Nang malutas yaóng pagsasalitaan,

ay ualâ na acóng camahad-licaan,

caloloua,i, gulo,t, púso,i, nadararáng

sa nin~gas nang sintang bago cong naticmán.

Tatlóng arao noong piniguing nang Harì

sa Palacio Real na sa yama,i, bunyî,

ay dî nacausap ang púnong pighatî

na ina asahang ilulualhati.

Dito co naticmán ang lalong hinagpís,

higuít sa dálitang na unang tini-ís,

at binula-ang co ang lahat nang sáquit,

cong sa cahirapan mulâ sa pag ibig.

Salamat at niyaóng sa quinabucasan

hucbó co,i, lalacad sa Crotonang bayan,

sandalíng pinalad, na nacapanayam

ang Princesang nihag niyaring catauhan.

Ipinahayag co nang uicang ma-irog,

nang buntóng-hinin~gá, lúhà at himutóc,

ang matinding sintang iquina-lulunod

mag-pahangán n~gayon nang búhay cong capús.

Ang púsong matibay nang himaláng diquít

nahambál sa aquing malumbáy na hibíc

dangan ang caniyáng catutubong bait

ay humadláng, disin sintá co,i, nabihis.

N~guni,i, cun ang ó-o,i, dî man binitiuan

naliuanagan din sintang nadidimlán

at sa pag-panao co ay pinabauanan

nang may hiyang perlas na sa matá,i, nucál.

Dumatíng ang bucas nang aquing pag-alís[51]

¿sino ang sasayod nang bumugsóng sáquit?

¿dini sa púso co,i, alíu ang hinag-pís[52]

na hindî nagtimo nang caniyang cáliz?

¿May sáquit pa cayang lalalo nang tindí

sa ang sumisinta,i, maualay sa casi?

guni-guní lamang dî na ang mang-yari,

súcat icalugmóc nang púsong bayani.

¡O nangag-aalay nang maban~gong suób

sa daquilang altar ni Cupidong Dios

sa dusa co,i, cayó ang nacatataróc,

niyaóng man~gulila sa Laura cong irog!

At cundi sa lúhang pabaon sa aquin

namatáy na muna bago co na-atím

dúsang dî lumicat hangang sa dumatíng

sa bayang Crotonang cubcób nang hilahil.

Cuta,i, lulugsó na sa bayóng madalás

nang man~ga maquinang talagáng pang-ualat

siyang paglusob co,t, nang hucbong aquibat

guinipít ang digmáng cumubcób sa Ciudad.

Dito,i, ang masid-híng lubháng camatayan

at Parcas Aropos ay nagdamdám pagál[53]

sa pag-gapas nila,t, pagquitíl nang búhay

nang nag-hihin~galóng sa dugo,i, nag-lutang.

Naquita nang píling general Osmalíc

ang aquing marahás na pamimiyapis

pitóng susóng hanay na dúlo nang cáliz

uinahi nang tabác nang aco,i, masapit.

Sa caliua,t, cánan niya,i, nalagalág

man~ga soldados cong pauang mararahás

lumapit sa aquin matá,i, nagninin~gas

halica aniya,t, quita ang maglamas.

Limang oras caming hindî nag-hiualay

hangang sa nahapó ang bató nang tapang

nag-lucsâ ang lan~git nang aquing mapatáy

habág sa guerrerong sa mundo,i, tinac-hán.

Siya nang pagsilid nang pan~gin~gilabot

sa calabang hucbóng parang sinasalot

nang pamuc-sáng tabác ni Minandrong bantóg;

ang campo,t, victoria,i, napa-aming lubós.

Tagumpáy na ito,i, pumauí nang lumbáy

nang man~ga nacubcób nang casacuna-an

panganib sa púso,i, naguíng catoua-án;

ang pintô nang Ciudad pagdaca,i, nabucsán.

Sinalubong camí nang Haring daquilá

casama ang boong bayang natimaua

ang pasasalamat ay dî ma-apula

sa di magca-uastóng nagpupuring dilà.

Yaóng bayang hapo,t, bagong nacatigháo[54]

sa nagbálang bangis nang man~ga ca-auay

sa pagca-timauà ay nag-aagauáng[55]

málapit sa aqui,t, damít co,i, mahagcán.

Sa lacás nang hiyao nang famang matabil[AK]

vivang dugtóng-dugtóng ay naquiquisaliu

ang gulang salamat nagtangól sa amin.

dinin~gig sa Langit n~g m~ga bituin.

Lalò na ang touâ nang aco,i, matatap

na apó nang hari nilang liniliyag

ang monarca nama,i, dî muntî ang galác

lúhà ang nagsabi nang ligayang ganáp.

Nagsi-akiát camí sa palaciong bantóg

at nangag-pahin~gá ang soldadong pagód,

dapoua,t, ang baya,i, tatlong arao halos

na nacalimutan ang gauíng pagtulog.

Sa ligaya namin nang nunò cong harì

naquipag-itan din ang lilong pighatî

at ang pagcamatáy nang Ina cong pilî

malaon nang lantá,i, nanariuang mulî.

Dito naniuala ang batà cong loob

na sa mundo,i, ualang catoua-áng lubós,

sa minsang ligaya,i, talì nang casunód,

macapitóng lumbáy ó hangang matapos.

Maguíng limáng bouán acó sa Crotona

nag-pilit bumalíc sa Reinong Albania

¿di sinong susumáng sa acay nang sintá

cun ang tinutun~go,i, lalo,t, isang Laura?

Sa gayóng catulin nang aming paglacad

nai-inip aco,t, ang nása,i, lumipád,

¡abá,t,! nang matanao ang muóg nang Ciudad,

cumutóg sa aquing púso,i, lalong hírap!

Cayâ palá gayo,i, ang nauauagay-uay

sa cúta,i, hindî na bandilang binyagan

cundî Medialuna,t, Reino,i nasalacay[AL]

ni Aladíng sálot nang pasuquing bayan.

Ang aca,i, cong hocbo,i, cúsang pinahimpil

sa paá nang isang bundóc na mabangín,

dî caguinsa-guinsa,i, natanauán namin

pulutong nang morong lacad ay mahinhín.

Isang bini-bini ang gapós na tagláy

na sa damdám nami,i, tangcáng pupugútan

ang púsò co,i, lálong na-ipit nang lumbáy

sa gunitáng bacá si Laura cong búhay.

Cayâ dî napiguil ang ácay nang loób

at ang man~ga moro,i, bigla cong linusob,

¡palad nang tumacbó at hindî natapus,

sa aquing pamuc-sáng cáliz na may poót!

Nang ualâ na acóng pagbuntuháng gálit

sa di macaquibóng gapós ay lumapit,

ang taquip sa muc-ha,i, nang aquing i-alis

¡abá co,t, si Laura! ¿may laló pang sáquit?

Pupugutan dahil sa hindî pagtangáp

sa sintang mahalay nang Emir sa Ciudad,[AM]

nang mag-ásal hayop ang morong pan~gahás

tinampál sa muc-hâ ang himalang dilág.

Aquing dali-daling quinalág sa camay

ang lúbid na ualáng auà at pitagan

man~ga daliri co,i, na aalang-alang

marampî sa balát na cagalang-galang.

Dito naca-tangáp nang lúnas na titig

ang nagdaralitáng púsò sa pag-ibig,

arao nang ligayang una cong pag-din~gig

nang sintang Florante sa cay Laurang bibíg.

Nang aquing matantóng na sa bilangúan

ang bunying Monarca,t, ang Amá cong hirang

nag-utos sa hocbo,t, aming sinalacay

hangang dî nabauì ang Albaniang bayan.

Pagpasoc na namin sa loob nang Reino,

bilangua,i, siyang una cong tinun~go

hinán~go ang Hari,t, ang Duqueng Amá co,

sa caguino-cha,i, isá si Adolfo.

Labis ang ligayang quinamtán ng Harì

at nang natimauang camahalang pilì

si Adolfo lamang ang nagdalamhatî[56]

sa capurihán cong tinamó ang sanhî.

Pan~gimbuló niya,i, lalò nang nag-álab

nang aco,i, tauagin tangúlan nang Ciudad,

at ipinagdiuang nang Haring mataás

sa Palacio Real nang lubós na galác.

Sacá nahalatáng aco,i minamahál

nang pinag-uusig niyáng cariquitan

ang Conde Adolfo,i, nag-papacamatáy

dahil sa Corona, cay Laura,i, macasal.

Lumagò ang binhíng mulâ sa Atenas

ipinunlang násang aco,i, ipahamac

cay Adolfo,i, ualáng bagay na masac-láp

para nang búhay cong hindi ma-úutas.

Di nag iláng buan ang sa Reinong touà

at pasasalamat sa pagca-timua,

dumating ang isang hucbong maninira

nang taga Turquiang masaquím na lubha.

Dito ang pan~ganib at pag-iiyacan

nang bagong nahugot sa dálitang bayan[57]

lalo na si Laura,t, ang capan~gambahán

ang acó ay samíng pálad sa patayan.

Sa pagca,t, general acóng ini-átas

nang Harî sa hocbóng sa moro,i, lalabás

nag-uli ang loob nang bayang nasindác,

púsò ni Adolfo,i, parang nacamandág.

Linoob nang Lan~git na aquing nasúpil

ang hocbó nang bantóg na si Miramolín

siyang mulang arao na iquinalaguím

sa reinong Albania, nang turcong masaquím.

Bucód dito,i, madláng digmâ nang ca-auay

ang sunód-sunód cong pinag-tagumpayán

ano pa,t, sa aquing cáliz na matapang

labing-pitóng hari ang nan~gag-sigalang.

Isang arao acóng bagong nagvictoria

sa Etoliang Ciudad na cúsang binaca

tumangáp ng súlat n~g aquing Monarca

mahigpít na biling moui sa Albania.

At ang panihála sa dalá cong hocbó

ipinagtiualang iuan cay Minandro;

noón di,i, tumulac sa Etoliang Reino,

pagsunód sa Hari,t, Albania,i, tinun~go.

Nang dumatíng aco,i, gabíng cadilimán

pumasoc sa Reinong ualáng agam-agam

pagdaca,i, quinubcob ¡laquíng caliluhan!

na may tatlóng-pauong libong sandatahán.

Di binig-yang daang aquing pang mabunot

ang sacbát na cáliz at maca-pamoóc

boong catauán co,i, binidbíd ng gápos

piniit sa cárcel na catacot-tacot.

Sabihin ang aquing pamamangha,t, lumbáy

lálo nang matantóng Monarca,i, pinatáy

n~g Conde Adolfo cúsang idinamay,

ang Amá cong irog na mapagpalayao.

Ang násang yumama,t, háring mapataniág,

at uháo sa aquing dugô, ang yumacag,

sa púso ng Conde, sa gauáng magsucáb

¡o napacarauál na Albaniang Ciudad!

Mahigpit cang abá sa mapag-punuán

n~g han~gal na púnò at masamáng ásal,

sa pagca,t, ang Haring may han~gad sa yaman

ay mariing hampás nang Lan~git, sa bayan.

Aco,i, lálong abá,t, dinayà n~g ibig,

¿may cahirapan pang para n~g marin~gig,

na ang princesa co,i, nangacong mahigpit

pacasál sa Conde Adolfong balauis?

Itó ang nagcalat n~g lásong masid-hi

sa ugát ng aquing púsong mapighatí,

at pinag-nasaang búhay co,i, madalí

sa pinangalin~gang uala,i, magsaulí.

Sa pagcabilangóng labing-ualóng arao

na iiníp acó n~g di pagcamatáy,

gabí n~g hangoi,t, ipinagtuluyan

sa gúba,t, na ito,t, cúsang ipinugal.[58]

Bilang macalauang maliguid ni Febo

ang sangdaigdigan sa pagca-gapus co,

ng ina-acalang na sa ibang Mundó

imulat ang matá,i, na sa candungan mo.

Itó ang búhay cong silo-silong sáquit

at hindi pa tantô ang huling sasapit"

mahabang salitá, ay dito napatíd,

ang guerrero naman ang siyang nagsulit.

"Ang pagcabúhay mo,i, yamang natalastás,

tantoín mo namán n~gayon ang caúsap,

acó ang Aladin sa Perciang Ciudad

anác n~g balitang sultáng Alí-Adab.

Sa pagbátis niyaring mapait na lúhà

ang pagcabúhay co,i, súcat mahalatâ....

¡ay Amá co! baguit...? ¡ay Fleridang toua!

catoto,i, bayaan aco,i, mapayapa.

Magsama na quitáng sa lúha,i, ma-agnás,

yamang pinag-isá n~g masamáng pálad

sa gúbat na ito,i, antain ang uacás

ng pagcabúhay tang nalipós n~g hirap.

Hindî na inulit ni Florante namán

luha ni Aladi,i, pina-ibayuhan;

tumahán sa gúbat na may limáng bouan,

ng isang umaga,i, nagan-yác nag-libáng.

Canilang linibot ang loób n~g gúbat

cahit bahag-ya na macaquitang landás,[59]

dito sinalità ni Alading hayág,

ang caniyáng búhay na cahabag-habag.[60]

"Aniya,i, sa madláng guerrang pinagda-anan[61]

dî acó naghirap ng paquiquilaban,

para n~g bacahin ang púsong matibay

ni Fleridang irog na tinatan~gisan.

Cong naquiqui-umpóc sa madláng princesa,i,

si Diana,i, sa guitnâ ng maraming Ninfa,[AN][62]

caya,t, cun tauaguin sa Reino n~g Percia

isá sa Houris n~g m~ga Profeta.[AO]

Ano pa,t, pinalad na aquing dinaig

sa catiyaga-an ang púsong matipíd[63]

at pagcaca-ísa ng dalauang dibdib,

pagsintá ni ama,i, nabuyong gumi-it.

Dito na minulán ang pagpapahirap

sa aqui,t, ninasang búhay co,i, mautás

at n~g mag victoria sa Albaniang Ciudad

pag dating sa Percia,i, binilangóng agád.

At ang ibinuhat na casalanang co

dipa útos niya,i, iniuan ang hocbó

at n~g mabalitang Reino,i, naibauí mo,

aco,i, hinatulang pugutan ng úlo.

Nang gabíng malungcót na quinabucasan

uacás na tadhanang aco,i, pupugutan,

sa carcel ay nasoc ang isang general

dalá ang patauad na laong pamatáy.

Tadhanang mahigpit, ay malís pagdaca

houag mabucasan sa Reino n~g Percia,

sa munting pag souáy búhay co ang dusa;

sinonód co,t, útos n~g Hari co,t, amá.

N~guni,t, sa púso co,i, matamis pang lubha

natulóy naquitíl ang hiningáng aba

houag ang may búhay na nagugunita

ibá ang may candóng sa Lan~git co,t, toua.

May anim na n~gayóng taóng ualang licat[64]

nang linibot libot na casama,i, hirap...."

nápatiguil dito,t, sila,i, may nabat-yág

nagsa-salitaan sa loób nang gúbat.

Napaquingán nila,i, ang ganitóng saysay

"nang aquíng matatap na papupugutan

ang abáng sintá cong nasa bilanguan

nag dapa sa yapac nang Haring sucaban.

Inihin~gíng tauad nang luha at daing

ang caniyang anác na mutya co,t, guiliu

ang sagót ay cundi cusa cong tangapin

ang pagsintá niya,i, di patatauarin.

¿Anóng gagauín co sa ganitóng bagay?

¡ang sintá co caya,i, baya-an mamatáy!

napahinuhod na acó,t, nang mabúhay

ang Principeng írog na cahambal-hambál.

Ang dî nabalinong matibay cong dibdib

nang súyo nang hari, bála at pag hibic,[65]

naglambót na cúsa,t, humain sa sáquit

at nang ma-iligtás ang búhay nang ibig.[66]

Sa toua nang Hari, pinaualáng agád

ang dahil nang aquing lúhang pumapatác,

dapoua,t, tadhanang umalís sa Ciudad,

at sa ibáng lúpa,i, cúsang mauac-auac.

Pumanao sa Percia ang írog co,t, búhay

na hindî mang camí nagcasalita-an

¡tingní cong may lúha acóng ibubucál

na maitutumbás sa dusa cong tagláy!

Nang iguinagayác sa loob nang Reino

yaóng pagcacasál na camatayan co,

aquing na-acalang magdamit guerrero

cúsang magta-anang sa Real Palacio.

Isáng hatingabíng cadilima,i, lubhâ

lihim na naghunos acó sa bintana[67]

ualáng quinasama cun hindî ang nása

matuntón ang sintá cong nasaang lúpa.

May ilán n~g taón acóng nag lagalág

na pina-Palacio ang bundóc at gúbat

dumating n~ga rito,t, quita,i, na iligtas

sa masamang nasa niyaong taong sucáb....

Salita,i, nahinto na big-láng pagdatíng

n~g duque Florante,t, principe Aladín,

na pagca-quilala sa voces n~g guiliu

ang gaui n~g puso,i, dî napiguil-piguil.

¡Aling dila caya ang macasasayod

n~g touang quinamtán ng magcasing irog

sa hiya n~g sáquit sa lupa,i, lumubóg,

dalá ang caniang napulpól na túnod.

¡Saang calan~gitan na pa-aquiat cayâ

ang ating Florante sa tinamóng touá

n~gayóng tumititig sa ligayang muchá

n~g caniyang Laurang ninanása nasa.

Ano pa n~gayaóng gúbat na malungcót[68]

sa apat, ay naguíng Paraiso,t, lugód,

macailang hintóng caniláng malimot,[69]

na may hinin~gá pang súcat na malagót.

Sigabó ng toua,i, n~g dumalang dalang

dinin~gig n~g tat-lo cay Laurang búhay,

nasapit sa Reino mula ng pumanao

ang sintang nag gúbat: ganitó ang saysay.

"Di lub-háng nalaon niyaóng pag alismo

ó sintáng Florante sa Albaniang Reino!

naringig sa baya,i, isang píping guló

na umalin~gaon~gao hangáng sa Palacio.

N~guni,t, dî mangyaring mauatasuatasan

ang báquit, at húlo ng bulongbulon~gan

parang isang saquít na di mahulaan

ng médicong pantás, ang dahil; at saan.

Dî caguinságuinsá Palacio,i, nacubcób

n~g magulóng baya,t, baluting soldados

¡o arao nalubháng caquiquilabot!

¡arao na sinumpa n~g galit n~g Dios!

Sigauang malacás niyaóng bayang guló,

mamatáy mamatáy ang háring Linceo

na nagmunacalang gutumin ang Reino,t,

lag-yan nang Estanque ang cacani,t, trigo.

Ito,i, cay Adolfong cagagauáng lahat,

at n~g magcaguló yaóng bayang bulág

sa n~galan ng Hari ay isinambulat

gayóng órdeng mula sa dibdib n~g sucáb,

Noón di,i, hinugot sa tronong luc-lucan

ang Amá cong Hari at pinapugutan

¿may matouíd bagáng macapang-lulumay

sa sucáb na puso,t, nagugulóng bayan?

Sa arao ring yao,i, naput-lán ng ulo

ang tapát na loob n~g m~ga consejo

at hindî pumuról ang tabác na lilo

hangang may mabait na mahal sa Reino.

Umacyát sa trono ang Condeng malupít,

at pinagbalaan acó n~g mahigpít,

na cong dî tumangáp sa haying pag-ibig

dustáng camataya,i, aquing masasapit.

Sa pagnanasa cong siya,i, magantihán,

at sulatan quitá sa Etoliang bayan,

pinilit ang púsong houag ipamalay

sa lilo, ang aquing ca-ayaua,t, suclám.

Limáng bouang singcád ang hin~ging taning

ang caniyáng sinta,i, bago co tangapín;

n~guni,t, pinasiyáng túnay sa panimdím,

ang mag patiuacál cundî ca dumatíng.

Niyari ang sulat at ibinigáy co

sa tapát na lingcód, n~g dalhín sa iyó;

dî nag-isang bua,i, siyáng pagdatíng mo,t,

nahulog sa camáy ni Adolfong lilo.

Sa tacot sa iyó niyaóng palamara

cong acó,i, magbalíc na may hocbóng dalá[70]

n~g mag-isáng moui ay pinadalhánca

n~g may Sellong súlat at sa Haring firma.

Matanto co ito,i, sa malaquíng lumbay

gayác na ang puso na mag-patiuacál

ay siyáng pagdating ni Minandro namán

quinubcób n~g hocbó ang Albaniang bayan.

Sa banta co,i, siyang tantóng nacatangáp

ng sa iyo,i, aquing padaláng calatas

caya,t, n~g dumating sa Albaniang Ciudad,

Lobong nagugutom ang cahalintulad.

Nang ualáng magauá ang Conde Adolfo

ay cúsang tumauag n~g capoua lilo

dumatíng ang gabí umalís sa Reino

at aco,i, dinalang gapús sa cabayo.

Capagdatíng dito aco,i, dinadahás

at ibig ilugsó ang puri cong ingat,

mana,i, isang túnod na cong saán búhat

pumáco sa dibdib ni Adolfong sucáb...."

Sagót ni Flerida "nang dito,i, sumapit

ay may napaquingang binibining voses

na paquiramdám co,i, binibig-yáng sáquit[71]

nahambál ang aquing mahabaguíng dibdib.

Nang paghanaping co,i, icáo ang nataós

pinipilit niyaóng táuong balaquiót,

hindi co nabata,t, bininit sa búsog

ang isang palasóng sa lilo,i, tumapos..."

Dî pa napapatid itóng pan~gun~gusap[72]

si Minandro,i, siyang pagdating sa gúbat

dala,i, Ejército,t, si Adolfo,i, hanap

naquita,i, catoto ¡laquíng toua,t, galác!

Yaong Ejércitong mula sa Etolia

ang unang nauica sa gayóng ligaya[73]

Viva si Floranteng hari sa Albania

Mabuhay mabuhay ang Princesa Laura!"

Dinalá sa Reinong ipinag diriuang

sampu ni Aladi,t, ni Fleridang hírang

capouà tumangáp na man~gag-binyágan:

magca-casing-sinta,i, naraos nacasál.[74]

Namatáy ang bun-yíng Sultan Ali Adab

noui si Aladin sa Perciang ciudad:

ang Duque Florante sa Trono,i, naac-yát

sa siping ni Laurang minumut-yáng liyág.

Sa pamamahala nitóng bagong Hari

sa capayapaan ang Reino,i, na-uli

dito nacaban~gon ang nalulugámi

at napasa-toua ang nag-pipighatî.

Cayâ n~ga,t, nagta-ás ang camáy sa Lan~git

sa pasasalamat n~g bayang tangquilic

ang Hari,t, ang Reina,i, ualáng naiisip

cundî ang magsabog ng aua sa cabig.

Nagsasama silang lubháng mahinusay

hangang sa nasapit ang payápang bayan,

Tiguil aquing Musa,t, cúsa cang lumagáy

sa yápac ni CELIA,T, dalhín yaring ¡Ay! ... ¡Ay!