ICASAMPU NG CASAYSAYAN.—Tungcol sa pagtuturo sa bayan.

124.—Ang pagtuturo sa bayan ay magcacaroon n~g tatlong pagtang: una simulang aral; icalaua mataas na aral; icatló m~ga carunun~gan.

Sa simulang aral ay ituturo ang pagbasa, pagsasalitá at pagsulat n~g mahusay nang uicang tagalog na siyang uicang bayan (idioma oficial), at camunting pagcaaninao n~g uicang inglés, pagbilang at n~g m~ga quinauuculan n~g sarisaring bagay na naquiquita sa ibabao n~g lupa (Ciencias exactas, fisicas y naturales), at pupunan n~g camunting pagcaquilala n~g catungculan n~g tauo at n~g namamayan.

Sa mataas na aral ituturo ang dalauang sunduan (curso) n~g uicang inglés at dalaua ring sunduan n~g uicang francés na isasalit sa m~ga iba't ibang sunduan n~g m~ga sipi n~g nabanguit na carunun~gan at iba pang nauucol sa caugalian at pamamahala sa bayan (Ciencias morales y politicas), at n~g m~ga pasimulá n~g pag gauâ n~g m~ga libro at pagsulat sa m~ga limbagan at n~g m~ga gauang carictan (principios de literatura y bellas artes).

Sa m~ga carunun~gan ituturo ang malaqui at ganap na pagcaquilala n~g iba't ibang san~gá na nasasaclao n~g talas n~g isip at talas n~g camay. Sa carunun~gan n~g pilosopia at panunulat ay malalaquip ang pagtuturo n~g uicang latin at griego.

125.—Sa bauat baya'y magcacaroon n~g isang aralán n~g bayan, at dito'y nacapapasoc n~g ualang upa ang m~ga batang lalaqui at babayi na ibig macataroc n~g simulang aral, at ito'y pan~gan~gasiuaan n~g Sanguniang bayan na siya ring magpapalagay n~g m~ga Maestrong catulong sa baua't náyon.

Sa bauat cabayanan na may calaquihan ay pipiliting macapaglagay n~g isang Colegio na pagtuturuan n~g mataas na aral, at sa bauat bayang pinacamalaqui at mainam sa la hat ay magtatayó n~g isang Alulod n~g carunungan (Universidad).

Sa calooban n~g República ay maglalagay n~g bucal n~g carunungan (Universidad Central) at dito at sa malalaquing bayan ay maglalagay din naman n~g m~ga Sanayán (Academias y Conservatorios) sa ibat ibang san~gá n~g carunun~gan, gauang carictan at tálas sa hanap-buhay; casiping naman dito ang m~ga bahay na itinatalaga sa pagcacaauang gauá sa m~ga duc-ha at may m~ga saquit.

126.—Ang m~ga Propesor sa simulang aral ay cailan~gang mag taglay n~g catibayan n~g pagcabatsilier sa mataas na aral, at ang m~ga Propesor dito sa mataas ay magcacaroon naman n~g catibayang hauac n~g isang Licenciado ó Doctor sa ano mang san~gá n~g carunun~gan. Ang m~ga Propesor sa m~ga carunun~gan ay cailan~gang maguing Doctor sa san~gang ituturo.

127.—Casapol nitong pan~gan~galaga sa isip nang bayan ang pan~gan~galaga naman sa catauan, at dito'y sasanayin ang lacas n~g m~ga nagsisipagaral n~g unti-unti hangang matayang totoo at magamit sa pag aagao buhay (lucha por la existencia).

128.—Ang Tanun~gan, at sa capaniualaan nito'y ang m~ga Sanguniang cabayanan, ang cadóroonan n~g mataas na pan~gan~gasiua sa pagtuturo sa bayan, at dahil dito'y pag-aaralan at ihahamong sa Capisanan ang lalong mabuting pagpapatayó n~g m~ga Aralan at ang paraang lalong mabisa upang macapag aral ang lalong salát, at bucod pa'y pan~gan~galagaan na magcaroon ang m~ga Propesor nang catamtamang upa sa pagca't ang caalama'y isa sa malalaquing panulong sa icadadaquila n~g bayan.

129.—Ang m~ga Colegiong iban~gon n~g m~ga mámamayan ay ibabagay sa m~ga sinabi dito.

130.—Capag totoong nacalat na sa boong Capuluan ang uicang inglés ay siyang gagauing uicang-bayan.


MAN~GA CAPUPUNAN.

Cailan ma't aminin n~g Capisanang Tagapagban~gon ang Panucalang ito ay siyang maguiguing maliuanag na sigao at mistulang anino n~g m~ga hinagap at pacay n~g Pagbaban~gon (Revolución); caya't alin mang Tagapagban~gon na mag ibá n~g lacad at di tumulong sa paglalatag nitó mulang maagao ang tagumpay ay tutucuying mag lililo sa caniyang bayan.

Habang umiiral ang Pagbaban~gon ay gagamitin itó n~g Pamunoang Tagapagban~gon na parang pang dagdag na cautusan; caya't itó ang ipupunó sa m~ga caculan~gan n~g m~ga umiiral na cautusan at gagauin ang boo niyang macacaya upang maihandâ ang bayan, n~g pagsapit n~g tagumpay ay caracaracang mapairal at maipasunod ang boong maisasalio at papayagan n~g di ugaling cabagayan n~g digmá.

Capagcatayó n~g unang Capisanan n~g República ay mumulan ang pagcat-há n~g tunay na cautusan sa pagtatayó (Ley constitucional), na huag sisinsay sa m~ga patuntun~gang natititic dito sa Panucala at sa m~ga Pagbabagong ihatol n~g caramihan sa bayan, pagca't ang cautusang yao'y siyang bugtong na catibayan sa pagpasoc sa cabilugan n~g m~ga bayang timaua.



INDICE

Sa bayang Pilipinas

Ang tunay na sampung utos n~g Dios,13

Unang casaysayan.—Tungcol sa m~ga taga Pilipinas,17

Icalauang casaysayan.—Tungcol sa República n~g Pilipinas,26

Icatlong casaysayan.—Tungcol sa Capisanan (Congreso),27

Icapat na casaysayan.—Tungcol sa Tanun~gan (Senado),39

Icalimang casaysayan.—Tungcol sa m~ga Sanguniang cabayanan at Sanguniang bayan,43

Icaanim na casaysayan.—Tungcol sa Presidente n~g República at caniyang Pamunoan,45

Icapitong casaysayan.—Tungcol sa panihala n~g catouiran,52

Icaualong casaysayan.—Tungcol sa m~ga ambagan,57

Icasiyam na casaysayan.—Tungcol sa lacas n~g bayan (Fuerza militar),61

Icasampung casaysayan.—Tungcol sa pagtuturo sa bayan,63

M~ga capupunan,65