sa tatlóng itó'y hindî macakilos at napípipi. Si Minerva ang diosa ng̃ carunung̃an at pagbabaca. Si Perseo ay anác ni Dánae at hárì sa Argos; iniligtás niyá sa infierno ang canyáng sinísintang si Andrómeda.
[252] Tinatawag na "mg̃a elemento" ng̃ una ang lúpà, ang tubig, ang hang̃in at ang apóy.
[253] Marahil ang ibig bangguitin ni Dr. José Rizal dito'y ang librong "PAGSUSULATAN NI URBANA'T NI FELIZA" (Urbanidad) na sinulat ni Guinoong Modesto de Castro, presbítero, taga Binyáng, Laguna, at naguing cura párroco sa bayan ng̃ Naic, Cavite. Ang libróng yao'y isáng carikitdikitang patnubay sa magandang pakikipagcapwa-tao at sa mainam na caasalan, bucód sa magalíng na ulirán sa mabuting pananalita't pagsulat ng̃ wícang tagalog.—P.H.P.
[254] Isáng ibong; minamagaling dahil sa carikitan ng̃ canyáng mg̃a balahibo at sa cadaliang matutong ulitin ang mg̃a salitáng sa canya'y itúrò.—Tinatawag na papagayo ang nagsasalitá ng̃ mg̃a bágay na hindî nauunawà—P.H.P.
[255] Ganito ang narinig cong salitaan ng̃ isang curang fraile at ng̃ isáng tagalog na mangmang baga, ma't mayaman.—Tagalog. Bakit po bá hindi isinasawicang tagalog ang pagmimisa at iba pang panalang̃in, gayóng talastas na ninyong hindi namin nalalaman ang wicang latin?—Cura. Sa pagcá't cung wicang tagalog ay kinakailang̃ang sabihing macaitlo upang maunawa ng̃ Dios ang ating hinihing̃i sa canyá, cung wicang castila'y macalawa, at cung wicang latin ay minsan lámang; itó ang dahil at sa Misterio at sa Trisagio'y na sa wicang latin ang mahalagáng pananalang̃in.
Ng̃ayón naliliwanagan na ng̃ ilaw ng̃ catotohanan ang pag-iisíp ng̃ halos ng̃ lahat ng̃ tagalog, ang gayong pananalità ng̃ curang walang mithî cung di mamahay tayo sa cabulagán ay magtátamo agad ng̃ matindíng pagpapawalang halagá. Cung ganap na catotohanán ang Dios puspós ng̃ carunung̃an waláng hanggán—sa pagca't cung di gayo'y hindi siyá Dios dapat náting sampalatayanang túnay na talós niyá ang lahát ng̃ wicà at sa anó mang wica sabihin ang pagtáwag sa canya'y caracaraca'y nauunawà niyá; hindi lámang itô; di pa natin binúbuca ang ating bibíg ay talastás na niyá ang íbig nating hing̃ín. Ang masamâ ang casamasamaan, sa pagca't isáng pagaacsayá ng̃ panahón ay ang magsasalitâ ng̃ di alám cung anó ang sinasabi, tulad sa ibong papagayo ó loro.—P. H. P.
[256] Tinatawag ng̃ mg̃a castilang "otoño" ang panahóng sumusunod sa "verano" ó tag-araw at tinatawag nilang "primavera" ang panahóng sumusunod sa "invierno" ó tagguináw.
[257] Maningning batóng azúl ang culay.
[258] Hindî dapat calimutan ng̃ bumabasang ang sermóng ito'y sa wicang castilà na aking isinatagalog, bagay na ipinaalaala co, upang maisaysay kung bakit hindî utál ang pananagalog, at gayón din ang cadahilanan cung bakit natacot ang isáng taong iyón. Sa sermóng wicang castilà ni Párì Dámaso'y ganitó ang canyáng sabi: ..."sí, hermanos mios, patente, patente á todos, patente".—Maraming cahulagan ang sabing patente. Ang ilan sa mg̃a cahulugang iya'y ito: nahahayag, na kikita, waláng takip. Tinatawag namang patente ng̃ panahón ng̃ Gobierno ng̃ mg̃a castilà, ang catibayang ibinibigay ng̃ Administracion ng̃ Hacienda publica sa mg̃a taong gumaganap ng̃ pagbabayad ng̃ buwis sa Gobierno dahil sa canyáng calacal. Pinarurusahan ng̃ mabigát na multa ang nang̃ang̃alacal na waláng patente, sa macatwid ay hindî nagbabayad ng̃ buwis sa calacal na canyáng hanap-buhay, caya totoong nagulat ang taong dito'y sinasaysay, sa pagca't ang boong acala niya'y ang sinasabing patente ay ang nauucol niyáng pagbayaran.—P. H. P.
[259] May nangyari sa Calamba na gayon ding bagay.
[260] Sa "original" na wicang castila'y sinasabing "casáronse" (napacasal silá) ó "cazáronse" (naghulihan sa pamamag-itan ng̃ pang̃ang̃aso), laro ng̃ salitang hindi magawa sa wica natin.
[261] ¡Vae Victis! wicang lating ang cahulugáng sa wicang tagalog ay ¡Sa aba ng̃ mg̃a nagágahis! Mg̃a salita ni Breno sa mg̃a romano, na sa tuwi na'y inuulit hanggáng sa mg̃a panahóng itó, bagá man ng̃ayo'y naghahari ang cagandahang asal. Ng̃ayó'y gaya rin ng̃ una, na ang sa lalong malalacás ang siyá lamang mg̃a catuwirang nagwáwagui.—P.H.P.
[262] ¿Anó ang aking nakikita? ¿bakit?
[263] ¿Anó ang itinatanong ninyó? ¿Waláng ano mang linalaman ng̃ pag ìisip na hindi muna nagdaan sa pakiramdam. Hindi ninanais ang hindi nakikilala.
[264] ¿Sinong mg̃a tao ang ating capanayam?
[265] Caibigan, aking caibigan si Platon, ng̃uni't lalong caibigan co ang catotohanan.
[266] Masama ang nangyayari at nang̃ang̃anib acóng baca magcaroon ng̃ cakilakilabot na wacás.
[267] Sa pamamag-itan ng̃ hampás, ang pakikipagmatuwiran sa tumátangguì ng̃ pagkilala ng̃ mg̃a catuwiran.
[268] ¡Sa aba nilá! cung saan may úsoc ay may apóy. Bawa't isá'y humahanap ng̃ cawáng̃is; caya ng̃a, cung bibitayin si Ibarra, siyá namá'y bibitayin din ...
[269] Hindi co kinatatacutan ang pagcamatáy sa catre; ng̃uni't kinatatacutan co ang pagcamatáy sa bundóc-bunducan sa Bagumbayan.
[270] Ang nacasulat ay naguiguing sacsi. Ang hindi mapagaling ng̃ mg̃a gamót ay napagagaling ng̃ bácal; ang hindi mapagaling ng̃ bácal ay napagagaling ng̃ apóy.
[271] Ang nangyari ay nangyari na. Pasalamat tayo sa Dios at wala ca ng̃ayón sa capuluang Marianas upáng magtaním ng̃ camote.
[272] ¡Huwag po sana cayóng halíng; iyá'y ang Virgen sa Antipolo! Iyáng ang nacapangyayari sa lahát; huwag po sana cayóng halíng!
[273] ¡Cung iya'y hindi lalaki at hindi siyá mamatáy, iya'y babaeng totoong mainam na mainam!
[274] ¡Wala! gaya ng̃ sabi namin: ang sumucob sa magaling na lilim ay mabuting pamalo ang sa canyá'y inilálapit.
[275] ¡Siyá ng̃a! Sa canya'y totoong nararapat; sinabi co na sa una cong pagcakita pa sa canyá: ito'y isang filibustero. ¿Ano ang sinabi sa iyo, pinsan, ng̃ general? ¿Ano naman ang sinabi mo sa canyá anó ang balitang sinabi mo sa canya tungkól cay Ibarra?
[276] Maniwala po cayó na pagca siya'y hinatulan ng̃ parusang patayín, na gaya ng̃ maáasahan, ay dahil sa aking pinsan.
[277] ¡Ay, pagcabutibuti mong pumaraan sa matalinong pakikipagsalitaan! Nalalaman naming icaw ang tanung̃an ng̃ capitan general, na hindi mapanatag cung hindi ca makita!... ¡Ah, Clarita!; pagcalakilaking tuwa ang makita co icáw!
[278] Naparito cami't ng̃ upáng cayó'y aming dalawin; ¡cayó'y nacaligtas, salamat sa inyóng mg̃a caibigan!
[279] Siya ng̃a, Clarita, ng̃uni't nacaraan na ang panahón ng̃ mg̃a himala; sinasabi naming mg̃a castila: Magculang tiwala ca sa Virgen at cumarimot ca.
[280] Naparito ng̃a po cami't ang sadya pa naman namin ay pakiusapan cayó tungcól sa Virgen.
[281] Magsasalitaan tayo tungcól sa pamumuhay.
[282] 2 ng̃ Enero ng̃ 1883. (Paunawa ni Dr. José Rizal.)